1
00:00:14,683 --> 00:00:16,363
Ano ang isang Paraon?
2
00:00:18,483 --> 00:00:21,683
Siya ang buhangin at ang langit.
3
00:00:23,083 --> 00:00:25,523
At lahat ng nasa pagitan nito.
4
00:00:27,723 --> 00:00:30,323
Ehipto ang panganay niyang anak.
5
00:00:34,963 --> 00:00:36,603
At kapag dumating ang panahon,
6
00:00:39,723 --> 00:00:45,163
dapat handa siyang isakripisyo ang lahat
para protektahan ang pinakamamahal niya.
7
00:00:45,163 --> 00:00:46,203
Ano'ng ginawa mo?
8
00:00:51,323 --> 00:00:55,323
Ginawa ko ang nararapat
para maprotektahan ang sa 'kin.
9
00:00:56,963 --> 00:01:00,523
Ang panginoon ko, si Octavian,
handa siyang tuparin ang hiling mo.
10
00:01:02,123 --> 00:01:03,523
Sa isang kondisyon.
11
00:01:04,563 --> 00:01:05,723
Patayin mo si Antony.
12
00:01:11,603 --> 00:01:15,043
Ang gusto ko lang ay ang tiwala mo.
13
00:01:44,843 --> 00:01:47,163
Matapos ang Labanan sa Actium,
14
00:01:47,923 --> 00:01:53,483
{\an8}nagkaroon ng clinical depression
si Mark Antony.
15
00:01:56,363 --> 00:02:00,883
Naubos ang hukbong-dagat nila.
Nadurog ang kanilang militar.
16
00:02:01,683 --> 00:02:04,443
Hindi niya kinakausap si Cleopatra.
17
00:02:05,283 --> 00:02:10,403
At nawalan na rin si Cleopatra
ng kumpiyansa sa kaniya.
18
00:02:11,283 --> 00:02:15,962
Kaya gumuho ang tiwala
sa kanilang relasyon.
19
00:02:17,283 --> 00:02:18,963
"Mapagkakatiwalaan ko ba siya?"
20
00:02:21,323 --> 00:02:22,883
"Pinagkakatiwalaan niya ba 'ko?"
21
00:02:23,363 --> 00:02:25,683
Nagkaroon ng maraming pagdududa.
22
00:02:26,403 --> 00:02:32,163
{\an8}Alam ni Cleopatra na kapag pinadala
ng Roma ang buong puwersa nila sa Ehipto,
23
00:02:32,163 --> 00:02:36,283
mawawala ang kalayaan ng Ehipto.
24
00:02:37,203 --> 00:02:40,723
Walang duda na malaking panganib
ang kinakaharap nila.
25
00:02:43,963 --> 00:02:45,643
Alam ni Cleopatra na,
26
00:02:45,643 --> 00:02:49,483
upang maipagpatuloy
ang pagiging dinastikong bansa ng Ehipto,
27
00:02:49,483 --> 00:02:51,443
kailangan niya protektahan
ang kaniyang tagapagmana.
28
00:02:51,443 --> 00:02:55,363
{\an8}Kaya pinadala niya sila sa malayo
upang masiguro ang kaligtasan nila.
29
00:03:00,603 --> 00:03:04,683
Kapag namatay ang mga anak niya,
30
00:03:04,683 --> 00:03:08,763
lalo na si Caesarion,
na siyang kahati niyasa trono,
31
00:03:10,683 --> 00:03:12,203
'yon na ang katapusan.
32
00:03:21,683 --> 00:03:25,523
{\an8}Bilang katawang tao ng diyosa na si Isis,
33
00:03:25,523 --> 00:03:30,243
{\an8}kinakatawan din ni Cleopatra
ang pagiging isang banal na ina.
34
00:03:31,283 --> 00:03:34,483
Isipin mo na lang
kung paano nadurog ang puso niya
35
00:03:34,483 --> 00:03:36,443
noong pinaalis niya ang kaniyang mga anak.
36
00:03:38,323 --> 00:03:42,803
Ngunit ginawa niya ito para sa politika
at para sa kaligtasan nila.
37
00:03:42,803 --> 00:03:45,163
Paraon, kailangan na nating umalis.
38
00:03:45,163 --> 00:03:46,963
Alam ko, sandali na lang.
39
00:03:49,523 --> 00:03:50,923
Kayong dalawa.
40
00:03:51,843 --> 00:03:53,203
Pinag-iisa kayo ng inyong dugo.
41
00:03:54,683 --> 00:03:56,283
Ang dugo ko.
42
00:03:56,883 --> 00:03:59,243
Isang banal na dugo.
43
00:03:59,243 --> 00:04:00,803
'Wag n'yo 'tong kalilimutan.
44
00:04:00,803 --> 00:04:02,483
Hindi ko po kalilimutan.
45
00:04:07,763 --> 00:04:08,923
Paraon.
46
00:04:17,603 --> 00:04:23,043
Ang pinakamahalagang bagay
para kay Cleopatra ay kaniyang mga anak.
47
00:04:24,483 --> 00:04:28,923
Dahil hangga't ligtas sila,
hangga't buhay sila...
48
00:04:30,603 --> 00:04:31,803
mabubuhay siya.
49
00:04:32,403 --> 00:04:33,963
At may pag-asa pa para sa Ehipto.
50
00:04:40,043 --> 00:04:45,243
Isa munang diplomatiko si Cleopatra
51
00:04:46,003 --> 00:04:49,843
bago siya maging isang mahusay na sundalo.
52
00:04:51,043 --> 00:04:55,123
Malinaw na hindi na gagana ang diplomasya.
53
00:04:56,363 --> 00:04:58,523
Ayaw ni Cleopatra ng gulo.
54
00:04:59,363 --> 00:05:02,603
Pakiramdam niyang hindi pa handa
si Mark Antony para makipagdigma.
55
00:05:05,843 --> 00:05:07,003
Patayin mo si Antony.
56
00:05:07,843 --> 00:05:09,043
Kapalit ng buhay mo.
57
00:05:09,843 --> 00:05:11,483
At siyempre, ng mga anak mo.
58
00:05:14,243 --> 00:05:17,723
Tingin ko na pinag-isipan ni Cleopatra
na patayin si Mark Antony.
59
00:05:17,723 --> 00:05:20,643
Ngayong wala na siyang
pakinabang sa kaniya.
60
00:05:20,643 --> 00:05:24,243
{\an8}At kung tutuusin,
isa na lamang siyang pabigat.
61
00:05:24,243 --> 00:05:26,443
Siguro naniniwala pa siya
na may pag-asa pa
62
00:05:26,443 --> 00:05:28,923
na makipagkasundo sila ni Octavian.
63
00:05:28,923 --> 00:05:31,603
Kahit kapalit nito
ang pagtatraydor kay Mark Antony.
64
00:05:31,603 --> 00:05:37,163
Dahil sa huli, si Mark Antony naman
talaga ang kaaway ni Octavian.
