1
00:00:19,643 --> 00:00:20,843
Ang tadhana
2
00:00:20,843 --> 00:00:24,483
ay maaaring hubugin sa pamamagitan
ng pagtatagpo ng dalawang tao.
3
00:00:27,803 --> 00:00:30,003
Kung hindi nagtagpo ang kanilang landas,
4
00:00:30,483 --> 00:00:32,803
gaano nito maapektuhan ang kasaysayan?
5
00:00:35,043 --> 00:00:36,843
Ngunit dahil sa tadhana
6
00:00:36,843 --> 00:00:42,083
at matinding ambisyon,
determinasyon, at pagmamahal,
7
00:00:43,003 --> 00:00:44,883
ang mga imperyo ay maaaring maitatag...
8
00:00:47,243 --> 00:00:49,643
o mayanig sa kanilang pinakakaibuturan.
9
00:00:51,243 --> 00:00:52,643
Huli ka.
10
00:00:52,643 --> 00:00:53,963
Madaya ka.
11
00:00:53,963 --> 00:00:55,963
- Paano ako nandaya?
- Nandaya ka.
12
00:00:56,603 --> 00:00:57,603
Nang magkasama,
13
00:00:57,603 --> 00:01:01,123
parehong gagawin ito
nina Mark Antony at Cleopatra.
14
00:01:02,483 --> 00:01:06,563
Pareho nilang tatahakin
ang kanilang landas sa kasaysayan.
15
00:01:06,563 --> 00:01:07,603
Bakit?
16
00:01:08,443 --> 00:01:09,642
Buntis ako.
17
00:01:34,403 --> 00:01:38,043
{\an8}Pagkatapos kilalanin ni Cleopatra
si Mark Antony sa Tarsus,
18
00:01:38,043 --> 00:01:40,683
{\an8}binabalik niya 'to sa Alexandria.
19
00:01:50,243 --> 00:01:53,323
Ang relasyon nina Cleopatra at Mark Antony
20
00:01:53,323 --> 00:01:57,723
ay nagsimula bilang isang
pragmatikong kasunduang politikal.
21
00:01:57,723 --> 00:02:00,603
Pero umusbong pa lalo ito
22
00:02:00,603 --> 00:02:03,323
hangang sa napamahal sila sa isa't isa.
23
00:02:06,123 --> 00:02:10,003
Masaya si Mark Antony
habang siya ay nasa Alexandria.
24
00:02:10,683 --> 00:02:13,163
Pero hindi rin siya mapakali dahil...
25
00:02:13,723 --> 00:02:16,123
{\an8}mayroong kasunduan sa Roma
26
00:02:16,123 --> 00:02:17,843
{\an8}tungkol sa pagbabahagi ng kapangyarihan.
27
00:02:17,843 --> 00:02:20,683
Si Octavian ang humahawak sa kanluran.
28
00:02:21,163 --> 00:02:23,323
Si Mark Antony, sa silangan.
29
00:02:24,763 --> 00:02:28,523
Pareho nilang ambisyon
na mapatalsik ang isa sa kanila.
30
00:02:40,403 --> 00:02:41,483
Saan ka nagpunta?
31
00:02:43,843 --> 00:02:45,043
Nandito ako.
32
00:02:46,323 --> 00:02:47,603
Walang problema.
33
00:02:48,963 --> 00:02:49,883
'Wag mong gawin 'yan.
34
00:02:50,883 --> 00:02:52,563
- Ang alin?
- Ang magsinungaling sa 'kin.
35
00:02:53,283 --> 00:02:54,203
Hindi.
36
00:02:55,723 --> 00:02:57,523
Ayaw kong magmahal ng isang sinungaling.
37
00:03:02,203 --> 00:03:03,683
Si Octavian.
38
00:03:06,923 --> 00:03:09,523
May mga nagsasabi na
may balak siyang umalis sa alyansa,
39
00:03:10,723 --> 00:03:12,203
na kumikilos siya nang mag-isa.
40
00:03:16,643 --> 00:03:18,083
Ano'ng binabalak niya?
41
00:03:18,563 --> 00:03:19,923
Hindi ko pa alam.
42
00:03:21,523 --> 00:03:23,963
Kung ganoon, bakit ka naghihintay?
43
00:03:26,083 --> 00:03:29,483
Mark, dapat nasa Roma ka ngayon
para malaman mo.
44
00:03:30,523 --> 00:03:32,323
Hindi ako magpapaloko sa kaniya.
45
00:03:34,003 --> 00:03:37,243
Bakit niya sisirain ang alyansang
isinaayos mo para sa kaniya?
46
00:03:38,883 --> 00:03:41,283
Mark, kailangan mong bumalik sa Roma
47
00:03:41,283 --> 00:03:43,203
para maibalik ang ibon na 'yan sa kulungan
48
00:03:43,203 --> 00:03:46,843
bago pa siya tubuan ng pakpak
at sirain lahat ng pinaghirapan mo.
49
00:03:54,283 --> 00:03:57,003
Matagal na nawala si Mark Antony.
50
00:03:57,483 --> 00:03:59,763
Hindi na niya naisip ang Roma.
51
00:04:01,763 --> 00:04:05,363
{\an8}Si Octavian naman ay nasa Roma,
52
00:04:05,363 --> 00:04:08,403
{\an8}namumuno, kasama ang senado.
53
00:04:08,403 --> 00:04:10,203
Ang balitang natatanggap nila sa Roma
54
00:04:10,203 --> 00:04:14,003
ay tungkol lamang
sa mga magagarbong piging.
55
00:04:19,043 --> 00:04:20,323
Sige na, mahal ko.
56
00:04:23,363 --> 00:04:25,403
Hihintayin ka namin dito...
57
00:04:26,363 --> 00:04:27,763
hanggang sa makabalik ka.
58
00:04:44,163 --> 00:04:48,083
Sisimulan ng sirain ni Octavian
59
00:04:48,083 --> 00:04:52,123
ang reputasyon ni Mark Antony sa Roma,
60
00:04:52,123 --> 00:04:57,323
nagpapahiwatig na ang nangyari
kay Julius Caesar at Cleopatra
61
00:04:57,323 --> 00:04:59,283
ay mangyayari rin sa kaniya.
62
00:05:00,203 --> 00:05:02,003
Pinilit siya ni Cleopatra.
63
00:05:02,523 --> 00:05:03,483
"Bumalik ka sa Roma.
64
00:05:04,963 --> 00:05:09,803
Siguruhin mo na mapapasunod mo
si Octavian at hindi ang kabaliktaran."
65
00:05:10,883 --> 00:05:13,803
{\an8}ROMA
66
00:05:18,043 --> 00:05:21,803
Nang umalis si Mark Antony
sa Ehipto pabalik ng Roma
67
00:05:21,803 --> 00:05:25,243
para ayusin ang relasyon nila ni Octavian,
68
00:05:25,243 --> 00:05:26,883
buntis si Cleopatra.
69
00:05:29,203 --> 00:05:33,203
Tila nahumaling si Mark Antony
kay Cleopatra.
70
00:05:33,203 --> 00:05:34,683
Pero pagdating sa usaping kasalan,
71
00:05:34,683 --> 00:05:37,763
pipiliin niya ang sa tingin niya
72
00:05:38,363 --> 00:05:42,123
na mas makakatulong sa kaniya sa politika.
