1 00:01:34,125 --> 00:01:35,125 Maupo na ang lahat. 2 00:01:41,458 --> 00:01:46,375 Nandito tayo para saksihan ang pag-iisang dibdib ng dalawang tao. 3 00:01:49,583 --> 00:01:53,750 Sabi nga nila, matiyaga at may magandang-loob ang pag-ibig, 4 00:01:55,250 --> 00:01:58,791 pero napatunayan kong sobrang delikado no'n. 5 00:02:00,916 --> 00:02:04,000 No'ng unang beses tayong nagmahal, naging marupok tayo. 6 00:02:05,041 --> 00:02:09,291 At sa pagiging marupok, nasaksak tayo nang tagos sa dibdib. 7 00:02:09,375 --> 00:02:10,541 'Yon ang pag-ibig. 8 00:02:11,833 --> 00:02:16,416 Isa 'tong metal rod na tumatagos sa puso, nakatarak sa 'yo. 9 00:02:17,791 --> 00:02:20,791 Araw-araw, iniisip mo na sana di mabunot 'yon. 10 00:02:21,541 --> 00:02:24,750 Pero gaya ng kahit anong risk, 11 00:02:24,833 --> 00:02:29,041 'yong excitement ang dahilan kaya worth it lahat. 12 00:02:31,000 --> 00:02:33,583 Para magmahal nang buo, kailangang ialay mo ang sarili mo. 13 00:02:33,666 --> 00:02:36,666 Kung sino'ng pagkakatiwalaan mo na hahawak sa dulo ng metal rod 14 00:02:36,750 --> 00:02:38,791 ang pinaka-importante mong desisyon. 15 00:02:40,625 --> 00:02:43,666 Ngayon, nagsulat ng sarili nilang vows ang couple. 16 00:02:44,333 --> 00:02:46,250 Rachel, magsimula tayo sa 'yo. 17 00:02:51,750 --> 00:02:52,791 Nicky. 18 00:02:54,416 --> 00:02:58,000 Sobrang bilis at madali akong nahulog sa 'yo. 19 00:02:59,000 --> 00:03:02,041 Sa rental car 'yong una nating date 20 00:03:02,125 --> 00:03:06,083 at tumagal nang four days 'yon. 21 00:03:06,791 --> 00:03:08,250 Four days. 22 00:03:09,208 --> 00:03:13,041 Saka… iniisip ko no'n… 23 00:03:15,750 --> 00:03:17,875 "Ayoko nang lumabas sa kotse na 'to." 24 00:03:18,750 --> 00:03:24,625 At 'yong four days na 'yon, ngayon… forever na. 25 00:03:29,666 --> 00:03:33,208 Nagbigay ako ng oras para ihanda 'yong sarili ko 26 00:03:33,291 --> 00:03:37,666 laban sa malas, laging… 27 00:03:39,958 --> 00:03:44,250 naghahanap ng kasiguraduhan. Pero… 28 00:03:45,291 --> 00:03:49,208 alam naman natin, 'tang ina, grabe ang pinagdaanan nating stress this week. 29 00:03:49,291 --> 00:03:53,833 Sorry. Pinagdaanan nating stress this week. 30 00:03:53,916 --> 00:03:58,958 At sa lahat ng 'yon, na-realize ko na 31 00:04:00,083 --> 00:04:04,458 di ka talaga makakasiguro kasi 32 00:04:05,250 --> 00:04:09,250 walang kasiguraduhan sa kasal, sa pag-ibig, sa kahit ano. 33 00:04:09,333 --> 00:04:12,375 Kamatayan lang ang sigurado sa buhay. 34 00:04:17,375 --> 00:04:19,500 Kamatayan lang ang sigurado sa buhay. 35 00:04:46,333 --> 00:04:48,041 'Tang inang kasiguraduhan 'yan. 36 00:05:02,125 --> 00:05:03,916 Wala akong dapat ipag-alala. 37 00:05:05,541 --> 00:05:09,541 Dahil ikaw… ikaw ang good luck charm ko. 38 00:05:09,625 --> 00:05:14,458 Ikaw ang good luck charm ko palagi. 39 00:05:15,541 --> 00:05:16,750 Totoo 'yon. 40 00:05:18,208 --> 00:05:19,416 Kaya… 41 00:05:20,916 --> 00:05:25,166 nangangako ako, Nicky, na tatanggapin kita nang buo 42 00:05:25,250 --> 00:05:27,791 gaya ng ginawa mo sa 'kin, 43 00:05:27,875 --> 00:05:29,958 At nangangako ako na… 44 00:05:32,333 --> 00:05:35,791 maniniwala ako sa 'yo at sa 'tin. 45 00:05:38,375 --> 00:05:42,208 Dahil 'yon talaga ang punto nito. 46 00:05:42,291 --> 00:05:46,875 Isang leap of faith 'to at di natin alam kung ano'ng mangyayari, 47 00:05:46,958 --> 00:05:51,666 pero naniniwala tayong magiging maayos ang lahat. 48 00:05:53,166 --> 00:05:54,333 At ako… 49 00:05:55,541 --> 00:05:59,208 naniniwala akong soulmate kita. 50 00:06:05,250 --> 00:06:08,833 Kaya kahit saan man tayo pumunta… 51 00:06:10,958 --> 00:06:13,291 ayoko nang bumaba sa rental car na 'to. 52 00:06:17,125 --> 00:06:18,250 Okay, tapos na ako. 53 00:06:19,000 --> 00:06:20,375 Okay, Nicky, ikaw naman. 54 00:06:20,458 --> 00:06:22,291 Oo. Okay. 55 00:06:24,000 --> 00:06:25,583 Isinulat ko 'yong sa 'kin. 56 00:06:28,583 --> 00:06:29,791 Rachel. 57 00:06:32,041 --> 00:06:34,875 Sana nauna pala ako. Mahirap 'yon. Mahirap sundan 'yon. 58 00:06:35,916 --> 00:06:41,083 Okay, Rachel, gaya ng nakita mo pagdating dito, 59 00:06:41,166 --> 00:06:46,916 lumaki ako sa pamilyang mataas ang tingin sa kasal. 60 00:06:47,000 --> 00:06:51,083 Kaya no'ng sinabi mo sa 'kin, two weeks pa lang tayo no'n 61 00:06:51,166 --> 00:06:53,541 na ayaw mong ikasal, naisip ko, 62 00:06:54,833 --> 00:06:56,291 "Siya na 'yon." 63 00:06:57,333 --> 00:07:01,166 Pero sa totoo lang, di ko na pinagdudahan kung ikaw 'yong pakakasalan ko 64 00:07:01,250 --> 00:07:04,625 kasi alam ko na agad. 65 00:07:05,500 --> 00:07:08,833 At pagkatapos ng isang oras na kasama ka, 66 00:07:09,541 --> 00:07:13,416 naisip ko, "Sana ganito palagi. 