1 00:00:15,598 --> 00:00:18,685 Ako ang punong monghe ng Enmyoin Temple. 2 00:00:19,227 --> 00:00:21,646 Ako ang ika-29 na punong monghe. 3 00:00:25,734 --> 00:00:29,446 Marami rito sa templo ang nakakita na ng mga UFO rito. 4 00:00:32,824 --> 00:00:35,118 Minsan akong nakakita ng UFO rito… 5 00:00:35,201 --> 00:00:38,246 Mga ganito kalaking UFO, alam mo 'yon? 6 00:00:40,582 --> 00:00:41,416 Dito. 7 00:00:41,499 --> 00:00:44,252 Ganito 'yon kalaki. 8 00:00:45,170 --> 00:00:47,630 At gumagalaw nang ganito. 9 00:00:50,300 --> 00:00:53,386 Pero nabigla akong makakita nang gano'n kalaking UFO. 10 00:00:53,470 --> 00:00:55,430 Nanlambot ang tuhod ko, seryoso. 11 00:00:57,474 --> 00:00:59,684 Totoo iyon. Nakita ko mismo, kita mo? 12 00:01:00,769 --> 00:01:02,645 Wala na akong magagawa kundi maniwala. 13 00:01:05,732 --> 00:01:10,653 At bago 'yon lumindol. Mga 12 o 13 taon na, di ba? 14 00:01:13,073 --> 00:01:14,741 Mga nagbabagang balita. 15 00:01:14,824 --> 00:01:19,579 Isang malakas na lindol ang tumama sa silangang baybayin ng Japan. 16 00:01:19,662 --> 00:01:24,167 Malaking lindol, magnitude 8.9. Tumama ito noong 2:46 p.m. 17 00:01:24,250 --> 00:01:26,586 Sendai ang pinakamalapit na populasyon. 18 00:01:33,259 --> 00:01:35,261 'Yong dagat ang nandoon, tama? 19 00:01:36,471 --> 00:01:38,598 Napakaraming bahay dati roon. 20 00:01:39,474 --> 00:01:41,309 Naging ganito kataas ang dagat. 21 00:01:42,143 --> 00:01:45,897 Ang Pacific Tsunami Warning Center ay naglabas ng tsunami warning sa Japan, 22 00:01:45,980 --> 00:01:49,150 Russia, Marcus Island, Northern Marianas. 23 00:01:49,234 --> 00:01:51,069 …dumadagasa ang alon. 24 00:01:51,152 --> 00:01:52,987 Nasalanta ng tsunami 25 00:01:53,071 --> 00:01:55,615 ang daungan ng Sendai, ang pinakamalapit na bayan… 26 00:01:55,698 --> 00:01:59,160 Ang malalapit doon ay dapat nang lumikas at pumunta sa mataas na lugar. 27 00:02:03,748 --> 00:02:04,749 Whoosh! 28 00:02:06,126 --> 00:02:07,252 Whoosh! 29 00:02:13,675 --> 00:02:17,929 Nagbabala ang mga nuclear official sa posibleng nuclear reactor meltdown. 30 00:02:18,012 --> 00:02:22,058 Paulit-ulit naming naririnig na hindi gumagana ang coolant system. 31 00:02:22,142 --> 00:02:25,145 Isang "China syndrome" meltdown at radiation leaks… 32 00:02:25,228 --> 00:02:26,479 Nauubos na ang oras. 33 00:02:26,563 --> 00:02:28,940 Bawat minutong lumilipas, papalapit tayo sa oras 34 00:02:29,023 --> 00:02:30,483 na maaaring may susunod… 35 00:02:59,262 --> 00:03:01,973 Noong nuclear accident, dumating din ang mga UFO, di ba? 36 00:03:09,647 --> 00:03:12,317 Napakarami nila, pagkatapos mismo ng pagsabog. 37 00:03:13,735 --> 00:03:14,944 Nagulat talaga ako. 38 00:03:32,003 --> 00:03:33,922 Mula sa simula ng naitalang oras, 39 00:03:34,005 --> 00:03:36,841 nakakakita na ang mga tao ng mga di maipaliwanag sa langit. 40 00:03:36,925 --> 00:03:39,135 Tayo lang ba sa sansinukob? 41 00:03:39,219 --> 00:03:42,680 Mayroon sa data na dapat talagang alamin. 42 00:03:42,764 --> 00:03:44,724 Wala kaming itinatago. 43 00:03:44,807 --> 00:03:47,143 May mga bagay na gaya ng interplanetary spaceships. 44 00:03:47,227 --> 00:03:49,479 Akala ko alien, malaki ang mata niya. 45 00:03:49,562 --> 00:03:54,275 May mahalagang bagay na nangyayari dito, na tunay at totoo. 46 00:04:06,120 --> 00:04:10,750 Noong mga araw ng nuclear power plant meltdown sa Fukushima, 47 00:04:10,833 --> 00:04:15,255 daan-daan ang nag-ulat na nakakita sila ng mahiwagang ilaw sa langit. 48 00:04:17,548 --> 00:04:23,304 May nagsasabing kaluluwa iyon ng mga namayapa sa trahedya. 49 00:04:25,014 --> 00:04:29,352 Naniniwala ang iba na di iyon pandaigdig. 50 00:04:36,567 --> 00:04:41,406 MGA ILAW SA FUKUSHIMA 51 00:04:57,588 --> 00:05:02,051 ANG EXCLUSION ZONE 52 00:05:17,775 --> 00:05:21,779 Noong ika-14 ng Marso, 53 00:05:21,863 --> 00:05:25,658 nakita kong sumabog ang Fukushima nuclear power plant. 54 00:05:25,742 --> 00:05:27,785 Pagkatapos no'n, pumunta ako rito. 55 00:05:30,705 --> 00:05:33,499 Pero medyo malapit sa baybayin ang kaibigan ko. 56 00:05:35,168 --> 00:05:39,047 Kaya naisip ko, "Kailangan kong tumulong," kaya ako pumunta rito. 57 00:05:39,547 --> 00:05:43,384 Sa kasamaang palad, namatay ang kaibigang iyon. 58 00:05:46,137 --> 00:05:50,350 Pero kahit wala na ang kaibigan ko, di ibig sabihing wala na akong magagawa. 59 00:05:50,433 --> 00:05:53,144 Kaya dito muna ako sandali. 60 00:05:56,230 --> 00:05:58,733 Katunayan, marami ang namatay. 61 00:05:59,567 --> 00:06:03,196 Marami ang kinailangang umalis, iniwan ang mga gamit nila. 62 00:06:06,866 --> 00:06:08,951 Maraming nangyari sa limang taon na 'yon. 63 00:06:10,286 --> 00:06:12,372 Maraming kababalaghang istorya. 64 00:06:19,003 --> 00:06:22,799 Gaya ng inaasahan, maraming natangay ng tsunami sa dagat. 65 00:06:23,383 --> 00:06:26,928 Kaya pumupunta rin ako sa mga dalampasigan para tumingin. 66 00:06:28,429 --> 00:06:32,392 Pagkatapos na pagkatapos ng sakuna, 67 00:06:32,975 --> 00:06:36,646 kung titingin ka sa direksiyong ito, gabundok ito ng tipak ng bato, 68 00:06:37,146 --> 00:06:42,568 at sa direksyong ito, 'yong mga bahay at kung ano pa ay tinatangay ng mga alon. 69 00:06:42,652 --> 00:06:44,946 Noong panahong 'yon, lima kami no'n, 70 00:06:45,029 --> 00:06:49,075 na nakakita ng mga kamangha-manghang orb ng liwanag sa ibabaw ng karagatan. 