1 00:00:12,721 --> 00:00:17,183 Kaka-send ko lang sa lahat no'ng picture ng kotse ni Robert. 2 00:00:17,684 --> 00:00:21,021 Meron ding black Porsche Cayenne na lalabas. 3 00:00:22,272 --> 00:00:25,567 {\an8}At meron ding green Mercedes na lalabas. 4 00:00:26,526 --> 00:00:29,779 {\an8}Kung ano 'yong mauna, do'n tayo. 5 00:00:30,739 --> 00:00:35,160 Ni minsan di namin inakala na magagawa namin 'to. 6 00:00:35,160 --> 00:00:38,204 Kapag may dumating, alam n'yo na saan sila papunta. 7 00:00:38,204 --> 00:00:39,789 Kailangan n'yo lang bilisan. 8 00:00:42,167 --> 00:00:44,878 Gusto kong malaman ni Robert na kaya ko siyang hanapin. 9 00:00:47,464 --> 00:00:51,551 {\an8}Gusto kong matakot siya. Ma-stress siya. 10 00:00:52,802 --> 00:00:55,972 Gusto kong malaman niya na hindi na ako 'yong dati. 11 00:00:56,973 --> 00:00:58,099 Ayokong isipin niyang, 12 00:00:58,099 --> 00:01:03,146 "Siya pa rin 'yong dating mahina, submissive, sunod-sunuran, at takot." 13 00:01:04,022 --> 00:01:08,526 Gusto kong malaman niya, gagawin ko 'to, anuman ang mangyari. 14 00:01:23,666 --> 00:01:27,504 PART III: KUNG ANO ANG ITINANIM, SIYA RING AANIHIN 15 00:01:29,631 --> 00:01:32,759 Sabi sa 'kin ni Priscylla, "Gusto kong idemanda si Robert." 16 00:01:33,259 --> 00:01:35,845 {\an8}'Yong una kong sagot "teka lang" 17 00:01:36,346 --> 00:01:40,600 {\an8}dahil hindi mo alam kung ano'ng aabutin ng pagdemanda. 18 00:01:40,600 --> 00:01:43,770 Sobrang hirap talaga na magdemanda laban sa mga kulto 19 00:01:43,770 --> 00:01:47,941 {\an8}dahil hindi ilegal na magpatakbo ng kulto o maging miyembro ng kulto. 20 00:01:47,941 --> 00:01:52,695 {\an8}Kung magdedemanda ka ng cult leader, 21 00:01:52,695 --> 00:01:57,033 kailangang gumawa sila ng krimen sa kulto nila. 22 00:02:01,204 --> 00:02:05,125 Kailangan mong humanap ng gaya ng financial misconduct 23 00:02:05,125 --> 00:02:11,506 dahil hindi krimen 'yong kontrolin ang buhay ng isang tao. 24 00:02:13,508 --> 00:02:16,469 Binigay na ng ate ko 'yong mga ebidensiya niya. 25 00:02:17,846 --> 00:02:19,806 Mga bank statement, canceled na mga tseke. 26 00:02:19,806 --> 00:02:23,935 At nagdesisyon kaming i-share 'yong experience namin 27 00:02:23,935 --> 00:02:28,064 sa mga dancers dahil pareho rin sila ng naranasan. 28 00:02:28,565 --> 00:02:30,483 May kopya ka ba ng mga bank statement mo? 29 00:02:30,483 --> 00:02:33,820 - Oo! Nandito lahat! Siyempre! - Puwede mo buksan? 30 00:02:33,820 --> 00:02:35,822 Okay, ito 'yong Shekinah trend. 31 00:02:35,822 --> 00:02:38,366 Bibigyan ka nila ng $100,000. 32 00:02:39,325 --> 00:02:41,494 Ilalagay nila sa bank account mo. 33 00:02:41,494 --> 00:02:46,082 {\an8}Tapos ilalabas nila 'yong pera, at sasabihing, 34 00:02:46,082 --> 00:02:50,253 {\an8}"Okay, ibinibigay mo na sa Shekinah Church lahat ng perang 'to." 35 00:02:50,253 --> 00:02:53,423 So, kung sinabi nilang binayaran ka nila ng 102,000, 36 00:02:53,423 --> 00:02:57,343 goal ko na malaman kung magkano dito 'yong binigay mo sa Shekinah, 37 00:02:57,343 --> 00:03:00,597 magkano rito 'yong binayad mo bilang renta, 38 00:03:01,264 --> 00:03:05,226 magkano rito 'yong binayad mo kay Hannah, Isaiah, lahat-lahat na. 39 00:03:05,226 --> 00:03:09,230 - Halos lahat na yata ng pera ko. - Sige. 40 00:03:09,230 --> 00:03:14,152 Dahil pinabayad ako ng photography fee ni RainO o Isaiah, 41 00:03:14,152 --> 00:03:16,571 pati rin sa renta, 42 00:03:17,071 --> 00:03:20,783 {\an8}20% management fee na kailangang ibigay sa 7M. 43 00:03:20,783 --> 00:03:22,911 At meron din no'ng ten, ten, ten. 44 00:03:22,911 --> 00:03:25,580 Tithes, offerings, at kay Man of God. 45 00:03:26,414 --> 00:03:27,498 30% sa church? 46 00:03:28,333 --> 00:03:30,001 Minsan sobra pa. 47 00:03:30,001 --> 00:03:32,754 Minsan magbibigay ako ng 50% ng kita ko. 48 00:03:34,088 --> 00:03:35,089 Sige. 49 00:03:36,674 --> 00:03:41,387 {\an8}Kung pagsasamahin, siguro mga 60 hanggang 70% ang ibinibigay ko. 50 00:03:42,222 --> 00:03:43,640 {\an8}Wala pang tax 'yon. 51 00:03:44,390 --> 00:03:47,977 {\an8}Pinapalabas nila na iba't ibang entity 'yong binabayaran mo, 52 00:03:48,645 --> 00:03:49,646 pero hindi pala. 53 00:03:50,313 --> 00:03:52,065 Napupunta lahat kay Robert. 54 00:03:55,026 --> 00:03:55,860 Oo. 55 00:03:58,196 --> 00:04:01,866 Kailangan natin 'tong isama sa ikakaso. 56 00:04:03,785 --> 00:04:06,663 {\an8}Nakausap namin si Priscylla, 57 00:04:06,663 --> 00:04:09,415 {\an8}at pumunta siya rito actually, sa couch na 'to mismo. 58 00:04:09,415 --> 00:04:13,628 {\an8}Umupo lang kami at nakinig sa kuwento niya na umabot nang dalawa't kalahating oras, 59 00:04:13,628 --> 00:04:14,837 {\an8}talagang umiiyak siya. 60 00:04:15,588 --> 00:04:17,799 Grabe no'ng sinabi niya 'yong kuwento niya. 61 00:04:17,799 --> 00:04:20,426 Sobra akong nagalit na parang gusto ko nang manakit. 62 00:04:20,426 --> 00:04:24,013 Pero sabi ko na lang, "Di nila alam kung sino'ng binabangga nila." 63 00:04:24,013 --> 00:04:27,475 {\an8}Unang beses naming marinig lahat ng 'yon. 64 00:04:27,475 --> 00:04:30,186 {\an8}At ang nasabi lang namin, 65 00:04:30,186 --> 00:04:33,982 "Paanong ang liit nating grupo sa maliit na church, 66 00:04:34,565 --> 00:04:37,277 tapos wala tayong kaalam-alam na nangyayari 'to?" 67 00:04:37,277 --> 00:04:38,987 Sa pera pa lang. 68 00:04:38,987 --> 00:04:41,406 Sabi ko, "Okay. Naiintindihan ko na." 69 00:04:42,323 --> 00:04:45,410 Sinabi niya sa 'min na may abogado siya, 70 00:04:45,410 --> 00:04:47,495 gusto niyang kasuhan siya, 71 00:04:47,495 --> 00:04:49,831 at nasa sa amin na kung gusto naming sumama. 72 00:04:49,831 --> 00:04:53,835 Alam naming mahabang proseso 'to. Talagang taon. 73 00:04:53,835 --> 00:04:56,713 Gusto kong sumama sa kaso. 74 00:04:56,713 --> 00:04:58,965 Gagawin at gagawin niya sa iba. 75 00:04:58,965 --> 00:05:00,591 Di ko hahayaan 'tong taong 'to. 76 00:05:01,259 --> 00:05:03,553 Tapos, idinemanda kami ni Robert. 77 00:05:04,053 --> 00:05:07,223 No'ng marinig niyang magdedemanda kami, dinemanda na niya ako. 78 00:05:08,182 --> 00:05:09,309 Galit na galit ako. 79 00:05:11,853 --> 00:05:14,480 Sobrang impersonal ng legal process. 