1 00:00:16,059 --> 00:00:17,977 No'ng ako ang nagpapatakbo ng Microsoft… 2 00:00:18,061 --> 00:00:20,855 Ladies ang gentlemen, si Bill Gates. 3 00:00:21,397 --> 00:00:25,026 …talagang nagtagumpay kami, 4 00:00:25,109 --> 00:00:28,404 pero alam ko na noon na maraming lalabas na opinyon. 5 00:00:28,488 --> 00:00:29,864 Mag-log in sa Internet. 6 00:00:29,947 --> 00:00:33,034 Makikita mo kung ano'ng tingin ng iba kay Bill Gates. 7 00:00:33,117 --> 00:00:36,662 Pwede mo siyang suntukin. Pwede mo ring batuhin ng pie. 8 00:00:37,163 --> 00:00:41,375 Tapos no'ng full time na akong pilantropo, 9 00:00:41,459 --> 00:00:43,377 do'n na talaga lumala. 10 00:00:43,461 --> 00:00:46,297 Totoo bang may nabitawan kang 10,000 dollar bill, 11 00:00:46,380 --> 00:00:49,550 tapos di na sulit sa oras mong pulutin pa 'yon? 12 00:00:49,634 --> 00:00:50,468 Hindi. 13 00:00:51,385 --> 00:00:55,807 Pag sobrang yaman mo, mapapaisip talaga ang tao kung ano'ng motibo mo, 14 00:00:55,890 --> 00:00:58,643 pero iba na talaga 'to. 15 00:00:59,268 --> 00:01:01,145 MGA AKTUWAL NA CONSPIRACY SA INTERNET 16 00:01:01,229 --> 00:01:03,356 Ito 'yong una. Tingnan natin. 17 00:01:06,234 --> 00:01:10,571 "Patagong ginagawan nina Bill Gates at ng liberal world order ng paraan 18 00:01:10,655 --> 00:01:12,740 para pakainin ng insekto ang mga tao. 19 00:01:13,282 --> 00:01:15,952 Ang agenda nila, pahinain ang mababang uri 20 00:01:16,035 --> 00:01:19,122 sa pamamagitan ng insect diets na mababa sa protina." 21 00:01:20,498 --> 00:01:22,500 Nakakalungkot naman 'yon. 22 00:01:22,583 --> 00:01:23,501 Okay. Susunod. 23 00:01:24,377 --> 00:01:28,631 Mas maganda 'to. "Si Bill Gates ay butiking nagbabagong-anyo, 24 00:01:28,714 --> 00:01:32,718 na parte ng lahing reptilian, kasama nina Tom Hanks at Lady Gaga. 25 00:01:33,469 --> 00:01:37,014 Palihim na kinokontrol ng mga butiking tao na ito ang mundo." 26 00:01:39,142 --> 00:01:41,269 May nagbanggit nito sa 'kin. 27 00:01:41,352 --> 00:01:45,106 Di ko alam na kasama pala si Tom Hanks. Ayos 'yon. 28 00:01:45,189 --> 00:01:46,399 Susunod. 29 00:01:46,482 --> 00:01:51,279 "Umiinom ng dugo ng baby si Bill Gates para maging imortal. 30 00:01:52,947 --> 00:01:58,452 Palihim na nagsu-supply ang mga farm ni Bill Gates ng patatas sa McDonald's 31 00:01:58,536 --> 00:02:03,124 para lagyan ng bakuna ang french fries sa bawat Happy Meal." 32 00:02:04,125 --> 00:02:07,003 -Kumakain ako ng McDonald's. -Okay, last na. 33 00:02:08,004 --> 00:02:09,547 "Pagkatapos mamatay sa aksidente, 34 00:02:09,630 --> 00:02:14,343 pinalitan na ng clones sina Bill Gates at ang ex-wife niyang si Melinda. 35 00:02:14,427 --> 00:02:17,138 Gumawa ng clones ang isang team ng scientists 36 00:02:17,221 --> 00:02:20,391 para hindi matapos ang pagkontrol niya sa mundo." 37 00:02:20,474 --> 00:02:21,726 Narinig mo na 'yon? 38 00:02:21,809 --> 00:02:24,020 Hindi. Parang totoong tao pa naman si Melinda. 39 00:02:24,103 --> 00:02:25,188 E, kayo? 40 00:02:25,271 --> 00:02:26,939 Ginagawa ko ang makakaya ko. 41 00:02:43,456 --> 00:02:46,667 Gusto kitang tanungin tungkol sa katotohanan. 42 00:02:47,293 --> 00:02:51,005 Sa tingin ko, ikaw 'yong tipong nakabatay sa data at numero. 43 00:02:51,088 --> 00:02:54,133 Sa tingin mo, may pagkakaiba ang data at katotohanan? 44 00:02:54,634 --> 00:03:00,598 Parang wala. Kasi ang data ay isang hanay ng facts 45 00:03:01,098 --> 00:03:03,893 tungkol sa kung gaano karami ang naibebenta, 46 00:03:03,976 --> 00:03:05,645 ilan ang tao, 47 00:03:06,145 --> 00:03:08,731 ano-ano ang ginagawa nila? 48 00:03:08,814 --> 00:03:11,442 Parang gano'n tayo nagdedesisyon. 49 00:03:12,735 --> 00:03:15,905 Pero minsan, di nakabatay sa facts ang desisyon ng iba. 50 00:03:15,988 --> 00:03:18,199 Nakabatay sila sa emosyon o kuwento 51 00:03:18,282 --> 00:03:21,911 o kung anong pinaniniwalaan ng tao na totoo. 52 00:03:24,789 --> 00:03:27,583 "Ano ang tingin ko sa konsepto ng katotohanan?" 53 00:03:29,543 --> 00:03:31,921 Gusto mong umpisahan sa madaling tanong. 54 00:03:32,004 --> 00:03:34,590 Sa tingin ko, merong tinatawag na facts. 55 00:03:34,674 --> 00:03:37,468 Pag nilagay ko ang kamay ko sa apoy, masasaktan ako. 56 00:03:37,551 --> 00:03:41,514 Pero iba-iba ang pangangatuwiran, pagdadahilan, at pagpapahayag ng kaalaman 57 00:03:41,597 --> 00:03:43,057 ng mga tao. 58 00:03:43,140 --> 00:03:47,520 Mas pinag-iisipan ko na ngayon kung paano tayo lumilikha ng katotohanan. 59 00:03:47,603 --> 00:03:49,397 Katotohanan para kanino? 60 00:03:49,480 --> 00:03:53,776 Kaya nagiging negotiable ang katotohanan, parang nagiging opinyon pa nga, 61 00:03:53,859 --> 00:03:56,070 o mas malala, parang paniniwala. 62 00:03:58,572 --> 00:04:01,784 Masyadong komplikado ang mundo 63 00:04:01,867 --> 00:04:08,207 para magkaro'n ng ganap na fact-based na paraan para unawain ang pag-uugali, 64 00:04:08,291 --> 00:04:11,377 at panahon, at ekonomiya, at lahat ng bagay, 65 00:04:11,460 --> 00:04:15,381 kaya gumagamit tayo ng shortcuts gaya ng "Tiwala ako sa taong 'to." 66 00:04:16,799 --> 00:04:18,676 Inihahandog ng CBS Television 67 00:04:18,759 --> 00:04:22,179 ang reporter at news analyst na si Edward R. Murrow. 68 00:04:22,263 --> 00:04:26,183 Sa unang pagkakataon, nakikita na ng tao ang dalawang karagatan mula sa bahay nila. 69 00:04:26,267 --> 00:04:28,227 Hanga kami sa kahalagahan ng medium na ito. 70 00:04:28,311 --> 00:04:31,731 Nawa'y matutunan natin itong gamitin, huwag abusuhin. 71 00:04:32,773 --> 00:04:36,652 Maiksing panahon 'yon na akala natin, rational beings tayo 72 00:04:36,736 --> 00:04:40,239 na may mga paniniwalang nakabatay sa mapapatunayang facts, 73 00:04:40,323 --> 00:04:42,325 pero hindi tayo gano'n umiral. 74 00:04:42,408 --> 00:04:45,661 Masyadong tatagal pag di ka naniwala sa sinasabi ng iba. 75 00:04:45,745 --> 00:04:49,498 Sabi ng mga eksperto, "Wag maniwala sa lahat ng naka-post." 76 00:04:49,582 --> 00:04:52,460 Kumalat na parang apoy ang Q-Anon nitong mga nakaraang buwan. 77 00:04:53,044 --> 00:04:56,255 Dahil sa Internet, iniisip natin 78 00:04:56,339 --> 00:04:59,133 na mag-isa nating inaalam ang mga bagay-bagay, 79 00:05:00,217 --> 00:05:02,011 pero iisa ang direksiyon ng tiwala. 80 00:05:02,094 --> 00:05:05,598 Di mo pwedeng bawasan ang tiwala sa isang parte ng lipunan, 81 00:05:05,681 --> 00:05:06,974 tapos dagdagan sa iba. 82 00:05:07,058 --> 00:05:10,186 Pwede mong dagdagan o bawasan. Pag binawasan mo 'yon, 83 00:05:10,269 --> 00:05:12,188 maraming bagay na masisira. 84 00:05:12,271 --> 00:05:15,149 Kahit ano'ng marinig mo, mapapaisip ka… 85 00:05:15,232 --> 00:05:17,401 Di mo na alam kung saan magtitiwala. 86 00:05:17,485 --> 00:05:19,862 'Yong tiwala sa kapitbahay, sa pinuno… 87 00:05:19,945 --> 00:05:21,697 Gumising kayo! 88 00:05:21,781 --> 00:05:23,366 …at mga institusyon ng kaalaman… 89 00:05:23,449 --> 00:05:25,159 CNN kayo. Fake news kayo. 90 00:05:25,743 --> 00:05:27,828 …tapos babalikan at sisirain ka no'n. 91 00:05:27,912 --> 00:05:29,997 Di ba halatang pinoprotektahan ko kayo? 92 00:05:30,081 --> 00:05:32,833 -Bakit may… -Kalayaan! 93 00:05:38,172 --> 00:05:41,175 Dati pa man, may mga conspiracy theory na talaga. 94 00:05:41,258 --> 00:05:44,637 Minamaliit natin 'yong creativity ng mga Amerikano, 95 00:05:44,720 --> 00:05:47,890 at sa tingin ko, madalas akong lumalabas sa field 96 00:05:47,973 --> 00:05:52,603 na may bitbit na idea, may tanong, at may argumento sa tanong na 'yon. 97 00:05:52,686 --> 00:05:56,732 Pumunta ako sa Trump rallies no'ng swing states ng Ohio at Wisconsin 98 00:05:56,816 --> 00:06:00,027 para alamin kung ano'ng alam ng supporters niya na di natin alam. 99 00:06:00,111 --> 00:06:03,239 -Malaki ang parte ni Obama sa 9/11. -Anong parte? 100 00:06:03,322 --> 00:06:06,742 Kasi lagi siyang wala, laging nakabakasyon, wala sa office. 101 00:06:06,826 --> 00:06:10,538 Tingin mo, bakit wala sa Oval Office si Barack Obama no'ng 9/11? 102 00:06:10,621 --> 00:06:11,705 Hindi ko alam. 103 00:06:11,789 --> 00:06:14,500 Simula talaga no'ng panahon ni Trump, 104 00:06:14,583 --> 00:06:18,462 nakakarinig na kami ng mga kuwento at teoryang di pangkaraniwan. 105 00:06:18,546 --> 00:06:19,964 Hindi na lang 106 00:06:20,047 --> 00:06:23,467 "Di ako sang-ayon sa pananaw mo. Konserbatibo kasi ako." 107 00:06:23,551 --> 00:06:25,970 Umabot na sa "Gumawa na ako ng bagong realidad", 108 00:06:26,053 --> 00:06:29,014 at iba pang bagay na noon ko lang narinig. Grabe. 109 00:06:29,098 --> 00:06:33,561 Sa puntong 'yon, maiisip mo nang "Gusto kong malaman kung saan galing 'to." 110 00:06:33,644 --> 00:06:36,689 Kung mahilig kayo sa conspiracies at/o computers, 111 00:06:36,772 --> 00:06:40,067 narinig n'yo na siguro si Bill Gates. Tama ba 'tong sinasabi ko? 112 00:06:40,151 --> 00:06:44,196 Sa usapin man ng population control hanggang sa vaccine microchips, 113 00:06:44,280 --> 00:06:48,117 napakaraming teorya, at may mga totoong epekto 'yon sa mundo. 114 00:06:48,200 --> 00:06:52,746 Para magpalalim do'n, kasama ko sina Kathryn Joyce at Ike Sriskandarajah. 