1 00:00:15,475 --> 00:00:17,143 Okay, unang tanong. 2 00:00:17,685 --> 00:00:19,771 Masyado ka bang mayaman? 3 00:00:21,773 --> 00:00:23,149 Kakaiba 'yon, 4 00:00:24,609 --> 00:00:29,655 pag may taong may isang bilyon, sampung bilyon, sandaang bilyon. 5 00:00:29,739 --> 00:00:33,743 Napakalaking pera no'n kumpara sa personal na pangangailangan. 6 00:00:35,453 --> 00:00:38,831 Tanda ko no'ng bata ako, tiningnan ko 'yong Forbes list, 7 00:00:38,915 --> 00:00:43,294 tapos namangha ako kasi sa pagkakaunawa ko sa lipunan, 8 00:00:43,377 --> 00:00:46,672 yayaman ka sa real estate, yayaman ka sa banking. 9 00:00:46,756 --> 00:00:48,883 Ang daming taga-Wall Street do'n. 10 00:00:48,966 --> 00:00:53,429 Bakit ang daming yumayaman do'n, at ilan sa kayamanan ang generational? 11 00:00:54,514 --> 00:00:56,808 Tanda ko, may nagsabi sa akin, 12 00:00:56,891 --> 00:00:59,685 "Sa tingin mo, masasama ka listahang 'to?" 13 00:00:59,769 --> 00:01:00,853 Ang naisip ko, 14 00:01:01,896 --> 00:01:05,858 "Baka mapasama ako sa listahan dahil sa software, sa trabaho ko." 15 00:01:05,942 --> 00:01:08,361 No'ng maagang parte, akala ko, hindi. 16 00:01:08,444 --> 00:01:10,905 Pero kalaunan, nalaman kong mali pala 'yon. 17 00:01:10,988 --> 00:01:15,076 Si Bill Gates, na may 4.2 billion dollars, ang pangalawang pinakamayaman sa bansa. 18 00:01:15,159 --> 00:01:17,787 Si Bill Gates, ang pinakamayaman sa bansa… 19 00:01:18,704 --> 00:01:20,998 Kaya "oo" ba o "hindi"? 20 00:01:27,505 --> 00:01:31,008 PUWEDE BANG MAGING MASYADONG MAYAMAN? 21 00:01:37,348 --> 00:01:40,434 Medyo nakakaloka na may mga bilyonaryo tayo. 22 00:01:40,977 --> 00:01:43,604 Ang laking pera no'n, 23 00:01:43,688 --> 00:01:48,943 na pag sinubukan mong ubusin, parang di na makatotohanan. 24 00:01:50,236 --> 00:01:55,449 Gusto mong ibalik 'yong perang 'yon sa lipunan, hindi lang ubusin. 25 00:01:56,868 --> 00:01:58,661 Sa mayamang bansa gaya ng US, 26 00:01:58,744 --> 00:02:01,539 'yong pagkakaroon ng kahirapan, 27 00:02:01,622 --> 00:02:06,085 pinapakita no'n na hindi pinopondohan ang safety net sa paraang gusto natin, 28 00:02:07,420 --> 00:02:12,008 pero hindi ako naniniwala na dapat ipagbawal 29 00:02:12,091 --> 00:02:17,722 na lumampas ang yaman sa isang punto. Pero biased kasi ako. 30 00:02:18,389 --> 00:02:22,101 Pero naiintindihan ko kung bakit gano'n ang pakiramdam ng iba , 31 00:02:23,019 --> 00:02:25,605 kaya magandang debate 'yon. 32 00:02:29,400 --> 00:02:33,321 Tuwing nakakakita tayo ng mga naka-tent sa tabi ng highway, 33 00:02:34,447 --> 00:02:37,575 mga nurse na pagod na pagod sa subway, 34 00:02:38,451 --> 00:02:40,828 mga batang pumupunta sa food pantries, 35 00:02:41,495 --> 00:02:47,501 sa tingin ko, ang kailangang itanong, "Sino'ng nakikinabang?" 36 00:02:50,046 --> 00:02:54,467 Sa America, may nananalo dahil may natatalo, 37 00:02:55,092 --> 00:02:58,596 at wala nang makakalamang sa panalo ng ultrarich. 38 00:02:59,430 --> 00:03:04,518 Pag-aari ng 1% ng mga Amerikano ang 40% ng kayamanan ng bansa. 39 00:03:05,061 --> 00:03:09,232 Mahigit 38 milyong Amerikano ang di maka-afford ng basic necessities, 40 00:03:09,315 --> 00:03:12,193 kaya kung nagtayo ng bansa ang mahihirap sa America, 41 00:03:12,276 --> 00:03:14,820 magiging mas malaki 'yon sa Australia. 