1 00:00:09,134 --> 00:00:15,598 75 MILYONG TAON NA ANG NAKARAAN 2 00:00:15,682 --> 00:00:17,684 Sa malayong kalawakan, 3 00:00:18,685 --> 00:00:20,478 may bantang nagbabadya. 4 00:00:22,647 --> 00:00:26,526 Nakakulong sa pagitan ng orbit ng Jupiter at Mars… 5 00:00:28,778 --> 00:00:30,780 ang asteroid belt. 6 00:00:33,324 --> 00:00:37,328 Isa't kalahating milyong tipak ng mga sinaunang bato 7 00:00:38,329 --> 00:00:40,040 na umiinog sa araw. 8 00:00:43,626 --> 00:00:46,046 Nakalutang sa kawalan. 9 00:00:55,680 --> 00:00:59,684 Ngunit sa isang iglap na tila biro ng tadhana… 10 00:01:04,731 --> 00:01:08,860 isang asteroid ang lumihis sa kanyang orbit. 11 00:01:11,029 --> 00:01:12,864 Isang pangyayari, 12 00:01:13,573 --> 00:01:16,034 milyon-milyong kilometro mula sa Earth, 13 00:01:17,077 --> 00:01:19,829 ang nagdala sa kanya sa isang bagong landas 14 00:01:20,830 --> 00:01:24,542 patungo sa pinakasentro ng ating solar system. 15 00:01:35,053 --> 00:01:40,350 Subalit ang paglalakbay nito ay magtatapos sa isang marahas na paraan. 16 00:01:42,268 --> 00:01:47,982 Ang isa sa pinakamapaminsalang kaganapan sa kasaysayan ng Earth. 17 00:01:51,277 --> 00:01:53,113 At ang huling yugto 18 00:01:54,405 --> 00:01:56,116 sa makasaysayang kuwento 19 00:01:57,492 --> 00:01:59,327 ng mga dinosaur. 20 00:03:06,686 --> 00:03:13,693 KABANATA 4: PAGGUHO 21 00:03:15,528 --> 00:03:17,739 72 MILYONG TAON NA ANG NAKARAAN 22 00:03:17,822 --> 00:03:22,035 ANG PAGTATAPOS NG CRETACEOUS 23 00:03:23,578 --> 00:03:25,246 Tatlong milyong taon na 24 00:03:25,330 --> 00:03:28,958 mula nang simulang maglakbay ang asteroid papalapit sa Earth. 25 00:03:31,127 --> 00:03:34,631 At pinaghaharian na ng mga dinosaur ang planeta. 26 00:03:35,632 --> 00:03:37,634 Namamayani sila sa kalupaan 27 00:03:37,717 --> 00:03:41,346 at sinisimulan na ring sakupin ang mga karagatan. 28 00:03:44,599 --> 00:03:49,812 Ang North America ay hinati ng mataas na sea level… 29 00:03:54,567 --> 00:03:56,653 na nagbunga ng malawak na baybayin… 30 00:04:00,573 --> 00:04:03,326 daan-daang islang tropikal, 31 00:04:05,828 --> 00:04:07,830 at mga oportunidad. 32 00:04:20,551 --> 00:04:23,179 Pero ang mga islang ito ay hindi paraiso. 33 00:04:27,016 --> 00:04:30,019 Ito ang tahanan ng isang mabangis na predator. 34 00:04:34,983 --> 00:04:40,113 Isa sa pinakamabilis at pinakamaliksing dinosaur ng kanyang uri. 35 00:04:44,075 --> 00:04:48,413 Ang panlaban ng North America sa Spinosaurus. 36 00:04:59,716 --> 00:05:03,136 Hindi nga lang sa paraang inaasahan mo. 37 00:05:04,512 --> 00:05:06,556 Malayong-malayo. 38 00:05:09,142 --> 00:05:11,769 Ito ang Hesperornis. 39 00:05:13,396 --> 00:05:15,606 Mabagsik siya, 40 00:05:15,690 --> 00:05:18,443 at mabilis din. 41 00:05:20,570 --> 00:05:26,284 Pero kabaligtaran siya ng malalaki at nakakatakot niyang mga pinsan. 42 00:05:36,294 --> 00:05:37,628 Harabas siyang kumilos 43 00:05:38,296 --> 00:05:39,714 at lampa. 