1
00:00:12,013 --> 00:00:13,681
Tingnan mo ang sarili.
2
00:00:13,765 --> 00:00:15,850
Isa lang cog sa makina.
3
00:00:17,101 --> 00:00:19,812
Ang ordinaryong manggagawa
ay nakakulong sa buhay.
4
00:00:19,896 --> 00:00:21,814
Sumusunod sila sa tama,
5
00:00:21,898 --> 00:00:23,649
at napapahamak sila.
6
00:00:24,358 --> 00:00:26,778
Sinubukan mong gawin ang tama,
7
00:00:27,278 --> 00:00:29,989
pero di sang-ayon sa 'yo
ang mga bagay-bagay.
8
00:00:31,365 --> 00:00:33,826
Ipapakita ko sa 'yo
kung paano magkakapera,
9
00:00:33,910 --> 00:00:37,497
kapangyarihan, at respeto
na matagal nang ipinagkait sa iyo.
10
00:00:38,623 --> 00:00:40,958
Nasa playbook ito.
11
00:00:41,959 --> 00:00:45,295
Mga taktikang ginagamit
ng pinaka makapangyarihang mob bosses
12
00:00:45,379 --> 00:00:48,466
para maging panginoon
ng sarili nilang tadhana.
13
00:00:49,634 --> 00:00:52,678
Isang hit bawat hakbang.
14
00:00:53,429 --> 00:00:55,139
ABUTIN ANG DREAM JOB
15
00:00:57,683 --> 00:00:59,310
PABUTIHIN ANG OPERATION
16
00:01:00,561 --> 00:01:02,480
MAMUNO GAMIT ANG PANANAKOT
17
00:01:03,648 --> 00:01:05,316
HUWAG LILIHIS SA STRATEGY
18
00:01:06,526 --> 00:01:08,444
HUWAG MAG-SHORTCUT
19
00:01:10,571 --> 00:01:13,116
Oo, ang buhay na 'to ay di para sa lahat.
20
00:01:14,951 --> 00:01:18,787
Pero sundan mo lang sila,
at matututo kang gamitin ang mga ito
21
00:01:18,871 --> 00:01:20,665
para magtagumpay.
22
00:01:28,339 --> 00:01:29,841
Pag sinabi kong mob boss,
23
00:01:30,591 --> 00:01:31,968
ano'ng naiisip mo?
24
00:01:33,803 --> 00:01:34,971
Ah, literal pala.
25
00:01:36,430 --> 00:01:40,142
Ang mob boss ay isang taong alam
kung paano talunin ang sistema.
26
00:01:40,226 --> 00:01:43,520
Ang mob boss ay CEO ng isang organisasyon.
27
00:01:43,604 --> 00:01:45,814
At ang ilan sa mga ito ay napakalaki,
28
00:01:45,898 --> 00:01:47,733
at malaki ang kinikita ng iba.
29
00:01:48,568 --> 00:01:50,569
At kapag may problema...
30
00:01:50,653 --> 00:01:53,405
May iba't ibang paraan
para lutasin ang mga ito.
31
00:01:53,489 --> 00:01:55,616
Gumagamit kami ng pananakot.
32
00:01:55,700 --> 00:01:56,868
Mabangis kami!
33
00:01:58,244 --> 00:01:59,369
Ang mga pinuno ng gangs
34
00:01:59,453 --> 00:02:02,706
na nagpapatakbo sa dalawang trilyong
industriya ng organisadong krimen
35
00:02:02,790 --> 00:02:04,875
ay alam ang halaga ng istruktura ,
36
00:02:04,959 --> 00:02:09,254
public relations, at malawak na portfolio.
37
00:02:09,338 --> 00:02:13,592
PANGINGIKIL - DROGA - SUGAL
PANDURUKOT - FRAUD - PANLOLOKO - MURDER
38
00:02:13,676 --> 00:02:16,386
Bago ka magpakitang-gilas bilang boss,
39
00:02:16,470 --> 00:02:21,017
kailangan mong sundin ang gabay
sa pag-angat sa corporate ladder.
40
00:02:22,018 --> 00:02:24,228
At ilan lang ang umangat nang kasing taas,
41
00:02:24,312 --> 00:02:27,981
o kasing bilis,
tulad ng anak ng barbero mula Brooklyn
42
00:02:28,065 --> 00:02:31,568
na lalaki bilang ang orihinal na gangster.
43
00:02:31,652 --> 00:02:34,530
Heto na siya! Ang mismong big boy!
44
00:02:35,865 --> 00:02:37,408
Al Capone.
45
00:02:40,411 --> 00:02:42,121
Pagtungtong niya ng 30,
46
00:02:42,205 --> 00:02:45,582
si Al Capone na
ang hari ng Chicago underworld,
47
00:02:45,666 --> 00:02:47,918
na nagpapatakbo
ng malaking imperyo ng krimen
48
00:02:48,002 --> 00:02:50,754
na kumita ng higit
isang daang milyong dolyar.
49
00:02:50,838 --> 00:02:52,965
$1.7 BILYON SA PERA NGAYON
50
00:02:53,049 --> 00:02:56,677
Habang nag-iiwan ng bakas
ng mga bangkay sa Windy City.
51
00:02:58,512 --> 00:03:00,055
Pero ang pagsisimula niya
52
00:03:00,139 --> 00:03:02,683
ang unang leksyon mo
sa pag-aayos ng sarili.
53
00:03:03,392 --> 00:03:07,896
Gusto mo ang tagumpay
na kasama ng pagiging boss. Siyempre!
54
00:03:07,980 --> 00:03:10,900
Handa ka na bang simulan
ang sarili mong imperyo?
55
00:03:11,984 --> 00:03:15,571
TAKTIKA
BUKSAN ANG IYONG POTENSYAL
56
00:03:16,405 --> 00:03:19,575
Para maging matagumpay na mob boss,
una, kailangang maging masigasig.
57
00:03:19,659 --> 00:03:20,868
Dapat ambisyoso ka.
