1 00:00:24,793 --> 00:00:29,418 PAMPUBLIKONG DAAN 2 00:00:29,418 --> 00:00:32,334 Binigyan si Ernie ng riple para sa kaarawan niya. 3 00:00:32,334 --> 00:00:36,001 Dala ang baril at kahon ng bala, naghanap siya ng mababaril. 4 00:00:36,001 --> 00:00:37,293 Sa bahay ni Raymond, 5 00:00:37,293 --> 00:00:40,709 nilagay niya ang daliri sa bibig at pumito nang matagal. 6 00:00:41,501 --> 00:00:44,376 Kapitbahay at kaibigan ni Ernie si Raymond. 7 00:00:44,376 --> 00:00:46,501 Itinaas niya ang riple sa ulo niya. 8 00:00:46,501 --> 00:00:49,418 "Grabe!" sabi ni Raymond. "Masayang laruin iyan!" 9 00:00:50,376 --> 00:00:53,626 Umalis ang dalawa. Sabado ng umaga ng Mayo noon. 10 00:00:53,626 --> 00:00:58,209 Namumulaklak na ang mga kastanyas at puti na ang mga hawthorn sa halamanan. 11 00:00:58,209 --> 00:01:03,209 Habang naglalakad sina Ernie at Raymond, binabaril nila bawat ibong makita nila. 12 00:01:03,209 --> 00:01:06,126 Bullfinches, maya, whitethroats, yellowhammers. 13 00:01:06,126 --> 00:01:09,251 Noong nasa riles na sila, may 14 na maliliit na ibon 14 00:01:09,251 --> 00:01:10,834 na nakasabit sa tali. 15 00:01:11,668 --> 00:01:14,834 "Tingnan mo!" bulong ni Ernie nang nakaturo. "Doon!" 16 00:01:14,834 --> 00:01:16,751 May isang maliit na lalaking 17 00:01:16,751 --> 00:01:19,418 nakatingala sa puno gamit ang binoculars. 18 00:01:19,418 --> 00:01:21,084 "Si Watson! Lokong 'yon." 19 00:01:22,584 --> 00:01:24,459 Payat at lampa si Peter Watson. 20 00:01:24,459 --> 00:01:27,501 Maraming pekas at may suot na makapal na salamin. 21 00:01:27,501 --> 00:01:28,834 Matalinong mag-aaral, 22 00:01:28,834 --> 00:01:31,709 nasa senior class na kahit 13 taong gulang pa lang. 23 00:01:31,709 --> 00:01:34,543 Mahilig sa musika at mahusay sa piano. 24 00:01:34,543 --> 00:01:37,126 Hindi mahusay maglaro. Tahimik at magalang. 25 00:01:39,043 --> 00:01:42,293 Lumapit ang dalawang mas malalaking lalaki sa bata. 26 00:01:44,293 --> 00:01:46,793 Di niya sila nakita dahil sa binoculars 27 00:01:46,793 --> 00:01:49,459 at manghang-mangha sa tinitingnan niya. 28 00:01:50,459 --> 00:01:52,834 "Taas-kamay!" itinutok ni Ernie ang baril. 29 00:01:52,834 --> 00:01:54,501 Nagulat si Peter Watson. 30 00:01:56,501 --> 00:01:59,168 Tiningnan niya ang dalawa mula sa salamin. 31 00:01:59,168 --> 00:02:01,501 "Bilis!" sigaw ni Ernie. "Taas-kamay!" 32 00:02:01,501 --> 00:02:05,709 Nakatindig si Peter Watson, hawak ang binoculars sa dalawang kamay. 33 00:02:05,709 --> 00:02:07,543 Tiningnan sina Raymond at Ernie. 34 00:02:07,543 --> 00:02:11,126 Di siya takot, pero di dapat makipaglokohan sa kanila. 35 00:02:11,126 --> 00:02:13,751 Matagal na siyang pinahihirapan ng mga ito. 36 00:02:13,751 --> 00:02:14,876 Taas-kamay. 