65
00:05:37,163 --> 00:05:41,803
Walang dahilan para hindi manatili
si Cleopatra bilang reyna ng Ehipto
66
00:05:41,803 --> 00:05:44,163
kung mawawala man si Mark Antony.
67
00:05:52,803 --> 00:05:53,883
Mark.
68
00:06:01,603 --> 00:06:03,683
May pinadalang mensahe si Thyrsus
mula kay Octavian.
69
00:06:05,043 --> 00:06:07,923
Masisiguro niya raw
ang kaligtasaan naming mag-iina...
70
00:06:10,883 --> 00:06:13,363
kung papatayin kita.
71
00:06:19,243 --> 00:06:20,763
Kaya ka nagpunta rito.
72
00:06:21,363 --> 00:06:22,363
Hindi.
73
00:06:24,363 --> 00:06:25,723
Tinanggihan ko ang alok niya.
74
00:06:27,883 --> 00:06:29,723
Magkasama nating haharapin 'to.
75
00:06:30,603 --> 00:06:31,603
Oo.
76
00:06:32,163 --> 00:06:34,203
Gaya ng ginawa natin sa Actium.
77
00:06:41,963 --> 00:06:43,883
Pinadala ko sa malayo ang mga anak natin.
78
00:06:44,883 --> 00:06:46,443
Dahil ikaw ang pinipili ko.
79
00:06:47,083 --> 00:06:50,443
Alam kong walang makakatalo sa 'tin
kung magkasama tayo.
80
00:06:50,443 --> 00:06:53,083
Roma at Ehipto.
81
00:06:57,403 --> 00:06:58,483
Nasaan siya?
82
00:06:59,443 --> 00:07:01,443
Para sa aming mga romantiko,
83
00:07:01,443 --> 00:07:05,323
gusto namin na ito ang pinakamagandang
kuwento ng pag-ibig sa kasaysayan.
84
00:07:06,803 --> 00:07:09,363
Pero hindi romantiko si Cleopatra.
85
00:07:10,163 --> 00:07:12,243
Isa siyang pragmatiko.
86
00:07:12,243 --> 00:07:16,443
Mas gusto ni Cleopatra na mabuhay siya
87
00:07:16,443 --> 00:07:20,763
at ang kaniyang mga anak,
pati na ang bansa niya.
88
00:07:22,363 --> 00:07:25,443
At sa puntong 'yon, naniniwala siya
89
00:07:25,443 --> 00:07:30,083
na si Mark Antony pa rin
ang susi sa kanilang relasyon.
90
00:07:43,483 --> 00:07:48,123
Sabihin mo kay Octavian na tapos na kami!
91
00:07:49,723 --> 00:07:52,003
Nababaliw na si Mark Antony.
92
00:07:52,003 --> 00:07:53,763
Hindi na maintindihan
ang mga kinikilos niya.
93
00:07:53,763 --> 00:07:56,163
Pinagbuntunan niya ng galit ang mensahero.
94
00:07:59,203 --> 00:08:04,483
Kung mananatili si Cleopatra
na nakaupo sa trono,
95
00:08:04,483 --> 00:08:08,563
kailangang nasa panig niya ang Roma.
96
00:08:09,603 --> 00:08:12,483
Sabihin mo sa duwag na 'yon,
na siya na ang pumatay sa 'kin.
97
00:08:12,483 --> 00:08:17,203
Hindi na muling makikipagkasundo
si Mark Antony.
98
00:08:17,203 --> 00:08:19,643
Digmaan lang ang tanging tatapos dito.
99
00:08:20,643 --> 00:08:23,843
Nagdeklara ng digmaan
si Octavian laban kay Cleopatra.
100
00:08:24,323 --> 00:08:27,403
Naiintindihan ni Cleopatra
na hindi na sila makakaligtas
101
00:08:27,403 --> 00:08:29,203
ni Mark Antony mula dito.
102
00:08:37,202 --> 00:08:39,283
Noong tagsibol ng 30 BC,
103
00:08:39,283 --> 00:08:45,043
{\an8}nagpadala ng napakalaking hukbo
si Octavian pagtungtong niya sa Ehipto.
104
00:08:45,043 --> 00:08:50,323
{\an8}Ito ang na pinakamalaking pagsalakay
sa kasaysayan ng Roma ngayon.
105
00:08:50,323 --> 00:08:54,083
Sa paglipat ng mga puwersa
ni Cleopatra kay Octavian,
106
00:08:54,083 --> 00:08:57,643
at sa pagkatalo ni Mark Antony
sa Labanan ng Actium,
107
00:08:57,643 --> 00:09:00,763
dumami nang husto
ang mga hukbo ni Octavian
108
00:09:00,763 --> 00:09:03,363
kumpara kina Cleopatra at Antony.
109
00:09:03,363 --> 00:09:06,203
Gusto nang tapusin ni Octavian
ang digmaang 'to.
110
00:09:09,123 --> 00:09:14,123
Mayaman ang Ehipto
sa mga materyal na kayamanan.
111
00:09:15,203 --> 00:09:18,643
Kailangan 'to ni Octavian
para bayaran ang kaniyang mga sundalo.
112
00:09:19,443 --> 00:09:22,123
Gustong-gustong sakupin
ni Octavian ang Ehipto.
113
00:09:22,123 --> 00:09:24,603
Gagawing bukirin ng Roma ang Ehipto
114
00:09:24,603 --> 00:09:27,803
at wala silang pakialam
kahit maghirap 'to.
115
00:09:29,963 --> 00:09:31,403
RHODES ALEXANDRIA
116
00:09:31,403 --> 00:09:34,883
{\an8}Nagmartsa na ang hukbo
ni Octavian papuntang Pelusium.
117
00:09:34,883 --> 00:09:38,763
{\an8}Puwede naman maglalayag si Octavian
papuntang Alexandria
118
00:09:38,763 --> 00:09:40,363
ngunit hindi niya 'yon ginawa.
119
00:09:40,363 --> 00:09:44,083
Tinipon niya ang mga puwersa niya
at naglakbay sila sa lupa.
120
00:09:44,763 --> 00:09:47,483
Mahalaga ito dahil, habang naglalakbay,
121
00:09:47,483 --> 00:09:51,563
maraming nabuong alyansa si Octavian.
122
00:09:52,443 --> 00:09:54,643
Plano niyang makuha
ang loob ng mga mamamayan
123
00:09:54,643 --> 00:09:57,283
at siraan sina Mark Antony
at Cleopatra sa kanila.
124
00:09:58,083 --> 00:10:03,723
Naglabas ng mapanirang propaganda
si Octavian laban kay Cleopatra.
125
00:10:03,723 --> 00:10:10,163
Kahit na si Mark Antony
ang nagtaksil sa kaniyang kapatid,
126
00:10:10,163 --> 00:10:13,523
pinalabas niya na inakit
siya ni Cleopatra.
127
00:10:13,523 --> 00:10:16,563
Tinawag siyang malandi,
lasinggero, mangkukulam.