58
00:03:20,952 --> 00:03:24,538
Kailangang maging matalino
at marunong mag-udyok
59
00:03:24,622 --> 00:03:27,208
at minsan, manakot ng mga tao
para disiplinahin sila.
60
00:03:28,209 --> 00:03:31,628
Tulad ng anumang gawain,
ang pagbuo ng kasanayang ito
61
00:03:31,712 --> 00:03:33,547
ay kailangan ng pagsasanay
62
00:03:33,631 --> 00:03:35,508
at ng pagtutok sa layunin.
63
00:03:36,634 --> 00:03:40,179
Ang mga taong napupunta sa Mob
ay naghahanap ng paraang magtagumpay.
64
00:03:40,263 --> 00:03:41,722
Hindi sila nakapag-aral.
65
00:03:41,806 --> 00:03:44,391
Di sila nakapagkolehiyo, kaya naisip nila,
66
00:03:44,475 --> 00:03:46,810
"Pwede akong magnakaw.
Pwede akong manakit."
67
00:03:46,894 --> 00:03:48,687
Sino'ng magpapahalaga no'n?
68
00:03:48,771 --> 00:03:50,022
Ang organisadong krimen.
69
00:03:50,106 --> 00:03:51,648
At makikita mo,
70
00:03:51,732 --> 00:03:55,987
karamihan sa pinuno ng krimen
ay maagang nabubuksan ang potensyal nila.
71
00:03:59,448 --> 00:04:02,826
Ang future New York City mob boss
na si John Gotti ay limang beses naaresto
72
00:04:02,910 --> 00:04:05,037
bago ang kanyang ika-21 kaarawan.
73
00:04:05,746 --> 00:04:08,957
At noong bata siya, muntik nang mawala
ang hinlalaki sa paa niya
74
00:04:09,041 --> 00:04:11,711
dahil sa panghalo
ng sementong ninanakaw niya.
75
00:04:12,420 --> 00:04:14,755
Doon galing ang sikat na paglakad niya.
76
00:04:15,548 --> 00:04:19,259
Tumulong ang Sicilian mob boss
na si Salvatore Riina
77
00:04:19,343 --> 00:04:21,261
sa unang murder niya noong 18 taon siya,
78
00:04:21,345 --> 00:04:25,850
na pagpatay sa isang opisyal ng unyon
na namahiya sa boss ni Riina.
79
00:04:26,767 --> 00:04:27,935
At bilang teen,
80
00:04:28,019 --> 00:04:33,440
ang MedellĂn drug cartel founder
na si Pablo Escobar na anak ng isang guro,
81
00:04:33,524 --> 00:04:38,237
ay nagbenta ng mga pekeng diploma
bago nagsimulang mameke ng report cards.
82
00:04:41,824 --> 00:04:47,371
Ang batang si Al Capone
ay gifted din sa sining ng krimen.
83
00:04:53,377 --> 00:04:55,671
Anak ng mga imigrante si Capone.
84
00:04:55,755 --> 00:04:59,633
Naunang dumating ang tatay niya.
Isa siyang barbero sa Brooklyn.
85
00:04:59,717 --> 00:05:01,927
Taga-gawa sila ng pasta sa Italya.
86
00:05:02,011 --> 00:05:06,723
Kaya di lumaki sa ganito si Capone.
America ang gumawa sa mobster.
87
00:05:06,807 --> 00:05:10,352
Mataas ang mga grado niya sa school noon.
88
00:05:10,436 --> 00:05:12,271
Pero umalis siya bago mag-grade six,
89
00:05:12,355 --> 00:05:14,690
na posibleng dahil sa alitan sa guro.
90
00:05:14,774 --> 00:05:17,193
O baka nabagot siya at gustong kumita.
91
00:05:17,902 --> 00:05:18,735
Di nagtagal,
92
00:05:18,819 --> 00:05:23,157
nahanap ni Al ang tamang outlet
sa pagnenegosyo niya.
93
00:05:24,617 --> 00:05:26,576
Sa isang kaarawan niya,
94
00:05:26,660 --> 00:05:30,331
niregaluhan siya ng ama niya
ng bagay na pangarap ng mga bata.
95
00:05:30,915 --> 00:05:32,416
Isang shoeshine kit.
96
00:05:37,713 --> 00:05:39,589
Habang naghihintay ng customer si Al,
97
00:05:39,673 --> 00:05:43,885
may nakita siyang bagay
na mas kikita nang malaki
98
00:05:43,969 --> 00:05:47,598
sa kamay ng lokal na mobster,
si Don Battista Balsamo.
99
00:05:58,943 --> 00:06:00,528
Napahanga si Capone
100
00:06:01,153 --> 00:06:02,780
at nabigyan ng inspirasyon.
101
00:06:06,117 --> 00:06:08,076
Kinuha niya ang dalawang pinsan
102
00:06:08,160 --> 00:06:09,995
para palaguin ang negosyo niya
103
00:06:11,122 --> 00:06:13,207
gamit ang pananakot sa kompetisyon.
104
00:06:14,917 --> 00:06:18,462
Sinabi ng batang Capone sa bata
na kung ayaw niya ng gulo ,
105
00:06:19,672 --> 00:06:21,549
kailangan niyang magbayad.
106
00:06:24,593 --> 00:06:27,012
"Linggo-linggo ba ito?" tanong ng bata.
107
00:06:27,513 --> 00:06:29,723
"Siyempre hindi," sabi ni Capone,
108
00:06:30,474 --> 00:06:31,851
"Araw-araw ito."
109
00:06:34,019 --> 00:06:37,064
Makikita mo ang street smarts dito.
110
00:06:37,148 --> 00:06:42,235
Ipinapakita nito na maparaan siya,
may ambisyon siya, at may mga ideya siya,
111
00:06:42,319 --> 00:06:44,279
at may business sense siya
112
00:06:44,363 --> 00:06:46,949
na aangkop sa pagiging mobster.