37 00:02:14,876 --> 00:02:16,834 Iyon lang ang tamang gawin. 38 00:02:16,834 --> 00:02:19,751 Lumapit si Raymond at ninakaw ang binoculars. 39 00:02:19,751 --> 00:02:23,959 "Sino'ng sinisilip mo?" sabi niya. Iniisip ni Peter ang mangyayari. 40 00:02:23,959 --> 00:02:26,751 Pwede siyang tumakbo, pero mahahabol nila siya. 41 00:02:26,751 --> 00:02:29,334 Kung sisigaw siya, walang makakarinig. 42 00:02:29,334 --> 00:02:31,584 Ang magagawa niya lang ay kumalma 43 00:02:31,584 --> 00:02:33,959 at subukan silang kausapin. 44 00:02:33,959 --> 00:02:36,418 "Woodpecker 'yon," sabi ni Peter. 45 00:02:36,418 --> 00:02:39,668 "Ano?" "Lalaking berdeng woodpecker." Picus viridis. 46 00:02:39,668 --> 00:02:43,001 "Tinutuka ang patay na puno, naghahanap ng pagkain." 47 00:02:43,001 --> 00:02:45,084 "Nasaan?" inangat ni Ernie ang baril. 48 00:02:45,084 --> 00:02:47,376 "Babarilin ko!" "Wag," sabi ni Peter, 49 00:02:47,376 --> 00:02:50,459 habang nakatingin sa mga ibon sa balikat ni Raymond. 50 00:02:50,459 --> 00:02:54,001 "Lumipad noong sumigaw ka. Mahiyain ang mga woodpecker." 51 00:02:59,834 --> 00:03:01,668 Bumulong si Raymond kay Ernie. 52 00:03:01,668 --> 00:03:04,126 Napahampas si Ernie. "Maganda 'yan!" 53 00:03:04,126 --> 00:03:06,918 Binaba niya ang baril at lumapit sa bata. 54 00:03:06,918 --> 00:03:08,376 Tinulak niya ito. 55 00:03:08,376 --> 00:03:11,251 Pumutol si Raymond ng mahaba-habang tali. 56 00:03:11,251 --> 00:03:13,459 Tinali nila ang mga kamay ni Peter. 57 00:03:13,459 --> 00:03:15,043 "Hita naman," sabi niya. 58 00:03:15,043 --> 00:03:17,793 Pumiglas si Peter at sinuntok siya sa tiyan. 59 00:03:17,793 --> 00:03:19,584 Nabilaukan siya, natigilan. 60 00:03:19,584 --> 00:03:22,084 Tinali rin ng mga lalaki ang paa niya, 61 00:03:22,084 --> 00:03:23,626 na parang manok. 62 00:03:23,626 --> 00:03:28,418 Pinulot ni Ernie ang baril at binitbit nila ang bata papunta sa riles. 63 00:03:28,418 --> 00:03:30,459 Tumahimik lang si Peter Watson. 64 00:03:30,459 --> 00:03:33,334 Anumang balak nila, di na sila makukumbinsi. 65 00:03:33,334 --> 00:03:35,251 Hinila nila siya sa pilapil 66 00:03:35,251 --> 00:03:38,418 at ihiniga nang pahaba sa riles. Itong riles na ito. 67 00:03:40,418 --> 00:03:41,626 Itong riles na ito. 68 00:03:41,626 --> 00:03:44,793 Nangyari sa akin ito 27 taon na. Ako si Peter Watson. 69 00:03:46,209 --> 00:03:47,793 "Tali pa," sabi ni Ernie. 70 00:03:51,876 --> 00:03:53,959 Wala nang magawa si Peter, 71 00:03:53,959 --> 00:03:55,709 na nakatali na sa riles. 72 00:03:55,709 --> 00:03:58,459 Ulo at paa niya lang ang nagagalaw niya. 73 00:03:58,459 --> 00:04:01,376 Lumayo sina Ernie at Raymond para tingnan iyon. 74 00:04:01,376 --> 00:04:03,376 "Ang galing natin," sabi ni Ernie. 