128
00:10:17,163 --> 00:10:18,963
Misogynistic at xenophobic
ang mga sinabi niya.
129
00:10:18,963 --> 00:10:20,523
Isa siyang banta sa kaniya.
130
00:10:20,523 --> 00:10:23,723
Nakita ng mga senador ng Roma kung paano
131
00:10:23,723 --> 00:10:27,643
naimpluwensyahan ng babaeng 'to
ang dalawa sa pinakamagaling nilang pinuno
132
00:10:28,563 --> 00:10:30,843
at naubos na ang pasensiya nila.
133
00:10:30,843 --> 00:10:34,003
Sa isip nila, ito na ang oras
para tapusin ni Octavian
134
00:10:34,003 --> 00:10:39,923
ang pangingialam ni Cleopatra
sa mga usaping pang-Romano.
135
00:10:39,923 --> 00:10:43,643
'Yon ang pinakamagandang paraan
para mapaanib sa kanila
136
00:10:43,643 --> 00:10:47,523
ang mga natitira pang kakampi
ni Mark Antony.
137
00:10:48,003 --> 00:10:49,803
Sinisiguro ni Octavian
138
00:10:49,803 --> 00:10:52,483
na kapag dumating na
ang huli nilang paghaharap
139
00:10:52,483 --> 00:10:55,123
nila Mark Antony at Cleopatra,
140
00:10:55,123 --> 00:10:58,003
wala na siyang ibang aasahang kalaban.
141
00:11:05,243 --> 00:11:09,323
Habang nagmamartsa ang hukbo
ni Octavian papuntang Alexandria,
142
00:11:09,923 --> 00:11:12,923
si Mark Antony
ay may matinding depression.
143
00:11:14,363 --> 00:11:19,243
Naghanda ng magarabong piging si Cleopatra
upang pagandahin ang nararamadaman niya.
144
00:11:21,403 --> 00:11:23,803
Naghanda si Cleopatra ng piging
145
00:11:23,803 --> 00:11:29,603
dahil ayon ito sa relihiyosong
paniniwala ng lugar na ito.
146
00:11:29,603 --> 00:11:33,283
Bilang katawang-lupa
ni Dionysus si Mark Antony,
147
00:11:33,283 --> 00:11:35,283
ang diyos ng pagsasaya,
148
00:11:35,283 --> 00:11:41,003
ang piging na 'ito ang magsusuporta
at ang magpapatibay
149
00:11:41,003 --> 00:11:47,083
na banal na mensahe na siya
ang tunay na hari ng silangan.
150
00:11:52,163 --> 00:11:54,643
Isa itong hamon sa Roma.
151
00:11:54,643 --> 00:11:56,883
Parang sinasabi nila na,
"Kami ang naghahari dito."
152
00:11:56,883 --> 00:11:59,963
Walang pakialam si Cleopatra
sa kung ano'ng iisipin ng Roma.
153
00:11:59,963 --> 00:12:01,883
Isa 'tong mapanganib na hamon.
154
00:12:04,723 --> 00:12:08,083
Habang papalapit ang mga puwersa
ni Octavian sa Alexandria,
155
00:12:08,083 --> 00:12:13,523
ang mga puwersa ng mag-asawa,
sa puntong 'to, ay watak-watak
156
00:12:13,523 --> 00:12:14,883
humina sila.
157
00:12:17,283 --> 00:12:19,443
Sumuko na ang kumander ng Pelusium.
158
00:12:20,683 --> 00:12:22,523
Lumipat na siya kay Octavian.
159
00:12:23,003 --> 00:12:28,243
Maraming mga taga-Ehipto
ang lumilipat sa panig ni Octavian.
160
00:12:28,243 --> 00:12:31,963
At ang mga dating kaalyado ng Ehipto,
161
00:12:31,963 --> 00:12:33,843
ngayon ay gusto nang kumampi sa Roma.
162
00:12:35,923 --> 00:12:39,763
Hindi na muling makikita ng taksil
na kumander ng Pelusium ang mag-ina niya.
163
00:12:39,763 --> 00:12:41,323
Hindi sa buhay na 'to.
164
00:12:41,323 --> 00:12:44,203
Hindi sapat 'yan
para mapigilan pa si Octavian.
165
00:12:44,203 --> 00:12:45,643
Alam ko.
166
00:12:45,643 --> 00:12:47,283
Kailangan natin ang tulong ng mga diyos.
167
00:12:48,003 --> 00:12:50,883
Masuwerte ka dahil nandito ako.
168
00:12:55,923 --> 00:12:57,923
Walang binatbat si Octavian sa 'tin.
169
00:13:07,243 --> 00:13:08,243
Mga kaibigan.
170
00:13:09,443 --> 00:13:13,563
Kahit sa mga masasayang panahon,
may mga nagtataksil pa rin sa 'tin.
171
00:13:16,563 --> 00:13:22,323
Alam natin na sa sarili nating lupain,
mayroong mga nagtataksil sa Ehipto,
172
00:13:22,323 --> 00:13:25,363
sila ang nagbubukas ng pinto
para sa mga puwersa ni Octavian.
173
00:13:26,563 --> 00:13:29,803
Walang traydor na hindi parurusahan.
174
00:13:32,923 --> 00:13:36,403
Ang kaaway n'yo ay kaaway rin namin.
175
00:13:38,043 --> 00:13:39,083
Para kay Mark Antony.
176
00:13:48,403 --> 00:13:51,043
Labis sigurong kinakabahan
ang mga taga-Ehipto
177
00:13:51,043 --> 00:13:53,763
sa pagdating ng mga puwersa ng Roma.
178
00:13:53,763 --> 00:13:57,763
Dahil hanggang sa mga oras na 'yon,
tinuring nilang kakampi ang Roma.
179
00:13:57,763 --> 00:13:59,803
At ngayon, naging kaaway na sila.
180
00:14:08,043 --> 00:14:12,403
Huli na para umanib
si Cleopatra kay Octavian.
181
00:14:12,403 --> 00:14:16,243
Kailangan niyang panindigan
ang alyansa nila ni Mark Antony.
182
00:14:17,243 --> 00:14:18,643
Tulog ka na ba?
183
00:14:25,963 --> 00:14:27,123
Hindi pa.
184
00:14:30,163 --> 00:14:33,243
Maaaring mawala ang lahat sa kaniya.
185
00:14:33,243 --> 00:14:36,083
Hindi lang ang buhay at ang posisyon niya,
186
00:14:36,083 --> 00:14:37,323
pati na rin ang bansa.
187
00:14:42,923 --> 00:14:45,283
- Gaano katagal?
- May oras pa tayo.
188
00:14:45,283 --> 00:14:48,123
- At mga mata?
- Nakabantay ang mga sundalo natin.
189
00:14:48,123 --> 00:14:50,323
Sabihan mo ang mga kawal na aalis na tayo.
190
00:14:50,323 --> 00:14:51,763
Salamat, Maelius.
