1 00:00:16,243 --> 00:00:17,923 Noong unang panahon, 2 00:00:18,523 --> 00:00:21,403 nang bigyan ang kababaihan ng kapangyarihang mamuno 3 00:00:21,403 --> 00:00:26,443 bilang mga mandirigma, reyna at ina ng bansa. 4 00:00:27,403 --> 00:00:28,883 'Di sila yumuyuko sa kahit sinong lalaki. 5 00:00:30,123 --> 00:00:34,163 Umaalingawngaw ang mga kilos nila sa buong kasaysayan nang walang pasintabi. 6 00:00:35,443 --> 00:00:38,403 At wala nang mas kilala pa sa kanila 7 00:00:38,403 --> 00:00:40,523 kaysa kay Cleopatra. 8 00:00:40,523 --> 00:00:43,003 Mapusok ba siya o matalino? 9 00:00:43,003 --> 00:00:46,083 Kasangga ba siya o kaaway? 10 00:00:46,083 --> 00:00:48,163 Maraming beses na natin narinig ang kaniyang leyenda. 11 00:00:49,963 --> 00:00:51,843 Pero iilan lang ang tunay na nakakakilala sa kaniya. 12 00:00:51,843 --> 00:00:52,923 Sa kaniyang katotohanan. 13 00:00:52,923 --> 00:00:54,363 Ako si Isis. 14 00:00:54,363 --> 00:00:55,723 Isa akong diyos. 15 00:00:57,683 --> 00:01:00,003 Sinamba siya at kinatakutan sa Ehipto, 16 00:01:00,003 --> 00:01:03,123 ginagalit at nilalait sa Roma, 17 00:01:03,123 --> 00:01:04,803 isang pinuno na may 'di maikakailang kapangyarihan 18 00:01:04,803 --> 00:01:07,043 na 'di kayang balewalain ng kahit sino. 19 00:01:07,043 --> 00:01:08,603 Mamamatay ako para sa Ehipto. 20 00:01:09,523 --> 00:01:11,323 Para saan mo iaalay ang buhay mo? 21 00:01:11,323 --> 00:01:14,603 Nagmahal siya nang husto, lumaban nang buong tapang, 22 00:01:14,603 --> 00:01:16,283 niloko ang kaniyang mga kalaban. 23 00:01:17,003 --> 00:01:20,323 Nalagpasan ni Cleopatra ang kadiliman ng kasaysayan 24 00:01:20,323 --> 00:01:25,563 at nag-iwan siya ng mga bakas na 'di mabubura ng kahit sinong lalaki. 25 00:01:49,563 --> 00:01:53,243 Ang lola ko ang naging inspirasyon ko. 26 00:01:54,443 --> 00:01:57,843 Uuwi ako sa bahay at ikukuwento ko sa kaniya ang mga natutuhan ko. 27 00:01:57,843 --> 00:01:59,523 {\an8}"Pinag-aaralan namin ang mga Griyego 28 00:01:59,523 --> 00:02:01,443 {\an8}at ang mga Romano. 29 00:02:01,443 --> 00:02:04,643 {\an8}At ngayon, pinag-aralan namin si Cleopatra. 30 00:02:04,643 --> 00:02:09,283 At naaalala ko pa talaga ang sinabi niya sa 'kin no'n, 31 00:02:09,283 --> 00:02:12,763 "Shelley, wala akong pakialam sa tinuturo nila sa inyo sa eskuwelahan. 32 00:02:12,763 --> 00:02:14,643 Black si Cleopatra." 33 00:02:16,403 --> 00:02:19,683 ANG DAKILANG AKLATAN NG ALEXANDRIA 51 BC 34 00:02:24,163 --> 00:02:26,123 Mula 323 BC, 35 00:02:26,123 --> 00:02:30,563 isang pamilya na orihinal na nagmula sa Macedonia, ang mga Ptolemy, 36 00:02:30,563 --> 00:02:32,323 ang namuno bilang mga paraon ng Ehipto. 37 00:02:32,323 --> 00:02:34,963 Pero ngayon, dahil sa biglang paglipat ng kapangyarihan, 38 00:02:34,963 --> 00:02:38,923 mababago nito ang buhay ng isang dalagita habambuhay. 39 00:02:40,283 --> 00:02:45,643 Unang-una sa lahat, isang iskolar si Cleoptara. 40 00:02:45,643 --> 00:02:47,403 Isa siyang siyentipiko. 41 00:02:47,403 --> 00:02:48,963 Isa siyang lingguwista. 42 00:02:48,963 --> 00:02:51,083 Pinahahalagahan niya ang mga 'yon 43 00:02:51,083 --> 00:02:54,643 tulad ng, kundi man labis, pagpapahalaga niya sa politika. 44 00:02:57,963 --> 00:03:01,723 Mahalaga kay Cleopatra ang Aklatan ng Alexandria 45 00:03:01,723 --> 00:03:03,603 dahil mahilig siyang magbasa. 46 00:03:03,603 --> 00:03:05,723 Pinag-aaralan niya ang lengguwahe ng Ehipto, 47 00:03:05,723 --> 00:03:08,723 {\an8}habang ang kaniyang mga angkan 48 00:03:08,723 --> 00:03:11,923 {\an8}ay 'di pinahalagahan ang pag-aaral ng sariling wika. 49 00:03:11,923 --> 00:03:13,803 {\an8}Kapag pumupunta siya sa aklatan noong bata pa siya, 50 00:03:13,803 --> 00:03:18,403 {\an8}marahil ay nagbabasa siya tungkol sa mga reyna ng Ehipto. 51 00:03:18,403 --> 00:03:21,363 'Yon ang nag-udyok sa kaniya na maging reyna. 52 00:03:32,683 --> 00:03:34,043 Hindi pa ako tapos. 53 00:03:34,603 --> 00:03:35,563 Oras na. 54 00:03:50,003 --> 00:03:53,403 Magkahalong lungkot at saya ang sandaling 'yon. 55 00:03:54,323 --> 00:03:56,363 Napagdaanan 'to ng kahit sinong pinuno. 56 00:03:56,963 --> 00:04:01,363 Para mamuno sila, kailangang mamatay ang mga magulang nila. 57 00:04:25,963 --> 00:04:28,523 Tumigil na kayo sa paghikbi. 58 00:04:39,403 --> 00:04:41,243 Handa na ba ang lahat? 59 00:04:41,243 --> 00:04:42,683 Opo, Ama. 60 00:04:45,403 --> 00:04:51,123 Nakaluklok na sa kapangyarihan ang mga Ptolemy mula pa noong 323 BCE. 61 00:04:51,803 --> 00:04:53,803 Kaya ang pinag-uusapan natin ay nasa... 62 00:04:54,803 --> 00:04:56,843 mahigit 200 taong nakalipas na. 63 00:04:58,403 --> 00:04:59,403 Nasaan ka? 64 00:05:00,763 --> 00:05:04,523 Naging pinuno ng Ehipto ang pamilya ni Cleopatra 65 00:05:04,523 --> 00:05:09,683 {\an8}dahil heneral ni Alexander the Great ang kauna-unahang Ptolemy, 66 00:05:09,683 --> 00:05:13,763 {\an8}na sumakop sa Ehipto at ang nagpatalsik sa namumunong dinastiya ng Persia. 67 00:05:14,603 --> 00:05:17,883 Mararahas ang mga Ptolemy. 68 00:05:17,883 --> 00:05:20,043 Hindi sila mga mabubuting tao. 69 00:05:23,003 --> 00:05:26,283 Wala akong tiwala sa kahit sino sa kanila. 70 00:05:26,283 --> 00:05:27,723 May itatanong ako. 71 00:05:27,723 --> 00:05:29,923 Umalis ka! 72 00:05:35,883 --> 00:05:37,363 Maging kalmado ka lang. 73 00:05:39,443 --> 00:05:43,163 Sisirain ng mga hunghang na 'to ang lahat ng ginawa ko. 74 00:05:44,363 --> 00:05:49,523 Hindi si Cleopatra ang pinakamatandang anak na babae ni Ptolemy XII. 75 00:05:49,523 --> 00:05:53,723 Ang totoo niyan, pinapatay na niya ang kaniyang nakakatandang anak 76 00:05:53,723 --> 00:05:56,523 dahil nangahas siyang angkinin ang trono. 77 00:05:57,163 --> 00:06:01,123 Gayunman, mukhang si Cleopatra ang paborito niyang anak. 78 00:06:01,123 --> 00:06:04,083 At sa kaniyang habilin, hangad niya para kay Cleopatra 79 00:06:04,083 --> 00:06:07,763 ang mamuno kasama ang kapatid niyang lalaki, si Ptolemy XIII. 80 00:06:08,523 --> 00:06:11,563 Itatayo kong muli ang pamilya natin. 