75 00:04:03,376 --> 00:04:06,334 "Pagpatay ito," sabi ng batang nakahiga sa riles. 76 00:04:06,334 --> 00:04:08,334 "Hindi sigurado," sabi ni Ernie. 77 00:04:08,334 --> 00:04:10,376 "Depende sa awang ng mga tren." 78 00:04:10,376 --> 00:04:13,126 "Kung hihiga ka lang, baka maiwasan mo pa." 79 00:04:14,584 --> 00:04:18,001 Umakyat ang mga lalaki sa pilapil at nagtago sa halamanan. 80 00:04:18,001 --> 00:04:20,209 Nagsindi at nanigarilyo sina Ernie. 81 00:04:20,209 --> 00:04:22,501 Alam ni Peter na di siya pakakawalan. 82 00:04:22,501 --> 00:04:24,501 Mapanganib ang mga baliw na ito. 83 00:04:24,501 --> 00:04:27,043 Mapanganib, baliw, at mangmang. 84 00:04:27,043 --> 00:04:29,876 "Dapat mag-isip ako," sabi ni Peter sa sarili. 85 00:04:29,876 --> 00:04:32,084 Tinitimbang niya ang tsansa niya. 86 00:04:32,084 --> 00:04:34,043 Pinakamataas sa mukha ay ilong. 87 00:04:34,043 --> 00:04:37,793 Nasa apat na pulgada ang taas ng ilong niya sa riles. 88 00:04:37,793 --> 00:04:40,418 Sobra ba 'yon? Mahirap sa makabagong diesel. 89 00:04:40,418 --> 00:04:43,584 Nakaibabaw ang ulo niya sa graba sa pagitan ng tren. 90 00:04:43,584 --> 00:04:45,918 Dapat makalubog siya nang kaunti. 91 00:04:45,918 --> 00:04:48,793 Ginalaw-galaw niya ang ulo para hawiin ang graba 92 00:04:48,793 --> 00:04:51,626 at unti-unting ilubog ang sarili. 93 00:04:51,626 --> 00:04:56,084 Dalawang pulgada ang ibinaba ng ulo niya. Pwede na. Pero 'yong paa niya? 94 00:04:56,084 --> 00:04:59,043 Pinaling niya ito paloob hanggang sa mapatag 95 00:04:59,043 --> 00:05:00,834 at hinintay ang tren. 96 00:05:00,834 --> 00:05:04,501 Iniisip niya kung mayroon bang vacuum sa ilalim ng tren 97 00:05:04,501 --> 00:05:07,626 habang dumaraan 'yon, na hihigop sa kanya. Baka. 98 00:05:07,626 --> 00:05:09,209 Dapat magpokus siya 99 00:05:09,209 --> 00:05:12,043 sa pagdiin ng sarili niya sa lupa. 100 00:05:12,043 --> 00:05:15,918 "Wag kang manghina. Dapat tuwid at nakadiin ang katawan sa lupa." 101 00:05:15,918 --> 00:05:18,126 Pinanood ni Peter ang puting langit, 102 00:05:18,126 --> 00:05:21,001 kung saan may cumulus na ulap na lumulutang. 103 00:05:21,001 --> 00:05:25,084 Eroplano na dumaan sa ulap. High-winged monoplane na may fuselage. 104 00:05:25,084 --> 00:05:29,251 Lumang Piper Cub, naisip niya. Pinanood niya hanggang mawala. 105 00:05:29,251 --> 00:05:30,418 At bigla na lang, 106 00:05:30,418 --> 00:05:34,334 may narinig siyang nanginginig na tunog mula sa riles. 107 00:05:34,334 --> 00:05:37,543 Mahina, halos di marinig, mahinang dagundong 108 00:05:37,543 --> 00:05:40,418 na gawa ng riles na mula sa malayo. 