1 00:00:06,500 --> 00:00:10,791 Ang Amerika'y nahaharap sa panganib na hindi pa nasaksihan kailanman. 2 00:00:13,708 --> 00:00:16,500 Oras na para lumabas ang mga tunay na makabayan. 3 00:00:17,625 --> 00:00:18,500 Kilos na. 4 00:00:19,958 --> 00:00:20,875 Ngayong araw, 5 00:00:21,666 --> 00:00:23,583 narito tayo para sa pagtutuos. 6 00:00:24,166 --> 00:00:27,750 Hindi ko na masikmura ang malubhang kalagayan sa Washington. 7 00:00:27,833 --> 00:00:32,166 Bilang bise presidente, nanumpa akong protektahan ang ating republika, 8 00:00:32,250 --> 00:00:33,875 kaya di ko mahahayaan ang… 9 00:00:33,958 --> 00:00:34,875 Isang tirano! 10 00:00:35,625 --> 00:00:38,208 Isang tiwaling awtokrata na animo'y tupa, 11 00:00:38,291 --> 00:00:42,500 humuhuthot ng lakas sa mga estado para sa mga radikal niyang hangarin. 12 00:00:42,583 --> 00:00:45,041 Mahirap aminin. Presidente ko siya. 13 00:00:45,875 --> 00:00:49,750 Ngunit hindi naging patas si Garfield sa mga nagluklok sa kaniya. 14 00:00:49,833 --> 00:00:52,375 Wala ni katiting na katapatan. 15 00:00:52,458 --> 00:00:53,375 Pawang… 16 00:00:54,541 --> 00:00:56,541 mga pangakong napako. 17 00:00:56,625 --> 00:00:58,583 -"Pangakong napako." -Pangakong napako. 18 00:00:59,791 --> 00:01:01,625 Nakita n'yo ba siya kamakailan? 19 00:01:01,708 --> 00:01:02,875 May nakakita ba? 20 00:01:02,958 --> 00:01:05,375 Direkta mo akong pangalanan. Bahala na. 21 00:01:05,458 --> 00:01:09,250 Sadya nang iniiwasan ng presidente ang mga mamamayang Amerikano, 22 00:01:09,333 --> 00:01:13,375 nagbababa ng mga panlahatang utos mula sa White House na sarado sa mga tao. 23 00:01:15,375 --> 00:01:16,875 Akalain mo 'yon? 24 00:01:17,500 --> 00:01:20,750 Ilang buwan din akong naging bise presidente. 25 00:01:20,833 --> 00:01:24,541 Nananawagan ako sa bawat mamamayang tapat at may takot sa Diyos 26 00:01:24,625 --> 00:01:26,250 na magsalita na, 27 00:01:26,333 --> 00:01:28,458 na magmartsa sa Abenida Pennsylvania 28 00:01:28,541 --> 00:01:32,500 at igiit sa presidente kuno na tuparin ang kaniyang mga pangako. 29 00:01:33,083 --> 00:01:36,666 Iparating sa kaniya ang mensahe nang malakas at malinaw. 30 00:01:37,250 --> 00:01:39,875 Hindi ipagsasawalang-bahala ang sambayanan. 31 00:01:55,041 --> 00:01:56,958 Dahil lamang ito sa mga daungan! 32 00:01:57,041 --> 00:01:59,000 Hayaan n'yo na ang kolektor ng New York! 33 00:01:59,083 --> 00:02:01,291 At aawatin ni Conkling ang mga tuta niya. 34 00:02:01,375 --> 00:02:03,166 Napakalakas niyang kalaban. 35 00:02:03,250 --> 00:02:07,000 Lulumpuhin niya ang pamahalaan hanggang di na makapamalakad. 36 00:02:07,083 --> 00:02:09,250 Hangga't di n'yo binabawi ang nominasyon. 37 00:02:09,333 --> 00:02:12,291 Kabilang kayo sa mga pinakamakapangyarihan sa Kongreso! 38 00:02:12,375 --> 00:02:14,333 At isang tingin lamang ni Conkling— 39 00:02:14,416 --> 00:02:16,083 Ikaw ang nag-uudyok ng away! 40 00:02:16,166 --> 00:02:19,291 Ikaw ang sumisira sa partidong ito 41 00:02:19,375 --> 00:02:22,375 dahil lamang sa napakababaw mong galit! 42 00:02:22,458 --> 00:02:24,583 Nais mo yatang sungalngalin kita. 43 00:02:24,666 --> 00:02:26,958 -Karahasan? -Dahil pagbibigyan kita. 44 00:02:27,041 --> 00:02:29,166 Ngunit di ko gagawin 'yon ngayon. 45 00:02:29,250 --> 00:02:33,125 Dahil sa sandaling ito, mga ginoo, may trabaho pa tayong gagawin. 46 00:02:33,208 --> 00:02:35,166 Magtrabaho kayo! 47 00:02:35,666 --> 00:02:39,125 Mga ginoo! Kumalma kayo ngayon din! 48 00:02:39,750 --> 00:02:42,708 Kung hindi, palalayasin ko kayo rito nang tuluyan! 49 00:02:43,333 --> 00:02:46,541 Kasama ka rin doon, Kalihim. 50 00:02:51,208 --> 00:02:56,625 Ngayon, nanumpa ako na aking wawakasan ang kabulukan ng ating pamahalaan. 51 00:02:57,208 --> 00:03:00,125 Suhol, pabor, anuman ang tawag n'yo roon. 52 00:03:00,208 --> 00:03:01,541 Hindi maganda 'yon. 53 00:03:02,375 --> 00:03:06,916 Mga batugang sumisipsip sa kaban ng bayan para sa mga trabahong hindi totoo! 54 00:03:07,958 --> 00:03:11,958 Mga nahalal na opisyal na garapalang isinusubasta ang kanilang impluwensiya. 55 00:03:15,583 --> 00:03:19,000 Hindi sa ganito tumatatag ang demokrasya. 56 00:03:19,083 --> 00:03:20,708 Mali ito, 57 00:03:21,708 --> 00:03:23,541 at alam nating lahat 'yon. 58 00:03:27,250 --> 00:03:28,666 Laban natin ito. 59 00:03:29,500 --> 00:03:31,708 Balang-araw, sa mga darating na taon, 60 00:03:32,375 --> 00:03:36,375 huhusgahan ang bawat isa sa atin batay sa ginagawa natin ngayon. 61 00:03:39,583 --> 00:03:42,458 Ano kaya ang sasabihin nila tungkol sa atin? 62 00:03:52,875 --> 00:03:55,833 Itigil n'yo muna ang lahat ng ibang usapin sa Senado 63 00:03:55,916 --> 00:03:58,500 at dinggin si Hukom Robertson para sa pagkakolektor. 64 00:03:58,583 --> 00:03:59,416 Ano? 65 00:03:59,500 --> 00:04:02,583 -Maaari ba niyang gawin 'yon? -Buo na ang pasya ko. 66 00:04:02,666 --> 00:04:06,291 -Pupuntahan ko na ang asawa ko. Paalam. -Sandali! Mahal na Presidente! 67 00:04:06,375 --> 00:04:07,541 Mahal na Presidente— 68 00:04:08,916 --> 00:04:11,416 Hindi ba't kayo ang komite para sa pagkakasundo? 69 00:04:11,500 --> 00:04:13,458 Iba ang naging ihip ng hangin. 70 00:04:13,541 --> 00:04:14,500 Ganoon ba? 71 00:04:14,583 --> 00:04:16,583 Sige, ibabaling ko pabalik sa iyo. 72 00:04:16,666 --> 00:04:19,125 Sinumang senador na boboto sa tao ni Garfield, 73 00:04:19,208 --> 00:04:20,666 huling boto na niya 'yon. 74 00:04:20,750 --> 00:04:23,583 Naisip mo na ba na baka mas mahikayat ang lupon 75 00:04:23,666 --> 00:04:25,375 sa habag kaysa sa pananakot? 76 00:04:25,458 --> 00:04:27,416 Mapapabigti ako dahil sa boses mo. 77 00:04:27,500 --> 00:04:29,250 Pagkahabag na 'yon, hindi ba? 78 00:04:30,166 --> 00:04:31,041 Layas! 79 00:04:31,708 --> 00:04:33,125 Aba, tara na. 80 00:04:41,083 --> 00:04:43,916 Unti-unti nang gumuguho ang mga plano. 81 00:04:45,458 --> 00:04:46,791 Ano ang palagay mo? 82 00:04:46,875 --> 00:04:49,000 Mas matalino ka kaysa sa sinuman sa kanila. 83 00:04:51,458 --> 00:04:54,666 Ganoon ba kahalaga ang puwesto ng kolektor? 84 00:04:54,750 --> 00:04:58,250 Dapat mo ba talagang ipukol doon ang lahat ng kapital mo? 85 00:04:58,333 --> 00:05:01,833 Mga daungan ito. Mga koneksiyon. Dito lamang ako makikilala. 86 00:05:01,916 --> 00:05:04,041 Hindi, maraming nagmamahal sa iyo. 87 00:05:05,333 --> 00:05:08,500 Hindi mo ba alam na ikaw ang pinakatanyag sa New York? 88 00:05:08,583 --> 00:05:10,166 May koneksiyon man o wala? 89 00:05:11,000 --> 00:05:14,750 Nagkakandarapa nga ang mga nagtitinda sa kalye 90 00:05:14,833 --> 00:05:16,250 makamayan ka lamang. 91 00:05:16,333 --> 00:05:19,958 Ipinapangalan sa iyo ng mga magulang ang kanilang mga anak dahil sa paghanga. 92 00:05:20,041 --> 00:05:22,291 Maaaring maglaho 'yon sa isang iglap. 93 00:05:22,375 --> 00:05:25,041 Masyado mong minamaliit ang ibang tao, 94 00:05:25,625 --> 00:05:27,250 ang kanilang motibo. 95 00:05:34,125 --> 00:05:39,583 Batid ng mahusay na pinuno kung kailan lalaban at kailan tatahimik. 96 00:05:40,416 --> 00:05:42,041 Alam mo, Gng. Sprague… 97 00:05:45,041 --> 00:05:47,625 hindi ko alam ang gagawin kung wala ka. 98 00:05:58,291 --> 00:05:59,500 Kaya nga… 99 00:06:01,333 --> 00:06:04,541 nakipaghiwalay na ako sa gobernador 100 00:06:05,333 --> 00:06:06,583 kaninang umaga. 