81 00:06:15,523 --> 00:06:16,923 Kapag tinitingnan kita, 82 00:06:18,603 --> 00:06:20,003 nakikita ko ang sarili ko. 83 00:06:33,483 --> 00:06:38,363 Nasa 17 o 18 taong gulang si Cleopatra nang mamatay ang ama niya. 84 00:06:39,323 --> 00:06:41,083 Kaya sa pagkamatay niya, 85 00:06:41,083 --> 00:06:45,203 medyo nahaharap sa krisis si Cleopatra. 86 00:06:52,963 --> 00:06:55,243 May tatlo siyang buhay na mga kapatid. 87 00:06:55,243 --> 00:06:57,523 Dalawang kapatid na lalaki na nagngangalang Ptolemy 88 00:06:57,523 --> 00:06:59,763 at isang kapatid na babae na nagngangalang Arsinoe. 89 00:07:01,843 --> 00:07:07,723 May dahilan para matakot si Cleopatra sa kayang gawin ng mga kapatid niya, 90 00:07:08,963 --> 00:07:11,683 kahit pa mas bata sila sa kaniya. 91 00:07:11,683 --> 00:07:14,043 Lumisan na ang aking ama. 92 00:07:18,443 --> 00:07:20,683 Siyempre, ako ang mag-aasikaso ng lahat. 93 00:07:20,683 --> 00:07:22,123 Kamahalan. Ako-- 94 00:07:23,843 --> 00:07:25,883 Marami na'ng magbabago simula ngayon. 95 00:07:30,563 --> 00:07:32,803 Ano'ng... Ano'ng ibig niyang sabihin? 96 00:07:32,803 --> 00:07:37,363 Lubos na apektado ang kapatid ni Cleopatra sa isang yunuko na si Pothinus, 97 00:07:37,363 --> 00:07:39,283 na siyang nagpalaki sa kaniya. 98 00:07:39,283 --> 00:07:42,683 At may yunuko rin si Arsinoe na nagpalaki sa kaniya, 99 00:07:42,683 --> 00:07:46,763 kaya karamihan sa mga desisyon na ginagawa ng mga kapatid ni Cleopatra 100 00:07:46,763 --> 00:07:48,883 ay hindi talaga mula sa kanila. 101 00:07:48,883 --> 00:07:51,243 Maaaring mahal mo ang kapatid mo, 102 00:07:51,243 --> 00:07:54,443 pero may posibilidad pa rin na pagtaksilan ka nila. 103 00:07:54,443 --> 00:07:59,603 Sa tingin ko, ito ang klase ng relasyon na mayroon siya kay Arsinoe. 104 00:07:59,603 --> 00:08:02,723 May mahabang kasaysayan ang dinastiya ng Ptolemy 105 00:08:02,723 --> 00:08:05,243 {\an8}na kalaban nila ang isa't isa, 106 00:08:05,243 --> 00:08:09,043 {\an8}pinapaton ang isa sa mga kapatid, pinapatay ang isa sa mga kapatid. 107 00:08:09,043 --> 00:08:12,163 {\an8}Kapag lumaki kang isang Ptolemy, ibig sabihin ay sangkot ka 108 00:08:12,163 --> 00:08:14,843 {\an8}sa tuloy-tuloy na away ng pamilya. 109 00:08:14,843 --> 00:08:18,803 Sinisikap n'yong patayin ang isa't isa at umaasang hindi ka mapatay. 110 00:08:18,803 --> 00:08:22,763 Parang Game of Thrones ang pakiramdam nito. 111 00:08:27,123 --> 00:08:29,363 {\an8}Ang koronasyon sa Memphis 112 00:08:29,363 --> 00:08:33,483 {\an8}ang nakakuha sa atensiyon ng mga mataas na administrador at pari. 113 00:08:36,563 --> 00:08:41,483 Ito ang panahon na nagiging parte ang mga pinunong Ptolemaic 114 00:08:41,483 --> 00:08:45,323 ng 3,000 taong gulang na tradisyon ng pagkahari ng Ehipto. 115 00:08:52,203 --> 00:08:53,563 Nagsimula na silang magtipon. 116 00:08:54,243 --> 00:08:56,163 Sinasalubong ni Pothinus ang lahat. 117 00:08:56,163 --> 00:08:57,843 Hindi na ako nagulat. 118 00:08:58,443 --> 00:08:59,643 Upo. 119 00:09:00,203 --> 00:09:01,843 Tinutulungan ka lang niya. 120 00:09:01,843 --> 00:09:03,483 Para lang 'yan sa sarili niya. 121 00:09:07,683 --> 00:09:09,923 Ingatan mo 'yan. Hindi ko pa tapos 'yan. 122 00:09:11,563 --> 00:09:12,683 Dapat maging pantas ka. 123 00:09:12,683 --> 00:09:14,923 At hayaan ang Ehipto sa kamay ng mga hangal? 124 00:09:15,483 --> 00:09:17,043 Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo. 125 00:09:17,963 --> 00:09:20,043 Puwedeng ako si Pothinus. 126 00:09:20,043 --> 00:09:22,163 Imposible. Pakaladkad siya kung maglakad. 127 00:09:22,163 --> 00:09:25,003 Oras na para ipakilala ka sa mga tao. 128 00:09:25,003 --> 00:09:27,283 Kilala na ako ng mga tao. Ipakilala na lang nila ang bata. 129 00:09:28,123 --> 00:09:29,563 Alam kong nakakainip ito. 130 00:09:30,163 --> 00:09:31,683 Pero ito ang tradisyon. 131 00:09:32,443 --> 00:09:35,483 At ang mga tradisyon ang nakakasiguro sa mga tao. 132 00:09:35,483 --> 00:09:37,683 Panahon na para sa mga bagong tradisyon. 133 00:09:38,243 --> 00:09:39,443 Halika na. 134 00:09:39,443 --> 00:09:41,763 Tapusin na natin ang mga nakababagot na bagay 135 00:09:41,763 --> 00:09:45,123 para mapagtuunan mo na ng pansin ang mga nakatutuwang bagay, 136 00:09:45,123 --> 00:09:49,843 tulad ng tagtuyot at mga utang natin sa Roma. 137 00:09:49,843 --> 00:09:53,563 Maliban sa mga lalaking tagapayo niya, 138 00:09:53,563 --> 00:09:58,003 may dalawang pang babaeng tagapayo si Cleopatra, 139 00:09:58,003 --> 00:10:00,363 sina Charmion at Iras. 140 00:10:00,363 --> 00:10:03,523 Kasama na sila ni Cleopatra mula pa pagkabata. 141 00:10:03,523 --> 00:10:07,083 At madalas, hindi napagtatanto ng mga iskolar 142 00:10:07,083 --> 00:10:11,363 kung gaano kahalaga kay Cleopatra ang dalawang babaeng 'to. 143 00:10:17,003 --> 00:10:17,883 Umpisahan na. 144 00:10:25,443 --> 00:10:29,203 Sa kasamaang-palad para kay Cleopatra, sa habilin ng ama niya, 145 00:10:29,203 --> 00:10:35,283 dapat mamuno si Cleopatra sa Ehipto, kasama ang kapatid niya, si Ptolemy XIII. 146 00:10:35,843 --> 00:10:39,923 Puwede mong alisin ang kompetisyon sa pagpatay o puwede kayong magpakasal. 147 00:10:39,923 --> 00:10:42,163 'Di ibig sabihin na hindi sila pumapatay, 148 00:10:42,163 --> 00:10:44,203 pinili lang nila munang magpakasal. 149 00:10:46,643 --> 00:10:47,963 Handa ka na, Kapatid? 150 00:10:47,963 --> 00:10:49,923 Mga anak ng Ehipto, 151 00:10:50,843 --> 00:10:56,723 nandito tayo ngayon para saksihan sina Thea Philopator Cleopatra 152 00:10:57,363 --> 00:11:01,083 at Ptolemy Theos Philopator. 153 00:11:01,643 --> 00:11:04,843 Kailangang may lalaki at babaeng paraon 154 00:11:04,843 --> 00:11:08,923 dahil sina Isis at Osiris ang mga pangunahing diyos 155 00:11:08,923 --> 00:11:10,803 sa relihiyon ng Ehipto. 156 00:11:10,803 --> 00:11:16,043 At dahil ang lalaki at babaeng paraon ay mga diyos din, 157 00:11:16,043 --> 00:11:19,643 dapat nilang salaminan sina Isis at Osiris. 158 00:11:19,643 --> 00:11:21,643 Pinapakasalan ng mga diyos ang mga kapatid nila. 159 00:11:21,643 --> 00:11:23,403 Normal 'to sa mga diyos. 160 00:11:23,403 --> 00:11:27,363 Kaya, itinuturing itong wastong gawain. 