115 00:06:53,372 --> 00:06:54,874 Tulungan n'yo akong suriin 116 00:06:54,957 --> 00:06:57,585 kung paano nagkakaro'n ng conspiracies sa gano'ng tao, 117 00:06:57,668 --> 00:07:01,005 kung ano ang katotohanan sa mga teoryang 'yon, 118 00:07:01,088 --> 00:07:02,965 at alin ang dapat kong paniwalaan 119 00:07:03,048 --> 00:07:06,510 kasi lagi akong naghahanap ng conspiracy na pagkakaabalahan 120 00:07:06,594 --> 00:07:09,388 at pagpupustahan, kaya sana matulungan n'yo ako. 121 00:07:09,972 --> 00:07:12,600 Bumalik muna tayo sa nakaraan. Sige. 122 00:07:12,683 --> 00:07:14,435 Bumalik tayo sa 2010. 123 00:07:15,019 --> 00:07:19,607 No'ng nag-umpisa ang foundation namin, naka-focus kami sa reproductive health 124 00:07:19,690 --> 00:07:23,652 dahil pinakaproblema ng mahihirap na bansa ang paglobo ng populasyon. 125 00:07:23,736 --> 00:07:26,572 Kailangang bigyan ng tools at edukasyon ang mga nanay 126 00:07:26,655 --> 00:07:28,866 na gustong limitahan ang pamilya nila. 127 00:07:29,450 --> 00:07:34,872 Pinag-aralan ng Gates Foundation 'yong isang rural community sa Ghana, 128 00:07:34,955 --> 00:07:40,252 at kung paano mapapalawak ang access sa ligtas na contraceptive 129 00:07:40,336 --> 00:07:45,716 para sa kababaihang gustong makontrol ang fertility o pagbubuntis nila. 130 00:07:46,217 --> 00:07:50,387 Nagbunga ito ng komplikadong conspiracy theory 131 00:07:50,471 --> 00:07:55,643 na nagsasabing pinopondohan ng Gates Foundation ang eksperimento 132 00:07:55,726 --> 00:07:58,103 para limitahan ang African population. 133 00:07:58,187 --> 00:07:59,772 Saan galing 'yong gano'ng duda? 134 00:07:59,855 --> 00:08:03,359 Konektado 'yon sa masasamang pangyayari sa nakaraan. 135 00:08:04,276 --> 00:08:06,487 Nagkaro'n ng mga paglabag sa karapatang pantao. 136 00:08:06,570 --> 00:08:07,863 Noong 1960s, 137 00:08:07,947 --> 00:08:11,450 nabaog 'yong one-third ng kababaihang Puerto Rican. 138 00:08:12,034 --> 00:08:14,453 Nandiyan pa 'yong Tuskegee Study. 139 00:08:14,537 --> 00:08:16,121 Maraming gano'n. 140 00:08:16,205 --> 00:08:18,123 Ginawa natin 'yon bilang lipunan. 141 00:08:18,207 --> 00:08:23,087 -Pinilit nating mabaog 'yong mga tao. -Hindi ko ginawa 'yon, ha. 142 00:08:23,170 --> 00:08:26,131 No'ng college ako, may ilang taon ding 143 00:08:26,215 --> 00:08:30,844 di ko na maalala 'yong mga nagawa ko, pero hindi 'yan 'yon. 144 00:08:31,512 --> 00:08:32,346 Mabuti naman. 145 00:08:32,429 --> 00:08:36,600 Pero paanong umabot sa population control 'yon, 146 00:08:36,684 --> 00:08:38,561 lalo na kay Bill Gates? 147 00:08:38,644 --> 00:08:40,938 Sangkot diyan ang anti-abortion activists… 148 00:08:41,021 --> 00:08:43,023 MARTSA PARA SA BUHAY 149 00:08:43,107 --> 00:08:47,111 …na sinamantala 'yong mga lehitimong alalahaning 'yon, 150 00:08:47,778 --> 00:08:48,904 tapos noong 2012, 151 00:08:48,988 --> 00:08:53,576 no'ng nasangkot 'yong Gates Foundation sa bagong malaking kampanya, 152 00:08:53,659 --> 00:08:55,244 nagtugma na lahat. 153 00:08:55,327 --> 00:08:58,581 Itong mayayamang Western organization na 'to, 154 00:08:58,664 --> 00:09:02,293 sinabihan na nila tayong kontrolin natin ang populasyon natin, 155 00:09:02,376 --> 00:09:04,670 gumawa pa sila ng sarili nilang gamot. 156 00:09:04,753 --> 00:09:06,547 Trahedya ang nangyayari! 157 00:09:07,631 --> 00:09:09,216 Genocide. 158 00:09:11,885 --> 00:09:14,888 Parte ng dahilan kung ba't kumakalat 'yong conspiracy theories 159 00:09:14,972 --> 00:09:17,016 ay may maliit na katotohanang 160 00:09:17,099 --> 00:09:20,311 hindi pantay-pantay ang health care para sa lahat. 161 00:09:25,190 --> 00:09:28,319 Lagi kong sinasabi sa mga tao na hindi Darth Vader si Bill Gates. 162 00:09:28,402 --> 00:09:31,530 -"Paano mo nasabi?" -"Kilala ko siya. Busy siya sa ganito." 163 00:09:31,614 --> 00:09:34,408 Literal na 109 na beses na kaming nagkita. 164 00:09:34,491 --> 00:09:36,785 Ano'ng tingin mo sa landscape ngayon, 165 00:09:36,869 --> 00:09:38,454 lalo na sa Internet space? 166 00:09:39,121 --> 00:09:42,583 Tatanawin natin 'to bilang isa sa mga dakilang panahon ng imbensiyon. 167 00:09:42,666 --> 00:09:45,836 Sa tingin ko, para sa maraming taong nagpasimula ng Internet, 168 00:09:45,919 --> 00:09:48,464 paraan 'yon para paglapitin tayo, dagdagan ang kaalaman, 169 00:09:48,547 --> 00:09:50,382 at gano'n ang nangyari no'ng una. 170 00:09:50,466 --> 00:09:51,425 Ano'ng nangyari? 171 00:09:51,925 --> 00:09:54,178 Nagbago 'yong sitwasyon, di ba? 172 00:09:55,346 --> 00:09:56,680 You've got mail. 173 00:09:58,140 --> 00:10:00,934 Umpisa pa lang, para sa negosyo na 'yong desisyong 174 00:10:01,018 --> 00:10:05,189 gumawa ng platform, gumawa ng sandbox, ng palaruan, 175 00:10:05,272 --> 00:10:07,066 tapos imbitahan lahat. 176 00:10:07,149 --> 00:10:11,153 Noong una kaming nag-launch, 400, 500 katao lang ang pangarap namin. 177 00:10:11,236 --> 00:10:15,199 Ngayon nasa 100,000 na, kaya di natin alam kung ano'ng mangyayari. 178 00:10:15,282 --> 00:10:20,704 Kasi kung di pinupuno ng mga tao sa buong mundo ang mga espasyong 'yan 179 00:10:20,788 --> 00:10:25,167 ng kung ano-anong anyo ng self-expression, 180 00:10:25,250 --> 00:10:27,920 magiging hungkag ang mga 'yan. 181 00:10:28,003 --> 00:10:32,132 Kaya ang ginawa na lang nilang business model, "Saka na natin ayusin." 182 00:10:33,133 --> 00:10:36,095 Tunay na rebolusyonaryo ang batas na ito 183 00:10:36,762 --> 00:10:39,348 na maglalapit sa atin sa hinaharap. 184 00:10:39,431 --> 00:10:42,518 Dati, kung pananagutin ka sa lahat ng nasa platform mo, 185 00:10:42,601 --> 00:10:45,896 pwede kang makasuhan dahil sa pag-iral mo bago ka pa makaalis sa kuna. 186 00:10:45,979 --> 00:10:48,565 Kaya sinubukan nilang gumawa ng proteksiyon 187 00:10:48,649 --> 00:10:50,317 para lumago ang mga kompanyang 'yon. 188 00:10:50,401 --> 00:10:54,321 Mabilis magbago ang Internet. Mabilis magbago ang laman nito. 189 00:10:54,405 --> 00:10:58,534 Kung ang tingin ng gobyerno, makokontrol at malilimitahan niya 'yon 190 00:10:58,617 --> 00:11:01,870 habang sanggol pa, mabibigo ang gobyerno. 191 00:11:02,371 --> 00:11:08,085 Sa lehislasyong tinatawag na Section 230, 192 00:11:08,168 --> 00:11:14,466 imbes na managot ang mga platform sa mga bagay na dumaan sa kanila, 193 00:11:14,550 --> 00:11:19,221 inalisan sila ng pananagutan sa material na 'yon. 194 00:11:19,847 --> 00:11:22,725 Pinoprotektahan ng bill na ito ang consumers laban sa monopolyo. 195 00:11:22,808 --> 00:11:26,937 Tinitiyak nito ang pagkakaiba-iba ng boses na siyang batayan ng demokrasya. 196 00:11:27,438 --> 00:11:31,191 Marahil higit sa lahat, isinusulong nito ang kapakanan ng lahat. 197 00:11:31,692 --> 00:11:33,944 Pero no'ng nabuo ang Section 230, 198 00:11:34,027 --> 00:11:37,489 ang pinag-uusapan ay kompanyang may dingding na puno ng modems 199 00:11:37,573 --> 00:11:39,742 at T1 connection sa Internet, 200 00:11:39,825 --> 00:11:44,788 kaya makatuwirang ituring ang mga kompanyang iyon 201 00:11:44,872 --> 00:11:49,334 bilang neutral na daluyan ng impormasyon na inakala ng Section 230. 202 00:11:49,960 --> 00:11:54,214 Ngayon, pinoprotektahan na ng batas na ito ang pinakamayayamang kompanya 203 00:11:54,298 --> 00:11:56,091 sa kasaysayan ng mundo. 204 00:11:57,217 --> 00:12:00,220 Ang di nila napaghandaan, magiging medium pala ito 205 00:12:00,304 --> 00:12:04,224 para sa pagtatago at di pagpapakilala ng masasamang loob. 206 00:12:04,308 --> 00:12:08,020 May limitasyon ang TV at broadcast. 207 00:12:08,645 --> 00:12:11,315 May limitasyon ang diyaryo, ang pisikal na bagay, 208 00:12:11,398 --> 00:12:14,443 tapos magpapakilala ka ng bagay na nakaka-addict at masaya 209 00:12:14,526 --> 00:12:16,069 at puno ng kalokohan. 210 00:12:16,570 --> 00:12:18,447 Sobrang ganda. Makintab. 211 00:12:18,530 --> 00:12:21,366 Nakakatuwa, samantalang nakakainip ang buhay mo. 212 00:12:21,450 --> 00:12:23,577 Para makuha ang atensiyon mo, di ba? 213 00:12:23,660 --> 00:12:26,580 Pag na-hook ka na, mag-iimbento na ng kung ano-ano 214 00:12:26,663 --> 00:12:29,500 para patuloy kang ma-hook sa isang usapin, 215 00:12:29,583 --> 00:12:31,293 hanggang di ka na makatigil. 216 00:12:33,086 --> 00:12:34,213 -Hi. -Hi, Bill. 217 00:12:35,172 --> 00:12:36,673 Magkaiba tayo ng background. 218 00:12:37,257 --> 00:12:39,885 Hindi ako artist, hindi ka programmer. 219 00:12:39,968 --> 00:12:44,097 Okay, pero parang hindi fair na sabihing hindi ka artist. 220 00:12:44,181 --> 00:12:47,768 -Aba, nakakahiya naman. -Pero hindi talaga ako programmer. 