67 00:07:14,000 --> 00:07:16,958 "At kung di ko siya makakasama habambuhay, 68 00:07:17,041 --> 00:07:21,250 "ibig sabihin, sobrang pumalpak ako." 69 00:07:21,333 --> 00:07:24,750 Nangako ako sa sarili ko na iiwasan kong pumalpak nang sobra 70 00:07:24,833 --> 00:07:29,291 para makaharap kita sa altar balang araw at magsasabi ng vow ko sa 'yo. 71 00:07:32,083 --> 00:07:33,708 Kaya heto na. 72 00:07:35,958 --> 00:07:40,250 Nangangako akong mamahalin kita palagi, 73 00:07:40,333 --> 00:07:43,500 bibigyan kita ng oras at pang-unawa. 74 00:07:44,750 --> 00:07:50,958 Nangangako akong di magiging judgmental sa kahit ano'ng adventure na gusto mo. 75 00:07:51,500 --> 00:07:56,291 Nangangako ako na di ako aalis sa tabi mo palagi, 76 00:07:56,375 --> 00:07:58,541 kahit sa mga oras na di tayo nagkakaintindihan. 77 00:07:58,625 --> 00:08:03,291 Wala nang mas mahalaga pa sa 'kin dito sa mundo kundi ikaw. 78 00:08:04,500 --> 00:08:06,875 At di ko hahayaang may humadlang sa 'tin. 79 00:08:07,750 --> 00:08:08,916 I love you. 80 00:08:10,666 --> 00:08:13,833 -Ang ganda no'n. -Ang ganda, parehong maganda. 81 00:08:15,583 --> 00:08:18,791 Okay, para sa big moment. 'Yong mga ring, please. 82 00:08:22,000 --> 00:08:24,416 Ayan. Ito 'yong sa 'yo. 83 00:08:25,416 --> 00:08:26,666 Ito 'yong sa 'yo. 84 00:08:27,708 --> 00:08:29,000 Nanginginig ako, o. 85 00:08:30,833 --> 00:08:31,708 Okay. 86 00:08:32,500 --> 00:08:34,250 Rachel Alexandra Harkin, 87 00:08:34,333 --> 00:08:36,958 tinatanggap mo ba si Nicholas Summer Cunningham 88 00:08:37,041 --> 00:08:39,041 bilang legal na asawa mo, 89 00:08:39,125 --> 00:08:45,041 sa hirap at ginhawa, sa sakit at kalusugan, hanggang sa kamatayan? 90 00:08:52,833 --> 00:08:53,916 I do. 91 00:09:06,583 --> 00:09:08,166 Nicholas Summer Cunningham, 92 00:09:08,750 --> 00:09:13,208 tinatanggap mo ba bilang legal na asawa mo si Rachel Alexandra Harkin, 93 00:09:13,291 --> 00:09:18,208 sa hirap at ginhawa, sa sakit at kalusugan, hanggang sa kamatayan? 94 00:09:35,500 --> 00:09:38,250 -Isang "Oo" lang ang kailangan, anak. -Ano… 95 00:09:38,750 --> 00:09:39,958 Ayos ka lang? 96 00:09:40,541 --> 00:09:41,916 Ano… 97 00:09:43,500 --> 00:09:48,791 Isinulat ko 'tong vows na 'to… no'ng isang linggo pa, 98 00:09:48,875 --> 00:09:52,708 at parang hindi na 'to… 99 00:09:55,333 --> 00:09:57,583 Kasi tama ka. 100 00:09:58,625 --> 00:10:01,791 'Tong week na 'to, grabe 'yong stress na pinagdaanan natin, 101 00:10:01,875 --> 00:10:08,458 at nagbago lahat ng alam ko tungkol sa pag-ibig at kasal. 102 00:10:08,541 --> 00:10:09,583 Nagbago na lahat. 103 00:10:09,666 --> 00:10:14,750 At mas naiintindihan na kita ngayon kaysa dati. 104 00:10:14,833 --> 00:10:17,666 Naiintindihan ko na ngayon 'yong sinasabi mo. 105 00:10:18,250 --> 00:10:19,583 Ano'ng ginagawa mo? 106 00:10:19,666 --> 00:10:22,083 Sinisira ng kasal ang mga tao. 107 00:10:22,166 --> 00:10:25,083 At nagsisimula na tayong maapektuhan. 108 00:10:25,166 --> 00:10:27,625 Alam mo ba? Ano… 109 00:10:28,791 --> 00:10:31,041 Ayokong magbago ang relasyon natin. 110 00:10:31,125 --> 00:10:32,541 -Nicky, 'yong plano. -Ano 'to? 111 00:10:32,625 --> 00:10:34,583 Naging parang lason ang kasal. 112 00:10:34,666 --> 00:10:37,166 -Lason ang kasal— Tama na, gets ko na. -Ayos ka lang? 113 00:10:37,250 --> 00:10:40,791 Naging lason 'to sa pamilya ko, at… 114 00:10:41,750 --> 00:10:44,375 Pinilit kitang gawin 'to kahit ayaw mo. 115 00:10:44,458 --> 00:10:45,333 Ano'ng ginagawa mo? 116 00:10:45,416 --> 00:10:49,083 Rachel, gusto ko lang na makasama ka habambuhay. 117 00:10:50,333 --> 00:10:52,333 Pero ayokong maging katulad natin sila. 118 00:10:53,250 --> 00:10:58,625 Gusto ko, araw-araw nating piliin ang isa't isa nang totoo. 119 00:10:58,708 --> 00:11:01,083 -Katulad ng ginagawa natin. -Kalma lang kayo. 120 00:11:02,541 --> 00:11:05,916 Biglang kumaliwa palayo rito 'yong rental car, 121 00:11:06,000 --> 00:11:07,125 nasa kotse pa rin tayo. 122 00:11:07,208 --> 00:11:10,041 Nicky. Tumingin ka sa 'kin. 123 00:11:10,125 --> 00:11:14,583 Pakasalan mo 'ko. Kailangan mo 'kong pakasalan. Ngayon. 124 00:11:14,666 --> 00:11:17,166 Gusto kong makawala tayo sa institusyong 'to. 125 00:11:17,250 --> 00:11:20,083 -'Tang ina, seryoso ka ba? -Rachel… 126 00:11:20,166 --> 00:11:21,916 Ito ang gusto mo. 127 00:11:22,000 --> 00:11:24,125 -Tama na. Oh my God, 'to… -Seryoso ako. 128 00:11:24,208 --> 00:11:26,291 Bigyan natin sila nang oras para ayusin 'to. 129 00:11:26,375 --> 00:11:28,041 -Rachel. -Hindi. 130 00:11:28,125 --> 00:11:29,583 Wag kayong aalis. 131 00:11:29,666 --> 00:11:31,583 Rachel! 132 00:11:37,666 --> 00:11:40,166 Kunin natin 'yong susi, sumakay sa kotse at umalis. 