113
00:06:47,616 --> 00:06:51,245
Siyempre, isang bagay na ipakitang
kaya mong magtagumpay,
114
00:06:51,745 --> 00:06:54,873
pero di ka magiging mob boss
115
00:06:54,957 --> 00:06:56,959
kung walang tamang direksyon.
116
00:06:57,960 --> 00:07:00,253
Ipapakita ng playbook ang paraan.
117
00:07:00,337 --> 00:07:03,299
TAKTIKA
MATUTO SA PINAKAMAGAGALING
118
00:07:04,383 --> 00:07:08,637
Kahit gaano ka katalino
o katapang sa tingin mo.
119
00:07:11,182 --> 00:07:14,435
Walang nagtatagumpay
sa mob game nang mag-isa.
120
00:07:15,102 --> 00:07:16,979
Kakailanganin mo ng mentor.
121
00:07:18,105 --> 00:07:22,150
Mahalagang may maniwala sa 'yo
at magturo sa 'yo
122
00:07:22,234 --> 00:07:24,319
dahil papasok ka sa mapanganib na mundo.
123
00:07:24,403 --> 00:07:27,072
At pag sumama ka sa maling tao,
124
00:07:27,156 --> 00:07:28,115
di ka tatagal.
125
00:07:28,699 --> 00:07:32,077
Pero mahirap mahanap ang tamang tutor.
126
00:07:32,161 --> 00:07:35,497
Di pwedeng basta lang,
"Uy, gusto kong maging tulad mo."
127
00:07:35,581 --> 00:07:38,083
Dapat may magsabing,
"Nasa 'yo ang kailangan,"
128
00:07:38,167 --> 00:07:41,628
at pagkatapos, gagawin mo
ang lahat ng kailangan.
129
00:07:41,712 --> 00:07:43,964
para patunayan ang sarili mo.
130
00:07:45,424 --> 00:07:48,343
Ipinakita ng batang Al Capone
ang dedikasyon niya
131
00:07:48,427 --> 00:07:52,056
sa pamamagitan ng paghahanap
ng dalawang underworld mentor.
132
00:07:57,353 --> 00:08:00,439
Si John Torrio ay itinuturing
na henyo sa underworld.
133
00:08:00,523 --> 00:08:03,108
Kriminal, siyempre. Gumawa ng mga ilegal,
134
00:08:03,192 --> 00:08:08,196
pero sa napili niyang propesyon,
tinitingnan siya bilang matalinong tao.
135
00:08:08,280 --> 00:08:10,699
At lahat ng bata sa kalye ng Brooklyn
136
00:08:10,783 --> 00:08:13,118
kina Capone ay kilala si Johnny Torrio.
137
00:08:13,202 --> 00:08:16,580
Kaya nang makilala ni Capone
si Johnny Torrio, at sinabi nitong,
138
00:08:16,664 --> 00:08:18,957
"Kung kailangan mo ng trabaho,
puntahan mo ako."
139
00:08:19,041 --> 00:08:20,000
Malaking bagay 'yon.
140
00:08:20,084 --> 00:08:22,502
Kalaunan, nagsimula sa kanya si Capone,
141
00:08:22,586 --> 00:08:24,921
nagdedeliver siya
ng baril na nasa paper bag,
142
00:08:25,005 --> 00:08:28,049
kumukuha ng pera
mula sa mga lokal na brothel.
143
00:08:28,133 --> 00:08:31,762
Halos naging tatay na
si Torrio kay Al Capone.
144
00:08:33,514 --> 00:08:36,642
Mula kay Torrio,
natutunan ni Capone ang rules na 'to.
145
00:08:37,935 --> 00:08:39,562
Magbihis para sa tagumpay.
146
00:08:40,771 --> 00:08:42,189
Manahimik ka.
147
00:08:42,773 --> 00:08:45,150
At pagdating sa pananatili sa tuktok,
148
00:08:45,651 --> 00:08:48,862
tandaan mo, ang pera ay kapangyarihan.
149
00:08:50,406 --> 00:08:52,741
Nagiging arogante ang mga bata sa Mob.
150
00:08:52,825 --> 00:08:56,370
Akala nila alam nila lahat.
Mapagkumbaba si Capone kay Torrio.
151
00:08:58,330 --> 00:09:00,082
Para sa pangalawang mentor,
152
00:09:00,583 --> 00:09:03,293
natuto din sa kanya si Capone.
153
00:09:03,377 --> 00:09:06,589
Ang top racketeer ng Brooklyn,
si Frankie Yale.
154
00:09:08,048 --> 00:09:10,050
Napakarahas ni Frankie Yale.
155
00:09:13,846 --> 00:09:16,223
Isa siya sa pinakamapanganib
na tao sa New York.
156
00:09:16,307 --> 00:09:18,099
At para di matakot si Capone,
157
00:09:18,183 --> 00:09:22,938
para magustuhan niyang magtrabaho sa kanya
ay may sinasabi sa karakter niya.
158
00:09:25,316 --> 00:09:29,361
Tinuruan ni Frankie Yale si Capone
ng iba pang kasanayan.
159
00:09:30,279 --> 00:09:32,364
Palaging ipakitang seryoso ka.
160
00:09:34,408 --> 00:09:35,868
Wag magpapa-isa.
161
00:09:37,494 --> 00:09:40,497
At siguraduhing nangingibabaw
ang reputasyon mo.
162
00:09:43,083 --> 00:09:46,002
Nang magtrabaho si Capone
sa bar ni Frankie Yale,
163
00:09:46,086 --> 00:09:48,505
ang Harvard Inn sa Coney Island,
164
00:09:48,589 --> 00:09:52,634
nagkaroon siya ng pagkakataong patunayan
na karapat-dapat siya.
165
00:09:52,718 --> 00:09:56,680
8 TAON BAGO MAGING MOB BOSS SI CAPONE
166
00:09:57,890 --> 00:10:01,393
Kumikita ang 19-anyos
na si Al Capone bilang busboy.