221 00:12:47,851 --> 00:12:51,980 Sa dami ng nangyari sa atin dahil sa misinformation, 222 00:12:52,064 --> 00:12:55,484 pakiramdam mo ba, mas lumala nitong nakaraang apat na taon? 223 00:12:55,567 --> 00:12:57,236 Sa tingin ko, nakita na natin 224 00:12:57,319 --> 00:13:00,489 kung paano sinisira ng misinformation ang buhay ng tao. 225 00:13:00,572 --> 00:13:01,824 Totoo 'yan. 226 00:13:01,907 --> 00:13:05,410 Kung paano natin nararanasan ang impormasyon ngayon, 227 00:13:05,494 --> 00:13:06,995 malaki ang kinalaman no'n 228 00:13:07,079 --> 00:13:11,041 sa pagkakalapit ngayon ng entertainment at impormasyon sa isa't isa 229 00:13:11,124 --> 00:13:13,168 kumpara dati. 230 00:13:13,252 --> 00:13:16,755 Oo, 'yong idea na pag medyo nakakatawa, 231 00:13:17,464 --> 00:13:18,465 parang, 232 00:13:18,549 --> 00:13:22,594 "Ay, okay, baka hindi totoo 'yon, pero natawa ako do'n," 233 00:13:22,678 --> 00:13:24,638 o kaya "Sana totoo 'yon." 234 00:13:24,721 --> 00:13:26,890 Oo, ang nakakatuwa pa nga, 235 00:13:26,974 --> 00:13:31,395 "Ayaw ni Bill Gates sa sinasabi ng tao tungkol sa kanya kaugnay ng mga bakuna," 236 00:13:31,478 --> 00:13:34,648 o "Ikinahihiya ni Lady Gaga 'tong mga tsismis na 'to," 237 00:13:34,731 --> 00:13:35,566 pero sa 'kin, 238 00:13:35,649 --> 00:13:38,861 sanay na akong sinisiraan ako mula noong 20 years old ako, 239 00:13:38,944 --> 00:13:41,697 kaya nga performer ako. Tingin ko, nakakatawa 'yon. 240 00:13:42,614 --> 00:13:45,033 Iniisip ng mga tao na di ka nagpapakatotoo 241 00:13:45,117 --> 00:13:47,494 dahil makapal ang makeup mo saka… 242 00:13:47,578 --> 00:13:51,498 Ganito ako. Ganito talaga ako. 243 00:13:51,582 --> 00:13:54,334 Ito 'yong tasang iniinuman ko araw-araw. 244 00:13:54,418 --> 00:13:58,088 Ito 'yong diamond na nilalagay ko sa kape pag kinakabahan ako. 245 00:13:58,171 --> 00:13:59,965 Hindi 'to tunay, ha. Peke. 246 00:14:00,549 --> 00:14:05,929 Alam ko 'yong pakiramdam ng mga tao, 'yong ayaw na ayaw na pinapaikot sila. 247 00:14:06,471 --> 00:14:09,933 Parte na ng career ko ang entertainment bilang manipulasyon. 248 00:14:10,517 --> 00:14:14,897 No'ng pumunta ako sa MTV Awards kasama ng mga tinanggal na sundalo 249 00:14:14,980 --> 00:14:16,398 sa "Don't Ask, Don't Tell," 250 00:14:17,065 --> 00:14:18,692 sinuot ko 'yong meat dress, 251 00:14:18,775 --> 00:14:22,321 tapos may fans na natuwa dahil sa tingin nila, matalino 'yon. 252 00:14:22,404 --> 00:14:26,241 Sabi nila, "Ginagamit niya ang entertainment para sa politika," 253 00:14:26,325 --> 00:14:31,914 pero galit na galit 'yong mga taong ayaw pag-usapan ang LGBTQ+ rights noon. 254 00:14:31,997 --> 00:14:34,207 Itigil ang Lady Gaga concert! 255 00:14:34,291 --> 00:14:38,253 Naku, hindi sang-ayon sa Diyos ang kalaswaan mo, neng. 256 00:14:38,337 --> 00:14:39,463 Kalaswaan ko? 257 00:14:40,505 --> 00:14:44,593 Kaya do'n sa ginawa kong pakulo, ang gusto kong sabihin, 258 00:14:44,676 --> 00:14:47,804 alam ko bilang performer kung gaano kaayaw ng mga tao sa gano'n. 259 00:14:48,388 --> 00:14:51,767 Sa akin, may kinalaman sa bakuna 'yong karamihan. 260 00:14:51,850 --> 00:14:54,937 Konektado naman talaga ako sa bakuna. Totoo 'yon. 261 00:14:55,020 --> 00:14:59,149 Pero kung isa o dalawa lang 'yon, tipong di naman kumalat nang gano'n, 262 00:14:59,232 --> 00:15:00,609 sasabihin ko pang 263 00:15:00,692 --> 00:15:04,571 "Uy, teka. Iba ang pag-initan n'yo. Wag 'yong bakuna." 264 00:15:05,155 --> 00:15:07,908 Pwedeng di ka personal na nasasaktan do'n, 265 00:15:07,991 --> 00:15:12,704 pero pwedeng maapektuhan 'yong relasyon ng tao sa bakuna 266 00:15:12,788 --> 00:15:13,789 saka tiwala nila, 267 00:15:14,289 --> 00:15:18,377 at kapag nawalan ng tiwala ang mga tao, hindi na maibabalik 'yon. 268 00:15:18,460 --> 00:15:19,294 Oo nga. 269 00:15:21,630 --> 00:15:24,424 Ike, gusto kitang isali sa usapan dito. 270 00:15:24,508 --> 00:15:26,426 Sa tingin ko, may ugali sa America 271 00:15:26,510 --> 00:15:28,178 na kailangang laging may dagdag. 272 00:15:28,261 --> 00:15:32,557 Tuwing maglalabas ka ng idea, dadagdagan mo ng extra fact. 273 00:15:32,641 --> 00:15:36,061 Parang pinatinding pass the message. 274 00:15:36,144 --> 00:15:39,648 Doon galing 'yong microchip vaccine conspiracy theory. 275 00:15:39,731 --> 00:15:41,441 May pangalan na ba 'yon? 276 00:15:41,525 --> 00:15:43,944 COVID conspiracy? Microchip conspiracy? 277 00:15:44,027 --> 00:15:47,447 Tatawagin ko sigurong microchip vaccine conspiracy theory. 278 00:15:47,531 --> 00:15:49,366 -Okay. -May naisip ka bang…? 279 00:15:49,449 --> 00:15:53,912 Wala. Mahaba 'yon, pero kumpleto sa searchable terms, 280 00:15:53,996 --> 00:15:55,622 na nakakatulong sa Reddit board. 281 00:15:55,706 --> 00:15:59,334 -Search engine optimized nga. -Ano 'yon? Ipaliwanag mo nga. 282 00:15:59,418 --> 00:16:02,129 Nakikinig ako minsan sa The Breakfast Club… 283 00:16:02,713 --> 00:16:05,007 Magandang umaga. Ito ang The Breakfast Club. 284 00:16:05,090 --> 00:16:08,468 Kung kadarating n'yo lang, pinag-uusapan namin si Donald Trump. 285 00:16:08,552 --> 00:16:11,304 Ibinalita kahapon na may coronavirus silang mag-asawa. 286 00:16:11,388 --> 00:16:13,932 Sa tingin mo, totoo kaya? O kalokohan? 287 00:16:14,016 --> 00:16:16,393 Sa tingin mo, may coronavirus nga siya? 288 00:16:17,144 --> 00:16:22,524 Umagang-umaga, nagmo-monologue siya, tapos biglang naiba na 'yong usapan. 289 00:16:22,607 --> 00:16:24,818 Ito si Charlamagne Tha God o Lenard McKelvey. 290 00:16:24,901 --> 00:16:27,279 Di ako naniniwala. Baka palabas lang 'yan 291 00:16:27,362 --> 00:16:30,949 para pagmukhaing safe 'yong bakuna na minamadali nila. 292 00:16:31,033 --> 00:16:33,827 Ilalabas niya sa balita, tapos biglang gagaling siya, 293 00:16:33,910 --> 00:16:36,705 tapos palalabasin nilang safe 'yong bakuna. 294 00:16:36,788 --> 00:16:39,332 Magmumukha siyang bayani kasi isa siya sa mga nauna. 295 00:16:39,416 --> 00:16:43,462 Milyon-milyon ang magpapaturok tapos boom! May microchip implants na lahat. 296 00:16:44,296 --> 00:16:48,300 Sabi ko, "Uy. Teka, alam naman siguro ng mga tao na nagbibiro siya, 'no?" 297 00:16:48,383 --> 00:16:50,093 Naaalala ko din 'yan no'ng COVID. 298 00:16:50,177 --> 00:16:53,180 Lahat tayo no'ng COVID, medyo nabaliw. 299 00:16:53,263 --> 00:16:58,602 Naging usap-usapan talaga kung dapat bang pagkatiwalaan 'yong bakuna. 300 00:16:58,685 --> 00:17:02,189 Oo, pero apat na beses niyang sinabi 'yon. 301 00:17:02,272 --> 00:17:05,609 Microchip. Microchip implant! Mga microchip. Sa **** mo. 302 00:17:05,692 --> 00:17:06,902 Sabi ko, 303 00:17:06,985 --> 00:17:11,531 "Naku, baka marinig 'to ng mga tao tapos di nila maisip na nagbibiro siya," 304 00:17:12,032 --> 00:17:13,825 kaya tinanong ko sa report. 305 00:17:13,909 --> 00:17:17,954 "Naniniwala ba ang mga tao dito? Ilan ang naniniwala dito? 306 00:17:18,705 --> 00:17:22,918 Ano'ng posibleng maging epekto nito sa paglaban natin sa COVID?" 307 00:17:23,001 --> 00:17:26,963 Nagulat ako, ha. Umasa ka pa ring magiging malinaw 'yong mensahe. 308 00:17:27,047 --> 00:17:27,964 Oo. 309 00:17:28,048 --> 00:17:30,759 Ang naaalala ko noon, magulo ang isip nating lahat 310 00:17:30,842 --> 00:17:33,804 sa kakaisip sa Tiger King at mga recipe ng tinapay. 311 00:17:33,887 --> 00:17:39,976 Naisip ko, pwede kayang gamitin 'yong paraan ng contract tracing 312 00:17:40,060 --> 00:17:43,605 para hanapin 'yong pinagmulan ng kasinungalingan? 313 00:17:43,688 --> 00:17:50,654 Tapos ang pinagmulan nitong microchip vaccine conspiracy theory 314 00:17:50,737 --> 00:17:54,908 ay Reddit AMA na hinost ni Bill Gates. 315 00:17:56,159 --> 00:18:00,288 Ang hula niya, sa hinaharap, 316 00:18:00,372 --> 00:18:03,667 magkakaro'n tayong lahat ng digital passport. 317 00:18:03,750 --> 00:18:07,546 Hindi microchip, hindi 'yong ii-implant sa katawan mo, 318 00:18:07,629 --> 00:18:09,339 pero do'n nagsimula 'yon. 319 00:18:09,422 --> 00:18:14,386 Para ituloy, ano'ng nangyari pagkatapos makita ng mga tao 'yong AMA? 320 00:18:14,970 --> 00:18:19,349 Kumalat 'yon sa Internet hanggang makarating sa Sweden. 321 00:18:20,225 --> 00:18:22,394 Kung saan may biohackers… 322 00:18:22,477 --> 00:18:25,689 'Yong mga gustong mag-inject ng technology sa katawan 323 00:18:25,772 --> 00:18:27,190 para maging Iron Man sila? 324 00:18:27,858 --> 00:18:30,569 Mga advocate sila. 325 00:18:30,652 --> 00:18:32,445 Tinuturukan nila ng lead ang ugat nila, 326 00:18:32,529 --> 00:18:35,866 tapos sinusulong nilang gawing robot ang tao? 327 00:18:35,949 --> 00:18:40,495 Masusugid silang tagapagtaguyod ng implantable technology. 328 00:18:40,579 --> 00:18:43,456 -Di ako tagapagsalita ng biohacking, ha. -Weh? 329 00:18:43,540 --> 00:18:46,793 Kaya walang tiwala ang tao sa media, e. Sabihin mo na. 330 00:18:46,877 --> 00:18:49,337 -Okay, medyo baliw sila. -Salamat. 331 00:18:49,421 --> 00:18:52,549 Nakikita n'yo, two by twelve millimeters 'yan. 332 00:18:52,632 --> 00:18:56,136 Kasinlaki ng butil ng bigas. 333 00:18:56,720 --> 00:19:00,140 Naghahanap 'yong mga biohacker ng mga oportunidad 334 00:19:00,223 --> 00:19:04,686 para isulong ang usapin ng human-implantable microchips. 335 00:19:04,769 --> 00:19:07,355 Nagsi-single sign on ako sa laptop ko, 336 00:19:07,439 --> 00:19:10,066 sa pag-a-unlock ng phone, pagpasok sa bahay. 337 00:19:11,193 --> 00:19:13,987 Si Cypher, 'yong biohacker na nakatutok dito, 338 00:19:14,070 --> 00:19:17,657 nag-post ng headline na medyo nakaka-provoke, nakakalito. 339 00:19:17,741 --> 00:19:23,747 "Gagamit si Bill Gates ng microchip implants laban sa coronavirus." 