71 00:06:49,784 --> 00:06:52,829 Ang dami ng mga 'yon, na nakalinya nang ganito. 72 00:06:52,912 --> 00:06:54,539 Madami-dami. 73 00:06:55,039 --> 00:06:58,543 Medyo may pagkaasul na puti na bolang ilaw ang mga 'yon. 74 00:07:00,211 --> 00:07:02,880 Napakagandang ilaw no'n, alam mo 'yon? 75 00:07:08,428 --> 00:07:12,598 ISHINOMAKI 71 MILYA MULA SA NUCLEAR SITE 76 00:07:18,104 --> 00:07:23,651 Totoo, sa Ishinomaki, sa napakaliit at lumang bayan, 77 00:07:24,986 --> 00:07:28,448 walang sinuman, kahit ako, ang makakaisip 78 00:07:29,073 --> 00:07:31,701 na biglang mangyayari ang tsunami. 79 00:07:40,501 --> 00:07:45,506 Ipinanganak ang nanay ko sa maliit na puwertong ito 80 00:07:45,590 --> 00:07:48,092 at isang guro dito sa elementarya. 81 00:07:50,386 --> 00:07:53,764 Gustong-gusto niya ang paaralang 'yon 82 00:07:53,848 --> 00:07:58,144 at madalas niyang ikuwento ang mga estudyante nang may giliw. 83 00:07:59,854 --> 00:08:02,857 Sinira ng tsunami ang paaralang ito. 84 00:08:07,945 --> 00:08:10,573 Nalipol ang lahat. 85 00:08:40,144 --> 00:08:43,064 Matapos sumabog ang nuclear facility, 86 00:08:43,564 --> 00:08:49,320 may ilang mga tao sa lugar na 'to ang nag-ulat na nakakita ng mga UFO. 87 00:08:53,074 --> 00:08:58,037 Hindi ko talaga alam kung ano'ng gagawin nila rito. 88 00:08:58,788 --> 00:09:04,877 Pero, kitang-kita sila at may ginagawang kung ano. 89 00:09:11,384 --> 00:09:14,554 Sa tingin ko, napakalinaw ng ugnayan 90 00:09:14,637 --> 00:09:18,516 sa pagitan ng UAP activity at ng mga nuclear power plant, 91 00:09:18,599 --> 00:09:21,769 at sa tingin ko, ilang dekada na ito. 92 00:09:24,939 --> 00:09:29,735 Ang opinyon ko, mula sa mahigit 30 taong napakalawak na pananaliksik, 93 00:09:30,403 --> 00:09:35,366 ay may nagpapatakbo na advance extraterrestrial 94 00:09:35,449 --> 00:09:38,035 dito sa Earth at sa karagatan. 95 00:09:38,619 --> 00:09:42,957 At isa sa pinakamalaking bagay na kailangan nating harapin 96 00:09:43,040 --> 00:09:44,959 ay ang katotohanang nangyayari ito. 97 00:09:47,044 --> 00:09:50,798 Ilan sa mga na-declassify na ulat ng US government 98 00:09:50,881 --> 00:09:55,386 na ilang dekada na tagal, ay nakakamangha. 99 00:09:55,469 --> 00:09:58,347 At sobrang linaw no'n. 100 00:09:58,431 --> 00:10:02,435 Dokumentasyon ng FBI. Dokumentasyon ng CIA. 101 00:10:04,061 --> 00:10:07,148 Mula pa ito noong 1930s, 102 00:10:07,231 --> 00:10:11,527 kung kailan naiintindihan ng siyensiya at pananaliksik ang fission. 103 00:10:13,154 --> 00:10:16,866 Pero mas lumala ito noong 1940s, 104 00:10:16,949 --> 00:10:23,539 lalo na, pagkatapos ng pagsabog ng dalawang atomic bomb sa Japan noong 1945. 105 00:10:26,792 --> 00:10:29,420 Tapos, desidido na 'yon. Depinitibo. 106 00:10:29,503 --> 00:10:33,382 Sunod-sunod ang nakikita mong nagaganap 107 00:10:34,008 --> 00:10:39,555 sa kalapit na lugar lalo na sa mga lugar na may kaugnayan sa nuclear weapons. 108 00:10:39,639 --> 00:10:42,516 Bale, Los Alamos noong 1940s. 109 00:10:43,100 --> 00:10:45,269 Sandia National Labs. 110 00:10:45,353 --> 00:10:49,357 Kirtland Air Force Base, kung saan nakaimbak ang mga nuclear weapons. 111 00:10:49,440 --> 00:10:51,901 Basta, "Boom, boom, boom." Masinsinan sila. 112 00:10:51,984 --> 00:10:53,486 Wala silang palalampasin. 113 00:10:55,571 --> 00:10:58,824 Kung titingnan mo ang maraming display ng UAP, 114 00:10:58,908 --> 00:11:03,287 na ikinuwento ng mga testigo, mapagkakatiwalaang testigo, 115 00:11:03,371 --> 00:11:06,207 parang may isini-signal sa atin. 116 00:11:07,833 --> 00:11:11,170 Alam mo, doon sa sakuna sa Fukushima, 117 00:11:11,253 --> 00:11:14,840 maraming ulat ng UFO activity. 118 00:11:17,385 --> 00:11:18,803 Kakikita ko lang ng UFO! 119 00:11:18,886 --> 00:11:21,597 Sobrang random nito, pero may lumilipad na UFO. 120 00:11:21,681 --> 00:11:25,559 Akala ko nagpapadala ng mga emergency supply ang military aircrafts… 121 00:11:25,643 --> 00:11:29,021 Bilang karagdagan sa daan-daang tweet, may lumabas na nakunan umano 122 00:11:29,105 --> 00:11:31,816 ang di maipaliwanag na liwanag sa Fukushima nuclear site. 123 00:11:43,786 --> 00:11:47,748 Pero hindi lang sa Fukushima. Noong 1986, sa Chernobyl, 124 00:11:47,832 --> 00:11:50,960 nang nasira ang Unit 4 125 00:11:51,544 --> 00:11:56,382 marami ring naiulat na UFO activity roon. 126 00:11:58,801 --> 00:12:01,303 Sa kasagsagan ng sunog sa Chernobyl, 127 00:12:01,887 --> 00:12:05,307 ang reading ay 3,000 milliroentgens, 128 00:12:05,391 --> 00:12:07,685 na isang unit ng ionizing radiation. 129 00:12:07,768 --> 00:12:12,481 At sa kasagsagan ng sunog, maraming nakakita na may dumating na UFO, 130 00:12:13,149 --> 00:12:19,196 nanatili ng tatlong minuto, sininagan ang Unit 4, at umalis. 131 00:12:19,739 --> 00:12:23,784 Nag-reading ulit sila, at tila bumaba ito sa 800. 132 00:12:24,410 --> 00:12:25,745 Sa ilang minuto lang. 133 00:12:26,412 --> 00:12:30,249 Parang sinadyang pagtangka 'yon 134 00:12:30,332 --> 00:12:35,463 na ayusin ang panganib na sanhi ng pagkasira doon. 135 00:12:36,922 --> 00:12:39,425 INTERNAL FOOTAGE NG NRA NG MGA UNIT 2 AT 3 NG FDNPP 136 00:12:41,302 --> 00:12:45,931 Nagkagulo ang lahat nang sumabog ang nuclear plant. 