101 00:06:08,958 --> 00:06:10,000 Handa na ako. 102 00:06:11,208 --> 00:06:13,541 Ayaw kong magtago sa dilim habambuhay. 103 00:06:13,625 --> 00:06:14,583 Hindi maaari. 104 00:06:16,250 --> 00:06:18,416 Ako ang sisisihin ng asawa mo. 105 00:06:19,125 --> 00:06:21,375 Sisiraan niya ako sa diyaryo 106 00:06:22,000 --> 00:06:24,708 kung kailan kailangang-kailangan ko ng suporta. 107 00:06:32,250 --> 00:06:33,708 'Yan lamang ang naiisip mo? 108 00:06:33,791 --> 00:06:36,791 Kate, may pamilya ako sa Albany. 109 00:06:37,958 --> 00:06:39,583 Si Julia at ang aming anak. 110 00:06:41,208 --> 00:06:42,958 Hindi natin inilihim ito. 111 00:06:45,125 --> 00:06:47,458 Alam ng buong D.C. na may relasyon tayo. 112 00:06:47,541 --> 00:06:49,166 Totoo 'yan. 113 00:06:52,375 --> 00:06:54,291 Hindi ito matatanggap sa Albany. 114 00:07:05,833 --> 00:07:07,833 Gusto mong magbitiw ako sa Senado? 115 00:07:08,416 --> 00:07:10,125 Dapat tayong magbitiw, Tom. 116 00:07:11,333 --> 00:07:12,750 Ngunit masaya maging senador. 117 00:07:13,750 --> 00:07:14,916 Huminahon ka. 118 00:07:15,000 --> 00:07:16,458 Pansamantala lamang ito. 119 00:07:16,541 --> 00:07:19,833 Protesta lamang ito para ipahiya ang politiko sa kabila. 120 00:07:19,916 --> 00:07:22,708 Kung aalis tayo, magiging mayorya ang mga Demokrata. 121 00:07:22,791 --> 00:07:24,000 Mawawalan tayo ng kontrol. 122 00:07:24,083 --> 00:07:26,000 Ilang linggo lamang 'yon. 123 00:07:26,083 --> 00:07:28,208 Habang ganoon, tiyak ang kaguluhan. 124 00:07:28,791 --> 00:07:32,875 Panonoorin nating masaksihan ni Garfield ang pagkawasak ng mga plano niya. 125 00:07:32,958 --> 00:07:36,375 Hanggang ibalik tayo sa puwesto ng mga kaibigan natin sa New York 126 00:07:36,458 --> 00:07:38,458 sa pamamagitan ng nagkakaisang boto. 127 00:07:39,083 --> 00:07:43,500 Taas-noo tayong babalik sa Senado nang may bagong kapangyarihan 128 00:07:43,583 --> 00:07:47,125 at kupal na presidenteng magpapakumbaba sa atin, Tom. 129 00:07:47,875 --> 00:07:51,875 Ipaaalala nating di siya makakakilos nang walang basbas ng New York. 130 00:08:06,750 --> 00:08:10,041 Unang Corinto, 15:42. 131 00:08:12,750 --> 00:08:15,291 "Ang katawang ibabaon ay mabubulok." 132 00:08:16,708 --> 00:08:19,083 "Muling bubuhayin nang hindi na mabubulok." 133 00:08:20,250 --> 00:08:22,833 "Ang aking ibig sabihin, mga kapatid, 134 00:08:23,333 --> 00:08:26,791 "ang laman at dugo'y hindi mapapabilang sa kaharian ng Diyos." 135 00:08:28,625 --> 00:08:30,291 "Hindi tayo mahihimlay, 136 00:08:30,791 --> 00:08:32,625 "ngunit tayo'y babaguhin." 137 00:08:34,458 --> 00:08:38,416 "Sa isang iglap, sa isang kisapmata, sa pagtunog ng huling trumpeta." 138 00:08:39,916 --> 00:08:41,958 "Sapagkat tutunog ang trumpeta, 139 00:08:42,750 --> 00:08:45,083 "at ang mga patay ay muling bubuhayin." 140 00:08:46,750 --> 00:08:50,458 "O Kamatayan, nasaan na ang iyong tagumpay?" 141 00:08:52,750 --> 00:08:55,083 "O Kamatayan, nasaan na ang iyong kirot?" 142 00:08:58,375 --> 00:09:00,375 "Buhat ng kasalanan ang kirot ng kamatayan, 143 00:09:01,000 --> 00:09:03,750 "at nasusukat ang kasalanan dahil sa kautusan." 144 00:09:03,833 --> 00:09:05,458 Ano'ng alam mo kay Kristo? 145 00:09:19,041 --> 00:09:21,791 Lumalala ang lungsod na ito araw-araw. 146 00:09:29,791 --> 00:09:30,875 Garfield! 147 00:09:31,500 --> 00:09:34,625 Kailangan kitang makausap. Hindi na ito makapaghihintay. 148 00:09:36,166 --> 00:09:37,125 Oo naman. 149 00:09:37,791 --> 00:09:40,500 Maaari ba akong mag-empake habang nag-uusap tayo? 150 00:09:40,583 --> 00:09:42,875 Huling-huli na ako sa lakad ko. 151 00:09:44,083 --> 00:09:45,583 Aalis ka nang maaga? 152 00:09:46,083 --> 00:09:49,916 Dadalhin ko si Crete sa Monmouth at doon siya magpapagaling. 153 00:09:50,666 --> 00:09:53,125 Ang payo ni Dr. Edson, sariwang hangin. 154 00:09:55,000 --> 00:09:56,500 Angkop nga ang tabing-dagat. 155 00:09:58,375 --> 00:10:01,333 Dinala ko si Nellie roon noong nagkasakit siya. 156 00:10:03,125 --> 00:10:06,291 Patawad, Chester. Hindi ko man lamang siya naitanong. 157 00:10:08,041 --> 00:10:10,875 Kakatwa't kahit sa pinakamatatalik kong kaibigan, 158 00:10:10,958 --> 00:10:14,833 bihira naming mapag-usapan ang yumao kong asawa, kaya… 159 00:10:17,583 --> 00:10:18,666 Hindi bale na. 160 00:10:19,375 --> 00:10:21,375 Hindi 'yon ang sinadya ko ngayon. 161 00:10:22,000 --> 00:10:24,458 -Maupo ka. -Hindi na. Ganoon din naman… 162 00:10:28,333 --> 00:10:32,166 Tiyak na nabasa mo na sa diyaryo. Nagsalita ako laban sa iyo. 163 00:10:34,875 --> 00:10:36,583 Tila narinig ko nga 'yan, oo. 164 00:10:37,458 --> 00:10:38,375 Ganoon ba? 165 00:10:40,000 --> 00:10:40,958 Mabuti. 166 00:10:42,083 --> 00:10:44,041 Kaya naman… 167 00:10:44,916 --> 00:10:48,541 nagbibitiw na ako bilang bise presidente. 168 00:10:54,916 --> 00:10:55,916 Salamat. 169 00:10:59,208 --> 00:11:00,166 Salamat. 170 00:11:03,041 --> 00:11:04,375 Hindi ko tinatanggap. 171 00:11:08,041 --> 00:11:10,666 -Ano? -Hindi ko tatanggapin ang pagbibitiw mo. 172 00:11:10,750 --> 00:11:11,750 Hindi pa. 173 00:11:12,750 --> 00:11:15,916 Ikagagalak ko kung susubukan mo pang gampanan ang tungkulin mo. 174 00:11:17,083 --> 00:11:18,083 Sandali lamang. 175 00:11:18,166 --> 00:11:20,333 Hindi, hindi mo nauunawaan… 176 00:11:21,666 --> 00:11:23,208 Lantaran akong nagtaksil. 177 00:11:23,291 --> 00:11:26,250 Kung ano-ano ang binansag ko sa iyo sa diyaryo. 178 00:11:26,333 --> 00:11:28,500 Sana'y kausapin mo muna ako sa susunod 179 00:11:28,583 --> 00:11:30,916 bago mo isapubliko ang mga hinaing mo. 180 00:11:33,833 --> 00:11:39,041 Tila dapat kong ipaliwanag sa 'yo na kailangan mo akong sibakin. 181 00:11:39,916 --> 00:11:42,750 Napakasama kong bise presidente. 182 00:11:43,500 --> 00:11:44,333 Hindi palagi. 183 00:11:45,125 --> 00:11:47,708 Hindi mo tinutulan ang iba kong nominado sa Senado 184 00:11:47,791 --> 00:11:49,041 noong may pagkakataon ka. 185 00:11:49,125 --> 00:11:51,041 Hindi ko rin sila tinanggap. 186 00:11:51,125 --> 00:11:53,083 Ni hindi ako nagpakita sa Kapitolyo! 187 00:11:53,166 --> 00:11:55,208 Oo, ngunit hindi 'yan balewala. 188 00:11:56,291 --> 00:11:58,291 Magkaiba ang politika natin! 189 00:11:58,375 --> 00:11:59,791 Kakampi ako ni Conkling. 190 00:11:59,875 --> 00:12:02,083 Sa makalawa, pupunta ako sa Albany 191 00:12:02,166 --> 00:12:05,166 para masigurong mananalo uli sila ni Platt. 192 00:12:05,958 --> 00:12:08,375 Sige, gawin mo ang sa tingin mo'y tama. 193 00:12:11,958 --> 00:12:14,666 Hindi ko maintindihan ang laro mo rito! 194 00:12:14,750 --> 00:12:16,541 Kay labo para sa akin. 195 00:12:20,666 --> 00:12:22,666 Walang laro. 196 00:12:22,750 --> 00:12:25,375 Malinaw mong ipinahayag ang mga pananaw mo. 197 00:12:26,291 --> 00:12:30,166 Bilang pinuno mo ngayon, tungkulin kong baguhin ang mga 'yon. 198 00:12:30,250 --> 00:12:32,083 Hindi magbabago ang mga 'yon! 199 00:12:32,166 --> 00:12:34,500 Walang mag-iiba! Nakataga na sa bato! 200 00:12:34,583 --> 00:12:35,500 Habambuhay! 201 00:12:36,250 --> 00:12:39,875 Huwag kang mahihiya, G. Arthur. Maaari kang lumapit sa akin anumang oras. 202 00:12:39,958 --> 00:12:40,875 Punyeta! 203 00:12:45,416 --> 00:12:47,583 Sa wakas! Sinibak mo na ang gago. 204 00:12:47,666 --> 00:12:48,583 Hindi. 