340 00:19:23,830 --> 00:19:25,081 Nag-post siya ng headline. 341 00:19:25,165 --> 00:19:27,459 Ano 'yon? May diyaryo ba siya? 342 00:19:28,251 --> 00:19:31,630 Ito ang problema. Pwede kang mag-post ng headline na parang totoo. 343 00:19:31,713 --> 00:19:33,715 Kaya naniwala na lang siya, tapos sabi niya, 344 00:19:33,798 --> 00:19:36,509 "Ituturok nila 'to sa katawan n'yo." 345 00:19:36,593 --> 00:19:38,887 Oo, tapos alam mo naman ang Internet. 346 00:19:38,970 --> 00:19:42,599 Ano, walang kasingbilis sa paninira ng sanlibutan? 347 00:19:42,682 --> 00:19:43,516 Alam mo… 348 00:19:43,600 --> 00:19:46,144 Dapat kausapin natin 'yong nagpasimula 349 00:19:46,228 --> 00:19:50,899 nitong computer movement. Ano na 'yong pangalan? Bill. Bill Gates. 350 00:19:56,154 --> 00:19:59,908 Hello, Adam po ng Law of Liberty. May ishe-share akong article. 351 00:19:59,991 --> 00:20:00,992 Tingnan n'yo 'to. 352 00:20:01,076 --> 00:20:05,872 Umabot 'yong article sa mesa ng isang pastor sa Jacksonville, 353 00:20:05,956 --> 00:20:08,166 tapos gumawa siya ng YouTube video. 354 00:20:08,250 --> 00:20:09,668 Sabi sa article, 355 00:20:09,751 --> 00:20:12,671 "Maglalabas si Bill Gates ng human-implantable capsules 356 00:20:12,754 --> 00:20:15,090 na may 'digital certificates' 357 00:20:15,173 --> 00:20:19,135 na magpapakita kung sino na ang na-test para sa coronavirus." 358 00:20:19,219 --> 00:20:23,807 Nakakabahala 'yon para sa mga Kristiyanong naniniwala sa Bibliya, 359 00:20:23,890 --> 00:20:26,810 dahil may nakasulat sa Bibliya tungkol sa katapusan ng mundo. 360 00:20:26,893 --> 00:20:30,355 Sabi sa Bibliya, magkakaroon ng Antichrist, 361 00:20:30,438 --> 00:20:35,318 ng taong mag-aastang Diyos na nagbibigay-pugay sa Dragon, 362 00:20:35,402 --> 00:20:36,361 'yong Demonyo. 363 00:20:36,444 --> 00:20:43,159 Ang title ng video, "Bill Gates Microchip Vaccine Implants laban sa coronavirus." 364 00:20:44,160 --> 00:20:46,204 Dinagdagan niya ng salitang "vaccine". 365 00:20:46,288 --> 00:20:47,455 MASAMA SI BILL GATES 366 00:20:47,539 --> 00:20:48,415 TUTULAN ANG TUROK 367 00:20:48,498 --> 00:20:52,711 May nabasa akong nilalagyan daw ng maliit na chip 'yong bakuna. 368 00:20:52,794 --> 00:20:56,589 Kailan lalabas ang dilang ahas ni Bill Gates? 369 00:20:56,673 --> 00:20:59,509 Kailan lilitaw ang sungay at buntot niya? 370 00:20:59,592 --> 00:21:02,512 Kaya pag lumabas 'yong mga camera, 'yong 5G, ano? 371 00:21:02,595 --> 00:21:05,557 Isa-scan ba nila lahat? Kailangan nating ma-scan? 372 00:21:05,640 --> 00:21:09,728 Tanda ko, nagpunta ako sa anti-vaxx rally sa Orange County, 373 00:21:09,811 --> 00:21:12,522 tapos binabanggit nila si Bill Gates. 374 00:21:12,605 --> 00:21:14,941 Akala mo, siya si Thanos, e. 375 00:21:15,025 --> 00:21:18,445 Akala mo, gusto niya lang mawala 'yong sixth ng populasyon. 376 00:21:23,867 --> 00:21:26,494 Importanteng banggitin na bago 'yong pandemya, 377 00:21:26,578 --> 00:21:29,622 meron nang grupo ng mga anti-vaccine. 378 00:21:29,706 --> 00:21:30,999 NAKAMAMATAY ANG BAKUNA 379 00:21:31,082 --> 00:21:33,585 'Yong iba, mas makakaliwa, 380 00:21:33,668 --> 00:21:38,381 'yong iba, makakanan, tapos pareho silang may sinasabing karapatan 'yon 381 00:21:38,465 --> 00:21:40,675 at alam ba ng gobyerno ang ginagawa nila? 382 00:21:40,759 --> 00:21:45,472 'Yong umabot na sa "May chip sa bakuna," 383 00:21:45,555 --> 00:21:51,102 paano 'yon nakakalusot sa needle? Ewan ko. Ano'ng power source? 384 00:21:51,186 --> 00:21:56,649 'Yon 'yong unang beses na nakaranas ako ng buong conspiracy theory 385 00:21:56,733 --> 00:22:00,153 na nagsasabing may kinalaman ako sa paglikha ng pandemya. 386 00:22:00,236 --> 00:22:02,030 Isa 'yon sa mga pinakamalala… 387 00:22:02,113 --> 00:22:04,324 MUKHANG MAY AGENDA SINA GATES AT FAUCI. 388 00:22:04,407 --> 00:22:08,119 …kaya bagong-bago 'yon, saka nakakagulat. 389 00:22:11,289 --> 00:22:15,543 No'ng pandemic, regular tayong nag-uusap. 390 00:22:15,627 --> 00:22:19,255 Madalas, "Okay, wow. Medyo nababaliw na 'yong mundo. 391 00:22:19,339 --> 00:22:20,298 Ayos ka lang?" 392 00:22:20,382 --> 00:22:23,676 Saka "Pareho ba tayo ng tingin dito?" At "Alam mo ba 'yong latest?" 393 00:22:23,760 --> 00:22:30,016 Psychologically therapeutic 'yong mga pag-uusap natin tungkol do'n. 394 00:22:31,351 --> 00:22:32,268 Kasi masasabi kong 395 00:22:32,352 --> 00:22:35,814 at least alam kong may nakakaintindi sa pinagdadaanan ko. 396 00:22:35,897 --> 00:22:39,359 Kill Bill Gates! 397 00:22:39,442 --> 00:22:43,363 No'ng umpisa ng pandemya, inakusahan akong kumikita 398 00:22:43,446 --> 00:22:47,951 at umabot pa nga sa puntong sinasadya ko raw maglabas ng bakuna 399 00:22:48,034 --> 00:22:50,412 na literal na pumatay ng milyon-milyon. 400 00:22:50,495 --> 00:22:52,789 -Oo nga. -Parang binabaliktad nila 'yong totoo. 401 00:22:52,872 --> 00:22:55,834 Imbes na gumastos ng billions para magligtas ng millions, 402 00:22:55,917 --> 00:22:58,878 pumatay ako ng millions para kumita ng billions. 403 00:22:58,962 --> 00:23:01,798 Oo, tapos pag kinausap mo 'yong mga taong nag-imbento 404 00:23:01,881 --> 00:23:05,093 ng bagay na lantarang kasinungalingan, tapos sinabi mong 405 00:23:05,176 --> 00:23:08,763 "Hindi totoo 'yan. Paano mo naisip 'yan?" 406 00:23:08,847 --> 00:23:12,600 Madalas, ang sagot nila, "May nabasa kasi akong tweet." 407 00:23:12,684 --> 00:23:14,936 Kaya pwede mong i-tweet ang bagay na di totoo, 408 00:23:15,019 --> 00:23:19,649 tapos i-retweet nang 100,000 beses, tapos magiging katotohanan na 'yon. 409 00:23:22,861 --> 00:23:25,071 Naalala ko, may rules tayo noon 410 00:23:25,155 --> 00:23:28,658 na may oras sa gabi na bawal kang gumamit ng phone. 411 00:23:28,741 --> 00:23:33,538 Minsan pag matutulog na si Mama, ako ang dapat magpatupad ng rules, 412 00:23:33,621 --> 00:23:36,791 pero ang nangyari, nagkaro'n ka ng pangalawang phone. 413 00:23:36,875 --> 00:23:40,670 Pero naranasan mo ba, kahit sa edad mo ngayon, 414 00:23:40,753 --> 00:23:43,006 na napapasobra ka sa social media? 415 00:23:43,089 --> 00:23:47,218 Diyos ko, oo. Nakaka-addict ang Tiktok. Lagi akong nasa TikTok. 416 00:23:47,302 --> 00:23:50,513 Nakakita ka na ba ng nakakalokang paninira sa 'kin? 417 00:23:51,222 --> 00:23:53,892 Nakakalokang paninira sa 'yo? Palagi. 418 00:23:53,975 --> 00:23:56,811 May friends akong cinut-off ako dahil sa tsismis sa bakuna, 419 00:23:56,895 --> 00:24:00,690 pero public health student ako sa Standord at napakaraming pagkakaiba 420 00:24:00,773 --> 00:24:04,068 pagdating sa paraan ng pagpapahayag ng tamang public health information 421 00:24:04,152 --> 00:24:05,445 o scientific data. 422 00:24:05,528 --> 00:24:06,488 Ewan ko. 423 00:24:06,571 --> 00:24:12,410 Kailangan ko pang matuto kasi naniniwala pa rin akong 424 00:24:13,203 --> 00:24:17,999 pwedeng gamitin ang digital communication sa makatuwirang debate. 425 00:24:18,082 --> 00:24:21,377 Sa tingin ko, ang di mo naiintindihan pagdating sa online 426 00:24:21,461 --> 00:24:24,130 ay hindi logic at katotohanan ang nananalo. 427 00:24:24,214 --> 00:24:25,298 Gustong tumakas ng tao. 428 00:24:25,381 --> 00:24:27,717 Gusto nilang tumawa, ng nakakatuwang video. 429 00:24:27,800 --> 00:24:30,803 Gusto nilang tumakas sa nakakainip na realidad, 430 00:24:30,887 --> 00:24:33,389 kaya ang pinakasikat mong video online 431 00:24:33,473 --> 00:24:34,933 ay 'yong nagda-dab ka. 432 00:24:35,016 --> 00:24:38,978 Bill, pwede ka bang mag-dab saglit? Ang lupit! 433 00:24:39,062 --> 00:24:40,772 O tinalunan mo 'yong upuan. 434 00:24:40,855 --> 00:24:43,441 Kaya mo ba talagang talunan ang upuan? 435 00:24:44,025 --> 00:24:47,320 Depende sa laki ng upuan. Mandadaya ako nang konti. 436 00:24:48,154 --> 00:24:48,988 Yes! 437 00:24:49,572 --> 00:24:52,367 'Yon ang pinakasumikat kasi gustong tumakas ng mga tao. 438 00:24:52,450 --> 00:24:54,911 Kaya sa tingin ko, di laging nananalo ang katuwiran. 439 00:24:54,994 --> 00:24:58,498 Kaso 'yong kumikita ako ng malaki sa mga bakuna, 440 00:24:58,581 --> 00:25:00,625 hirap akong isipin kung saan galing 'yon. 441 00:25:00,708 --> 00:25:06,464 Hindi naman 'yon political organization. Kalokohan lang. Sino'ng nagpapakalat no'n? 442 00:25:06,548 --> 00:25:09,759 Sa tingin ko, takot. Nakulong tayong lahat sa bahay no'ng pandemic. 443 00:25:09,842 --> 00:25:11,344 Natakot tayong mamatay. 444 00:25:11,427 --> 00:25:13,930 Di na natin alam kung ano'ng paniniwalaan, 445 00:25:14,013 --> 00:25:15,932 kaya 'yon ang ginawa ng lipunan. 446 00:25:16,015 --> 00:25:20,311 Oo, pinakamalala talaga ang social media no'ng pandemic. 447 00:25:21,187 --> 00:25:23,189 Minaliit nila 'yong sitwasyon. 448 00:25:23,273 --> 00:25:24,774 Nakakatakot para sa akin 449 00:25:24,857 --> 00:25:28,236 dahil iniisip ko ang demokrasya bilang debate tungkol sa mga usapin 450 00:25:28,319 --> 00:25:32,574 imbes na ganap na pagkakahiwalay natin sa kanila. 451 00:25:32,657 --> 00:25:35,535 Paano kung magkapandemya ulit na mas malala nang sampung beses? 