44 00:05:42,050 --> 00:05:43,760 At may maliliit na ngipin. 45 00:05:44,802 --> 00:05:48,306 Malayo sa katangian ng isang mabagsik na predator. 46 00:05:50,183 --> 00:05:53,394 Ano ang pagkakatulad nila ng Spinosaurus? 47 00:05:54,187 --> 00:05:57,523 Pareho silang hindi napipirmi sa kalupaan. 48 00:06:05,281 --> 00:06:10,995 Sa katunayan, siya ang pinaka-advanced na aquatic dinosaur sa kasaysayan. 49 00:06:17,794 --> 00:06:21,339 Tila ba isang sinaunang penguin. 50 00:06:22,465 --> 00:06:25,218 Kaya niyang lumangoy sa malawak na karagatan 51 00:06:25,301 --> 00:06:27,720 upang makahanap ng kakainan 52 00:06:28,429 --> 00:06:31,766 na hindi kayang puntahan noon. 53 00:06:51,953 --> 00:06:56,541 Ito ang masaganang biyaya na bigay sa kanya ng dagat. 54 00:07:05,842 --> 00:07:11,305 Dito, ang lampa niyang mga paa, nagiging makapangyarihang palikpik. 55 00:07:15,309 --> 00:07:21,315 At ang 94 niyang matatalim na ngipin ay nakakahuli ng isda nang walang hirap. 56 00:07:38,082 --> 00:07:40,376 Pero, para makahinga, 57 00:07:41,294 --> 00:07:44,046 kailangan niyang umahon sa ibabaw ng dagat. 58 00:07:56,350 --> 00:08:00,813 At ang lugar na ito ay hindi ligtas para sa kanya. 59 00:08:04,275 --> 00:08:05,610 Dahil sa ilalim, 60 00:08:06,944 --> 00:08:08,946 may mga halimaw 61 00:08:09,822 --> 00:08:12,950 na doble ang laki sa mga orca. 62 00:08:20,500 --> 00:08:22,335 Ang mosasaurs. 63 00:08:29,342 --> 00:08:33,429 Ang apex predator ng karagatan. 64 00:08:41,771 --> 00:08:45,107 Kailangang makabalik ng Hesperornis sa lupa. 65 00:08:50,530 --> 00:08:54,033 Ngunit ang mosasaur ay may nakagugulat na bilis. 66 00:08:57,036 --> 00:09:01,582 Mabuti na lang, sadyang maliksi ang Hesperornis. 67 00:09:08,297 --> 00:09:09,840 Pero pagod na siya. 68 00:09:13,219 --> 00:09:18,057 Ito ang magbibigay sa mosasaur ng huling pagkakataon. 69 00:09:36,492 --> 00:09:39,829 Sadyang matatag ang Hesperornis. 70 00:09:41,122 --> 00:09:43,874 Sila ang may pinakamalayong nalalakbay sa karagatan 71 00:09:43,958 --> 00:09:46,794 kumpara sa lahat ng ibang dinosaur. 72 00:09:49,589 --> 00:09:55,011 Ngunit mapanganib ang karagatang ito, kahit pa sa pinakamahuhusay lumangoy. 73 00:10:03,269 --> 00:10:06,897 Sa kabila ng tagumpay ng mga dinosaur sa pampang, 74 00:10:07,690 --> 00:10:09,275 ang mosasaurs 75 00:10:09,817 --> 00:10:11,527 ang mga hari ng dagat. 76 00:10:19,910 --> 00:10:23,831 Halos 1,300 kilometro sa hilaga, sa kalupaan, 77 00:10:24,332 --> 00:10:26,083 iba naman ang kuwento. 78 00:10:38,095 --> 00:10:41,182 Dahil sa mainit at hindi nagbabagong klima, 79 00:10:41,724 --> 00:10:46,062 mapayapa ang pamumuhay dito ng mga dinosaur. 80 00:10:53,944 --> 00:10:58,699 Masaganang namumuhay ang sauropods dahil sa matataas na puno, 81 00:10:58,783 --> 00:11:02,453 gaya ng nakagisnan nila nang magsimula ang panahon ng Jurassic. 82 00:11:08,626 --> 00:11:12,254 Habang sa ibaba, may nangyayaring rebolusyon. 