109 00:05:46,168 --> 00:05:48,918 Inangat ni Peter ang ulo niya at binaybay 110 00:05:48,918 --> 00:05:52,209 ang kabuuan ng riles na isang milya at nakita ang tren. 111 00:05:52,209 --> 00:05:55,168 Sa una, tuldok lang, pero habang papalapit, 112 00:05:55,168 --> 00:05:56,793 lumalaki ang tuldok 113 00:05:56,793 --> 00:05:59,251 at nagkakahugis, di na lang tuldok, 114 00:05:59,251 --> 00:06:02,543 kundi malaki, at bilugang harap ng makinang diesel. 115 00:06:02,543 --> 00:06:04,876 Diniin pa ni Peter ang ulo niya 116 00:06:04,876 --> 00:06:07,001 sa butas na hinukay niya sa graba. 117 00:06:07,001 --> 00:06:08,543 Pinaling paloob ang paa. 118 00:06:08,543 --> 00:06:11,584 Pumikit siya at diniin pa lalo ang sarili sa lupa. 119 00:06:11,584 --> 00:06:14,459 Dumaan ang tren na parang sumasabog. 120 00:06:14,459 --> 00:06:16,168 Parang baril sa ulo niya. 121 00:06:16,168 --> 00:06:18,876 Kasama ng pagsabog ang sumisigaw na hangin 122 00:06:18,876 --> 00:06:22,293 na parang bagyong humahataw sa ilong at baga niya. 123 00:06:22,293 --> 00:06:25,084 Nakakabinging ingay. Nasamid siya sa hangin. 124 00:06:25,084 --> 00:06:27,168 Para bang kinain siya nang buhay 125 00:06:27,168 --> 00:06:31,126 at ngayo'y nasa tiyan na ng maingay na halimaw. 126 00:06:31,126 --> 00:06:33,334 At tapos na. Wala na ang tren. 127 00:06:34,043 --> 00:06:36,501 Dumilat si Peter Watson sa puting langit, 128 00:06:36,501 --> 00:06:39,084 lumulutang pa rin ang malaking ulap. 129 00:06:39,084 --> 00:06:41,626 Tapos na, at nagawa niya. 130 00:06:48,168 --> 00:06:49,834 - Kalagan mo. - Sabi ni Ernie. 131 00:06:49,834 --> 00:06:52,709 Inalis ni Raymond ang pagkakatali ni Peter. 132 00:06:52,709 --> 00:06:55,126 "Tanggalin 'yong sa paa, pero wag sa kamay." 133 00:06:55,126 --> 00:06:57,501 Pinutol ni Raymond ang tali sa paa. 134 00:06:57,501 --> 00:07:00,626 "Di ka makakawala," sabi ni Ernie. 135 00:07:00,626 --> 00:07:04,668 Nilakad ng dalawa si Peter Watson sa kabilang bukid papunta sa lawa. 136 00:07:04,668 --> 00:07:07,376 Nakatali pa rin ang kamay ng bilanggo. 137 00:07:07,376 --> 00:07:09,459 Hawak pa rin ni Ernie ang baril 138 00:07:09,459 --> 00:07:12,459 at bitbit naman ni Raymond ang binoculars. 139 00:07:16,084 --> 00:07:19,834 Mahaba at makitid ang lawa at may matataas na willow sa gilid. 140 00:07:19,834 --> 00:07:21,709 Sa gitna, malinaw ang tubig, 141 00:07:21,709 --> 00:07:24,251 pero sa pampang, may gubat ng bulrush. 142 00:07:24,251 --> 00:07:27,001 "Ngayon," sabi ni Ernie. "Ito ang naisip ko." 143 00:07:27,001 --> 00:07:29,043 "Ikaw sa kamay, ako sa paa, 144 00:07:29,043 --> 00:07:33,043 at ihahagis natin siya hanggang sa maputik na damuhan." 145 00:07:33,043 --> 00:07:35,751 "Ayun!" sabi ni Raymond. "Doon natin ihagis!" 