452 00:25:35,618 --> 00:25:38,079 Wag mong sabihin 'yan. Sasabihin nila, ikaw ang gumawa. 453 00:25:38,162 --> 00:25:41,165 -Oo nga pala. Ginagawa ko na. -Wag. I-cut n'yo 'yon. 454 00:25:42,375 --> 00:25:45,503 Di mo pwedeng sabihin sa mga tao na may mangyayari, 455 00:25:45,587 --> 00:25:47,714 tapos pag nangyari, sasabihin nila, "Ay!" 456 00:25:47,797 --> 00:25:49,132 Di ba 'yon nakakatawa? 457 00:25:49,674 --> 00:25:51,551 Masamang short-form content 'yon 458 00:25:51,634 --> 00:25:54,137 na magkaka-million views pag sinabi mo. 459 00:25:54,220 --> 00:25:55,054 Okay. 460 00:25:58,308 --> 00:26:03,187 Sa trabaho ko sa medieval legal history, inaalam ko kung paano nabubuo ang history. 461 00:26:03,271 --> 00:26:06,482 Paano nabubuo 'yong official histories? 462 00:26:06,566 --> 00:26:08,109 Alin ang naisasama? 463 00:26:08,860 --> 00:26:11,613 Lagi namang kombinasyon ng iba't ibang salik, 464 00:26:11,696 --> 00:26:15,700 pero medyo gano'n din ang kuwento ng conspiracy theory. 465 00:26:17,410 --> 00:26:21,289 Noong unang panahon, masaya tayo, at maayos ang lahat. 466 00:26:22,915 --> 00:26:25,668 Tayo ang namamahala, tapos ligtas tayo. 467 00:26:27,211 --> 00:26:31,382 Pero nakontrol tayo ng mga halimaw nang walang nakakaalam. 468 00:26:32,467 --> 00:26:34,135 Mukhang maayos pa no'ng una 469 00:26:34,218 --> 00:26:37,347 dahil sinekreto ng mga halimaw ang lahat. 470 00:26:37,430 --> 00:26:41,517 Nagpapalit sila ng anyo at laki, at pwede silang magmukhang kahit ano. 471 00:26:42,310 --> 00:26:46,397 Pero ang problema sa mga halimaw na 'to, kontrolado nila ang media. 472 00:26:46,481 --> 00:26:48,524 Kontrolado nila ang imahe nila, 473 00:26:48,608 --> 00:26:52,403 kaya iilang tao lang ang nakakakita sa mga halimaw na 'to. 474 00:26:52,987 --> 00:26:54,989 At kung espesyal ka, 475 00:26:55,073 --> 00:26:58,618 makikita mo ang mga halimaw kahit ano pa ang itsura nila. 476 00:27:00,578 --> 00:27:03,373 Mga bida lang ng kuwento ang nakaalam sa katotohanan. 477 00:27:03,456 --> 00:27:05,500 Dumating sila para iligtas ang mundo. 478 00:27:05,583 --> 00:27:07,794 Siyempre, nakakasabik 'yong kuwento. 479 00:27:07,877 --> 00:27:10,296 Ano, dragon slayer ako? Sige, game! 480 00:27:10,380 --> 00:27:15,134 Tapos may dumating na magical device na tinatawag na Internet. 481 00:27:16,761 --> 00:27:18,638 Fairy tale 'yon tungkol sa pagkatao mo. 482 00:27:18,721 --> 00:27:21,599 Pakikipagsapalaran ng bayani tungkol sa sarili mo. 483 00:27:21,683 --> 00:27:27,772 At ang ubod ng conspiracy theory, ano'ng tingin mo sa sarili mo dahil do'n? 484 00:27:28,356 --> 00:27:33,528 Labanan ito ng mabuti at masama, at gano'n nila tiningnan ang mundo. 485 00:27:34,654 --> 00:27:35,780 -The end. -The end. 486 00:27:36,656 --> 00:27:38,116 Ang weird naman niyan. 487 00:27:38,199 --> 00:27:41,494 -Basahin natin ulit? -Ayaw! 488 00:27:41,577 --> 00:27:43,079 Okay. 489 00:27:47,834 --> 00:27:50,420 Sinimulan lang naming subaybayan ang misinformation 490 00:27:50,503 --> 00:27:52,046 no'ng umpisa ng pandemic. 491 00:27:52,130 --> 00:27:53,631 -Hello. -Uy, Bill. 492 00:27:53,715 --> 00:27:54,549 -Hi. -Hi, Bill. 493 00:27:54,632 --> 00:27:57,009 Tingin ko, pinaka-concerned si Bill sa misinformation 494 00:27:57,093 --> 00:27:59,345 tungkol sa mga usaping tinututukan niya, 495 00:27:59,429 --> 00:28:01,931 mapa-climate change man 'yan o kahandaan sa pandemya, 496 00:28:02,014 --> 00:28:03,307 kalusugan sa buong mundo, 497 00:28:03,391 --> 00:28:06,394 kailangan nating maging handa sa nangyayari sa sektor na 'yon. 498 00:28:06,477 --> 00:28:10,106 May ipapakita kaming di mo pa nakikita noon. 499 00:28:10,189 --> 00:28:12,775 Ipapakita namin 'yong ilang maiinit ngayon, 500 00:28:12,859 --> 00:28:15,903 saka magpapaumanhin na rin ako. Medyo dark 'yong iba dito. 501 00:28:15,987 --> 00:28:18,948 Kung may nagbago man pagdating sa misinformation, 502 00:28:19,031 --> 00:28:20,950 dati, paisa-isang issue lang. 503 00:28:21,033 --> 00:28:24,120 Ang nangyari, gumaling 'yong mga tao 504 00:28:24,203 --> 00:28:27,248 sa pagkokonekta ng mga issue para bumuo ng conspiracy theory 505 00:28:27,331 --> 00:28:29,834 na kinasasangkutan ng microchips, sakahan, 506 00:28:29,917 --> 00:28:33,045 vaccine technology, pagkontrol sa world affairs, 507 00:28:33,129 --> 00:28:37,675 kaya ito 'yong real-time dashboard ng lahat ng misinformation tungkol sa 'yo. 508 00:28:37,759 --> 00:28:39,844 Ang nakikita mo ngayon 509 00:28:39,927 --> 00:28:44,974 ay lahat ng post at issue na dumadagdag sa volume na 'yon. 510 00:28:45,057 --> 00:28:47,602 Ang naiisip ko, halimbawa, 'yong microchipping, 511 00:28:47,685 --> 00:28:49,979 nawala na ba 'yon o nandiyan pa rin? 512 00:28:50,062 --> 00:28:54,192 Naku, baka one-fourth 'yon ng mga section diyan. 513 00:28:54,692 --> 00:28:56,652 Ito ang nakakatuwa. 514 00:28:56,736 --> 00:28:59,781 Itong blue line, tungkol lang 'to sa klima. 515 00:29:00,281 --> 00:29:03,701 Marami dito ay pagkontrol sa supply ng pagkain. 516 00:29:03,785 --> 00:29:06,329 Ibaba ko lang muna 'to nang konti. 517 00:29:06,412 --> 00:29:09,749 Isa sa mga lumilitaw na tsismis at conspiracy theory, 518 00:29:09,832 --> 00:29:13,836 nag-engineer ka daw ng garapata na pag may kinagat na tao, 519 00:29:13,920 --> 00:29:17,215 nagiging allergic 'yong tao sa tradisyonal na karne, 520 00:29:17,298 --> 00:29:22,136 at ang teorya dito, para tumaas ang demand para sa synthetic na karne. 521 00:29:22,220 --> 00:29:26,933 Nasa 450,000 Amerikano na raw ang nakagat ng mga garapatang 'yan, 522 00:29:27,016 --> 00:29:30,228 tapos lilipat na 'yong mga 'yon sa meat substitutes. 523 00:29:30,311 --> 00:29:33,940 Parte daw 'yong ng plano mong pagkakitaan ang synthetic na karne. 524 00:29:34,023 --> 00:29:37,944 Ang kakaiba dito, sa tingin ko, mas shine-share pa 'to 525 00:29:38,027 --> 00:29:39,612 dahil nakakamangha lang 526 00:29:39,695 --> 00:29:42,490 na pag sinabi ng mga normal na tao na "Grabe 'to," 527 00:29:42,573 --> 00:29:45,076 mabibilang na 'yon bilang neutral o positive. 528 00:29:45,159 --> 00:29:48,120 Mabuti, tumatawa ka. Para sa 'kin, nakaka-depress 'to. 529 00:29:48,204 --> 00:29:51,666 Magandang malaman kung paano lalaban, 530 00:29:51,749 --> 00:29:54,502 kasi maraming paraan ng paglaban na pwedeng magpalala diyan. 531 00:29:54,585 --> 00:29:57,088 Oo. Napansin namin na pag nag-fact check ka, 532 00:29:57,171 --> 00:30:00,132 madalas hina-highlight mo lang 'yong story sa mas maraming tao. 533 00:30:00,216 --> 00:30:01,217 Oo nga. 534 00:30:01,300 --> 00:30:03,719 Gusto ko 'yang mga salitang 'yan. Ang galing. 535 00:30:03,803 --> 00:30:06,055 -Oo nga. -'Yan ang to-do list ko. 536 00:30:08,391 --> 00:30:11,561 Balat-kalabaw si Bill pagdating sa misinformation. 537 00:30:11,644 --> 00:30:15,773 Sa sobrang wild ng iba, natatawa na siya. 538 00:30:16,983 --> 00:30:18,860 Pero pag kinausap mo si Bill, 539 00:30:18,943 --> 00:30:22,613 sa tingin ko, nalilito pa din siya pagdating sa misinformation 540 00:30:22,697 --> 00:30:27,368 kasi hindi pa rin malinaw kung paano haharapin 'yong issue 541 00:30:27,451 --> 00:30:30,288 sa paraang sistematiko at foundational. 542 00:30:30,788 --> 00:30:31,831 No'ng pandemic, 543 00:30:31,914 --> 00:30:35,835 napanood natin 'yong videos ng mga tao sa ospital na nagsasabing 544 00:30:35,918 --> 00:30:37,753 "Gusto ko nang magpakabuka," 545 00:30:37,837 --> 00:30:41,132 tapos makikita mong pinapaliwanag na huli na ang lahat. 546 00:30:41,215 --> 00:30:42,508 "SANA NAGPABAKUNA AKO." 547 00:30:42,592 --> 00:30:45,094 Milyon-milyong kamatayan ang maituturing 548 00:30:45,177 --> 00:30:49,140 na resulta ng ilan sa misinformation na ito. 549 00:30:49,223 --> 00:30:55,271 Ang hirap isipin at tanggapin no'n. 550 00:30:58,649 --> 00:31:02,945 No'ng early 20s ko, may tsismis na lalaki daw ako, 551 00:31:03,613 --> 00:31:05,990 tapos kumalat 'yon sa buong mundo. 552 00:31:06,073 --> 00:31:10,161 Nag-travel ako para mag-tour, mag-promote ng records, 553 00:31:10,244 --> 00:31:13,956 tapos halos bawat interview ko, sasabihin nila, "Alam mo…" 554 00:31:14,040 --> 00:31:17,001 May picture kasi sa Internet na dinoktor. 555 00:31:17,084 --> 00:31:17,919 Ay, wow. 556 00:31:18,002 --> 00:31:21,088 Tapos sabi nila, "May tsismis na lalaki ka daw. 557 00:31:21,172 --> 00:31:22,715 Ano'ng masasabi mo do'n?" 558 00:31:22,798 --> 00:31:24,800 Gumagamit ka ba ng Internet? 559 00:31:24,884 --> 00:31:27,720 -Iniiwasan ko. -Oo. Kasi puno ng tsismis do'n. 560 00:31:27,803 --> 00:31:28,721 -Talaga? -Oo. 561 00:31:30,181 --> 00:31:33,059 -Gusto mong marinig 'yong iba? -Wala naman akong choice. 