133 00:11:40,250 --> 00:11:43,333 -Nagbibiro ka lang, di ba? -Sorry, dinala kita rito, inaayos ko na. 134 00:11:43,416 --> 00:11:45,416 -Bangungot 'tong week 'to. -Oh my God. 135 00:11:45,500 --> 00:11:47,875 E, kung vision 'yon ng future natin, di ako papayag. 136 00:11:47,958 --> 00:11:49,500 Bangungot 'tong week 'to. 137 00:11:49,583 --> 00:11:51,916 Week ng kasal natin 'to, e. Ano sa tingin mo 'to? 138 00:11:53,083 --> 00:11:55,416 Dapat magkasama tayong mag-leap of faith. 139 00:11:55,500 --> 00:11:57,583 -Ginawa ko. 'Yon ang ginagawa ko. -Hindi! 140 00:11:57,666 --> 00:11:59,458 Nagtatago ka lang sa pilosopiya 141 00:11:59,541 --> 00:12:02,125 at natatakot sa future dahil sa maling desisyon ng iba! 142 00:12:02,208 --> 00:12:05,333 Ako 'yong nagtitiwala sa 'tin! 143 00:12:05,416 --> 00:12:08,166 -Ako din naman. -Paano naging pareho 'yon? 144 00:12:08,250 --> 00:12:10,083 Sabi mo, tayo lang ang mahalaga. 145 00:12:10,166 --> 00:12:11,958 -Iniisip ko 'yong tayo. -Paano? 146 00:12:12,041 --> 00:12:14,375 Tinalikuran ko ang values ng pamilya ko para sa 'yo! 147 00:12:14,458 --> 00:12:16,166 Pero di ko sinabing gawin mo 'yon! 148 00:12:16,250 --> 00:12:19,333 Okay, pero Rachel, alam kong ayaw mo namang magpakasal. 149 00:12:19,416 --> 00:12:22,583 Ngayon, nakikita ko na at naiintindihan kung bakit. 150 00:12:22,666 --> 00:12:25,208 Kailangan mo 'kong pakasalan. Kailangan nating makasal. 151 00:12:25,291 --> 00:12:27,916 Rachel, sabi mo, ayaw mong magpakasal. 152 00:12:28,000 --> 00:12:30,583 Dati 'yon, bago ko nalaman na may sumpa sa pamilya namin. 153 00:12:30,666 --> 00:12:34,458 Kung di ka nag-propose, okay lang sana tayo pero di mo kasalanan. 154 00:12:34,541 --> 00:12:36,291 Di mo kasalanan. Di mo naman alam. 155 00:12:36,375 --> 00:12:40,666 Di ko alam dati, pero alam na natin ngayon kaya kailangan na nating magpakasal. 156 00:12:40,750 --> 00:12:42,708 Di 'yon dahilan para magpakasal. 157 00:12:43,250 --> 00:12:46,625 Dapat dahil mahal natin ang isa't isa at naniniwala tayo ro'n. 158 00:12:46,708 --> 00:12:51,291 Alam ko, pero di 'yan ang 'tang inang sitwasyon natin ngayon. 159 00:12:57,333 --> 00:13:00,333 Oh my God. Bakit ngayon mo ginagawa 'to? 160 00:13:02,375 --> 00:13:04,208 'Tang ina naman, Nicky. 161 00:13:04,875 --> 00:13:06,333 Bakit ngayon mo ginagawa 'to? 162 00:13:16,125 --> 00:13:20,083 Oo, dagdagan mo pa. Sige pa. Sige, oo. 'Yan, salamat. 163 00:13:20,166 --> 00:13:21,375 Gan'yan dapat sa lahat. 164 00:13:21,458 --> 00:13:23,208 Kahit sa minors. Sa 'yo na 'yan. 165 00:13:23,291 --> 00:13:25,166 May problema siya, Victoria. 166 00:13:25,250 --> 00:13:28,500 Humihingi siya ng payo at naging honest lang ako. 167 00:13:32,000 --> 00:13:33,791 Di ko alam na gano'n siya magre-react. 168 00:13:33,875 --> 00:13:35,458 Kasi idol niya tayo. 169 00:13:36,250 --> 00:13:38,375 Akala niya perfect ang marriage natin. 170 00:13:39,458 --> 00:13:40,458 Perfect naman. 171 00:13:43,500 --> 00:13:46,250 Sinira mo 'yong relasyon ko sa anak ko. 172 00:13:47,166 --> 00:13:50,000 Di ko na makukuha 'yong tiwala niya. 173 00:13:50,083 --> 00:13:53,500 -Hindi. Mahal na mahal ka niya. -Inagaw mo 'yong ending ko. 174 00:13:53,583 --> 00:13:56,666 Teka, bumalik ka. Victoria. 175 00:13:58,708 --> 00:14:00,875 Honey, ano'ng nangyari kanina? 176 00:14:00,958 --> 00:14:04,625 Ayos lang ba 'to sa 'yo? Ayos lang ba si Nicky? Ano'ng gagawin natin? 177 00:14:04,708 --> 00:14:08,458 Salamat. Medyo di lang nagkaintindihan. Magiging okay sila. 178 00:14:08,541 --> 00:14:11,750 Puwede bang isang round pa? Ayokong may mauhaw. Cheers. 179 00:14:12,250 --> 00:14:13,500 Cheers. 180 00:14:14,666 --> 00:14:18,125 'Yong parang totoo. Mommy, hi! Mine-maintain ko ang good vibes. 181 00:14:24,083 --> 00:14:26,333 Bakit ka pa nag-propose sa 'kin no'n? 182 00:14:27,583 --> 00:14:29,541 Kung sinasabi ko na ayaw kong magpakasal? 183 00:14:30,041 --> 00:14:32,958 Nalaman mo lang na di perfect ang marriage ng parents mo. 184 00:14:33,041 --> 00:14:34,541 'Yon lang pala ang kailangan. 185 00:14:34,625 --> 00:14:37,916 Para mangyari 'yong gusto kong gawin no'ng nagkakilala tayo. 186 00:14:39,125 --> 00:14:41,583 Sana pala sinabi ko na sa 'yo no'ng nakikilala ko sila 187 00:14:41,666 --> 00:14:44,041 na di pala ideal ang relasyon ng parents mo. 188 00:14:44,125 --> 00:14:46,375 Maganda ang nanay mo, pero narcissist siya. 189 00:14:46,458 --> 00:14:48,416 Broken romantic naman ang tatay mo 190 00:14:48,500 --> 00:14:50,791 na naghahanap lang ng taong magmamahal sa kanya. 191 00:14:50,875 --> 00:14:54,666 Kaya lang maayos 'yong marriage nila kasi nirerespeto ng tatay mo ang nanay mo. 192 00:14:54,750 --> 00:14:55,750 'Yon ang gusto niya. 193 00:14:55,833 --> 00:14:58,375 Naging obsessed siya pero kulang pa rin siya sa nanay mo. 194 00:14:58,458 --> 00:15:01,791 Kaya pareho silang malungkot at nakaka-depress silang tingnan. 