73
00:05:45,203 --> 00:05:48,083
Ako ang iyong Gaius, ikaw ang aking Gaia.
74
00:05:49,163 --> 00:05:51,763
Ikaw ang aking Gaius, ako ang iyong Gaia.
75
00:05:52,363 --> 00:05:59,283
Pinakasalan ni Mark Antony ang kapatid
ni Octavian, si Octavia.
76
00:06:13,923 --> 00:06:17,363
Siya ay tunay na kadugo ni Octavian.
77
00:06:17,363 --> 00:06:20,323
Siya ang nagsisiguro,
78
00:06:20,323 --> 00:06:24,243
sa kaniyang pag-aakala,
na kakampihan siya ni Octavian.
79
00:06:34,883 --> 00:06:38,363
Sa sinaunang Ehipto,
nang manganganak si Cleopatra,
80
00:06:38,363 --> 00:06:41,123
itinuring ito na napakadelikadong
panahon para sa babae.
81
00:06:41,123 --> 00:06:47,083
{\an8}Hindi lang nanganganib ang buhay
ng bata at buhay niya,
82
00:06:47,083 --> 00:06:50,923
{\an8}pero nanganganib din ang bansa
na mawalan ng isang pinuno.
83
00:07:03,723 --> 00:07:08,123
Nagsilang ng kambal si Cleopatra.
84
00:07:10,723 --> 00:07:15,683
Naniniwala silang banal ito.
Na ito'y regalo mula sa mga diyos.
85
00:07:15,683 --> 00:07:22,323
At pinatibay nito ang imahe
ni Cleopatra bilang si Isis.
86
00:07:28,963 --> 00:07:35,963
Alam ni Cleopatra ang tradisyon tungkol
sa mga pampulitikang kasal ng Romano.
87
00:07:37,243 --> 00:07:40,803
Naiintindihan niya kung bakit kailangan
'tong gawin ni Mark Antony.
88
00:07:41,363 --> 00:07:43,963
Pinakasalan ni Mark Antony
si Octavia para sa politikal na dahilan,
89
00:07:43,963 --> 00:07:48,003
para magtiwala ang kapatid niya
na si Octavian sa kaniya.
90
00:07:48,003 --> 00:07:49,803
Isa 'tong diskarte.
91
00:07:51,603 --> 00:07:55,323
Sa isip ni Cleopatra, ayos lang 'to.
92
00:07:56,003 --> 00:07:59,323
Sige lang, mag-asawa ka ng Romano. Sige.
93
00:07:59,323 --> 00:08:01,883
Pero hindi siya bumalik ng tatlong taon.
94
00:08:02,603 --> 00:08:04,843
Ano 'yan? Oo.
95
00:08:04,843 --> 00:08:06,563
May asawang Romano si Caesar.
96
00:08:06,563 --> 00:08:11,243
Sumusulat pa rin siya sa kaniya,
at kinukumusta niya ang mga anak nila.
97
00:08:12,283 --> 00:08:14,963
Si Mark Antony, hindi nagparamdam.
98
00:08:16,123 --> 00:08:22,483
Hindi siya sumulat sa kaniya.
Kahit na nagsilang siya ng kambal.
99
00:08:26,363 --> 00:08:28,643
Hindi siya nagparamdam.
100
00:08:31,603 --> 00:08:33,803
Sa madaling salita, iniwan siya.
101
00:08:41,523 --> 00:08:43,443
Pero noong panahong 'yon,
102
00:08:43,443 --> 00:08:47,163
naibalik ni Cleopatra
ang kayamanan ng Ehipto.
103
00:08:50,363 --> 00:08:52,443
Bahagya niyang tinaasan ang buwis.
104
00:08:52,443 --> 00:08:56,483
Pero dinagdagan niya rin ang kalakal.
Pati na rin ang mga trabaho.
105
00:08:56,483 --> 00:09:02,883
At bigla na lang umunlad
ang sitwasyon sa Ehipto.
106
00:09:04,563 --> 00:09:09,523
Ang mga napagkukunan sa Roma
ay walang kaalam-alam tungkol sa...
107
00:09:10,283 --> 00:09:14,523
sa mga nagawa ni Cleopatra
sa loob ng tatlong taon.
108
00:09:14,523 --> 00:09:18,563
Pero ayon sa mga Arabe,
umuunlad ang Ehipto.
109
00:09:19,043 --> 00:09:22,083
Umuusbong ang kanilang ekonomiya.
110
00:09:22,083 --> 00:09:25,563
Minahal ng mga tao si Cleopatra.
111
00:09:26,043 --> 00:09:29,203
Nakita siya bilang isang
mahusay na pinuno.
112
00:09:43,203 --> 00:09:44,323
Sa loob ng tatlong taon
113
00:09:44,323 --> 00:09:47,283
ng paghiwalay ni Mark Antony
kay Cleopatra,
114
00:09:47,283 --> 00:09:50,083
naging abala siya sa pagtayo
ng Silangang Imperyo
115
00:09:50,083 --> 00:09:52,163
at sa pakikipaglaban sa Parthia,
116
00:09:53,283 --> 00:09:56,243
isang makapangyarihang bansa,
na ngayon ay kilala bilang Iran.
117
00:09:56,243 --> 00:09:59,963
IMPERYONG ROMANO
IMPERYONG PARTHIAN
118
00:09:59,963 --> 00:10:04,603
Gustong makontrol ni Mark Antony
ang mga Parthian
119
00:10:04,603 --> 00:10:07,123
{\an8}dahil ito ang mag-aangat
sa kaniyang katayuan
120
00:10:07,123 --> 00:10:08,283
{\an8}sa loob ng Imperyong Romano
121
00:10:08,283 --> 00:10:10,563
{\an8}at magtatatag sa kaniyang kapangyarihan
122
00:10:10,563 --> 00:10:12,163
{\an8}bilang kaalyado ni Octavian.
123
00:10:13,843 --> 00:10:16,683
Matagal na ring sinubukang sakupin
ng mga Romano ang mga Parthian
124
00:10:16,683 --> 00:10:18,003
at hindi sila nagtatagumpay.
125
00:10:18,003 --> 00:10:20,803
Kaya, mahalaga sa kaniya
ang maipanalo 'to.
126
00:10:22,043 --> 00:10:25,203
Akala niya ay susuportahan siya
ni Octavian,
127
00:10:25,203 --> 00:10:29,163
pero hindi siya tinulungan nito
sa paraang inaasahan ni Antony.
128
00:10:29,163 --> 00:10:31,963
Kailangan niya ng hukbo.
Kailangan niya ng pera.
129
00:10:32,563 --> 00:10:36,403
Naniniwala si Antony
na kapag pinakasalan niya si Octavia,
130
00:10:36,403 --> 00:10:37,963
ang kapatid ni Octavian,
131
00:10:37,963 --> 00:10:40,843
masusuportahan siya ni Octavian
132
00:10:40,843 --> 00:10:42,723
sa kampanya niya sa Parthian.
133
00:10:42,723 --> 00:10:46,043
Pero dalawang lehiyon lang
ang binigay sa kaniya ni Octavian.
134
00:10:46,043 --> 00:10:49,083
Kakailanganin niya pang dagdagan
ang kaniyang puwersa
135
00:10:49,083 --> 00:10:52,843
upang maging matagumpay
ang pagsakop nila sa Silangan.