205 00:12:48,666 --> 00:12:50,458 May isa pa siyang pagkakataon. 206 00:12:50,541 --> 00:12:53,625 Isa pa? Siya ang pinakamasahol na bise presidente sa kasaysayan. 207 00:12:53,708 --> 00:12:56,833 Siguro nga, ngunit ramdam kong may kabutihan sa loob-loob niya. 208 00:12:57,875 --> 00:13:00,541 Isa 'yon, saka siya lamang ang nakaaalam 209 00:13:00,625 --> 00:13:03,875 kung saan nakatago ang malaking bahagi ng kita ng pederal. 210 00:13:04,375 --> 00:13:06,500 Oo, mainam na makita muli 'yon. 211 00:13:06,583 --> 00:13:07,541 Hindi ba? 212 00:13:10,875 --> 00:13:11,750 Aba. 213 00:13:12,791 --> 00:13:15,083 Kailan pa sila naging ganoon kalapit? 214 00:13:17,625 --> 00:13:18,875 Ano 'yan? 215 00:13:21,000 --> 00:13:22,000 Aba. 216 00:13:22,625 --> 00:13:24,250 Ika'y naging abala. 217 00:13:25,833 --> 00:13:27,750 Kailan ka ba huling nakatulog? 218 00:13:31,458 --> 00:13:34,416 Hindi ko alam ang gagawin. 'Yong si Conkling… 219 00:13:35,458 --> 00:13:37,291 sadyang napakalakas. 220 00:13:39,250 --> 00:13:41,916 Binili niya ang mga nakapuwesto sa Albany. 221 00:13:42,500 --> 00:13:45,375 Palabas lamang ang botohang ito. 222 00:13:46,250 --> 00:13:50,000 Babalik siya sa Senado sa loob ng ilang araw, sila ni Tom Platt. 223 00:13:50,083 --> 00:13:53,083 -Patatalsikin nila ako sa puwesto. -Maaari. 224 00:13:54,208 --> 00:13:57,500 Marahil ay wala akong mababago. 225 00:13:57,583 --> 00:14:02,041 Paano kung malagay ko sa peligro ang mga nominado ko na mabubuting tao. 226 00:14:02,125 --> 00:14:04,666 Isinugal ko sila sa digmaang di ko maipapanalo. 227 00:14:04,750 --> 00:14:07,958 Makikita nilang may isang tao na ipinaglaban pa rin ang tama. 228 00:14:08,041 --> 00:14:10,083 At pinatalsik siya dahil doon. 229 00:14:10,166 --> 00:14:12,791 Aba, di mo naman ninais maging presidente. 230 00:14:20,416 --> 00:14:21,458 Akin na 'yan. 231 00:14:22,375 --> 00:14:25,291 Si Mollie na ang maghahatid sa akin sa Monmouth. 232 00:14:25,375 --> 00:14:29,125 Maiwan ka rito sa Washington, ipakita mong di ka tatakas sa laban. 233 00:14:29,208 --> 00:14:31,583 Kung akala mo'y iiwan ko ang asawa ko— 234 00:14:31,666 --> 00:14:33,166 Matitiis niya ang isang linggo. 235 00:14:33,250 --> 00:14:35,291 Puntahan mo ako kapag tapos na ito. 236 00:14:48,458 --> 00:14:53,416 MALIGAYANG PAGBABALIK SA ALBANY, ROSCOE CONKLING! 237 00:14:53,500 --> 00:14:56,291 -Roscoe, masaya akong umuwi ka. -Ganoon din ako. 238 00:14:56,375 --> 00:14:58,541 William, salamat sa banderang 'yon. 239 00:14:58,625 --> 00:14:59,666 Walang anuman. 240 00:15:00,166 --> 00:15:03,041 Mga barbarong tagahilaga. Kilala nila ang nagpapakain sa kanila. 241 00:15:08,500 --> 00:15:11,541 -Ano'ng tinatawanan mo? -Wala kang nabalitaan kay Tom? 242 00:15:11,625 --> 00:15:13,208 Siya ang usap-usapan. 243 00:15:13,791 --> 00:15:16,500 Bakit? Mas kawili-wili pa ang dayami kaysa sa kaniya. 244 00:15:16,583 --> 00:15:20,000 Ang sabi-sabi, kagabi raw sa Delavan House, 245 00:15:20,083 --> 00:15:25,666 nahuli sa akto ng ilang Half-Breed si Platt habang nakagapos na inaano. 246 00:15:28,416 --> 00:15:30,541 Naging pilyo ka, Thomas. 247 00:15:30,625 --> 00:15:33,166 May babaeng magtuturo sa iyo ng leksiyon. 248 00:15:48,583 --> 00:15:50,958 Biruin mong may ganoong kapilyuhan si Tom? 249 00:15:51,041 --> 00:15:54,208 Hindi mo talaga aakalain sa ibang lalaki. 250 00:15:54,750 --> 00:15:55,875 Tanggalin mo siya. 251 00:15:56,708 --> 00:15:57,833 Ano? 252 00:15:57,916 --> 00:16:00,375 Hindi siya makapagtimpi nang isang gabi. 253 00:16:01,000 --> 00:16:02,916 Pinagtatawanan na siya ng delegasyon. 254 00:16:03,000 --> 00:16:05,291 Ano ka ba? Katuwaan lamang 'yon. 255 00:16:05,375 --> 00:16:08,291 Payaso na ang turing sa kaniya. Payaso at manloloko. 256 00:16:08,375 --> 00:16:11,041 Ang mga tulad niya, di pinababalik sa Senado. 257 00:16:11,125 --> 00:16:12,750 Itatakwil natin siya, 258 00:16:12,833 --> 00:16:15,541 o hahatakin niya tayo pababa, Chester. 259 00:16:19,458 --> 00:16:21,666 Dalawang dekada na nating kilala si Tom. 260 00:16:21,750 --> 00:16:24,000 Ninong ako ng mga anak niya. 261 00:16:24,083 --> 00:16:26,583 Suportado niya tayo, at kaibigan natin siya. 262 00:16:26,666 --> 00:16:30,125 Alam mo higit kaninuman na walang ganoon sa politika. 263 00:16:30,916 --> 00:16:34,291 Sige, gagawin natin ito nang tahimik. Palitan mo na siya. 264 00:16:34,375 --> 00:16:36,666 Palitan mo siya ng ibang loyalista. 265 00:16:36,750 --> 00:16:38,875 Ganoon lamang ba kasimple ito? 266 00:16:40,791 --> 00:16:41,708 Murtha! 267 00:16:46,333 --> 00:16:48,083 Gusto mong lumipat sa D.C.? 268 00:16:48,166 --> 00:16:51,083 Ano… Maganda ang mga bulaklak ng seresa— 269 00:16:51,166 --> 00:16:53,041 Magaling. Ayos na, kung gayon. 270 00:16:53,125 --> 00:16:56,208 Willie, pasok ka na sa mabigatang politika. 271 00:16:56,708 --> 00:16:57,791 Sige, layas na. 272 00:17:02,458 --> 00:17:04,125 Gagawin natin ang lahat. 273 00:17:04,208 --> 00:17:05,458 'Yon ang ating patakaran. 274 00:17:11,208 --> 00:17:13,583 Kumusta ka naman, kumpadre? 275 00:17:15,791 --> 00:17:16,958 Chester? 276 00:17:17,041 --> 00:17:18,958 May problema ba? 277 00:17:21,250 --> 00:17:22,875 Halika, lakad tayo, Tom. 278 00:17:22,958 --> 00:17:24,000 Tayong dalawa. 279 00:17:28,416 --> 00:17:29,791 Magandang gabi, Padre. 280 00:17:30,375 --> 00:17:32,750 Kay tagal na rin ng huli kong kumpisal, 281 00:17:32,833 --> 00:17:35,708 ngunit may itatanong ako sa Panginoon. 282 00:17:36,250 --> 00:17:37,833 Palagi siyang nakikinig. 283 00:17:39,250 --> 00:17:40,583 Malaya kang magsalita. 284 00:17:45,041 --> 00:17:48,041 Ako po'y inatasan 285 00:17:48,125 --> 00:17:52,916 ng isang dakila at mabigat na tungkulin. 286 00:17:55,083 --> 00:17:59,041 Batid kong dapat itong isakatuparan at ako ang gagawa nito. 287 00:17:59,125 --> 00:18:00,833 Wala nang iba pang gagawa. 288 00:18:01,375 --> 00:18:02,291 Ngunit… 289 00:18:10,833 --> 00:18:13,375 Natatakot po ako, Padre. 290 00:18:17,208 --> 00:18:21,583 Ramdam ko ang kasamaan na bumabalot sa ating mundo. 291 00:18:21,666 --> 00:18:22,875 Nakikita ko 'yon. 292 00:18:23,875 --> 00:18:27,458 Nakikita kong lumalaganap 'yon araw-araw 293 00:18:27,541 --> 00:18:30,208 at nilalason ang kaluluwa ng mga tao. 294 00:18:30,291 --> 00:18:33,166 At nangangamba ako na kung hindi 'yon masusugpo, 295 00:18:33,250 --> 00:18:37,000 masasadlak tayo dahil doon sa isa na namang malaking digmaan. 296 00:18:39,333 --> 00:18:44,125 Ngunit ano ba naman ang isang buhay kumpara sa daan-daang libong iba pa 297 00:18:44,208 --> 00:18:46,500 na maaaring masawi kung di ako kikilos? 298 00:18:47,625 --> 00:18:49,000 Kung ako'y masyadong mahina? 299 00:19:01,833 --> 00:19:05,166 Ang Diyos ang nagkakaloob sa akin ng layunin. 300 00:19:08,333 --> 00:19:10,541 Mga ginoo, huling panawagan para sa boboto. 301 00:19:11,041 --> 00:19:13,708 Aba, pakuparan yata sila rito. 302 00:19:14,416 --> 00:19:16,791 Kung ako sila, susulitin ko rin ito. 303 00:19:16,875 --> 00:19:19,666 Bibihirang sa mga senador sa mga liblib na bayan 304 00:19:19,750 --> 00:19:22,000 nakasalalay ang kapalaran ng bansa. 305 00:19:22,083 --> 00:19:23,041 Nakatutuwa. 