1 00:00:40,458 --> 00:00:43,875 Nararapat na ang lahat ay mabuhay sa mundong puno ng pagkakataon. 2 00:00:44,458 --> 00:00:46,375 Mangarap ng sarili nilang pangarap, 3 00:00:46,375 --> 00:00:48,250 maging sinumang gusto nilang maging, 4 00:00:48,250 --> 00:00:49,791 mahalin ang sinumang gusto nila. 5 00:00:49,791 --> 00:00:52,958 Lahat ay dapat may kapangyarihang hubugin ang sariling kapalaran, 6 00:00:54,041 --> 00:00:55,083 gamitin man natin ito... 7 00:00:55,083 --> 00:00:56,166 o hindi. 8 00:01:08,958 --> 00:01:12,083 {\an8}Voicemail ni James Beaufort. Mag-iwan ng mensahe. 9 00:01:12,083 --> 00:01:16,750 James, nagkaproblema ako. Magagalit si Daddy. 10 00:01:17,708 --> 00:01:20,250 Na kina Cyril ka ba? Hindi ko na alam ang gagawin. 11 00:01:25,833 --> 00:01:28,458 At iyon na nga siya. 12 00:01:29,208 --> 00:01:30,875 Ang bida kagabi. 13 00:01:31,708 --> 00:01:32,791 Ang pinakamagaling. 14 00:01:32,791 --> 00:01:34,208 Ang pinakaguwapo. 15 00:01:34,208 --> 00:01:36,083 Ang gusto ng mga babae. 16 00:01:37,083 --> 00:01:40,666 Si James... 17 00:01:40,666 --> 00:01:44,250 Beaufort! 18 00:01:46,916 --> 00:01:48,833 Kasing galing ba siya ng ganda niya? 19 00:01:48,833 --> 00:01:51,291 Manahimik ka. 'Wag mong ganyanin ang kapatid ko. 20 00:01:53,625 --> 00:01:54,666 Huminahon ka. 21 00:01:55,208 --> 00:01:56,833 - Tama na! - Oh, lintik, oh! 22 00:02:01,125 --> 00:02:03,625 Sige! Sige lang! 23 00:02:13,666 --> 00:02:14,958 Uy, Lydia. 24 00:02:14,958 --> 00:02:16,625 Di ka namin nakita kagabi. 25 00:02:16,625 --> 00:02:20,791 James, nandito ang kapatid mo at wala siya sa mood. 26 00:02:20,791 --> 00:02:21,875 Lydia? 27 00:02:25,208 --> 00:02:26,291 Lyd, bakit? 28 00:02:28,000 --> 00:02:29,000 Hinga nang malalim. 29 00:02:33,541 --> 00:02:34,750 Seryoso? 30 00:02:34,750 --> 00:02:35,708 Uy! 31 00:02:36,500 --> 00:02:38,000 Ano'ng nangyari? 32 00:02:38,000 --> 00:02:39,166 Basta na lang siya pumasok. 33 00:02:40,166 --> 00:02:41,250 Walang pasabi. 34 00:02:41,250 --> 00:02:42,416 Sino? 35 00:02:42,416 --> 00:02:44,625 Si Ruby. Ruby Bell. 36 00:02:44,625 --> 00:02:46,416 Sisirain ako ng press. 37 00:02:47,583 --> 00:02:50,166 Ayaw na ni Dad ng isa pang eskandalo. 38 00:02:51,375 --> 00:02:52,541 Huminga ka nang malalim. 39 00:02:52,541 --> 00:02:54,166 Kumalma ka, simulan mo sa umpisa. 40 00:02:54,166 --> 00:02:55,833 Ano'ng nangyari? 41 00:02:57,208 --> 00:02:59,500 At sino si Ruby Bell? 42 00:03:01,708 --> 00:03:05,416 APAT NA ORAS BAGO NANGYARI ITO 43 00:03:27,125 --> 00:03:28,125 Gusto mo bang umupo? 44 00:03:28,125 --> 00:03:30,125 Gusto ko nga 'yan. Salamat. 45 00:03:33,833 --> 00:03:35,750 MAXTON HALL ANIM NA MILYA 46 00:03:41,708 --> 00:03:43,333 - Hello, Mr. Sutton. - Ruby! 47 00:03:44,000 --> 00:03:45,166 Kumusta ang bakasyon? 48 00:03:45,750 --> 00:03:48,875 Binasa ko ang lahat ng libro sa listahan ng Oxford. Dalawang beses. 49 00:03:49,541 --> 00:03:50,375 Maganda kung gayon. 50 00:03:52,500 --> 00:03:54,083 At ikaw naman. 51 00:03:55,208 --> 00:03:57,291 Puwede na itong pantalambuhay. 52 00:03:57,708 --> 00:03:59,958 Di magiging problema ang recommendation letter. 53 00:04:05,875 --> 00:04:08,875 Nararapat na ang lahat ay mabuhay sa mundong puno ng pagkakataon. 54 00:04:09,375 --> 00:04:11,958 At kung may isang lugar kung saan posible iyon, 55 00:04:12,083 --> 00:04:13,708 sa Oxford University iyon. 56 00:04:14,500 --> 00:04:16,875 Tinatanggap ng mundo ang sinumang nag-aral doon. 57 00:04:17,000 --> 00:04:19,625 At kung maging maayos ang lahat ngayong semestre, 58 00:04:19,625 --> 00:04:22,625 makakapasok ako roon sa loob nang wala pang 365 na araw. 59 00:04:23,833 --> 00:04:26,500 Maxton Hall ang tiket ko para makapasok. 60 00:04:29,541 --> 00:04:31,083 Hindi lang ito basta paaralan, 61 00:04:32,000 --> 00:04:33,291 isa ito sa mga kilalang paaralan. 62 00:04:39,291 --> 00:04:40,666 MALIGAYANG PAGDATING 63 00:04:53,166 --> 00:04:54,333 Buwisit! 