146 00:07:35,751 --> 00:07:37,793 Tumalikod si Peter Watson. 147 00:07:37,793 --> 00:07:43,043 Isang pugad na tumpok-tumpok na damo na dalawang talampakan ang taas sa tubig. 148 00:07:43,043 --> 00:07:47,293 Sa taas, isang napakagandang puting swan na parang Lady of the Lake. 149 00:07:47,293 --> 00:07:50,834 Nakatutok ang ulo nito sa mga lalaki, binabantayan sila. 150 00:07:50,834 --> 00:07:53,293 "Grabe!" sigaw ni Raymond. "Ang ganda!" 151 00:07:53,293 --> 00:07:56,834 Nilagay ni Ernie ang baril sa bandang balikat. 152 00:07:56,834 --> 00:08:00,418 "Bird... Bird sanctuary ito," sabi ni Peter nang nauutal. 153 00:08:00,418 --> 00:08:02,334 "Ano?" tanong ni Ernie. 154 00:08:02,334 --> 00:08:05,584 Nararamdaman na ni Peter na kumukulo ang dugo niya. 155 00:08:05,584 --> 00:08:07,376 Pero kumalma lang siya. 156 00:08:07,376 --> 00:08:09,793 "Protektadong ibon sa England ang swan, 157 00:08:09,793 --> 00:08:13,334 at bawal barilin ang pugad nila. Baka may cygnets doon." 158 00:08:13,334 --> 00:08:16,626 "Wag n'yong gagawin. Di pwede. Pakiusap, wag!" 159 00:08:18,209 --> 00:08:20,376 Tumama sa ulo ng swan ang bala 160 00:08:20,376 --> 00:08:23,543 at unti-unting bumagsak ang leeg sa gilid ng pugad. 161 00:08:33,918 --> 00:08:34,751 Pakibukas. 162 00:08:47,751 --> 00:08:50,126 "Kalagan mo siya. Tagapulot natin 'yan." 163 00:08:50,126 --> 00:08:53,084 Tinanggal ni Raymond ang tali sa kamay ng bata. 164 00:08:53,084 --> 00:08:54,251 "Kunin mo!" 165 00:08:54,251 --> 00:08:55,543 "Ayoko," sabi ko. 166 00:08:56,376 --> 00:08:59,501 Hinataw ni Ernie si Peter sa mukha, malakas. 167 00:08:59,501 --> 00:09:02,168 May patak ng dugo na lumabas sa ilong niya. 168 00:09:02,168 --> 00:09:05,834 "Pumalag ka pa uli, at pinapangako ko: 169 00:09:05,834 --> 00:09:08,751 Tatanggalin ko bawat ngipin mo sa harap, 170 00:09:08,751 --> 00:09:10,876 taas at baba. Malinaw?" 171 00:09:10,876 --> 00:09:11,918 Di siya umimik. 172 00:09:11,918 --> 00:09:14,209 "Sagot!" sigaw ni Ernie. "Malinaw?" 173 00:09:14,209 --> 00:09:16,959 "Oo," mahinang sabi ni Peter. "Malinaw." 174 00:09:17,834 --> 00:09:19,668 Umaagos na ang luha ni Peter 175 00:09:19,668 --> 00:09:22,084 habang naglalakad papunta sa lawa. 176 00:09:22,084 --> 00:09:25,751 Lumapit siya sa patay na swan at pinulot ito. 177 00:09:25,751 --> 00:09:29,293 Sa ilalim nito ay may dalawang cygnet, abuhin ang kulay. 178 00:09:29,293 --> 00:09:31,668 Nagsisiksikan sila sa gitna ng pugad. 179 00:09:31,668 --> 00:09:34,001 "May itlog?" sigaw ni Ernie sa gilid. 180 00:09:38,668 --> 00:09:41,043 "Wala," sagot ni Peter. "Wala." 181 00:09:46,251 --> 00:09:48,918 Dinala niya ang swan sa gilid ng lawa. 182 00:09:48,918 --> 00:09:52,793 Dahan-dahan niyang binaba sa lupa, at saka humarap sa dalawa. 