136
00:10:56,523 --> 00:10:58,483
Habang tumitindi ang hidwaan,
137
00:10:58,483 --> 00:11:03,043
nagsimula ng maghanap
si Mark Antony ng mga kaalyansa,
138
00:11:03,043 --> 00:11:05,923
at si Cleopatra ang nangunguna
sa kaniyang listahan.
139
00:11:06,843 --> 00:11:08,683
Ipinatawag ni Mark Antony si Cleopatra.
140
00:11:08,683 --> 00:11:11,043
Hindi niya maasahan si Octavian,
141
00:11:11,043 --> 00:11:15,363
at napagtanto niya
na kailangan niya ngayon si Cleopatra.
142
00:11:21,723 --> 00:11:24,603
Pagkatapos ipatawag
ni Mark Antony si Cleopatra,
143
00:11:24,603 --> 00:11:27,683
dumayo siya sa Antioch sa Syria
144
00:11:32,283 --> 00:11:33,763
Sa puntong 'to,
145
00:11:33,763 --> 00:11:35,763
si Cleopatra ang may kapangyarihan
146
00:11:35,763 --> 00:11:38,443
at ang may karapatang mag-utos.
147
00:11:42,403 --> 00:11:45,123
Gusto niya angkinin
ang mga sinaunang teritoryo ng Ptolemaic
148
00:11:45,123 --> 00:11:46,363
at gusto niyang masiguro
149
00:11:46,363 --> 00:11:48,963
na maibabalik ang mga 'to
sa kaniyang kaharian.
150
00:11:48,963 --> 00:11:51,723
Lalong-lalo na ang mga teritoryo
ng Cyprus at Crete.
151
00:12:09,923 --> 00:12:11,163
Iwan n'yo muna kami.
152
00:12:20,323 --> 00:12:21,963
- Cleopatra--
- 'Wag.
153
00:12:22,523 --> 00:12:24,283
'Wag ka na magpaliwanag.
154
00:12:24,283 --> 00:12:26,163
May tatlong taon ka.
155
00:12:26,843 --> 00:12:28,123
Hindi ka man lang sumulat.
156
00:12:28,603 --> 00:12:31,243
Sa 'kin o sa mga bata.
157
00:12:31,803 --> 00:12:34,363
Ang mga bata. Dinala mo ba sila?
158
00:12:36,003 --> 00:12:37,323
Dinala ko ba sila?
159
00:12:41,323 --> 00:12:42,323
Sa 'yo?
160
00:12:43,603 --> 00:12:46,043
Alam ko kung bakit mo ako pinatawag dito.
161
00:12:48,403 --> 00:12:49,403
Alam ko...
162
00:12:50,683 --> 00:12:52,843
na magkaalyado kayo ni Octavian.
163
00:12:54,523 --> 00:12:55,883
Mayroon akong mga sariling espiya.
164
00:12:59,643 --> 00:13:01,243
Alam kong kailangan mo ang tulong ko.
165
00:13:04,963 --> 00:13:06,363
Bakit ko ibibigay 'yon sa 'yo?
166
00:13:10,043 --> 00:13:11,283
Tama ka.
167
00:13:12,843 --> 00:13:14,163
Tama ang mga sinabi mo.
168
00:13:21,163 --> 00:13:24,043
Ang nakikita natin ay dalawang
makapangyarihang tao na nagsama
169
00:13:24,043 --> 00:13:30,683
para subukan kung paano isusulong
ang interes ng bawat isa.
170
00:13:30,683 --> 00:13:33,323
At kailangan ni Mark Antony si Cleopatra
171
00:13:33,323 --> 00:13:38,043
para sa kaniyang pagbuo
sa Silangang Romanong Imperyo.
172
00:13:38,043 --> 00:13:41,563
Kulang siya sa tao at sa mga kagamitan.
173
00:13:41,563 --> 00:13:45,003
Kailangan ni Cleopatra si Mark Antony
para sa pakikisalamuha niya sa Roma.
174
00:13:46,843 --> 00:13:49,003
Nagbigay siya ng listahan
ng mga gagawin sa kaniya.
175
00:13:50,923 --> 00:13:52,923
Kung paiiksiin ito,
176
00:13:52,923 --> 00:13:58,323
gusto niyang mabawi lahat
ng kinuha ni Julius Caesar mula sa kaniya.
177
00:13:58,323 --> 00:14:03,203
Gusto niyang akuin ni Mark Antony
ang kambal nilang anak
178
00:14:03,203 --> 00:14:07,923
at bigyan ito ng mga teritoryong pamamahalaan.
179
00:14:09,683 --> 00:14:15,243
Gusto niya rin makilala si Caesarion
bilang anak ni Julius Caesar.
180
00:14:15,243 --> 00:14:16,403
Mahalaga pa rin 'yon.
181
00:14:21,323 --> 00:14:22,643
Gusto ko 'yon.
182
00:14:24,323 --> 00:14:25,643
Gusto ko lahat.
183
00:14:27,803 --> 00:14:31,203
Buong taglamig nagsama
sina Cleopatra at Mark Antony
184
00:14:31,203 --> 00:14:34,643
sa Antioch sa Syria para makipagkasunduan.
185
00:14:34,643 --> 00:14:36,123
Ang gusto ni Cleopatra
186
00:14:36,123 --> 00:14:39,523
ay ang ibalik ang glorya
ng Kahariang Ptolemaic.
187
00:14:41,283 --> 00:14:43,083
Pinag-isipan ko ang mga sinabi mo,
188
00:14:43,563 --> 00:14:45,483
tungkol sa lahat ng mga gusto mo.
189
00:14:46,483 --> 00:14:47,923
Lahat ng nararapat sa 'kin.
190
00:14:48,723 --> 00:14:50,203
Lahat ng nararapat para sa Ehipto.
191
00:14:50,203 --> 00:14:52,123
Malaki-laki ang kabayaran nito.
192
00:14:52,123 --> 00:14:54,803
Pero tanging Ehipto lang
ang makapagbibigay ng ninanais mo.
193
00:14:54,803 --> 00:14:56,963
Hindi ako nagpunta dito
para makipagtalo sa 'yo, Paraon.
194
00:14:57,523 --> 00:14:58,803
Bakit ka nga ba narito?
195
00:14:59,283 --> 00:15:00,963
Bakit ako naririto?
196
00:15:09,123 --> 00:15:10,603
Nandito ako dahil nanalo ka?
197
00:15:13,283 --> 00:15:14,563
Ano'ng napanalunan ko?
198
00:15:16,123 --> 00:15:17,123
Lahat.
199
00:15:19,843 --> 00:15:20,843
Bakit?
200
00:15:21,843 --> 00:15:23,043
Dahil sa 'tin.
201
00:15:26,123 --> 00:15:28,403
Mapagkakatiwalaan ba kita?
202
00:15:29,163 --> 00:15:31,603
Hindi tayo puwedeng magsama
kung lolokohin lang kita, 'di ba?
203
00:15:33,643 --> 00:15:34,723
Ikaw ang bahala.
204
00:15:39,843 --> 00:15:42,323
Naging mas makapangyarihan na
si Cleopatra kaysa noon.
205
00:15:42,803 --> 00:15:46,523
{\an8}Naibalik na niya ang glorya
ng Kahariang Ptolemaic.
206
00:15:46,523 --> 00:15:51,203
{\an8}At bilang kapalit, nakuha ni Mark Antony
ang hukbong kailangan niya
207
00:15:51,203 --> 00:15:53,003
{\an8}para sa kaniyang kampanya sa Parthian.