80 00:05:14,480 --> 00:05:17,233 Pero sa 'kin, personal na personal 'to. 81 00:05:17,233 --> 00:05:20,820 Para bang nakaupo si Robert sa harap ko, parang tayo. 82 00:05:20,820 --> 00:05:23,823 At nakatingin ako sa mukha niya, "Tatalunin kita." 83 00:05:26,534 --> 00:05:29,704 Kung tatanungin mo 'ko kung ano dapat 'yong hustisya rito, 84 00:05:31,080 --> 00:05:35,793 gusto kong mawala kay Robert lahat ng pera niya. 85 00:05:36,669 --> 00:05:37,837 Hanggang sa maubos. 86 00:05:38,546 --> 00:05:40,590 Dahil 'yon ang pinakamahalaga para kay Robert. 87 00:05:41,424 --> 00:05:43,634 ...kung magpakita si David, ibibigay mo... 88 00:05:43,634 --> 00:05:44,719 Sige. 89 00:05:44,719 --> 00:05:46,888 - Robert at Isaiah. - David. 90 00:05:46,888 --> 00:05:51,851 So kung may nagdemanda sa 'yo, ipapaalam nila sa 'yo. 91 00:05:51,851 --> 00:05:54,604 Puwede mong ipadaan sa isang kompanya 92 00:05:54,604 --> 00:05:57,148 na hahanap sa kanila at magpapaalam sa kanila, 93 00:05:57,815 --> 00:05:59,650 pero puwedeng ilang buwan pa 'yon. 94 00:06:00,485 --> 00:06:01,611 Ako 'yong nagdedemanda. 95 00:06:02,612 --> 00:06:03,946 Hahabulin ko siya. 96 00:06:04,781 --> 00:06:07,283 Di ko 'to ipapaubaya sa ibang tao. 97 00:06:07,867 --> 00:06:12,080 Pero di namin magagawa dahil parte kami no'ng kaso. 98 00:06:12,914 --> 00:06:16,000 {\an8}Kaya nagpatulong si Melanie sa mga kaibigan niya. 99 00:06:16,000 --> 00:06:19,253 {\an8}Sasabihin n'yo 'yong pangalan at iiwan n'yo. Di nila kailangang abutin. 100 00:06:19,253 --> 00:06:21,923 - Sabihin 'yong pangalan at ihagis? - Puwede na 'yon. 101 00:06:21,923 --> 00:06:23,383 - 'Yon na. Tara na. - Sige. 102 00:06:43,986 --> 00:06:46,781 {\an8}30 minutes na lang, grabe. 103 00:06:47,698 --> 00:06:48,783 Grabe. 104 00:06:54,038 --> 00:06:58,751 Melanie, halatang-halata 'yong likuran ng puting Tesla mo. 105 00:06:58,751 --> 00:07:00,044 Kitang-kita ko dito. 106 00:07:00,044 --> 00:07:03,673 Baka makita ka na bago mo pa sila masundan. 107 00:07:04,173 --> 00:07:06,134 Sige, papakanan ako. 108 00:07:08,177 --> 00:07:09,011 Sige. 109 00:07:11,097 --> 00:07:12,348 Okay na? 110 00:07:15,184 --> 00:07:17,562 Hindi pa pero sasabihin ko na lang oo. 111 00:07:18,396 --> 00:07:19,605 Sige, puwede na. 112 00:07:19,605 --> 00:07:24,694 Sasabihin ko sa lahat oras na magbukas 'yong gate, 113 00:07:24,694 --> 00:07:29,115 {\an8}para bukas lahat ng makina n'yo at puwede na kayong sumunod. 114 00:07:33,744 --> 00:07:37,582 Sobrang weird na pumunta sa lugar na dati kong tahanan. 115 00:07:39,459 --> 00:07:43,880 Pakiramdam ko talaga na tahanan ko. Akala ko, habambuhay ako dito 116 00:07:44,422 --> 00:07:49,802 Akala ko, doon lang ako sa kuwartong 'yon hanggang sa dumating si Jesus. 117 00:07:50,887 --> 00:07:53,723 As in stucked na doon buong buhay ko. 118 00:08:07,403 --> 00:08:08,863 Palabas na si Robert! 119 00:08:10,406 --> 00:08:11,532 Okay, copy. 120 00:08:17,622 --> 00:08:18,623 Mask ko. 121 00:08:21,667 --> 00:08:23,544 Grabe. 'Yong tibok ng puso ko. 122 00:08:24,879 --> 00:08:28,466 Shit. Kumanan si Robert... Hattie, ikaw na. 123 00:08:28,466 --> 00:08:30,343 Kumanan si Robert! Hattie! 124 00:08:30,843 --> 00:08:32,011 Sige. Copy. 125 00:08:38,768 --> 00:08:39,810 Kristin, nasaan ka? 126 00:08:40,895 --> 00:08:44,857 Nag-beating the red light siya, hinahabol ko pa lang. 127 00:08:49,070 --> 00:08:50,696 Kita ko na yata siya. 128 00:08:57,286 --> 00:08:59,789 Pumarada si Robert sa Korean restaurant. 129 00:09:11,717 --> 00:09:12,718 Ayan na sila. 130 00:09:13,803 --> 00:09:15,972 Okay, papasok na sila. 131 00:09:15,972 --> 00:09:17,098 Sige. 132 00:09:23,271 --> 00:09:24,480 Shit. 133 00:09:25,064 --> 00:09:26,190 Nasaan si Robert? 134 00:09:31,946 --> 00:09:34,949 - Robert Shin, you've been served. - Sige. 135 00:09:35,533 --> 00:09:37,451 Matthew Shinn, you've been served. 136 00:09:38,160 --> 00:09:39,954 - Ikaw si Isaiah? - Hindi. 137 00:09:41,247 --> 00:09:42,248 Ikaw rin. 138 00:09:44,292 --> 00:09:45,293 Have a nice day. 139 00:09:55,720 --> 00:09:59,140 - Kita mo 'yong unang serving namin! - Ang galing n'yo. 140 00:09:59,140 --> 00:10:01,892 Kita mo. Talagang nakatulong kayo. 141 00:10:01,892 --> 00:10:03,102 Sobrang effective no'n. 142 00:10:03,102 --> 00:10:06,314 - Magsabi lang kayo next time. - Gusto mo pang ulitin? 143 00:10:06,314 --> 00:10:07,273 - Oo. - Oo. 144 00:10:08,774 --> 00:10:12,153 - Undercover white guy! Saktong-sakto! - Mga babae naman. 145 00:10:27,418 --> 00:10:28,794 Ang weird. 146 00:10:29,879 --> 00:10:31,339 Ang sama sa pakiramdam. 147 00:10:40,139 --> 00:10:41,223 Ewan ko. 148 00:10:44,977 --> 00:10:47,855 Siguro dahil ilang taon ko rin silang prinotektahan. 149 00:10:50,650 --> 00:10:53,027 At ginawa kong trabaho 'yon. 150 00:10:55,655 --> 00:10:57,782 Inilaan ko 'yong buhay ko para do'n. 151 00:11:04,038 --> 00:11:07,458 Di masama ang loob ko na dinedemanda ko sila dahil hustisya 'to... 152 00:11:09,960 --> 00:11:11,921 siguro 'yong human part lang sa sarili ko. 153 00:11:16,759 --> 00:11:18,761 Umaasa kang sana di umabot sa ganito. 154 00:11:26,686 --> 00:11:29,397 'Yong mga nagdemanda laban kay Robert Shinn, 155 00:11:29,397 --> 00:11:31,524 matagal ang magiging laban nila. 156 00:11:32,483 --> 00:11:38,280 Gusto kong sabihin na malapit na silang magkawatak-watak. 157 00:11:38,781 --> 00:11:43,494 Pero alam na natin na mahirap buwagin ang mga grupong ganito. 158 00:11:45,538 --> 00:11:50,543 May isang tao lang na nangahas na noon na idemanda si Robert, at natalo siya. 159 00:11:50,543 --> 00:11:52,128 Noong 2009, 160 00:11:52,128 --> 00:11:55,715 idinemanda si Pastor Shinn ng dating church member na si Lydia Chung. 161 00:11:55,715 --> 00:11:59,301 Idinemanda niya si Robert sa kasong pagnanakaw, pambe-brainwash, 162 00:11:59,301 --> 00:12:01,762 at paglayo sa kaniya sa pamilya niya. 163 00:12:01,762 --> 00:12:04,098 Bakit parang pamilyar 'yon? 164 00:12:04,682 --> 00:12:08,602 Sabi ng judge na parang merong psychological manipulation, 165 00:12:09,103 --> 00:12:14,024 pero sinabi niya ring, "Wala akong magagawa rito dahil 166 00:12:14,024 --> 00:12:17,194 protektado ng First Amendment ang mga religious organization." 