306 00:19:32,083 --> 00:19:34,833 Mga asawa ng mga mambabatas ba sila? 307 00:19:34,916 --> 00:19:37,583 Nagpapakita sila tuwing may malaking botohan. 308 00:19:43,458 --> 00:19:44,458 Si Julia. 309 00:19:52,375 --> 00:19:53,666 Nalintikan na. 310 00:20:13,458 --> 00:20:15,916 Itigil ang botohan. 311 00:20:16,000 --> 00:20:18,250 Itigil ang botohan! 312 00:20:19,875 --> 00:20:22,625 Naibigay na ang mga boto, G. Conkling. 313 00:20:29,416 --> 00:20:31,125 Ang huling kabuuang bilang. 314 00:20:32,416 --> 00:20:35,708 Tatlumpu't apat para kay Senador Roscoe Conkling, 315 00:20:36,791 --> 00:20:39,083 at 50 para kay Chauncey Depew. 316 00:20:58,291 --> 00:20:59,208 Ano 'yon? 317 00:21:02,958 --> 00:21:04,041 Pambihira. 318 00:21:08,333 --> 00:21:10,166 Papuri sa Diyos! 319 00:21:10,250 --> 00:21:12,791 MALIGAYANG PAGBABALIK, ROSCOE CONKLING! 320 00:21:16,458 --> 00:21:17,666 Manahimik kayo! 321 00:21:19,333 --> 00:21:23,916 Ihain na para pagbotohan ng asembleya ang mga nominado natin! Ngayon na! 322 00:21:27,708 --> 00:21:29,041 Mahal kong Crete. 323 00:21:32,125 --> 00:21:36,583 Masasabi kong kahit papaano'y mayroon pa rin tayong laban. 324 00:21:36,666 --> 00:21:40,250 Tila si Conkling mismo ang sumipa sa sarili niya sa Senado. 325 00:21:40,333 --> 00:21:43,541 Sa atin na ngayon ang puwesto nila ni Tom Platt. 326 00:21:43,625 --> 00:21:47,416 -Chauncey Depew para sa New York. -Elbridge Lapham para sa New York. 327 00:21:48,166 --> 00:21:49,916 Paano na ngayon, G. Arthur? 328 00:21:51,833 --> 00:21:53,708 Hindi na atin ang kolektor. 329 00:21:55,041 --> 00:21:56,291 William H. Robertson. 330 00:21:56,375 --> 00:21:58,416 Atin nang paupuin ang mga tao natin, 331 00:21:58,500 --> 00:21:59,583 pakilusin sila, 332 00:21:59,666 --> 00:22:02,541 at aksiyunan na ang mga ipinangako natin sa tao. 333 00:22:02,625 --> 00:22:06,000 Nagwakas din ang pananakal ni Conkling sa bansang ito. 334 00:22:08,083 --> 00:22:11,666 Ngayon lamang gumaan ang loob ko mula nang lisanin natin ang Ohio. 335 00:22:12,166 --> 00:22:15,208 Maaasahan mong ako'y pinakikilos ng mga bata. 336 00:22:15,708 --> 00:22:18,875 Binibilang ko ang mga oras hanggang sa muli tayong magkasama. 337 00:22:18,958 --> 00:22:22,041 Hindi nagbabago, at iyo habambuhay, 338 00:22:22,125 --> 00:22:23,083 Jim. 339 00:22:25,125 --> 00:22:30,833 Buong buhay ko, kinailangan kong manahimik at ilihim ang aking mga tagumpay. 340 00:22:33,083 --> 00:22:37,458 Nagtiyaga ako maisulat lamang sa papel ang aking pangalan. 341 00:22:37,541 --> 00:22:40,125 Sa papel na hindi maitatatwa. 342 00:22:43,125 --> 00:22:43,958 Ngayon… 343 00:22:45,750 --> 00:22:50,500 ang bawat perang papel na lilimbagin sa Amerika ay may pirma ng isang Itim. 344 00:22:55,041 --> 00:22:56,541 Maliit na bagay lamang ito. 345 00:22:58,250 --> 00:22:59,791 Ngunit ito'y may bigat. 346 00:23:04,833 --> 00:23:06,250 Naku. 347 00:23:15,333 --> 00:23:18,666 Marami pong tanong mula sa bawat pahayagan sa bansa. 348 00:23:18,750 --> 00:23:20,541 Paano n'yo raw ginawa? 349 00:23:21,166 --> 00:23:22,041 Ginawa ang ano? 350 00:23:22,125 --> 00:23:23,125 Paano kayo nanalo? 351 00:23:23,208 --> 00:23:25,166 Paano n'yo mag-isang binuwag 352 00:23:25,250 --> 00:23:27,833 ang pinakamalakas na puwersa sa politika? 353 00:23:29,041 --> 00:23:30,083 Kayo po'y bayani. 354 00:23:30,958 --> 00:23:32,791 Paano? Wala pa akong nagagawa. 355 00:23:33,916 --> 00:23:35,958 Tatlong buwan na, halos sandaang araw, 356 00:23:36,041 --> 00:23:38,333 wala pa akong napapasa ni isang batas. 357 00:23:38,416 --> 00:23:41,375 Pinagtuunan ko ang kung anong away ng partido. 358 00:23:41,458 --> 00:23:44,333 Kung kaya n'yong talunin sa laro si Roscoe Conkling— 359 00:23:44,416 --> 00:23:46,333 Walang laro dito, Joe. 360 00:23:49,583 --> 00:23:52,166 Tiyak na sinuwerte lamang tayo ngayon. 361 00:23:52,250 --> 00:23:53,375 Napakasuwerte. 362 00:23:56,375 --> 00:24:00,041 Ngunit hangga't mayroong Amerika, 363 00:24:00,125 --> 00:24:02,833 darami at darami ang mga Roscoe Conkling. 364 00:24:06,583 --> 00:24:08,916 O, siya, magpahinga ka nang ilang araw. 365 00:24:10,333 --> 00:24:11,625 Pagkatapos niyon, 366 00:24:12,333 --> 00:24:13,875 simula na ng totoong trabaho. 367 00:24:13,958 --> 00:24:15,166 Nasasabik na po ako. 368 00:24:15,250 --> 00:24:16,541 Ipinagmamalaki kita, Joe. 369 00:24:16,625 --> 00:24:18,333 Nararapat ka rito. 370 00:24:42,083 --> 00:24:46,791 ESTASYON NG TREN NG POTOMAC 371 00:24:49,333 --> 00:24:52,541 Magsaya kayong mag-asawa sa mga paputok sa katapusan ng linggo. 372 00:24:52,625 --> 00:24:56,041 Tiyak na ipagdiriwang ko ang pagbagsak ni Conkling. 373 00:24:56,125 --> 00:24:57,916 Pinalitan uli ni Harriet ang kandado? 374 00:24:58,750 --> 00:24:59,583 Sigurado 'yon. 375 00:25:01,583 --> 00:25:03,250 Robert, kalihim ka na ng digmaan. 376 00:25:03,333 --> 00:25:04,333 Dapat mong— 377 00:25:11,958 --> 00:25:13,041 Papa? 378 00:25:33,541 --> 00:25:34,583 Pigilan siya! 379 00:25:35,708 --> 00:25:37,583 Pigilan n'yo ang lalaking 'yon! 380 00:25:38,250 --> 00:25:39,166 Siya 'yon! 381 00:25:45,208 --> 00:25:46,750 Binaril niya si Garfield! 382 00:25:47,750 --> 00:25:50,000 -Hulihin siya! -Binaril niya si Garfield! 383 00:25:50,583 --> 00:25:52,041 -Dakpin siya! -Hayon! 384 00:25:53,541 --> 00:25:54,708 Atras! 385 00:25:55,333 --> 00:25:57,083 Nagawa ko! 386 00:25:57,166 --> 00:25:58,541 Ikulong mo ako! 387 00:25:58,625 --> 00:26:01,041 Si Chester Arthur na ang magiging presidente! 388 00:26:01,625 --> 00:26:03,291 Ligtas na ang Republika! 389 00:26:03,375 --> 00:26:05,166 -Dakpin siya! -Dakpin 'yan! 390 00:26:05,250 --> 00:26:06,666 Atras. Tabi. 391 00:26:06,750 --> 00:26:07,666 Tabi! Tabi. 392 00:26:07,750 --> 00:26:10,416 -Magsitabi kayo! -Bigyan siya ng hangin! 393 00:26:12,000 --> 00:26:13,083 Atras. Tabi. 394 00:26:17,041 --> 00:26:18,708 Tubig. 395 00:26:18,791 --> 00:26:19,833 Pakuha ng tubig. 396 00:26:19,916 --> 00:26:23,125 Doktor ako, Charles Purvis. Punong Siruhano sa Ospital ng Pinalaya. 397 00:26:23,208 --> 00:26:25,041 Alagaan mo ang mga kauri mo. 398 00:26:25,125 --> 00:26:27,041 Siya ang presidente ng Estados Unidos. 399 00:26:27,125 --> 00:26:30,375 Hindi na siya magtatagal kung hindi mo ako padaraanin. 400 00:26:40,333 --> 00:26:41,875 Paumanhin, Mahal na Presidente. 401 00:26:57,333 --> 00:26:59,291 Naiwan ang bala sa katawan niya. 402 00:27:09,541 --> 00:27:12,625 Mabuti pa'y padalhan mo ng telegrama si Crete. 403 00:27:25,416 --> 00:27:27,875 Pakilagay ako sa seldang tanaw ang parke. 404 00:27:27,958 --> 00:27:31,833 Pagkatapos nito, sasabihan ko si Arthur na gawin kang hepe ng pulisya. 405 00:27:35,750 --> 00:27:37,041 Sa iyo na ito. 406 00:27:38,958 --> 00:27:40,416 Susmaryosep. 407 00:27:43,166 --> 00:27:44,750 Ang ganda, hindi ba? 408 00:27:45,541 --> 00:27:48,208 Binago ng pistola ko ang takbo ng kasaysayan. 409 00:27:54,083 --> 00:27:55,000 Dito! 410 00:27:58,625 --> 00:28:01,666 Sarah, magpapakulo ka ng tubig sa ibaba 411 00:28:01,750 --> 00:28:03,625 para sa mga binti niya. 412 00:28:06,791 --> 00:28:08,708 Pinakuluang tubig daw, bilis. 413 00:28:12,333 --> 00:28:15,333 -Ospital ng Pinalaya ba 'ka mo? -Tama, ginoo. 