562 00:31:33,142 --> 00:31:37,605 May nagsabi na ang totoo daw, pinagpalang lalaki si Lady Gaga. 563 00:31:37,688 --> 00:31:40,566 E, 'yong tsismis na hermaphrodite ka daw? 564 00:31:40,650 --> 00:31:42,818 Ano'ng nararamdaman mo pag nababasa mo 'yon? 565 00:31:43,319 --> 00:31:46,113 Ang nakakatuwa, sasabihin ng ibang artist na 566 00:31:46,197 --> 00:31:48,532 "Hindi totoo 'yon." Ikaw, ine-enjoy mo. 567 00:31:48,616 --> 00:31:50,743 Ba't ako mag-aaksaya ng oras 568 00:31:50,826 --> 00:31:53,579 sa paglalabas ng press release kung may titi ako o wala? 569 00:31:53,663 --> 00:31:56,123 Wala kaming pakialam ng fans ko. 570 00:31:56,207 --> 00:31:58,793 Hindi ko sinagot 'yong tanong 571 00:31:59,293 --> 00:32:02,797 kasi di ko naramdamang biktima ako ng kasinungalingang 'yon. 572 00:32:02,880 --> 00:32:06,926 Ang naisip ko, ano'ng maiisip ng batang inaakusahan ng gano'n 573 00:32:07,009 --> 00:32:10,179 kung ikakahiya 'yon ng public figure na kagaya ko? 574 00:32:10,262 --> 00:32:13,933 Siguro ang sinasabi ko, napunta na ako sa sitwasyong 575 00:32:14,016 --> 00:32:17,687 pag itinama mo ang tsismis, hindi makakabuti sa… 576 00:32:17,770 --> 00:32:20,398 Inisip ko 'yong kapakanan ng ibang tao. 577 00:32:21,107 --> 00:32:22,149 Dahil do'n, 578 00:32:22,233 --> 00:32:25,152 sinusubukan kong magmulat at magprotesta sa ibang paraan. 579 00:32:25,236 --> 00:32:29,365 Sinubukan kong gamitin 'yong misinformation para magprotesta. 580 00:32:29,949 --> 00:32:34,203 Tingin ko, pinagpapalagay ng mga tao na 'yong gaya kong nagpe-perform, 581 00:32:34,286 --> 00:32:37,081 hindi totoo 'yong performance ko, 582 00:32:37,164 --> 00:32:41,002 pero 'yon ang pinakatotoong makikita n'yo tungkol sa 'kin. 583 00:32:41,085 --> 00:32:42,586 Mas totoo 'yon 584 00:32:42,670 --> 00:32:49,427 kaysa sa lahat ng tsismis na ginawa tungkol sa 'kin para makakuha ng clicks. 585 00:32:49,510 --> 00:32:50,344 Oo nga. 586 00:32:52,972 --> 00:32:55,725 Sa tingin mo, may taktika para mabawasan 'to? 587 00:32:55,808 --> 00:33:00,980 Napakasensitibo ng usaping 'to dahil gusto nating tiyakin 588 00:33:01,063 --> 00:33:03,983 na may elemento ng karapatang magpahayag dito. 589 00:33:04,734 --> 00:33:09,613 Pero di ka pwedeng sumigaw ng "Sunog" sa sinehan dahil lang sa karapatang 'yon. 590 00:33:09,697 --> 00:33:12,658 Kaya kailangan mong pag-isipan kung ano'ng magagawa mo. 591 00:33:12,742 --> 00:33:14,160 Ayon sa bagong pag-aaral, 592 00:33:14,243 --> 00:33:17,747 maaaring mapaminsala ang content na inihahatid ng TikTok sa mga kabataan. 593 00:33:17,830 --> 00:33:19,832 Kailangan mong pumili. 594 00:33:19,915 --> 00:33:24,795 Pipiliin mo ba 'yong karapatang magpahayag at magsalita, 595 00:33:24,879 --> 00:33:30,384 o pipiliin mong tanggalin 'yong mapaminsalang content? 596 00:33:31,552 --> 00:33:34,472 Sa tingin ko, may matinding paglabag sa First Amendment 597 00:33:34,555 --> 00:33:37,475 pagdating sa gaano ba kinontrol ng gobyerno ang Twitter, 598 00:33:37,558 --> 00:33:39,393 na di na nila ginagawa ngayon, 599 00:33:39,477 --> 00:33:42,021 kaya may dahilan para sa First Amendment. 600 00:33:42,104 --> 00:33:45,816 Di ko kailangan ng sermon ni Elon Musk tungkol sa karapatang magpahayag. 601 00:33:45,900 --> 00:33:49,945 Basta niya lang ginagamit 'yon sa platform na pag-aari niya. 602 00:33:50,029 --> 00:33:52,448 Di nabuo ang karapatang magpahayag sa gano'ng antas, 603 00:33:52,531 --> 00:33:55,493 kaya binibigyan no'n ng kapangyarihan ang masasama. 604 00:33:58,370 --> 00:34:02,792 Madalas kong binabalikan 'yong kasong Packer v. Utah. 605 00:34:02,875 --> 00:34:06,629 Ipinagbawal ng Utah ang paglalabas ng ads ng sigarilyo sa state nila, 606 00:34:06,712 --> 00:34:08,839 tapos sabi ng Packer, na kompanya ng tabako, 607 00:34:08,923 --> 00:34:12,134 "May karapatan kaming magpahayag. Pwede kaming maglabas ng ad." 608 00:34:12,218 --> 00:34:14,220 Umabot sa Korte Suprema 'yong kaso, 609 00:34:14,303 --> 00:34:16,889 tapos si Justice Brandeis ang naglabas ng ruling 610 00:34:17,556 --> 00:34:19,767 na nagsasabing 611 00:34:19,850 --> 00:34:23,145 ang paglalagay noon sa billboard sa lugar ng komunidad 612 00:34:23,229 --> 00:34:27,316 ay lumilikha ng kondisyong kailangang umiwas ng tingin ng mga tao. 613 00:34:27,399 --> 00:34:30,778 Sobra ang ibinigay na pribilehiyo sa akto ng pagpapahayag, 614 00:34:30,861 --> 00:34:32,571 kokonti sa tagapakinig. 615 00:34:32,655 --> 00:34:36,575 Hindi usapin ng pagpapahayag o akto ng pagpapahayag ang social media. 616 00:34:36,659 --> 00:34:38,202 Usapin ito ng amplification. 617 00:34:38,285 --> 00:34:42,581 Pag pinili kong tingnan ang impormasyon mo, sige, 618 00:34:42,665 --> 00:34:45,167 pero ano'ng ibig sabihin pag pinilit akong makita 'yon? 619 00:34:45,251 --> 00:34:46,752 Magkaiba ‘yon. 620 00:34:48,504 --> 00:34:51,132 Karapatan mong maging gago, karapatan mong magalit, 621 00:34:51,215 --> 00:34:54,426 pwede 'yon, at pwedeng umiral pa rin 'yong content. 622 00:34:54,510 --> 00:34:55,803 Pwede sa platform 'yon. 623 00:34:55,886 --> 00:34:58,222 Pwedeng hanapin 'yon ng mga taong gustong maghanap, 624 00:34:58,305 --> 00:35:00,516 pero hindi obligasyon ng platform 625 00:35:00,599 --> 00:35:02,768 na i-push 'yon sa algorithmic feed. 626 00:35:03,561 --> 00:35:06,730 Kaya 'yong tanong kung sino'ng maglalagay ng guhit 627 00:35:06,814 --> 00:35:10,442 sa pagitan ng karapatan mong magpahayag at pagkasira ng mundo, 628 00:35:10,526 --> 00:35:13,445 sa tingin ko, 'yon ang tanong para sa 'ting lahat. 629 00:35:15,656 --> 00:35:20,035 Lahat ng nabubuo ngayon ay nabubuo sa panahon ng polarisasyon 630 00:35:20,119 --> 00:35:22,413 na ayon sa social scientists 631 00:35:22,496 --> 00:35:23,956 ay nauna pa sa Internet. 632 00:35:24,039 --> 00:35:27,835 Pag pinag-usapan ang disinformation, tsismis, misinformation, 633 00:35:27,918 --> 00:35:30,296 nagiging personal 'yon para sa mga tao. 634 00:35:30,796 --> 00:35:33,048 Mr. Gates, naisip n'yo bang mangyayari 'to? 635 00:35:33,132 --> 00:35:34,508 In-expect n'yo ba 'to, 636 00:35:34,592 --> 00:35:37,887 o nagulat na lang kayo sa pangyayaring 'to? 637 00:35:37,970 --> 00:35:44,768 Di ko naisip na makakapagtipon ang mga tao sa digital na mundo 638 00:35:44,852 --> 00:35:48,898 para magpakasaya sa mga bagay na di totoo, 639 00:35:48,981 --> 00:35:51,525 kaya medyo nag-aalala ako. 640 00:35:51,609 --> 00:35:53,861 Ito ba ay palala nang palala, 641 00:35:53,944 --> 00:35:57,281 o magbabago ba at mag-i-improve ang sitwasyon? 642 00:35:57,364 --> 00:36:00,451 Sa tingin ko, may technological problems at social problems, 643 00:36:00,534 --> 00:36:02,077 tapos nagkukrus ang landas nila. 644 00:36:02,161 --> 00:36:04,622 At dahil nagsama-sama na lahat sa social media, 645 00:36:04,705 --> 00:36:07,249 nasa iisang infrastructure sila, meron nang dynamic 646 00:36:07,333 --> 00:36:09,710 kung saan may recommendations at curation decisions, 647 00:36:09,793 --> 00:36:12,796 maling design decisions na hindi sinasadyang gawin. 648 00:36:14,840 --> 00:36:18,677 Nananatili ang mga tao sa platforms dahil sa pakiramdam ng komunidad. 649 00:36:18,761 --> 00:36:21,055 Ginamit ko 'yong metapora ng kawan ng ibon. 650 00:36:21,138 --> 00:36:22,389 'Yong gano'ng murmurations. 651 00:36:22,473 --> 00:36:23,933 Ang suwabe ng lipad nila 652 00:36:24,016 --> 00:36:27,394 dahil nakikita ng bawat ibon 'yong pitong pinakamalapit na ibon, 653 00:36:27,895 --> 00:36:33,651 kaya pag nag-iba ng direksiyon 'yong isa, mabilis na susunod 'yong iba, 654 00:36:34,151 --> 00:36:37,404 pero hindi niya na alam 'yong ginagawa ng iba sa kawan. 655 00:36:37,488 --> 00:36:41,659 May makikita ka. Dadaan sa feed mo, ila-like mo, 656 00:36:41,742 --> 00:36:44,787 pero hindi mo agad iisiping may impact 'yon. 657 00:36:44,870 --> 00:36:48,707 Pero kapag nag-engage ka, sinasabi mo kung ano ang interests mo. 658 00:36:48,791 --> 00:36:51,752 Kung nasa anti-vaccine group ka, magugustuhan mo 'yong chemtrails. 659 00:36:51,835 --> 00:36:54,004 Kung gusto mo 'yon, eto ang flat earth, 660 00:36:54,088 --> 00:36:58,550 kaya bibigyan ka na ng recommendations dahil inaagaw niya 'yong atensiyon mo 661 00:36:58,634 --> 00:37:01,303 sa ibang platform na gano'n din ang ginagawa. 662 00:37:03,347 --> 00:37:07,059 Sa tingin ko, ang pagkakamali ko ay inisip ko na 'yong mga tao, 663 00:37:07,142 --> 00:37:09,478 gusto lang nilang mangalap ng facts 664 00:37:09,561 --> 00:37:12,648 saka konti lang ang misinformation. 665 00:37:12,731 --> 00:37:16,860 Pero habang kumokonekta tayo sa Internet, kahit ako, 666 00:37:16,944 --> 00:37:19,113 pag may article na nagsasabing 667 00:37:19,196 --> 00:37:23,492 "Tanga 'Yong Mga Taong Hindi Mo Kasundo sa Politika," 668 00:37:23,575 --> 00:37:28,956 baka i-click ko 'yon tapos isipin kong "Oo nga! Tanga nga sila." 669 00:37:29,832 --> 00:37:32,918 Bilang resulta ng polarization sa United States, 670 00:37:33,002 --> 00:37:36,213 naging labanang partisano na ang usapang ito 671 00:37:36,297 --> 00:37:38,340 na nangyayari sa buong mundo. 672 00:37:39,550 --> 00:37:42,428 No'ng 2010, na-realize ng mga grupong aktibista 673 00:37:42,511 --> 00:37:45,347 na makapangyarihang organizing tool ang Internet. 674 00:37:45,431 --> 00:37:48,100 Sa Arab Spring 'yon pinakamakikita. 675 00:37:50,894 --> 00:37:53,105 Nagising 'yong mga gobyerno. 676 00:37:53,188 --> 00:37:56,150 Para sa kanila, di na lang ito mga taong nag-uusap. 