64 00:05:02,125 --> 00:05:03,750 Ilang buwan akong nagsikap 65 00:05:03,750 --> 00:05:05,958 para makakuha ng scholarship. 66 00:05:06,791 --> 00:05:08,958 Ganoon din ang iilan dito. 67 00:05:12,083 --> 00:05:15,166 Ang mga pamilyang gaya ng Beaufort ay mas may kapangyarihan at pera 68 00:05:15,166 --> 00:05:17,500 na ilang henerasyon na kaysa ilang royal family. 69 00:05:17,500 --> 00:05:18,875 Lahat ng pinto, bukas sa kanila. 70 00:05:25,041 --> 00:05:26,708 Maharlika ng British. 71 00:05:26,708 --> 00:05:28,916 Anak ng coach ng Manchester United. 72 00:05:28,916 --> 00:05:30,625 Pinsan ng Emir ng Dubai. 73 00:05:30,625 --> 00:05:35,333 Pare-parehong party ang pinupuntahan, pare-parehong trabaho ang makukuha, 74 00:05:35,333 --> 00:05:37,041 pakakasalan ang mga kagaya rin nila. 75 00:05:37,041 --> 00:05:39,375 Isang munting daigdig ng mga milyonaryo. 76 00:05:39,958 --> 00:05:41,708 At oo. Liban sa pera at impluwesiya, 77 00:05:41,708 --> 00:05:44,375 may isa pang pagkakatulad ang mga kapwa ko estudyante. 78 00:05:44,375 --> 00:05:45,583 Hindi nila ako nakikita. 79 00:05:46,750 --> 00:05:49,375 Nalaman ko agad na magaling na kapangyarihan iyon. 80 00:05:49,375 --> 00:05:53,541 Kung gusto kong mag-enroll sa loob ng isang taon, di ako dapat magkamali. 81 00:05:53,541 --> 00:05:55,625 Lalo na sa harap ng mga taong ito. 82 00:05:56,333 --> 00:05:58,666 Mas kaunti ang nalalaman nila sa akin, mas maganda. 83 00:06:00,000 --> 00:06:02,500 - Ipinasa mo ba? - Ngayon lang. 84 00:06:02,500 --> 00:06:05,416 Sana nanghingi rin ako ng rekomendasyon kay Mr. Sutton. 85 00:06:05,416 --> 00:06:06,583 Napakagaling niya. 86 00:06:06,583 --> 00:06:08,583 Ayos din naman si Mrs. Campbell. 87 00:06:08,583 --> 00:06:11,375 - Nangunguna siya noon sa Oxford, di ba? - Oo, noong 1890. 88 00:06:13,208 --> 00:06:17,583 Isa sa kanila noon si Lin pero nawalan ng trabaho ang magulang niya't naghiwalay. 89 00:06:19,250 --> 00:06:21,000 Kung paano niya kinaya iyon... 90 00:06:21,750 --> 00:06:22,875 Hindi ko alam. 91 00:06:25,958 --> 00:06:28,708 Iyon ang nasaliksik ko sa internet. 92 00:06:29,750 --> 00:06:33,416 Pero sa mga teorya ng hustisya na inirekomenda mo, 93 00:06:33,416 --> 00:06:36,458 dapat may Metaphysics of Morals... 94 00:06:36,625 --> 00:06:37,750 IBIGAY ANG MGA DOKUMENTO 95 00:06:37,750 --> 00:06:41,250 ...at ang Critique of Practical Reason. Salamat. Oo, ganoon nga. 96 00:06:41,250 --> 00:06:42,875 At kaya lagi kong sinasabi. 97 00:06:42,875 --> 00:06:44,625 Ito... 98 00:06:46,916 --> 00:06:49,250 Ito ang Google ng mga lolo at lola n'yo. 99 00:06:50,500 --> 00:06:53,208 Balik tayo kay Kant. Mr. Smith, ano sa tingin mo? 100 00:06:53,208 --> 00:06:55,041 Ang sinasabi lang ni Kant, 101 00:06:55,041 --> 00:06:58,291 "'Wag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo." 102 00:06:58,291 --> 00:07:00,250 Bibliya iyan, hindi si Kant. 103 00:07:03,000 --> 00:07:06,166 Maaaring sinasabi sa atin ng categorical imperative ni Kant 104 00:07:06,166 --> 00:07:09,125 na di natin dapat pansinin ang kahihinatnan ng mga ginawa natin, 105 00:07:09,125 --> 00:07:10,833 kung tama ang pakiramdam nito. 106 00:07:13,791 --> 00:07:14,791 Ms. Bell? 107 00:07:15,458 --> 00:07:18,916 Katwiran ang sentro sa pilosopiya ni Kant. Hindi damdamin. 108 00:07:19,916 --> 00:07:22,666 Baka hindi na talaga naaayon sa kasalukuyan si Kant. 109 00:07:23,666 --> 00:07:28,041 Kayang mangatwiran ng mga tao pero madalas kumikilos sila base sa damdamin. 110 00:07:32,750 --> 00:07:34,416 Kaya nga ang interesante nito. 111 00:07:34,416 --> 00:07:38,083 Na kaya nating mamili nang taliwas sa damdamin, iyon ang tibay ng moralidad. 112 00:07:38,625 --> 00:07:39,791 Oo. 113 00:07:39,791 --> 00:07:40,916 Magaling. 114 00:07:41,416 --> 00:07:42,291 Sige... 115 00:07:43,125 --> 00:07:44,458 Ang sunod na kabanata naman. 116 00:07:51,666 --> 00:07:54,083 Sa isang araw na iyong welcome party. 117 00:07:54,083 --> 00:07:57,666 Halos buong summer nang mga electrician ang kausap ko 118 00:07:57,666 --> 00:07:59,625 at mga magagaliting caterer. 