183 00:09:52,793 --> 00:09:56,084 Umiiyak pa rin, pero mas galit na ang nangingibabaw. 184 00:09:56,084 --> 00:09:58,584 "Kayo ang dapat mamatay," sabi niya. 185 00:09:58,584 --> 00:10:02,084 Medyo nagulat si Ernie, pero nakabawi din siya agad. 186 00:10:02,084 --> 00:10:05,251 May kumislap na panganib sa mga mata niya. 187 00:10:07,543 --> 00:10:09,043 "Kutsilyo, Raymond." 188 00:10:11,668 --> 00:10:14,584 May kasukasuang nagdurugtong sa pakpak ng ibon. 189 00:10:14,584 --> 00:10:18,168 Pinasok ni Ernie ang kutsilyo doon at hiniwa hanggang litid. 190 00:10:18,168 --> 00:10:19,918 Matalas ang kutsilyo, 191 00:10:19,918 --> 00:10:22,376 madaling natanggal nang buo ang pakpak. 192 00:10:22,376 --> 00:10:25,126 Pinutol pa ni Ernie ang kabilang pakpak. 193 00:10:25,126 --> 00:10:27,709 "Tali," sabi niya, nakaabot kay Raymond. 194 00:10:30,251 --> 00:10:32,584 Gumupit si Ernie ng walong tig-iisang yarda. 195 00:10:32,584 --> 00:10:36,043 Tinali niya ang mga iyon sa gilid ng pakpak. 196 00:10:36,043 --> 00:10:37,543 "Ibuka mo ang braso mo." 197 00:10:40,668 --> 00:10:43,126 Nakatayo si Peter Watson sa tabi ng lawa 198 00:10:43,126 --> 00:10:44,751 nang umagang 'yon ng Mayo, 199 00:10:44,751 --> 00:10:49,543 at ang malaki, lanta at madugong pakpak ay pumapaypay sa magkabilang gilid niya. 200 00:10:49,543 --> 00:10:52,668 Napapalakpak si Ernie at napasayaw sa damuhan. 201 00:10:59,668 --> 00:11:01,918 "Tapos ka na?" tanong ni Peter Watson. 202 00:11:01,918 --> 00:11:04,543 "Di nagsasalita ang swan," sabi ni Ernie. 203 00:11:04,543 --> 00:11:08,626 Lumakad sila sa gilid ng lawa hanggang marating ang puno ng willow. 204 00:11:08,626 --> 00:11:12,834 Laylay na ang sanga nito dahil sa taas, at halos umabot na sa lawa. 205 00:11:14,126 --> 00:11:15,751 "Ang gagawin mo, Mr. Swan, 206 00:11:15,751 --> 00:11:18,001 ay aakyat sa tuktok ng puno, tapos, 207 00:11:18,001 --> 00:11:20,376 ibubuka mo ang pakpak mo at lilipad!" 208 00:11:20,376 --> 00:11:22,293 "Ang galing!" sigaw ni Raymond. 209 00:11:22,293 --> 00:11:23,793 Natuwa si Peter sa ideya 210 00:11:23,793 --> 00:11:26,959 na makapunta sa taas at malayo sa mga lokong 'yon. 211 00:11:26,959 --> 00:11:29,126 Pag nakaakyat siya, doon lang siya. 212 00:11:29,126 --> 00:11:31,668 At malamang hindi na nila siya aabalahin. 213 00:11:31,668 --> 00:11:36,376 Kung hindi, aakyat siya sa manipis na sanga na di kakayanin ang dalawang tao. 214 00:11:36,376 --> 00:11:40,334 Madaling akyatin ang puno dahil naabot niya ang mabababang sanga. 215 00:11:40,334 --> 00:11:42,334 "Taasan mo pa!" sigaw ni Ernie. 