137 00:12:46,015 --> 00:12:49,310 Lumikas kami agad pagkatapos ng lindol. Tumakas talaga kami. 138 00:12:50,144 --> 00:12:53,939 Sabi nila, "Mae-expose tayo!" Kaya umalis lang ang lahat. 139 00:12:55,065 --> 00:12:56,901 Nakakatakot noong una, di ba? 140 00:12:58,652 --> 00:13:02,531 …mga 24 oras na ang nakalipas na ang 71,000 katao, 141 00:13:02,615 --> 00:13:06,327 ay tuluyan nang lubog sa tubig. Wala nang nakatayong gusali. 142 00:13:06,410 --> 00:13:10,289 Pero, himalang hindi naabot ng tsunami ang templo. 143 00:13:12,583 --> 00:13:14,668 Kaya tinawag itong "Mahiwagang Temple." 144 00:13:16,837 --> 00:13:21,842 Naniniwala ako sa mga di nakikitang lakas, gaya ng banal na kapangyarihan o UFO. 145 00:13:21,926 --> 00:13:25,012 Tingin ko dumating sila at tinulungan kami. 146 00:13:33,103 --> 00:13:37,817 Ang mga UFO at alien at ang buong katanungan sa kalawakan 147 00:13:37,900 --> 00:13:41,737 ay inilarawan sa iba't ibang paraan sa kilalang kultura ng Japan 148 00:13:41,821 --> 00:13:45,950 at maraming anime at manga na ang tagpo ay sa kalawakan. 149 00:13:48,702 --> 00:13:53,249 Pag tinatanong ako tungkol sa Astro Boy, gaya ng, "Paano nila nagawa itong hero 150 00:13:53,332 --> 00:13:55,084 na pinapatakbo ng atomic energy 151 00:13:55,167 --> 00:14:01,090 pagkatapos na pagkatapos na masalanta ang bansa ng isang nuclear bomb?" 152 00:14:01,173 --> 00:14:02,424 -Tulong! -Papa! 153 00:14:02,508 --> 00:14:08,889 At ang isa pang mas mahalagang aspeto ay half-boy, half-robot si Astro Boy. 154 00:14:11,225 --> 00:14:15,855 Ang ama niya, 'yong doktor, ay ginawa si Astro Boy kasi pinatay ang anak niya. 155 00:14:16,647 --> 00:14:18,023 Tobio… ang tanging Tobio ko… 156 00:14:18,107 --> 00:14:20,609 Kaya di gano'n kapangahas sabihing, 157 00:14:20,693 --> 00:14:24,071 "Namatay sa giyera ang pamilya ng tatay." 158 00:14:24,655 --> 00:14:30,661 At kaya, "Gamitin natin ang teknolohiya para gumawa ng bago 159 00:14:30,744 --> 00:14:32,663 at bigyan tayo ng kinabukasan." 160 00:14:33,956 --> 00:14:36,584 Kaya napakalaki ng tiwala sa teknolohiya 161 00:14:36,667 --> 00:14:38,544 dahil sa trauma. 162 00:14:40,880 --> 00:14:43,549 Wow, lumilipad ako, lumilipad ako! 163 00:14:43,632 --> 00:14:46,218 Sa isang paraan, iyon ang… 164 00:14:46,302 --> 00:14:51,223 nasa subconscious ng Japanese sa panahon ng post-war. 165 00:14:51,307 --> 00:14:55,185 At ang nakikita mo, simula sa Astro Boy, 166 00:14:55,269 --> 00:14:58,522 itong mga karakter na 'to na mga kala-kalahati. 167 00:14:59,773 --> 00:15:01,650 Sino ka ba? 168 00:15:01,734 --> 00:15:04,653 Ako si Ultraman. 169 00:15:05,446 --> 00:15:06,572 Ultraman? 170 00:15:06,655 --> 00:15:10,034 Napakaganda ng karakter ni Ultraman dahil… 171 00:15:10,576 --> 00:15:13,787 Si Ultraman ay galing sa isang planeta, ibang planeta, 172 00:15:13,871 --> 00:15:16,332 at nagkamali siya, 173 00:15:17,499 --> 00:15:19,251 at naaksidente, 174 00:15:19,335 --> 00:15:22,171 at bumagsak siya sa barko ng mga tao, 175 00:15:23,005 --> 00:15:25,716 na pinipiloto nitong Science Patrol na lalaki. 176 00:15:25,799 --> 00:15:29,803 Nagpasya si Ultraman, "Nahihiya akong natamaan ko ang barko ng taong ito." 177 00:15:29,887 --> 00:15:31,513 "Sasanib ako sa kanya." 178 00:15:31,597 --> 00:15:33,724 At nagsanib sila, 179 00:15:34,308 --> 00:15:36,310 at naging Ultraman. 180 00:15:41,523 --> 00:15:43,192 Alien ito na sumasanib sa tao, 181 00:15:43,275 --> 00:15:45,235 at kinakatawan ni Ultraman ang paniniwalang 182 00:15:45,319 --> 00:15:48,238 na mababait talaga ang ibang alien. 183 00:15:49,031 --> 00:15:51,158 Sinusubukan nilang protektahan ang tao. 184 00:15:51,241 --> 00:15:54,203 At noong bata ako, gusto ko ang ideyang 'yon. 185 00:15:57,289 --> 00:16:01,627 Noong siyete anyos ako, sa di malamang dahilan, iniisip ko ang mga alien. 186 00:16:04,546 --> 00:16:08,384 Di ko lubos maisip ang itsura nila. 187 00:16:08,467 --> 00:16:14,390 Pero, ramdam na ramdam ko ang kabaitan nila. 188 00:16:15,391 --> 00:16:17,893 Sigurado akong totoo sila. 189 00:16:18,686 --> 00:16:22,272 Kumbinsido ang siyete anyos ko rito. 190 00:16:22,356 --> 00:16:25,526 Totoo sila. Di lang nila ipinapakita ang anyo nila. 191 00:16:26,151 --> 00:16:29,989 Pero lagi nila tayong binabantayan. 192 00:16:40,249 --> 00:16:43,961 Hindi ko alam kung ano'ng inaasahan mo, pero professor ako. 193 00:16:44,044 --> 00:16:47,423 At ako ay… Ibig kong sabihin, di ako ufologist. 194 00:16:47,923 --> 00:16:51,385 Bale, professor ako sa pag-aaral ng relihiyon. 195 00:16:51,468 --> 00:16:53,345 At ang inaaral ko ay relihiyon. 196 00:16:54,221 --> 00:16:59,018 Maling pagtuunan kung ito ba ay totoo o hindi. 197 00:16:59,101 --> 00:17:02,604 Dapat nating alamin ang kahulugan ng mga pangyayaring ito. 198 00:17:02,688 --> 00:17:06,567 Kasi di lang nito binago ang buhay ng isang indibidwal, 199 00:17:06,650 --> 00:17:11,030 pero ang paniniwala rin sa mga UFO ay naging pangmundong paniniwala na rin. 200 00:17:11,113 --> 00:17:14,408 Iba ito sa relihiyon, pero parang relihiyon ito. 201 00:17:14,992 --> 00:17:20,372 Kung titingnan n'yo ang research ko, magkakarugtong 'yon, isang tema, 202 00:17:20,456 --> 00:17:24,668 ng pagtingala sa langit at makakita ng mga bagay na di batid kung ano 203 00:17:24,752 --> 00:17:26,712 at tapos susubukang alamin sila. 204 00:17:26,795 --> 00:17:30,632 At ngayon, nakikita pa rin natin na may mga nakakakita sa langit, 205 00:17:30,716 --> 00:17:32,634 pero ang nakikita nila ngayon 206 00:17:32,718 --> 00:17:35,554 ay ang pinaniniwalaan nila, mga advance technology. 