414 00:28:15,416 --> 00:28:16,541 Pakihawak ito. 415 00:28:17,500 --> 00:28:18,875 At bago roon, 416 00:28:19,833 --> 00:28:21,166 sa Kampo Barker, 417 00:28:21,958 --> 00:28:23,166 noong digmaan. 418 00:28:26,291 --> 00:28:31,125 Tiyak ko… Minsan na akong nadaan sa Barker. 419 00:28:32,375 --> 00:28:35,000 Opo, Mahal na Presidente. Naaalala ko. 420 00:28:39,708 --> 00:28:41,791 Sa tingin mo, ano ang tsansa ko? 421 00:28:43,416 --> 00:28:44,750 Hindi po maganda. 422 00:28:46,458 --> 00:28:48,291 Marahil ay isa sa sandaan. 423 00:28:53,958 --> 00:28:57,333 Kung ganoon, lubusin at sulitin na natin. 424 00:29:19,333 --> 00:29:20,375 Mga ginoo, 425 00:29:21,583 --> 00:29:23,208 sa tingin ko'y posible ito, 426 00:29:24,125 --> 00:29:25,958 ngunit para magkaroon siya ng pag-asa, 427 00:29:26,458 --> 00:29:28,666 dapat maalis ang bala sa katawan. 428 00:29:29,166 --> 00:29:33,208 Maaari mong gamitin ang lahat ng serbisyo ng ating bansa. 429 00:29:35,375 --> 00:29:37,666 Tanging kailangan ko'y panuri at panistis. 430 00:29:43,333 --> 00:29:44,541 Tiis lamang, ginoo. 431 00:29:45,708 --> 00:29:47,083 Pagagalingin ka namin. 432 00:29:48,041 --> 00:29:51,916 Mukhang lumagpas ang bala sa unang buto ng ibabang gulugod 433 00:29:53,166 --> 00:29:54,958 at mas bumaon pa paloob. 434 00:30:01,750 --> 00:30:03,416 Tila malapit na ako sa bala. 435 00:30:11,083 --> 00:30:12,541 -Doktor? -Salamat. 436 00:30:12,625 --> 00:30:14,500 Kailangan ko ng katahimikan. 437 00:30:22,958 --> 00:30:23,916 Ganoon talaga. 438 00:30:24,000 --> 00:30:26,750 Karaniwan lamang na mawalan ng malay. 439 00:30:27,500 --> 00:30:28,958 Lasog na laman. 440 00:30:29,041 --> 00:30:32,125 Matigas-tigas na namuong dugo. Marahil ay namuong dugo. 441 00:30:32,208 --> 00:30:34,208 Napipinsala ng inyong gamit ang pasyente, 442 00:30:34,291 --> 00:30:36,083 at hindi nalinis ang gamit ninyo. 443 00:30:36,166 --> 00:30:37,500 Kritikal ang sitwasyon. 444 00:30:37,583 --> 00:30:39,875 -Hindi maaaring magsayang ng oras. -Paumanhin. 445 00:30:39,958 --> 00:30:42,916 Alam n'yo ang bagong pananaliksik sa Europa na kontrasepsis? 446 00:30:43,000 --> 00:30:44,666 Wala tayo sa Europa! 447 00:30:44,750 --> 00:30:46,125 Doktor Purvis, 448 00:30:46,208 --> 00:30:49,208 pamahiin lamang ang mga halimaw na di nakikita, 449 00:30:49,291 --> 00:30:50,666 at hindi siyensiya. 450 00:30:51,250 --> 00:30:52,833 Ang pinagdududahan mo ngayon 451 00:30:52,916 --> 00:30:55,875 ang nagligtas sa libo-libong buhay noong giyera. 452 00:30:56,583 --> 00:30:59,375 Subok at tunay ang mga ito. 453 00:30:59,458 --> 00:31:01,583 Sa madaling sabi, gumagana. 454 00:31:12,166 --> 00:31:13,333 Ngayon, ginoo, 455 00:31:14,541 --> 00:31:17,958 pinahihintulutan mo ba ako na ituloy ang aking pagsusuri? 456 00:31:53,416 --> 00:31:54,833 -Sa tingin n'yo— -Hindi. 457 00:31:58,500 --> 00:31:59,500 Malalaman ko. 458 00:32:16,333 --> 00:32:17,916 Iniisip nilang mamamatay-tao tayo. 459 00:32:18,000 --> 00:32:19,291 Itong buong bansa. 460 00:32:19,958 --> 00:32:22,666 Sabi ng bumaril, ginawa niya 'yon sa ngalan ko, 461 00:32:23,250 --> 00:32:24,666 na ako'y kaibigan niya. 462 00:32:24,750 --> 00:32:28,125 -Tayo ang dapat sisihin. -Tumahimik ka nga. 463 00:32:28,625 --> 00:32:31,625 Palaboy na damuho lamang 'yon na gustong makilala. 464 00:32:32,208 --> 00:32:34,666 May imbestigasyon. Hindi tayo mananagot. 465 00:32:34,750 --> 00:32:39,583 Binaril kanina ang presidente natin na parang asong-kalye. 466 00:32:39,666 --> 00:32:41,541 At tiyak na mamamatay siya. 467 00:32:41,625 --> 00:32:44,083 Maaari ngang patay na siya, malay natin, 468 00:32:44,166 --> 00:32:46,125 at kung ganoon, 469 00:32:47,000 --> 00:32:49,125 hahalilihan na siya. 470 00:32:51,125 --> 00:32:54,250 -Ano? -Huwag mong sabihing di mo naiisip 'yon. 471 00:32:54,333 --> 00:32:57,291 -Nakipag-agawan tayo ng puwesto sa Senado— -Huwag mong sabihin. 472 00:32:57,375 --> 00:33:01,916 Maipapalaganap natin sa buong bansa ang kalakaran natin sa New York, Arthur. 473 00:33:04,125 --> 00:33:05,166 Hindi. 474 00:33:06,875 --> 00:33:08,833 Tatanggihan ko agad ang posisyon. 475 00:33:10,250 --> 00:33:12,541 Hindi ako nararapat na maging presidente! 476 00:33:12,625 --> 00:33:14,833 'Yan ang ganda ng Amerika, kaibigan. 477 00:33:15,791 --> 00:33:19,625 Sa lahat ng pinagdaanan natin, tanga ka ba't di mo maunawaan 478 00:33:19,708 --> 00:33:22,958 na nabigyan tayo ng pinakamalaking biyaya sa kasaysayan ng bansa? 479 00:33:25,083 --> 00:33:25,958 Para sa tabi! 480 00:33:37,875 --> 00:33:40,166 Bakit ba ganiyan ka ngayon? 481 00:33:42,625 --> 00:33:45,000 Sa totoo lang, hindi ko rin alam. 482 00:33:45,791 --> 00:33:49,500 Ngunit ramdam kong hindi na kita kayang makasakay pa. 483 00:33:49,583 --> 00:33:53,750 Ano na? Maglalakad ka na lamang hanggang Washington? 484 00:33:53,833 --> 00:33:55,833 Minsa'y kailangan ring maglakad. 485 00:33:56,625 --> 00:33:57,750 Letse. 486 00:33:59,750 --> 00:34:02,166 Halos sandaang digri ang init, Arthur. 487 00:34:02,250 --> 00:34:04,291 Aatakihin ka sa puso sa loob ng isang milya. 488 00:34:05,375 --> 00:34:08,708 Huwag ka nang magmatigas at sumakay ka na sa karwahe. 489 00:34:14,500 --> 00:34:16,875 Masasaktan ako sa ginagawa mo, Chester. 490 00:34:18,208 --> 00:34:19,083 Aba, 491 00:34:20,166 --> 00:34:23,500 buti na lamang at wala raw kaibigan sa politika. 492 00:34:25,416 --> 00:34:29,166 Punyeta ka. 493 00:34:29,250 --> 00:34:31,125 Huwag mo akong tatalikuran! 494 00:34:31,208 --> 00:34:33,625 Pagkatapos ng mga ginawa ko para sa iyo! 495 00:34:33,708 --> 00:34:35,666 Utang mo ang lahat sa akin! 496 00:34:38,666 --> 00:34:39,625 Arthur! 497 00:34:40,750 --> 00:34:41,583 Art— 498 00:35:07,666 --> 00:35:09,250 Narito ka na. Salamat sa Diyos. 499 00:35:09,333 --> 00:35:11,208 Humiga ka. Huwag kang magkikilos. 500 00:35:11,291 --> 00:35:13,083 Malala ba? Labis ba ang sakit? 501 00:35:13,708 --> 00:35:16,916 Gumagana pa ang itaas na kubyerta, anak. 502 00:35:17,000 --> 00:35:19,375 Ang katawan lamang ang napinsala. 503 00:35:20,125 --> 00:35:21,833 Walang tinamaang mahalagang organo. 504 00:35:21,916 --> 00:35:26,000 Sabi ni Dr. Bliss, malapit na niyang matunton ang bala, at kapag nakuha na… 505 00:35:26,083 --> 00:35:27,541 Bubuti na tayo. 506 00:35:27,625 --> 00:35:29,166 Sige. Nasaan ang mga bata? 507 00:35:29,250 --> 00:35:30,666 Hindi pa sila nasabihan. 508 00:35:31,291 --> 00:35:32,375 Kami na'ng bahala. 509 00:35:34,666 --> 00:35:35,958 Sige na. 510 00:35:40,250 --> 00:35:42,208 Ano ba ang gagawin ko sa iyo? 511 00:35:42,291 --> 00:35:44,041 Isang linggo lamang akong nawala… 512 00:35:45,375 --> 00:35:47,000 Wala nang oras. 513 00:35:48,500 --> 00:35:50,833 Kailangan na nating magplano. 514 00:35:51,750 --> 00:35:52,666 Hindi. 515 00:35:54,000 --> 00:35:55,291 Hindi ako papayag. 516 00:35:56,250 --> 00:35:59,291 Ramdam ko na sa buong katawan. 517 00:36:00,625 --> 00:36:03,125 Narito na ako, at pagagalingin kita. 518 00:36:05,166 --> 00:36:07,083 Laban. Lalaban ka. 519 00:36:07,166 --> 00:36:09,541 Huwag mo nang babanggitin muli ang kamatayan. 520 00:36:12,916 --> 00:36:14,833 WASHINGTON BILANGGUAN NG DISTRITO 521 00:36:20,250 --> 00:36:23,416 Bitayin siya! 522 00:36:35,291 --> 00:36:36,166 Guiteau! 