677 00:37:56,233 --> 00:37:57,443 Nag-aalsa na. 678 00:37:57,526 --> 00:38:01,155 Kaya makikita mo na 'yong paggamit ng gobyerno sa Internet 679 00:38:01,238 --> 00:38:03,574 bilang propaganda apparatus nila. 680 00:38:03,657 --> 00:38:06,827 'Yong Islamic State, gumagawa sila ng propaganda 681 00:38:06,910 --> 00:38:08,829 araw-araw. 682 00:38:09,496 --> 00:38:13,000 'Yong lantarang ginagawa ng ISIS, patago namang ginagawa ng Russia, 683 00:38:13,083 --> 00:38:16,086 tapos biglang may digmaan na ng lahat ng tao laban sa lahat ng tao 684 00:38:16,170 --> 00:38:19,089 kung saan nag-aagawan ang mga paksiyon ng atensiyon at kasikatan, 685 00:38:19,173 --> 00:38:21,425 at tunay na kapangyarihan sa tunay na mundo. 686 00:38:21,508 --> 00:38:26,055 Nakakita na tayo ng influence operations na nagmula sa Saudi Arabia, Egypt, India, 687 00:38:26,138 --> 00:38:28,807 Pakistan, Jordan, kahit sa United States. 688 00:38:28,891 --> 00:38:30,225 -United States. -Di ba? 689 00:38:30,893 --> 00:38:32,478 Ginagawa na ng lahat 'yon 690 00:38:32,561 --> 00:38:34,980 para manipulahin ang information space ng kalaban. 691 00:38:35,064 --> 00:38:38,400 Muli, maiuugat ito sa mga napakalumang konsepto ng digmaan 692 00:38:38,484 --> 00:38:41,570 na kung mapapagana mo ang maliit ng grupo sa isang bansa 693 00:38:41,653 --> 00:38:43,697 laban sa isang grupo ng tao sa ibang bansa, 694 00:38:43,781 --> 00:38:48,202 mapapabagsak mo ang kalaban gamit ang totoong tensiyon 695 00:38:48,285 --> 00:38:49,953 na umiiral sa mundo. 696 00:38:50,537 --> 00:38:54,333 Malala na talaga ang usapin ng disinformation 697 00:38:54,416 --> 00:38:58,462 dahil nalulula at binabaha na tayo ng impormasyon. 698 00:38:58,545 --> 00:39:03,092 Halos wala na tayong espasyo o oras para mag-isip at iproseso 'yon nang maayos 699 00:39:03,175 --> 00:39:06,929 kaya tatanggapin na lang natin ang anumang dumadating. 700 00:39:07,930 --> 00:39:10,474 Sa tingin ko, duda ang mga tao 701 00:39:10,557 --> 00:39:14,395 sa mundong inihaharap sa kanila, pero wala tayong choice. 702 00:39:16,730 --> 00:39:19,608 Sa huli, problema ito ng lipunan 703 00:39:19,691 --> 00:39:22,736 at kailangan ng mga batas at regulasyon 704 00:39:22,820 --> 00:39:25,823 para maghatid ng solusyon dito. 705 00:39:27,032 --> 00:39:30,244 Siyempre, iba-iba ang magiging solusyon sa iba't ibang bansa, 706 00:39:30,327 --> 00:39:33,539 pero sa US, sobrang komplikado 'yon. 707 00:39:34,373 --> 00:39:37,000 Narinig ko na sa 'yo 'yong mga reporma mo, 708 00:39:37,084 --> 00:39:39,420 pero sa tingin ko, hindi mo malulutas ang problema. 709 00:39:39,503 --> 00:39:41,797 Kailangang tumulong ang Kongreso. 710 00:39:42,423 --> 00:39:48,220 Wala na kaming tiwala na magbibigay ang Meta at iba pang social media 711 00:39:48,303 --> 00:39:52,724 ng proteksiyong nararapat sa mga bata at magulang nila. 712 00:39:52,808 --> 00:39:57,938 Mr. Zuckerberg, bakit hindi dapat kasuhan ang kompanya mo dito? 713 00:39:58,522 --> 00:40:00,107 Hindi ka ba dapat panagutin? 714 00:40:00,190 --> 00:40:02,776 Senator, mukhang nasagot ko na 'to. May… 715 00:40:02,860 --> 00:40:05,529 Sagutin mo ulit. Mananagot ka ba? 716 00:40:05,612 --> 00:40:07,448 Nandito ang mga pamilya ng mga biktima. 717 00:40:07,531 --> 00:40:11,618 Gusto mo bang humingi ng tawad sa mga napahamak ng posts mo? 718 00:40:11,702 --> 00:40:13,078 Ipakita n'yo 'yong pictures. 719 00:40:14,037 --> 00:40:17,624 Di ka pwedeng umasa na kokontrolin nila ang sarili nila. 720 00:40:17,708 --> 00:40:20,919 Kailangang ayusin ang structure ng buong apparatus 721 00:40:21,003 --> 00:40:23,505 kung saan nag-o-operate ang technology companies 722 00:40:23,589 --> 00:40:27,092 para matiyak na protektado talaga ang mga tao, 723 00:40:27,176 --> 00:40:30,220 lalo na ang mahihina sa lipunan. 724 00:40:30,304 --> 00:40:35,100 Naniniwala ako sa mas desentralisadong pagkontrol sa content 725 00:40:35,184 --> 00:40:37,644 kung saan mas may kontrol ang mga user 726 00:40:37,728 --> 00:40:41,773 kaysa kay Mark Zuckerberg o sa iba na nagpapasya 727 00:40:41,857 --> 00:40:42,941 na ito ang policies, 728 00:40:43,025 --> 00:40:45,277 tapos ipapatupad nila sa dalawang bilyong tao. 729 00:40:45,360 --> 00:40:49,323 Binayaran ng tao ang Internet, ginamit nila 'yong buwis natin, 730 00:40:49,406 --> 00:40:52,659 tapos nagdedesisyon sila at naaapektuhan ang lipunan. 731 00:40:52,743 --> 00:40:54,369 May epekto 'yon, 732 00:40:54,453 --> 00:40:58,081 addiction man, insurrection, o radicalization, 733 00:40:58,165 --> 00:41:00,334 pero wala silang pananagutan doon. 734 00:41:00,417 --> 00:41:03,462 Hindi rin natin inaaksiyunan 'yon. Wala. 735 00:41:06,256 --> 00:41:10,260 Sa tingin ko, nagtataguyod tayong lahat ng disinformation. 736 00:41:10,344 --> 00:41:11,428 Totoo 'yan. 737 00:41:11,512 --> 00:41:15,307 Sa tingin ko, hindi lang social media ang dapat sisihin 738 00:41:15,390 --> 00:41:18,435 sa kawalan ng mas maayos na mga gawi. 739 00:41:18,519 --> 00:41:22,272 Sa tingin ko, dapat may pamantayan din tayo 740 00:41:22,356 --> 00:41:25,776 ng kung ano ang itataguyod sa platforms natin. 741 00:41:25,859 --> 00:41:27,945 Ang dali-dali na para sa 'ting 742 00:41:29,238 --> 00:41:31,114 mag-post ng kahit ano. 743 00:41:31,198 --> 00:41:36,828 Kung may bata sa playground na nang-away at nambastos, 744 00:41:37,412 --> 00:41:40,707 pag narinig 'yon ng ilang dosenang bata, di maganda 'yon, 745 00:41:41,208 --> 00:41:43,001 pero aasa tayong tatanda sila. 746 00:41:43,085 --> 00:41:45,629 Pero pag nakaupo ka sa bahay, 747 00:41:45,712 --> 00:41:49,967 tapos may kumuwestiyon sa mga prinsipyo mo, 748 00:41:50,050 --> 00:41:52,553 nakaupo ka lang do'n, nagta-type, 749 00:41:53,095 --> 00:41:56,848 tapos tatanggapin 'yon ng sistema, hindi lang ng playground, 750 00:41:56,932 --> 00:41:58,517 kundi milyon-milyong tao. 751 00:41:59,101 --> 00:42:01,562 Kaya mahirap sisihin 'yong mga indibidwal 752 00:42:01,645 --> 00:42:05,524 kasi parang likas sa tao 'yon, parang napalala lang. 753 00:42:07,651 --> 00:42:11,530 No'ng binanggit mo 'yong playground, ang naisip ko agad, 754 00:42:11,613 --> 00:42:15,784 kung maraming tao sa playground na nagsisigawan nang sabay-sabay, 755 00:42:15,867 --> 00:42:18,579 sa tingin ko, may taong magpapakalma sa kanila. 756 00:42:18,662 --> 00:42:22,374 Tama ka. Pag nagkagulo na sa playground, 757 00:42:22,457 --> 00:42:25,043 may matandang mamamagitan, 758 00:42:25,127 --> 00:42:29,756 saka kahit manakit ka sa playground, makikita mo 'yong mukha nila. 759 00:42:29,840 --> 00:42:32,843 Pwedeng umiyak sila o tumakbo palayo, 760 00:42:32,926 --> 00:42:37,306 tapos maiisip mo, "Sinadya ko ba 'yon? Nasaktan ko 'yong taong 'yon." 761 00:42:37,389 --> 00:42:41,351 Pero pag nakaupo ka at nagta-type, pakiramdam mo ang tali-talino mo, 762 00:42:41,435 --> 00:42:45,897 hindi mo nakikita 'yong reaksiyon ng tao na magpapasisi sa 'yo. 763 00:42:48,442 --> 00:42:52,446 Kung gusto mong maintindihan 'yong mga taong iba-iba ang pananaw, 764 00:42:52,529 --> 00:42:55,574 may paraan ba para ma-expose nang mas mawalak sa gano'n? 765 00:42:55,657 --> 00:42:58,577 Sa tingin ko, kailangang hanapin mo nang sadya. 766 00:42:58,660 --> 00:43:02,623 Kung gusto mong makuha ang kabilang panig, kailangan mong hanapin 'yon 767 00:43:02,706 --> 00:43:05,208 dahil nakaayon ang algorithm sa mga pananaw mo 768 00:43:05,292 --> 00:43:07,169 o sa content na binubuksan mo. 769 00:43:07,252 --> 00:43:11,632 Kailangan nating mas maging mulat sa kung ano'ng totoo at hindi totoo. 770 00:43:11,715 --> 00:43:15,344 Oo, gusto ko kasi na paminsan-minsan, 771 00:43:15,427 --> 00:43:17,804 kung may makakanang makatuwiran naman, 772 00:43:17,888 --> 00:43:21,808 kung bakit iba ang pananaw nila, maunawaan 'yong pananaw natin. 773 00:43:21,892 --> 00:43:23,894 -Gusto kong ipasok 'yon sa tema mo. -Ako din. 774 00:43:23,977 --> 00:43:25,854 Gusto kong ilapit ang mga tao sa gitna. 775 00:43:25,937 --> 00:43:28,273 Kaya napakaimportanteng baguhin 'yong algorithm. 776 00:43:28,357 --> 00:43:31,526 'Yong masasabi kong "Uy, gusto ko ng content mula sa parehong panig. 777 00:43:31,610 --> 00:43:35,280 Wag mo akong i-label na kaliwa." Sana pwedeng sabihin sa algorithm 778 00:43:35,364 --> 00:43:37,616 na "Ayoko 'tong makita ngayon. Ito ang gusto ko." 779 00:43:37,699 --> 00:43:40,577 Masaya sana kung pwedeng baguhin nang gano'n. 780 00:43:42,954 --> 00:43:46,416 Sa ngayon, ang problema sa social media, 781 00:43:46,500 --> 00:43:50,962 mas malawak na nating sinisira ang tiwala ng lipunan, 782 00:43:51,630 --> 00:43:55,967 at kapag sinira mo ang tiwala, dapat may ipalit ka doon. 783 00:43:56,051 --> 00:43:58,637 Hindi pwedeng duda lang palagi 784 00:43:58,720 --> 00:44:01,431 kasi hindi lumilikha ng kaalaman ang pagdududa. 785 00:44:01,515 --> 00:44:06,645 Kung ang tanging batayan mo ang 'yong tingin mong alam mo, di mo alam, 786 00:44:06,728 --> 00:44:10,524 wala kang mararating. Di ka ituturo no'n sa kahit anong direksyon. 