207 00:17:35,637 --> 00:17:39,767 Samantalang noong nakaraang milenyo, iisipin nila, "Anghel yata 'yon." 208 00:17:39,850 --> 00:17:41,477 O, "Demonyo yata 'yon." 209 00:17:42,102 --> 00:17:46,273 Ngayon, tumitingala sila, at sinasabing, "UFO 'yan." 210 00:17:53,655 --> 00:17:59,953 Ang opinyon ko, para sa akin, sana totoo talaga ang mga UFO. 211 00:18:00,037 --> 00:18:02,289 Pero, ayokong niloloko ako. 212 00:18:02,372 --> 00:18:04,541 Totoong ebidensiya ang gusto ko. 213 00:18:04,625 --> 00:18:08,545 Sinusubukan kong alamin 'yon, pero wala. Wala akong mahanap. 214 00:18:08,629 --> 00:18:10,506 FLYING SAUCER SA RANTSO SA NEW MEXICO 215 00:18:10,589 --> 00:18:14,218 Nagsimula ang urban legend ng UFO noong 1947 sa Amerika. 216 00:18:14,301 --> 00:18:19,515 Kaya wala kang makikitang litrato o guhit bago ang panahong iyon. 217 00:18:19,598 --> 00:18:23,811 Pero sa pagsasaliksik ko, nalaman kong mayroon pala no'n sa Japan. 218 00:18:23,894 --> 00:18:27,731 Gaya ng alamat ng Utsuro-bune, ang guwang na barko. 219 00:18:34,363 --> 00:18:37,449 "Kawaraban" ang tawag dito, diyaryo sa panahong 'yon. 220 00:18:38,992 --> 00:18:44,665 Sa isang ito, parang ang lahat ng ulat ay tumuturo sa isang kaganapan noong 1803. 221 00:18:45,457 --> 00:18:50,212 Noong una, akala ko, ulat ito ng pagkasira ng barko ng ibang bansa. 222 00:18:50,796 --> 00:18:52,756 Pero hindi pala ganoon. 223 00:18:53,549 --> 00:18:55,342 Sinaliksik ko nang maigi, 224 00:18:55,425 --> 00:18:59,721 pero halos walang mga barko na ganoon ang hugis noong Edo period. 225 00:19:02,808 --> 00:19:05,519 Paulit-ulit na binabanggit ng mga dokumento 226 00:19:05,602 --> 00:19:08,480 na may tatlong bintana, o parang bintana. 227 00:19:12,860 --> 00:19:14,862 At ang isa pang nakakaagaw pansin, 228 00:19:16,238 --> 00:19:19,491 halos lahat ng dokumento ay binanggit itong babae. 229 00:19:29,334 --> 00:19:34,214 Madalas, "wika ng kalawakan" ang tawag pero mas gusto ko ang "wika ng liwanag." 230 00:19:34,798 --> 00:19:38,385 Kasama na ang gawing tunog ang mga frequency na dumarating sa akin. 231 00:19:38,886 --> 00:19:41,513 Maaaring kanta o salita, parang… 232 00:19:46,393 --> 00:19:52,399 Sa ganito, nakikipag-ugnayan na ako sa sansinukob o mga extraterrestrial. 233 00:19:59,489 --> 00:20:01,241 Alien ako. 234 00:20:03,076 --> 00:20:05,537 Na-reincarnate na ako mula sa maraming bituin. 235 00:20:07,456 --> 00:20:10,250 Oras na para sa malaking pag-akyat sa langit, 236 00:20:10,334 --> 00:20:13,253 kaya naisip kong magiging masayang makita iyon 237 00:20:25,641 --> 00:20:26,642 Simulan na natin. 238 00:20:28,268 --> 00:20:29,269 Handa. 239 00:20:33,607 --> 00:20:40,155 Wala talagang relihiyon ang Japan na gaya sa kung paano sa atin sa Ingles. 240 00:20:40,239 --> 00:20:44,159 Isang institusyonal na relihiyon. Walang katulad sa Sampung Utos. 241 00:20:44,243 --> 00:20:47,412 Ang mga katangiang etikal sa kultura ng Japan 242 00:20:47,496 --> 00:20:50,457 ay natutunan sa paaralan at sa pamilya. 243 00:20:50,540 --> 00:20:55,337 Kaya't ang ugali at identidad ay nagmula sa ganoon. 244 00:20:55,420 --> 00:21:01,426 Kailangan mong kumilos sa iisang paraan, puwede kang maging isang identidad. 245 00:21:01,510 --> 00:21:05,347 At ang iba naman, puwede kang maging kahit sino. 246 00:21:05,430 --> 00:21:07,849 Nang walang panghuhusga. 247 00:21:09,017 --> 00:21:12,062 Puwede kang maging guro, maging performer, 248 00:21:12,145 --> 00:21:15,524 at kasabay no'n, puwede kang magsalita ng wika ng liwanag 249 00:21:15,607 --> 00:21:18,652 at kumonekta sa mga alien, 250 00:21:18,735 --> 00:21:21,196 at malamang, marahil, isa ka sa kanila. 251 00:21:22,531 --> 00:21:27,035 Alalahanin mo, na pumunta ka rito sa Earth 252 00:21:27,119 --> 00:21:30,539 dahil may gustong-gusto kang gawin. 253 00:21:31,123 --> 00:21:35,669 Mahiwaga ito, pero lakas din ito 254 00:21:35,752 --> 00:21:41,758 na kayang tanggapin ng Japan ang sa tingin natin ay kabalintunaan 255 00:21:42,926 --> 00:21:44,386 at magpatuloy. 256 00:21:48,307 --> 00:21:52,978 Tatlong buwan matapos mangyari Ang Malakas na Lindol sa Silangang Japan, 257 00:21:53,061 --> 00:21:56,982 kami mismo ng asawa ko ang nakasaksi. 258 00:21:57,065 --> 00:21:59,192 Malaking pagbabago 'yon sa amin. 259 00:21:59,276 --> 00:22:02,738 Madalas mong marinig, "Lubos na magababgo ang buhay mo," 260 00:22:02,821 --> 00:22:04,990 at 'yon talaga ang nangyari. 261 00:22:05,615 --> 00:22:08,493 Mga pasado alas dos 'yon ng hatinggabi. 262 00:22:08,577 --> 00:22:13,498 Pakiramdam ng asawa ko na may nakatingin sa amin. 263 00:22:14,041 --> 00:22:16,668 Kaya nagising siya ng hatinggabi. 264 00:22:16,752 --> 00:22:22,049 Sumigaw siya, kaya bumangon ako at sinilip ko. At nandoon nga! 265 00:22:25,427 --> 00:22:27,804 Nakakita ako ng maliwanag at bilog na ilaw, 266 00:22:28,847 --> 00:22:30,849 at unti-unti itong lumalapit. 267 00:22:32,517 --> 00:22:34,519 Natigilan talaga kami. 268 00:22:34,603 --> 00:22:38,899 Sa harap namin, isang gintong UFO, na lumilipad-lipad lang nang ganito. 