523 00:36:36,250 --> 00:36:37,458 Ibigti siya! 524 00:36:38,125 --> 00:36:42,041 Bakit mapapabili ng baril ang demonyong Guiteau na 'yon? 525 00:36:42,125 --> 00:36:44,166 Hindi maaarok ang baliw na isip. 526 00:36:44,250 --> 00:36:47,250 -Kakampi kaya niya si Conkling? -Hindi. 527 00:36:47,333 --> 00:36:50,708 Si Conkling man ang lumikha ng init para sa isang Guiteau, 528 00:36:51,333 --> 00:36:52,875 hindi niya inutos ito. 529 00:36:52,958 --> 00:36:54,250 Alam kong hindi tama, 530 00:36:54,333 --> 00:36:57,458 ngunit gusto ko silang pagbayarin sa kanilang ginawa. 531 00:36:57,541 --> 00:36:59,458 Narito na ang una mong biktima. 532 00:37:00,458 --> 00:37:01,833 Gng. Garfield. 533 00:37:02,708 --> 00:37:03,666 Paumanhin po. 534 00:37:03,750 --> 00:37:06,125 -Magdamag akong bumiyahe. -Susmaryosep. 535 00:37:07,125 --> 00:37:09,041 Amoy dumi ng baka ka. 536 00:37:09,958 --> 00:37:11,208 May punto ka. 537 00:37:11,291 --> 00:37:14,333 Nakisakay ako hanggang D.C. sa likod ng kariton ng magsasaka. 538 00:37:14,416 --> 00:37:17,916 -Kumusta ang presidente? Buhay ba siya? -Oo. Nagpapahinga siya. 539 00:37:18,000 --> 00:37:20,166 Salamat sa Panginoon. Salamat sa Diyos. 540 00:37:20,250 --> 00:37:21,833 -G. Arthur. -Ayaw ko nito. 541 00:37:21,916 --> 00:37:23,541 Hindi ko ginusto 'yon. 542 00:37:23,625 --> 00:37:26,875 -Dahil sa ambisyon. 'Yon ang— -Chester, umayos ka. 543 00:37:26,958 --> 00:37:28,666 Ikaw ang bise presidente. 544 00:37:28,750 --> 00:37:31,291 Punyeta, hindi. Isinusuko ko na ang lahat. 545 00:37:31,375 --> 00:37:34,541 Ano'ng sinasabi mo? Natatakot ang mga Amerikano. 546 00:37:34,625 --> 00:37:37,791 Umaasa sila sa atin. Umaasa sila sa iyo, Chester. 547 00:37:37,875 --> 00:37:38,958 Kasumpa-sumpa ako! 548 00:37:39,041 --> 00:37:40,416 Hindi ko kaya. 549 00:37:40,500 --> 00:37:41,875 Wala akong kakayahan! 550 00:37:41,958 --> 00:37:46,750 Nagtiwala ang presidenteng ito sa akin, at pinagtaksilan ko siya nang paulit-ulit. 551 00:37:46,833 --> 00:37:48,875 Diyos ko, patayin Mo na ako! 552 00:37:48,958 --> 00:37:51,625 Isa lamang akong hamak at maruming baboy! 553 00:37:51,708 --> 00:37:55,333 Pakinggan mo ako, Chester Arthur, at makinig ka nang mabuti! 554 00:37:57,541 --> 00:37:58,916 Sa matinding kagipitan, 555 00:37:59,000 --> 00:38:02,916 lumalabas ang kabutihan na matagal nang tulog sa puso ng mga tao. 556 00:38:03,000 --> 00:38:06,958 Kung may kahit katiting ka pang dignidad, ngayon mo na ipakita 'yon. 557 00:38:08,500 --> 00:38:10,125 Ano'ng gagawin mo, Chester? 558 00:38:10,208 --> 00:38:13,833 Aatras kang parang duwag o haharap ka sa hamon at magbabago? 559 00:38:17,625 --> 00:38:19,833 Magbabago. Magbabago, ginang. 560 00:38:21,458 --> 00:38:22,791 Magbabago na ako. 561 00:38:22,875 --> 00:38:24,375 Isinusumpa ko sa inyo. 562 00:38:24,458 --> 00:38:25,875 Magbabago na ako. 563 00:38:27,083 --> 00:38:27,916 Mabuti. 564 00:38:36,041 --> 00:38:40,041 Tandaan n'yo, may $25 dapat ako tuwing gagamitin ito sa diyaryo. 565 00:38:40,916 --> 00:38:43,458 Bibigyan ko ng tawad ang mga lokal na diyaryo. 566 00:38:43,541 --> 00:38:44,625 O huwag na lamang? 567 00:38:48,208 --> 00:38:52,208 Nais kong muling bigyang-diin na wala akong sama ng loob sa presidente. 568 00:38:52,291 --> 00:38:53,250 'Yon ay… 569 00:38:54,083 --> 00:38:57,708 'Yon ay isang nakalulungkot na pangangailangang pampolitika. 570 00:38:57,791 --> 00:39:01,708 Layon ko lamang na pagkaisahin ang partido at iligtas ang Republika. 571 00:39:01,791 --> 00:39:03,208 Oo, binaril ko siya, 572 00:39:03,291 --> 00:39:05,625 gaya ng gagawin ko sa nambabastos ng watawat. 573 00:39:05,708 --> 00:39:09,791 Ilang daang libo ba ang nagbuwis ng buhay noong panahon ng digmaan, 574 00:39:09,875 --> 00:39:10,750 at para saan? 575 00:39:10,833 --> 00:39:13,458 Para pangalagaan ang ating dakilang bansa. 576 00:39:13,541 --> 00:39:17,125 Isa lamang ang isinakripisyo ko para makamit din 'yon. 577 00:39:17,708 --> 00:39:21,625 Ipinauubaya ko na ang aking katwiran sa Diyos at sa mga Amerikano. 578 00:39:22,500 --> 00:39:23,875 Para sa dagdag na konteksto, 579 00:39:23,958 --> 00:39:27,083 sumangguni lamang sa aking talaarawan, Ang Katotohanan, 580 00:39:27,166 --> 00:39:29,875 na malapit nang mabili sa mga tindahan ng libro. 581 00:39:35,541 --> 00:39:38,166 MAKALIPAS ANG ISANG BUWAN 582 00:39:38,250 --> 00:39:40,750 LAWA NG FAIRFAX YELO 583 00:40:01,958 --> 00:40:03,500 Subukan natin. 584 00:40:04,125 --> 00:40:04,958 Handa na? 585 00:40:06,125 --> 00:40:06,958 Heto na. 586 00:40:23,250 --> 00:40:24,416 Sige. 587 00:40:25,125 --> 00:40:26,083 Hindi bale. 588 00:40:27,291 --> 00:40:29,416 Sige, hindi bale. 589 00:40:30,458 --> 00:40:32,208 Susubukan nating muli bukas. 590 00:40:33,791 --> 00:40:36,000 Pahina na siya nang pahina. 591 00:40:37,375 --> 00:40:41,458 Aba'y patuloy ang dagsa ng mga bumabati. Nahihirapan siya dahil doon. 592 00:40:42,125 --> 00:40:46,000 Huwag na tayong magpapasok ng mga hindi parte ng mag-anak. 593 00:40:46,875 --> 00:40:48,583 Kapag nagsasalita ang presidente, 594 00:40:48,666 --> 00:40:53,333 ginagamit niya ang kaniyang dayapram na magpapagalaw naman sa atay. 595 00:40:53,416 --> 00:40:55,958 Natutulak niyon ang bala kaya lalong bumabaon. 596 00:40:56,041 --> 00:40:59,375 Humihinga siya. Hindi ba't gumagalaw rin ang dayapram sa paghinga? 597 00:40:59,458 --> 00:41:01,625 Tama, ngunit malumanay ang paghinga. 598 00:41:02,208 --> 00:41:03,625 Mabigat ang pagsasalita. 599 00:41:21,208 --> 00:41:22,791 Nagnanaknak na. 600 00:41:25,583 --> 00:41:27,666 Sinusulatan ko si Chester Arthur, 601 00:41:27,750 --> 00:41:29,750 at hindi siya katulad ni Garfield. 602 00:41:29,833 --> 00:41:32,875 Kilala niya ang kaniyang mga kaibigan, 603 00:41:32,958 --> 00:41:35,375 at wala nang mas matapat kaysa sa akin 604 00:41:35,458 --> 00:41:39,416 na nag-ahon sa kaniya sa pagkapresidente mula sa wala. 605 00:41:39,958 --> 00:41:40,791 Charlie— 606 00:41:40,875 --> 00:41:43,791 Hindi magtatagal, mababasa na ng madla ang libro ko. 607 00:41:44,583 --> 00:41:45,500 Libro mo? 608 00:41:46,291 --> 00:41:47,416 Ang Katotohanan. 609 00:41:47,500 --> 00:41:51,666 Laman niyon ang aking mga kaisipan na gigising kahit sa mga nagkakaila. 610 00:41:51,750 --> 00:41:54,583 May dosena nang tagalathala na nais magbenta niyon, 611 00:41:54,666 --> 00:41:57,958 at ako naman, pinagsasabong ko sila, pinaglalaban-laban. 612 00:41:59,500 --> 00:42:02,375 Kung magsalita ka, tila isang laro lamang ito. 613 00:42:02,458 --> 00:42:04,833 Aba, oo! Ganoon nga. Ganoon mismo ito. 614 00:42:04,916 --> 00:42:06,791 Malaking laro ito, may panalo at talo. 615 00:42:06,875 --> 00:42:09,541 At sa wakas, Franny, ako naman ang panalo. 616 00:42:09,625 --> 00:42:12,000 Siyempre, mag-iiba na ang lahat 617 00:42:12,083 --> 00:42:14,708 dahil may sapat na akong kasikatan 618 00:42:14,791 --> 00:42:17,333 para ilunsad ang diyaryo kong Ang Arawang Teokrata. 619 00:42:18,000 --> 00:42:19,333 Nagawa ko, Fran. 620 00:42:20,083 --> 00:42:21,333 Para sa atin ito. 621 00:42:22,458 --> 00:42:23,458 Tingnan mo. 622 00:42:24,500 --> 00:42:26,041 Tingnan mo ito. 623 00:42:26,125 --> 00:42:30,041 Sumusulat sa akin ang mga taong ito araw-araw. 624 00:42:30,125 --> 00:42:33,666 Nag-aalok sila ng suporta at nangangako ng salapi. 