161 00:11:27,363 --> 00:11:29,243 At lalo pa sa isang pinunong Ptolemaic, 162 00:11:29,243 --> 00:11:31,243 na gustong suportahan ang tradisyonal na relihiyon, 163 00:11:31,243 --> 00:11:33,083 'yon talaga ang paraan. 164 00:11:33,083 --> 00:11:34,843 Inihahandog ko sa inyo... 165 00:11:35,843 --> 00:11:39,763 ang mga bagong silang na sina Osiris at Isis. 166 00:12:16,923 --> 00:12:21,803 Dahil bata pa si Ptolemy, ang kaniyang kapatid na asawa, 167 00:12:21,803 --> 00:12:27,763 may tiyak na kalamangan si Cleopatra sa kaniyang posisyong pang-estratehiya. 168 00:12:29,563 --> 00:12:34,483 Pero may mga makapangyarihang tagapayo si Ptolemy sa korte. 169 00:12:34,483 --> 00:12:38,443 Si Pothinus ang pangunahing tagapayo niya. 170 00:12:40,443 --> 00:12:42,683 Gustong mamuno ni Pothinus. 171 00:12:44,603 --> 00:12:46,563 Si Cleopatra ang hadlang. 172 00:12:51,883 --> 00:12:55,643 Nang makaupo na si Cleopatra sa trono, 173 00:12:55,643 --> 00:12:57,483 isa sa mga unang ginawa niya 174 00:12:58,043 --> 00:13:01,163 {\an8}ay ang pagtangkang maglakbay 175 00:13:01,163 --> 00:13:05,923 para mapagtibay ang relasyon niya sa mga Ehipto. 176 00:13:14,803 --> 00:13:16,403 Ang baho. 177 00:13:16,963 --> 00:13:19,563 Puwede bang huwag kang bastos? 178 00:13:19,563 --> 00:13:21,523 Mga tao natin sila. Nakatingin sila sa 'tin. 179 00:13:21,523 --> 00:13:23,123 - Pasensiya na. - Kumusta. 180 00:13:25,643 --> 00:13:30,163 Sa tingin ko, ang kagustuhan niya na mas makilala ang mga Ehipto 181 00:13:30,643 --> 00:13:35,483 ang naging paraan niya para mas mapabilang siya sa bansa. 182 00:13:40,603 --> 00:13:43,443 May tatlong pangunahing populasyon sa kabuuan ng Ehipto. 183 00:13:43,443 --> 00:13:44,963 Nariyan ang mga katutubong Ehipto. 184 00:13:44,963 --> 00:13:48,803 Nariyan ang mga Griyego, na dumating kasama ng mga Ptolemy. 185 00:13:48,803 --> 00:13:51,563 Tapos, nariyan din ang malaking populasyon ng mga Hudyo. 186 00:13:51,563 --> 00:13:54,643 Hindi gusto ng tatlong populasyon na 'to ang isa't isa, 187 00:13:54,643 --> 00:13:57,323 pero nagkakaisa sila sa pagkamuhi pagdating sa Roma. 188 00:13:58,323 --> 00:14:00,363 Kadalasan, 189 00:14:00,363 --> 00:14:06,883 inilalayo ng mga Ptolemy ang sarili nila sa mga katutubong Ehipto. 190 00:14:06,883 --> 00:14:09,443 Ano ba, ang ganda niyan. Tingnan mo ang mga kulay. 191 00:14:10,803 --> 00:14:12,723 May ganiyang mga kulay tayo sa 'tin. 192 00:14:13,323 --> 00:14:17,523 Ang pagiging malapit ni Cleopatra sa mga Ehipto 193 00:14:17,523 --> 00:14:22,443 ay tinitingnan at pinaghihinalaan ng mga taong katulad ni Pothinus, 194 00:14:22,443 --> 00:14:25,643 na nagsasabing isa lamang 'tong kahibangan 195 00:14:25,643 --> 00:14:27,163 ng isang hangal na babae. 196 00:14:27,163 --> 00:14:32,003 Pero itinuring ito ng mga katutubo bilang simbolo ng pamumuno. 197 00:14:37,483 --> 00:14:40,963 Ang unang nakatalang pangyayari sa pamumuno ni Cleopatra 198 00:14:40,963 --> 00:14:45,723 ay ang selebrasyon niya sa pagkakabit ng bagong torong Buchis. 199 00:14:48,323 --> 00:14:51,843 Ang makamundong simbolo ng diyos na si Montu, 200 00:14:51,843 --> 00:14:55,123 isang sinaunang diyos ng Ehipto. 201 00:14:58,483 --> 00:15:00,043 At kamangha-mangha talaga 'to, 202 00:15:00,043 --> 00:15:04,083 para kay Cleopatra na maglakbay sa itaas na bahagi ng Ehipto 203 00:15:04,083 --> 00:15:05,843 para ipagdiwang ang ritwal na ito, 204 00:15:05,843 --> 00:15:09,723 ang nagsasaad na gusto niya maging reyna ng Ehipto, 205 00:15:09,723 --> 00:15:12,043 at 'di lang basta reynang Ptolemaic. 206 00:15:16,003 --> 00:15:21,923 Malapit ang damdamin ni Cleopatra sa mga Ehipto. 207 00:15:22,723 --> 00:15:25,603 Pinag-aralan ni Cleopatra ang lengguwahe nila. 208 00:15:25,603 --> 00:15:28,083 Isinabuhay niya ang kanilang relihiyon. 209 00:15:28,683 --> 00:15:31,363 Gusto niyang maalala bilang isang Ehipto. 210 00:15:35,763 --> 00:15:39,243 Hindi natin alam ang lahing pinanggalingan niya. 211 00:15:39,803 --> 00:15:43,323 'Di natin alam kung sino ang nanay ni Cleopatra. 212 00:15:43,923 --> 00:15:46,083 Nagkaroon ng maraming pagsasaliksik 213 00:15:46,083 --> 00:15:49,883 para patunayan na Ehipto ang kaniyang ina 214 00:15:49,883 --> 00:15:51,963 pero 'di pa tayo nakakasiguro. 215 00:15:51,963 --> 00:15:54,563 Wala ring nakakasiguro kung sino ang lola ni Cleopatra. 216 00:15:55,123 --> 00:15:58,843 Binigyan ng palayaw ang ama ni Cleopatra na hindi lehitimo, 217 00:15:58,843 --> 00:16:00,323 kaya kinilala na lang ng mga tao 218 00:16:00,323 --> 00:16:04,883 na maaring kabilang sa korte ng hari ang kaniyang ina. 219 00:16:04,883 --> 00:16:06,643 Posible rin na isa siyang Ehipto. 220 00:16:07,603 --> 00:16:11,243 Iba't iba ang kulay ng balat ang mga sinaunang Ehipto, 221 00:16:11,243 --> 00:16:14,203 na makikita natin sa ibang mga kulturang Aprikano ngayon. 222 00:16:14,203 --> 00:16:20,683 Nag-iiba ang kulay ng balat mula black hanggang mapusyaw na kayumanggi, 223 00:16:20,683 --> 00:16:25,363 katulad ng mga tao sa South Sudan 224 00:16:25,363 --> 00:16:28,003 hanggang sa kasalukuyang Ehipto. 225 00:16:28,003 --> 00:16:31,603 Kahit na sinasagisag ni Cleopatra ang kaniyang sarili bilang isang Ehipto, 226 00:16:31,603 --> 00:16:38,203 kaduda-duda na pinipilit natin na siya ay taga-Europa. 227 00:16:39,883 --> 00:16:42,163 Kung susuriin ang mga paglalarawan sa kaniya, 228 00:16:42,163 --> 00:16:43,483 magkakaiba ang hitsura niya, 229 00:16:43,483 --> 00:16:46,443 depende sa kung sino ang naglalarawan sa kaniya. 230 00:16:46,443 --> 00:16:50,363 Nag-iiba ang paglalarawan sa kaniya, nag-iiba ang pagkakakilala sa kaniya. 231 00:16:50,363 --> 00:16:52,563 Para siyang isang hunyango. 232 00:16:53,203 --> 00:16:55,803 Nakakabighani si Cleopatra dahil naiisip natin siya, 233 00:16:55,803 --> 00:16:58,003 na lahat tayo ay may pagkakakilanlan sa kaniya. 234 00:16:58,483 --> 00:17:01,243 Naiisip ko na parehas kaming kulot ang buhok 235 00:17:01,243 --> 00:17:02,683 at pareho kami ng kulay ng balat. 