167 00:12:20,948 --> 00:12:24,410 'Yong mga nasa tamang edad nang nagdesisyon na sumali sa isang grupo 168 00:12:24,410 --> 00:12:26,746 at naniniwala sa ideology nila, 169 00:12:26,746 --> 00:12:31,459 malawak man 'yong kontrol ng grupong 'yon 170 00:12:31,459 --> 00:12:36,714 sa buhay at pag-iisip nila, hindi na 'yon concern ng batas. 171 00:12:36,714 --> 00:12:40,593 So, psychological manipulation, coercion, extortion... 172 00:12:40,593 --> 00:12:44,972 Itong lawsuit na 'to, tingin ko tama lang talaga, 173 00:12:44,972 --> 00:12:47,725 pero tingin ko may kailangan pang gawin. 174 00:12:49,143 --> 00:12:54,523 {\an8}Hindi babalik ang ate ko hangga't di nakukulong si Robert. 175 00:12:56,108 --> 00:13:01,238 Di sa mapipigil si Robert sa ginagawa niya ng isang demanda. 176 00:13:01,781 --> 00:13:06,160 Kailangan nila ng criminal case para makulong siya. 177 00:13:06,160 --> 00:13:10,498 {\an8}Ano'ng kailangan ng police department para magkaroon ng criminal case? 178 00:13:11,165 --> 00:13:13,417 Kailangan ninyong isama lahat ng biktimang 'to, 179 00:13:13,417 --> 00:13:17,463 lahat ng mga bata na umalis, sasama sa inyo sa estasyon, 180 00:13:17,463 --> 00:13:20,299 at sabihing, "Gusto ko maghain ng reklamong sexual assault," 181 00:13:20,299 --> 00:13:22,718 kung saan papangalanan nila 'yong supect, 182 00:13:22,718 --> 00:13:25,679 "Ginawa ni Robert sa 'kin 'to," 183 00:13:26,263 --> 00:13:27,973 comma, sasabihin nila, 184 00:13:27,973 --> 00:13:33,020 "At alam ko ring may iba pang biktima. Di lang sila makapagsalita." 185 00:13:33,020 --> 00:13:33,938 Maganda 'yon. 186 00:13:33,938 --> 00:13:37,441 Lahat ng kilala n'yong kailangan mag-file ng anumang reklamo nila. 187 00:13:37,441 --> 00:13:41,862 Sexual coercion, rape, lahat ng maliliit na detalye. 188 00:13:43,322 --> 00:13:46,534 May mga kilala kaming babae na may pinagdaanan din kay Robert. 189 00:13:46,534 --> 00:13:48,911 Kailangan na namin silang kausapin 190 00:13:48,911 --> 00:13:53,415 at tingnan kung willing sila na mag-file ng police report, magsalita. 191 00:13:55,251 --> 00:13:59,964 {\an8}Gusto talaga naming magkaroon ng criminal case laban sa kaniya. 192 00:14:00,881 --> 00:14:07,555 At kailangan namin ng mga tao na magre-report ng first-hand experience. 193 00:14:08,430 --> 00:14:09,348 {\an8}Sige. 194 00:14:11,725 --> 00:14:14,645 {\an8}Gusto kong pagbayaran niya 'yong ginawa niya. 195 00:14:15,145 --> 00:14:20,109 Pero nag-aalala pa rin ako kay Robert, na baka bumawi siya. 196 00:14:20,109 --> 00:14:22,611 - Sige. - Sige at kung... 197 00:14:22,611 --> 00:14:28,367 At naiintindihan naman namin na magiging mahirap pag-usapan 'to. 198 00:14:29,702 --> 00:14:30,703 Oo. 199 00:14:33,831 --> 00:14:38,544 So, 'yong pinapalabas nila 200 00:14:38,544 --> 00:14:42,756 ay parang karangalan sa church na 'yon na makasama siya. 201 00:14:44,091 --> 00:14:48,846 May mga kilala akong malapit sa kaniya na nagmamasahe sa kaniya. 202 00:14:50,472 --> 00:14:52,141 Kung tinanong ka, "Puwede mo bang..." 203 00:14:52,141 --> 00:14:55,895 Kung minasahe mo siya, mapapaano ka, "Wow, privilege 'to." 204 00:14:56,520 --> 00:14:59,857 Kaya susundin mo talaga. 205 00:14:59,857 --> 00:15:01,483 Susunod ka dahil akala mo, 206 00:15:01,483 --> 00:15:04,111 "Kung sinunod ko ang Man of God, sinusunod ko ang Diyos." 207 00:15:04,111 --> 00:15:07,323 Pero pagdating ko do'n, sabi niya, 208 00:15:08,115 --> 00:15:11,243 "Magpalit ka, tanggalin mo 'yang bra mo. Isuot mo 'to." 209 00:15:11,243 --> 00:15:15,205 Ako naman, "Hindi na po. Okay na akong ganito." 210 00:15:15,205 --> 00:15:18,792 - Alam n'yo 'yon? "Ayos lang ako." - Oo. 211 00:15:18,792 --> 00:15:21,295 Mapilit siya pero tumanggi talaga ako. 212 00:15:21,879 --> 00:15:23,047 Pero... 213 00:15:23,047 --> 00:15:28,093 Oo, piniringan niya ako, at sinabi niyang masahiin ko siya. 214 00:15:28,761 --> 00:15:31,805 Pero no'ng minasahe ko siya, wala siyang suot. 215 00:15:33,015 --> 00:15:38,312 Pagbaba, gusto niyang masahiin ko 'yong ano niya... 216 00:15:39,855 --> 00:15:41,023 private parts niya. 217 00:15:41,941 --> 00:15:43,442 Gano'n... 218 00:15:43,442 --> 00:15:45,444 At pag-alis namin, 219 00:15:45,444 --> 00:15:48,030 sinabihan kaming wag sabihin sa iba. 220 00:15:48,781 --> 00:15:50,616 Kahit na pag-usapan. 221 00:15:52,910 --> 00:15:53,744 Ayun. 222 00:16:02,252 --> 00:16:06,090 Bilang Man of God, di ko naisip na may gagawin siya 223 00:16:06,090 --> 00:16:08,467 na masama sa 'kin o sa kahit na sino. 224 00:16:10,386 --> 00:16:12,179 Boom. Balewala lang. 225 00:16:13,806 --> 00:16:17,393 Pero pagkatapos makita 'yong mga akusasyon sa kaniya, 226 00:16:17,393 --> 00:16:21,188 talagang na-realize ko na 227 00:16:21,188 --> 00:16:24,108 pareho kami ng sitwasyon ng mga babaeng 'to. 228 00:16:27,319 --> 00:16:30,239 Nasa gym si Robert at 'yong ibang dancer 229 00:16:30,239 --> 00:16:32,992 at sobrang sama no'ng back pain ko. 230 00:16:34,159 --> 00:16:37,579 Sinabi ko sa kaniya, "Back problem ko po talaga 'to." 231 00:16:38,288 --> 00:16:42,251 Bilang Man of God, naniniwala kami na kaya niyang magpagaling. 232 00:16:43,168 --> 00:16:45,504 Akala ko ipagdadasal niya ako, 233 00:16:45,504 --> 00:16:48,507 pero ang sabi niya, "Puwede nating patunugin 'yang likod mo." 234 00:16:48,507 --> 00:16:53,012 At ako namang di nagbigay ng malisya, "Sige po." 235 00:16:53,012 --> 00:16:55,305 So lumabas kami, at pinatunog na niya, 236 00:16:55,305 --> 00:17:00,185 at parang hindi intentional na pinapatunog niya 'yong likod ko. 237 00:17:00,185 --> 00:17:05,107 Parang sinusubukan niyang hawakan 'yong buong katawan ko. 238 00:17:08,027 --> 00:17:10,320 Pakiramdam ko no'n, "Ang weird nito." 239 00:17:11,780 --> 00:17:16,326 "Pero di naman siguro niya gagawin 'yon, awkward moment lang siguro." 240 00:17:17,786 --> 00:17:18,996 "Man of God siya." 241 00:17:25,711 --> 00:17:27,337 {\an8}Doktor ako, alam n'yo 'yon? 242 00:17:29,173 --> 00:17:30,674 {\an8}Hubad na katawan. Halika. 243 00:17:30,674 --> 00:17:31,967 {\an8}Para bang... 244 00:17:34,803 --> 00:17:38,223 - Praise the Lord. - Praise the Lord. 245 00:17:38,223 --> 00:17:40,642 - Walang problema ang Diyos do'n. - Tama. 246 00:17:43,562 --> 00:17:47,357 Nakita namin si Miranda at sabi ko, "Na-miss kita. Kape tayo." 247 00:17:47,357 --> 00:17:49,943 Pero pagkayakap ko sa kaniya, umiiyak siya. 248 00:17:50,444 --> 00:17:52,571 - Talagang humagulgol. - Talaga? 