625 00:42:34,250 --> 00:42:37,375 Franny, takot ako noon. Akala ko'y mag-isa ako, ngunit hindi! 626 00:42:37,458 --> 00:42:39,083 Narito sila simula't sapol! 627 00:42:39,958 --> 00:42:42,333 Ngayon, naglalabasan na sila 628 00:42:43,250 --> 00:42:47,583 dahil binigyan ko sila ng isang bagay na paniniwalaan. 629 00:42:55,625 --> 00:42:56,833 Aalis na ako. 630 00:43:02,375 --> 00:43:03,375 Fran? 631 00:43:03,958 --> 00:43:05,333 -Bantay? -Franny? 632 00:43:05,416 --> 00:43:06,250 Bantay! 633 00:43:24,875 --> 00:43:27,416 Salamat sa agarang pagpunta, Propesor Graham Bell. 634 00:43:27,500 --> 00:43:29,583 Bell na lamang, G. Brown. 635 00:43:30,250 --> 00:43:33,958 Ihatid mo na kami sa presidente, at baka maisalba pa natin siya. 636 00:43:34,041 --> 00:43:35,833 Ito ang balanse sa induksiyon, 637 00:43:36,541 --> 00:43:38,916 para matukoy kung saan may bakal sa katawan 638 00:43:39,000 --> 00:43:41,083 sa pamamagitan ng kuryente. 639 00:43:41,166 --> 00:43:44,208 -Tainter, ihanda ang kuryente. -Sige po, Propesor Bell. 640 00:43:45,333 --> 00:43:48,375 Alam naming namahay ang bala sa bandang kanan niya. 641 00:43:48,458 --> 00:43:51,041 Presidente, paumanhin po. 642 00:43:51,125 --> 00:43:52,208 Sige. 643 00:43:54,125 --> 00:43:55,833 Hawak ko kayo. 644 00:43:57,541 --> 00:43:58,833 Huwag kayong mag-alala. 645 00:44:00,791 --> 00:44:01,750 Higa kayo. 646 00:44:07,458 --> 00:44:10,291 Kailangan ko ng ganap na katahimikan. 647 00:44:24,708 --> 00:44:26,125 Ano'ng nangyayari? 648 00:44:26,208 --> 00:44:27,291 Ano'ng naririnig mo? 649 00:44:27,375 --> 00:44:28,750 Tila may mali. 650 00:44:30,541 --> 00:44:33,166 Kung tagumpay ito, tutunog dapat, ngunit hindi— 651 00:44:35,791 --> 00:44:37,958 Nataranta na sa pananabik. 652 00:44:39,833 --> 00:44:44,041 Hindi. Narito ang bala, sa alam nating kinaroroonan niyon. 653 00:44:44,125 --> 00:44:45,416 -Sa may atay. -Doktor— 654 00:44:45,500 --> 00:44:46,875 Rinig na rinig ko. 655 00:44:46,958 --> 00:44:49,375 Pupugak-pugak ba dapat ang tunog? 656 00:44:50,583 --> 00:44:52,000 Tainter, patayin ang kuryente. 657 00:44:52,083 --> 00:44:54,708 Hindi. Malapit na. 658 00:44:54,791 --> 00:44:56,208 Kailangan ko lamang— 659 00:44:56,291 --> 00:44:58,166 Hindi na niya kaya. 660 00:44:58,250 --> 00:44:59,166 Ako'ng bahala. 661 00:45:00,541 --> 00:45:02,250 -Doktor! -Hawakan ang pasyente. 662 00:45:02,333 --> 00:45:04,000 Dr. Bliss, itigil mo na ito. 663 00:45:04,083 --> 00:45:07,458 -Ako ang punong manggagamot dito. -Bitawan mo ang panistis! 664 00:45:07,541 --> 00:45:10,375 Kung hindi, itatarak ko 'yan sa mata mo. 665 00:45:19,583 --> 00:45:20,625 Ano 'yon, anak? 666 00:45:21,583 --> 00:45:22,416 Bakal ito. 667 00:45:22,500 --> 00:45:25,750 Itong kama, may mga kuwerdas, kaya maaaring nakalito— 668 00:45:25,833 --> 00:45:26,958 -Maaari pa— -Hindi. 669 00:45:28,041 --> 00:45:31,375 Ngunit hindi na bala ang salarin, anak. 670 00:45:35,833 --> 00:45:38,625 May iba na akong nararamdaman ngayon. 671 00:45:39,208 --> 00:45:41,791 Hindi ko na magagawang… 672 00:45:44,958 --> 00:45:49,000 Gusto kong malaman mo na ipinagmamalaki ka namin ng nanay mo. 673 00:45:53,166 --> 00:45:55,708 Hindi ko alam ang gagawin kung wala kayo. 674 00:45:55,791 --> 00:45:56,875 Anak, 675 00:45:58,208 --> 00:45:59,916 hindi mo ako kailangan. 676 00:46:02,333 --> 00:46:04,083 Tandaan mo ito. 677 00:46:05,708 --> 00:46:09,750 Ikaw, ang aking napakatalino at magandang anak, 678 00:46:10,916 --> 00:46:13,291 malayo ang mararating mo. 679 00:46:24,000 --> 00:46:27,208 Lilisanin daw ng presidente ang Washington mamaya? 680 00:46:27,291 --> 00:46:30,625 Nais niyang dumaan sa tabing-dagat bago tumuloy sa Monmouth. 681 00:46:30,708 --> 00:46:32,458 Bilang siruhano niya, di ako papayag. 682 00:46:32,541 --> 00:46:36,833 Saksi ako sa paglapa at paghimay sa aking asawa, at ayaw ko na. 683 00:46:37,333 --> 00:46:38,583 At ayaw na rin niya. 684 00:46:38,666 --> 00:46:40,666 Ilang araw na lamang, mahahanap na ang bala. 685 00:46:40,750 --> 00:46:44,083 Pag-isipan mo nang mabuti ang mga sasabihin mo, Dr. Bliss. 686 00:46:48,083 --> 00:46:49,416 Makaaalis na kayo. 687 00:47:32,750 --> 00:47:34,750 Ni hindi ko alam kung saan magsisimula. 688 00:47:34,833 --> 00:47:35,916 Malalaman mo rin. 689 00:47:37,166 --> 00:47:38,500 Naniniwala ako sa iyo. 690 00:47:41,416 --> 00:47:43,958 Kapag nakita mo ang daan, malalaman mo. 691 00:49:17,000 --> 00:49:19,833 Noong ako'y bata pa, pinangarap ko ang karagatan, 692 00:49:20,541 --> 00:49:24,125 ang maglayag sa mga lugar na wala pang nakararating, 693 00:49:24,208 --> 00:49:26,208 parang si Crusoe. 694 00:49:27,166 --> 00:49:31,125 Napakaambisyosong pangarap para sa batang di natutong lumangoy. 695 00:49:33,500 --> 00:49:38,500 Palaging mas mataas ang ambisyon ko kaysa sa kakayahan ko. 696 00:49:39,791 --> 00:49:40,750 Oo nga… 697 00:49:42,958 --> 00:49:46,333 Bakit ko ba binigkas ang talumpating 'yon sa Chicago? 698 00:49:47,833 --> 00:49:49,708 Alam ko ang ginagawa ko 699 00:49:51,291 --> 00:49:53,416 noong umakyat ako sa platapormang 'yon. 700 00:49:56,083 --> 00:49:59,416 Nais kong makilala nila ako. 701 00:50:08,083 --> 00:50:10,708 Nagsalita ka dahil ang laman ng puso mo, 702 00:50:10,791 --> 00:50:13,416 hindi lamang para sa Ohio. 703 00:50:17,750 --> 00:50:22,291 Sa palagay mo, may puwang kaya ang aking pangalan sa kasaysayan ng tao? 704 00:50:25,375 --> 00:50:26,833 Oo, malaki 'yon. 705 00:50:29,458 --> 00:50:33,000 Ngunit mas malaki pa rin ang puwang niyon sa puso ng mga tao. 706 00:50:44,833 --> 00:50:46,125 Huwag kang mag-alala. 707 00:50:49,500 --> 00:50:52,125 Sasamahan kita rito buong gabi. 708 00:51:37,625 --> 00:51:40,833 Sana'y dalhin siya ng Panginoon sa Kaniyang tahanan. 709 00:51:43,583 --> 00:51:44,458 Amen. 710 00:51:56,208 --> 00:51:58,583 Tandaang lumihis pakaliwa ang bala, 711 00:51:59,166 --> 00:52:01,500 at nagtago ito sa likod ng lapay. 712 00:52:05,833 --> 00:52:10,000 Tila walang napinsala ang bala na kahit anong organo ng presidente, 713 00:52:10,583 --> 00:52:12,375 at kusang naghilom ang sugat. 714 00:52:12,458 --> 00:52:13,916 Ano ang ikinamatay niya? 715 00:52:15,666 --> 00:52:17,166 Pagkalason ng dugo. 716 00:52:18,250 --> 00:52:21,625 Pinatutunayan ng mga pagnanaknak sa buong katawan. 717 00:52:22,833 --> 00:52:24,000 Impeksiyon. 718 00:52:25,375 --> 00:52:26,333 Naguguluhan ako. 719 00:52:26,416 --> 00:52:30,125 Sinasabi n'yo bang kusa siyang gagaling kung hinayaan ang bala? 720 00:52:37,750 --> 00:52:38,583 Ano… 721 00:52:41,875 --> 00:52:44,250 Sa tingin ko nga'y nagkamali tayo. 722 00:52:47,208 --> 00:52:49,500 Pinakiusapan ka raw ni Arthur na manatili. 723 00:52:50,833 --> 00:52:52,000 Biruin mong 724 00:52:53,166 --> 00:52:55,500 ilang taon ang ginugol natin para doon? 725 00:52:57,000 --> 00:52:59,375 At napunta ang posisyon sa tabang 'yon. 726 00:52:59,458 --> 00:53:01,458 Malaki na ang ipinagbago niya. 727 00:53:02,375 --> 00:53:03,583 Totoo 'yon. 728 00:53:03,666 --> 00:53:07,666 Baka nga maging mahusay pa siyang presidente. 729 00:53:09,291 --> 00:53:10,250 Naniniwala ako. 730 00:53:11,208 --> 00:53:14,458 Hindi nga lamang ako nakatitiyak kung mananalo siya sa 1884. 731 00:53:14,541 --> 00:53:17,041 Tunay ka nang garapal na tarantado. 