236 00:17:14,683 --> 00:17:17,283 Ang ilan sa mga hamon na hinaharap ni Cleopatra 237 00:17:17,283 --> 00:17:20,483 nang maluklok siya sa trono pagkatapos mamatay ng ama niya 238 00:17:20,483 --> 00:17:23,162 ay ang malaking utang na iniwan nito. 239 00:17:23,162 --> 00:17:26,483 {\an8}Umaasa lang ang Ehipto sa Roma noong mga panahong 'yon. 240 00:17:26,483 --> 00:17:32,122 {\an8}At sinisikap nang husto ng mga Ptolemy na mapanatili ang kasarinlan. 241 00:17:32,122 --> 00:17:35,363 {\an8}Umuusbong ang kapangyarihan ng Roma. 242 00:17:35,363 --> 00:17:37,483 {\an8}Naiintindihan ng Roma 243 00:17:37,483 --> 00:17:42,723 na ang Ehipto ang pangunahing bukirin ng Mediterranean. 244 00:17:42,723 --> 00:17:47,963 Pero nasa alanganing sitwasyon ang Ehipto. 245 00:17:47,963 --> 00:17:53,363 Ang Nile, na dapat bumaha kada taon para makapag-ani ng pananim, 246 00:17:53,363 --> 00:17:57,483 ay ilang taon nang hindi bumaha sa parehong lebel. 247 00:17:57,483 --> 00:17:59,603 Hindi 'to kasalanan ni Cleopatra. 248 00:17:59,603 --> 00:18:02,963 Hindi naman talaga kapag natural na pangyayari. 249 00:18:03,443 --> 00:18:09,003 Pero nalagay sa alanganin si Cleopatra dahil dito. 250 00:18:21,003 --> 00:18:22,603 Dapat pumunta ako nang mas maaga. 251 00:18:22,603 --> 00:18:23,723 Nandito ka na ngayon. 252 00:18:24,283 --> 00:18:25,803 Buksan ang mga imbakan ng trigo ng hari. 253 00:18:26,603 --> 00:18:27,683 Pakainin na natin sila. 254 00:18:28,723 --> 00:18:30,283 Magtayo na rin tayo ng templo. 255 00:18:30,843 --> 00:18:32,283 Bigyan natin sila ng pag-asa. 256 00:18:33,643 --> 00:18:35,003 Maaalala nila 'to. 257 00:18:37,763 --> 00:18:39,003 Ako rin. 258 00:18:40,243 --> 00:18:41,683 Mabuti na lang at dumayo ako. 259 00:18:52,363 --> 00:18:54,963 May digmaang sibil na nagaganap sa Roma. 260 00:18:57,483 --> 00:18:59,043 Tungkol na naman ito sa kapangyarihan. 261 00:19:00,163 --> 00:19:01,123 Dalawang lalaki ito. 262 00:19:02,483 --> 00:19:06,683 Si Julius Caesar na kumakatawan sa "mga tao," 263 00:19:06,683 --> 00:19:09,043 at si Pompey the Great 264 00:19:09,043 --> 00:19:12,483 na kumakatawan sa Optimates o mga mayayaman. 265 00:19:13,203 --> 00:19:18,123 Nangutang nang malaki ang ama ni Cleopatra, si Ptolemy XII, 266 00:19:18,123 --> 00:19:20,483 lalong-lalo na kay Pompey. 267 00:19:20,483 --> 00:19:25,443 Ang relasyon talaga ng Ehipto sa Roma ay... 268 00:19:25,443 --> 00:19:27,763 parang mahirap na pinsan. 269 00:19:30,363 --> 00:19:33,603 Hindi madali na panahon ito para kay Cleopatra. 270 00:19:34,323 --> 00:19:37,803 Alam niya na ang kapatid niya, na si Ptolemy XIII, 271 00:19:37,803 --> 00:19:41,363 ay nalilinlang ni Ponthinus. 272 00:19:41,363 --> 00:19:44,443 Gusto niya ng diplomasya. 273 00:19:44,443 --> 00:19:49,643 Gusto niyang makipagtulungan kay Pompey, para malaman ang kagustuhan niya. 274 00:19:51,283 --> 00:19:56,403 Pero may ibang plano sina Pothinus at Ptolemy XIII. 275 00:20:01,083 --> 00:20:03,003 Bakit mo tinanggihan ang hiling ni Pompey? 276 00:20:03,963 --> 00:20:06,403 Natatalo na siya sa digmaan. 'Di ba? 277 00:20:09,323 --> 00:20:12,523 Bagong patakaran na ba ang pag-iwan sa mga kakampi natin? 278 00:20:13,403 --> 00:20:15,323 Tinulungan niya tayo nang ipatapon ang ama natin, 279 00:20:15,323 --> 00:20:16,243 nasaan na ang iyong dangal? 280 00:20:16,243 --> 00:20:19,283 Mawalang galang lang, nagpadala tayo ng mga sundalo nang lumapit siya sa 'tin, 281 00:20:19,283 --> 00:20:20,683 at 'di 'yon nakatulong. 282 00:20:21,323 --> 00:20:24,563 Nag-iingat lang ang ating kamahalan. 283 00:20:24,563 --> 00:20:27,723 Hindi tamang magpadala tayo ng mga mabubuting sundalong Ehipto 284 00:20:27,723 --> 00:20:29,483 sa malupit na digmaan ng mga Romano. 285 00:20:29,483 --> 00:20:30,843 Pinaghirapan ng ating ama 286 00:20:30,843 --> 00:20:33,923 na siguruhing ang Ehipto ang kamay na magpapakain sa Roma, 287 00:20:34,763 --> 00:20:36,283 hindi lang basta maging kolonya. 288 00:20:37,123 --> 00:20:38,843 Ang pag-iingat mong ito ang-- 289 00:20:38,843 --> 00:20:41,803 Nagugutom na ang mga Ehipto dahil sa pagpakain natin sa Roma. 290 00:20:42,563 --> 00:20:45,923 At mabanggit ko lang ang tungkol sa binuksang mga imbakan sa timog. 291 00:20:46,723 --> 00:20:48,843 Ano pa ang natitirang makakain sa Alexandria? 292 00:20:50,043 --> 00:20:51,483 Masyadong mapanganib 293 00:20:51,483 --> 00:20:53,683 kung mangingialam tayo sa politika ng Romano. 294 00:20:59,803 --> 00:21:02,883 Damay na tayo sa politika ng Roma, Pothinus. 295 00:21:10,283 --> 00:21:13,643 Ang mga taong nagpapayo kay Ptolemy XIII 296 00:21:13,643 --> 00:21:15,643 ang talagang may kontrol sa puntong 'yon. 297 00:21:15,643 --> 00:21:18,963 At ang pangunahin nilang layunin ay ang patayin si Cleopatra. 298 00:21:21,523 --> 00:21:23,963 Nagawang makakuha ni Pothinus... 299 00:21:25,083 --> 00:21:28,683 ng mga taga-Alexandria sa panig niya. 300 00:21:31,683 --> 00:21:33,963 At nagsagawa sila ng pag-alsa sa palasyo. 301 00:21:42,323 --> 00:21:47,883 Ito ang nag-udyok kina Cleopatra at Arsinoe na tumakas. 302 00:21:53,523 --> 00:21:55,003 {\an8}Alam niyang suportado sa kaniya 303 00:21:55,003 --> 00:21:59,283 ng mga taong nakatira sa Memphis at Thebes. 304 00:21:59,283 --> 00:22:02,523 Tapat ang mga taong ito sa kaniyang ama. 305 00:22:04,123 --> 00:22:07,083 At sa hilagang Ehipto siya unang nagtago. 306 00:22:10,923 --> 00:22:12,803 Babalik ako para ipaglaban ang trono ko. 307 00:22:14,163 --> 00:22:15,283 Kaninong hukbo ang isasama mo? 308 00:22:15,283 --> 00:22:17,683 Ilang sundalo ang matitipon natin mula sa timog ng Ehipto? 309 00:22:18,803 --> 00:22:19,883 Kukulangin ka. 310 00:22:20,563 --> 00:22:23,683 Kaunti lang din ang mapagkakatiwalaan mo. 311 00:22:24,883 --> 00:22:28,123 Pamumunuan ni Achillas ang hukbo ng kapatid mo. 312 00:22:29,003 --> 00:22:33,443 Kailangan mo ng mga lalaki na 'di matatakot sa kaniyang kagalingan. 313 00:22:33,443 --> 00:22:35,683 {\an8}Hindi ko akalaing kikilos nang gano'n kabilis si Pothinus. 