191
00:15:06,763 --> 00:15:09,243
Ang tanging lamang
ni Cleopatra sa laban na ito
192
00:15:09,243 --> 00:15:12,323
ay dinedepensahan niya
ang sarili niyang teritoryo.
193
00:15:12,323 --> 00:15:15,803
At nalaman niya mula
sa karanasan niya kay Julius Caesar
194
00:15:15,803 --> 00:15:19,083
na walang amor
ang mga taga-Ehipto para sa Roma.
195
00:15:19,083 --> 00:15:24,803
Hindi papayag ang Ehipto na makontrol
sila ng Roma o sakupin sila nito.
196
00:15:24,803 --> 00:15:28,443
Matalino si Mark Antony
sa larangan ng pakikipagdigma.
197
00:15:28,443 --> 00:15:31,723
Ito ang pinakamatindi nilang kalamangan.
198
00:15:33,243 --> 00:15:38,403
{\an8}Nagharap ang mga puwersa nila
ni Octavian sa labas ng Alexandria.
199
00:15:41,083 --> 00:15:43,163
Isang sundalo si Mark Antony.
200
00:15:43,163 --> 00:15:46,163
Alam niya kung paano
magpanalo ng isang laban.
201
00:15:47,283 --> 00:15:50,643
Mahilig siyang makipaglaban.
202
00:15:50,643 --> 00:15:55,323
Gusto niyang lumalaban
sa tabi ng mga sundalo niya.
203
00:15:55,323 --> 00:16:01,243
Nagkaroon ng oras para magpahinga
ang puwersa nina Antony at Cleopatra
204
00:16:01,243 --> 00:16:04,563
habang walang-tigil na nagmartsa
ang mga puwersa ni Octavian.
205
00:16:04,563 --> 00:16:08,923
Kaya mas handang lumaban
ang mga puwersa ni Antony.
206
00:16:12,523 --> 00:16:13,443
Ano'ng nangyayari?
207
00:16:13,443 --> 00:16:15,203
May tubig at pagkain ba para sa sugatan?
208
00:16:15,203 --> 00:16:16,443
Oo, tapos na.
209
00:16:16,443 --> 00:16:18,803
- Sinusuri na ba ang mga sandata?
- Tinitignan na.
210
00:16:18,803 --> 00:16:20,323
Base sa kaniyang karanasan,
211
00:16:20,803 --> 00:16:23,123
alam ni Cleopatra na bukas
212
00:16:23,123 --> 00:16:25,603
ang mga napagkukunan
ng tubig ng Alexandria.
213
00:16:25,603 --> 00:16:27,843
Alam niya na maaari itong lasunin.
214
00:16:27,843 --> 00:16:31,083
Kailangan ko ng dalawang bantay
sa bawat balon at suplay ng tubig.
215
00:16:32,763 --> 00:16:36,283
Ang isa pang problema
na kinakaharap ng mag-asawa
216
00:16:36,283 --> 00:16:39,723
ay ang kakulangan nila
sa mga kagamitan at sundalo.
217
00:16:39,723 --> 00:16:44,003
Wala na silang mga tropa
at pinagkukuhaan ng mga kagamitan.
218
00:16:45,163 --> 00:16:49,243
Mangingibig si Cleopatra,
hindi mandirigma.
219
00:16:49,243 --> 00:16:53,523
Alam niyang maraming posibilidad
sa isang digmaan,
220
00:16:53,523 --> 00:16:58,883
at nararamdaman niyang
hindi nauunawaan ni Mark Antony
221
00:16:58,883 --> 00:17:02,163
ang kalagayan sa Alexandria.
222
00:17:03,803 --> 00:17:07,883
Mukhang masyado nilang
minaliit ang sitwasyon.
223
00:17:07,883 --> 00:17:09,642
Kinabahan siya.
224
00:17:36,603 --> 00:17:38,323
Nanalo tayo sa laban pero...
225
00:17:39,963 --> 00:17:41,043
Pero, ano?
226
00:17:43,883 --> 00:17:45,483
Marami silang mga sundalo, Cleopatra.
227
00:17:45,483 --> 00:17:46,803
Alam ko.
228
00:17:49,683 --> 00:17:50,963
Hindi pa tayo tapos.
229
00:17:52,203 --> 00:17:53,363
Hindi ba?
230
00:18:01,163 --> 00:18:04,563
Hindi. Hindi pa tayo tapos.
231
00:18:05,723 --> 00:18:06,803
Mabuti.
232
00:18:07,763 --> 00:18:09,643
Nag-aalala si Mark Antony.
233
00:18:10,483 --> 00:18:12,883
Kaya nag-aalala rin si Cleopatra.
234
00:18:13,963 --> 00:18:17,443
Ngunit hinayaan niyang
lumaban ulit si Antony.
235
00:18:34,443 --> 00:18:35,843
Nagkaroon ng malawakang pag-atake.
236
00:18:41,963 --> 00:18:44,323
Desperado na si Mark Antony.
237
00:18:44,323 --> 00:18:47,963
Inutusan niya ang kaniyang mga arkero
na magbigay ng ginto
238
00:18:47,963 --> 00:18:50,843
sa mga puwera ni Octavian
na kakampi sa kaniya.
239
00:18:51,443 --> 00:18:53,203
Kailangan niyang pigilan
ang paglusob nila.
240
00:18:53,883 --> 00:18:57,203
Mapanganib ang susunod na gagawin
ni Mark Antony kay Octavian.
241
00:18:57,203 --> 00:19:01,563
Magkasabay siyang sumugod
sa lupa at sa dagat.
242
00:19:04,203 --> 00:19:08,163
Nagtapat ang mga puwersa nila
sa labas ng Alexandria.
243
00:19:08,163 --> 00:19:10,963
Ito na ang huli at pinakamahalagang laban.
244
00:19:21,403 --> 00:19:22,883
Heneral.
245
00:19:22,883 --> 00:19:25,603
Kumampi na
ang ating hukbong-dagat kay Octavian.
246
00:19:26,403 --> 00:19:27,683
Hindi 'yan totoo.
247
00:19:27,683 --> 00:19:29,363
Nagsasabi ako ng totoo, heneral.
248
00:19:29,363 --> 00:19:32,243
Hindi maari.
249
00:19:34,603 --> 00:19:37,403
Sa mga oras na 'yon,
wala nang makakapigil kay Octavian
250
00:19:37,403 --> 00:19:39,243
na tumapak sa Alexandria.
251
00:19:47,643 --> 00:19:48,723
Ano 'yon?
252
00:19:49,523 --> 00:19:50,923
Tignan niyo kung ano ang nangyayari.
253
00:19:50,923 --> 00:19:52,363
- Opo.
- Bilis na.
254
00:19:55,803 --> 00:20:02,723
Kumbinsido si Cleopatra na hindi mapapasok
ang mga tarangkahan sa Alexandria.
255
00:20:02,723 --> 00:20:04,363
Mahigpit ang kanilang seguridad.
256
00:20:06,523 --> 00:20:10,483
Nang nakapasok
ang mga puwersa ni Octavian,
257
00:20:11,083 --> 00:20:16,683
napagtanto ni Cleopatra na kumalas
ang mga sundalo ng Ehipto.