42 00:03:16,864 --> 00:03:20,368 Ang isang bilyong dolyar ay sanlibong milyong dolyar, 43 00:03:20,451 --> 00:03:24,830 at may mga bilyonaryo tayong may 200 bilyon. 44 00:03:24,914 --> 00:03:28,251 May 200,000 milyon sila 45 00:03:29,043 --> 00:03:34,674 samantalang may mga batang walang tirahan. 46 00:03:35,341 --> 00:03:36,592 Kabaliwan 'yon. 47 00:03:38,719 --> 00:03:43,599 Sa tingin ko, sa perfect na mundo, walang bilyonaryo. 48 00:03:44,308 --> 00:03:45,935 Madaling sabihin 49 00:03:46,018 --> 00:03:49,313 na problema sa policy ang pagkakaro'n ng bilyonaryo, 50 00:03:49,397 --> 00:03:52,275 lalo pag nakita mo kung ano'ng ginagawa nila sa pera nila. 51 00:03:58,489 --> 00:03:59,907 Pero… 52 00:04:00,825 --> 00:04:04,537 alam din nating maraming paraan para gamitin ang kayamanang 'yon 53 00:04:04,620 --> 00:04:07,623 para impluwensiyahan ang eleksiyon at iba pa. 54 00:04:07,707 --> 00:04:10,251 Kaya pag lumikha ka ng lipunan 55 00:04:10,334 --> 00:04:13,671 kung saan nakasentro ang kayamanan sa iilang tao, 56 00:04:13,754 --> 00:04:17,341 darating sa puntong di mo na matatawag na demokrasya 'yon. 57 00:04:19,635 --> 00:04:21,095 'Yong mga nag-iisip 58 00:04:21,178 --> 00:04:24,473 na dapat i-abolish na lang ang mga bilyonaryo, mali sila. 59 00:04:24,557 --> 00:04:27,560 Sisirain ng mga pagbabagong 'yon ang ekonomiya 60 00:04:27,643 --> 00:04:29,895 dahil kakailanganing magtayo ng bagong ekonomiya 61 00:04:29,979 --> 00:04:31,605 nang di natin alam kung paano. 62 00:04:31,689 --> 00:04:34,900 Iniisip ng mga tao na makakalikha ka ng egalitarian society, 63 00:04:34,984 --> 00:04:38,362 pero pag tiningnan mo 'yong mga society na mas egalitarian pa sa atin, 64 00:04:38,446 --> 00:04:42,116 may mga bilyonaryo sila, at minsan, marami pa nga. 65 00:04:42,199 --> 00:04:46,120 May mga bilyonaryo sa Japan. May mga bilyonaryo sa France. 66 00:04:46,203 --> 00:04:48,497 May mga bilyonaryo sa Scandinavia. 67 00:04:49,290 --> 00:04:51,459 Ilan ang bilyonaryo sa mundo? 68 00:04:51,542 --> 00:04:53,044 Hindi marami, 69 00:04:54,045 --> 00:04:57,590 at masasabi mong "Nakakaloka pag may one billion dollars ka," 70 00:04:57,673 --> 00:05:01,177 pero kailangan mong ma-realize na hindi 'yon ang problema. 71 00:05:01,260 --> 00:05:05,181 Sintomas 'yon ng bagay na napakaganda. 'Yon ang American dream. 72 00:05:05,765 --> 00:05:08,351 Kaya nga espesyal ang America. 73 00:05:10,019 --> 00:05:13,064 Ito na lang, dahil usapang pera din naman 'to. 74 00:05:13,147 --> 00:05:14,273 Okay. 75 00:05:14,774 --> 00:05:17,109 Ten lang yata 'yan. Tama ba? 76 00:05:19,528 --> 00:05:21,781 Madalas kaming pinaglalaro ng parents namin noon. 77 00:05:21,864 --> 00:05:24,867 Hindi kami competitive 78 00:05:24,950 --> 00:05:28,662 pagdating sa accomplishments namin sa trabaho. 79 00:05:28,746 --> 00:05:30,539 Mahirap 'yon. 80 00:05:31,332 --> 00:05:32,708 Panalo ka na do'n. 81 00:05:32,792 --> 00:05:38,172 Competitive kami pagdating sa paglalaro ng maraming family games. 82 00:05:38,255 --> 00:05:40,424 Tanda mo noong nasa top siya ng 400? 83 00:05:40,508 --> 00:05:42,385 -Di ba, Forbes 500 'yon? -400. 84 00:05:42,468 --> 00:05:45,513 Tapos nakakatawa kasi lalabas 'yon taon-taon. 85 00:05:45,596 --> 00:05:49,975 "Nasa top pa rin ba siya? Ay." Parang gusto nating alamin, 86 00:05:50,059 --> 00:05:54,063 tapos parte din no'n 'yong pagiging competitive nating lahat. 