314 00:22:35,683 --> 00:22:37,283 Minaliit mo siya. 315 00:22:38,323 --> 00:22:41,243 Pero mahirap makita ang ulupong sa mataas na damo, 316 00:22:41,243 --> 00:22:42,723 maliban kung isa kang ibon. 317 00:22:44,963 --> 00:22:48,363 Pupunta ako sa silangan sa Siria. May mga kaibigan ang aking ama roon. 318 00:22:49,283 --> 00:22:52,803 Mga kaibigan na kilala ka bilang tunay niyang tagapagmana. 319 00:23:03,363 --> 00:23:05,883 {\an8}Lumaki si Cleopatra sa Alexandria. 320 00:23:05,883 --> 00:23:07,243 {\an8}Nasa pagkatao niya 'to. 321 00:23:07,243 --> 00:23:11,803 {\an8}Kaya, masakit na karanasan para sa kaniya ang mapatapon. 322 00:23:11,803 --> 00:23:17,883 At umaasa siguro siya na makabalik sa lalong madaling panahon. 323 00:23:17,883 --> 00:23:21,083 Sigurado ako na si Cleopatra ang tipo na 'di marunong sumuko. 324 00:23:21,083 --> 00:23:23,043 Talagang palaban siya. 325 00:23:23,803 --> 00:23:28,043 Dalawang taong namalagi si Cleopatra sa Syria. 326 00:23:28,043 --> 00:23:31,163 Sa panahong 'yon, nakabuo siya ng sarili niyang hukbo. 327 00:23:32,723 --> 00:23:35,643 Kailangan niya lang mabuhay, 328 00:23:35,643 --> 00:23:40,323 ito ang pinakatama niyang gawin. 329 00:23:45,283 --> 00:23:48,283 Nasa kaniya ang suporta ng mga Ehipto. 330 00:23:48,283 --> 00:23:51,563 Nasa kaniya ang suporta ng mga taga-Syria. 331 00:24:02,683 --> 00:24:07,003 Pakiramdam niya siguro na malakas siya. 332 00:24:18,003 --> 00:24:21,083 Mula nang mapilitan si Cleopatra na lisanin ang Ehipto, 333 00:24:21,083 --> 00:24:23,163 maiisip nating nagpaplano siya 334 00:24:23,163 --> 00:24:25,243 kung paano makakabalik sa trono. 335 00:24:26,443 --> 00:24:29,963 At binigyan siya ng tamang pagkakataon. 336 00:24:31,323 --> 00:24:32,803 Sa digmaang sibil ng mga Romano, 337 00:24:32,803 --> 00:24:35,883 nagkaroon ng malaking labanan sa Pharsalus sa Greece. 338 00:24:36,723 --> 00:24:40,843 Natalo ni Julius Caesar si Pompey, ang dati niyang manugang. 339 00:24:42,003 --> 00:24:44,563 Tumakas si Pompey papuntang Ehipto 340 00:24:44,563 --> 00:24:46,563 para humingi ng tulong. 341 00:24:48,243 --> 00:24:50,763 At hindi nagtagal, 342 00:24:51,243 --> 00:24:52,643 sumunod si Julius Caesar. 343 00:24:53,123 --> 00:24:55,563 {\an8}Bumalik na si Cleopatra sa Ehipto. 344 00:24:58,123 --> 00:25:00,083 Kung pupuntiryahin natin ang mga depensa sa hilaga, 345 00:25:00,083 --> 00:25:02,443 maiiwan bang mahina ang silangang bahagi natin? 346 00:25:02,443 --> 00:25:05,443 Hindi, kung maglalagay tayo ng hukbo rito at dito. 347 00:25:05,443 --> 00:25:06,363 Sige. 348 00:25:06,363 --> 00:25:09,043 Papunta na si Pompey sa kampo militar ni Ptolemy. 349 00:25:09,043 --> 00:25:10,203 Kung susunod si Caesar, 350 00:25:10,203 --> 00:25:13,123 siguradong dadalhin niya ang digmaang sibil dito sa 'tin. 351 00:25:13,123 --> 00:25:15,003 Mawawalan siya ng suporta 'pag nagkataon. 352 00:25:15,003 --> 00:25:18,603 Paano kung gusto niyang maghiganti sa pagsuporta natin kay Pompey noon? 353 00:25:18,603 --> 00:25:19,723 Ano naman? 354 00:25:20,443 --> 00:25:21,723 Puwes, papatayin natin si Pompey. 355 00:25:22,563 --> 00:25:23,723 Hindi natin papatayin si Pompey. 356 00:25:24,203 --> 00:25:26,603 'Yon ang pinakamadaling paraan para kumampi kay Caesar. 357 00:25:26,603 --> 00:25:28,603 Hindi natin papatayin ang manugang ni Caesar. 358 00:25:33,683 --> 00:25:34,923 Kamahalan! 359 00:25:35,883 --> 00:25:37,083 Kailangan itayo ulit 'to. 360 00:25:37,083 --> 00:25:38,563 Napakalaki ng nakataya rito. 361 00:25:38,563 --> 00:25:43,523 Kung hindi makuha ni Cleopatra ang tiwala ni Julius Caesar, 362 00:25:43,523 --> 00:25:46,003 baka mapatapon siya mula sa Ehipto habambuhay 363 00:25:46,003 --> 00:25:48,563 at tuluyan nang mawala sa trono. 364 00:25:56,843 --> 00:25:58,643 Lumapag na si Pompey. 365 00:26:02,563 --> 00:26:05,083 At trinaydor siya. 366 00:26:06,723 --> 00:26:08,923 Si Pothinus ang nagsaayos nito... 367 00:26:10,163 --> 00:26:14,723 at si Pothinus din ang may pakana nang pagpugot kay Pompey. 368 00:26:15,923 --> 00:26:19,923 Nakumbinsi ni Pothinus si Ptolemy XIII 369 00:26:19,923 --> 00:26:26,043 na papaboran sila nito ni Julius Caesar. 370 00:26:26,043 --> 00:26:32,003 Pero hindi nila naintindihan ang karangalan ng Romano. 371 00:26:32,643 --> 00:26:33,963 Sabihin mo sa akin, 372 00:26:34,843 --> 00:26:36,403 sino ang gumawa nito? 373 00:26:43,883 --> 00:26:48,803 Hindi handa sina Pothinus at Ptolemy XIII sa naging reaksiyon ni Julius Caesar. 374 00:26:49,443 --> 00:26:54,923 Galit na galit siya sa pagpatay nila sa dating estadista, 375 00:26:54,923 --> 00:26:58,603 sa naging kapuwa-pinuno ng Romanong Republika, 376 00:26:58,603 --> 00:27:01,483 at sa kaniyang dating manugang. 377 00:27:08,803 --> 00:27:12,203 Ang pagdating ni Julius Caesar sa Alexandria, 378 00:27:12,203 --> 00:27:16,123 ang nagbigay ng tamang pagkakataon kay Cleopatra 379 00:27:16,123 --> 00:27:17,683 para sa bago niyang estratehiya. 380 00:27:19,003 --> 00:27:20,563 Paano natin gagawin 'to? 381 00:27:21,123 --> 00:27:23,123 Maliban kung mabubuhay mo ang patay, hindi ko rin alam. 382 00:27:24,963 --> 00:27:26,723 Kailangan kong makipagkita sa kaniya. 383 00:27:27,283 --> 00:27:29,363 Masyadong mapanganib 'yan. 384 00:27:30,123 --> 00:27:32,043 Nagluluksa at pagod siya mula sa labanan, 385 00:27:32,043 --> 00:27:33,443 ayaw niya nang mahirapan. 386 00:27:33,443 --> 00:27:34,643 Padadaliin ko ang buhay niya. 387 00:27:35,803 --> 00:27:37,083 Mag-iisip ako ng paraan. 388 00:27:38,403 --> 00:27:39,443 Salamat. 389 00:27:54,203 --> 00:27:56,483 Si Caesar ay 'di lang basta-basta. 390 00:27:56,483 --> 00:27:58,843 Siya ang pinakatanyag na tao sa mundo. 391 00:27:58,843 --> 00:28:01,443 Kapag dumadating siya, pinagkakaguluhan siya. 392 00:28:01,443 --> 00:28:05,163 Naging komportable siya sa palasyo sa Alexandria, 393 00:28:05,723 --> 00:28:08,923 kaya nag-alala kaaagad ang magkakapatid 394 00:28:08,923 --> 00:28:12,243 nang dumating si Caesar at naging komportable 395 00:28:12,243 --> 00:28:14,483 sa palasyo nila, sa kanilang lungsod. 396 00:28:14,483 --> 00:28:17,563 Si Cleopatra ang humarap dito sa pagsasabi na, 397 00:28:17,563 --> 00:28:19,723 "Babalik ako sa sarili kong palasyo. 398 00:28:19,723 --> 00:28:21,603 Baka puwede akong makipag-alyansa sa kaniya." 