83 00:11:18,969 --> 00:11:22,181 Isang babaeng hadrosaur. 84 00:11:25,434 --> 00:11:29,063 Maaaring maliit siyang tingnan dahil sa mga kasama niya, 85 00:11:29,689 --> 00:11:33,401 pero ang totoo, mas malaki pa siya sa isang elepante. 86 00:11:34,568 --> 00:11:37,988 At hindi siya mahahadlangan ng mga higanteng ito, 87 00:11:39,532 --> 00:11:43,285 dahil walang makapipigil sa isang ina na may misyon. 88 00:11:45,871 --> 00:11:47,623 At ang misyon na 'yon 89 00:11:48,207 --> 00:11:50,626 ay ang pakainin ang kanyang pamilya… 90 00:11:52,878 --> 00:11:54,505 na matatagpuan… 91 00:11:56,132 --> 00:11:57,258 doon sa ibaba. 92 00:12:07,893 --> 00:12:09,270 Noong unang panahon, 93 00:12:09,353 --> 00:12:14,108 kakaunti at hiwa-hiwalay na namumuhay ang mga sinaunang hadrosaur. 94 00:12:16,986 --> 00:12:23,617 Pero ngayon, malaya na silang namumuhay sa kawan nang libo-libo. 95 00:12:26,245 --> 00:12:31,459 Ang pinakamalaking grupo ng mga dinosaur na nasaksihan ng mundo. 96 00:12:34,128 --> 00:12:38,549 Ngunit ang pamilya ng inahing ito ay hindi kasama ng grupong 'yon. 97 00:12:40,342 --> 00:12:43,471 Sila ay nasa isang ligtas na lugar. 98 00:12:44,138 --> 00:12:48,851 Isang malawak na pugad para sa daan-daang batang hadrosaurs. 99 00:12:51,187 --> 00:12:54,190 Kabilang na ang kanyang mga anak. 100 00:12:58,986 --> 00:13:03,240 Sa edad na anim na buwan, sobrang gana nilang kumain, 101 00:13:04,492 --> 00:13:08,329 at kakainin nila halos lahat ng ibigay ng kanilang ina sa kanila. 102 00:13:11,457 --> 00:13:12,708 Kahit ano. 103 00:13:24,929 --> 00:13:29,350 Sa ganitong paraan ng pagpapakain, kailangan niyang magpabalik-balik, 104 00:13:30,142 --> 00:13:34,897 kaya aalis na naman siya para maghanap ng pagkain. 105 00:13:36,816 --> 00:13:38,734 At habang wala ang nanay, 106 00:13:39,276 --> 00:13:42,196 maglalaro ang mga bata. 107 00:14:06,053 --> 00:14:08,889 May pakpak na kasinlapad ng fighter jet, 108 00:14:09,473 --> 00:14:13,102 mas malalaki na ngayon ang pterosaurs kaysa dati. 109 00:14:15,938 --> 00:14:19,567 At ang lugar na ito ang perpektong lugar para manghuli, 110 00:14:20,067 --> 00:14:24,405 kung saan ang pinakamadaling puntiryahin ay 'yong mga walang bantay. 111 00:14:44,216 --> 00:14:46,886 Sa kabila ng banta mula sa higanteng halimaw, 112 00:14:46,969 --> 00:14:50,598 gagawin ng mga ina ang lahat para maprotektahan ang mga anak. 113 00:15:07,781 --> 00:15:13,203 Pero ang higanteng pterosaur ay determinadong makakain. 114 00:15:20,044 --> 00:15:25,049 Ang mga sigaw mula sa pugad ay tila imbitasyon para sa hapunan. 115 00:15:41,190 --> 00:15:44,485 Ngunit ang mga sigaw na ito ay hindi lang sigaw ng takot. 116 00:15:45,611 --> 00:15:47,905 Humihingi sila ng tulong. 117 00:16:07,216 --> 00:16:11,053 Ang matinding pagnanais na mailigtas ang kanilang mga anak 118 00:16:12,137 --> 00:16:16,892 ay susi upang mabuhay ang mga hadrosaur. 