258
00:20:17,203 --> 00:20:21,523
Ibig sabihin, nasa kamay na
ni Octavian ang bansa.
259
00:20:32,123 --> 00:20:38,003
Para sa karamihan sa 'tin,
kung tayo ang nasa sitwasyon ni Cleopatra
260
00:20:39,003 --> 00:20:40,763
at nalalapit na ang katapusan,
261
00:20:42,363 --> 00:20:46,683
baka nabaliw na tayo at nataranta.
262
00:20:50,723 --> 00:20:53,603
Bumagsak na ang mga depensa natin,
kailangan na nating umalis.
263
00:20:53,603 --> 00:21:00,603
Hindi pa siguro matanggap ni Cleopatra
ang mga nangyayari sa oras na 'yon.
264
00:21:03,363 --> 00:21:05,563
Kung nandito sila,
ibig sabihin ang heneral--
265
00:21:05,563 --> 00:21:07,443
Tumahimik ka, Iras.
266
00:21:09,843 --> 00:21:11,283
Paraon, kailangan na nating umalis.
267
00:21:13,603 --> 00:21:17,763
Kahit na mahawakan pa ni Cleopatra
ang kaniyang trono
268
00:21:17,763 --> 00:21:22,043
o magtagumpay siyang maipamana 'to
sa isa sa mga anak niya,
269
00:21:22,043 --> 00:21:26,443
gagawin pa ring probinsiya
ng Imperyong Romano ang Ehipto.
270
00:21:27,043 --> 00:21:28,763
- Paraon, kailangan na--
- Tumahimik ka!
271
00:21:36,443 --> 00:21:37,923
Kailangan itong makarating kay Antony.
272
00:21:41,123 --> 00:21:42,603
Paraon, kailangan na nating umalis.
273
00:21:43,483 --> 00:21:50,203
Nanganganib ng mawala
ang kaniyang buhay at mga pamana.
274
00:22:02,723 --> 00:22:03,723
Bilis.
275
00:22:05,283 --> 00:22:06,243
Bilis!
276
00:22:06,243 --> 00:22:08,123
Inipon ni Cleopatra kaniyang mga kayamanan
277
00:22:08,123 --> 00:22:09,723
sa kaniyang mosoleo.
278
00:22:09,723 --> 00:22:12,763
Ito na ang huli niyang pag-asa.
279
00:22:12,763 --> 00:22:17,283
Kailangan ni Octavian ang kayamanang 'to
para mabayaran ang kaniyang mga sundalo.
280
00:22:18,403 --> 00:22:21,803
Hindi pa tapos ang libingan ni Cleopatra.
281
00:22:21,803 --> 00:22:23,403
Nagkulong siya sa loob nito.
282
00:22:23,403 --> 00:22:25,363
Hindi ako magpapahuli kay Octavian.
283
00:22:25,923 --> 00:22:27,403
Susunugin natin 'to lahat.
284
00:22:28,363 --> 00:22:30,563
Walang makukuha ang hayop na 'yon.
285
00:22:33,523 --> 00:22:38,083
Nagbanta si Cleopatra
na susunugin niya ang kaniyang libingan
286
00:22:38,083 --> 00:22:42,483
at mamatay kasama
ng kaniyang mga kayamanan.
287
00:22:42,483 --> 00:22:44,043
Cleopatra!
288
00:22:45,043 --> 00:22:46,283
Narinig mo ba 'yon?
289
00:22:52,283 --> 00:22:55,123
- Mark?
- Nandito na sila. Parating na sila.
290
00:22:55,123 --> 00:22:56,963
Tulungan n'yo kami.
291
00:22:56,963 --> 00:22:58,443
Kumuha kayo ng tali, dali.
292
00:23:00,283 --> 00:23:01,723
Sandali lang, mahal ko!
293
00:23:09,403 --> 00:23:10,403
Hila!
294
00:23:17,203 --> 00:23:20,683
Kinailangang hatakin pataas
si Mark Antony mula sa isang bintana.
295
00:23:26,843 --> 00:23:30,643
Nagtangkang magpakamatay si Mark Antony
296
00:23:30,643 --> 00:23:34,123
nang natanggap niya
ang sulat mula kay Cleopatra.
297
00:23:34,123 --> 00:23:36,843
Hindi natin alam kung ano ang nasa sulat.
298
00:23:36,843 --> 00:23:43,443
Pinaniwala tayo ni Shakespeare na pineke
ni Cleopatra ang kaniyang kamatayan
299
00:23:43,443 --> 00:23:48,723
dahil umasa siyang
magpapakamatay din si Mark Antony.
300
00:23:49,643 --> 00:23:52,283
Ang pinakamatapang
na magagawa ng isang tao,
301
00:23:52,283 --> 00:23:54,563
ayon sa isang Romano,
302
00:23:54,563 --> 00:23:56,643
ay ang pagpapakamatay.
303
00:23:57,243 --> 00:24:01,843
Isa itong paraan upang mapanatili
ang iyong dangal at dignidad
304
00:24:01,843 --> 00:24:03,683
kahit sa harap ng kamatayan.
305
00:24:04,443 --> 00:24:07,283
Dito ka lang. 'Wag kang aalis.
306
00:24:13,643 --> 00:24:14,963
Cleopatra...
307
00:24:21,203 --> 00:24:26,203
Gusto niyang mamatay kasama ni Cleopatra.
308
00:24:28,443 --> 00:24:32,043
At namatay siya sa bisig ni Cleopatra.
309
00:24:42,443 --> 00:24:46,643
Si Octavian, isang tusong politiko,
310
00:24:47,603 --> 00:24:49,523
na wala ring awa.
311
00:24:51,123 --> 00:24:57,003
Ayaw niyang mamamatay si Cleopatra
sa kamay ng mga Romano
312
00:24:57,003 --> 00:24:59,963
dahil magiging martir siya.
313
00:25:01,123 --> 00:25:05,723
At mga taga-Ehipto na kumampi kay Octavian
314
00:25:06,763 --> 00:25:09,243
ay magsisimulang mag-alsa.
315
00:25:10,323 --> 00:25:11,603
Isa siyang Paraon.
316
00:25:11,603 --> 00:25:13,763
Hindi ka puwedeng pumatay...
317
00:25:15,563 --> 00:25:16,803
ng isang Paraon.
318
00:25:17,283 --> 00:25:18,923
Para makapasok sa kaniyang puntod,
319
00:25:18,923 --> 00:25:21,723
sinira ng mga sundalo
ni Octavian ang bubong nito.
320
00:25:27,683 --> 00:25:28,723
Sindihan ang sulo.
321
00:25:34,883 --> 00:25:36,363
Ikaw, patayin mo 'yan! Ngayon din!
322
00:25:36,963 --> 00:25:39,323
Dakpin siya! Dakpin siya!
323
00:25:47,083 --> 00:25:50,403
Ako ang panginoon ng dalawang lupain.