399 00:28:22,923 --> 00:28:26,163 PALASYO NG HARI 400 00:28:29,683 --> 00:28:30,803 Pasok. 401 00:28:37,003 --> 00:28:38,723 Ano 'to? 402 00:28:42,323 --> 00:28:43,363 Humihingi ako ng tawad, 403 00:28:43,363 --> 00:28:45,483 pero ito lang ang paraan para makipagkita sa 'yo. 404 00:28:46,523 --> 00:28:49,403 Ang pagkikita nina Julius Caesar at Cleopatra 405 00:28:49,883 --> 00:28:53,883 ang isa sa pinakasikat na makasaysayang pangyayari na naitala. 406 00:28:54,643 --> 00:28:57,043 Pero ang nakasasabik na kuwento 407 00:28:57,043 --> 00:29:00,803 ng pagpuslit sa kaniya sa karpet ay malabo. 408 00:29:01,403 --> 00:29:03,683 Kahit nakapuslit si Cleopatra papasok, 409 00:29:03,683 --> 00:29:06,363 siguradong ipinasok siya sa loob ng isang bag. 410 00:29:06,363 --> 00:29:12,403 Ang kuwentong ito ay mula sa isang Griyegong mananalaysay, si Plutarch, 411 00:29:12,403 --> 00:29:15,803 na nabuhay nang 150 taon matapos mamatay si Cleopatra. 412 00:29:16,363 --> 00:29:17,683 Wala siyang alam. 413 00:29:17,683 --> 00:29:20,883 Nagkaroon ng tangkang propaganda 414 00:29:20,883 --> 00:29:24,643 para impluwensiyahan ang mga Romano palayo kay Cleopatra. 415 00:29:25,123 --> 00:29:27,203 Kaya kinilala siya bilang manunukso, 416 00:29:28,323 --> 00:29:32,243 imbes na isang magandang babae na kinaaakitan ng lahat. 417 00:29:32,243 --> 00:29:35,883 Parang may hiwagang nakapalibot sa kaniya. 418 00:29:35,883 --> 00:29:39,083 Para siyang nang-aakit, 419 00:29:39,083 --> 00:29:43,163 pero sa masamang paraan. 420 00:29:46,523 --> 00:29:47,563 Iwanan mo kami. 421 00:29:49,683 --> 00:29:52,043 Puwes, kaharap mo na 'ko. 422 00:29:52,603 --> 00:29:55,003 Sa ngalan ko at ng namayapa kong ama, 423 00:29:55,523 --> 00:29:57,763 ang dakilang Ptolemy Auletes, 424 00:29:58,963 --> 00:30:02,323 tanggapin mo sana ang taos-puso kong pakikiramay 425 00:30:02,323 --> 00:30:04,723 sa malungkot na pagpanaw ng dakilang Pompey. 426 00:30:06,643 --> 00:30:08,603 Magkaibigan sila ng aking ama... 427 00:30:09,483 --> 00:30:11,443 kaya parang ama na rin ang turing ko sa kaniya. 428 00:30:13,003 --> 00:30:15,763 Napakabuti niya sa 'min nang ipinatapon kami sa Roma. 429 00:30:15,763 --> 00:30:17,803 At sinuklian n'yo ng kamatayan... 430 00:30:18,803 --> 00:30:20,163 ang kabaitan niya. 431 00:30:20,163 --> 00:30:23,843 Kung ako lang ang nakaupo sa trono, buhay pa sana siya ngayon. 432 00:30:26,723 --> 00:30:28,283 Sinugal ko ang galit mo para sa kaniya. 433 00:30:29,763 --> 00:30:33,083 Nagsilbi kami sa Roma. Nagpadala kami ng mga sundalo. 434 00:30:34,363 --> 00:30:37,883 Hindi 'yon paglaban sa 'yo o masamang balakin sa Roma, 435 00:30:37,883 --> 00:30:41,443 pero simbolo 'yon ng aking pagmamahal at paggalang 436 00:30:41,443 --> 00:30:43,763 sa lalaking itinuring ko na pangalawang kong ama. 437 00:30:47,723 --> 00:30:50,043 Balak kong isama siya pauwi sa Roma. 438 00:30:52,963 --> 00:30:54,243 Patawarin siya... 439 00:30:56,163 --> 00:30:57,803 alang-alang sa namayapa niyang asawa. 440 00:30:59,163 --> 00:31:00,283 Ang anak ko. 441 00:31:02,243 --> 00:31:03,603 Maaalala mong... 442 00:31:04,403 --> 00:31:05,483 nagkita na tayo noon. 443 00:31:07,563 --> 00:31:09,003 Hindi ko naaalala. 444 00:31:10,563 --> 00:31:12,003 Maliit pa lang ako no'n. 445 00:31:13,163 --> 00:31:14,883 Ibang-iba sa pinunong nasa harap mo ngayon. 446 00:31:18,243 --> 00:31:22,563 Ang huling pagkakaalam ko, napatalsik ka sa trono mo. 447 00:31:23,403 --> 00:31:24,403 Siguro. 448 00:31:25,283 --> 00:31:28,283 Pero ayon sa habilin ng aking ama, ako ang kapuwa-pinuno ng Ehipto. 449 00:31:29,243 --> 00:31:30,803 Kung gayon, sabihin mo sa akin. 450 00:31:33,363 --> 00:31:34,723 Cleopatra... 451 00:31:37,083 --> 00:31:40,363 paano ka mamumuno kung tutol sa 'yo ang mga taga-Alexandria? 452 00:31:42,803 --> 00:31:44,363 Tinutulan ka ng senado. 453 00:31:45,483 --> 00:31:46,723 Pero, nandito tayo. 454 00:31:57,923 --> 00:32:02,003 Si Julius Caesar, isang batikang pinuno ng Roma, 455 00:32:02,563 --> 00:32:03,803 ay nakilala si Cleopatra. 456 00:32:03,803 --> 00:32:07,483 Ito ang pagkikita ng dalawang matalinong tao. 457 00:32:10,043 --> 00:32:15,083 Si Cleopatra ay isang kampanteng babae na may kaakit-akit na personalidad. 458 00:32:15,083 --> 00:32:16,683 Halata namang diplomatiko siya. 459 00:32:16,683 --> 00:32:19,483 Aat sa totoo lang, hindi siya yumuyuko kay Caesar. 460 00:32:20,603 --> 00:32:23,203 Binabalanse niya lang ang kapangyarihan nilang dalawa. 461 00:32:25,683 --> 00:32:31,283 Isang matatag na dalagita ang iniharap kay Julius Caesar. 462 00:32:31,283 --> 00:32:35,003 Matalino siya at isa siyang Aprikana, 463 00:32:35,003 --> 00:32:37,483 na hindi lang pinuno ang tingin sa kaniyang sarili 464 00:32:37,483 --> 00:32:38,923 kundi isa ring diyosa. 465 00:32:38,923 --> 00:32:40,483 Kaya siguradong katangi-tangi siya 466 00:32:40,483 --> 00:32:43,563 sa sinumang babae na nakilala ni Julius Caesar sa Roma. 467 00:32:49,803 --> 00:32:53,243 At 'yan ang pagkakaintindi ko rito. 468 00:32:54,643 --> 00:32:56,803 - Hindi. - Oo. 469 00:32:56,803 --> 00:32:58,843 Kung gusto mong maintindihan ang sulat na 'yan, 470 00:32:58,843 --> 00:33:01,083 kailangan mong basahin sa orihinal nitong wika. 471 00:33:02,043 --> 00:33:05,723 Wala akong talento sa wika na 'di tulad mo. 472 00:33:29,203 --> 00:33:30,723 Hindi tulad ng mga babaeng Romano 473 00:33:30,723 --> 00:33:33,563 na inaasahang manatili lamang sa bahay 474 00:33:33,563 --> 00:33:36,523 at 'di mangialam sa usaping politikal, 475 00:33:36,523 --> 00:33:39,723 isang pambansang pinuno si Cleopatra. 476 00:33:39,723 --> 00:33:43,843 Nakakausap siya ni Julius Caesar tungkol sa mga kampanyang pangmilitar, 477 00:33:43,843 --> 00:33:48,203 sa literatura at pilosopiya nang halos magkapantay na pag-intindi. 478 00:34:29,762 --> 00:34:32,242 Maiisip natin na tunay na pag-ibig 'yon, 479 00:34:32,242 --> 00:34:36,363 na pinagtagpo talaga sila sa puso at isip. 480 00:34:36,363 --> 00:34:38,682 Sa kabilang banda, ang relasyon nila 481 00:34:38,682 --> 00:34:41,762 ay maaaring pinagtibay ng estratehiya. 