119 00:16:19,144 --> 00:16:24,566 Pero may ibang dinosaur na angat sa lahat kung depensa ang pag-uusapan, 120 00:16:26,151 --> 00:16:31,281 dahil ang laban kung sino ang predator at kung sino ang prey ay lalong tumitindi. 121 00:16:31,365 --> 00:16:33,283 72 MILYONG TAON NA ANG NAKARAAN 122 00:16:33,993 --> 00:16:39,748 Dahil dito, makikilala natin ang mga pinakasikat na dinosaur sa kasaysayan. 123 00:16:45,879 --> 00:16:48,007 Milyon-milyong taon ang lilipas, 124 00:16:48,632 --> 00:16:52,636 at ang kontinente ng North America ay magbabago. 125 00:16:54,013 --> 00:16:56,807 Ang lupa ay hahalik sa kalangitan. 126 00:16:56,890 --> 00:16:58,767 66 NA MILYONG TAON NA ANG NAKARAAN 127 00:17:06,900 --> 00:17:08,902 Ang Rocky Mountains. 128 00:17:11,488 --> 00:17:14,908 Dito, sa paanan ng bundok na ito, 129 00:17:16,744 --> 00:17:20,372 mag-iiwan ng bakas ang mga dinosaur. 130 00:17:28,797 --> 00:17:30,883 Ang Pachycephalosaurus. 131 00:17:32,384 --> 00:17:35,721 Gamit ang sobrang kapal nilang mga bungo… 132 00:17:38,640 --> 00:17:41,477 naglalaban sila para sa kapangyarihan. 133 00:17:47,024 --> 00:17:48,734 At sa hindi kalayuan, 134 00:17:49,985 --> 00:17:53,822 isang dinosaur na may kahanga-hangang pananggalang sa ulo. 135 00:18:00,120 --> 00:18:01,955 Ang Triceratops. 136 00:18:10,631 --> 00:18:12,966 Maaaring kahawig siya ng rhinoceros, 137 00:18:13,926 --> 00:18:16,553 pero doble ang laki niya sa kanila. 138 00:18:20,057 --> 00:18:25,104 Mayroon siyang sungay na tila sibat, na higit isang metro ang haba. 139 00:18:32,778 --> 00:18:38,283 Ang Triceratops at Pachycephalosaurus ay may kahanga-hangang sandata. 140 00:18:40,661 --> 00:18:42,746 Ngunit may ilang nilalang dito 141 00:18:43,288 --> 00:18:47,042 na mas matindi ang sandata at mas mabagsik. 142 00:18:58,303 --> 00:19:00,514 Nakakubli sa kadiliman 143 00:19:01,223 --> 00:19:04,726 ang pinakamabangis sa mga nakabaluting mandirigma. 144 00:19:07,396 --> 00:19:11,608 Anim na metro ang haba at napaka-territorial. 145 00:19:15,070 --> 00:19:18,615 Ang Ankylosaurus magniventris. 146 00:19:27,082 --> 00:19:29,626 Naghahanap siya ng mga dayo 147 00:19:31,461 --> 00:19:32,671 na may lakas ng loob 148 00:19:33,297 --> 00:19:35,090 na pumasok sa teritoryo niya. 149 00:19:43,265 --> 00:19:48,604 Ang malatangke niyang katawan ay nababalot ng dose-dosenang makakapal na buto. 150 00:19:55,235 --> 00:19:56,653 At bukod doon, 151 00:19:57,696 --> 00:20:00,449 may mas matindi siyang bagong sandata. 152 00:20:05,037 --> 00:20:08,790 Isang malapad na buntot na kalahating tonelada ang bigat, 153 00:20:09,750 --> 00:20:14,171 na magagamit niya sa anumang umaaligid sa kagubatang ito. 154 00:20:20,469 --> 00:20:22,095 May nakatawag ng kanyang pansin. 155 00:20:52,000 --> 00:20:54,253 Napasok na nga ang kanyang teritoryo… 156 00:20:56,463 --> 00:20:59,591 ng pinakamapanganib na dayo sa lahat. 