249 00:17:52,571 --> 00:17:55,991 At umiyak na rin ako dahil kaibigan ko siya, e. 250 00:17:55,991 --> 00:17:57,826 - Oo. - At nalungkot ako. 251 00:17:57,826 --> 00:18:01,622 So umiiyak ako, at pag-alis namin, umiiyak pa rin kami. 252 00:18:01,622 --> 00:18:04,833 Pero sabi ko, "Sign ba 'yon? Inaano ba siya..." 253 00:18:05,417 --> 00:18:08,378 "Na-miss lang ba talaga niya ako at umiyak siya, 254 00:18:08,378 --> 00:18:11,799 o may sinasabi ba siya sa 'kin?" 255 00:18:13,217 --> 00:18:15,552 May mga malapit pa rin sa puso kong tao do'n. 256 00:18:15,552 --> 00:18:19,765 Tingin ko 'yon 'yong talagang nagpapalungkot sa 'kin. 257 00:18:20,849 --> 00:18:22,309 Talagang dahil... 258 00:18:23,977 --> 00:18:25,938 May mga kaibigan ako do'n. 259 00:18:30,067 --> 00:18:31,318 Iniisip ko, 260 00:18:31,318 --> 00:18:34,238 "Paano kung isa na namang Kylie ang pumunta sa church 261 00:18:34,238 --> 00:18:37,449 at susubukan niyang ulitin 'yon sa kaniya?" 262 00:18:38,033 --> 00:18:42,454 Kung maglalakas-loob akong mag-report, matutulungan ko 263 00:18:42,454 --> 00:18:46,041 'yong susunod na taong mapapadpad do'n, 'yong susunod na biktima. 264 00:18:46,041 --> 00:18:49,461 Pero kung nanahimik ako dahil lang di ko kayang magkuwento, 265 00:18:49,461 --> 00:18:50,838 sino'ng tinutulungan ko? 266 00:19:01,431 --> 00:19:03,934 No'ng nando'n na ako para magsalita, 267 00:19:03,934 --> 00:19:06,770 kinuwento ko sa front desk. 268 00:19:06,770 --> 00:19:09,398 Tapos sabi nila, "Sa room tayo." 269 00:19:11,233 --> 00:19:13,485 Sabi nila, "Kailangan pa namin ng detalye." 270 00:19:13,485 --> 00:19:15,779 "Kailangan buong detalye ang sabihin mo." 271 00:19:15,779 --> 00:19:19,158 At kung ano-ano 'yong tinanong nila. 272 00:19:21,034 --> 00:19:25,122 Sobrang daming nakatingin sa 'kin. Sobrang uncomfortable na magsalita. 273 00:19:26,081 --> 00:19:29,376 At iba't ibang police officer 'yong pinapapasok nila. 274 00:19:29,376 --> 00:19:33,297 Tapos, sabi nila, "Ba't ngayon ka lang nagsalita?" 275 00:19:33,297 --> 00:19:35,174 "Ano pang impormasyon ang meron ka?" 276 00:19:35,174 --> 00:19:39,595 Pakiramdam ko may mali akong ginawa, kahit ako naman talaga 'yong biktima. 277 00:19:41,096 --> 00:19:43,599 Ang hirap isipin, ang bigat sa dibdib. 278 00:19:44,099 --> 00:19:45,100 Mahirap. 279 00:19:47,102 --> 00:19:50,063 Sabi sa 'kin, "Oo, kita ko 'yong kaso, filed na, 280 00:19:50,063 --> 00:19:55,277 pero kailangan pa namin ng iba para arestuhin siya." 281 00:19:55,277 --> 00:19:58,822 "Magdala ka pa ng ibang babae at aarestuhin natin siya." 282 00:19:59,448 --> 00:20:05,078 Kailangan pumunta sila do'n at kailangang in person. 283 00:20:06,455 --> 00:20:08,373 Sinabi sa 'ming... 284 00:20:09,333 --> 00:20:11,126 Grabe 'to. 285 00:20:11,627 --> 00:20:14,713 ...kailangan pa nila ng ibang babaeng magsasalita 286 00:20:15,297 --> 00:20:19,968 para arestuhin siya sa anumang kaso ng sexual assault. 287 00:20:21,345 --> 00:20:25,015 {\an8}'Yon na yata ang pinakamalala kong narinig. 288 00:20:25,015 --> 00:20:26,475 Di pa sapat 'yong isa. 289 00:20:26,475 --> 00:20:29,228 Di pa sapat 'yong isang tao, isang babae. 290 00:20:29,728 --> 00:20:36,109 Kung may dalawa o tatlong ka pang kilala, makakabuo tayo ng kaso. 291 00:20:45,285 --> 00:20:47,913 Tanong nila sa 'kin, "Bakit ngayon lang?" 292 00:20:47,913 --> 00:20:50,916 Sabi ko, "Dahil ginagawa pa rin niya sa iba." 293 00:20:50,916 --> 00:20:56,964 "Kaya gusto kong tumulong sa kaso at mapahinto na siya." 294 00:20:56,964 --> 00:20:59,174 "Na mabuo 'tong kaso." 295 00:20:59,841 --> 00:21:01,385 Kaya salamat, guys. 296 00:21:01,385 --> 00:21:06,723 Dahil hindi ko talaga alam na may magagawa pala ako. 297 00:21:06,723 --> 00:21:09,101 - Kaya salamat sa inyo. - Wow. 298 00:21:10,060 --> 00:21:13,689 Kaso lang sinabi nila na pupunta sa DA, 299 00:21:13,689 --> 00:21:17,317 at 'yong DA na ang magdedesisyon kung uusad. 300 00:21:17,985 --> 00:21:21,613 Oo, at kailangan pa ng ibang babae na dapat magsalita. 301 00:21:21,613 --> 00:21:22,531 Oo. 302 00:21:23,740 --> 00:21:26,785 Wala ka na do'n, at siguradong ayaw mo na ng gulo, 303 00:21:26,785 --> 00:21:29,246 at ayaw mo nang alalahanin, 304 00:21:29,246 --> 00:21:33,667 pero may mga idea ka ba sa pag-file ng police report? 305 00:21:33,667 --> 00:21:36,837 Siguro i-share mo 'yong pinagdaanan mo? 306 00:21:38,380 --> 00:21:43,218 Pakiramdam ko, nasa punto na kami na wala na kaming ibang alam na gagawin. 307 00:21:43,218 --> 00:21:48,807 Nakikita ko 'yong effort ng magulang mo, ikaw mismo, at ibang tao, 308 00:21:48,807 --> 00:21:54,521 at ilang beses na akong pinakiusapan na mag-file ng police report. 309 00:21:55,897 --> 00:21:58,734 Di ko ginawa dahil una, di maganda sa pakiramdam, 310 00:21:58,734 --> 00:22:02,362 pero higit pa do'n, di ko pa ginawa dahil pakiramdam ko, 311 00:22:02,362 --> 00:22:05,157 wala siyang patutunguhan, hindi uusad. 312 00:22:10,746 --> 00:22:14,708 Ilang beses ko bang dapat ikuwento 'yong pinagdaanan ko? 313 00:22:15,250 --> 00:22:16,501 Hindi ako proud do'n. 314 00:22:17,627 --> 00:22:21,631 'Yong maupo do'n at, randomly, dalawang pulis, 315 00:22:21,631 --> 00:22:25,969 isa, dalawa, o tatlo, random lang, sinumang nando'n, available. 316 00:22:25,969 --> 00:22:27,054 "Sige, sunod." 317 00:22:28,221 --> 00:22:30,974 "Sige na. Sabihin mo 'yong nangyari sa 'yo." 318 00:22:31,558 --> 00:22:35,187 'Yong ilagay ko ulit 'yong sarili ko do'n 319 00:22:35,687 --> 00:22:39,900 para sa bagay na wala naman akong mapapala, 320 00:22:39,900 --> 00:22:41,360 ba't ko gagawin 'yon? 321 00:22:42,277 --> 00:22:44,821 Mas madaling lumimot na lang at magpakalayo. 322 00:22:44,821 --> 00:22:47,032 One, two, three! 323 00:22:51,328 --> 00:22:53,205 High five! Yes! 324 00:23:05,300 --> 00:23:07,511 Noong una, sabi niya... 325 00:23:09,262 --> 00:23:13,308 masyado siyang busy para alagaan si Devyn, 'yong anak ko. 326 00:23:15,310 --> 00:23:18,563 No'ng pinilit ko pa siya, at sinabi kong, "Di ko maintindihan," 327 00:23:19,064 --> 00:23:21,733 na-realize ko agad na sa di ko maipaliwanag na dahilan, 328 00:23:21,733 --> 00:23:25,028 gusto niya munang malayo sa amin, 329 00:23:25,570 --> 00:23:27,697 at pakiramdam ko 330 00:23:27,697 --> 00:23:30,617 na wala na nga siya nitong huling pito, walong taon... 331 00:23:31,410 --> 00:23:33,787 Bilang ate ko, 332 00:23:34,287 --> 00:23:38,250 iniisip ko na di ba dapat gusto niyang bumawi sa nasayang na panahon 333 00:23:38,250 --> 00:23:40,085 dahil 'yon ang gagawin ko kung ako. 334 00:23:40,085 --> 00:23:42,129 Gusto kong makabawi ako. 335 00:23:42,671 --> 00:23:45,173 Pero hindi yata kami pareho. 