482 00:34:41,762 --> 00:34:45,523 May makukuha si Julius Caesar sa pagtulong niya kay Cleopatra, 483 00:34:45,523 --> 00:34:49,043 at tiyak na mas maraming makukuha si Cleopatra 484 00:34:49,043 --> 00:34:51,523 sa pakikipag-alyansa niya kay Julius Caesar. 485 00:35:05,843 --> 00:35:11,283 Gusto ni Cleopatra na mawala si Ptolemy XIII. 486 00:35:11,283 --> 00:35:14,123 Gusto niyang mawala si Pothinus, 487 00:35:14,123 --> 00:35:20,203 at gusto niyang bantayan nang husto si Arsinoe. 488 00:35:21,683 --> 00:35:25,443 Pero ang pinakagusto niya, mapasa-kaniya lamang ang trono. 489 00:35:27,043 --> 00:35:30,323 Kinatatakutan ni Pothinus si Cleopatra. 490 00:35:30,323 --> 00:35:32,483 Kinatatakutan niya ang kaniyang kakayahan 491 00:35:32,483 --> 00:35:36,363 na gawing tapat ang mga tao sa kaniya. 492 00:35:36,363 --> 00:35:39,363 At kasama na riyan si Julius Caesar at ang mga Romano. 493 00:35:40,923 --> 00:35:46,603 Sumama si Caesar sa kaniya para pakalmahin ang sitwasyon 494 00:35:46,603 --> 00:35:50,363 at subukang iluklok ang naaangkop na mga pinuno sa trono. 495 00:35:50,923 --> 00:35:53,403 KAPULUNGAN SA ALEXANDRIA 496 00:35:54,123 --> 00:35:56,603 Sa tingin ko, hindi talaga handa si Julius Caesar 497 00:35:56,603 --> 00:36:00,243 sa sumalubong sa kaniya pagdating niya sa Alexandria. 498 00:36:00,243 --> 00:36:02,563 Posible na mas magulo ang pamilya nila 499 00:36:02,563 --> 00:36:04,843 kaysa inaakala niya. 500 00:36:04,843 --> 00:36:07,003 Mga magiting na mamamayan ng Ehipto... 501 00:36:08,563 --> 00:36:10,883 alam kong nagsasalita ako para sa lahat 502 00:36:11,443 --> 00:36:13,283 kapag sinabi kong panahon na para sa kapayapaan. 503 00:36:14,243 --> 00:36:17,843 Ako ang tagapagbalita ng kapayapaang 'yan. 504 00:36:19,403 --> 00:36:21,763 Kaya alinsunod sa huling habilin 505 00:36:22,443 --> 00:36:25,363 ni Ptolemy Neos Dionysus, 506 00:36:26,683 --> 00:36:29,403 kinikilala ng Roma ang kaniyang anak na babae, 507 00:36:29,963 --> 00:36:34,603 si Cleopatra Thea Philopator 508 00:36:35,923 --> 00:36:37,563 at ang kaniyang panganay na anak na lalaki, 509 00:36:38,763 --> 00:36:43,003 si Ptolemy Theos Philopator, 510 00:36:44,763 --> 00:36:47,803 bilang mga kapuwa-pinuno ng Ehipto. 511 00:36:48,803 --> 00:36:51,843 Batikang diplomatiko si Caesar. 512 00:36:51,843 --> 00:36:56,043 Nagdesisyon siya na susundin niya 513 00:36:56,043 --> 00:37:00,243 ang mga tagubilin ng pamumuno ni Ptolemy XII. 514 00:37:01,003 --> 00:37:05,283 Ibinalik niya si Cleopatra sa trono 515 00:37:05,283 --> 00:37:08,003 bilang kapuwa-paraon ni Ptolemy XIII. 516 00:37:08,643 --> 00:37:14,163 Binigyan niya si Arsinoe ng kapangyarihan. 517 00:37:14,163 --> 00:37:15,683 Karagdagan pa rito, 518 00:37:17,123 --> 00:37:21,443 at bilang simbolo ng walang-kamatayang pagmamahal namin sa inyo, 519 00:37:22,963 --> 00:37:24,603 ipinagkakaloob din ng Roma 520 00:37:24,603 --> 00:37:26,563 sa pinakabata niyang anak na babae, 521 00:37:27,083 --> 00:37:28,203 si Arsinoe, 522 00:37:28,923 --> 00:37:30,403 at sa pinakabatang niyang anak na lalaki, 523 00:37:31,003 --> 00:37:33,443 si Ptolemy XIV, 524 00:37:34,123 --> 00:37:36,363 ang rehiyon ng Cyprus. 525 00:37:38,483 --> 00:37:39,603 Magpasalamat kayo. 526 00:37:41,003 --> 00:37:42,243 Mahal kayo ng Roma. 527 00:37:43,483 --> 00:37:47,123 Binawasan din ni Caesar ang utang 528 00:37:47,123 --> 00:37:51,163 na dapat bayaran ng Ehipto sa Roma. 529 00:37:54,803 --> 00:37:57,683 Hindi tayo nakasisiguro kung paano ito nagawa ni Cleopatra. 530 00:37:57,683 --> 00:38:01,523 Pero sa palagay ko, nagawan niya ng paraan 531 00:38:02,003 --> 00:38:05,163 na ihanay ang kaniyang sarili sa mga lalaking makapangyarihan. 532 00:38:05,803 --> 00:38:07,203 Masyado silang malapit sa isa't isa. 533 00:38:08,203 --> 00:38:09,643 - Masaya ka? - Sobra. 534 00:38:10,203 --> 00:38:11,683 Nakikipagtalik ka ba sa asawa ko? 535 00:38:13,523 --> 00:38:16,483 Akala ko sa senado ko lang maririnig ang mga kadramahan. 536 00:38:19,763 --> 00:38:21,283 Pinagtatawanan mo ako. 537 00:38:21,283 --> 00:38:23,283 Binabastos mo ako sa sarili kong tahanan. 538 00:38:23,283 --> 00:38:24,243 Kumalma ka. 539 00:38:24,243 --> 00:38:26,803 Huwag mo akong uutusang kumalma! 540 00:38:26,803 --> 00:38:29,123 Ito ang aking tahanan! Akin! 541 00:38:29,123 --> 00:38:33,763 At nananawagan ako sa mga Ehipto na mag-alsa laban sa 'yo at sa Roma! 542 00:38:35,563 --> 00:38:36,763 Ano? 543 00:38:48,083 --> 00:38:49,123 Caesar. 544 00:38:50,523 --> 00:38:55,043 Sa kasamaang-palad para kay Julius Caesar, walang nangyari sa mga plano niya. 545 00:38:55,043 --> 00:38:58,763 Ang totoo niyan, nagkaroon ng digmaang sibil. 546 00:38:58,763 --> 00:39:00,843 Ang tinatawag na Digmaan ng Alexandria. 547 00:39:01,683 --> 00:39:05,163 Sa isang panig, sina Julius Caesar at Cleopatra. 548 00:39:05,723 --> 00:39:08,163 Sa kabila, ang yunuko na si Pothinus, 549 00:39:08,723 --> 00:39:11,683 si Ptolemy XIII, at ang kapatid niyang si Arsinoe. 550 00:39:11,683 --> 00:39:13,363 Ang lungsod ng Alexandria, 551 00:39:13,363 --> 00:39:17,203 sa apat na buwan ng kakila-kilabot na digmaan, 552 00:39:17,203 --> 00:39:18,603 ay lubusang nakatatakot. 553 00:39:18,603 --> 00:39:21,443 'Di lang mga propesyonal... na sundalo ang kasali, 554 00:39:21,443 --> 00:39:23,723 pero mayroon ding nakasama na mga gerilya. 555 00:39:23,723 --> 00:39:24,923 Mayroon mga kaguluhan. 556 00:39:24,923 --> 00:39:28,283 May mga Romanong sinusunog ang malaking bahagi ng lungsod. 557 00:39:28,283 --> 00:39:33,963 Siguradong lahat ng tao ay kinilabutan at natakot sa sakunang ito. 558 00:39:33,963 --> 00:39:38,323 'Di na natin mabilang ang mga patay sa lansangan ng Memphis at Alexandria. 559 00:39:39,283 --> 00:39:42,123 Kumalat na ang mga kaguluhan sa timog hanggang Thebes. 560 00:39:42,123 --> 00:39:44,843 At ang mga imbakan ng pagkain, na naiwang walang bantay, 561 00:39:44,843 --> 00:39:45,763 ay nalimas na. 562 00:39:45,763 --> 00:39:48,683 Kung hindi natin dadagdagan ang buwis sa Alexandria, 563 00:39:49,523 --> 00:39:52,843 mapipilitan tayong umatras at babagsak ang Ehipto. 