119 00:07:59,625 --> 00:08:01,666 Pati mga laging nagma-marijuana na DJ. 120 00:08:01,666 --> 00:08:03,583 Kailangan nating maka-book ng matino ngayon. 121 00:08:03,583 --> 00:08:05,916 Ang mga ginagawa natin para sa mga resume natin. 122 00:08:05,916 --> 00:08:07,041 Naku. 123 00:08:07,041 --> 00:08:08,291 Ano? 124 00:08:08,291 --> 00:08:09,583 May nakalimutan ako. 125 00:08:09,583 --> 00:08:11,958 Pupuntahan ko si Mr. Sutton. Mamaya na lang. 126 00:08:13,041 --> 00:08:13,875 Sige. 127 00:08:34,541 --> 00:08:35,750 Excuse me... 128 00:08:42,666 --> 00:08:43,666 Ruby, ako... 129 00:08:46,833 --> 00:08:47,875 Ruby, ako... 130 00:08:51,416 --> 00:08:52,833 Kaya kong magpaliwanag... 131 00:08:53,750 --> 00:08:57,250 Iba ito sa inaakala mo. Ruby! 132 00:09:04,250 --> 00:09:09,500 {\an8}Maxton Hall ANG MUNDO SA PAGITAN NATIN 133 00:09:10,083 --> 00:09:14,750 BATAY SA NOBELANG "SAVE ME" NI MONA KASTEN 134 00:09:38,416 --> 00:09:39,666 Maghintay ka na rito, Percy. 135 00:09:39,666 --> 00:09:41,291 Di ito magtatagal. 136 00:09:49,916 --> 00:09:51,791 Ruby? Ayos ka lang ba? 137 00:09:54,708 --> 00:09:55,708 Ruby. 138 00:09:57,041 --> 00:10:00,833 Ito ang unang meeting ng event committee ngayong semestre. 139 00:10:00,833 --> 00:10:03,583 Kumusta na iyong para sa welcome party? 140 00:10:03,583 --> 00:10:05,833 - Nakapaglagay na ng mga poster. - Magaling. 141 00:10:06,375 --> 00:10:09,125 Kinausap ko iyong security company at mga technician. 142 00:10:09,125 --> 00:10:12,666 Magbibigay sila ng screen at projector para sa promo video. 143 00:10:13,791 --> 00:10:15,083 Kieran? 144 00:10:15,083 --> 00:10:17,875 Ginagawa ko na. Naglagay rin ako ng ilang kuha sa drone. 145 00:10:17,875 --> 00:10:19,041 Magaling. 146 00:10:24,250 --> 00:10:27,500 Gusto ni Lexington na nasa promo video ang lacrosse team 147 00:10:27,500 --> 00:10:31,083 dahil pangatlong titulo na nila ito. Ako na sa mga litrato. 148 00:10:32,166 --> 00:10:34,166 Magandang panoorin ang promo. 149 00:10:34,166 --> 00:10:36,833 Pawis na pawis sa malapitan si James Beaufort. 150 00:10:46,666 --> 00:10:48,791 - Ano? - Nakatingin sa iyo si James Beaufort. 151 00:10:54,000 --> 00:10:55,041 Hindi. 152 00:10:56,166 --> 00:10:58,500 Nakatingin. Papunta siya sa iyo. 153 00:11:00,375 --> 00:11:04,416 Na kay James Beaufort ang lahat ng kamalian sa pagiging mayaman. 154 00:11:04,416 --> 00:11:07,875 Sobrang mapribilehiyo, arogante, at ignorante. 155 00:11:07,875 --> 00:11:08,958 Hoy. 156 00:11:08,958 --> 00:11:12,750 Hanggang ngayon, nagawa kong ilayo ang sarili ko sa kaniya. 157 00:11:12,750 --> 00:11:14,750 Puwede ko ba siyang mahiram sandali? 158 00:11:15,541 --> 00:11:16,750 Oo naman. 159 00:11:25,541 --> 00:11:26,541 Sige. 160 00:11:42,541 --> 00:11:44,000 Robin, tama? 161 00:11:45,208 --> 00:11:48,458 - Ruby. - Tama, alam kong may R iyon. 162 00:11:48,458 --> 00:11:49,583 Kilala mo ako. 163 00:11:50,666 --> 00:11:52,333 Kung iyong pangalan mo, oo. 164 00:11:53,291 --> 00:11:54,541 Kuya ako ni Lydia. 165 00:11:54,541 --> 00:11:56,458 Kaklase mo siya sa pilosopiya. 166 00:11:59,166 --> 00:12:00,458 Gusto kong tanggapin mo ito. 167 00:12:03,041 --> 00:12:04,250 At tandaan mo, 168 00:12:05,208 --> 00:12:07,833 anuman ang nakita mo sa opisina ni Sutton, di iyon nangyari. 169 00:12:15,500 --> 00:12:17,125 Di kami magbibigay ng lagpas 10,000. 170 00:12:17,125 --> 00:12:19,583 Manahimik ka hanggang matapos ang taon. Madodoble iyan. 171 00:12:20,375 --> 00:12:21,291 Wow! 172 00:12:24,750 --> 00:12:26,958 Mas tarantado ka pa sa inaakala ko. 173 00:12:28,750 --> 00:12:29,750 Sandali. 174 00:12:29,750 --> 00:12:31,041 Di pa tayo tapos dito. 175 00:12:32,291 --> 00:12:34,583 Mag-aalok ka ng Maserati at isang Fabergé egg? 176 00:12:35,500 --> 00:12:37,750 Alam kong magagamit mo ang perang ito. 177 00:12:39,833 --> 00:12:41,666 Para sa bagong backpack? 