336 00:23:49,428 --> 00:23:53,056 Inalok kita pag-alis ko sa Shekinah na sumama sa 'kin, 337 00:23:53,056 --> 00:23:54,975 at sabi mo, "Hindi, dito lang ako." 338 00:23:54,975 --> 00:23:56,435 At sobra no'ng... 339 00:23:57,477 --> 00:23:59,938 Isa 'yon sa mga pinakanaaalala ko... 340 00:24:01,898 --> 00:24:04,901 isa sa mga moment na talagang nadurog 'yong puso ko. 341 00:24:05,402 --> 00:24:06,319 Dahil wala akong... 342 00:24:06,319 --> 00:24:11,616 Alam kong kung iiwan kita do'n, di ko na alam kung makikita pa kita. 343 00:24:12,701 --> 00:24:15,537 Medyo matagal din, pero tinanggap ko nang... 344 00:24:17,164 --> 00:24:20,417 kailangan ko nang mag-move on, at buoin 'yong buhay ko... 345 00:24:22,169 --> 00:24:25,839 at ilagay 'yong sarili ko sa lugar na puwede kitang tulungan 346 00:24:26,339 --> 00:24:28,175 kung sakali na magdesisyon kang umalis. 347 00:24:28,175 --> 00:24:33,013 Kaya tuwing lumilipat kami, 348 00:24:33,013 --> 00:24:35,390 sinasabi ko lagi kay David na dapat may guest room. 349 00:24:36,016 --> 00:24:39,936 Pero pag-alis mo, inisip ko talaga, 350 00:24:39,936 --> 00:24:42,022 "Paano ko ba talaga siya masusuportahan?" 351 00:24:42,939 --> 00:24:45,942 Naaalala ko pa 'yong struggles ko pag-alis ko 352 00:24:45,942 --> 00:24:50,030 at alam ko mismo 'yong pinagdadaanan mo mentally, emotionally. 353 00:24:50,780 --> 00:24:54,701 Nandito ako para suportahan ka, pero di ko malalaman kung di ka magsasabi. 354 00:24:56,453 --> 00:24:59,706 - Ayos lang sa 'king pag-usapan... - Kailangan ko lang ng space. 355 00:25:00,457 --> 00:25:04,085 Ang gusto ko lang naman... 356 00:25:04,085 --> 00:25:06,796 Gusto mong gawin ko 'yong bagay na hindi ko kaya. 357 00:25:06,796 --> 00:25:09,216 Di ko alam kung ba't galit ka dahil ayoko. 358 00:25:09,216 --> 00:25:12,427 Ang kailangan ko para manatili 'tong relationship natin 359 00:25:12,427 --> 00:25:15,096 ay basic level of communication. 360 00:25:15,096 --> 00:25:16,223 Basic? Basic. 361 00:25:16,223 --> 00:25:19,434 Kunwari, no'ng birthday ni Devyn, 362 00:25:20,268 --> 00:25:24,397 no'ng sinabi mong, "Sige, puwede kitang tulungang mag-set up nang maaga," 363 00:25:24,397 --> 00:25:27,317 pero late ka dumating, pagkatapos nang magsimula. 364 00:25:27,817 --> 00:25:31,863 Ang gusto ko lang, sinabi mo sana sa 'kin no'ng party, 365 00:25:31,863 --> 00:25:34,783 "Late ako kasi..." 366 00:25:34,783 --> 00:25:37,827 Bakit kailangan kong sabihin 'yon? 367 00:25:37,827 --> 00:25:41,289 Dahil lahat ng dumating na late, nagsabing, "Sorry, late ako." 368 00:25:43,083 --> 00:25:45,043 Kung ako 'yong na-late... 369 00:25:45,043 --> 00:25:46,419 Party lang 'yon. 370 00:25:46,419 --> 00:25:49,130 Oo nga, pero birthday ni Devyn. 371 00:25:51,466 --> 00:25:55,262 - Di lang basta party. - Sige, naiintindihan ko na. 372 00:25:55,262 --> 00:25:58,056 Tingin ko, ine-expect mo na magiging normal ako. 373 00:25:58,974 --> 00:26:01,226 "Lahat ng kaibigan ko ganito, ba't ikaw hindi?" 374 00:26:01,851 --> 00:26:03,436 Hindi ako sila. 375 00:26:05,063 --> 00:26:07,107 Dysfunctional ako na ate. 376 00:26:08,066 --> 00:26:10,652 Sa 'yo, parang, "Common sense lang." 377 00:26:10,652 --> 00:26:14,781 "Birthday ni Devyn. Anak ko siya. Tita ka niya." 378 00:26:15,282 --> 00:26:17,075 Sa 'yo, common sense. 379 00:26:18,827 --> 00:26:23,081 Meron akong internal issue at iniisip mo na tungkol lahat sa 'yo. 380 00:26:23,873 --> 00:26:26,084 Hindi tungkol sa 'yo 'to. Naiin... 381 00:26:26,084 --> 00:26:30,255 "Pero anak ko siya." Ano'ng alam ko do'n? 382 00:26:36,886 --> 00:26:40,807 Hindi ko alam kung paano mag-aruga ng isang bata! 383 00:26:44,603 --> 00:26:46,396 Paano mo nagagawang magalit? 384 00:26:50,150 --> 00:26:51,943 Tingnan mo 'ko, Melanie! 385 00:26:56,239 --> 00:26:58,366 Kailangan ko pa bang pasanin 'yon? 386 00:27:01,119 --> 00:27:03,663 Sinabi ko na sa 'yo, gusto ko nang mamatay, 387 00:27:03,663 --> 00:27:07,125 tapos gusto mo on time ako sa birthday party ng anak mo? 388 00:27:07,125 --> 00:27:09,210 Sabihing, "Sorry kasi late ako"? 389 00:27:10,837 --> 00:27:14,132 Pupunta ako o magpapakamatay, ano'ng gusto mong gawin ko? 390 00:27:26,144 --> 00:27:29,022 Wish ko na magkaanak ako. 391 00:27:30,649 --> 00:27:31,775 'Yong mabuntis. 392 00:27:32,942 --> 00:27:34,903 Sinasabi ko sa sarili ko, "Ayos lang." 393 00:27:36,363 --> 00:27:37,697 "Di 'yon importante." 394 00:27:42,827 --> 00:27:44,954 Sobrang dami lang "what ifs"? 395 00:27:48,500 --> 00:27:50,835 Siguro, may apat na anak na dapat ako. 396 00:27:51,961 --> 00:27:54,756 Tinitingnan ko 'yong mga picture ko no'ng twenties pa ako. 397 00:27:57,926 --> 00:27:58,760 Sabi ko... 398 00:28:02,430 --> 00:28:04,057 "20 years ago na 'to." 399 00:28:16,027 --> 00:28:17,362 "Ano'ng ginawa ko..." 400 00:28:19,489 --> 00:28:21,241 "Ano'ng ginawa ko for 20 years?" 401 00:28:25,870 --> 00:28:28,415 Nawala sa 'kin 'yong best years ng buhay ko 402 00:28:29,999 --> 00:28:32,001 para maging masaya si Robert. 403 00:28:44,889 --> 00:28:49,102 {\an8}Grabe 'yong epekto ng Shekinah sa 'kin, mentally. 404 00:28:52,063 --> 00:28:54,816 {\an8}'Yong passion ko, dedication... 405 00:28:57,360 --> 00:28:59,988 drive ko sa gusto kong gawin ko... 406 00:29:01,030 --> 00:29:02,907 Ang daming nawala sa 'kin. 407 00:29:06,077 --> 00:29:09,914 Kung di ko maibigay lahat sa sarili ko, paano ko ibibigay 'yong ako sa iba? 408 00:29:11,332 --> 00:29:13,209 Pareho kaming lost. 409 00:29:13,209 --> 00:29:15,795 Dumaan sa traumatic na mga experience. 410 00:29:17,255 --> 00:29:21,426 Pero mula no'ng mag-break kami, sobrang laki ng pinagbago ng lahat. 