208
00:15:54,123 --> 00:15:58,283
Dahil nabawi ng Ehipto
ang mga teritoryong 'to,
209
00:15:58,283 --> 00:16:03,203
umunlad lalo ang bansa
sa kahanga-hangang paran.
210
00:16:03,203 --> 00:16:07,123
Kapag maraming lupain ang isang bansa,
211
00:16:07,123 --> 00:16:11,603
mas yumayaman ang sentrong imperyo nito.
212
00:16:11,603 --> 00:16:15,643
Ang mga lupaing 'to ang magdadagdag
sa kapangyarihan, kayamanan,
213
00:16:15,643 --> 00:16:17,883
at kaligtasan ni Cleopatra.
214
00:16:17,883 --> 00:16:22,043
Ito ang mga pangunahing elemento
inaasam-asam niya,
215
00:16:22,043 --> 00:16:25,083
na inaasam-asam din
ng bawat haring Ptolemaic.
216
00:16:29,003 --> 00:16:31,003
At sa puntong 'to,
217
00:16:31,003 --> 00:16:34,443
nakilala ni Mark Antony
sa unang pagkakataon
218
00:16:34,443 --> 00:16:37,243
ang mga anak niya kay Cleopatra.
219
00:16:39,323 --> 00:16:41,963
Kumusta ka, aking munting diyos.
220
00:16:42,883 --> 00:16:44,163
Kumusta ka.
221
00:16:44,163 --> 00:16:46,203
- Bubuhatin din ba kita?
- Oo. Sige.
222
00:16:46,683 --> 00:16:49,523
Mga munti kong diyos.
Ang laki-laki niyo na.
223
00:16:49,523 --> 00:16:51,483
Ang laki-laki niyo na.
224
00:16:54,163 --> 00:16:59,043
At mula sa lahat ng salaysay,
sobra siyang nalulugod sa kanila.
225
00:17:00,123 --> 00:17:04,483
Ibinigay niya ang pangalan ng diyos
ng araw at buwan sa kaniyang kambal.
226
00:17:04,483 --> 00:17:07,683
Si Alexander Helios at Cleopatra Selene.
227
00:17:09,483 --> 00:17:13,203
Ipinantay nina Mark Antony
at Cleopatra ang kanilang mga anak
228
00:17:13,203 --> 00:17:16,882
sa mismong araw at buwan ng kalangitan.
229
00:17:16,882 --> 00:17:19,563
Itinakda nila ito bilang mga tagapagmana
230
00:17:19,563 --> 00:17:21,723
ng isang malaking Silangang Imperyo
231
00:17:21,723 --> 00:17:25,243
na magkasamang itinatag
nina Mark Antony at Cleopatra.
232
00:17:25,243 --> 00:17:27,803
Yumuyuko rin tayo. Ganiyan.
233
00:17:28,723 --> 00:17:29,923
Aking panginoon.
234
00:17:29,923 --> 00:17:33,402
Kahit naghahanda si Mark Antony
sa pagsalakay niya sa Parthia,
235
00:17:33,402 --> 00:17:35,923
nagkaroon ng pagkakataon
sina Mark Antony at Cleopatra
236
00:17:35,923 --> 00:17:40,563
na buhayin muli ang kanilang pag-iibigan
at magsama bilang isang pamilya.
237
00:17:40,563 --> 00:17:43,443
At muli na namang nabuntis si Cleopatra.
238
00:17:45,523 --> 00:17:47,003
Pero naging abala sila sa buhay.
239
00:17:47,003 --> 00:17:49,683
At hindi ito naging madali sa kanila.
240
00:17:49,683 --> 00:17:51,843
Politika, diskarte, mga digmaan,
241
00:17:51,843 --> 00:17:55,083
pagpigil sa mga Parthian
sa paglusob sa kaniyang teritoryo.
242
00:18:14,003 --> 00:18:16,323
Sa kabila ng pinansiyal
na suporta ni Cleopatra,
243
00:18:16,323 --> 00:18:19,243
bigo pa rin ang pagsalakay
ni Mark Antony sa Parthia.
244
00:18:19,803 --> 00:18:23,683
Ito ay dahil sa dati niyang kakampi,
ang Hari ng Armenia,
245
00:18:23,683 --> 00:18:25,043
na nagtaksil sa kaniya.
246
00:18:26,283 --> 00:18:30,203
Natalo ng mga Parthian si Mark Antony.
247
00:18:30,203 --> 00:18:33,243
Isang mapaminsalang kampanya 'yon
para kay Mark Antony.
248
00:18:33,243 --> 00:18:38,203
Ilang libong tauhan niya ang namatay.
Maraming nabawas sa kaniyang suplay.
249
00:18:39,043 --> 00:18:42,043
At nagkaroon ng pagkakataon
si Octavian para gamitin 'yon.
250
00:18:42,043 --> 00:18:43,723
Ngayon, may matibay na siyang ebidensya
251
00:18:43,723 --> 00:18:46,803
na si Mark Antony
ay isang walang kuwentang kumander.
252
00:18:51,803 --> 00:18:55,483
{\an8}EHIPTO
253
00:18:55,483 --> 00:18:57,763
Sa puntong 'to,
nakabalik na sa Ehipto si Cleopatra.
254
00:18:57,763 --> 00:19:01,043
Hindi na niya nasamahan
si Mark Antony sa kaniyang kampanya
255
00:19:01,043 --> 00:19:04,203
dahil manganganak na siya
sa kanilang pangatlong anak,
256
00:19:05,003 --> 00:19:06,083
si Ptolemy.
257
00:19:11,443 --> 00:19:12,483
Bakit?
258
00:19:13,843 --> 00:19:17,083
Hindi naging matagumpay
ang kaniyang kampanya.
259
00:19:18,323 --> 00:19:21,803
Tumataas ang kumpiyansa ni Octavian
sa bawat pagkatalo ni Mark Antony.
260
00:19:22,363 --> 00:19:25,163
Sa huling laban na 'to, si Antony ay...
261
00:19:28,603 --> 00:19:30,283
Naiinis ako kapag tumatahimik ka bigla.
262
00:19:30,283 --> 00:19:32,683
Paraon, usap-usapan pa lang 'to.
263
00:19:32,683 --> 00:19:35,003
Hintayin na lang natin
ang mga opisyal nating tagapagbalita.
264
00:19:35,003 --> 00:19:36,043
Gaano katagal pa?
265
00:19:36,043 --> 00:19:38,643
- Mga ilang linggo o--
- Matagal pa 'yan.
266
00:19:39,283 --> 00:19:42,323
Kung nakarating sa 'tin 'to,
siguradong umabot na rin ito kay Octavian.
267
00:19:42,323 --> 00:19:44,523
Pipilitin kong pabilisin ang balita.
268
00:19:46,603 --> 00:19:48,603
Sa ngayon, ano'ng gusto mong gawin namin?
269
00:19:50,083 --> 00:19:51,883
Alamin mo kung nasaan si Antony.
270
00:19:57,523 --> 00:20:00,923
Nag-aalala si Cleopatra
sa mga pagkatalo ni Mark Antony.
271
00:20:00,923 --> 00:20:04,283
Kaya binisita niya ito
sa Antioch sa Syria,
272
00:20:04,283 --> 00:20:06,883
kung saan siya nagpahinga
kasama ang kaniyang hukbo.