216 00:11:42,334 --> 00:11:45,584 Umabot na si Peter sa puntong di na makakaakyat pa. 217 00:11:45,584 --> 00:11:48,709 Gabraso na lang ang sangang kinatatayuan niya, 218 00:11:48,709 --> 00:11:51,209 at malapit na ito sa lawa, 219 00:11:51,209 --> 00:11:53,084 na nakakurba na pababa. 220 00:11:53,084 --> 00:11:55,126 Namahinga siya pagkaakyat. 221 00:11:55,126 --> 00:11:58,751 Nasa 50 talampakan ang taas niya. Di niya makita ang dalawa. 222 00:11:58,751 --> 00:12:01,459 Wala na sila sa paanan ng puno. 223 00:12:01,459 --> 00:12:02,709 "Makinig ka!" 224 00:12:02,709 --> 00:12:04,626 Lumayo sila sa puno 225 00:12:04,626 --> 00:12:08,043 para matanaw nang maayos ang bata na nasa tuktok. 226 00:12:08,043 --> 00:12:09,376 Habang nakatanaw, 227 00:12:09,376 --> 00:12:13,376 napagtanto ni Peter kung gaano kanipis ang dahon ng puno ng willow. 228 00:12:13,376 --> 00:12:15,334 Ni hindi siya natatabunan nito. 229 00:12:15,334 --> 00:12:17,376 "Lumakad ka sa sanga na 'yan!" 230 00:12:17,376 --> 00:12:21,334 "Lakad lang hanggang makalampas ka sa putikan, at lumipad ka!" 231 00:12:21,334 --> 00:12:23,168 Di gumalaw si Peter Watson. 232 00:12:23,168 --> 00:12:26,168 Tinutukan niya ang hugis na nakikita niya sa baba. 233 00:12:26,168 --> 00:12:28,709 Nakatayo lang sila, nakatanaw sa kanya. 234 00:12:28,709 --> 00:12:30,001 "Bibilang ako ng sampu, 235 00:12:30,001 --> 00:12:33,793 pag di mo binuka ang pakpak mo at lumipad, babarilin kita." 236 00:12:33,793 --> 00:12:36,334 "E di, dalawang swan na ang napatay ko." 237 00:12:36,334 --> 00:12:37,793 "Ito na." 238 00:12:37,793 --> 00:12:43,584 "Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim!" 239 00:12:43,584 --> 00:12:48,043 Di gumalaw si Peter Watson. Wala nang makakapagpagalaw sa kaniya. 240 00:12:48,043 --> 00:12:51,418 "Pito, walo, siyam, sampu!" 241 00:12:51,418 --> 00:12:53,959 Nakikita ni Peter Watson ang baril. 242 00:12:53,959 --> 00:12:55,418 Nakatutok sa kanya. 243 00:12:55,418 --> 00:12:59,876 Narinig niya ang putok nito at pagbulusok ng bala lagpas sa ulo niya. 244 00:13:03,251 --> 00:13:05,209 Natakot siya, pero di gumalaw. 245 00:13:05,209 --> 00:13:07,543 Magpapaputok uli si Ernie. 246 00:13:07,543 --> 00:13:10,751 "Huli na!" sigaw ni Ernie. "Sa susunod, tatamaan ka na!" 247 00:13:10,751 --> 00:13:11,668 Naghintay siya. 248 00:13:11,668 --> 00:13:15,959 Sinisilip niya sa mga buttercup ang dalawang magkatabing lalaki. 249 00:13:15,959 --> 00:13:18,168 Inangat niya uli ang baril. 250 00:13:18,168 --> 00:13:21,543 Ngayon, narinig niya ang bala na tumama sa hita niya. 251 00:13:21,543 --> 00:13:24,334 Hindi masakit, pero nakakapanghina ang tama. 252 00:13:24,334 --> 00:13:27,126 Para bang hinampas siya ng martilyo 253 00:13:27,126 --> 00:13:30,126 at nanghina ang parehong paa niya. 254 00:13:30,126 --> 00:13:32,168 Naghanap siya agad ng kakapitan. 