411 00:29:21,426 --> 00:29:25,138 Mula sa may karelasyon ka nang halos limang taon 412 00:29:25,138 --> 00:29:27,098 na ngayon ikaw na lang. 413 00:29:30,143 --> 00:29:34,522 Tingin ko kaya ang tagal bago ko nagawang umalis sa Shekinah dahil 414 00:29:35,023 --> 00:29:37,567 mahirap bitawan 'yong mga bagay na mahal mo. 415 00:29:45,867 --> 00:29:50,580 'Yong pangarap ko, drive ko for dancing... 416 00:29:52,373 --> 00:29:53,500 wala na. 417 00:29:54,751 --> 00:29:56,336 Ayoko nang sumayaw. 418 00:29:57,754 --> 00:29:59,422 Ano'ng nangyari sa 'kin? 419 00:29:59,964 --> 00:30:02,425 Pumasok ako for spiritual guidance, 420 00:30:03,009 --> 00:30:07,847 pero umalis ako na duda na sa church. 421 00:30:08,932 --> 00:30:11,059 Dudang-duda na sa mga simbahan. 422 00:30:13,144 --> 00:30:16,815 Sobrang hirap talaga na tanggapin 'yong katotohanan na 423 00:30:18,149 --> 00:30:19,818 hinayaan ko silang gawin 'yon. 424 00:30:21,986 --> 00:30:23,822 Pag-alis ko sa Shekinah, 425 00:30:23,822 --> 00:30:28,159 pinutol ko lahat ng ugnayan ko sa walang kuwentang nakaraan. 426 00:30:40,505 --> 00:30:42,841 Pero kailangan ko pa ring harapin 'yon. 427 00:30:43,925 --> 00:30:45,802 Kailangang-kailangan kong maghilom. 428 00:30:47,595 --> 00:30:48,429 Hello? 429 00:30:48,930 --> 00:30:51,391 - Hello. - Jung-min, ikaw ba 'yan? 430 00:30:51,391 --> 00:30:53,226 Oo, Pa. Si Jung-min 'to. 431 00:30:53,226 --> 00:30:54,519 Kumusta ka? 432 00:30:54,519 --> 00:30:56,396 Ayos naman. Kayo? 433 00:30:57,063 --> 00:31:02,235 At tingin ko pag kinausap ko si Papa, magagawa ko 'yon. 434 00:31:02,861 --> 00:31:05,822 - Nakaalis ka na last year? - Anong "nakaalis na last year"? 435 00:31:07,073 --> 00:31:09,993 - May pinasukan ka tapos umalis ka. - Oo, last year. 436 00:31:10,535 --> 00:31:13,371 Akala ko, church no'ng una, pero kulto pala. 437 00:31:13,872 --> 00:31:17,709 Maraming taon kitang sinubukang tawagan. 438 00:31:17,709 --> 00:31:18,626 Alam ko. 439 00:31:19,127 --> 00:31:23,089 Anak kita. Wala hindi tanggap-tangap. 440 00:31:23,089 --> 00:31:25,758 Kung ako, di ko sasabihing anak mo 'ko. 441 00:31:26,301 --> 00:31:27,927 Sa totoo lang. 442 00:31:27,927 --> 00:31:30,930 Kailangan mo siyang palakihin para matawag mo siyang anak, di ba? 443 00:31:30,930 --> 00:31:35,894 Di ko naman sinasabing wala ring kasalanan si Mama. 444 00:31:36,644 --> 00:31:41,357 Kung kahit isa sa inyo 'yong di nang-iwan, di kami mapapadpad sa church na 'yon. 445 00:31:42,525 --> 00:31:45,612 So, kasalanan n'yo 'yon. 446 00:31:47,447 --> 00:31:53,995 Umaasa talaga ako na sa loob-loob n'yo, hiyang-hiya kayo. 447 00:31:53,995 --> 00:31:55,830 - Sa nagawa n'yo. - Hiyang-hiya ako. 448 00:31:55,830 --> 00:31:57,123 Parang hindi. 449 00:31:58,875 --> 00:32:05,590 Kasi pag-alis ko sa kulto, hiyang-hiya ako sa sarili ko. 450 00:32:06,132 --> 00:32:08,134 Sabi ko, mahina ba 'yong kokote ko? 451 00:32:08,134 --> 00:32:11,721 Di ako tanga, a. 452 00:32:11,721 --> 00:32:14,599 Matalino at responsable kaya ako. 453 00:32:14,599 --> 00:32:17,185 Disente rin naman ako. 454 00:32:17,185 --> 00:32:19,354 Paanong nando'n lang ako 455 00:32:19,854 --> 00:32:25,068 kasama no'ng napakasamang taong 'yon, iniisip na siya 'yong Diyos? 456 00:32:25,068 --> 00:32:27,612 - Gaano ka katagal do'n? - Twenty-three years. 457 00:32:28,154 --> 00:32:29,781 - Ha? - Twenty-three years. 458 00:32:30,573 --> 00:32:33,284 - Oo nga 'no... - Nasa kulto ka nang 23 years? 459 00:32:33,284 --> 00:32:34,243 Oo! 460 00:32:34,953 --> 00:32:36,537 Oo nga talaga... 461 00:32:37,246 --> 00:32:39,457 - Akala ko limang taon lang... - Hindi. 462 00:32:39,457 --> 00:32:42,919 Kung aalalahanin ko... Makinig kayo. 463 00:32:43,419 --> 00:32:46,047 No'ng na-realize ko na, grabe 'yong pagsisisi ko. 464 00:32:46,923 --> 00:32:49,300 Hiyang-hiya talaga ako sa sarili ko. 465 00:32:49,926 --> 00:32:56,683 At ayokong patawarin 'yong sarili ko na umabot sa puntong gusto ko na mamatay. 466 00:32:57,183 --> 00:33:01,187 At dahil buhay ako, nakaka-move on ako at puwede kong kalimutan 'yon. 467 00:33:01,187 --> 00:33:04,357 Pero di dahil naka-move on ako, 468 00:33:04,357 --> 00:33:08,736 wala na kayong kasalanan. 469 00:33:09,320 --> 00:33:11,072 - Ano sa tingin n'yo? - 'Yong dahilan... 470 00:33:11,072 --> 00:33:13,116 - Isipin n'yo. - Oo, pero 'yong dahilan... 471 00:33:13,116 --> 00:33:14,325 Wag n'yo 'ko hawakan! 472 00:33:15,118 --> 00:33:16,160 Wag! 473 00:33:21,290 --> 00:33:25,712 Laging bata ang umaasa sa nakatatanda, at sila 'yong mas may power sa amin. 474 00:33:25,712 --> 00:33:27,839 Kaya ang pangit ng trato nila. 475 00:33:28,339 --> 00:33:30,008 At noong nasa Shekinah ako, 476 00:33:30,008 --> 00:33:35,513 talaga ring malaki 'yong agwat sa seniority at power. 477 00:33:36,556 --> 00:33:40,810 At ngayon naman, unang beses sa buhay ko na, 478 00:33:40,810 --> 00:33:42,353 "Matanda na ako." 479 00:33:42,937 --> 00:33:44,397 "Matanda nang mag-isip, 480 00:33:44,397 --> 00:33:47,442 at humuhusga ng mga tao base sa pagiging adult nila, 481 00:33:47,442 --> 00:33:50,028 hindi bilang bata na rumerespeto sa nakakatanda." 482 00:33:52,238 --> 00:33:55,533 Kaya parang binawi ko 'yong power ko. 483 00:34:00,038 --> 00:34:04,584 Robert Shinn ang pangalan niya. Pastor ng church. 484 00:34:05,251 --> 00:34:08,421 At isa pa ako sa mga magsasalita... 485 00:34:08,421 --> 00:34:10,798 - Biktima pa ng krimen? - Oo... 486 00:34:10,798 --> 00:34:12,383 Ano'ng ikinaso nila? 487 00:34:12,383 --> 00:34:15,094 So, kung sasabihin ko 'yong kuwento ko, 488 00:34:15,094 --> 00:34:18,306 rape kung di ako nagkakamali, ilang taon din. 489 00:34:18,806 --> 00:34:19,891 Pambubugbog. 490 00:34:21,142 --> 00:34:26,022 Gusto kong di na magawa pa ulit 'to ni Robert. 491 00:34:26,022 --> 00:34:28,733 Gano'ng level ng hustisya ang habol ko dito. 492 00:34:28,733 --> 00:34:32,820 At alam kong ibibigay 'yon ng Diyos. 493 00:34:42,038 --> 00:34:43,539 I'm a diva! I'm a... 494 00:34:43,539 --> 00:34:46,793 Balakang. Tapos patingin ng level ng... 495 00:34:46,793 --> 00:34:49,295 Umiiyak pa rin ako minsan, at nada-down, 496 00:34:49,295 --> 00:34:51,172 pero nare-realize ko na rin 497 00:34:51,172 --> 00:34:54,759 na kailangan kong masiguro na nasa path of healing na ako. 498 00:34:55,802 --> 00:34:58,846 Nagtrabaho ako sa isang school, sa performing arts program, 499 00:34:58,846 --> 00:35:03,101 at interesado pa 'yong mga bata, at gusto pa nila gumaling sa pagsasayaw. 