178 00:12:42,791 --> 00:12:45,916 May 17 pounds ako at 28 pence sa pitaka ko. 179 00:12:45,916 --> 00:12:47,333 Higit pa iyon sa kailangan ko. 180 00:12:49,000 --> 00:12:50,958 Kailangan mo ba ng barya para sa cafeteria? 181 00:12:52,875 --> 00:12:54,041 Hindi? 182 00:12:54,041 --> 00:12:56,833 Sige, e, di ibalik mo na ito sa trust fund mo. 183 00:12:58,041 --> 00:12:59,208 Seryoso ka ba? 184 00:13:45,041 --> 00:13:47,500 LIN ANO IYONG KANINA? ANO'NG GUSTO NIYA? 185 00:13:49,083 --> 00:13:53,583 Para ipahiya ako? Pero di ko kailangan ang pera niya. Kaya kong kumita. 186 00:13:55,791 --> 00:13:58,000 Bagay tayo sa isa't isa, bilang magkapatid. 187 00:13:58,000 --> 00:14:00,750 - Mayaman ka at maganda ako. - May math ka, di ba? 188 00:14:00,750 --> 00:14:04,750 Nalungkot si Ms. Wemsey kasi nag-set up si Victor ng Tinder date para sa kaniya. 189 00:14:04,750 --> 00:14:05,708 Maagang nagpauwi. 190 00:14:06,500 --> 00:14:10,000 Alam kong pag nakakarinig ka ng ganoon, nami-miss mo iyong dati mong paaralan. 191 00:14:18,916 --> 00:14:20,250 Sabi ko nga, nakakatawa iyon. 192 00:14:20,250 --> 00:14:22,333 - Huy. - Huy, mga duwende! 193 00:14:22,333 --> 00:14:24,958 Sandali lang. Magpapalit lang ako, mabilis lang. 194 00:14:24,958 --> 00:14:26,791 'Wag kayong umalis. Magluluto tayo. 195 00:15:07,833 --> 00:15:09,166 Teka, pipino! 196 00:15:20,458 --> 00:15:21,458 Ano? 197 00:15:22,750 --> 00:15:23,916 Maganda. 198 00:15:24,541 --> 00:15:25,458 Malungkot pero maganda. 199 00:15:26,000 --> 00:15:29,125 Nang binasa ko ito sa ganiyang edad mo, binago nito ang mundo ko. 200 00:15:29,958 --> 00:15:31,583 Kumusta iyong Death Note? 201 00:15:34,583 --> 00:15:36,708 - Nasa kalahati ka pa lang? - Ano? 202 00:15:36,708 --> 00:15:39,750 Isang buwan ang inabot ko para maisip kung paano basahin ito. 203 00:15:39,750 --> 00:15:41,083 Malayo-layo na ako. 204 00:15:41,083 --> 00:15:43,958 Pagkatapos ni Joyce, magpasalamat kang di ito mahaba. 205 00:15:46,833 --> 00:15:48,666 - Tsaran! - Wow! 206 00:15:48,666 --> 00:15:50,708 Ember, ang ganda mo! 207 00:15:50,708 --> 00:15:52,000 Oo, mula nang ipinanganak ako. 208 00:15:52,000 --> 00:15:54,250 - Iyong bestida ba? - Napakaganda. 209 00:15:54,250 --> 00:15:57,750 Di pa tapos, pero magiging maganda ito. Kung may laso siguro... 210 00:15:57,750 --> 00:15:58,875 Teka... 211 00:15:59,416 --> 00:16:00,583 Blusa ko iyan. 212 00:16:00,583 --> 00:16:03,916 Labinlimang taon na ito sa iyo. Tama lang na manahin ko na ngayon. 213 00:16:06,916 --> 00:16:07,750 Sige. 214 00:16:09,333 --> 00:16:12,791 Isang tagay para sa magnanakaw at talentado nating mga anak. 215 00:16:14,833 --> 00:16:16,250 Ba't kaya kami nagkaganito? 216 00:16:28,250 --> 00:16:30,541 Ilang taon nang hindi nakakaakyat si Tatay. 217 00:16:31,166 --> 00:16:33,666 Nasira ang stairlift na binigay ng insurance company 218 00:16:33,666 --> 00:16:35,666 ilang buwan lang matapos ang aksidente. 219 00:16:36,333 --> 00:16:39,583 Napakahirap siguro noon para sa kanya, pero di siya nagrereklamo. 220 00:16:40,458 --> 00:16:43,041 Hindi niya alam, nag-iipon na ako ng pambili ng bago. 221 00:16:46,833 --> 00:16:49,000 MADALING PAG-AKYAT 222 00:17:44,541 --> 00:17:47,125 Kailangan ko ang mga dokumento ko para sa sulat ko, sir. 223 00:17:48,666 --> 00:17:50,000 Oo naman. 224 00:17:54,875 --> 00:17:56,666 Isinulat ko na iyong liham. 225 00:18:04,791 --> 00:18:06,416 Iyong dokumento lang. 226 00:18:14,125 --> 00:18:17,000 Walang kasinungalingan dito. 227 00:18:20,166 --> 00:18:22,666 Wala akong pakialam sa personal na buhay mo. 228 00:18:24,250 --> 00:18:25,791 Pero kung may makaalam, 229 00:18:26,958 --> 00:18:28,916 wala nang halaga iyang liham mo sa akin. 230 00:18:38,041 --> 00:18:39,458 Maghahanap ako ng iba. 231 00:18:49,166 --> 00:18:50,708 Ba't di na lang uli si Sutton... 232 00:18:50,708 --> 00:18:54,000 Napaghalo-halo ko iyong mga dokumento, wala na tuloy siyang oras ngayon. 233 00:18:54,000 --> 00:18:55,916 - Kalokohan. - Kasalanan ko iyon. 234 00:18:56,458 --> 00:18:58,666 Nag-iba ka mula nang makausap mo si Beaufort. 