167
00:10:03,437 --> 00:10:06,106
Isang gabi, napansin niya ang isang babae.
168
00:10:08,317 --> 00:10:10,235
Sinubukan niyang mapalapit dito.
169
00:10:11,779 --> 00:10:13,322
Tapos sinubukan niya ulit.
170
00:10:18,869 --> 00:10:22,956
Nang di siya magtagumpay,
naging direkta siya.
171
00:10:23,457 --> 00:10:25,083
Si Frank Gallucio na kapatid niya,
172
00:10:25,167 --> 00:10:29,296
na kakilala ng mob boss ng New York
na si Lucky Luciano, ay nainis na.
173
00:10:33,050 --> 00:10:36,095
Nangibabaw ang mas malaking si Capone.
174
00:10:39,223 --> 00:10:41,474
Hinugot ni Galluccio ang kutsilyo
175
00:10:41,558 --> 00:10:43,519
at nilaslas ang mukha ni Al.
176
00:10:50,025 --> 00:10:52,861
Si Capone, na may peklat na habang buhay,
177
00:10:52,945 --> 00:10:54,238
ay nais maghiganti,
178
00:10:55,280 --> 00:10:57,491
pero sinabi ni Frankie Yale na huwag.
179
00:10:57,991 --> 00:11:00,869
Di siya papayag na magsimula ito ng away
180
00:11:00,953 --> 00:11:03,038
na pwedeng magpabagsak sa kanila.
181
00:11:05,290 --> 00:11:07,418
Pumayag si Capone na wag ituloy,
182
00:11:08,127 --> 00:11:11,130
pero kalaunan ay mas malala
ang paghihiganti niya.
183
00:11:13,215 --> 00:11:15,551
Gagawin niyang utusan si Galluccio.
184
00:11:18,137 --> 00:11:23,808
Si Capone ay isang mabuting estudyante
ng kanyang mga guro, natututo sa kanila,
185
00:11:23,892 --> 00:11:27,020
natututo ng anumang aral
na pwedeng matututunan.
186
00:11:27,104 --> 00:11:30,190
Ang pagsama niya
kay Frankie Yale ay nagpapakita
187
00:11:30,274 --> 00:11:31,983
kung paano siya noong kabataan niya.
188
00:11:32,067 --> 00:11:33,610
Delikado ang trabaho niya,
189
00:11:33,694 --> 00:11:36,696
pero may mga malalaking tao
na nagbabantay sa kanya.
190
00:11:36,780 --> 00:11:39,449
Ngayong may pundasyon ka na
para sa hinaharap,
191
00:11:39,533 --> 00:11:42,118
oras na para bumuo ng sarili mong landas.
192
00:11:42,202 --> 00:11:44,287
Papunta na ako sa tuktok.
Mararating ko 'yon.
193
00:11:44,371 --> 00:11:46,289
Para makawala sa pack,
194
00:11:46,373 --> 00:11:50,002
kailangan mong patunayan
na ikaw ay isang lider.
195
00:11:50,753 --> 00:11:53,922
At walang makakapagpatunay no'n
kundi ang milyong dolyar na ideya.
196
00:11:54,006 --> 00:11:57,050
TAKTIKA
GUMAWA NG SARILING SWERTE
197
00:12:01,680 --> 00:12:03,056
Gusto mong umangat?
198
00:12:03,807 --> 00:12:06,477
Kailangan mong kumita. Kumita nang malaki.
199
00:12:08,103 --> 00:12:10,230
Dapat alam mo kung paano kumita.
200
00:12:10,939 --> 00:12:15,402
At walang pwedeng humadlang
sa pagtupad mo sa pagnanais na kumita.
201
00:12:15,903 --> 00:12:17,654
Tingnan mo si Al Capone.
202
00:12:18,238 --> 00:12:21,784
5 TAON BAGO MAGING MOB BOSS SI CAPONE
203
00:12:22,367 --> 00:12:24,369
Nagpasya si Capone na lumipat sa Chicago
204
00:12:24,453 --> 00:12:28,248
dahil nakikita niya ang pagkakataon
na gumawa ng mas malaking bagay.
205
00:12:28,332 --> 00:12:30,375
Malaki at matao ang Chicago,
206
00:12:30,459 --> 00:12:33,170
at dumating siya doon
sa simula ng Prohibition.
207
00:12:35,130 --> 00:12:39,676
Pagkatapos ng World War I,
ang pinakamagagaling sa US Congress
208
00:12:39,760 --> 00:12:43,972
ay nagpasya na ang susi
sa pagpapalakas sa America
209
00:12:44,056 --> 00:12:46,809
ay sa pamamagitan
ng paggawang ilegal sa alak.
210
00:12:49,228 --> 00:12:51,187
Pero mas skeptical ang pananaw ni Capone
211
00:12:51,271 --> 00:12:54,191
sa pagtanggap ng kapwa niya sa sobriety.
212
00:12:57,569 --> 00:13:01,406
Napagtanto ni Capone na di tatanggapin
ng masa ang batas na ito.
213
00:13:02,115 --> 00:13:04,993
At doon ka magsisimulang mag-isip
na parang negosyante.
214
00:13:05,077 --> 00:13:07,871
Paano tayo magsasamantala?
Iyon ang pagkakataon.
215
00:13:08,455 --> 00:13:10,623
Napagtanto niya
na milyon-milyon ang kikitain
216
00:13:10,707 --> 00:13:15,253
dahil gusto ng mga mamimili ang produkto,
at ibibigay namin ito sa kanila.
217
00:13:15,337 --> 00:13:19,591
Ang pagkakataong iyon
na ibinigay ng gobyerno
218
00:13:19,675 --> 00:13:21,468
ay tinatawag na bootlegging.
219
00:13:22,427 --> 00:13:25,347
At may mga pagpipilian
para sa bawat panlasa.
220
00:13:28,225 --> 00:13:32,145
Kung whiskey ang gusto mo,
pwede mong ibenta bilang gamot.