500 00:35:03,101 --> 00:35:09,065 Gustong-gusto kong nakakabuo ako ng safe space para sa mga dancer. 501 00:35:13,111 --> 00:35:15,196 Na-realize ko na, physically, 502 00:35:15,196 --> 00:35:17,698 hindi healthy na di pa rin ako makausad. 503 00:35:18,282 --> 00:35:21,119 "Nandito na tayo. Paano tayo uusad?" 504 00:35:27,750 --> 00:35:30,419 Sabi ko, "Alam mo? Babalik na lang ako." 505 00:35:40,263 --> 00:35:42,598 Sobrang hirap na tulungan 'yong sarili mo. 506 00:35:42,598 --> 00:35:45,601 Malaman 'yong gusto mo sa buhay, kailangan mong gawin, 507 00:35:45,601 --> 00:35:47,186 ano'ng dapat mong gawin sa buhay. 508 00:35:47,186 --> 00:35:49,897 Hornet, puwede sa harap ka ni Beast? 509 00:35:50,481 --> 00:35:54,318 Sinusubukan kong gawin lahat ng alam kong kaya ko, 510 00:35:54,318 --> 00:35:55,987 ipaaalala sa sarili kong may talento ako. 511 00:35:55,987 --> 00:35:57,655 Five, six, seven, eight! 512 00:36:15,715 --> 00:36:17,800 Ang tagal na nating naghihintay. 513 00:36:18,718 --> 00:36:21,470 Umasa tayo na maaaresto na si Robert soon. 514 00:36:23,931 --> 00:36:29,979 Ilang taon na siyang wala dito, na sobrang tagal na para sa 'min. 515 00:36:30,855 --> 00:36:36,068 'Yong makita 'yong aparador niya at mga luma niyang damit 516 00:36:36,068 --> 00:36:38,237 na iniwan niya rito... 517 00:36:38,946 --> 00:36:41,908 Ewan. Wala pang gumagalaw dito. 518 00:36:42,491 --> 00:36:45,494 Walang kabuhay-buhay dito. 519 00:36:45,494 --> 00:36:48,247 Matagal-tagal na rin. 520 00:36:48,247 --> 00:36:51,542 Kaya medyo, ewan ko, eerie lang. 521 00:37:05,181 --> 00:37:06,515 Sabi sa 'min ng mga pulis, 522 00:37:06,515 --> 00:37:10,061 ilang babae na lang na magsasalita ang kailangan nila 523 00:37:10,061 --> 00:37:11,646 at magsasabi ng kuwento nila, 524 00:37:11,646 --> 00:37:15,816 at magagawa na nilang arestuhin si Robert. 525 00:37:17,443 --> 00:37:19,820 Pero di pa rin inaaresto si Robert. 526 00:37:21,405 --> 00:37:23,366 Ilang beses na ako do'n. 527 00:37:23,366 --> 00:37:25,576 Siguro dalawa o tatlong beses na. 528 00:37:26,077 --> 00:37:30,331 Kailangan marami kang ebidensiya para gumulong 'yong imbestigasyon. 529 00:37:32,166 --> 00:37:37,129 {\an8}Mahirap makakuha ng conviction sa sex crime dahil... 530 00:37:38,506 --> 00:37:41,300 {\an8}madalas na sinabi lang ng isa laban sa isa. 531 00:37:42,134 --> 00:37:45,638 Sa kaso na sinusubukan mong patunayan na may pumilit sa iba 532 00:37:45,638 --> 00:37:47,390 na gawin ito at ito, 533 00:37:47,390 --> 00:37:50,476 ang usapin dito, "Ano 'yong coercion?" 534 00:37:50,476 --> 00:37:52,228 "Paano natin ide-define?" 535 00:37:52,728 --> 00:37:55,398 Societally, parang di pa natin alam 536 00:37:55,398 --> 00:37:59,944 kung paano siya hindi mauuwi sa pag-atake sa biktima. 537 00:38:01,112 --> 00:38:05,324 Di ba natin seseryosohin ang sexual assault? 538 00:38:05,324 --> 00:38:07,326 Krimen lang dapat o hindi. 539 00:38:08,160 --> 00:38:12,081 {\an8}Makikita ng mga tao, at mababasa nila, pero wala kang maririnig. 540 00:38:12,081 --> 00:38:13,499 {\an8}Walang kuwenta. 541 00:38:14,000 --> 00:38:16,711 Bakit? Dahil sinabi ng Diyos. At 'yon na 'yon. 542 00:38:16,711 --> 00:38:18,504 - Mismo! - Mismo! 543 00:38:18,504 --> 00:38:23,217 Bawat boses na nang-aakusa sa 'yo, lahat 'yon, patatahimikin. 544 00:38:41,152 --> 00:38:42,445 - Oo pala! - Eto na. 545 00:38:46,115 --> 00:38:48,826 Balak ko pa ring bumisita sa Christmas. 546 00:38:50,494 --> 00:38:53,289 Gusto ko 'yang ornament na 'yan. 547 00:38:56,417 --> 00:38:57,877 Uy! 548 00:38:57,877 --> 00:38:59,295 Ano kaya 'to? 549 00:38:59,879 --> 00:39:02,715 - Matagal ko na ba 'tong gusto? - Oo. 550 00:39:02,715 --> 00:39:04,842 Itong paparating na blizzard... 551 00:39:04,842 --> 00:39:08,512 Puwede nating sabihin, "Sigurado ka, ayaw mong dito ka muna?" 552 00:39:08,512 --> 00:39:10,264 Maganda 'yon. 553 00:39:10,848 --> 00:39:12,475 Gusto ko lang, 554 00:39:12,475 --> 00:39:18,189 "Halika lang, kalimutan mo lang ang lahat, at isipin lang nating walang nangyari." 555 00:39:18,898 --> 00:39:20,900 Alam n'yo 'yon? Para lang... 556 00:39:21,400 --> 00:39:23,569 'Yon na 'yong ginagawa natin. 557 00:39:24,612 --> 00:39:26,614 Anong "'Yon na 'yong ginagawa natin"? 558 00:39:26,614 --> 00:39:28,991 Magkunwari na parang walang nangyari. 559 00:39:32,411 --> 00:39:33,537 Ano, e... 560 00:39:33,537 --> 00:39:36,540 Oo, kasi 'yong time lang na may sinabi kayo, sabi niya, 561 00:39:36,540 --> 00:39:39,835 "Di na ulit ako makikipagkita kung babanggitin n'yo." 562 00:39:40,669 --> 00:39:41,504 Oo. 563 00:39:50,721 --> 00:39:55,142 Ayos din naman ang nangyari. 564 00:39:55,643 --> 00:39:58,938 Bumisita sila no'ng Christmas, nag-hang out kami. 565 00:39:59,438 --> 00:40:01,357 Alam mo na, may regalo lahat. 566 00:40:01,357 --> 00:40:07,196 Normal lahat dahil wala kaming sinabi. 567 00:40:07,822 --> 00:40:09,615 Hindi namin binanggit 'yon. 568 00:40:11,242 --> 00:40:15,413 Pero nakapag-picture kaming lahat na matching ang pajamas at... 569 00:40:16,914 --> 00:40:18,165 Grabe. 570 00:40:19,667 --> 00:40:20,960 Palabas lang lahat. 571 00:40:21,544 --> 00:40:24,672 Para lang maka-video siya, at makapag-post online, 572 00:40:24,672 --> 00:40:28,342 at masaya na 'yong mga tao, at masaya na si Robert. 573 00:40:30,177 --> 00:40:31,804 Kapag Pasko, 574 00:40:31,804 --> 00:40:34,265 wala akong pakialam kung gusto n'yo pumunta o hindi. 575 00:40:35,516 --> 00:40:38,561 Kung di n'yo kakausapin ang pamilya n'yo, gulo lang ang aabutin. 576 00:40:38,561 --> 00:40:39,812 Tama! 577 00:40:41,397 --> 00:40:46,819 Malinaw na may narrative na talagang sinabi sa kaniya. 578 00:40:46,819 --> 00:40:49,530 Nababalewala lahat ng pinagdaanan namin. 579 00:40:50,656 --> 00:40:55,035 Sinasabi ko, "Nakaisang taon kami na di man lang narinig ang boses mo." 580 00:40:55,035 --> 00:40:57,788 Tapos siya, "Akala mo naman mahaba ang isang taon." 581 00:40:57,788 --> 00:40:59,165 "Saglit lang 'yon." 582 00:41:04,628 --> 00:41:09,592 Medyo devastating na marinig 'yon, pero nalinawan ako dahil do'n. 583 00:41:09,592 --> 00:41:12,511 Kailangan kong marinig kung nasaan na siya. 584 00:41:14,763 --> 00:41:19,810 Grabe 'yong pinagdaanan ng pamilya namin dahil sa kaniya. 