235 00:18:58,666 --> 00:19:00,666 Ano'ng nangyari sa inyong dalawa? 236 00:19:00,666 --> 00:19:01,750 Wala. 237 00:19:02,291 --> 00:19:03,291 Walang-wala. 238 00:19:04,416 --> 00:19:08,833 Walang sinuman ang nanghingi ng rekomendasyon kay Principal Lexington. 239 00:19:09,291 --> 00:19:10,583 Kaya nga umaasa ako rito. 240 00:19:25,458 --> 00:19:28,625 - Pag-usapan uli natin. - Araw-araw na ritwal na ba ito? 241 00:19:30,708 --> 00:19:33,375 - Pag sinubukan mong... - 'Wag ka ngang magpaka-santa. 242 00:19:33,375 --> 00:19:35,625 Ano bang gusto mo sa pamilya ko? 243 00:19:38,333 --> 00:19:42,291 Sa ngayon, gusto ko ng restraining order. 244 00:19:42,291 --> 00:19:46,541 Tatanggapin ni Mother Teresa ang pera at ibibigay sa mahihirap. Sinasabi ko lang. 245 00:19:47,583 --> 00:19:49,083 Akala mo nakakatawa ito? 246 00:19:50,416 --> 00:19:52,041 May katumbas na pera ang lahat. 247 00:19:54,083 --> 00:19:55,291 Ano'ng sa iyo? 248 00:20:11,666 --> 00:20:12,833 Ano iyan? 249 00:20:12,833 --> 00:20:16,000 Munting karanasan para sa pinakanakakaakit na lalaki sa paaralan? 250 00:20:21,333 --> 00:20:23,875 Unang beses mo ba itong ibinenta ang sarili mo? 251 00:20:24,583 --> 00:20:28,500 Di ako magpapabayad. Alam kong gipit ka ngayon. 252 00:20:29,791 --> 00:20:31,208 Mamatay ka na, Beaufort. 253 00:20:32,000 --> 00:20:34,875 Iyan ba ang ideya mo sa pang-aakit? 254 00:20:35,958 --> 00:20:38,833 Pag lumapit ka pa, 255 00:20:40,333 --> 00:20:42,041 tutuhurin ko ang bayag mo. 256 00:20:43,208 --> 00:20:46,208 - Kaya nga deretsohin mo na, Robin. - Ako si Ruby, buwisit. 257 00:20:46,208 --> 00:20:48,041 Abala ako. 258 00:20:53,708 --> 00:20:57,208 Kung nagbago ang isip mo, di ko alam kung gusto ko pa rin. 259 00:21:00,875 --> 00:21:02,375 Sige, pepresyuhan ko. 260 00:21:04,333 --> 00:21:05,916 Lumayo ka sa akin. 261 00:21:06,833 --> 00:21:09,250 Masyado nang malapit ang dalawang metro. 262 00:21:11,583 --> 00:21:14,083 Ayoko nang makita ako na kasama kita. 263 00:21:48,208 --> 00:21:52,791 LIN PUPUNTA SA LARO SI LEXINGTON. BILIS! 264 00:22:11,166 --> 00:22:13,541 Mga bata. Pumarito ang lahat. 265 00:22:14,791 --> 00:22:19,541 Dahil ang karamihan sa inyo ay pupunta ng Cambridge o Oxford sa susunod na taon, 266 00:22:19,541 --> 00:22:23,125 ito na ang huling pagkakataon n'yo para gumawa ng kasaysayan sa Maxton Hall. 267 00:22:25,500 --> 00:22:26,833 Sa nakaraang dalawang taon, 268 00:22:26,833 --> 00:22:32,208 sinigurado ng bata kong si Beaufort na mabigyan ng reputasyon ang pangkat na ito! 269 00:22:33,291 --> 00:22:36,291 Kaya lumabas kayo roon at talunin ang East View! 270 00:22:36,291 --> 00:22:37,625 - Naiintindihan? - Opo! 271 00:22:37,625 --> 00:22:42,291 - Maxton! - Hall! 272 00:22:49,916 --> 00:22:52,750 'Wag na 'wag kang lalapit nang limang metro kay McCormack. 273 00:22:55,250 --> 00:22:56,541 Galingan n'yo roon! 274 00:22:58,125 --> 00:22:59,000 Hayaan mo na iyon. 275 00:23:09,666 --> 00:23:13,416 Maligayang panonood ng pangalawang laro ng Maxton Hall laban sa East View College. 276 00:23:13,916 --> 00:23:16,458 Matapos ang huling laro laban sa East View, 277 00:23:16,458 --> 00:23:20,083 ang tanong, magagawa ba ng pangkat ng Maxton Hall... 278 00:23:34,666 --> 00:23:39,583 Maxton Hall! 279 00:23:47,791 --> 00:23:49,208 Bilis! 280 00:23:49,958 --> 00:23:51,291 Tira na! 281 00:24:01,708 --> 00:24:04,166 Isa sa zero para sa Maxton Hall. 282 00:24:43,333 --> 00:24:45,958 Mula nang magbago ang namamahala 2 semestre ang nakararaan, 283 00:24:45,958 --> 00:24:48,208 napakalaki ang iniusad ng pangkat. 284 00:24:48,208 --> 00:24:50,708 Maipagmamalaki ni Coach Freeman ang mga bata niya. 285 00:24:54,291 --> 00:24:55,583 Alistair, 'wag! 286 00:25:03,333 --> 00:25:05,416 Manlalaro, ano'ng ginagawa mo? 287 00:25:06,666 --> 00:25:08,000 McCormack, sira-ulo ka. 288 00:25:16,791 --> 00:25:18,875 Huminahon ka! 289 00:25:19,458 --> 00:25:20,916 Malinaw na maling-mali iyon. 290 00:25:21,333 --> 00:25:23,916 Ano'ng sinabi ko sa iyo? 291 00:25:23,916 --> 00:25:25,250 Ano'ng kalokohan iyan? 292 00:25:25,250 --> 00:25:27,875 Muntik na niyang mabali ang leeg ni Kesh noong nakaraan. 