195 00:15:01,875 --> 00:15:04,625 Salamat, Rachel, oo. Salamat, a. 196 00:15:04,708 --> 00:15:08,541 Kaya tingin ko, ayaw nating maging katulad ng parents mo. 197 00:15:09,083 --> 00:15:13,458 At para lang malinaw sa sitwasyong 'yon, 198 00:15:13,541 --> 00:15:16,125 ako 'yong romantic at ikaw 'yong narcissist. 199 00:15:17,000 --> 00:15:18,833 Ay. Okay pala. 200 00:15:18,916 --> 00:15:21,083 Oo, sa totoo lang, walang sense, e 201 00:15:21,166 --> 00:15:25,625 kasi sa 'yo lang umiikot 'yong relasyon natin. 202 00:15:25,708 --> 00:15:26,625 Okay. 203 00:15:26,708 --> 00:15:30,041 Lagi kong sinasabi sa 'yo na okay lang ang lahat, 204 00:15:30,125 --> 00:15:32,958 kahit wala namang problema! 205 00:15:33,458 --> 00:15:36,333 Kasi akala mo laging may mangyayaring masama sa 'yo, 206 00:15:36,416 --> 00:15:39,750 kaya lagi akong maingat sa ginagawa ko para di kita masaktan. 207 00:15:39,833 --> 00:15:42,708 -Kasi di mo kayang harapin ang kahit ano. -Gets ko na. 208 00:15:42,791 --> 00:15:46,333 Di mo kayang makasama 'yong pamilya ko nang wala ako, 209 00:15:46,416 --> 00:15:48,041 nang di kita kino-comfort. 210 00:15:48,708 --> 00:15:52,541 Kahit maliit na bagay, parang nakakapagod na puzzle para sa 'yo. 211 00:15:52,625 --> 00:15:54,541 -Walang madali. -Gets ko. 212 00:15:54,625 --> 00:15:57,250 -Sobrang hirap mong mahalin! -Alam ko! 213 00:15:59,416 --> 00:16:00,916 Okay? Alam ko! 214 00:16:05,333 --> 00:16:07,000 'Yan ba 'yong gusto mong marinig? 215 00:16:09,708 --> 00:16:10,875 Ay, fuck. 216 00:16:20,958 --> 00:16:23,333 Gusto kitang bigyan— Teka, pabalik na sila… 217 00:16:23,416 --> 00:16:24,458 Hindi, ano… 218 00:16:26,041 --> 00:16:29,125 Cheers, guys. 'Yan, para masaya. 219 00:16:30,833 --> 00:16:32,750 Parang ako 'yon. Ako 'yon. 220 00:16:32,833 --> 00:16:35,625 Aalis na ba tayo? Teka, uuwi na ba tayo? 221 00:16:35,708 --> 00:16:38,416 Sabi ni Portia, magre-resume na 'yong ceremony. 222 00:16:44,375 --> 00:16:46,083 Bakit ka ba nag-yes no'n? 223 00:16:48,041 --> 00:16:49,916 No'ng nag-propose ako, bakit ka nag-yes? 224 00:16:50,000 --> 00:16:55,083 Kasi alam kong mahalaga 'yon sa 'yo, saka mahal kita no'n at… 225 00:16:58,833 --> 00:17:03,958 Nicky, ikaw lang ang dahilan kung bakit ako nandito. 226 00:17:04,041 --> 00:17:05,125 Mahal mo 'ko no'n? 227 00:17:08,625 --> 00:17:10,375 Di mo na ba 'ko mahal? 228 00:17:12,291 --> 00:17:14,666 -Umalis ka. -Gusto kong malaman 'yong sagot niya. 229 00:17:14,750 --> 00:17:15,916 Portia, lumabas ka na. 230 00:17:16,000 --> 00:17:18,208 Balik na sabi ni Mom, nakangiti at naghahalikan 231 00:17:18,291 --> 00:17:20,458 na parang di mo siya ipinahiya sa pamilya niya 232 00:17:20,541 --> 00:17:22,416 at mga taong mahal at nirerespeto niya. 233 00:17:22,500 --> 00:17:26,083 -Okay, bye. -Ew, ang lagkit ng kamay mo. 234 00:17:31,750 --> 00:17:35,541 Oo, Nicky, siyempre mahal pa rin kita, okay? 235 00:17:35,625 --> 00:17:37,958 At isa sa mga pinakagusto ko sa 'yo 236 00:17:38,041 --> 00:17:40,875 'yong pagiging matatag mo, consistent ka, stable ka, 237 00:17:40,958 --> 00:17:44,000 at di ka gumagawa nang masama gaya ng pag-iwan mo sa altar. 238 00:17:44,083 --> 00:17:45,833 Hindi ako nakikipaghiwalay. 239 00:17:45,916 --> 00:17:49,416 -Nililigtas ko tayong dalawa. -A, okay, sige. 240 00:17:49,916 --> 00:17:51,250 Sa tingin mo, nag-work ba? 241 00:17:52,625 --> 00:17:54,708 Kung gusto mo talagang iligtas tayo, 242 00:17:54,791 --> 00:17:58,375 sana sinabi mong "Oo" kanina kasi nagawan ko na nang paraan lahat. 243 00:17:58,458 --> 00:17:59,500 Okay? 244 00:17:59,583 --> 00:18:06,083 Marami akong pinagdaanan bago makarating do'n, para makapag-yes. 245 00:18:07,041 --> 00:18:09,416 Pag di mo ako pinakasalan bago mag-sunset, 246 00:18:09,500 --> 00:18:11,500 kakalat ang sumpa sa pamilya mo. 247 00:18:11,583 --> 00:18:16,000 Kaya, sa totoo lang, ako ang nagliligtas sa 'yo. 248 00:18:17,333 --> 00:18:21,916 -Oh my God, Rachel. Ano? -Anong "ano"? 249 00:18:23,666 --> 00:18:25,250 Ba't parang nagugulat ka? 250 00:18:31,000 --> 00:18:33,875 Napanood n'yo na ba 'yong Runaway Bride? Classic 'yon. 251 00:18:34,708 --> 00:18:38,166 Hi, guys. Ang saya ko, nandito kayo. 252 00:18:38,250 --> 00:18:40,375 -Ang cute mo. -Okay! Hi… 253 00:18:41,166 --> 00:18:46,125 Fuck, di ko 'yon makalimutan. Nanginginig ka ba? Ako, medyo. 254 00:18:46,208 --> 00:18:49,625 Ayoko sanang sabihin, pero may utang kayong tig-$50 sa 'kin. 255 00:18:50,125 --> 00:18:52,333 Oh my gosh. Nagpustahan kayo? 256 00:18:52,416 --> 00:18:55,083 Oo, pagkatapos ng rehearsal dinner, mukhang panalo na 'yon. 257 00:18:55,166 --> 00:18:57,666 -Bayad na. -Nagpustahan tayo na di niya itutuloy. 