324
00:25:50,403 --> 00:25:52,723
Thea Neotera.
325
00:25:53,883 --> 00:25:58,003
Isa akong diyos.
Huwag niyo akong lapastanganin.
326
00:26:00,163 --> 00:26:01,803
Mamamatay ako para sa Ehipto.
327
00:26:04,803 --> 00:26:06,123
Saan niyo isusugal ang buhay niyo?
328
00:26:09,723 --> 00:26:10,603
Huwag.
329
00:26:13,683 --> 00:26:15,363
Huwag!
330
00:26:17,363 --> 00:26:18,203
Huwag!
331
00:26:19,923 --> 00:26:21,123
Huwag!
332
00:26:31,403 --> 00:26:33,763
Dinala siya ng mga sundalo sa palasyo
333
00:26:33,763 --> 00:26:36,723
kung saan niya tinatanggap
ang mga embahador.
334
00:26:39,683 --> 00:26:41,643
Dumating si Octavian.
335
00:26:43,883 --> 00:26:45,763
Hindi pa sila nagkita noon.
336
00:26:47,283 --> 00:26:50,923
Mukhang binigo ka
ng Aprikanong mahika mo ngayon.
337
00:26:52,763 --> 00:26:53,763
Paraon.
338
00:26:55,483 --> 00:27:01,123
Siguro nga ay malakas ang mahika mo
339
00:27:02,003 --> 00:27:05,123
dahil nagawa mong akitin ang dalawa
sa pinakatanyag na pinuno ng Roma.
340
00:27:05,123 --> 00:27:08,403
Labis mong ikinatuwa
kapag pinag-uusapan kung gaano ka...
341
00:27:10,003 --> 00:27:11,243
kaganda.
342
00:27:18,923 --> 00:27:20,403
Bakit ka nakangiti?
343
00:27:21,883 --> 00:27:22,923
Bruha!
344
00:27:26,483 --> 00:27:29,283
Mas maliit ka sa inaakala ko.
345
00:27:37,923 --> 00:27:39,043
Alam mo...
346
00:27:40,203 --> 00:27:43,843
kahawig mo ang mga anak mo.
347
00:27:47,203 --> 00:27:48,763
Lalo na ang panganay mo.
348
00:27:50,403 --> 00:27:52,483
Matutuwa kang makita sila sa Roma.
349
00:27:57,123 --> 00:28:02,723
Sa oras na 'yon, naniwala si Cleopatra
na ligtas ang kaniyang mga anak.
350
00:28:02,723 --> 00:28:08,003
Pinagkatiwala niyo 'to
sa kaniyang mga kamag-anak.
351
00:28:08,003 --> 00:28:13,483
Kaya naisip niya
na wala siyang dapat ikatakot.
352
00:28:15,163 --> 00:28:18,123
Tinanggap mo na lang sana
ang alok ko sa 'yo.
353
00:28:19,483 --> 00:28:22,963
Ikatutuwa kong kaladkarin ka sa kalsada.
354
00:28:24,003 --> 00:28:25,243
At 'yong...
355
00:28:26,323 --> 00:28:28,283
mga bastardo mong anak?
356
00:28:30,763 --> 00:28:32,003
Manonood sila.
357
00:28:33,923 --> 00:28:39,763
Dito niya nalaman na nadakip
ni Octavian ang kaniyang mga anak.
358
00:28:40,243 --> 00:28:46,723
At nakamamangha lang
na hindi siya nagpakita ng kahinaan dito.
359
00:28:50,323 --> 00:28:51,563
Alisin niyo na siya rito!
360
00:28:56,923 --> 00:29:02,883
Isa sa mga mahahalagang bagay
na magagawa ng kahit sinong pinuno ng Roma
361
00:29:02,883 --> 00:29:05,803
upang makakuha ng suporta
at pagmamahal ng mga Romano
362
00:29:05,803 --> 00:29:09,763
ay ang magkaroon ng magarbong
pagdiriwang sa kaniyang pagkapanalo,
363
00:29:09,763 --> 00:29:11,323
na tinatawag na "pagpupunyagi".
364
00:29:11,323 --> 00:29:13,243
Para makumpleto ang kaniyang tagumpay,
365
00:29:13,243 --> 00:29:16,523
kailangang dalhin ni Octavian
si Cleopatra pabalik sa Roma
366
00:29:16,523 --> 00:29:19,203
at iparada siya sa kaniyang seremonya.
367
00:30:07,523 --> 00:30:09,403
Siguraduhin mo na
makakarating 'to kay Octavian.
368
00:30:10,523 --> 00:30:12,883
Maniwala ka, gugustuhin niyang mabasa 'to.
369
00:30:14,523 --> 00:30:17,723
'Wag kang mag-alala,
nandito pa rin kami pagbalik mo.
370
00:30:20,003 --> 00:30:21,643
Sumulat si Cleopatra kay Octavian
371
00:30:21,643 --> 00:30:24,403
para hilingin na magkasama silang
372
00:30:24,403 --> 00:30:26,563
ilibing ni Antony,
373
00:30:26,563 --> 00:30:30,603
at payagang manahin
ng kaniyang anak ang Ehipto.
374
00:30:30,603 --> 00:30:34,243
Nakikita natin ngayon
ang huling pagkakataon ni Cleopatra
375
00:30:34,243 --> 00:30:38,203
sa pagkamit nito
sa kaniyang matagal na pangarap
376
00:30:38,203 --> 00:30:42,363
na pagsisiguro sa pagpapatuloy
ng Dinastiyang Ptolemy,
377
00:30:42,363 --> 00:30:45,963
at hindi maging probinsiya
ng Imperyong Romano ang Ehipto.
378
00:30:50,203 --> 00:30:51,523
Gawin natin ito nang magkasama.
379
00:30:51,523 --> 00:30:53,283
Ito ang tamang gawin.
380
00:30:53,283 --> 00:30:54,643
Nararapat sa isang diyos.
381
00:31:00,163 --> 00:31:01,883
May plano siya.
382
00:31:01,883 --> 00:31:05,203
Palaging mayroong plano si Cleopatra.
383
00:31:05,963 --> 00:31:12,083
Nagsaliksik siya ng mga lason
na hindi magpaparamdam ng sakit,
384
00:31:12,083 --> 00:31:15,523
na hindi sisirain ang kaniyang katawan.
385
00:31:15,523 --> 00:31:20,163
Siya ang magdedesisyon
kung paano siya mamamatay.
386
00:31:22,763 --> 00:31:27,243
At siya ang pipili sa papatay sa kaniya.
387
00:31:27,243 --> 00:31:31,283
Hindi si Octavian,
hindi ang senado ng Roma,
388
00:31:31,283 --> 00:31:33,403
kundi si Cleopatra.
389
00:31:33,403 --> 00:31:35,643
Siya ang may kontrol.