87 00:05:54,146 --> 00:05:56,107 Parang, "Okay, good. Nasa top pa rin." 88 00:05:56,190 --> 00:05:58,651 Tapos namigay ako ng pera para makaalis do'n. 89 00:05:58,734 --> 00:06:01,821 -Sinubukan niyang umalis sa top. -Di mo nagustuhan. 90 00:06:02,405 --> 00:06:05,783 Oo. Parte 'yon ng ethos ng pamilya natin. 91 00:06:06,367 --> 00:06:11,455 Naaalala ko si Mama, no'ng bumalik ka sa Seattle na may Microsoft na. 92 00:06:11,539 --> 00:06:14,542 Isa sa mga unang sinabi niya sa 'yo, 93 00:06:14,625 --> 00:06:17,420 "Paano ka tutulong sa community?" 94 00:06:17,503 --> 00:06:20,506 -Ano'ng tawag do'n? 'Yong sa bridal lunch. -Oo. 95 00:06:21,424 --> 00:06:23,884 …sabi sa… sinipi 'yong, alam mo 'yon, 96 00:06:23,968 --> 00:06:27,054 "Pag maraming ibinigay sa 'yo, marami ring aasahan sa 'yo," kaya… 97 00:06:28,931 --> 00:06:32,476 Nabanggit mo na gusto mong mawala sa billionaire's list. 98 00:06:32,560 --> 00:06:37,773 Hindi ko naman sinasabing masamang mapabilang sa listahan. 99 00:06:37,857 --> 00:06:41,318 Nililinaw ko lang na hindi positibong bagay 'yon. 100 00:06:42,653 --> 00:06:44,447 Sa tingin ko, mas maganda lang 101 00:06:44,530 --> 00:06:48,909 kung boluntaryong mamimigay ang mga bilyonaryo ng mas maraming pera. 102 00:06:49,493 --> 00:06:51,537 Kung di ako namigay ng pera, 103 00:06:51,620 --> 00:06:54,540 mas marami sana akong pera ngayon. 104 00:06:57,626 --> 00:07:02,381 Ang tingin ko sa sarili ko ay estudyanteng inaalam ang sanhi ng bagay-bagay. 105 00:07:05,092 --> 00:07:11,182 Noong 1990s, habang nagsisimula na akong yumaman nang husto, 106 00:07:11,265 --> 00:07:14,685 pinag-aaralan ko 'yong great foundations. 107 00:07:15,269 --> 00:07:17,146 Ano'ng ginawa ni Rockefeller? 108 00:07:17,229 --> 00:07:22,067 Sabi ni Carnegie, "Ang mamatay na mayaman ay mamatay na may kahihiyan." 109 00:07:22,776 --> 00:07:29,408 Noong 2000 ako unang nagbigay ng gahiganteng 20-bilyong-dolyar. 110 00:07:31,160 --> 00:07:35,956 Pagpasok mo sa foundation, ang nakalagay, "Pantay ang halaga ng bawat buhay," 111 00:07:36,040 --> 00:07:39,793 bilang prinsipyong pamantayan ng ginagawa namin. 112 00:07:40,753 --> 00:07:43,464 Pinakamalaking trabaho namin sa US ang edukasyon, 113 00:07:43,547 --> 00:07:46,425 mas maayos na curriculum, training ng guro. 114 00:07:47,259 --> 00:07:49,303 Tumutulong din kami sa global health. 115 00:07:49,803 --> 00:07:51,472 Napakakomplikado ng mga 'yon, 116 00:07:51,555 --> 00:07:55,976 pero naengganyo kaming maglaan ng mahigit isang bilyon kada taon 117 00:07:56,060 --> 00:07:57,978 at tiyaking nagagamit 'yon nang maayos. 118 00:07:59,772 --> 00:08:03,275 Naniniwala ako na dapat magbigay ang mayayaman 119 00:08:03,359 --> 00:08:08,322 para bawasan ang kahirapan sa bansang ito at sa buong mundo. 120 00:08:09,198 --> 00:08:13,869 Sapat ang kayamanan natin. Malaki ang maitutulong natin. 121 00:08:19,833 --> 00:08:23,003 Sa tingin ko, pareho nating ipinagmamalaki ang US 122 00:08:23,087 --> 00:08:25,422 bilang lupain ng pantay na oportunidad, 123 00:08:25,506 --> 00:08:27,758 pero sa pag-unlad ng kapitalismo, 124 00:08:27,841 --> 00:08:31,428 di na ganoon katibay ang equality gaya ng inaasam natin. 