269 00:22:39,566 --> 00:22:42,235 Kausap niya talaga ang UFO na 'yon, 270 00:22:42,319 --> 00:22:45,113 na bilang tugon, ay kumikislap nang husto. 271 00:22:48,283 --> 00:22:50,869 'Yong UFO na kumikinang na ginto 272 00:22:50,952 --> 00:22:56,166 tapos nagliwanag ng deep pink, na napakalakas na parang, "Whoosh!" 273 00:22:57,125 --> 00:23:02,214 Para bang sinasabi nito na, "Ayos lang ang lahat!" 274 00:23:02,297 --> 00:23:04,591 Parang "walang anuman," mga ganoon. 275 00:23:06,259 --> 00:23:13,100 Naniniwala kami sa kanila, kaya pakiramdam naming binabantayan nila kami. 276 00:23:34,037 --> 00:23:38,792 Matagal nang lingid sa kaalaman ng iba ang pinangyarihan ng insidente. 277 00:23:38,875 --> 00:23:41,378 Pinaniniwalaang kathang-isip lang ito. 278 00:23:41,461 --> 00:23:48,385 Kung kathang-isip ang pangalan ng lugar, malamang, ganoon din ang kuwento, di ba? 279 00:23:48,468 --> 00:23:50,637 Iyon din ang naisip ko. 280 00:23:52,639 --> 00:23:56,351 Pero, noong 2014, may natuklasang bagong dokumento. 281 00:23:56,435 --> 00:24:00,439 Isang dokumento na natagpuan sa pamilya ng Ban, pamilya ng ninja. 282 00:24:00,522 --> 00:24:03,775 Maraming dokumento ang ipinamana sa pamilya ng Ban. 283 00:24:03,859 --> 00:24:09,072 At ang isa sa mga 'yon, nakasulat ang lugar na "Hitachihara, Sharihama." 284 00:24:09,656 --> 00:24:15,036 Ang akala ay ang "Hitachihara" at "Sharihama" ang totoong tawag sa lugar. 285 00:24:16,079 --> 00:24:17,998 SHARIHAMA 117 MILYA MULA SA NUCLEAR SITE 286 00:24:18,081 --> 00:24:23,295 Noong 1803, dinala ng alon ang Utsuro-bune sa baybaying ito. 287 00:24:26,339 --> 00:24:28,967 Nakita nila ang Utsuro-bune sa malayo. 288 00:24:29,050 --> 00:24:31,720 At pagkatapos, gamit ang bangka, 289 00:24:31,803 --> 00:24:36,933 kinuha nila ang Utsuro-bune at hinatak ito sa pampang. 290 00:24:37,017 --> 00:24:38,101 Iyon ang alamat. 291 00:24:39,144 --> 00:24:43,815 At pagsilip nila sa loob, may nakita silang magandang babae. 292 00:24:53,200 --> 00:24:57,037 Nagsimula ang mga kuwentong UFO sa America noong 1947, 293 00:24:57,621 --> 00:25:02,250 pero nangyari ang insedenteng ito noong 1803. 294 00:25:02,959 --> 00:25:07,047 Ito siguro ang unang alamat ng isang bisita mula sa ibang mundo, 295 00:25:07,130 --> 00:25:09,841 na nakasakay sa hugis disc na bapor. 296 00:25:20,477 --> 00:25:24,064 Noong natutulog ako, habang naka-lucid dream, 297 00:25:25,524 --> 00:25:28,443 may limang alien na lumitaw. 298 00:25:29,569 --> 00:25:31,947 'Yong nasa gitna ay berde, 299 00:25:33,031 --> 00:25:36,117 at ang magkabilang gilid ay nagliliwanag na puti. 300 00:25:37,994 --> 00:25:40,038 Parang kumikinang na puti. 301 00:25:40,121 --> 00:25:43,416 At matagal ko na silang hinihintay, 302 00:25:43,500 --> 00:25:46,836 kaya sinabi ko, "Ah, dumating ka rin sa wakas." 303 00:25:46,920 --> 00:25:50,882 Sabi ko, "Pakiusap, gawin mo ang gusto mo," at ibinuka ko ang palad ko. 304 00:25:52,050 --> 00:25:57,305 Sobrang saya ko, parang nakita kong muli ang mga dati kong kaibigan. 305 00:25:57,389 --> 00:26:00,392 Iniwan ko ang lahat at sumuko. 306 00:26:01,268 --> 00:26:04,521 Tapos, simula sa berdeng alien, 307 00:26:05,480 --> 00:26:11,236 binigyan nila ako ng liwanag dito sa mga chakra ko. Lahat sila. 308 00:26:13,530 --> 00:26:18,326 Binalot ako ng kaligayahan na hindi ko pa naramdaman. 309 00:26:19,411 --> 00:26:23,498 Palagay ko, nagpakita ang limang alien na 'yon sa anyong 310 00:26:23,582 --> 00:26:26,668 madali kong maiintindihan. 311 00:26:28,628 --> 00:26:33,592 Ilaw lang sila, pero nagpakita sila sa akin sa anyong alien. 312 00:26:40,557 --> 00:26:42,017 Sige. 313 00:26:43,268 --> 00:26:47,772 Itong katanungan sa kung ano ang nakikita natin sa langit, 314 00:26:47,856 --> 00:26:50,859 ang nilalayon ba ito, o opinyon lang? 315 00:26:50,942 --> 00:26:54,404 Nakita ba talaga natin 'yon? At totoo ba ito? 316 00:26:54,487 --> 00:26:57,741 At kung babalikan mo ang kasaysayan, 317 00:26:57,824 --> 00:26:59,618 lalo na sa Kanluran, 318 00:26:59,701 --> 00:27:01,953 makikita mong may mga bagay sa langit 319 00:27:02,037 --> 00:27:05,540 na talagang nagkakaroon ng totoong epekto sa mga tao. 320 00:27:05,624 --> 00:27:09,377 Okay? Kaya, ang halimabawa ay ang Stigmata ni Saint Francis. 321 00:27:11,129 --> 00:27:15,133 Nakikita ni Saint Francis ang tinatawag niyang "sulo." 322 00:27:15,967 --> 00:27:19,012 At may inilalabas itong liwanag. 323 00:27:20,221 --> 00:27:23,350 Sinisinagan siya ng liwanag na ito. 324 00:27:24,142 --> 00:27:28,563 At nagkaroon siya no'ng tinatawag sa tradisyong Kristiyano na stigmata, 325 00:27:28,647 --> 00:27:31,566 o Mga sugat ni Kristo. Kaya nasunog siya. 326 00:27:34,402 --> 00:27:37,197 Di rin kapani-paniwala ang mga bagay-bagay sa relihiyon. 327 00:27:37,280 --> 00:27:40,033 Mga anghel na bumababa at nakikipag-usap sa mga tao. 328 00:27:40,116 --> 00:27:41,618 Naglalakad sa tubig. 329 00:27:41,701 --> 00:27:43,953 Mga hindi rin ito kapani-paniwala, 330 00:27:44,037 --> 00:27:46,748 at mga saksi lang ang mayroon tayo. 331 00:27:46,831 --> 00:27:49,501 At madalas paniwalaan 'yon nang walang tanong-tanong. 332 00:27:49,584 --> 00:27:53,588 Kaya, bakit mo pinaghihiwalay ang mga kategorya ng paniniwala? 