221
00:13:33,939 --> 00:13:38,026
Sa reseta ng doktor,
kahit sinong lasenggero makakainom.
222
00:13:38,610 --> 00:13:40,987
O maghanap ka ng malikhaing paraan
223
00:13:41,071 --> 00:13:44,366
para magpasok ng mumurahing alak
mula sa Canadian border.
224
00:13:44,908 --> 00:13:48,828
Kung mas gusto mo ang matatamis,
may rum-running din,
225
00:13:48,912 --> 00:13:53,417
na nagpupuslit ng masasarap na alak
mula sa ibang bansa gamit ang bangka.
226
00:13:54,001 --> 00:13:58,422
Pero para mas malaki ang kita,
beer ang kasagutan.
227
00:13:59,047 --> 00:14:01,591
Kinuha ng bootleggers
ang isinarang breweries.
228
00:14:01,675 --> 00:14:05,971
At nang dumating ang mga pulis,
sinuhulan nila ang mga ito.
229
00:14:08,223 --> 00:14:12,895
Tapos naglagay sila ng mapanlilnlang
na tatak at pinanood ang pagbuhos ng pera.
230
00:14:13,854 --> 00:14:16,648
Pero kung gusto mo talaga
na kumita nang malaki,
231
00:14:17,441 --> 00:14:19,109
pwede mong gawin lahat 'yon.
232
00:14:21,945 --> 00:14:23,655
Matapos makarating sa Chicago
233
00:14:23,739 --> 00:14:26,741
at makausap ang dating mentor
na si John Torrio,
234
00:14:26,825 --> 00:14:30,454
tumutok si Capone
sa operasyon ng bootlegging.
235
00:14:31,413 --> 00:14:34,582
Sa simula,
enforcer lang ni Torrio si Capone.
236
00:14:34,666 --> 00:14:37,418
Pero unti-unti,
napagtanto ni Johnny Torrio
237
00:14:37,502 --> 00:14:40,672
na si Capone
ay isa ring mahusay na negosyante.
238
00:14:40,756 --> 00:14:44,467
Na matalino siya, karismatikong lider.
Na susundin siya ng iba.
239
00:14:44,551 --> 00:14:47,470
Pero ang pagtupad
sa kriminal na pagnanais ni Capone
240
00:14:47,554 --> 00:14:48,805
ay nahadlangan.
241
00:14:50,724 --> 00:14:54,435
Ang nangungunang gangster ng Chicago
at ang boss ni Torrio,
242
00:14:54,519 --> 00:14:56,229
si Big Jim Colosimo.
243
00:14:56,897 --> 00:15:00,525
Ayaw masangkot
ni Big Jim Colosimo sa bootlegging.
244
00:15:01,276 --> 00:15:04,529
Masaya na siya
sa restaurant, brothel, at casino niya.
245
00:15:04,613 --> 00:15:07,949
Ayaw niyang palakihin pa ang panganib.
246
00:15:08,033 --> 00:15:12,454
Di papayag si Capone na mahadlangan
ng maliliit na utak ang magandang ideya.
247
00:15:13,372 --> 00:15:16,667
Kaya kinailangan nila ni Torrio
na maghanap ng paraan.
248
00:15:17,584 --> 00:15:20,921
Napagtanto nila
na kailangang mawala na si Big Jim.
249
00:15:26,093 --> 00:15:28,887
Sa pagkakataya
ng ilegal na kayamanan niya,
250
00:15:28,971 --> 00:15:33,141
di ipagkakatiwala ni Capone kahit kanino
ang pagtumba kay Big Jim.
251
00:15:33,225 --> 00:15:35,394
Alam niya kung sino ang tatawagan.
252
00:15:36,603 --> 00:15:40,482
Ang mentor at dating boss niya
mula sa New York, si Frankie Yale.
253
00:15:42,943 --> 00:15:47,406
Inayos ni Capone ang mga detalye
at inalok si Yale ng $10,000.
254
00:15:47,906 --> 00:15:50,283
Nasa $150,000 'yon ngayon.
255
00:15:51,952 --> 00:15:53,578
Sa utos ni Capone,
256
00:15:53,662 --> 00:15:57,374
pumasok si Yale
sa Colosimo's Restaurant at pumwesto.
257
00:15:58,917 --> 00:16:00,752
Bago mag-4 p.m.,
258
00:16:00,836 --> 00:16:04,380
dumating si Colosimo
para makipagkita sa kasamahan niya,
259
00:16:04,464 --> 00:16:06,258
pero di ito nagpakita.
260
00:16:07,676 --> 00:16:11,387
Nagtungo si Colosimo sa phone booth
para alamin ang nangyayari,
261
00:16:11,471 --> 00:16:13,557
at pumasok siya sa bitag.
262
00:16:19,813 --> 00:16:23,233
Nabaril si Big Jim
sa likod ng kanang tainga at namatay.
263
00:16:24,568 --> 00:16:27,362
Niyanig ng pagpatay ang Chicago underworld
264
00:16:28,697 --> 00:16:32,659
at nagawang realidad ni Capone
ang bisyon niya ng bootlegging.
265
00:16:37,622 --> 00:16:39,123
Sa sunod na tatlong taon,
266
00:16:39,207 --> 00:16:42,669
nakuha ni Capone at Torrio
ang siyam na major breweries.
267
00:16:43,545 --> 00:16:47,006
Mabilis na lumitaw na malaking tao sila.
268
00:16:47,090 --> 00:16:49,092
Na kontrolado nila ang negosyo ng alak.
269
00:16:49,176 --> 00:16:52,136
Ang major breweries,
na dating sa malalaking kompanya,
270
00:16:52,220 --> 00:16:54,598
ay pinatatakbo na ng dalawang ito.
271
00:16:55,098 --> 00:17:00,019
Nagawang kriminal na imperyo ang operasyon
ni Torrio ng bootlegging ni Capone,
272
00:17:00,103 --> 00:17:03,147
na kumikita ng di bababa
sa tatlong milyong dolyar kada taon.