390
00:32:39,403 --> 00:32:41,203
Nang matanggap ni Octavian ang sulat,
391
00:32:41,203 --> 00:32:44,843
alam niyang hindi na makakabalik
si Cleopatra sa Roma
392
00:32:44,843 --> 00:32:46,763
at nagpakamatay siya.
393
00:32:50,563 --> 00:32:55,283
Labis na nakakahiya ang maiparada
sa isang Romanong seremonya.
394
00:32:55,763 --> 00:32:59,563
Malabo na salubungin
ng bukas-palad si Cleopatra roon.
395
00:33:03,403 --> 00:33:06,603
Madalas, pinapatay kaagad
ang mga natalong kaaway.
396
00:33:06,603 --> 00:33:09,323
Kaya alam niyang nalalapit na rin
ang kaniyang kamatayan.
397
00:33:09,323 --> 00:33:12,083
Hindi papayagan ni Octavian
na mabuhay pa siyang muli.
398
00:33:15,803 --> 00:33:18,163
Alam ni Octavian na tapos na 'to.
399
00:33:21,003 --> 00:33:26,803
Hindi natin alam kung ano'ng paraan
ang ginawa ni Cleopatra para magpakamatay.
400
00:33:26,803 --> 00:33:30,163
Ang parating pinapakita sa mga pelikula
401
00:33:30,163 --> 00:33:37,243
ay namatay siya matapos matuklaw
ng isang Egyptian cobra o asp.
402
00:33:37,243 --> 00:33:39,923
Ang kobra ay simbolo ng pagkahari.
403
00:33:39,923 --> 00:33:44,683
Kaya kahit hindi bahagi ang asp
sa kaniyang pagpapakamatay,
404
00:33:44,683 --> 00:33:48,083
isa 'tong magandang representasyon
405
00:33:48,083 --> 00:33:51,443
na lilisanin niya ang mundo
bilang reyna ng Ehipto.
406
00:33:59,563 --> 00:34:03,883
Hindi pa nahahanap kung saan inilibing
sina Cleopatra at Mark Antony.
407
00:34:07,123 --> 00:34:10,803
Hindi natin alam kung natupad
ang huli niyang kahilingan
408
00:34:10,803 --> 00:34:12,043
na mailibing kasama si Antony.
409
00:34:14,282 --> 00:34:19,083
Sinubukan hanapin ng mga arkeologo
ang puntod ni Cleopatra...
410
00:34:19,682 --> 00:34:20,682
pero wala.
411
00:34:26,043 --> 00:34:30,242
Hindi papayagan ni Octavian mailibing
412
00:34:30,242 --> 00:34:34,323
ang mga labi
nina Cleopatra at Mark Antony.
413
00:34:34,923 --> 00:34:38,722
'Yon ang magiging mitsa
ng isang pag-aalsa.
414
00:34:42,883 --> 00:34:48,722
Hindi tradisyon ng mga Romano
ang maglibing ng mga bangkay.
415
00:34:48,722 --> 00:34:53,323
Hindi nila ginagawang mummy 'to,
kundi sinusunog nila.
416
00:34:54,523 --> 00:34:58,603
Sa tingin ko, sinunog ang mga katawan
nina Cleopatra at Mark Antony.
417
00:35:09,963 --> 00:35:12,883
Ito ang tunay na nagpabago sa kasaysayan.
418
00:35:16,603 --> 00:35:18,883
Nawala nang tuluyan
ang kalayaan ng Ehipto.
419
00:35:20,203 --> 00:35:23,283
Tapos na. Isa na 'tong probinsiya ng Roma.
420
00:35:23,843 --> 00:35:28,843
Natapos na ang pagiging isang
dakilang sibilisasyon ng Ehipto.
421
00:35:30,323 --> 00:35:33,803
Naging bukirin na lamang
ng Roma ang Ehipto.
422
00:35:34,643 --> 00:35:37,363
Hindi kayang ipagpatuloy ng Roma
ang kanilang hukbong militar
423
00:35:37,363 --> 00:35:41,003
nang hindi ginagastos
ang mga kayamanan ng Ehipto.
424
00:35:41,003 --> 00:35:45,643
Ginamit ng Roma ang bangko ng Ehipto
at nilimas ang lahat ng mga 'to.
425
00:35:45,643 --> 00:35:50,323
Dito na natapos ang kaharian
ng Ehipto na kilala natin ngayon.
426
00:35:50,323 --> 00:35:54,883
Si Cleopatra ang huling paraon ng Ehipto.
427
00:35:57,843 --> 00:35:59,763
Pagkatapos nito,
428
00:35:59,763 --> 00:36:04,363
dineklara ng senado
si Octavian bilang emperador.
429
00:36:04,363 --> 00:36:06,163
Si Emperador Augustus.
430
00:36:06,163 --> 00:36:09,003
Gusto niyang maghari habambuhay.
431
00:36:09,003 --> 00:36:12,763
'Yon ang ideya niya sa isang diktador.
432
00:36:14,363 --> 00:36:19,323
Kagaya ni Cleopatra, kinilala si Octavian
bilang isang nabubuhay na diyos.
433
00:36:22,283 --> 00:36:24,043
Ang kamatayan ni Cleopatra
434
00:36:24,763 --> 00:36:29,523
ang isa sa mga huling yugto
435
00:36:29,523 --> 00:36:32,563
ng tinagurian nating sinaunang Ehipto.
436
00:36:37,043 --> 00:36:41,323
Buhay pa rin
ang tatlong anak ni Cleopatra.
437
00:36:41,923 --> 00:36:45,363
Ang mga anak ni Mark Antony at Cleopatra
438
00:36:45,363 --> 00:36:49,643
ay hindi naging banta kay Octavian.
439
00:36:53,923 --> 00:36:57,843
Dinala sina Alexander Helios,
Cleopatra Selene,
440
00:36:57,843 --> 00:37:00,363
at ang batang si Ptolemy Philadelphus
441
00:37:00,363 --> 00:37:02,323
pabalik sa Roma.
442
00:37:10,923 --> 00:37:15,643
Ngunit hindi niya hahayaang
mabuhay si Caesarion.
443
00:37:15,643 --> 00:37:18,843
Pinalaki si Caesarion
para maging isang Paraon.
444
00:37:18,843 --> 00:37:20,243
Maaari siyang mag-aklas.
445
00:37:20,243 --> 00:37:23,883
Puwede niyang sabihin na,
"Ako ang anak ni Caesar.
446
00:37:23,883 --> 00:37:26,123
Ako dapat ang mag-hari sa Roma."
447
00:37:27,083 --> 00:37:30,403
Isa siyang malaking banta
para kay Octavian.
448
00:37:30,403 --> 00:37:33,363
Kaya pinatay siya, binitay.
449
00:37:35,043 --> 00:37:38,283
Nang dinala ni Octavian
ang mga bata pabalik sa Roma,
450
00:37:38,283 --> 00:37:42,283
pinarada sila sa likod
ng imahen ni Cleopatra
451
00:37:42,283 --> 00:37:46,163
na may ahas o asp
na nakapulupot sa kaniyang braso.