333 00:27:53,672 --> 00:27:55,924 Naniniwala ka sa di kapani-paniwala, 334 00:27:56,007 --> 00:27:59,469 pero di tayo naniniwala sa mga may ebidensiya tayo, 335 00:27:59,552 --> 00:28:01,179 tulad ng mga UFO. 336 00:28:14,943 --> 00:28:16,736 TATLONG MILYA MULA SA NUCLEAR SITE 337 00:28:16,820 --> 00:28:22,033 Madalas na katatakutan ang mga kuwento tungkol sa mga multo at misteryo. 338 00:28:22,117 --> 00:28:26,913 Itinuturing nating nakakatakot ang mga multo, pero hindi dapat. 339 00:28:26,996 --> 00:28:29,958 'Yong mga taga-Fukushima, Miyagi, at Iwate, 340 00:28:30,041 --> 00:28:32,877 ang mga nakaranas ng lindol, 341 00:28:32,961 --> 00:28:38,174 pakiramdam nilang babalik ang mga taong nakasama nila. 342 00:28:39,884 --> 00:28:43,805 Pag naghahanap ng mga tao sa mga ganitong kotse, 343 00:28:45,014 --> 00:28:49,602 karaniwang makakita ng makinang at maputlang malabong liwanag 344 00:28:49,686 --> 00:28:52,814 na umaakyat mula sa mga ganitong lugar. 345 00:28:52,897 --> 00:28:57,861 At kung mayroon man dito o rito, para bang may namatay na tao rito. 346 00:28:57,944 --> 00:29:00,822 Kung mayroon banda rito o sa driver's seat. 347 00:29:00,905 --> 00:29:04,409 Kaya puwede mong isiping ganoon. 348 00:29:06,161 --> 00:29:07,787 Alam mo ba ang hitodama? 349 00:29:07,871 --> 00:29:13,710 Para itong bola ng apoy, o bolang ilaw, na lumulutang sa iisang lugar. 350 00:29:13,793 --> 00:29:15,920 Marami na akong nakita sa panahon ko. 351 00:29:17,922 --> 00:29:22,177 Ayon sa paniniwala ng Japan, kapag namatay ang isang tao, 352 00:29:22,260 --> 00:29:25,597 nagiging bolang ilaw ang kaluluwa nila at umaakyat sa langit. 353 00:29:42,280 --> 00:29:45,074 Pagkatapos ng malaking sakuna gaya ng lindol, 354 00:29:45,158 --> 00:29:47,327 matapos pumanaw ng napakaraming tao, 355 00:29:47,410 --> 00:29:51,039 kung makikita mo ang bolang ilaw, naniniwala akong di 'yon UFO, 356 00:29:51,122 --> 00:29:54,167 kundi, kaluluwa ng mga tao, isang hitodama. 357 00:29:54,250 --> 00:29:57,962 Ganoon ang tingin namin, kung paano kami mag-isip. 358 00:29:59,631 --> 00:30:03,384 Karaniwan na ang mahihiwagang bagay na gaya rin ng araw-araw nating buhay. 359 00:30:03,468 --> 00:30:08,014 Nananatili ito, tulad nang patuloy na pamumuhay natin sa araw-araw. 360 00:30:08,097 --> 00:30:10,600 At sa tingin ko, napakahalaga nito. 361 00:30:16,523 --> 00:30:20,985 Dito ako ipinanganak at lumaki. 362 00:30:21,528 --> 00:30:28,117 Maraming espiritu rito. Isang lugar na may malakas na enerhiya. 363 00:30:29,077 --> 00:30:32,247 May mga nagsasabi rin na daan ito papuntang langit. 364 00:30:34,707 --> 00:30:40,046 Kaya sa tingin ko, gusto rito ng mga UFO 365 00:30:40,588 --> 00:30:44,300 at dito magtitipon-tipon. Iyon ang iniisip ko. 366 00:30:49,305 --> 00:30:50,807 Huminga ka nang malalim. 367 00:30:52,267 --> 00:30:53,101 Pigilan mo. 368 00:30:54,143 --> 00:30:56,437 Maraming ganitong kuwento sa alamat ng Japan, 369 00:30:56,521 --> 00:30:59,148 mga espiritu sa paligid mo. 370 00:30:59,732 --> 00:31:03,319 Si Hayao Miyazaki, isa sa pinakasikat na pelikula niya sa mundo 371 00:31:03,403 --> 00:31:05,154 ay ang My Neighbor Totoro. 372 00:31:06,364 --> 00:31:11,035 At si Totoro ay malaki at mabalahibong nilalang na maaaring nakakatakot. 373 00:31:12,829 --> 00:31:16,124 Makikita mong puro malalaking ngipin ang bibig niya. 374 00:31:17,292 --> 00:31:20,962 Pero nang makapanayam ko mismo si Miyazaki at tinanong siya, 375 00:31:21,045 --> 00:31:23,464 "Mr. Miyazaki, ano si Totoro?" 376 00:31:24,173 --> 00:31:27,385 mabilis niyang sinagot. Sabi niya, "Si Totoro ay Totoro." 377 00:31:27,886 --> 00:31:28,970 "Totoro lang." 378 00:31:30,680 --> 00:31:34,309 Masasabi kong ang supernatural at natural na sining ng Japan, 379 00:31:34,392 --> 00:31:36,311 sa sensibilidad ng Japan, 380 00:31:36,394 --> 00:31:39,856 ay parehong magkakonekta at magkaugnay. 381 00:31:40,398 --> 00:31:42,066 Pero kasabay nito, 382 00:31:42,150 --> 00:31:45,361 di mo iisiping magkaibang nilalang sila. 383 00:31:45,445 --> 00:31:47,488 Kaya di nila kailangang mag-ugnay. 384 00:31:47,572 --> 00:31:49,824 Di sila dalawang bagay na dapat magsama. 385 00:31:49,908 --> 00:31:53,453 Isang piraso sila. Isang bagay. 386 00:31:54,078 --> 00:31:56,581 Tawagan ang mga diyaryo! May mga UFO! 387 00:31:56,664 --> 00:31:58,041 BOSES NG TOTOONG SAKSI 388 00:31:58,124 --> 00:32:00,752 May UFO! 389 00:32:01,502 --> 00:32:02,837 Wala akong makita. 390 00:32:02,921 --> 00:32:05,173 Tingnan n'yo, ayun na naman ang UFO! 391 00:32:05,256 --> 00:32:11,721 Di pa ako nakakita ng UFO! Napakarami nila! 392 00:32:11,804 --> 00:32:13,640 Totoo, may mga saksi. 393 00:32:13,723 --> 00:32:19,020 May mga saksi na nakakita ng mga UFO at alien. 394 00:32:19,854 --> 00:32:21,856 Pero, mga testimonya lang iyon. 395 00:32:21,940 --> 00:32:26,152 Mataas ang posibilidad na mapagkamalan 'yong mga eroplano. 396 00:32:26,903 --> 00:32:29,822 Baka ganoon din 'yong nakitang UFO noong March 11. 397 00:32:34,661 --> 00:32:37,747 Hindi ko kailangan ng ebidensiya. 398 00:32:37,830 --> 00:32:40,917 Di ko kailangan ng mga materyal na bagay. 399 00:32:41,000 --> 00:32:45,296 Higit sa lahat, mas mabuting maramdaman natin, 'yong echo. 400 00:32:48,758 --> 00:32:51,552 Sinusubukan kong wag masyadong pag-usapan ang mga alien. 401 00:32:51,636 --> 00:32:53,888 Iniisip na ng mga tao na baliw na ako. 402 00:32:58,893 --> 00:33:01,854 Wala akong paki kung iisipin ng tao na baliw ako, 403 00:33:02,438 --> 00:33:05,024 pero sayang lang kung di nila maiintindihan. 