273
00:17:03,231 --> 00:17:05,067
Iyon ay $51 milyon ngayon.
274
00:17:06,693 --> 00:17:10,279
At ang pakinabang pa ng pagtanggal
sa malaking hadlang,
275
00:17:10,363 --> 00:17:13,866
ay ang pag-angat sa tuktok ni Torrio
sa Chicago underworld,
276
00:17:13,950 --> 00:17:15,994
at pumangalawa si Capone.
277
00:17:17,621 --> 00:17:19,998
Kahit umaangat ka bilang tagapagmana,
278
00:17:20,082 --> 00:17:24,086
di pa rin sigurado ang landas mo
sa pagiging boss.
279
00:17:24,586 --> 00:17:27,672
Kaya, paano mo mapapanatili
ang lugar mo sa pila?
280
00:17:30,300 --> 00:17:33,887
TAKTIKA
PAMAHALAAN ANG NASA ITAAS
281
00:17:34,971 --> 00:17:38,266
Kapag naging mob boss ka,
ikaw na ang masusunod.
282
00:17:38,350 --> 00:17:40,435
Wag mo nang uulitin 'yan, ha?
283
00:17:42,104 --> 00:17:45,982
Pero para makuha ang promosyon,
mahalaga ang isang katangian.
284
00:17:46,691 --> 00:17:47,609
Katapatan.
285
00:17:48,110 --> 00:17:50,237
Gawin mo ang ipinapagawa sa 'yo.
286
00:17:51,988 --> 00:17:55,408
Kung nasa kaliwa ang posisyon mo,
sa kaliwa ka maglaro.
287
00:17:55,492 --> 00:17:59,662
Kung ikaw ay taga-kolekta ng pera
tuwing Huwebes mula sa pasugalan,
288
00:17:59,746 --> 00:18:00,872
'yon ang gawin mo.
289
00:18:00,956 --> 00:18:02,249
Gawin mo ang inuutos.
290
00:18:05,669 --> 00:18:08,379
Habang papalapit na
ang pag-angat ni Al Capone,
291
00:18:08,463 --> 00:18:12,509
sinigurado niyang alam ni John Torrio
na tapat ito sa kanya.
292
00:18:13,009 --> 00:18:15,387
Binata siya. Natuto pa rin siya.
293
00:18:15,887 --> 00:18:17,388
Kumikita siya ng pera.
294
00:18:17,472 --> 00:18:20,683
Di pa siya nakikita noon
295
00:18:20,767 --> 00:18:24,396
na handa na para mamuno.
296
00:18:25,021 --> 00:18:26,606
Pero sa underworld,
297
00:18:27,274 --> 00:18:28,900
mabilis ang galaw ng buhay.
298
00:18:30,152 --> 00:18:33,738
ANG BEER WARS
299
00:18:34,489 --> 00:18:36,074
Ang Beer Wars sa Chicago
300
00:18:36,158 --> 00:18:39,995
ay resulta ng alitan ng iba't ibang grupo.
301
00:18:40,996 --> 00:18:43,999
Napakaraming karahasan
pagdating sa turf wars.
302
00:18:46,334 --> 00:18:49,713
May mga barilan.
Nagkaroon ng paghihiganti.
303
00:18:51,047 --> 00:18:54,425
Isa sa hinarap
ng South Side ni Torrio at Capone
304
00:18:54,509 --> 00:18:57,512
ay ang karibal nila sa north,
305
00:18:58,138 --> 00:18:59,139
si Dean O'Banion,
306
00:18:59,764 --> 00:19:01,474
isang florist sa umaga
307
00:19:04,853 --> 00:19:08,439
Sinubukan ni Dean O'Banion
na pumasok sa teritoryo ni Torrio.
308
00:19:08,523 --> 00:19:11,651
At sa puntong ito,
nagsisimula nang mairita si Torrio.
309
00:19:12,819 --> 00:19:14,654
At bilang tapat na sundalo,
310
00:19:15,155 --> 00:19:18,366
alam ni Capone ang gagawin
at sino ang tatawagan.
311
00:19:18,450 --> 00:19:22,829
Nag-utos siya muli ng pagpatay
sa dati niyang mentor, si Frankie Yale.
312
00:19:22,913 --> 00:19:25,623
Nagtatrabaho si O'Banion
sa flower shop niya.
313
00:19:25,707 --> 00:19:29,002
May dumating na mga lalaki
na di niya kilala,
314
00:19:29,502 --> 00:19:32,880
at isa doon si Frankie Yale.
Binati niya sila
315
00:19:32,964 --> 00:19:35,633
at binigyan siya ng Chicago Handshake.
316
00:19:35,717 --> 00:19:39,804
Hinatak nila siya sa kamay niya,
tinutukan ng baril at pinaputukan.
317
00:19:42,098 --> 00:19:43,892
Isang banta 'yon na nawala,
318
00:19:44,517 --> 00:19:46,686
pero maraming kaibigan si O'Banion.
319
00:19:49,522 --> 00:19:53,401
Matapos ang pagpatay kay O'Banion,
nag-ingat si Capone
320
00:19:53,485 --> 00:19:56,613
at pinalibutan ang sarili
ng bodyguards para sa proteksyon.
321
00:19:57,239 --> 00:19:58,949
Di nag-aalala si Torrio.
322
00:19:59,824 --> 00:20:03,745
Pagkatapos mamili,
umuwi si Torrio at ang asawa niya,
323
00:20:04,371 --> 00:20:07,457
kung saan naghihintay
ang crew ni O'Banion.
324
00:20:09,542 --> 00:20:11,795
Limang beses nilang binaril si Torrio,
325
00:20:12,879 --> 00:20:15,257
pero nakaligtas siya.
326
00:20:15,924 --> 00:20:17,550
Habang nagpapagaling si Torrio,
327
00:20:17,634 --> 00:20:21,554
sinamantala ni Capone iyon
para patunayan ang kanyang debosyon.