452
00:37:47,363 --> 00:37:49,083
Pinahiya sila sa publiko
453
00:37:49,083 --> 00:37:52,443
habang pinaglakad sila
sa likod ng imahen ng kanilang ina
454
00:37:52,443 --> 00:37:54,963
at ginapos sila
sa mga kadenang gawa sa ginto.
455
00:37:54,963 --> 00:37:56,763
Dahil napakabigat ng mga kadenang ito,
456
00:37:56,763 --> 00:37:59,843
palagi silang nadadapa
at nahihirapang maglakad.
457
00:37:59,843 --> 00:38:02,883
Sa katunayan,
naawa ang mga tao sa mga bata.
458
00:38:02,883 --> 00:38:06,763
Pero matapos nito,
pinadala niya ang mga bata
459
00:38:06,763 --> 00:38:10,443
sa kaniyang kapatid na si Octavia,
460
00:38:10,443 --> 00:38:15,923
na asawa ni Mark Antony
noong ipinanganak ang mga batang 'to.
461
00:38:17,323 --> 00:38:21,403
Ang kaawa-awang si Octavia
ang nagpalaki sa mga anak ni Mark Antony.
462
00:38:21,403 --> 00:38:24,403
Nawala sa kasaysayan ang dalawang lalaki,
463
00:38:24,403 --> 00:38:28,083
pero pinakasalan ni Cleopatra Selene
si Juba ng Mauretania.
464
00:38:28,083 --> 00:38:32,483
Kaya naging reyna rin ng Aprika
si Cleopatra Selene.
465
00:38:32,483 --> 00:38:37,043
Naghari si Cleopatra Selene
sa isang malaking kaharian
466
00:38:37,043 --> 00:38:41,363
sa kabisera ng Mauretania
na kagaya ng Alexandria.
467
00:38:44,163 --> 00:38:50,723
Puno rin ng literatura, pilosopiya
at sining ang kaniyang kaharian.
468
00:38:53,763 --> 00:38:58,043
Katulad ng kaniyang ina,
nagpagawa ng libingan si Selene.
469
00:38:58,043 --> 00:39:02,243
Isa ito sa pinaka-nakamamangha
sa sinaunang mundo.
470
00:39:02,243 --> 00:39:05,163
Nalaman natin mula
sa mga labi ng kaniyang libingan
471
00:39:05,163 --> 00:39:07,283
at ng kaniyang mga palasyo
472
00:39:07,283 --> 00:39:10,723
na nagdala siya ng mga Ehiptong estatwa
kaniyang mga kaharian
473
00:39:10,723 --> 00:39:12,243
para mapanatili ang koneksyon niya
474
00:39:12,243 --> 00:39:14,203
sa kaniyang ina
at sa kaniyang lupang sinilangan.
475
00:39:14,203 --> 00:39:18,523
Nagkaroon siya ng anak
na naging tagapagmana ng asawa niya.
476
00:39:18,523 --> 00:39:23,083
Pinangalanan niya ito na Ptolemy,
kasunod sa ama ni Cleopatra.
477
00:39:23,723 --> 00:39:25,803
Nagpapatuloy ang dinastiya nila
478
00:39:25,803 --> 00:39:31,283
dahil nagpakasal ang kaniyang apo
sa isang miyembro ng Imperyong Romano.
479
00:39:31,283 --> 00:39:33,323
Dito nagpapatuloy ang lahi ni Cleopatra.
480
00:39:33,323 --> 00:39:37,123
Kahit sa kamatayan,
'di siya kinalimutan ng kaniyang anak
481
00:39:37,123 --> 00:39:39,683
at ng kaniyang apo.
482
00:39:45,843 --> 00:39:49,483
Mahalaga si Cleopatra
dahil siya ang huling pinuno
483
00:39:49,483 --> 00:39:53,003
ng malaya at makapangyarihang Ehipto.
484
00:39:55,403 --> 00:39:58,403
Isa siyang malayang babae.
485
00:39:58,403 --> 00:40:01,403
Wala ang Roma kung wala ang Ehipto.
486
00:40:02,523 --> 00:40:05,003
Makapangyarihan ang babaeng 'to.
487
00:40:05,683 --> 00:40:09,843
Sinubukang iligtas ni Cleopatra
ang bansang kaniyang minahal
488
00:40:09,843 --> 00:40:11,843
mula sa pagkawasak.
489
00:40:12,763 --> 00:40:14,483
Ako si Isis.
490
00:40:16,123 --> 00:40:18,243
Ang Reyna ng mga Hari!
491
00:40:18,243 --> 00:40:19,923
Mamamatay ako para sa Ehipto.
492
00:40:20,443 --> 00:40:21,843
Saan niyo isusugal ang buhay niyo?
493
00:40:23,123 --> 00:40:25,283
Isa siyang imahen.
494
00:40:28,843 --> 00:40:32,403
Matagal kong iniwasan si Cleopatra
495
00:40:33,003 --> 00:40:34,563
sa aking pag-aaral.
496
00:40:34,563 --> 00:40:37,723
Sabi ko, "Hindi kita pag-aaralan."
497
00:40:38,923 --> 00:40:44,523
Paulit-ulit kong pinapaniginipan
ang isang misteryosong tao
498
00:40:44,523 --> 00:40:47,683
na mula sa sinaunang panahon,
499
00:40:47,683 --> 00:40:49,363
isa siyang babae,
500
00:40:49,363 --> 00:40:51,323
at sinabi niya sa 'kin,
501
00:40:52,443 --> 00:40:54,803
"Kailangan mong ilahad ang kuwento ko."
502
00:40:56,003 --> 00:40:57,763
"Kailangan mo 'tong gawin."
503
00:40:59,243 --> 00:41:03,003
Gusto kong malaman ng mga tao
ang kuwento ni Cleopatra
504
00:41:03,003 --> 00:41:06,123
dahil isa siyang reyna ng Aprika.
505
00:41:07,563 --> 00:41:13,803
At 'yan ang katotohanan
na binaon, binura, at itinago.
506
00:41:15,763 --> 00:41:18,083
Walang henerasyon
507
00:41:18,083 --> 00:41:22,883
ang 'di nahuhumaling kay Cleopatra.
508
00:41:23,763 --> 00:41:28,483
Sa tingin ko, maiintindihan
ng bawat kababaihan ang kuwento niya.
509
00:41:32,203 --> 00:41:35,003
Isa si Cleopatra
sa pinaka-impluwensyal na pinuno
510
00:41:35,003 --> 00:41:36,483
na nakilala ng buong mundo.
511
00:41:39,283 --> 00:41:45,243
Maaalala ng lahat ang kaniyang tanda
bilang isang tanyag na Reyna ng Aprika.
512
00:41:47,563 --> 00:41:51,963
Patuloy siyang mabubuhay hanggang...
513
00:41:52,883 --> 00:41:55,123
wala nang makakapaglahad
ng kaniyang kuwento.
514
00:43:00,323 --> 00:43:03,523
{\an8}Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni
Mikhail Rei Tigno