293 00:25:28,416 --> 00:25:30,708 - Dapat lang iyon sa kaniya. - Ellington! 294 00:25:30,708 --> 00:25:32,541 Umalis ka sa field! 295 00:25:32,541 --> 00:25:33,666 Ngayon din! 296 00:25:36,125 --> 00:25:38,791 Gagamutin si McCormack at ibabangko si Ellington. 297 00:25:43,000 --> 00:25:46,250 Mukhang kumalma na ulit ang sitwasyon. Magpapatuloy na ang laro. 298 00:25:50,083 --> 00:25:52,250 Nakikita natin dito sa lineup... 299 00:25:52,250 --> 00:25:57,541 Maxton Hall! 300 00:25:57,541 --> 00:26:00,125 Kung hinahanap mo iyong field, nasa likod mo. 301 00:26:02,083 --> 00:26:02,958 Salamat. 302 00:26:03,458 --> 00:26:05,208 Pero wrestling lang ang ipinunta ko. 303 00:26:05,958 --> 00:26:09,875 Gusto ko pang bugbugin si McCormack, pero ang bilis ng referee. 304 00:26:09,875 --> 00:26:12,375 Magkakaroon ng pagkakataon ang East View pag sumali siya. 305 00:26:20,500 --> 00:26:21,666 Sige, Beaufort! 306 00:26:30,291 --> 00:26:31,291 Alistair. 307 00:26:48,791 --> 00:26:51,708 Kitang-kita kong masugid kang tagahanga ng lacrosse. 308 00:26:51,708 --> 00:26:55,333 Oo, lagi akong pumupunta sa mga laro. Di mo ba napapansin? 309 00:26:56,041 --> 00:26:58,166 Lagi akong abala roon. 310 00:26:59,500 --> 00:27:01,041 Manggulpi ng kalaban? 311 00:27:06,541 --> 00:27:08,333 Kuhanan ko po kayo ng litrato? 312 00:27:08,833 --> 00:27:10,166 Dito siguro? 313 00:27:10,166 --> 00:27:11,375 Ingat! 314 00:27:11,375 --> 00:27:12,958 Masaya akong makilala ka, Alistair. 315 00:27:18,041 --> 00:27:19,375 Magaling. Isa pang ngiti? 316 00:27:20,291 --> 00:27:21,750 Sir, puwede ka bang makausap? 317 00:27:22,625 --> 00:27:24,041 Abala ako, Ms. Bell. 318 00:27:24,041 --> 00:27:25,875 Dalawang minuto lang po. 319 00:27:27,250 --> 00:27:30,791 Iniisip ko kung mabibigyan n'yo ako ng rekomendasyon para sa Oxford. 320 00:27:31,666 --> 00:27:34,000 Dapat naasikaso mo na iyan. 321 00:27:35,125 --> 00:27:40,041 Ikaw ang pinakamagandang gawing reference. Kung may oras sana kayo. 322 00:27:40,041 --> 00:27:42,958 Alam nating napakagaling mong estudyante. 323 00:27:43,500 --> 00:27:47,208 Pero di iyon sapat para sa napakahalagang rekomendasyon. Hindi pang-Oxford. 324 00:27:49,458 --> 00:27:51,291 Maalala ko, 325 00:27:51,291 --> 00:27:54,416 di naman talaga kita napansin nitong nakaraang 2 taon, Ms. Bell. 326 00:27:54,916 --> 00:27:56,375 Alam mo ba kung bakit? 327 00:27:57,416 --> 00:28:00,416 Ako ang namumuno sa event committee ngayong taon, kasama si Lin Wang. 328 00:28:00,416 --> 00:28:02,250 Tama. 329 00:28:02,833 --> 00:28:04,958 Kumusta na iyong welcome party? 330 00:28:04,958 --> 00:28:06,541 Inaasikaso na ang lahat. 331 00:28:07,666 --> 00:28:08,791 Ang party na ito 332 00:28:08,791 --> 00:28:12,750 ang unang makikilala sa atin ng mga bagong estudyante at ng mga magulang nila. 333 00:28:12,750 --> 00:28:16,000 Libo-libong pounds ang ibinabayad nila taon-taon. 334 00:28:16,000 --> 00:28:18,833 Ngayong taon, may mga kilalang bagong estudyante tayo. 335 00:28:18,833 --> 00:28:21,833 - Mahalagang maging maayos iyon. - Naiintindihan ko po, sir. 336 00:28:21,833 --> 00:28:25,458 Kung maipakita mong magaling kang lider at maging maayos ito... 337 00:28:26,083 --> 00:28:28,541 gagawan kita ng recommendation letter. 338 00:28:33,750 --> 00:28:34,958 Ms. Bell. 339 00:28:36,375 --> 00:28:37,583 Puwede bang makahingi ng pabor? 340 00:28:40,208 --> 00:28:41,416 'Wag mong harangan ang litrato. 341 00:28:52,208 --> 00:28:53,208 Ayos! 342 00:29:04,500 --> 00:29:06,291 Sige, bilis po, tingin dito. 343 00:29:14,958 --> 00:29:16,583 Ano'ng kailangan mo kay Alistair? 344 00:29:17,541 --> 00:29:18,625 Wala. 345 00:29:19,458 --> 00:29:20,500 Bakit? 346 00:29:21,416 --> 00:29:23,500 Di ko alam ang pinaplano mo, Bell. 347 00:29:23,500 --> 00:29:25,375 At wala akong pakialam. 