273
00:20:17,203 --> 00:20:20,203
Ang sabi ko, huwag n'yo akong abalahin!
274
00:20:26,403 --> 00:20:27,643
Cleopatra.
275
00:20:36,603 --> 00:20:37,963
Walang gumagana.
276
00:20:40,563 --> 00:20:43,163
Natatalo na 'ko
ng buwisit na kalbong 'yon.
277
00:20:43,963 --> 00:20:45,803
Puwes, gumawa ka ng bagong paraan.
278
00:20:45,803 --> 00:20:47,923
Maraming beses ko ng ginawa 'yon.
279
00:20:49,043 --> 00:20:51,163
Parang nababasa niya ang iniisip ko.
280
00:20:52,843 --> 00:20:53,843
Tama na.
281
00:20:59,323 --> 00:21:01,323
Kahit ano'ng gawin ko, nandoon siya.
282
00:21:10,363 --> 00:21:12,363
Paano niya naman mababasa ang isip mo?
283
00:21:14,483 --> 00:21:16,443
Nakalimutan mo na ba kung sino ka?
284
00:21:19,203 --> 00:21:22,163
Mas magaling ka kaysa kay Octavian.
285
00:21:23,643 --> 00:21:24,843
Mas malakas ka.
286
00:21:25,563 --> 00:21:27,963
Mas magaling kang sundalo.
Mas mahusay na mandirigma.
287
00:21:28,563 --> 00:21:30,043
Kaya mo 'to.
288
00:21:31,203 --> 00:21:33,283
Suportado ka ng buong Ehipto.
289
00:21:34,603 --> 00:21:36,163
Kailangan mong lumabas
290
00:21:37,123 --> 00:21:40,283
at ipakita sa kanila kung sino ka.
291
00:21:43,043 --> 00:21:45,043
Sino nga ba 'ko, Cleopatra? Sino ako?
292
00:21:46,203 --> 00:21:47,523
Isa kang mandirigma.
293
00:21:48,203 --> 00:21:50,283
Ikaw ang mandirigma ko.
294
00:21:52,683 --> 00:21:54,643
- Tandaan mo 'yan.
- Oo.
295
00:21:54,643 --> 00:21:56,043
- Ha?
- Oo.
296
00:21:56,043 --> 00:21:57,203
Sige.
297
00:21:58,883 --> 00:22:01,123
Kumilos ka na parang nanalo ka na.
298
00:22:01,123 --> 00:22:02,163
Nanalo ako.
299
00:22:03,003 --> 00:22:04,003
Nanalo ako.
300
00:22:04,763 --> 00:22:05,643
Mahal kita.
301
00:22:08,043 --> 00:22:12,043
Malalim na ang nararamdaman
ni Cleopatra kay Mark Antony.
302
00:22:12,043 --> 00:22:15,403
May tatlo na rin silang anak.
303
00:22:15,403 --> 00:22:16,483
At...
304
00:22:17,403 --> 00:22:21,683
hindi lang suporta ang pinangako
ni Mark Antony sa kaniya.
305
00:22:21,683 --> 00:22:24,043
Nangako rin siya na aalagaan niya
ang mga anak nila
306
00:22:24,043 --> 00:22:28,003
at bibigyan niya 'to ng mga teritoryo
sa buong rehiyon.
307
00:22:28,963 --> 00:22:32,603
Kailangan ni Mark Antony
ang kaniyang pinansiyal na suporta.
308
00:22:32,603 --> 00:22:36,363
Si Cleopatra ang nagdedesisyon.
309
00:22:37,243 --> 00:22:40,723
Para mapagtibay ang kanilang relasyon
310
00:22:40,723 --> 00:22:42,163
at mabigyan ito...
311
00:22:43,083 --> 00:22:47,483
ng banal na katibayan,
312
00:22:49,363 --> 00:22:53,003
pinakasalan ni Cleopatra si Mark Antony.
313
00:22:59,323 --> 00:23:03,763
Tutol ang mga taga-Roma sa kasal
nina Mark Antony kay Cleopatra.
314
00:23:03,763 --> 00:23:08,123
Kasal na siya kay Octavia,
ang kapatid ni Octavian.
315
00:23:08,763 --> 00:23:11,043
Pero sa Ehipto, kabaliktaran ang nangyari.
316
00:23:11,043 --> 00:23:13,243
Kadalasang maraming asawa ang mga hari,
317
00:23:13,243 --> 00:23:17,603
at si Cleopatra ay kasal lamang
sa iisang tao no'ng panahon na 'yon,
318
00:23:17,603 --> 00:23:19,043
kay Mark Antony.
319
00:23:24,483 --> 00:23:28,963
Nagkaroon ng malaking seremonya
pagkatapos ng kasalan.
320
00:23:28,963 --> 00:23:31,803
Ang Donasyon ng Alexandria.
321
00:23:41,043 --> 00:23:43,203
Binabati kayo ng inyong Isis!
322
00:23:45,563 --> 00:23:48,443
Naaawa ako sa mga kaaway ng Ehipto!
323
00:23:49,403 --> 00:23:54,523
Mas naaawa ako sa kanila
nang magsanib ang Ehipto at Roma!
324
00:23:56,003 --> 00:24:00,323
Minamaliit ng mga ahas na 'to
ang ating banal na pagkakaisa,
325
00:24:00,323 --> 00:24:01,883
ang ating karunungan,
326
00:24:03,483 --> 00:24:04,763
kayamanan,
327
00:24:05,723 --> 00:24:07,483
ang ating bilang,
328
00:24:07,483 --> 00:24:10,123
ang pabor ng ating mga diyos!
329
00:24:16,643 --> 00:24:18,923
Ngayong araw, nandito ako.
330
00:24:20,963 --> 00:24:24,203
Nakatayo kami sa inyong harapan
331
00:24:25,283 --> 00:24:28,403
kasama ang mga magpapaunlad
sa 'ting kinabukasan.
332
00:24:30,003 --> 00:24:31,923
Napakarangya ng naging seremonya.
333
00:24:31,923 --> 00:24:36,203
Naka-costume ang mga bata,
nagdamit si Cleopatra bilang si Isis.
334
00:24:36,203 --> 00:24:40,003
{\an8}At binigay na ni Mark Antony
ang mga teritoryo ng Roma
335
00:24:40,003 --> 00:24:41,643
{\an8}sa kaniyang pamilya.
336
00:24:41,643 --> 00:24:43,243
Pinapangako ko sa inyo,
337
00:24:44,203 --> 00:24:49,083
ang sinumang magtatangkang sirain
ang aming banal na pagkakaisa
338
00:24:49,923 --> 00:24:52,563
ay pagsisisihan ang araw
na sila ay isinilang!
339
00:25:03,643 --> 00:25:06,083
Sa Donasyon ng Alexandria,
340
00:25:06,083 --> 00:25:08,643
tumayo si Mark Antony at prinoklama
341
00:25:08,643 --> 00:25:11,603
na si Caesarion
ang tagapagmana ni Julius Caesar.
342
00:25:13,123 --> 00:25:17,643
Pormal ng ipinasa
ni Mark Antony kay Cleopatra
343
00:25:17,643 --> 00:25:21,483
ang lahat ng teritoryong
gusto niyang makuha.