157 00:21:12,604 --> 00:21:14,815 Ang Tyrannosaurus rex. 158 00:22:39,441 --> 00:22:41,276 Ankylosaurus 159 00:22:42,361 --> 00:22:43,653 laban sa T. rex. 160 00:22:53,538 --> 00:22:55,749 Isang kapana-panabik na laban 161 00:22:56,875 --> 00:22:59,294 na milyon-milyong taon ang hinintay. 162 00:23:20,232 --> 00:23:22,150 Ngunit sa labanang ito, 163 00:23:24,069 --> 00:23:27,989 may katangiang taglay ang mga T. rex na wala ang ibang dinosaur. 164 00:23:31,410 --> 00:23:32,911 Talino. 165 00:24:15,078 --> 00:24:20,250 Ang T. rex ang isa sa mga pinakamabagsik na predator sa kasaysayan. 166 00:24:23,211 --> 00:24:26,047 At upang mapanatili ang kanyang paghahari, 167 00:24:27,424 --> 00:24:32,679 kailangan niyang kumain ng may katumbas na 200 steak araw-araw. 168 00:24:35,307 --> 00:24:40,520 Pero sa ngayon, hindi pa siya kumakain, ni isang kagat. 169 00:24:43,565 --> 00:24:48,945 Dahil may espesyal na plano siya para sa pagkaing ito. 170 00:24:54,326 --> 00:24:58,830 Pero hindi lang pangmeryenda ang Ankylosaurus. 171 00:25:05,712 --> 00:25:08,340 Anim na toneladang laman at buto 172 00:25:08,924 --> 00:25:13,136 na may samu't saring bukol at umbok. 173 00:25:25,398 --> 00:25:27,150 Kahit para sa T. rex, 174 00:25:28,109 --> 00:25:29,861 mabigat pa rin ito. 175 00:26:04,312 --> 00:26:05,397 Sa wakas, 176 00:26:06,690 --> 00:26:08,441 nakarating din siya. 177 00:26:17,659 --> 00:26:22,080 At ang dahilan kung bakit sobra siyang nagpakahirap? 178 00:26:35,176 --> 00:26:37,804 Limang gutom na inakay. 179 00:26:51,610 --> 00:26:53,236 Mabangis na halimaw? 180 00:26:54,112 --> 00:26:55,113 Oo. 181 00:26:56,364 --> 00:26:57,657 Pero isa ring… 182 00:26:58,366 --> 00:26:59,993 ulirang ina. 183 00:27:16,468 --> 00:27:18,011 Sisiguruhin niya 184 00:27:19,304 --> 00:27:21,723 na palaging busog ang kanyang mga inakay 185 00:27:25,644 --> 00:27:29,397 para lumaki sila nang maayos at handa sa buhay. 186 00:27:34,235 --> 00:27:36,780 Isang bagay na pangarap lamang 187 00:27:37,405 --> 00:27:39,115 para sa kanilang mga ninuno. 188 00:27:42,661 --> 00:27:44,371 Noong panahon ng Triassic, 189 00:27:44,454 --> 00:27:48,208 ang batang Marasuchus ay namulat sa impiyerno. 190 00:27:50,168 --> 00:27:53,046 Ang mga munting dinosaur na ito 191 00:27:54,172 --> 00:27:56,925 ay napilitang mamuhay sa dilim. 192 00:27:57,759 --> 00:28:01,137 Nagtatago sa mga naghaharing reptile. 193 00:28:03,890 --> 00:28:06,184 Ngunit nang makialam ang tadhana… 194 00:28:08,269 --> 00:28:10,230 ginamit nilang oportunidad 195 00:28:11,523 --> 00:28:13,358 ang trahedya… 196 00:28:16,403 --> 00:28:19,197 at sinimulan ang kanilang pagbangon. 197 00:28:22,659 --> 00:28:27,539 Lumaki nang sobra, mas malakas, at mas nakasisindak. 198 00:28:34,212 --> 00:28:35,463 Darating ang panahon 199 00:28:36,798 --> 00:28:40,135 na paghaharian nila, hindi lamang ang lupa, 200 00:28:41,594 --> 00:28:42,721 kundi pati ang dagat 201 00:28:43,972 --> 00:28:45,807 at ang himpapawid. 