348 00:29:26,000 --> 00:29:28,500 Di mo malalabanan ang mga katulad namin. 349 00:29:29,208 --> 00:29:32,166 Kung sino ka lang, na galing sa kung saang lupalop 350 00:29:32,166 --> 00:29:33,958 na walang pera o mga koneksiyon. 351 00:29:35,000 --> 00:29:36,708 Kaya sige, subukan mo lang. 352 00:30:37,166 --> 00:30:39,125 Rugby na ba ang laro mo ngayon? 353 00:30:40,125 --> 00:30:41,083 Labing-isa sa lima. 354 00:30:43,041 --> 00:30:45,583 Nasusukat ang tagumpay sa paglakas, hindi sa panalo. 355 00:30:47,916 --> 00:30:48,750 Kay Plato? 356 00:30:49,250 --> 00:30:50,250 Kay Tiger Woods. 357 00:31:04,250 --> 00:31:05,958 Ano'ng alam mo kay Ruby? 358 00:31:07,750 --> 00:31:11,833 Wala. Maliban lang sa siya ang namumuno sa walang kuwentang event committee. 359 00:31:11,833 --> 00:31:13,833 Iyong nag-oorganisa ng mga party? 360 00:31:18,375 --> 00:31:19,500 Nananahimik pa rin si Sutton? 361 00:31:21,166 --> 00:31:22,125 Oo. 362 00:31:23,333 --> 00:31:25,000 Para bang wala ako. 363 00:31:27,708 --> 00:31:28,916 Hindi nga. 364 00:32:26,708 --> 00:32:29,333 Isa sa pinakamalakas na hayop ang elepante. 365 00:32:30,625 --> 00:32:33,958 Kung kaya ang talinghaga ng nakakadenang elepante 366 00:32:33,958 --> 00:32:35,666 ay lagi akong pinapahanga. 367 00:32:41,791 --> 00:32:45,500 Isang elepanteng kayang-kayang hugutin ang kadena sa lupa. 368 00:32:50,791 --> 00:32:53,083 Pero kahit gaano pa ito kalaki at kalakas, 369 00:32:53,083 --> 00:32:55,416 ang paniniwalang wala itong lakas 370 00:32:55,416 --> 00:32:56,833 ang nagpapanatili rito sa kadena. 371 00:33:04,166 --> 00:33:05,625 Walang pinagkaiba ang tao. 372 00:33:06,208 --> 00:33:09,500 Ang mga takot at pangamba natin ang pumipigil sa atin 373 00:33:09,500 --> 00:33:11,208 na abutin ang buo nating kakayahan, 374 00:33:11,208 --> 00:33:13,166 na sundin ang ating mga pangarap. 375 00:33:24,541 --> 00:33:27,875 Masuwerte akong maliit na balakid lang ang pumipigil sa akin. 376 00:33:29,208 --> 00:33:32,416 At pinagsusumikapan kong pagtagumpayan ito nang paunti-unti. 377 00:33:32,416 --> 00:33:34,333 Paunti-unti kada taon. 378 00:33:39,333 --> 00:33:41,708 Di ko hahayaang mapigilan na naman ako. 379 00:33:42,875 --> 00:33:45,583 At hindi ng isang tao na gaya ni James Beaufort. 380 00:34:11,666 --> 00:34:13,500 MALIGAYANG PAGDATING SA MAXTON HALL 381 00:34:24,083 --> 00:34:28,208 Ang gabing ito ang daan para sa rekomendasyon ko sa Oxford. 382 00:34:28,208 --> 00:34:30,125 At sisiguraduhin kong ang lahat, 383 00:34:30,125 --> 00:34:32,833 talagang lahat-lahat, ay tatakbo nang maayos. 384 00:35:01,458 --> 00:35:02,458 Magandang gabi. 385 00:35:05,416 --> 00:35:07,333 Gagawin ko lahat para sa nakakabagot na event. 386 00:35:07,333 --> 00:35:09,916 - Akyat tayo, mga kapatid? - Sige, bilis. 387 00:35:10,791 --> 00:35:12,916 Sa lahat ng tagahanga ko, kita tayo mamaya! 388 00:35:28,583 --> 00:35:29,541 Puwede ba... 389 00:35:31,291 --> 00:35:32,791 kitang makausap sandali? 390 00:36:03,250 --> 00:36:04,875 Iyong nakita mo ay 391 00:36:04,875 --> 00:36:07,666 talagang di katanggap-tanggap. 392 00:36:12,791 --> 00:36:15,333 Sabi na, mahilig ka sa mga kulay brown ang buhok. 393 00:36:17,625 --> 00:36:19,208 Pero di iyon ganoon. 394 00:36:19,208 --> 00:36:23,125 Di kami nagkakilala ni Lydia na guro at estudyante. 395 00:36:23,125 --> 00:36:24,750 Kilala namin ang isa't isa bago pa... 396 00:36:24,750 --> 00:36:28,750 - Sir, wala akong... - Di na iyon mangyayari. 397 00:36:29,291 --> 00:36:33,500 Gusto kong malaman mong humihingi ako ng tawad na inilagay kita sa ganito... 398 00:36:33,500 --> 00:36:34,750 Ms. Bell. 399 00:36:40,541 --> 00:36:41,708 Binabati kita. 400 00:36:43,583 --> 00:36:46,125 Ganitong-ganito ang iniisip ko. 401 00:36:49,708 --> 00:36:50,666 Salamat, sir. 402 00:38:01,916 --> 00:38:03,375 Salamat, sapat na iyon. 403 00:38:29,166 --> 00:38:30,166 Ruby! 404 00:38:47,958 --> 00:38:49,708 Hoy! Patayin n'yo ang tugtog! 