404 00:33:10,071 --> 00:33:14,409 Noong 3/11, may mga ilaw. Dumating ang mga UFO. 405 00:33:14,993 --> 00:33:18,329 May ginawa yata para protektahan ang Earth. 406 00:33:18,413 --> 00:33:21,582 Parang ang daming nangyayari. 407 00:33:27,964 --> 00:33:30,591 Pero kahit ano pa 'yon, di ako magtataka. 408 00:33:33,011 --> 00:33:38,683 Kung alien ako, isang extraterrestrial life-form, 409 00:33:38,766 --> 00:33:41,185 at may lumitaw na napakalakas na enerhiya, 410 00:33:42,186 --> 00:33:45,565 gugustuhin kong puntahan at tingnan ang lugar na 'yon. 411 00:33:57,285 --> 00:34:00,830 Kung may daan-daan kang dokumentadong UAP event… 412 00:34:00,913 --> 00:34:04,667 PINAKAMATAAS NA RADIATION DOSE ANG SUKAT MGA 15 MILLISIEVERTS KADA ORAS 413 00:34:04,751 --> 00:34:06,836 …sa paligid ng mga nuclear site, 414 00:34:06,919 --> 00:34:09,172 malinaw na mensahe iyon. 415 00:34:11,799 --> 00:34:13,551 Ako si Robert Salas. 416 00:34:13,634 --> 00:34:20,641 Noong Marso ng 1967, nakatalaga ako sa Malmstrom Air Force Base, Montana, 417 00:34:22,060 --> 00:34:23,978 bilang missile launch officer. 418 00:34:24,562 --> 00:34:28,524 Nasa ibaba ako, 60 talampakan sa ilalim ng lupa, sa isang capsule, 419 00:34:29,108 --> 00:34:34,280 sinusubaybayan at kinokontrol ang sampung nuclear-tipped missile. 420 00:34:35,740 --> 00:34:41,537 Tiningnan ko ang 39 salaysay mula 1940s hanggang 1990s. 421 00:34:41,621 --> 00:34:43,456 Kaya mga 50 taong panahon 'yon. 422 00:34:43,539 --> 00:34:49,295 Ang lahat ng salaysay ng mga saksi ay may mga pagkakatulad, 423 00:34:49,378 --> 00:34:52,673 na kung saan ay, "May UAP na dumating sa site." 424 00:34:52,757 --> 00:34:54,592 May tumawag noong umagang iyon, 425 00:34:55,635 --> 00:34:58,846 na may nakikita silang kakaibang liwanag na lumilipad sa langit. 426 00:35:00,556 --> 00:35:02,475 Hindi ko pinansin iyong tawag, 427 00:35:03,059 --> 00:35:07,021 sinabi kong tumawag sila pag may mas mahalagang nangyari. 428 00:35:07,105 --> 00:35:11,150 Hindi mahalaga kung Malmstrom Air Force Base 'yon, 429 00:35:11,234 --> 00:35:16,531 o FE Warren, o Minot… Hindi talaga mahalaga. 430 00:35:16,614 --> 00:35:19,659 May tumawag ulit, kasunod ng tawag na iyon. 431 00:35:20,284 --> 00:35:24,205 At sa pagkakataong ito, mas matindi iyong boses, patungkol… 432 00:35:24,288 --> 00:35:26,958 Halatang takot na takot iyong boses. 433 00:35:28,459 --> 00:35:34,340 Sabi niya, may maliwanag at kumikinang na pulang bagay 434 00:35:34,423 --> 00:35:36,134 na lumilipad sa harap ng gate. 435 00:35:36,217 --> 00:35:39,095 Nasa ipinagbabawal 'yon na airspace. Lumilipad iyon. 436 00:35:39,178 --> 00:35:43,057 Nililiwanagan nito ang mga nuclear weapon. 437 00:35:43,141 --> 00:35:44,475 Pagkatapos ng tawag, 438 00:35:44,559 --> 00:35:49,147 sunod-sunod na nasira ang mga armas ko. 439 00:35:49,230 --> 00:35:51,149 Naging hindi na puwede, 440 00:35:51,232 --> 00:35:53,943 'yong mga "hindi puwede." Di na sila puwedeng i-launch. 441 00:35:54,026 --> 00:35:57,113 At di lang 'yon ang site na nangyari iyon. 442 00:35:59,240 --> 00:36:03,161 Muli, nang umagang iyon, pagkatapos itong iulat sa command post, 443 00:36:03,244 --> 00:36:08,082 sinabihan kami na may katulad ding insidente na nangyari 444 00:36:08,166 --> 00:36:09,584 sa Echo Flight. 445 00:36:09,667 --> 00:36:13,379 Nasira ang lahat ng armas nila, sa katulad na katulad na pangyayari… 446 00:36:13,462 --> 00:36:15,464 HINDI PA ALAM ANG DAHILAN NG PAGKASIRA 447 00:36:15,548 --> 00:36:18,801 …na may nakitang UFO sa itaas ng mga launch facility. 448 00:36:29,478 --> 00:36:32,398 Nuclear power plant 'yon, kaya may radioactive energy, tama? 449 00:36:32,899 --> 00:36:39,572 Kaya sa tingin ko, pumunta ang mga UFO para tumulong, o ayusiiyong enerhiya. 450 00:36:40,239 --> 00:36:42,116 Sarili kong teorya 'yon. 451 00:36:42,950 --> 00:36:47,496 Kaya siguro ganito lang ang naging pinsala natin. 452 00:36:50,875 --> 00:36:54,754 Kapag pinag-uusapan ng mga Hapon ang mga extraterrestrial, 453 00:36:54,837 --> 00:36:57,757 o UFO, o kung bakit sila nandito, 454 00:36:57,840 --> 00:37:02,762 karamihan doon ay para magkaroon o maibalik ang balanse. 455 00:37:02,845 --> 00:37:06,724 Na ang buhay, ang modernong buhay, ay wala na sa ayos. 456 00:37:06,807 --> 00:37:12,688 At ang kagandahan ay ang mga alien, anuman ang itawag mo sa kanila, 457 00:37:12,772 --> 00:37:15,316 ay dumarating, o nag-aalala, 458 00:37:15,399 --> 00:37:19,904 at sinusubukang ibalik ang balanse sa mundo. 459 00:37:21,405 --> 00:37:26,160 "Ah, mga taga-lupa, mga kapatid natin." 460 00:37:26,744 --> 00:37:30,498 "Gumagamit na kayo ng nuclear energy." 461 00:37:31,666 --> 00:37:36,045 "Nakakatuwang ang laki na ng iniunlad ninyong mga taga-lupa, 462 00:37:36,128 --> 00:37:37,922 gamit ang teknolohiya ninyo, 463 00:37:38,005 --> 00:37:41,300 pero di namin kayo puwedeng hayaan lang." 464 00:37:46,555 --> 00:37:49,475 Mapanganib ang nuclear power. 465 00:37:50,685 --> 00:37:55,398 Kung may batang pupunta sa kusina at susubukang magluto gamit ang kawali, 466 00:37:55,481 --> 00:37:58,609 kung tatlong taong gulang 'yon, mapanganib 'yon. 467 00:38:00,069 --> 00:38:02,697 Kailangang siguraduhin ng magulang na ligtas 'yon. 468 00:38:03,322 --> 00:38:05,992 Ganoon din siguro para sa mga alien. 