258 00:18:57,750 --> 00:18:59,583 -Baka magkaayos pa sila. -Ikaw rin. 259 00:18:59,666 --> 00:19:01,875 -Ikaw rin? -Ano? Gusto ko ng pera. 260 00:19:02,458 --> 00:19:04,000 Natalo ka sa pustahan. 261 00:19:06,291 --> 00:19:09,291 Sa totoo lang, rhinestones lang 'tong nakakabit, di diamonds. 262 00:19:09,375 --> 00:19:12,541 Pero custom 'yong likod. Wag mong hawakan, marupok 'yan. 263 00:19:14,041 --> 00:19:16,041 Naku! Karaniwan na 'to… 264 00:19:19,125 --> 00:19:21,125 Ano bang iniisip niya? 265 00:19:21,208 --> 00:19:22,125 Ewan ko. 266 00:19:23,541 --> 00:19:25,958 -Tapos di niya ininom 'yong— -Ewan ko. 267 00:19:36,625 --> 00:19:39,875 Ang sinasabi ko, sa pananaw ko 268 00:19:40,500 --> 00:19:43,750 parang masyado kang iritable simula nang dumating tayo dito. 269 00:19:43,833 --> 00:19:47,208 Tapos sinabi mong may masamang mangyayari. 270 00:19:47,291 --> 00:19:50,333 Tapos nag-kuwento ka na tungkol sa mga sumpa. 271 00:19:50,416 --> 00:19:53,916 Ngayon, nakikita mo na ba kung bakit sa tingin ko 272 00:19:54,000 --> 00:19:56,708 gusto mo na 'yong idea na wag na tayong magpakasal? 273 00:19:57,625 --> 00:20:01,333 Parang lahat ng 'yon nangyari bago ang kasal natin, 274 00:20:01,416 --> 00:20:04,750 may parte do'n na parang na-pressure ako o ano man. 275 00:20:04,833 --> 00:20:06,666 Sorry. Nicky, tama na. 276 00:20:07,875 --> 00:20:08,875 Ano? 277 00:20:09,666 --> 00:20:11,583 Di ka ba naniniwala sa sumpa? 278 00:20:11,666 --> 00:20:13,041 'Yong kasal ang sumpa. 279 00:20:13,125 --> 00:20:17,041 -Inililigtas ko tayo do'n. -Oh my God, hindi, Nicky. 280 00:20:17,125 --> 00:20:21,041 'Yong sumpa ang sumpa. Mawawala ang sumpa pag nagpakasal tayo. 281 00:20:21,125 --> 00:20:23,458 Akala mo ba gawa-gawa ko lang 'to? 282 00:20:23,541 --> 00:20:25,583 Di ko sinasabing gawa-gawa mo lang. Ano… 283 00:20:26,166 --> 00:20:28,416 Ano? Sabihin mo sa 'kin, ano? 284 00:20:29,458 --> 00:20:32,791 Ano 'to, takot sa commitment o stress? 285 00:20:32,875 --> 00:20:35,041 Hindi, hindi ko… Ano… 286 00:20:35,125 --> 00:20:36,500 -Ano?! -Sa tingin ko… 287 00:20:37,958 --> 00:20:44,208 Pareho tayong sinumpa ng sistema na nagpalaki sa 'tin. 288 00:20:44,291 --> 00:20:45,208 Oh my God. 289 00:20:45,291 --> 00:20:48,000 At maaayos natin 'yon pag di tayo nagpakasal. 290 00:20:48,083 --> 00:20:51,166 No'ng sinabi kong mamamatay ako pag di tayo soulmates, 291 00:20:51,666 --> 00:20:52,750 di ka naniniwala? 292 00:20:54,708 --> 00:20:56,583 Di ko iniisip na… Rachel… 293 00:20:56,666 --> 00:20:57,750 Ano? 294 00:20:58,541 --> 00:20:59,625 Di mo iniisip na ano? 295 00:21:04,625 --> 00:21:06,375 Di ko iniisip na mangyayari 'yon. 296 00:21:09,500 --> 00:21:12,958 Kakasabi mo lang na naniniwala ka sa 'kin. 297 00:21:13,041 --> 00:21:15,958 Bago ako maglakad sa aisle. Grabe naman. 298 00:21:16,041 --> 00:21:17,208 Teka. Sandali lang. 299 00:21:17,291 --> 00:21:19,291 Grabe 'to. 'Tang ina, di ako makapaniwala! 300 00:21:19,375 --> 00:21:21,666 -Hindi. -Di ko sinadyang maging ganito 'to. 301 00:21:21,750 --> 00:21:26,583 Buo ang tiwala ko sa 'tin kasi akala ko naiintindihan mo 'ko! 302 00:21:26,666 --> 00:21:28,625 Akala ko, nagegets natin ang isa't isa. 303 00:21:28,708 --> 00:21:32,708 Puwede ba tayong bumalik, sa ano, four hours bago mangyari 'to? 304 00:21:51,958 --> 00:21:54,833 Kaninong side ka, sa bride o sa groom? 305 00:21:55,333 --> 00:21:58,666 -Sa groom. -Sabi na, e. Kasal na ba kayo? 306 00:21:58,750 --> 00:22:00,833 -Oo. -Sa isa't isa? 307 00:22:01,333 --> 00:22:04,875 -Oo. -Naniniwala ka bang soulmate mo siya? 308 00:22:05,541 --> 00:22:06,583 Oo. Sigurado ako. 309 00:22:08,458 --> 00:22:10,041 Sigurado. 310 00:22:10,125 --> 00:22:13,416 Sorry. Babalik na kami sa table namin. Tara na. 311 00:22:13,500 --> 00:22:16,000 Ba't may wedding reception kung walang bride o groom? 312 00:22:16,083 --> 00:22:18,041 Ano 'to, magjojoke ka na naman ba? 313 00:22:18,125 --> 00:22:20,833 -Hindi, seryosong tanong 'yon. -Paano ko malalaman? 314 00:22:20,916 --> 00:22:22,416 -Para sa 'yo, sir. -Ayaw. 315 00:22:26,083 --> 00:22:27,791 Ano ba'ng gusto mong gawin ko? Ano— 316 00:22:27,875 --> 00:22:30,166 Di mo 'ko hinahayaang mag-isip nang mag-isa! 317 00:22:30,250 --> 00:22:33,916 Di mo tinatanggap pag magkaiba ang pananaw natin. 318 00:22:34,000 --> 00:22:36,208 Di ko mababago 'yong pinaniniwalaan ko. 319 00:22:36,291 --> 00:22:40,750 -Pero di ka naniniwala sa 'kin! -Magkaiba 'yon, Rachel. 320 00:22:40,833 --> 00:22:42,500 -Magkaiba 'yon, okay? -Paano? 321 00:22:42,583 --> 00:22:48,250 Di ako naniniwala sa supernatural na bagay o cosmic retribution o mga sumpa. 