328
00:20:22,639 --> 00:20:26,350
Pumunta si Capone sa ospital,
umupo sa tabi ni Torrio,
329
00:20:26,434 --> 00:20:29,061
at tiniyak na walang darating
para tapusin siya.
330
00:20:29,145 --> 00:20:32,190
Tapat siya,
at nagpakita ng malasakit kay Torrio.
331
00:20:32,983 --> 00:20:35,610
Nagbunga ang pasensya at katapatan ni Al.
332
00:20:37,279 --> 00:20:38,946
Matapos gumaling ni Torrio,
333
00:20:39,030 --> 00:20:42,867
sinabi niya kay Capone na babalik siya
sa New York para magretiro,
334
00:20:43,702 --> 00:20:47,163
at si Capone, sa edad na 26,
335
00:20:47,247 --> 00:20:49,749
ang bagong boss ng Chicago underworld.
336
00:20:52,210 --> 00:20:58,008
Anim na taon ng pananatili sa Windy City,
si Al Capone na ang top boss ng Chicago,
337
00:20:59,259 --> 00:21:01,720
pero di nagtagal ang honeymoon niya.
338
00:21:03,263 --> 00:21:07,183
Sa pagsunod sa playbook
para makuha ang pangarap mong trabaho,
339
00:21:07,267 --> 00:21:09,602
nabuksan ang kriminal na talento mo,
340
00:21:09,686 --> 00:21:11,437
nakakuha ng tamang aral,
341
00:21:11,521 --> 00:21:13,564
napatunayan ang potensyal na kumita,
342
00:21:13,648 --> 00:21:16,609
at naiposisyon ang sarili
para sa tagumpay.
343
00:21:17,193 --> 00:21:19,362
Pero ngayong nakuha mo na ang trabaho,
344
00:21:19,446 --> 00:21:21,990
lalabas ang mga naiinggit na karibal.
345
00:21:23,783 --> 00:21:26,827
Kung gusto mong makaligtas
sa paparating na gulo,
346
00:21:26,911 --> 00:21:30,165
makakatulong ang susunod na aral
mula sa playbook.
347
00:21:30,999 --> 00:21:34,544
TAKTIKA
DEPENSAHAN ANG TITULO
348
00:21:36,212 --> 00:21:38,715
Nakarating ka na sa tuktok ng food chain,
349
00:21:39,299 --> 00:21:43,511
pero di magtatagal
at darating ang mga kalaban.
350
00:21:44,179 --> 00:21:46,639
Sa kalye, gusto ng lahat
na kunin ang mayroon ka,
351
00:21:46,723 --> 00:21:48,600
at dapat mong protektahan 'yon.
352
00:21:49,100 --> 00:21:51,644
At karahasan ang pinakamabisang paraan.
353
00:21:53,897 --> 00:21:56,691
Sasang-ayon ang ibang rookie mob bosses.
354
00:21:57,984 --> 00:21:58,818
Dalawang buwan
355
00:21:58,902 --> 00:22:02,321
sa paghahari ni Nicodemo Scarfo
sa Philadelphia Mafia,
356
00:22:02,405 --> 00:22:05,700
tinuon niya ang pansin sa mga karibal
sa Greek Mob ng syudad,
357
00:22:05,784 --> 00:22:06,826
pinapatay raw ang boss
358
00:22:06,910 --> 00:22:11,038
na si Chelsais Bouras at girlfriend nito
sa isang kainan sa south Philly,
359
00:22:11,122 --> 00:22:13,833
para makuha ang drug rackets
mula sa Greeks.
360
00:22:14,751 --> 00:22:17,503
Nang humiwalay ang Yakuza lieutenant
na si Hiroshi Yamamoto
361
00:22:17,587 --> 00:22:21,966
sa pinakamalaking organisasyong kriminal
sa Japan, ang Yamaguchi-gumi,
362
00:22:22,050 --> 00:22:23,718
para bumuo ng sariling grupo,
363
00:22:23,802 --> 00:22:28,098
ang una niyang hakbang ay patayin
ang karibal niyang si Masahisa Takenaka,
364
00:22:28,681 --> 00:22:31,142
na tumalo sa kanya para maging Godfather.
365
00:22:32,018 --> 00:22:34,645
At sa unang taon ni munting Vic Orena
366
00:22:34,729 --> 00:22:37,398
bilang acting boss
ng Colombo crime family,
367
00:22:37,482 --> 00:22:42,236
pinondohan niya ang organisasyon
mula sa pagpatay kay Thomas Ocera,
368
00:22:42,320 --> 00:22:46,699
na inakusahan ng pagnanakaw ng kita
mula sa isang sanitation company.
369
00:22:52,705 --> 00:22:54,332
Habang nagaganap ang Beer Wars...
370
00:22:54,416 --> 00:22:59,587
Mahigit 500 gangster ng Chicago
ang pinatay ng mga kauri nila.
371
00:23:01,756 --> 00:23:05,718
Dahil sa ambisyosong kakumpitensyang nais
magpabagsak sa bootlegging operation,
372
00:23:05,802 --> 00:23:09,681
ang unang taon ni Capone bilang boss
ay isang laban para mabuhay.
373
00:23:10,473 --> 00:23:11,724
Pag nakaamoy ng kahinaan,
374
00:23:11,808 --> 00:23:14,894
papatayin ka nila, at tatapusin ka nila
375
00:23:14,978 --> 00:23:17,813
hanggang makuha nila
ang gusto nila na nasa 'yo.
376
00:23:17,897 --> 00:23:20,149
Pag nanganib ang pinaghirapan mo,
377
00:23:20,233 --> 00:23:21,776
kailangan mong tumindig.
378
00:23:27,490 --> 00:23:30,285
Ika-27 ng Abril, 1926 noon.
379
00:23:30,785 --> 00:23:33,704
Ang mga karibal
na sina Myles at Bill O'Donell
380
00:23:33,788 --> 00:23:36,291
ay buong tapang na nagpasya na mag-inuman
381
00:23:36,791 --> 00:23:38,168
sa teritoryo ni Capone.