202 00:28:47,976 --> 00:28:50,895 Pagkalipas ng 160 milyong taon, 203 00:28:52,605 --> 00:28:55,316 lubos na ang pangingibabaw ng mga dinosaur 204 00:28:56,693 --> 00:29:00,321 na wala nang anuman sa Earth ang makahahadlang sa kanila. 205 00:29:06,828 --> 00:29:09,372 Pero isang bagay na hindi nagmula sa Earth 206 00:29:10,123 --> 00:29:11,332 ang darating. 207 00:29:13,209 --> 00:29:17,839 Dahil habang nagsisimula pa lamang ang buhay para sa pamilyang ito, 208 00:29:19,215 --> 00:29:20,550 isa namang paglalakbay 209 00:29:21,176 --> 00:29:23,303 ang malapit nang matapos. 210 00:29:27,932 --> 00:29:31,603 Ang asteroid, na patuloy ang pagbulusok papunta sa Earth, 211 00:29:31,686 --> 00:29:34,522 na 50 beses na mas mabilis sa speed of sound, 212 00:29:36,024 --> 00:29:40,028 ay malapit nang harapin ang kanyang kapalaran. 213 00:30:13,561 --> 00:30:18,483 Bumagsak ito sa karagatan na malapit sa baybayin ng Mexico, 214 00:30:19,234 --> 00:30:23,530 na may lakas ng bilyon-bilyong atomic bomb. 215 00:30:24,823 --> 00:30:27,951 May sapat na init para tuyuin ang ilalim ng dagat… 216 00:30:30,995 --> 00:30:35,667 at patayin ang lahat ng nabubuhay sa loob ng daan-daang kilometro. 217 00:30:44,676 --> 00:30:47,971 Samantala, sa paanan ng Rocky Mountains, 218 00:30:49,055 --> 00:30:55,061 walang kaalam-alam ang mga dinosaur na ito kung ano ang mangyayari sa kanila. 219 00:31:17,125 --> 00:31:20,795 Ito ang pinakamalalakas na lindol sa kasaysayan. 220 00:31:29,596 --> 00:31:32,223 Pero hindi pa ito ang katapusan. 221 00:31:35,602 --> 00:31:41,065 Isang dambuhalang alon ng maiinit na bato ang lalamon sa kanila. 222 00:31:58,541 --> 00:32:03,254 Ang mga dinosaur na nakulong sa nakamamatay ulap na ito 223 00:32:03,338 --> 00:32:05,465 ay nalibing nang buhay. 224 00:32:08,051 --> 00:32:13,222 Sa sobrang init ng paligid, bigla na lamang itong sumisiklab. 225 00:32:22,357 --> 00:32:24,442 Kahit ang makakapal nilang balat, 226 00:32:24,943 --> 00:32:26,778 hindi sila naproteksiyunan. 227 00:32:36,162 --> 00:32:39,666 Mabilis na nilamon ng ulap ang buong planeta, 228 00:32:40,249 --> 00:32:42,418 at pinalibutan ito ng abo, 229 00:32:44,504 --> 00:32:46,798 at binalot ng kadiliman. 230 00:33:32,844 --> 00:33:37,765 Ang mga natitirang buhay noong araw na 'yon 231 00:33:39,642 --> 00:33:41,477 ay nasa isang bangungot. 232 00:33:43,104 --> 00:33:46,315 Hindi makahinga sa dilim. 233 00:34:12,675 --> 00:34:14,177 Pagsapit ng gabi, 234 00:34:14,886 --> 00:34:20,308 hindi na mabilang ang mga namatay na dinosaur. 235 00:34:45,083 --> 00:34:47,585 MAKALIPAS ANG DALAWANG LINGGO 236 00:34:47,668 --> 00:34:50,296 Dahil walang sinag ng araw, 237 00:34:50,838 --> 00:34:54,675 binalot ng lamig ang buong Earth. 238 00:35:01,140 --> 00:35:05,770 Bumaba ng 25 degree Celcius ang temperatura ng mundo. 239 00:35:09,148 --> 00:35:15,238 Sobrang tinding lamig para sa kahit anong uri ng dinosaur na makaligtas. 