322 00:22:48,333 --> 00:22:50,000 Di ako naniniwala sa mga aliens, 323 00:22:50,083 --> 00:22:53,791 pero kung sinabi mo na nakakita ka ng alien, 324 00:22:53,875 --> 00:22:55,708 maniniwala ako sa 'yo, Nicky. 325 00:22:56,208 --> 00:22:59,583 Sorry, Rachel. Hindi ko— Di mo… 326 00:22:59,666 --> 00:23:02,541 Alam mo na 'to tungkol sa 'kin. Di na 'to bago sa 'yo. 327 00:23:02,625 --> 00:23:06,666 Kapag mahal mo ang isang tao, Nicky, 328 00:23:06,750 --> 00:23:10,083 maniniwala ka sa kanya. 'Yon ang tiwala. 329 00:23:10,583 --> 00:23:13,875 Kaya no'ng sinabi mo na naniwala ka sa 'kin, naniwala ako. 330 00:23:13,958 --> 00:23:16,833 Imbes na balikan ko 'yong listahan ng mga sinabi mo no'n 331 00:23:16,916 --> 00:23:20,458 kasi 'tang ina kino-consider kita ngayon, sa lahat ng oras, 332 00:23:20,541 --> 00:23:25,291 ikaw lang ang tinitingnan ko pero di mo 'yon ginagawa sa 'kin. 333 00:23:25,833 --> 00:23:26,750 Hindi. 334 00:23:26,833 --> 00:23:33,500 Ano… Pinili mo lang 'yong version ko sa isip mo at 'yon lang ang nakikita mo… 335 00:23:35,125 --> 00:23:37,833 tapos maiinis ka pag di na ako gano'n 336 00:23:37,916 --> 00:23:41,041 kasi di mo na alam kung sino ka, at alam mo? Masama 'yon. 337 00:23:41,125 --> 00:23:42,875 Masamang ugali 'yon 338 00:23:42,958 --> 00:23:48,541 dahil ginawa mong imposible, imposible para sa 'kin na mabuhay! 339 00:23:54,333 --> 00:23:55,750 Dalawang tequila, please. 340 00:23:58,416 --> 00:24:02,041 -Gusto ko 'yong jacket mo. -Oo nga, salamat. 341 00:24:02,125 --> 00:24:03,333 Puwede ba 'yan sa 'kin? 342 00:24:09,125 --> 00:24:11,166 O, 3:45 na. Susunduin ko na sila. 343 00:24:25,875 --> 00:24:27,750 'Tang ina, ano'ng nangyayari d'yan? 344 00:24:32,666 --> 00:24:33,708 Mga gago. 345 00:24:35,583 --> 00:24:36,833 Imposible! 346 00:24:39,291 --> 00:24:40,125 Papasok ako. 347 00:24:40,208 --> 00:24:43,291 Rachel, 4:44 ang sun set. Wala nang isang oras 'yon. 348 00:24:43,375 --> 00:24:45,500 -Ano bang ginagawa mo? -Sandali lang. 349 00:24:45,583 --> 00:24:49,875 Nauubusan ka na nang oras. Kukunin ko na ang master key. Mga gago. 350 00:25:08,125 --> 00:25:12,083 Ayan siya! Jude, halika. Halika na. 351 00:25:14,500 --> 00:25:18,375 Kung wala kang sumpa, mag-ye-yes ka pa rin ba? 352 00:25:18,958 --> 00:25:20,791 Oh my God, walang kinalaman 'yan! 353 00:25:20,875 --> 00:25:21,958 Parang tinanong mo, 354 00:25:22,041 --> 00:25:25,083 "Sa tingin mo, right-handed ka kaya kung wala kang braso?" 355 00:25:28,208 --> 00:25:30,083 Sagutin mo pa rin. 356 00:25:34,000 --> 00:25:36,083 Wala kang masabi. Alam mo, Nicky? 357 00:25:36,166 --> 00:25:38,250 Pero sa totoo lang, na-spoil ka ng nanay mo 358 00:25:38,333 --> 00:25:40,250 at tinago ka sa 'tang inang mundo, 359 00:25:40,333 --> 00:25:44,291 kaya wala kang alam sa totoong mundo, Nicky. Wala. 360 00:25:47,541 --> 00:25:50,041 …masamang tao. Dapat pag-aralan 'yong utak mo. 361 00:25:50,125 --> 00:25:52,583 Diyos ko, dalawang taon na 'yon, Nicky. 362 00:25:52,666 --> 00:25:55,458 Okay, di ako basta-basta mawawala nang isang linggo. 363 00:25:57,750 --> 00:25:59,083 Mag-marijuana ka na lang. 364 00:25:59,166 --> 00:26:00,541 -Romantic ka? -Magpaka-high ka. 365 00:26:03,791 --> 00:26:05,291 Bababa ka sa level ko? 366 00:26:09,250 --> 00:26:11,625 Ikaw ang pinaka-manipulative na taong— 367 00:26:32,041 --> 00:26:33,166 -My God. -Hindi… Paano? 368 00:26:33,250 --> 00:26:35,666 -Alam kong sisirain mo ang kasal. -Hindi ako, Portia. 369 00:26:35,750 --> 00:26:40,833 Alam kong stressful 'tong week na 'to, pero kahit ano pa ang problema n'yo, 370 00:26:40,916 --> 00:26:46,041 makakaya n'yong ayusin 'yan, okay? Pero hindi ngayon. 371 00:26:46,125 --> 00:26:48,291 -Hayaan mo sila sa gusto nila. -Di ngayon. 372 00:26:48,375 --> 00:26:50,666 Kailangan nilang magpakasal, Dad. Kailangan. 373 00:26:50,750 --> 00:26:53,625 -Ano'ng nangyari? -Di ko kailangan 'to ngayon. 374 00:26:53,708 --> 00:26:56,416 Walang may gusto nito ngayon. Umayos ka at magpakasal. 375 00:26:56,500 --> 00:26:58,458 -Ano'ng ginagawa mo? -Tumabi ka. 376 00:26:58,541 --> 00:26:59,625 Di mo ba ininom? 377 00:27:00,833 --> 00:27:03,000 Hindi, nagtiwala ako sa kanya. 378 00:27:03,083 --> 00:27:04,166 Bakit mo ginawa 'yon? 379 00:27:04,250 --> 00:27:06,083 -Kasi 98% sure ako. -Sorry. Iinumin? 380 00:27:06,166 --> 00:27:08,666 Ano'ng ginagawa mo? Tingnan mo siya. Pakasalan mo siya. 381 00:27:08,750 --> 00:27:10,500 Sino'ng may pake sa prinsipyo mo? 382 00:27:10,583 --> 00:27:13,500 -Pakasalan mo siya o mapapahamak tayo! -Ano'ng iinumin, Nell? 383 00:27:13,583 --> 00:27:15,791 Tumahimik ka, Portia. Kailangang magpakasal kayo. 384 00:27:15,875 --> 00:27:17,833 -Ano, dahil sa sumpa? -Oo! 385 00:27:18,416 --> 00:27:19,375 Di siya naniniwala. 