732 00:53:17,125 --> 00:53:19,875 Ano, hindi ka kakandidato kasama ko? 733 00:53:25,291 --> 00:53:27,041 Punyetang 'yon. 734 00:53:27,125 --> 00:53:29,291 Ninakaw niya ang mga daungan ko… 735 00:53:31,583 --> 00:53:33,500 at sinira niya ang karera ko. 736 00:53:35,291 --> 00:53:38,041 Nawa'y mabasbasan pa tayo ng tulad niya balang-araw. 737 00:54:13,875 --> 00:54:14,916 Fran? 738 00:54:17,666 --> 00:54:18,583 Franny? 739 00:54:19,916 --> 00:54:21,583 Batid kong pupunta ka. 740 00:54:26,416 --> 00:54:28,041 Nagdahilan ako sa aking pamilya. 741 00:54:28,125 --> 00:54:30,791 Sabi ko sa kanila, may aayusin ako sa New York. 742 00:54:31,625 --> 00:54:34,583 Walang nakaaalam na narito ako bukod sa punong bantay. 743 00:54:34,666 --> 00:54:38,166 Hindi kita basta pakakawalan. Kailangan muna kitang makita. 744 00:54:38,250 --> 00:54:42,166 Nagkita na tayo dati, Gng. Garfield. 745 00:54:43,041 --> 00:54:46,625 Nag-usap tayo noong sayawan sa inagurasyon ng asawa n'yo. 746 00:54:47,750 --> 00:54:51,208 Mabait kayo, at ipinagdarasal ko ang inyong pamilya. 747 00:54:51,291 --> 00:54:55,458 Kung akala mo'y tinatanggap ko ang dasal mo, maling-mali ka. 748 00:54:55,541 --> 00:54:57,500 Hindi ako pumarito para patawarin ka. 749 00:54:58,708 --> 00:55:01,833 Naiisip ko ang huling tanong niya noong araw na siya'y pumanaw. 750 00:55:01,916 --> 00:55:05,166 Sabi niya, "May puwang kaya ang pangalan ko sa kasaysayan?" 751 00:55:06,416 --> 00:55:08,916 Mayroong punto ang tanong na 'yon. 752 00:55:10,875 --> 00:55:13,541 Sinabi kong malaki ang maiiwan niyang bakas sa kasaysayan. 753 00:55:15,791 --> 00:55:16,833 Ngunit… 754 00:55:18,375 --> 00:55:21,708 kakaiba ang pakiramdam ko noong sinambit ko 'yon dahil… 755 00:55:23,208 --> 00:55:24,583 hindi ako naniwala roon. 756 00:55:26,208 --> 00:55:28,500 Kasinungalingan ang mga huling sinabi ko sa kaniya. 757 00:55:32,375 --> 00:55:34,583 Dahil batid ko na sa kasaysayan, 758 00:55:35,833 --> 00:55:37,625 matatabunan ang naiwan niyang bakas. 759 00:55:39,333 --> 00:55:40,666 Ano ba ang aalalahanin? 760 00:55:41,750 --> 00:55:43,875 Maaaring maging maliit na talababa. 761 00:55:44,583 --> 00:55:46,458 Mababanggit at malilimutan. 762 00:55:47,291 --> 00:55:49,875 Naaalala mo ba ang kawawang si ano 763 00:55:49,958 --> 00:55:53,333 na binaril noong tatlong buwan pa lamang sa pagkapresidente? 764 00:55:53,416 --> 00:55:55,625 Hindi nila malalaman ang tunay niyang pagkatao. 765 00:55:55,708 --> 00:55:57,666 Ang bayaning sumabak sa mga digmaan. 766 00:55:57,750 --> 00:56:01,291 Ang nagpupuslit sa akin ng mga tula ng pag-ibig sa kunwa'y Latin. 767 00:56:01,791 --> 00:56:04,875 Ang tumatayo nang patiwarik at umaawit ng kanta sa palabas 768 00:56:04,958 --> 00:56:06,666 mapasaya lamang ang mga anak niya. 769 00:56:09,708 --> 00:56:10,541 Hindi. 770 00:56:12,791 --> 00:56:15,083 Walang makakikilala sa taong 'yon. 771 00:56:18,166 --> 00:56:22,000 Ipagluluksa siya ngayon, ngunit habang tumatagal, malilimutan siya. 772 00:56:25,583 --> 00:56:29,791 At nararamdaman ko na unti-unti na siyang nawawala. 773 00:56:32,291 --> 00:56:33,333 Kahit ngayon. 774 00:56:37,458 --> 00:56:40,125 Hindi magtatagal, isa na lamang siyang mukha sa pader. 775 00:56:40,750 --> 00:56:42,791 Nilamon ng kasaysayan. 776 00:56:47,875 --> 00:56:48,916 Gayunman… 777 00:56:51,291 --> 00:56:52,166 ganoon ka rin. 778 00:56:54,708 --> 00:56:56,541 Ito rin ang kapalaran mo. 779 00:56:58,208 --> 00:57:01,333 Ang kaibahan mo lamang, wala kang mga larawan. 780 00:57:02,500 --> 00:57:04,666 Walang batang makaaalam sa pangalan mo. 781 00:57:04,750 --> 00:57:07,333 -Hindi n'yo batid ang sinasabi n'yo. -Batid ko. 782 00:57:08,708 --> 00:57:11,083 Ako pa nga mismo ang magtitiyak. 783 00:57:12,250 --> 00:57:13,666 Nagsulat ka raw ng libro. 784 00:57:14,500 --> 00:57:16,416 Titiyakin kong di 'yon maililimbag. 785 00:57:16,500 --> 00:57:18,666 Hangga't may nabubuhay na nagmamalasakit. 786 00:57:18,750 --> 00:57:21,541 Wala ka nang tinig paglisan mo sa mundong ito. 787 00:57:21,625 --> 00:57:22,958 Buburahin kita, 788 00:57:23,833 --> 00:57:26,500 gaya ng ginawa mo sa aking pinakamamahal. 789 00:57:26,583 --> 00:57:29,958 Hindi mo magagawa 'yan dahil wala kang karapatan. 790 00:57:30,041 --> 00:57:32,291 Nagawa ko na, G. Guiteau. 791 00:57:35,208 --> 00:57:37,291 Pumarito ako para ipaalam sa iyo 792 00:57:37,375 --> 00:57:40,000 na habang ikaw ay paakyat sa bitayan… 793 00:57:41,708 --> 00:57:43,083 kalilimutan ka na nila. 794 00:57:45,375 --> 00:57:46,750 Sandali. 795 00:57:47,875 --> 00:57:49,208 Sandali. 796 00:57:49,291 --> 00:57:50,916 Sandali! 797 00:58:22,291 --> 00:58:24,333 Ako po'y natalisod sa bitayan. 798 00:58:24,875 --> 00:58:25,958 Iho… 799 00:58:28,416 --> 00:58:31,291 Mula sa Mateo 10, talata 28, 800 00:58:32,416 --> 00:58:35,666 "At huwag kayong matakot sa mga pumapatay ng katawan 801 00:58:35,750 --> 00:58:38,500 "ngunit hindi nakapapatay sa kaluluwa, 802 00:58:39,208 --> 00:58:41,125 "bagkus ang katakutan ninyo 803 00:58:41,208 --> 00:58:45,750 "ay yaong makapagpapahamak sa kaluluwa at katawan sa impiyerno." 804 00:58:45,833 --> 00:58:48,375 Ang sabi rin ni Mateo, 805 00:58:51,208 --> 00:58:55,125 "Kung hindi ka maging tulad ng isang bata, 806 00:58:55,208 --> 00:58:58,875 hindi ka makapapasok sa Kaharian ng Langit." 807 00:59:01,541 --> 00:59:04,125 Ako'y tutungo sa Panginoon 808 00:59:04,208 --> 00:59:05,916 Ako'y nagagalak 809 00:59:06,000 --> 00:59:08,708 O, luwalhati aleluya! 810 00:59:08,791 --> 00:59:11,666 Luwalhati alelu— 811 00:59:11,750 --> 00:59:14,583 Nailigtas ko ang aking partido 812 00:59:14,666 --> 00:59:17,791 Nailigtas ko ang aking bayan 813 00:59:17,875 --> 00:59:21,333 Ako'y tutungo sa Panginoon 814 00:59:21,958 --> 00:59:25,416 Ako'y nagagalak 815 00:59:47,208 --> 00:59:51,583 Kaluwalhatian. 816 01:00:11,916 --> 01:00:12,750 Ginoo. 817 01:00:13,291 --> 01:00:14,208 Salamat, ginoo. 818 01:00:15,125 --> 01:00:16,583 Nagpasa si Chester Arthur 819 01:00:16,666 --> 01:00:19,291 ng mga makasaysayang reporma sa serbisyo sibil 820 01:00:19,375 --> 01:00:24,375 na humuhubog pa rin sa ating gobyerno hanggang sa kasalukuyan. 821 01:00:32,458 --> 01:00:37,625 Nagretiro siya pagkatapos ng isang termino at pumanaw sa sumunod na taon. 822 01:00:39,541 --> 01:00:44,000 Natalo si James Blaine kay Grover Cleveland noong 1884. 823 01:00:45,000 --> 01:00:48,750 Siya ang tumapos sa 24 na taong panalo ng partido na sinimulan ni Lincoln. 824 01:00:49,791 --> 01:00:55,250 Nawala si Roscoe Conkling sa politika. 825 01:00:56,583 --> 01:01:03,333 Pumanaw siya habang naglalakad pauwi noong Matinding Bagyong Niyebe ng 1888. 826 01:01:13,291 --> 01:01:18,375 Ang resulta ng awtopsiya sa utak ni Charles Guiteau ay walang napatunayan. 827 01:01:23,875 --> 01:01:30,541 Dinala ito sa imbakan at agad na nalimutan. 828 01:01:30,625 --> 01:01:33,416 UTAK 829 01:02:25,875 --> 01:02:28,708 Pinakasalan ni Mollie Garfield si Joe Brown 830 01:02:28,791 --> 01:02:32,625 sa balkonaheng ginawa ng kaniyang ama. 831 01:02:34,500 --> 01:02:37,166 Nabuhay nang 37 taon pa si Lucretia Garfield 832 01:02:37,250 --> 01:02:39,625 mula noong pumanaw ang kaniyang asawa. 833 01:04:47,958 --> 01:04:51,875 Nagsalin ng Subtitle: Jewel T