469 00:38:07,910 --> 00:38:09,370 Dapat ba tayong matakot? 470 00:38:09,453 --> 00:38:10,288 Sa mga alien? 471 00:38:10,371 --> 00:38:12,290 Walang dapat ikatakot. 472 00:38:12,373 --> 00:38:17,044 Di na kailangan. Parang mga Hapon ang alien. Kakampi sila ng mga tao. 473 00:38:18,629 --> 00:38:21,799 Di pa ako nakakakita ng masamang alien. 474 00:38:23,759 --> 00:38:28,180 Sa tingin ko, pumunta sila noon para panatilihin ang balanse. 475 00:38:31,976 --> 00:38:34,812 Ganoon siguro nila iparamdam ang pagmamahal nila. 476 00:38:37,898 --> 00:38:39,567 Isa siguro itong katalinuhan 477 00:38:39,650 --> 00:38:43,529 na kinikilala ang kakayahan ng pagiging malikhain ng mga tao 478 00:38:44,113 --> 00:38:46,615 at gustong pangalagaan ito. 479 00:38:48,743 --> 00:38:51,537 Inaalala tayo ng katalinuhang iyon. 480 00:38:51,620 --> 00:38:55,207 Ayaw siguro ng katalinuhang iyon na maubos tayo. 481 00:38:58,085 --> 00:39:02,214 Sa tingin ko, iyon talaga ang gustong iparating. 482 00:39:02,298 --> 00:39:05,384 "Ka…kasama mo kami." 483 00:39:06,719 --> 00:39:10,264 "Buksan mo lang ang puso mo, buksan mo ang isip mo." 484 00:39:11,349 --> 00:39:12,892 "Gusto ka naming tulungan." 485 00:39:13,809 --> 00:39:17,355 "At alam mo, kilalanin natin ang isa't isa." 486 00:39:17,438 --> 00:39:20,399 Iyon talaga siguro ang mensahe. 487 00:39:22,985 --> 00:39:28,657 'Yong sakuna ay isang karanasan na talagang nanakit sa akin. 488 00:39:30,493 --> 00:39:35,790 Pero noong nangyari ang matingkad na UFO, ang mabalot sa enerhiyang iyon, 489 00:39:37,124 --> 00:39:40,294 sa sandaling iyon, gumaling talaga ako. 490 00:39:40,378 --> 00:39:46,050 Kaya naman talagang mabait ang buhay nila. 491 00:39:49,637 --> 00:39:51,263 Ang UFO ay isang kaganapan. 492 00:39:52,348 --> 00:39:56,018 Kapag nagkaroon ng karanasan ang isang tao, nakakita sila ng UFO, 493 00:39:56,102 --> 00:39:57,812 nagiging iba sila pagkatapos. 494 00:39:58,312 --> 00:39:59,939 Alam kong ang kakaiba nito, 495 00:40:00,022 --> 00:40:03,818 pero ang kaugnayan sa cosmos ay nabago para sa mga taong ito. 496 00:40:04,402 --> 00:40:07,029 Parang paglipat ng relihiyon. 497 00:40:07,113 --> 00:40:10,199 Binabago nito ang pananaw sa mundo. Binabago kung paano sila. 498 00:40:10,282 --> 00:40:12,701 Binabago ang kaugnayan nila sa tao. 499 00:40:12,785 --> 00:40:15,871 Ganap na binabago sila nito. 500 00:40:20,292 --> 00:40:25,506 Noong 2016, nakaranas ako ng "astral abduction." 501 00:40:27,591 --> 00:40:32,680 'Yong astral body ko lang ang kinuha at ipinasok sa UFO. 502 00:40:36,976 --> 00:40:39,395 May screen sa harap ko. 503 00:40:42,106 --> 00:40:46,360 Sasabihin ko ang itinuro sa akin sa loob ng audiovisual room ng UFO. 504 00:40:48,154 --> 00:40:49,905 Nalaman kong buhay ang Earth. 505 00:40:51,574 --> 00:40:56,620 Maraming pangyayari. Ang lahat ay nakakaranas ng trauma. 506 00:41:00,082 --> 00:41:01,584 Sa mga sitwasyong ito, 507 00:41:02,084 --> 00:41:07,882 puwedeng magkaroon ng alitan ang mga tao o sama ng loob. 508 00:41:07,965 --> 00:41:14,430 Bale, lumalabo ang kamalayan natin. 509 00:41:15,973 --> 00:41:18,184 Dapat linisin ng bawat isa ang kamalayan nila. 510 00:41:19,685 --> 00:41:24,690 Gaya noong bata sila, 511 00:41:26,150 --> 00:41:31,363 walang kinikilingan ang kamalayan ng isang bagong silang. 512 00:41:32,156 --> 00:41:34,575 Kailangan nating linisin ang kamalayan natin, 513 00:41:34,658 --> 00:41:39,121 at pag nilinis natin, may naghihintay na cosmic civilization sa atin. 514 00:41:40,247 --> 00:41:45,002 At magliliwanag ng ginintuang ilaw ang Earth. 515 00:41:45,085 --> 00:41:47,755 'Yon ang huling ipinakita sa akin sa screen. 516 00:41:48,464 --> 00:41:50,591 Malinaw ang kinabukasan ng Earth. 517 00:41:51,175 --> 00:41:56,263 Darating ang Ginintuang Panahon sa Mundo. 518 00:42:08,776 --> 00:42:12,279 May dahilan kung ba't isinilang sa mundo ang tao, di ba? 519 00:42:13,113 --> 00:42:16,283 Kaya dapat nating pagsikapan na maging mapayapa ang mundo. 520 00:42:16,367 --> 00:42:18,702 Hindi ito nakikitang kapangyarihan, 521 00:42:18,786 --> 00:42:24,792 gaya ng kapangyarihan ng Diyos, ng mga UFO, na humiram tayo sa kanila. 522 00:42:29,755 --> 00:42:31,257 Pag pinag-uusapan ang mga UFO, 523 00:42:31,340 --> 00:42:37,471 'yong mga kuwento sa Japan tungkol dito ay ang kakayahang matanggap ang hiwaga 524 00:42:37,555 --> 00:42:38,639 at hayaan ito. 525 00:42:39,807 --> 00:42:42,518 Hindi sa iba ang nakikita. 526 00:42:42,601 --> 00:42:47,064 Kung paano ang pagkuwento tungkol sa karanasan 527 00:42:47,147 --> 00:42:50,651 na sa tingin ko, ang pinagkaiba ng Amerika at Japan. 528 00:42:51,735 --> 00:42:55,698 Mas hindi siya tungkol sa pagkakaiba. 529 00:42:56,574 --> 00:43:00,953 Iyong misteryo ng UFO at ng alien… 530 00:43:02,329 --> 00:43:04,123 ganoon lang. 531 00:43:05,082 --> 00:43:06,542 At sapat na 'yon. 532 00:43:12,631 --> 00:43:17,052 Ipinakita sa akin na ang mga tao ay may mabubuting puso. 533 00:43:17,595 --> 00:43:20,347 Na magaganda talaga ang mga tao. 534 00:43:21,599 --> 00:43:24,184 Na ang lahat ay mabubuting tao talaga. 535 00:43:24,977 --> 00:43:28,147 Iyon siguro ang ipinakita sa akin ng mga ilaw. 536 00:44:42,971 --> 00:44:46,975 Tagapagsalin ng Subtitle: Chris E.