386 00:27:19,458 --> 00:27:22,750 Totoo 'yon. At pag di mo siya pinakasalan, kakalat 'yon sa pamilya natin. 387 00:27:22,833 --> 00:27:24,541 Ibig sabihin, magkakasumpa si Jude. 388 00:27:24,625 --> 00:27:26,000 Ano 'yon? Tayong lahat? 389 00:27:26,083 --> 00:27:27,791 -Oo. -Di ko maintindihan. 390 00:27:27,875 --> 00:27:30,291 Sige, kumalma muna tayong lahat. 391 00:27:36,208 --> 00:27:38,833 Anak. Uy. 392 00:27:39,916 --> 00:27:42,375 Di mo sinasadya 'yong sinabi mo kanina, di ba? 393 00:27:53,750 --> 00:27:55,041 Ano… 394 00:27:56,833 --> 00:27:59,625 -Gusto ko lang gawin 'yong tama. -May five minutes ka. 395 00:27:59,708 --> 00:28:00,666 Jules! 396 00:28:01,791 --> 00:28:06,375 Sige, halika na. Tara na. Dad, maghanda ka na nang sasabihin mo. 397 00:28:07,958 --> 00:28:09,541 -Nasaan 'yong witness? -Tama na. 398 00:28:09,625 --> 00:28:11,083 Ba't di kayo gumagalaw? Tara na. 399 00:28:11,166 --> 00:28:12,250 Ano… 400 00:28:12,333 --> 00:28:14,833 Rachel, tara na. 401 00:28:14,916 --> 00:28:19,250 Sige, tapusin na lang natin 'yong ceremony. Di ba? 402 00:28:19,833 --> 00:28:21,708 Wala kang dapat ikahiya. 403 00:28:22,500 --> 00:28:24,000 Walang nagagalit. 404 00:28:26,125 --> 00:28:27,625 Anak, tingnan mo 'ko. 405 00:28:30,125 --> 00:28:31,666 Magiging okay ang lahat. 406 00:28:34,541 --> 00:28:35,583 Halika na. 407 00:28:48,083 --> 00:28:50,416 Sorry talaga. Uy. 408 00:28:52,500 --> 00:28:53,708 Gawin ba natin ulit? 409 00:28:55,083 --> 00:28:58,416 Gusto mo bang bumalik do'n at gawin ulit? Ano sa tingin mo? 410 00:28:59,208 --> 00:29:00,541 Rachel, gusto mo bang… 411 00:29:04,250 --> 00:29:05,458 Ano sa tingin mo? 412 00:29:13,208 --> 00:29:14,458 Ayoko. 413 00:29:16,166 --> 00:29:17,458 Ayoko, Nicky. 414 00:29:18,583 --> 00:29:20,125 Hindi kita pakakasalan. 415 00:29:51,416 --> 00:29:53,500 -Ano 'yan? -Ayokong mamatay para sa kanya. 416 00:29:53,583 --> 00:29:56,166 Di ka mamamatay. Sabi mo, soulmate mo siya. 417 00:29:56,250 --> 00:29:57,791 -Well, hindi. -Rachel, sige na. 418 00:29:57,875 --> 00:30:00,666 -Gawin mo na 'to para sa 'kin. -'To lang? 419 00:30:00,750 --> 00:30:04,916 Nicky, ginawa ko lahat ng 'to para sa 'yo. 420 00:30:05,000 --> 00:30:06,458 Nag-yes ako sa proposal. 421 00:30:06,541 --> 00:30:10,375 Nag-yes ako kanina kasi naniwala ako sa 'yo, pero ayoko na. 422 00:30:10,458 --> 00:30:12,750 Di ko na ipagpapalit ang sarili ko para sa 'yo. 423 00:30:12,833 --> 00:30:16,125 Deserve ko ng second chance. 424 00:30:16,208 --> 00:30:18,208 -Rachel. Sige na. -Wag mong gawin 'to. 425 00:30:18,708 --> 00:30:20,916 Kailangan mo lang maniwala sa 'kin, Nicky. 426 00:30:22,208 --> 00:30:23,541 Fuck, 4:45 na. 427 00:31:15,250 --> 00:31:16,291 Oh my God. 428 00:33:51,458 --> 00:33:54,375 Jude! 429 00:33:58,291 --> 00:34:01,416 Ano'ng gagawin natin? 430 00:34:02,125 --> 00:34:04,208 Di ko alam. 431 00:34:04,291 --> 00:34:05,666 Di kita marinig! 432 00:34:05,750 --> 00:34:08,750 Mag-iisip ako nang paraan, okay? Ano… Fuck, nasaan siya? 433 00:34:14,041 --> 00:34:14,916 Zander? 434 00:34:18,791 --> 00:34:21,250 Ayos ka lang. Umupo ka lang dito. 435 00:34:21,333 --> 00:34:23,333 Mama! 436 00:34:26,666 --> 00:34:28,083 Tabi! 437 00:34:53,041 --> 00:34:55,083 Ikaw! Tingnan mo. 438 00:34:55,166 --> 00:34:57,541 Sorry. Ayos ka lang. Lagyan mo lang ng pressure, ha? 439 00:34:57,625 --> 00:34:58,500 Ayos ka lang. 440 00:34:58,583 --> 00:35:02,375 Ano'ng nangyayari sa pamilya mo? Oh my God! 441 00:35:02,458 --> 00:35:06,000 Pumikit ka, anak. Pumikit ka. Pumikit ka, okay? Pumikit ka. 442 00:35:06,083 --> 00:35:09,625 Ito ba 'yong sinasabi mo? Ba't di mo sinabi na mangyayari 'to? 443 00:35:09,708 --> 00:35:13,666 Binalaan kita. Sabi ko, kakalat 'yan sa lahi niya. 444 00:35:38,250 --> 00:35:39,083 Mom, hindi. 445 00:35:39,166 --> 00:35:41,166 Alam kong satanic 'yong babaeng 'yon. 446 00:35:41,250 --> 00:35:44,083 -Walang nakinig sa 'kin. -Hindi. 447 00:35:45,416 --> 00:35:46,541 Ano'ng nangyayari? 448 00:35:48,291 --> 00:35:51,166 Magiging okay 'to. Ha? Ayos ka lang. 449 00:36:16,666 --> 00:36:18,291 -I-lock mo ang pinto. -Okay. 450 00:36:18,375 --> 00:36:20,833 Wag kang magpapasok ng iba, kami lang ni Nellie, ha? 451 00:36:20,916 --> 00:36:21,791 Okay. 452 00:36:24,458 --> 00:36:27,125 -Lakasan mo ang TV. -Super Bowl LX, Patriots— 453 00:36:34,000 --> 00:36:37,000 I love you. Di ko hahayaang may mangyaring masama sa 'yo. 454 00:36:39,166 --> 00:36:40,000 Babalik ako, ha. 455 00:36:40,083 --> 00:36:43,541 Magiging madugo 'tong bakbakan na 'to habang kinukuha ng Seahawks… 456 00:36:54,500 --> 00:36:57,166 Okay, makinig kayo. Kumalat 'yong sumpa sa lahi natin. 