382
00:23:39,002 --> 00:23:41,129
Dumating pa ang mga kaibigan nila.
383
00:23:41,838 --> 00:23:45,800
Ilang linggo na nilang sinusubukan
na pababain ang sales ni Capone
384
00:23:45,884 --> 00:23:49,095
sa pamamagitan ng paninira
sa kalidad ng kanyang alak.
385
00:23:51,639 --> 00:23:55,059
Nang malaman ni Capone
na ginagawa nila ito sa bakuran niya,
386
00:23:55,143 --> 00:23:58,438
nagpasya siyang wag itong palampasin.
387
00:24:00,565 --> 00:24:03,484
Inutusan niya ang mga tao niya
na pumunta sa bar,
388
00:24:03,568 --> 00:24:06,237
at idineklara ni Capone
na tapos na ang party.
389
00:24:10,283 --> 00:24:13,244
Nabaril ang magkapatid
pero nakatakas sila.
390
00:24:14,287 --> 00:24:16,664
Di pinalad ang isa sa mga kaibigan nila.
391
00:24:17,207 --> 00:24:19,333
Di rin 'yon nakabuti kay Capone,
392
00:24:19,417 --> 00:24:22,795
dahil napatay niya
ang Assistant State Attorney,
393
00:24:22,879 --> 00:24:24,130
si William McSwiggin.
394
00:24:24,964 --> 00:24:27,049
Halos walang ideya si Capone
395
00:24:27,133 --> 00:24:29,844
na kasama nila
si Mcswiggin nang gabing 'yon.
396
00:24:30,345 --> 00:24:33,639
Nang mapagtanto nilang napatay
ang state's attorney,
397
00:24:33,723 --> 00:24:35,350
nataranta ang lahat.
398
00:24:35,850 --> 00:24:38,728
Di lang ito isang gangster na pinatay.
399
00:24:39,354 --> 00:24:42,982
Bumalik ang pagtatangka ni Capone
na i-secure ang posisyon,
400
00:24:44,359 --> 00:24:49,364
dahil kumilos ang buong Chicago police
para mapabagsak ang bagong boss.
401
00:24:50,990 --> 00:24:52,950
Pinatindi ng pulis ang operasyon
402
00:24:53,034 --> 00:24:55,286
at nilinis lahat ng inuman sa bayan.
403
00:24:55,828 --> 00:24:57,830
Kaya nagtago si Capone.
404
00:24:58,915 --> 00:25:01,584
Patagong sinundan ni Capone ang manhunt
405
00:25:02,710 --> 00:25:05,630
at pinanood ang pagsikat niya.
406
00:25:08,049 --> 00:25:11,260
Sa wakas, nagpasya si Capone
na oras na para lumabas
407
00:25:11,344 --> 00:25:12,553
at manindigan.
408
00:25:12,637 --> 00:25:14,346
Nag-press conference siya.
409
00:25:14,430 --> 00:25:17,016
Bumalik siya sa Chicago sa hagdan ng korte
410
00:25:17,100 --> 00:25:21,479
at inanunsyo na si Billy McSwiggin,
ang state prosecutor, ay tauhan niya.
411
00:25:21,563 --> 00:25:22,814
Binabayaran ko siya.
412
00:25:23,356 --> 00:25:25,357
Sabi niya,
"Bakit ko papatayin si McSwiggin?"
413
00:25:25,441 --> 00:25:28,360
"Gusto ko siya.
Binayaran ko siya at nakinabang ako."
414
00:25:28,444 --> 00:25:31,405
"At kung gusto akong kausapin
ng pulis, heto ako."
415
00:25:31,489 --> 00:25:32,907
"May tanong ba kayo?"
416
00:25:32,991 --> 00:25:36,369
"Ako ang nagpapatakbo,
at masaya akong magkukwento."
417
00:25:37,078 --> 00:25:41,332
Hayagan na idineklara ni Capone
na siya ang mob king ng Chicago.
418
00:25:42,500 --> 00:25:43,834
At sa isang iglap,
419
00:25:43,918 --> 00:25:45,878
nagawa ang alamat ni Capone.
420
00:25:47,005 --> 00:25:51,259
Iyon ang pagkakataong nagpaangat
kay Capone sa national spotlight.
421
00:25:54,429 --> 00:25:56,680
At doon siya mananatili
422
00:25:56,764 --> 00:26:00,643
sa loob ng limang madugo at dakilang taon
423
00:26:01,603 --> 00:26:06,441
hanggang mahuli siya sa isang bagay
na di kinukunsinti ng gobyerno.
424
00:26:07,191 --> 00:26:08,359
Tax evasion.
425
00:26:10,111 --> 00:26:13,197
Gayunpaman, ang kahusayan ni Al Capone
sa kabanatang ito ng playbook
426
00:26:13,281 --> 00:26:16,826
ang nagdala sa kanya mula sa kalye
sa rurok ng kapangyarihan.
427
00:26:18,077 --> 00:26:22,998
Baka kailangang mong mag-ipon ng kayamanan
na wala ang swerte ni Al Capone.
428
00:26:23,082 --> 00:26:27,128
At para diyan, kailangan mo
ng matinding business plan.
429
00:26:27,837 --> 00:26:32,717
Isang bagay na babago sa industriya
at tutulong sa paggawa mo ng imperyo.
430
00:26:34,385 --> 00:26:36,637
Ang gabay mo sa susunod na kabanata.
431
00:26:36,721 --> 00:26:39,265
Ang heroin tycoon na si Frank Lucas,
432
00:26:39,349 --> 00:26:43,770
na nagpakita na may higit sa isang paraan
para makapasok sa Fortune 500.
433
00:26:44,646 --> 00:26:46,648
Handa ka nang kumita ng pera?
434
00:27:21,391 --> 00:27:23,393
Tagapagsalin ng Subtitle: Rexie Q.