344
00:25:21,483 --> 00:25:23,603
Ang Donasyon ng Alexandria
345
00:25:23,603 --> 00:25:29,003
ay hindi lamang inangat muli
ang kadakilaan ng Imperyo Ptolemaic,
346
00:25:29,003 --> 00:25:31,363
pero nagbigay 'to sa Ehipto
347
00:25:32,043 --> 00:25:33,363
ng mas maraming teritoryo
348
00:25:33,363 --> 00:25:37,163
kumpara sa mga nasakop noon
ng Imperyong Ptolemaic.
349
00:25:46,883 --> 00:25:49,083
{\an8}Bukod sa pagbigay
sa mga teritoryo ng Roma,
350
00:25:49,083 --> 00:25:52,803
hiniwalayan na rin ni Mark Antony
ang kapatid ni Octavian.
351
00:25:52,803 --> 00:25:54,803
Para mas palalain ang sitwasyon,
352
00:25:54,803 --> 00:25:58,563
pinuputol na ni Mark Antony
ang kaniyang relasyon sa Roma.
353
00:25:58,563 --> 00:26:02,043
Alam mo 'yong emoji na sumasabog ang ulo?
354
00:26:03,043 --> 00:26:08,643
Gano'n si Octavian no'ng nalaman niya
ang tungkol sa Donasyon ng Alexandria.
355
00:26:08,643 --> 00:26:11,443
"Ano ba ang ginagawa ni Mark Antony?
356
00:26:13,163 --> 00:26:15,163
Nasisiraan na siya ng bait.
357
00:26:16,283 --> 00:26:18,803
Wala siyang kapangyarihan para gawin 'to."
358
00:26:20,923 --> 00:26:22,563
Pero sa kabila nito,
359
00:26:22,563 --> 00:26:26,603
nakaisip si Octavian
ng isang panibagong propaganda.
360
00:26:26,603 --> 00:26:30,323
Tingnan niyo si Mark Antony.
Kung umasta, parang hari ng silangan.
361
00:26:30,323 --> 00:26:35,243
Tingnan niyo si Mark Antony.
Isa siyang traydor at bastos na Romano.
362
00:26:35,243 --> 00:26:40,883
Naging madali para kay Octavian
ang ipukol ang Donasyon ng Alexandria
363
00:26:40,883 --> 00:26:43,163
bilang isang pakay na kontra-Romano.
364
00:26:47,283 --> 00:26:52,363
Binigyan ni Mark Antony si Octavian
ng dahilan para makipagdigmaan.
365
00:26:53,323 --> 00:26:55,763
Pero hindi laban kay Mark Antony
366
00:26:56,523 --> 00:27:01,843
dahil hindi kakayanin ng mga Romano
ang isa pang digmaang sibil.
367
00:27:02,643 --> 00:27:04,563
Sino ngayon ang sisisihin?
368
00:27:06,443 --> 00:27:07,723
Si Cleopatra.
369
00:27:08,203 --> 00:27:11,963
"Ang bruhang 'yon. Ang bruhang 'yon."
370
00:27:11,963 --> 00:27:13,603
At 'yon ang simula.
371
00:27:13,603 --> 00:27:17,763
'Yon ang simula ng propaganda
372
00:27:18,643 --> 00:27:21,883
laban kay Cleopatra
na pinasimuno ni Octavian.
373
00:27:21,883 --> 00:27:25,883
At ito rin ang simula ng paglalahad
374
00:27:25,883 --> 00:27:29,563
sa reputasyon ni Mark Antony sa Roma.
375
00:27:30,643 --> 00:27:34,763
MAHARLIKANG PALASYO NG ALEXANDRIA
376
00:27:42,363 --> 00:27:43,443
Alam mo,
377
00:27:44,723 --> 00:27:48,203
akala ni Octavian na ginayuma mo ako.
378
00:27:51,683 --> 00:27:54,403
Inilagay ko raw ang Roma sa kapahamakan.
379
00:27:58,003 --> 00:27:58,883
Mabuti naman.
380
00:28:00,803 --> 00:28:05,083
Lubos na nagalit at nasaktan si Octavian.
381
00:28:05,083 --> 00:28:10,123
Naglabas siya ang masamang
propaganda laban kay Cleopatra.
382
00:28:10,123 --> 00:28:16,603
Kahit si Mark Antony ang hindi
naging tapat sa kaniyang kapatid,
383
00:28:17,123 --> 00:28:20,483
binansagan si Cleopatra
bilang isang dakilang mang-aakit
384
00:28:20,483 --> 00:28:23,763
na siyang gumagamit sa kaniyang kapatid.
385
00:28:23,763 --> 00:28:28,163
Kadalasang nagkakamali ng husto
ang mga lalaking galit na galit.
386
00:28:29,363 --> 00:28:33,603
Nagkamali si Octavian
sa pagmamaliit sa 'tin.
387
00:28:35,443 --> 00:28:37,643
Sa tingin ko,
dapat natin siyang pabagsakin.
388
00:28:51,843 --> 00:28:53,283
Sa puntong 'yon...
389
00:28:55,803 --> 00:28:58,683
nagdeklara ng digmaan
si Octavian kay Cleopatra.
390
00:29:05,603 --> 00:29:07,283
Noong 31 BCE,
391
00:29:07,283 --> 00:29:10,523
magkasamang hinarap
nina Cleopatra at Mark Antony
392
00:29:10,523 --> 00:29:14,043
si Octavian sa isang
digmaang pangkaragatan.
393
00:29:14,043 --> 00:29:16,683
Ito ang Labanan sa Actium.
394
00:29:19,603 --> 00:29:22,763
{\an8}Ito ang sukdulan
ng isang dekadang tunggalian.
395
00:29:30,403 --> 00:29:35,483
Marami siyang barko
libo-libo ang kaniyang mga sundalo,
396
00:29:35,483 --> 00:29:37,883
at nagtungo sila sa Greece.
397
00:29:40,843 --> 00:29:45,603
Aktibong sumasali
sa buhay militar si Cleopatra.
398
00:29:46,123 --> 00:29:48,603
Gusto niyang malaman ang mga detalye,
399
00:29:48,603 --> 00:29:51,563
ang mga taktika,
gusto niyang maging bahagi nito.
400
00:29:51,563 --> 00:29:55,083
Hindi siya 'yong tipong
magpapaiwan lang sa palasyo.
401
00:29:55,083 --> 00:29:57,483
Siya mismo ang humaharap.
402
00:30:05,403 --> 00:30:11,043
Ito ang digmaang magpapabago
sa kasaysayan ng Roma
403
00:30:11,043 --> 00:30:13,283
at ng Ehipto.
404
00:30:16,763 --> 00:30:21,043
Magkasamang plinano nina Cleopatra
at Mark Antony ang mga diskarte nila.
405
00:30:21,043 --> 00:30:24,523
Nagbigay siya ng 200 barko
sa 800 na mayroon sila
406
00:30:24,523 --> 00:30:26,883
at siya rin ang nagbigay
ng tulong-pinansiyal.
407
00:30:26,883 --> 00:30:30,603
Pero hindi 'to matanggap
ng mga heneral ni Antony,
408
00:30:30,603 --> 00:30:33,723
ang ilan pa sa kanila
ay ayaw sumunod sa isang babae.
409
00:30:34,203 --> 00:30:35,483
Mawalang-galang lang.
410
00:30:35,963 --> 00:30:37,963
Tapat kami sa aming heneral.