457 00:36:57,250 --> 00:36:58,875 Mangyayari 'yan sa 'kin? 458 00:36:58,958 --> 00:37:00,916 Depende kung soulmate mo 'yong taga-Vegas. 459 00:37:01,000 --> 00:37:02,750 Nagpakasal ka? 460 00:37:03,333 --> 00:37:06,208 Sorry, Mom. Nagkamali ako. Di ko dapat ginawa 'yon. 461 00:37:11,916 --> 00:37:13,833 -Mom? -Hindi 'to nangyayari. 462 00:37:13,916 --> 00:37:16,625 Nangyayari 'to at kasalanan mo 'to, tanga. 463 00:37:16,708 --> 00:37:18,375 Kailangan mo lang siyang pakasalan. 464 00:37:18,458 --> 00:37:21,125 Nangyari 'to kasi di mo siya pinakasalan. 465 00:37:21,708 --> 00:37:23,875 May magagawa pa tayo para pigilan 'to. 466 00:37:25,333 --> 00:37:26,916 Guys, ano'ng gagawin natin? 467 00:37:27,000 --> 00:37:28,000 Hihingi ng tulong. 468 00:37:28,083 --> 00:37:29,750 Nagkamali ako. Di ko dapat ginawa… 469 00:37:29,833 --> 00:37:31,125 Ba't di ka pumirma? 470 00:37:31,208 --> 00:37:33,125 Di ko alam kung paano mabuhay pag wala ka. 471 00:37:33,208 --> 00:37:35,125 -Oh my God! -May dumudugo ba? 472 00:37:35,208 --> 00:37:36,416 Wala pa. 473 00:38:18,166 --> 00:38:22,083 Rach. Rachel, sorry. 474 00:38:22,166 --> 00:38:24,041 Sorry talaga. Nagkamali ako. 475 00:38:24,125 --> 00:38:26,083 Sobrang sorry talaga. 476 00:38:26,166 --> 00:38:30,083 Naniniwala akong soulmate kita at soulmate mo 'ko. Soulmates tayo. 477 00:38:35,791 --> 00:38:37,375 Naniniwala ka na sa 'kin ngayon? 478 00:38:38,958 --> 00:38:40,166 I do. 479 00:38:41,750 --> 00:38:42,791 I do. 480 00:38:43,541 --> 00:38:44,416 Promise. 481 00:38:45,208 --> 00:38:49,166 Palagi na akong maniniwala sa 'yo simula ngayon, promise. 482 00:38:49,958 --> 00:38:52,125 -Promise. -Hindi, Nicky. 483 00:38:52,208 --> 00:38:56,083 Sa kapangyarihang ipinagkaloob sa 'kin, idinideklara ko na kayong mag-asawa. 484 00:38:56,583 --> 00:38:58,208 Puwede mo nang halikan ang bride. 485 00:39:00,458 --> 00:39:01,291 Rachel. 486 00:39:03,958 --> 00:39:07,416 Hindi. 487 00:39:07,500 --> 00:39:09,541 Hindi! Di siya puwedeng pumirma d'yan. 488 00:39:09,625 --> 00:39:12,083 Sinabi n'yo na ang vows n'yo. 489 00:39:12,166 --> 00:39:15,000 -Gusto nilang tapusin 'yong ceremony. -Bilisan mo, please! 490 00:39:15,083 --> 00:39:17,750 Kumalat na 'yong sumpa, di na nito mapipigilan 'yon, di ba? 491 00:39:18,333 --> 00:39:20,125 Di na 'to mapipigilan. Nicky. 492 00:39:20,708 --> 00:39:23,000 Nicky. Tayo… Tumingin ka sa 'kin. 493 00:39:23,083 --> 00:39:27,875 Pareho na tayong may sumpa. Mamamatay tayo pag nagpakasal tayo. 494 00:39:28,916 --> 00:39:31,250 -Hindi, kung soulmates tayo. -Hindi tayo soulmates. 495 00:39:31,833 --> 00:39:33,416 Tingin ko soulmates pa rin tayo. 496 00:39:42,583 --> 00:39:44,708 Sinubukan lang namin para mailigtas ang lahat. 497 00:39:46,166 --> 00:39:50,708 May sumpa 'yong anak ko. Sorry. Sorry, Rachel. Sorry. 498 00:39:50,791 --> 00:39:52,791 Ikaw… 499 00:39:54,458 --> 00:39:56,791 Soulmates pa rin tayo, di ba? 500 00:39:57,458 --> 00:39:58,458 Di ba? 501 00:40:05,041 --> 00:40:06,666 Sorry talaga. 502 00:40:08,583 --> 00:40:10,583 -Sorry, Rach. -Rachel. 503 00:40:21,375 --> 00:40:22,833 Hindi, Rachel. 504 00:40:23,333 --> 00:40:28,083 Rachel, teka. Jules, ano'ng— Sabi mo, gagana 'yon. 505 00:40:28,166 --> 00:40:31,791 -Bakit hindi gumana? -Huli na. Sorry. 506 00:42:33,500 --> 00:42:35,291 Ayos ka lang, baby girl. 507 00:42:35,375 --> 00:42:40,041 Ayos lang 'yan. 508 00:42:44,166 --> 00:42:45,291 Wag kang umiyak. 509 00:44:36,833 --> 00:44:38,125 Para sa 'kin? 510 00:44:41,291 --> 00:44:44,375 Sa wakas, sinundo mo na ako. 511 00:45:35,500 --> 00:45:37,541 Bakit walang nangyayari sa 'yo? 512 00:49:04,958 --> 00:49:06,541 Nakita mo ba 'yong lighter ko? 513 00:49:27,875 --> 00:49:31,041 Okay lang. 514 00:49:33,166 --> 00:49:34,208 Jude. 515 00:49:49,875 --> 00:49:54,625 Sorry talaga kasi nangyari 'to sa 'yo, ha? 516 00:49:55,291 --> 00:49:56,958 Pero tandaan mo… 517 00:50:00,666 --> 00:50:02,041 na nangyari 'to. 518 00:50:03,625 --> 00:50:06,375 Kaya wag mong hayaang sabihin ng iba na di 'to nangyari. 519 00:50:06,458 --> 00:50:09,250 Magiging okay ka. Ha? 520 00:50:10,166 --> 00:50:11,000 Makinig ka. 521 00:50:12,625 --> 00:50:18,791 Dapat maging sobrang maingat ka sa pipiliin mong pakasalan. 522 00:50:19,708 --> 00:50:22,583 Pero wag kang mag-alala. Nando'n ako para maging witness, ha? 523 00:50:22,666 --> 00:50:24,041 Okay. 524 00:50:35,166 --> 00:50:36,208 Okay. 525 00:50:38,708 --> 00:50:40,000 Kita na lang tayo, a. 526 00:51:12,333 --> 00:51:17,708 IKAW NAMAN! 527 00:52:30,208 --> 00:52:32,375 BAGONG KASAL 528 00:55:07,708 --> 00:55:14,708 BAGONG KASAL 529 00:58:09,500 --> 00:58:12,083 Nagsalin ng subtitle: Vanessa Labrusca