564 00:39:55,203 --> 00:39:57,523 Isa sa pinakamalaking kawalan 565 00:39:57,523 --> 00:40:00,963 ay ang pagkasunog ng aklatan ng Alexandria. 566 00:40:01,763 --> 00:40:05,483 Inabot ng 300 taon para maitayo ang aklatang ito. 567 00:40:05,483 --> 00:40:09,923 Nawala sa atin ang mapagkukunang ito 568 00:40:09,923 --> 00:40:11,683 dahil sa away ng magkakapatid. 569 00:40:13,923 --> 00:40:15,803 Habang nangyayari ang labanang ito, 570 00:40:15,803 --> 00:40:20,723 nagsasa-ayos ng sarili niyang hukbo si Arsinoe, ang kapatid ni Cleopatra. 571 00:40:20,723 --> 00:40:21,763 Si Arsinoe? 572 00:40:22,403 --> 00:40:24,283 Pinamahalaan niya na ang hukbo ng Ehipto. 573 00:40:24,283 --> 00:40:26,123 Imposible. May nagsisinungaling. 574 00:40:26,123 --> 00:40:29,763 Inutos niya ang pagpatay kay Achillas at dineklara ang sarili bilang pinuno. 575 00:40:29,763 --> 00:40:31,683 Nasa kaniya ang suporta ng mga taga-Alexandria. 576 00:40:33,243 --> 00:40:35,003 Halika. Halika. 577 00:40:52,163 --> 00:40:53,083 Hindi kaya... 578 00:40:54,763 --> 00:40:56,083 Kukuha ako ng tubig. 579 00:41:06,083 --> 00:41:08,163 Tamang-tama ang pagdating mo. 580 00:41:09,123 --> 00:41:14,683 Alam ni Cleopatra na ang pagkakaroon ng anak kay Julius Caesar 581 00:41:14,683 --> 00:41:20,203 ay isang alas sa larong pusoy na sinusubukan niyang laruin sa Roma. 582 00:41:20,203 --> 00:41:23,603 Dala ni Cleopatra sa kaniyang sinapupunan 583 00:41:23,603 --> 00:41:27,563 ang posibleng magbibigkis sa Ehipto at Roma. 584 00:41:29,443 --> 00:41:33,003 Napakamakapangyarihan ng batang ito. 585 00:41:33,003 --> 00:41:36,363 Dalawa ito sa pinakamagiting na sibilisasyon, 586 00:41:36,363 --> 00:41:38,883 dalawa sa pinakamagiting na lungsod sa mundo 587 00:41:38,883 --> 00:41:43,083 na kinatawan ng iisang tao. 588 00:41:43,083 --> 00:41:45,443 At napakahalaga no'n. 589 00:41:46,003 --> 00:41:50,283 Samantala, isang kasawian ang digmaan ng Alexandria 590 00:41:50,283 --> 00:41:53,363 para kay Ptolemy XIII at Arsinoe. 591 00:41:53,363 --> 00:41:57,523 Nang makipagsanib-puwersa si Arsinoe laban kay Julius Caesar... 592 00:41:58,603 --> 00:42:00,163 at natalo, 593 00:42:00,163 --> 00:42:03,803 nahuli siya at ikinulong sa palasyo. 594 00:42:05,203 --> 00:42:10,843 Nakasuot si Ptolemy ng gintong baluti at nakasakay sa barko. 595 00:42:14,523 --> 00:42:18,803 Maaaring nahulog siya o may tumulak sa kaniya, 596 00:42:19,683 --> 00:42:23,523 at nalunod siya dahil sa bigat ng baluti. 597 00:42:27,483 --> 00:42:29,763 Naghanap na kami sa kahabaan ng Nile. 598 00:42:29,763 --> 00:42:32,083 Kailangan nating tanggapin na naanod na siya papunta sa dagat. 599 00:42:34,243 --> 00:42:35,483 Hindi ko alam. 600 00:42:38,803 --> 00:42:41,203 Hindi kaya may sumagip na tapat sa kaniya? 601 00:42:41,203 --> 00:42:42,283 Hindi. 602 00:42:43,123 --> 00:42:44,923 Kamahalan, tigilan mo na 'to. 603 00:42:45,803 --> 00:42:47,363 Hindi na siya banta. 604 00:42:52,323 --> 00:42:55,723 Nanalo si Cleopatra. 605 00:42:57,203 --> 00:43:01,043 At alam niya na... 606 00:43:02,323 --> 00:43:04,923 habang siya'y nabubuhay, 607 00:43:05,883 --> 00:43:07,403 siya ang paraon. 608 00:43:08,083 --> 00:43:09,363 Naligaw ka ba? 609 00:43:10,203 --> 00:43:11,163 Hindi. 610 00:43:12,323 --> 00:43:13,283 Ikaw? 611 00:43:16,363 --> 00:43:17,603 Ano'ng kailangan mo? 612 00:43:23,643 --> 00:43:25,483 Ang maintindihan kung bakit. 613 00:43:26,563 --> 00:43:27,723 Bakit hindi? 614 00:43:31,043 --> 00:43:32,363 Hindi mo naisip na... 615 00:43:33,083 --> 00:43:36,323 karapat-dapat akong mamuno, 'di ba? 616 00:43:37,883 --> 00:43:41,763 Ang munting Arsinoe, binabalewala lang siya ng lahat. 617 00:43:41,763 --> 00:43:44,083 {\an8}Karapat-dapat din ako tulad mo, kung 'di man higit pa. 618 00:43:45,003 --> 00:43:47,443 - Binigay sa 'yo ang Cyprus-- - Pero Ehipto ang gusto ko! 619 00:43:48,163 --> 00:43:50,443 Hindi isang lalawigang palutang-lutang sa dagat. 620 00:43:51,323 --> 00:43:52,803 Gusto ko ang nararapat para sa 'kin. 621 00:43:55,723 --> 00:43:57,683 Isasama ako ni Caesar sa Roma. 622 00:43:57,683 --> 00:44:01,043 - Para patayin ka. - Mas mabuti pang mamatay 623 00:44:01,043 --> 00:44:02,563 na alam mong mamamatay ka na, 624 00:44:02,563 --> 00:44:05,203 kaysa magising sa kabilang buhay na nagulat. 625 00:44:07,443 --> 00:44:09,043 - Nagtaksil ka-- - Huwag kang mapikon! 626 00:44:09,523 --> 00:44:12,643 - Huwag mo akong sinasabat. - Pasensiya ka na. 627 00:44:13,203 --> 00:44:17,203 Hindi ko akalain na ikaw pala ang kukulangin sa oras. 628 00:44:22,403 --> 00:44:23,723 Kung may pagkakataon ako, 629 00:44:25,443 --> 00:44:26,563 gagawin ko ulit 'yon. 630 00:44:28,323 --> 00:44:29,763 'Wag ka nang umasa. 631 00:44:38,083 --> 00:44:40,803 Nang umalis si Julius Caesar papuntang Roma, 632 00:44:40,803 --> 00:44:44,643 halos pitong buwan nang buntis si Cleopatra. 633 00:44:45,323 --> 00:44:49,203 Siya ang tunay na reyna ng Ehipto. 634 00:44:49,203 --> 00:44:51,283 Sa kasamaang-palad para kay Cleopatra, 635 00:44:51,283 --> 00:44:53,483 may isa pa siyang kapatid na Ptolemy ang pangalan. 636 00:44:53,483 --> 00:44:56,203 At kapag umalis na si Julius Caesar papuntang Roma, 637 00:44:56,203 --> 00:44:59,243 ikakasal ulit siya sa isa pang nakababatang kapatid, 638 00:44:59,243 --> 00:45:02,163 na inaasahang kahati niya sa trono ng Ehipto. 639 00:45:06,883 --> 00:45:10,563 May magpoprotekta sa 'yo, sakaling may gawin siyang hindi mabuti. 640 00:45:12,643 --> 00:45:14,443 Bumalik ka agad para makita ang anak mo. 641 00:45:33,483 --> 00:45:35,123 Paalam, Kapatid. 642 00:45:45,963 --> 00:45:46,923 Tingnan natin. 643 00:45:48,283 --> 00:45:50,643 Malawak ang distansiya mula rito hanggang Roma. 644 00:45:55,243 --> 00:46:00,963 Pinilit ni Cleopatra na mangako si Julius Caesar 645 00:46:00,963 --> 00:46:05,003 na ipapapatay niya si Arsinoe bilang traydor sa Roma. 646 00:46:07,763 --> 00:46:09,243 Hindi nangyari 'yon. 647 00:47:11,523 --> 00:47:15,003 {\an8}Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni Joan G. Cabato