411
00:30:38,443 --> 00:30:41,243
- Hinda sa--
- Alalahanin mo ang mga naiambag ko rito.
412
00:30:41,243 --> 00:30:43,483
- Ang lakas ng loob mong ka--
- Tama na!
413
00:30:45,123 --> 00:30:47,443
- Ang gusto niya ay salungat--
- Niya?
414
00:30:50,443 --> 00:30:52,483
Ang sabihin mo,
415
00:30:53,043 --> 00:30:54,403
"Salamat, Isis.
416
00:30:55,003 --> 00:30:58,563
Sa pagbibigay sa 'tin
ng pinakamalakas na hukbong-dagat
417
00:30:58,563 --> 00:31:00,003
na agad nating pakikilusin,
418
00:31:00,003 --> 00:31:03,523
nang sa gayon ay matakot natin
ng lubos si Octavian."
419
00:31:05,363 --> 00:31:07,763
- Tama ba ako?
- Opo, Heneral.
420
00:31:15,763 --> 00:31:17,123
Salamat.
421
00:31:18,363 --> 00:31:19,523
Pero kaya na 'yon.
422
00:31:22,763 --> 00:31:26,843
Lalong naghinala ang mga Romanong
kakampi ni Mark Antony
423
00:31:26,843 --> 00:31:28,443
kay Cleopatra.
424
00:31:28,443 --> 00:31:30,763
Siya ang kumakatawan
sa isang ganap na monarkiya.
425
00:31:30,763 --> 00:31:33,643
Kinakatawan niya ang silangang imperyo.
426
00:31:33,643 --> 00:31:36,043
At isa siyang babae.
427
00:31:36,683 --> 00:31:41,443
Kailangang maging malakas
na heneral si Mark Antony,
428
00:31:41,443 --> 00:31:46,083
at ang alyansa nila ni Cleopatra
ang nagbabanta sa kaniyang pagkakakilanlan
429
00:31:46,083 --> 00:31:48,563
sa mata ng kaniyang mga Romanong kakampi.
430
00:31:48,563 --> 00:31:52,763
Nag-aalala sila na hindi siya umaasta
bilang isang Romanong heneral,
431
00:31:52,763 --> 00:31:55,243
kundi isang hari ng silangan.
432
00:31:55,243 --> 00:31:56,683
At dahil diyan,
433
00:31:56,683 --> 00:32:02,683
karamihan sa mga kumander ni Mark Antony
ang kumalas at lumipat kay Octavian.
434
00:32:05,603 --> 00:32:06,683
Nang magsimula ang digmaan,
435
00:32:06,683 --> 00:32:10,443
{\an8}nakasakay sa magkahiwalay na barko
sina Mark Antony at Cleopatra.
436
00:32:10,443 --> 00:32:14,603
{\an8}Si Mark Antony ang namumuno sa harap
at si Cleopatra naman sa likod.
437
00:32:17,523 --> 00:32:19,363
Nang umaga ng ika-dalawa ng Setyembre,
438
00:32:19,363 --> 00:32:24,563
tinangka nina Mark Antony
at Cleopatra na sirain ang harang
439
00:32:24,563 --> 00:32:28,203
na mayroon si Octavian sa Look ng Actium.
440
00:32:28,203 --> 00:32:30,803
Kung pinagsama natin
si Mark Antony at Cleopatra,
441
00:32:30,803 --> 00:32:33,163
mas kaunti ang mga barko nila
kaysa kay Octavian.
442
00:32:33,163 --> 00:32:36,683
Ang isa pang pagkakaiba
sa pagitan ng dalawang hukbong-dagat
443
00:32:36,683 --> 00:32:39,843
ay mas malaki ang mga barko
ni Mark Antony.
444
00:32:39,843 --> 00:32:41,603
Mas marami silang mga armas,
445
00:32:41,603 --> 00:32:44,723
pero mas mahirap din itong kontrolin
446
00:32:44,723 --> 00:32:47,123
kaysa mga maliliit na barko ni Octavian.
447
00:32:51,683 --> 00:32:58,003
Maraming palpak na desisyon
sina Cleopatra at Mark Antony sa labanan.
448
00:32:58,563 --> 00:33:02,443
Kung tutuusin ay nakakagulat 'to
dahil parehong silang matalino.
449
00:33:02,443 --> 00:33:04,843
Pero pinaghiwalay nila ang kanilang hukbo
450
00:33:04,843 --> 00:33:09,003
at hinayaang magpaipit sa kalaban.
451
00:33:09,963 --> 00:33:13,083
Ang mga magagaan at maliliit
na barko ni Octavian
452
00:33:13,083 --> 00:33:15,803
ay nagtagumpay sa pagpalibot
sa mga puwersa
453
00:33:15,803 --> 00:33:18,283
nina Mark Antony at Cleopatra.
454
00:33:21,443 --> 00:33:24,963
Nalaman namin sa mga Romano
na si Cleopatra,
455
00:33:24,963 --> 00:33:28,283
no'ng napagtanto na niyang
natatalo na si Mark Antony,
456
00:33:28,283 --> 00:33:31,923
ay umatras at nagpasyang
bumalik na lamang sa Alexandria.
457
00:33:32,723 --> 00:33:38,003
Magsagwan! Bilisan niyo! Lakasan niyo pa!
458
00:33:38,003 --> 00:33:40,043
Magsagwan!
459
00:33:40,043 --> 00:33:41,603
Ayaw niyang magpahuli.
460
00:33:41,603 --> 00:33:43,003
Wala nang silbi pa
461
00:33:43,003 --> 00:33:46,283
kung mananatili pa siya
sa isang labanan na matatalo siya.
462
00:33:48,323 --> 00:33:52,643
Ang pangunahing layunin niya
ay ang kaligtasan ng kaniyang kaharian.
463
00:33:52,643 --> 00:33:54,443
Ang kaligtasan ng Ehipto.
464
00:33:54,443 --> 00:33:58,083
Wala na siyang magagawa
kundi bumalik sa Ehipto
465
00:33:58,563 --> 00:34:01,443
kasama ang mga natitira niyang mga barko.
466
00:34:02,803 --> 00:34:07,083
Kung mauubusan siya ng hukbo
sa Labanan sa Actium,
467
00:34:07,083 --> 00:34:08,803
wala nang magtatanggol sa Ehipto.
468
00:34:14,163 --> 00:34:15,563
Umalis na ang mga barko niya.
469
00:34:16,443 --> 00:34:18,363
Heneral, lahat sila.
470
00:34:20,762 --> 00:34:22,242
Ano'ng ginawa niya?
471
00:34:22,242 --> 00:34:24,603
Madaling makita
mula sa pananaw ng mga Romano
472
00:34:24,603 --> 00:34:30,282
na ang pag-atras ni Cleopatra
sa Actium ay isang pagtataksil.
473
00:34:31,843 --> 00:34:33,803
Ano'ng ginawa mo? Pinigilan mo ba siya?
474
00:34:35,242 --> 00:34:36,883
- Hindi--
- Pinigilan mo ba siya?
475
00:34:39,843 --> 00:34:44,282
Siguro magandang desisyon ito,
kahit para kay Mark Antony,
476
00:34:44,282 --> 00:34:48,363
na magtira pa ng mga hukbong-dagat
477
00:34:48,363 --> 00:34:51,483
para malabanan pa si Ocatavian sa susunod.