255 00:13:32,168 --> 00:13:35,459 Bumaluktot at napatid agad ang sangang nahawakan niya. 256 00:13:44,626 --> 00:13:46,751 May mga tao, na pag napupuno na, 257 00:13:46,751 --> 00:13:49,084 at nasagad ang kakayahan nila, 258 00:13:49,084 --> 00:13:51,709 madali na silang bumigay at sumuko. 259 00:13:51,709 --> 00:13:53,918 Pero, may ilang tao 260 00:13:53,918 --> 00:13:57,584 na sa kung anong dahilan ay hindi matinag-tinag. 261 00:13:57,584 --> 00:14:00,918 Makikilala mo sila sa digmaan at sa kapayapaan. 262 00:14:00,918 --> 00:14:03,043 Hindi magmamaliw ang tapang nila 263 00:14:03,043 --> 00:14:06,668 at wala, sakit man o pagpapahirap o banta ng kamatayan, 264 00:14:06,668 --> 00:14:08,876 ang magpapasuko sa kanila. 265 00:14:08,876 --> 00:14:11,418 Isa si Peter Watson dito. 266 00:14:11,418 --> 00:14:13,001 Lumaban siya 267 00:14:13,001 --> 00:14:16,084 para hindi malaglag sa punong 'yon, 268 00:14:16,084 --> 00:14:19,959 at naisip niyang magtatagumpay siya dito. 269 00:14:19,959 --> 00:14:23,209 Tumingala siya at nakita ang kislap ng liwanag sa lawa 270 00:14:23,209 --> 00:14:27,876 na sa sobrang ganda ay hindi niya maialis ang tingin. 271 00:14:27,876 --> 00:14:31,209 Inaakit siya ng liwanag, 272 00:14:31,209 --> 00:14:35,209 at binuka niya ang pakpak niya at tumalon papunta roon. 273 00:14:37,001 --> 00:14:39,918 Tatlong tao raw ang nakakita sa nakapagandang swan 274 00:14:39,918 --> 00:14:42,126 na paikot-ikot noong umagang 'yon: 275 00:14:42,126 --> 00:14:43,209 isang guro, 276 00:14:43,209 --> 00:14:46,084 lalaking nagpapalit ng bubong sa tindahan, 277 00:14:46,084 --> 00:14:48,501 at batang naglalaro sa katabing bukid, 278 00:14:48,501 --> 00:14:51,584 Si Mrs. Watson, na naghuhugas ng plato, 279 00:14:51,584 --> 00:14:54,834 ay napalingon sa bintana sa mismong sandali 280 00:14:54,834 --> 00:14:57,293 na bumagsak ang malaki at puting bagay 281 00:14:57,293 --> 00:14:59,959 sa bakuran ng likod-bahay niya. 282 00:14:59,959 --> 00:15:01,709 Lumabas siya agad. 283 00:15:01,709 --> 00:15:03,001 Napaluhod siya 284 00:15:03,001 --> 00:15:05,834 sa tabi ng lasog-lasog na katawan ng anak niya. 285 00:15:06,501 --> 00:15:09,543 "Anak ko!" iyak niya. "Ang mahal kong anak!" 286 00:15:11,876 --> 00:15:13,126 "Anong nangyari?" 287 00:15:17,334 --> 00:15:22,251 HANGO ANG "THE SWAN" SA ISANG KUWENTO SA DIYARYO NG TOTOONG PANGYAYARI 288 00:15:22,251 --> 00:15:25,001 NA ITINAGO NI DAHL SA "IDEAS BOOK" NANG 30 TAON 289 00:15:25,001 --> 00:15:27,251 BAGO NIYA ISINULAT NOONG OKTUBRE 1976. 290 00:16:29,293 --> 00:16:34,293 Ang pagsasalin ng subtitle ay ginawa ni Dawn Rosello