787 00:44:10,607 --> 00:44:13,610 Hindi na conspiracy 'yon kung nagri-research ka. 788 00:44:13,694 --> 00:44:15,737 Hinuhuli mo kami dahil hindi ka gano'n, 789 00:44:15,821 --> 00:44:18,073 kaya pinapalabas mong masama kami, pero ikaw 'yon. 790 00:44:18,156 --> 00:44:20,701 Di kita marinig dahil sa buwisit mong mask. 791 00:44:21,660 --> 00:44:25,497 Ngayon, makikita mo 'yong gano'ng conspiracy na walang theory 792 00:44:25,580 --> 00:44:28,250 na pumapalit sa mga aktuwal na conspiracy theory. 793 00:44:28,333 --> 00:44:30,752 Kontra sila sa 'tin. 794 00:44:30,836 --> 00:44:33,880 Walang theory kung bakit ayaw nilang malaman mo. 795 00:44:33,964 --> 00:44:37,718 Ni hindi pinag-uusapan kung bakit "nila" ito ginagawa. 796 00:44:38,218 --> 00:44:42,472 Sa tingin ko, kritikal na panahon ito. Nakikita na ng marami sa atin 797 00:44:42,556 --> 00:44:46,393 na nalulula na tayo sa kasalukuyang sistema. 798 00:44:46,476 --> 00:44:50,522 Hinihiwalay tayo nito. Pinaglalayo tayo. Binabaliw tayong lahat nang konti. 799 00:44:50,605 --> 00:44:55,235 Para kay Bill Gates, siya ang Diyos na may kontrol sa solar system, 800 00:44:55,318 --> 00:44:59,489 kaya sinusuportahan na niya ngayon 'yong sun-dimming technology. 801 00:44:59,573 --> 00:45:04,661 Salamat, Bill Gates, niloko mo kaming totoong snow 'to. 802 00:45:04,745 --> 00:45:05,996 Natutunaw ang snow. 803 00:45:09,291 --> 00:45:10,625 Ano'ng magagawa mo? 804 00:45:10,709 --> 00:45:13,086 Di ako pwedeng magpaapekto 805 00:45:13,170 --> 00:45:18,216 sa sobrang negatibong pagtingin ng ibang tao sa ginagawa ko, 806 00:45:18,300 --> 00:45:22,554 pero kailangan ko ng isang antas ng pagtanggap para makipag-partner 807 00:45:22,637 --> 00:45:26,683 sa mga gobyerno at ibang pilantropo at makuha ang pinakamahusay na scientists, 808 00:45:26,767 --> 00:45:31,188 kaya anumang nagmamaliit sa ginagawa namin, 809 00:45:31,271 --> 00:45:33,648 sa mga nakamit namin, problemado 'yon. 810 00:45:34,191 --> 00:45:36,651 Sa tingin mo, pumapasok na tayo sa yugto 811 00:45:36,735 --> 00:45:40,781 na posible nang ibalik ang pagiging makatao sa mga bagay-bagay? 812 00:45:41,364 --> 00:45:44,951 Oo, pero wala akong partikular na plano. 813 00:45:45,035 --> 00:45:46,161 Ano ka ba, Bill? 814 00:45:47,245 --> 00:45:49,998 Hindi, minsan… Ang huling palusot ko 815 00:45:50,081 --> 00:45:52,250 ay "Uy, maraming ginawa 'yong henerasyon ko, 816 00:45:52,334 --> 00:45:55,962 pero niregaluhan namin 'yong susunod na henerasyon ng problema." 817 00:45:56,046 --> 00:45:58,548 Nandiyan 'yong digital polarization 818 00:45:58,632 --> 00:46:01,676 na mas mabigat sa access to information, 819 00:46:01,760 --> 00:46:06,473 kaya, uy, mga kabataan, gumawa kayo ng bagong rules. 820 00:46:06,556 --> 00:46:07,390 Tama. 821 00:46:07,474 --> 00:46:11,436 O magpagalingan kayo sa kahusayan, hindi sa kabaliwan. 822 00:46:12,020 --> 00:46:16,107 Pero nalulungkot ako na wala akong solusyon. 823 00:46:18,318 --> 00:46:22,239 Kaya para sa mga estudyante dito, na karamihan ay Gen Zers, 824 00:46:22,322 --> 00:46:26,159 sa tingin n'yo ba, may generation gap pagdating sa disinformation? 825 00:46:26,243 --> 00:46:29,287 Hindi ko masasabing mas magaling 'yong mga mas bata. 826 00:46:29,371 --> 00:46:33,792 Sa tingin ko, may social incentive ang mas batang henerasyon ngayon 827 00:46:33,875 --> 00:46:35,544 para mag-share ng tindig. 828 00:46:35,627 --> 00:46:37,504 Pag may nakita ang matatanda 829 00:46:37,587 --> 00:46:39,965 na ikinagalit nila, baka i-share nila 'yon. 830 00:46:40,048 --> 00:46:43,093 Tingin ko, may incentive ang mga mas bata na i-share 'yon 831 00:46:43,176 --> 00:46:44,469 at magpanggap na expert, 832 00:46:44,553 --> 00:46:47,556 kaya sa tingin ko, mas delikado 'yon. 833 00:46:47,639 --> 00:46:50,016 Di ako bastang naniniwala sa nasa feed ko. 834 00:46:50,100 --> 00:46:52,644 Alam kong di ako mama-manipulate, 835 00:46:52,727 --> 00:46:56,022 at kung gano'n ka kakumpiyansa, sasabihin mo lang sa algorithm, 836 00:46:56,106 --> 00:46:58,275 "Sige. Bigyan mo pa ako ng tungkol sa…" 837 00:46:58,358 --> 00:47:00,819 Magso-scroll pa ako kasi hindi ako magpapaloko. 838 00:47:00,902 --> 00:47:03,405 Halos nine years ang tanda ko sa kapatid ko. 839 00:47:03,488 --> 00:47:05,740 Twenty lang siya, Gen Z talaga, 840 00:47:05,824 --> 00:47:08,451 tapos ang laki na ng pagkakaiba namin. 841 00:47:11,037 --> 00:47:13,373 Mabilis akong mapag-iwanan ng panahon. 842 00:47:13,456 --> 00:47:17,252 Gaya ng Facebook, mukhang hindi na pala uso 'yon. 843 00:47:17,335 --> 00:47:19,671 -Gumagamit ka ba? -Wala akong Facebook. 844 00:47:19,754 --> 00:47:23,216 Ilan ang ID mo kadalasan sa isang system? 845 00:47:24,175 --> 00:47:25,218 Ilan ang ano? 846 00:47:25,302 --> 00:47:28,138 May iba't ibang persona ka ba sa iisang system? 847 00:47:28,221 --> 00:47:30,473 A, account? Oo, meron. 848 00:47:30,557 --> 00:47:32,517 Usually, meron kang public account, 849 00:47:32,601 --> 00:47:35,687 tapos may isa ka pang account para sa close friends 850 00:47:35,770 --> 00:47:38,023 na puro nakakatawa lang ang ipo-post mo. 851 00:47:38,106 --> 00:47:42,444 Naiintindihan kita, pero seryoso kasi akong tao, 852 00:47:42,527 --> 00:47:46,990 kaya paano ako magiging seryoso nang hindi nagiging boring? 853 00:47:47,073 --> 00:47:48,533 Tingin ko, gusto nilang makita 854 00:47:48,617 --> 00:47:51,036 'yong buhay ng taong di nila naiintindihan. 855 00:47:51,119 --> 00:47:53,705 Alam ko, madalas, tinitingnan ng mga tao 'yong page ko 856 00:47:53,788 --> 00:47:57,500 dahil sa apelyido ko, dahil interesado sila sa pamilya natin. 857 00:47:57,584 --> 00:48:01,713 Kaya sa pagitan ng mga picture ng mukha ko 858 00:48:01,796 --> 00:48:04,758 o pag nagpapa-sexy ako, na mas maraming nagla-like, 859 00:48:04,841 --> 00:48:08,094 pwede akong magsingit ng post tungkol sa reproductive health 860 00:48:08,178 --> 00:48:11,139 para matutunan din ng mga tao ang content na 'yon, 861 00:48:11,222 --> 00:48:13,183 at dahil seryoso akong 862 00:48:13,266 --> 00:48:15,977 magpakalat ng impormasyon tungkol sa reproductive justice 863 00:48:16,061 --> 00:48:18,229 o kababaihang may kontrol sa katawan nila. 864 00:48:18,313 --> 00:48:20,941 Lumala pa 'yong abuse na natatanggap ko online 865 00:48:21,024 --> 00:48:23,109 mula no'ng dumami ang followers ko. 866 00:48:23,193 --> 00:48:27,447 Pinipili mong gamitin ang social media para mag-educate at mag-activate. 867 00:48:27,530 --> 00:48:30,533 Oo, kaya ipapagsabay mo 'yong pagiging kaaya-aya 868 00:48:30,617 --> 00:48:32,619 saka pagpapasok ng totoong agenda mo. 869 00:48:32,702 --> 00:48:35,413 Eto 'yong bilang, 'yong siyensiya, 'yong facts. 870 00:48:35,497 --> 00:48:38,541 'Yong simpleng livestream na nagkukuwento ka ng araw mo, 871 00:48:38,625 --> 00:48:40,001 sobrang cool no'n. 872 00:48:40,085 --> 00:48:40,919 Sige. 873 00:48:41,002 --> 00:48:44,255 -Saka mag-text ka. Wag email. -Ano'ng problema sa email? 874 00:48:44,339 --> 00:48:47,050 Walang gumagamit ng email para sa personal communications. 875 00:48:47,133 --> 00:48:50,220 -Gumagamit kami 40 years ago. -Malamang. 876 00:48:50,303 --> 00:48:53,556 Hindi ngayon, at hindi sa hinaharap. 877 00:48:56,685 --> 00:48:57,894 -Ayos ka na? -Oo. 878 00:48:58,395 --> 00:49:00,397 Ayos na po. Salamat. 879 00:49:01,815 --> 00:49:04,234 Ano'ng gagawin ko? Tatayo? Maglalakad? 880 00:49:04,317 --> 00:49:05,944 -Salamat. -Naku, salamat. 881 00:49:06,569 --> 00:49:12,409 'Yong kagustuhan nating magkasundo at isipin 'yong bansa o mundo 882 00:49:12,492 --> 00:49:17,706 sa halip na tayo laban sa kanila sa loob ng bansa, mahirap 'yon. 883 00:49:18,707 --> 00:49:21,251 Halimbawa, 'yong climate change, 884 00:49:21,334 --> 00:49:23,795 na kailangan nating pagtulungang lutasin. 885 00:49:23,878 --> 00:49:27,507 Pero dahil sa misinformation, nanganganib ang pag-usad doon, 886 00:49:28,258 --> 00:49:32,804 pero umaasa talaga akong mababawasan 'yong pinsala mula sa misinformation 887 00:49:32,887 --> 00:49:36,057 at patuloy nating mapapabuti ang kondisyon ng tao. 888 00:49:37,017 --> 00:49:39,269 Sa tingin ko, may ilan kang magagawa 889 00:49:39,352 --> 00:49:42,856 para mabawasan ang pagiging gago sa taong hindi mo kasundo. 890 00:49:42,939 --> 00:49:44,315 Una, magbasa ka ng libro. 891 00:49:44,399 --> 00:49:47,986 Mag-isip ka muna, isipin mo 'yong iniisip nila. 892 00:49:48,069 --> 00:49:50,321 Pangalawa, mag-travel ka. Kahit saan. 893 00:49:50,405 --> 00:49:52,657 Para makaranas ng bago, kahit diyan lang sa kanto. 894 00:49:52,741 --> 00:49:55,076 Pangatlo, matutong sumuko. 895 00:49:55,160 --> 00:49:58,496 Alam mo 'yong gusto kong tao? 'Yong pag tingin nila, tama ako, 896 00:49:58,580 --> 00:50:01,291 kaya nilang aminin na posibleng nagkamali sila. 897 00:50:01,374 --> 00:50:04,502 Sa tingin ko, wala nang nagpapaubaya sa atin. 898 00:50:04,586 --> 00:50:06,880 Kung makakalikha tayo ng mga taong kayang sabihing 899 00:50:06,963 --> 00:50:09,215 "Mukhang nagkamali ako," 900 00:50:10,008 --> 00:50:11,009 may pag-asa tayo. 901 00:50:46,503 --> 00:50:48,463 Nagsalin ng Subtitle: IT Delgado