405 00:38:50,208 --> 00:38:51,041 Patayin ang tugtog! 406 00:38:53,375 --> 00:38:55,833 "Sira na ang party ko! Buwisit!" 407 00:38:58,083 --> 00:38:59,083 Tara na. 408 00:39:08,333 --> 00:39:10,000 Hi, Robin. Ayos lang ba ang lahat? 409 00:39:10,000 --> 00:39:13,291 Alam mo ba kung gaano karaming tao ang naghirap para sa party na ito? 410 00:39:13,291 --> 00:39:17,875 Ayaw mong maghubad ako, kaya naisip ko na itong mga lalaking ito ang tipo mo. 411 00:39:18,625 --> 00:39:21,000 Kung di kita mapapatahimik, 412 00:39:21,000 --> 00:39:25,416 sisiguraduhin kong walang maniniwala sa iyo pag nagsalita ka. 413 00:39:31,416 --> 00:39:32,291 Huy, 414 00:39:33,333 --> 00:39:35,000 gusto kang kausapin ni Lexington. 415 00:39:36,666 --> 00:39:37,666 Kayong dalawa. 416 00:39:50,041 --> 00:39:52,041 Parehas n'yo akong binigo ngayong gabi. 417 00:39:53,666 --> 00:39:54,666 Sobra. 418 00:39:58,083 --> 00:40:00,916 Tigilan mo na iyang pagmamalaki mo, Mr. Beaufort. 419 00:40:01,666 --> 00:40:04,333 Nakita kang binayaran mo iyong DJ. 420 00:40:07,500 --> 00:40:08,500 Oops. 421 00:40:10,083 --> 00:40:12,958 Suspendido ka sa lacrosse team. 422 00:40:14,291 --> 00:40:17,250 At di kita gagawan ng recommendation letter. 423 00:40:20,000 --> 00:40:22,541 Inasahan kong kontrolado mo ang event na ito, 424 00:40:22,541 --> 00:40:24,708 bilang nangunguna sa event committee. 425 00:40:25,625 --> 00:40:27,958 Salamat sa munting kalokohan ni Mr. Beaufort, 426 00:40:27,958 --> 00:40:30,875 wala akong masasabi para sa kakayahan mo sa pag-oorganisa. 427 00:40:32,833 --> 00:40:33,875 Maliban na lang kung... 428 00:40:34,708 --> 00:40:37,833 may iba pa akong kailangang malaman sa sitwasyon na ito. 429 00:40:39,125 --> 00:40:40,666 Tungkol sa iyo. 430 00:40:40,666 --> 00:40:42,166 O kay Mr. Beaufort. 431 00:41:01,791 --> 00:41:02,791 Wala, sir. 432 00:41:12,083 --> 00:41:15,250 Naisip kong kailangan ko pang galingan, at seryoso ako roon. 433 00:41:15,250 --> 00:41:18,416 Kaya talagang maasahan n'yo ako sa darating na donor gala. 434 00:41:18,416 --> 00:41:22,708 Magkakaroon pa kayo ng pagkakataong makita ang kakayahan ko sa pag-oorganisa. 435 00:41:35,333 --> 00:41:36,708 Ang gulong gaya nito, 436 00:41:37,375 --> 00:41:38,916 di na ito puwedeng maulit. 437 00:41:39,791 --> 00:41:41,750 Hindi na ito mauulit. 438 00:41:45,958 --> 00:41:47,791 Hangga't ako ang namamahala. 439 00:41:50,416 --> 00:41:51,708 Kung ganoon, 440 00:41:52,458 --> 00:41:54,041 si Mr. Beaufort 441 00:41:54,041 --> 00:41:57,125 ay maaaring gamitin ang mga libre niyang oras sa event committee 442 00:41:57,125 --> 00:41:58,875 para pagbayaran ang pagkakamali niya. 443 00:42:01,666 --> 00:42:06,625 At kayong dalawa na dinungisan ang reputasyon ng institusyong ito, 444 00:42:07,291 --> 00:42:09,791 ay aayusin ito sa pamamagitan ng gala, na perpekto 445 00:42:09,791 --> 00:42:11,125 ang bawat detalye. 446 00:42:14,291 --> 00:42:17,000 Saka natin pag-usapan ang rekomendasyon mo, Ms. Bell. 447 00:42:18,708 --> 00:42:23,416 - Arogante siya at di maasahan! Ayoko... - Di ako nagpaplano ng party! Ang tatay ko... 448 00:42:28,500 --> 00:42:31,333 - Sana masaya ka na. - Mas natatawa siguro. 449 00:42:31,333 --> 00:42:34,333 Para namang mauutus-utusan ako ng kagaya mo. 450 00:42:35,625 --> 00:42:38,583 - Kasi Beaufort ka, tama? - Oo. Ganoon nga. 451 00:42:39,958 --> 00:42:42,875 Magyabang ka hangga't gusto mo. Di ako takot sa iyo. 452 00:42:44,708 --> 00:42:49,416 Magaling ako sa committee, at di mo masisira ang pagkakataon ko sa Oxford. 453 00:42:51,791 --> 00:42:52,625 Kaya... 454 00:42:55,708 --> 00:42:57,416 Subukan mo lang. 455 00:43:04,375 --> 00:43:06,833 Gusto mo ng giyera, Ruby Bell? 456 00:43:10,750 --> 00:43:11,875 Sige, kung gayon. 457 00:45:05,250 --> 00:45:07,250 Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni Christianne Osorio-Erni 458 00:45:07,250 --> 00:45:09,333 Mapanlikhang Superbisor Miray Lozada-Balanza