240 00:35:27,041 --> 00:35:29,252 Ang mga higanteng sauropods 241 00:35:29,961 --> 00:35:31,587 ay payapang pumanaw 242 00:35:32,171 --> 00:35:37,593 sa abo ng mga punong nagpatangkad sa kanila. 243 00:35:53,484 --> 00:35:55,611 Sa ligtas sana nilang mga pugad, 244 00:35:56,529 --> 00:35:58,447 ang magkakasamang namuhay, 245 00:35:59,407 --> 00:36:00,825 sama-sama ring namatay. 246 00:36:08,708 --> 00:36:10,459 Kahit ang mga ina, 247 00:36:10,543 --> 00:36:14,505 hindi nailigtas ang kanilang mga anak sa napakatinding lamig. 248 00:36:20,636 --> 00:36:24,640 Hindi rin nakaligtas sa sobrang lamig 249 00:36:25,391 --> 00:36:28,728 ang pinakasikat na dinosaur sa lahat. 250 00:36:37,528 --> 00:36:39,363 Ang mabangis na hari 251 00:36:40,448 --> 00:36:41,741 ay tuluyan nang bumagsak. 252 00:37:01,802 --> 00:37:05,097 Kahit ang matikas na Tyrannosaurus rex 253 00:37:05,848 --> 00:37:08,184 ay hindi makaliligtas. 254 00:37:40,007 --> 00:37:42,426 Ang paghahari ng mga dinosaur 255 00:37:44,095 --> 00:37:45,513 ay tuluyan nang 256 00:37:46,514 --> 00:37:48,349 nagwakas. 257 00:38:17,003 --> 00:38:20,214 Pero makalipas ang 66 na milyong taon, 258 00:38:22,717 --> 00:38:26,137 muling babangon ang mga dinosaur. 259 00:38:30,391 --> 00:38:31,809 Sa pagkakataong ito, 260 00:38:32,351 --> 00:38:34,186 dahil sa atin. 261 00:38:41,944 --> 00:38:46,198 Ngayon, ang kanilang mga fossil ay nagsisilbing alaala 262 00:38:46,282 --> 00:38:47,908 ng isang naglahong mundo. 263 00:38:49,076 --> 00:38:50,453 Pero higit pa roon, 264 00:38:51,787 --> 00:38:58,127 ito ang susi para mabunyag ang mga lihim sa kuwento ng mga dinosaur. 265 00:39:00,004 --> 00:39:04,759 Mas malalim na ngayon ang ating nalalaman sa kanilang pamumuhay. 266 00:39:06,302 --> 00:39:08,471 Mula sa mga una nilang sandali 267 00:39:09,638 --> 00:39:11,265 hanggang sa pinakahuli. 268 00:39:15,019 --> 00:39:20,024 At ang katotohanan na, sa pinakamadilim na araw ng Earth, 269 00:39:20,608 --> 00:39:23,361 hindi lahat ng dinosaur ay namatay. 270 00:39:25,363 --> 00:39:27,365 Ang iba, sa sobrang liit, 271 00:39:27,448 --> 00:39:30,659 nakahanap ng kanlungan sa gitna ng trahedya. 272 00:39:33,496 --> 00:39:35,247 At nabubuhay sila 273 00:39:36,040 --> 00:39:38,250 magpahanggang ngayon. 274 00:39:40,961 --> 00:39:46,384 Ang mga lumilipad na dinosaur ay tinatawag na natin ngayong mga ibon. 275 00:39:50,846 --> 00:39:56,936 At ang mga bakas ng kanilang nakaraan ay malalantad kung ating papansinin. 276 00:40:18,416 --> 00:40:24,588 Ang kanilang paglalakbay, na nagsimula 235 milyong taon na, 277 00:40:25,798 --> 00:40:29,427 ay nagpapatuloy kasama nating lahat. 278 00:40:31,554 --> 00:40:33,722 Sila ang natitira nating tulay… 279 00:40:36,016 --> 00:40:38,561 sa matagal nang naglahong panahon. 280 00:40:40,646 --> 00:40:42,064 Ang panahon 281 00:40:43,232 --> 00:40:44,650 ng paghahari 282 00:40:45,526 --> 00:40:47,361 ng mga dinosaur. 283 00:42:45,396 --> 00:42:49,275 Nagsalin ng Subtitle: Jayran Kempiz