585 00:41:20,853 --> 00:41:23,647 Kahit kailan di huminto sina Mama na ipaglaban siya. 586 00:41:25,024 --> 00:41:28,152 Sinusubukang mapaalis siya do'n. 587 00:41:30,446 --> 00:41:34,366 Alam kong brainwashed siya, at alam kong di siya 'yon, 588 00:41:35,201 --> 00:41:39,371 pero iniisip ko rin na sa kasal ko... 589 00:41:40,080 --> 00:41:43,709 Initially, ang nasa isip ko, kahit na, 590 00:41:43,709 --> 00:41:46,504 gusto ko pa rin siyang alukin na maging maid of honor ko, 591 00:41:46,504 --> 00:41:51,175 makasama siya, dahil pangarap ko na 'yon noon pa. 592 00:41:52,218 --> 00:41:58,140 Pero ibang-iba lang sa pakiramdam, na talagang... 593 00:41:58,140 --> 00:42:00,559 Sobrang hirap. 594 00:42:01,101 --> 00:42:04,939 Pero iniisip ko rin, pagsisisihan ko kaya? 595 00:42:05,439 --> 00:42:08,734 Pagsisisihan ko ba na wala 'yong ate ko sa kasal ko? 596 00:42:12,112 --> 00:42:12,947 Sobrang... 597 00:42:13,447 --> 00:42:14,323 Di ko na alam. 598 00:42:14,907 --> 00:42:17,785 Para bang pabago-bago 'yong isip ko araw-araw. 599 00:42:19,370 --> 00:42:21,664 - Hi. - Sabihin mo, "Ako si Melanie." 600 00:42:21,664 --> 00:42:23,791 Ako si Melanie. 601 00:42:24,792 --> 00:42:27,670 Sino 'yon? Sino siya? 602 00:42:28,629 --> 00:42:30,214 - Miranda. - Ako Miranda. 603 00:42:31,090 --> 00:42:32,967 Miranda. 604 00:42:34,009 --> 00:42:39,348 Kung paano ako nasasaktan sa ginagawa niya 'yong nakikita ng fiancé ko. 605 00:42:40,933 --> 00:42:42,560 At lagi niyang sinasabi, 606 00:42:42,560 --> 00:42:45,396 "Tungkol sa 'yo ang araw na 'to. Hindi sa kaniya." 607 00:42:45,396 --> 00:42:47,106 "Kailangan mong maging masaya." 608 00:42:47,898 --> 00:42:49,358 At alam niya 609 00:42:50,484 --> 00:42:53,696 na 'tong sitwasyon na 'to 'yong nagpapasama sa loob ko. 610 00:42:54,196 --> 00:42:57,449 At ayaw niyang maramdaman ko 'yon. 611 00:43:04,123 --> 00:43:08,877 Sinusubukan kong magkunwari para i-please 'yong mga nasa Shekinah, 612 00:43:08,877 --> 00:43:10,504 i-please si Robert. 613 00:43:11,255 --> 00:43:15,384 Kapag sinusubukan mong makibagay kahit hindi ikaw 'yon, wala rin. 614 00:43:15,384 --> 00:43:17,928 Pero kapag di mo pinipilit ang sarili mo, 615 00:43:17,928 --> 00:43:20,681 at nakatutok ka lang sa pagiging ikaw, magliliwanag ka. 616 00:43:26,061 --> 00:43:30,232 'Yong paglabas ko sa Shekinah, paghahanap sa kung sino ako, gusto ko, 617 00:43:30,232 --> 00:43:32,985 na-realize kong nakalaan talaga ako para dito. 618 00:43:36,238 --> 00:43:38,657 Ito na 'yong pinakamaganda kong nagawa. 619 00:43:47,333 --> 00:43:51,170 Noong una, inilayo ko 'yong sarili ko 620 00:43:51,170 --> 00:43:53,922 sa sinasabi ng mga tao, 621 00:43:53,922 --> 00:43:57,968 at sinasabi lang sa sarili ko na nagsisimula pa lang ang kuwento ko. 622 00:43:58,469 --> 00:44:02,181 Tuloy-tuloy lang ako at gagawin ang gusto ko. 623 00:44:05,559 --> 00:44:08,103 Nahanap ko na 'yong balance, alam mo 'yon? 624 00:44:09,730 --> 00:44:14,985 At 'yon 'yong gawin ang gusto ko at 'yong lugar ko sa mundong 'to. 625 00:44:29,291 --> 00:44:30,959 Kahit pa magkapatid kami, 626 00:44:32,044 --> 00:44:35,172 nagsisimula pa lang talaga kaming bumuo ng relasyon, 627 00:44:35,172 --> 00:44:37,966 at nagpapasalamat ako. 628 00:44:42,846 --> 00:44:46,141 Talagang miss ko pa rin siya. 629 00:44:46,725 --> 00:44:48,268 Kung wala na siya ro'n tapos, 630 00:44:48,268 --> 00:44:51,271 "Nandito ako sa address na 'to, pasundo ako," pupunta ako. 631 00:44:54,775 --> 00:44:57,528 Pero alam mo 'yon? Tuloy pa rin ang buhay. 632 00:45:00,197 --> 00:45:03,033 Di ko hahayaang may kokontrol sa buhay ko. 633 00:45:38,902 --> 00:45:41,947 Hindi sumagot sina Miranda, James, at Nick sa request na magkomento. 634 00:45:41,947 --> 00:45:45,200 Limitado pa rin ang ugnayan nila sa mga pamilya nila, 635 00:45:45,200 --> 00:45:47,786 at gumagawa pa rin sila ng content, halos exclusively, 636 00:45:47,786 --> 00:45:50,956 kasama ng ibang dancers na pinaniniwalaang nauugnay kay Robert. 637 00:45:51,790 --> 00:45:55,377 {\an8}-Puwede ko bang buksan 'to, Mama? - Gusto ko rin, ang bigat! 638 00:45:56,754 --> 00:45:59,047 {\an8}FBI, IRS at Attorney General. 639 00:45:59,047 --> 00:46:01,967 {\an8}May ugnayan pa rin sila nina Miranda at James 640 00:46:01,967 --> 00:46:06,263 {\an8}sa kondisyon na hindi nila babanggitin si Robert o ang Shekinah Church. 641 00:46:07,347 --> 00:46:09,892 Mababawi namin sila, di ba? Mababawi namin. 642 00:46:12,770 --> 00:46:16,064 Nagretiro na sina Migdalia at Lawrence Raiano para tumutok kay Nick. 643 00:46:16,064 --> 00:46:19,067 Sobrang limitado pa rin ng ugnayan nila kay Nick 644 00:46:19,067 --> 00:46:23,864 at naniniwala silang ibang church member ang sumasagot sa mga text nila. 645 00:46:23,864 --> 00:46:27,743 Hiniling ni Nick sa nanay niya na huwag nang magpadala ng mga litrato. 646 00:46:29,912 --> 00:46:34,208 Lumipat si Priscylla sa Los Angeles para tutukan ang healing journey niya. 647 00:46:34,208 --> 00:46:40,297 Nakatutok pa rin siya sa demanda laban kay Robert at iba pang mga taga-Shekinah. 648 00:46:42,549 --> 00:46:49,181 Hindi sumagot sina Robert at Hannah Shinn, 7M at Shekinah sa request na magkomento. 649 00:46:50,724 --> 00:46:53,060 Wala pang criminal charges laban kay Shinn. 650 00:46:53,060 --> 00:46:56,271 Itinanggi niya ang seksuwal na pang-aabuso sa sinumang miyembr, o kliyente ng 7M. 651 00:46:56,271 --> 00:46:57,689 Tuloy pa rin ang civil lawsuit. 652 00:46:57,689 --> 00:47:00,359 Itinanggi ni Robert at co-defendants ang mga reklamo. 653 00:47:00,359 --> 00:47:02,736 Sinabi ng Diyos na hindi ka matatalo. 654 00:47:03,320 --> 00:47:06,198 Sinumang magsalita laban sa 'kin, mali sila. 655 00:47:06,782 --> 00:47:09,243 Hindi ako matatalo, gano'n kasimple. 656 00:47:09,243 --> 00:47:12,871 - Sabihin n'yo, "Hindi ako matatalo." - Hindi ako matatalo! 657 00:47:15,457 --> 00:47:18,168 KUNG IKAW O MAY KAKILALA KANG NAKARANAS NG SEXUAL VIOLENCE, 658 00:47:18,168 --> 00:47:20,170 O NAHIHIRAPAN SA MENTAL HEALTH, 659 00:47:20,170 --> 00:47:23,131 AVAILABLE ANG IMPORMASYON AT RESOURCES SA: 660 00:47:53,245 --> 00:47:55,831 {\an8}Nagsalin ng Subtitle: Lawrence Arot