478
00:34:52,123 --> 00:34:55,883
Si Mark Antony, na natalo sa labanan,
479
00:34:55,883 --> 00:35:00,643
ay tumakas at nagawang maabutan
ang mga barko ni Cleopatra.
480
00:35:06,163 --> 00:35:07,243
Ano'ng ginawa mo?
481
00:35:07,243 --> 00:35:09,283
- Nanganganib ang mga barko ko.
- Natin!
482
00:35:10,403 --> 00:35:13,643
Dapat kinausap mo muna ako.
Ako ang heneral, hindi ikaw.
483
00:35:14,803 --> 00:35:16,483
Matatalo ka kung wala ang hukbo ko.
484
00:35:20,043 --> 00:35:22,563
Walang hiya ka. Walang hiya ka!
485
00:35:22,563 --> 00:35:25,963
Si Mark Antony ang kumander ng mga hukbo.
486
00:35:25,963 --> 00:35:28,683
Kaya siya ang gagawa ng huling desisyon.
487
00:35:28,683 --> 00:35:31,483
Pero kapag may nangyaring hindi maganda,
488
00:35:31,483 --> 00:35:34,523
si Cleopatra ang sisisihin niya.
489
00:35:35,123 --> 00:35:37,803
Kung bibigyan mo 'ko ng hukbo,
hayaan mong akong pamunuan sila.
490
00:35:37,803 --> 00:35:39,483
'Yon ang tamang desisyon.
491
00:35:40,043 --> 00:35:41,763
Pero tinalikuran mo 'ko.
492
00:35:43,043 --> 00:35:44,443
Ginawa ko lang ang nararapat.
493
00:35:45,043 --> 00:35:46,843
Pero hindi ka nagpapaalam sa 'kin.
494
00:35:46,843 --> 00:35:50,963
Ginawa ko ang nararapat gawin
para maprotektahan ko ang sa 'kin.
495
00:35:50,963 --> 00:35:55,123
Natin, Cleopatra!
Hindi lang sa 'yo! Sa 'tin!
496
00:35:58,163 --> 00:36:02,283
Hindi 'yon ang nararapat gawin
ng isang Romano sa gitna ng labanan.
497
00:36:02,763 --> 00:36:05,803
Ang totoo, iniisip ni Cleopatra
ang kaniyang pansariliing kapangyarihan.
498
00:36:05,803 --> 00:36:08,083
Inuna niya ang kaniyang sarili
at ang kaniyang pamilya.
499
00:36:08,083 --> 00:36:10,123
Sino ka ba sa tingin mo, Cleopatra?
500
00:36:10,123 --> 00:36:12,363
Ako ang paraon!
501
00:36:13,083 --> 00:36:15,123
Ayusin mong makipag-usap sa 'kin.
502
00:36:19,763 --> 00:36:21,803
Naririnig nila tayo sa taas.
503
00:36:21,803 --> 00:36:24,763
Pinagtatawanan ako
ng mga tapat kong tauhan.
504
00:36:25,323 --> 00:36:28,323
Wala akong pananagutan
sa 'yo at sa nararamdaman mo.
505
00:36:29,443 --> 00:36:32,243
Nagdesisyon ako at pinanindigan ko.
506
00:36:33,483 --> 00:36:34,923
Ang gusto ko lang...
507
00:36:36,603 --> 00:36:37,923
ay ang tiwala mo.
508
00:36:40,643 --> 00:36:45,523
Ang labanan sa Actium ay isang sakuna
para kina Mark Antony at Cleopatra.
509
00:36:45,523 --> 00:36:51,443
Nawala ang pagkakataon nila
na maharap at matalo si Octavian
510
00:36:51,443 --> 00:36:53,323
sa labas Ehipto.
511
00:36:53,323 --> 00:36:56,563
Ngayon, ang tanging magagawa nila
ay bumalik sa Ehipto
512
00:36:56,563 --> 00:36:59,763
para ipagtanggol ang kanilang teritoryo.
513
00:37:05,883 --> 00:37:11,243
Ang pagkapanalo ni Octavian
ang nagpatunay sa kaniyang kapangyarihan
514
00:37:11,243 --> 00:37:15,483
laban kay Mark Antony,
laban sa mga Ptolemaic.
515
00:37:15,483 --> 00:37:17,443
Ito ang naglagay sa kaniya
sa mataas na posisyon,
516
00:37:17,443 --> 00:37:21,603
at maganda na ang posisyon niya
dahil nasa huling habilin siya ni Caesar.
517
00:37:21,603 --> 00:37:23,403
Ngayon, napatunayan niya na 'yon.
518
00:37:23,403 --> 00:37:26,163
Ito ay tiyak. Hindi maipagkakaila.
519
00:37:29,403 --> 00:37:34,403
Pagkatapos ng Labanan sa Actium,
si Cleopatra na ang namuno.
520
00:37:36,043 --> 00:37:38,803
Sumulat siya kay Octavian.
521
00:37:38,803 --> 00:37:43,763
"Kung hahayaan mo ako
at si Mark Antony na mabuhay,
522
00:37:43,763 --> 00:37:46,283
aalis na kami.
523
00:37:46,283 --> 00:37:48,083
At sa 'yo na ang Ehipto."
524
00:37:48,083 --> 00:37:51,403
Mark, 'wag mo 'tong ipagkakalat. Pakiusap.
525
00:37:55,603 --> 00:37:59,003
Hindi siya nanawagan sa kaniya
na tulad sa ginawa niya kay Caesar
526
00:37:59,003 --> 00:38:00,683
at kay Antony noon,
527
00:38:00,683 --> 00:38:02,083
pero naging pragmatiko siya.
528
00:38:02,083 --> 00:38:04,923
Sa puntong 'to,
alam niya nang ipapatapon siya.
529
00:38:04,923 --> 00:38:10,803
pero gusto niya pa rin na magkaroon ng
pamamahala ang mga anak niya sa Egypt.
530
00:38:10,803 --> 00:38:13,443
Nakiusap din siya kay Octavian...
531
00:38:14,363 --> 00:38:15,963
na pabayaang mabuhay si Antony.
532
00:38:19,483 --> 00:38:23,603
Kailangang makipagsundo ni Cleopatra
kay Octavian para mabuhay.
533
00:38:26,523 --> 00:38:29,403
Ang kaniyang kapalaran,
pamilya, at kaharian,
534
00:38:29,403 --> 00:38:32,283
ay nasa mga kamay na ni Octavian.
535
00:38:41,603 --> 00:38:46,003
Ang panginoon kong si Octavian
ay nagpapasalamat sa mensahe mo, Paraon.
536
00:38:47,003 --> 00:38:50,003
Ibinilin niya sa 'kin,
bilang kaniyang embahador,
537
00:38:50,523 --> 00:38:51,763
na ipaalam sa 'yo...
538
00:38:52,923 --> 00:38:54,923
na handa siyang tuparin ang kahilingan mo.
539
00:38:57,883 --> 00:38:59,203
Sa isang kondisyon.
540
00:39:01,283 --> 00:39:02,923
Isang simpleng kahilingan.
541
00:39:06,803 --> 00:39:08,123
Patayin mo si Antony.
542
00:39:08,803 --> 00:39:10,483
Kapalit ng buhay mo.
543
00:39:11,283 --> 00:39:13,003
At siyempre, ng mga anak mo.
544
00:40:30,643 --> 00:40:34,083
{\an8}Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni
Honey Jade Pacanon