125 00:08:31,512 --> 00:08:32,763 Kaya gusto kong malaman, 126 00:08:32,846 --> 00:08:36,016 paano ba dapat sinisikap ng US na bawasan ang inequality? 127 00:08:36,100 --> 00:08:39,687 Nakakalungkot, pero sa tingin ko, mali ang tinatahak natin. 128 00:08:40,604 --> 00:08:42,314 Napakarumi ng sitwasyon ngayon, 129 00:08:42,398 --> 00:08:44,900 kung saan may tatlong tao, isa ka na do'n, 130 00:08:44,984 --> 00:08:47,987 na mas mayaman kaysa sa kalahati ng America. 131 00:08:48,070 --> 00:08:50,698 Naalala ko tuloy, siguro 150 years ago, 132 00:08:50,781 --> 00:08:56,954 no'ng hawak ng Tsar ng Russia o mga hari ng Europe ang kayamanan at kapangyarihan 133 00:08:57,037 --> 00:08:58,872 dahil sa banal na karapatang 134 00:08:58,956 --> 00:09:02,960 "Sabi ng Diyos, pwedeng maging iyo ang lahat ng bagay at kapangyarihan. 135 00:09:03,043 --> 00:09:07,798 Sinabi ng Diyos 'yon." Wala namang trono sa ulo mo, tama? 136 00:09:07,881 --> 00:09:10,634 -Hindi ikaw si King Bill. -Hindi nga. 137 00:09:13,095 --> 00:09:19,101 Pero papayag ka bang magkaroon ng batas na pipigil sa pagkakaro'n ng bilyonaryo? 138 00:09:19,184 --> 00:09:23,105 -Ano'ng tingin mo do'n? Okay. -Oo. 139 00:09:23,188 --> 00:09:26,942 Sa tingin ko, napaka-innovative mong tao. 140 00:09:27,026 --> 00:09:30,446 Nararapat ka bang makatanggap ng financial reward? Oo. Magkano? 141 00:09:30,529 --> 00:09:32,615 Mabubuhay ka na ba sa isang bilyon? 142 00:09:32,698 --> 00:09:36,577 Mapapakain mo na ba ang pamilya? Mababayaran ang rent? Malamang. 143 00:09:36,660 --> 00:09:39,121 -Hindi kita pinupulaan. -Oo naman. 144 00:09:39,204 --> 00:09:41,582 May multi-billionaires sa buong mundo. 145 00:09:41,665 --> 00:09:43,792 Kakabit ng kayamanang 'yon ang kapangyarihan. 146 00:09:43,876 --> 00:09:46,879 Sa tingin ko ba, okay lang 'yon? Hindi. Kung ang tanong ay 147 00:09:46,962 --> 00:09:50,883 "Sa tingin ko ba, dapat iwaksi ang konsepto ng mga bilyonaryo?" Oo. 148 00:09:50,966 --> 00:09:55,387 Ang inaalala ko nang husto, 'yong tinatawag na uber-capitalism, 149 00:09:55,471 --> 00:10:00,643 'yong konsentrasyon ng kayamanan at kapangyarihan 150 00:10:00,726 --> 00:10:04,313 sa kamay ng iilan, at ang epekto no'n sa lipunan. 151 00:10:04,897 --> 00:10:07,608 Sa tingin mo ba, mabisa 'yong sistema? 152 00:10:07,691 --> 00:10:08,567 Effective ba? 153 00:10:08,651 --> 00:10:09,735 Ano sa tingin mo? 154 00:10:12,488 --> 00:10:18,786 Naniniwala ako na ang kapitalismo ay tamang parte ng solusyon. 155 00:10:20,746 --> 00:10:27,127 Nililikha ng kapitalismo ang kalayaan para sa innovation at mobility, 156 00:10:28,671 --> 00:10:33,592 at sa bansang gaya ng US, dahil di tayo naniniwala sa aristokrasya, 157 00:10:34,551 --> 00:10:38,263 ipinagmamalaki natin ang idea ng income mobility. 158 00:10:40,349 --> 00:10:43,477 'Yon 'yong idea ng paglikha ng pantay na oportunidad 159 00:10:43,560 --> 00:10:45,562 para makausad ang mga tao 160 00:10:46,522 --> 00:10:52,152 at hindi mabalaho sa kinahinatnan ng mga magulang nila. 161 00:10:55,406 --> 00:10:59,785 Noong bata ako, malusog ako, puti, lalaki, 162 00:10:59,868 --> 00:11:05,207 at nasa upper-middle-class na pamilyang may access sa mahusay na edukasyon, 163 00:11:05,791 --> 00:11:11,672 kaya nakapagkolehiyo ako at nakapagtayo ng negosyo. 164 00:11:11,755 --> 00:11:16,802 Sinuwerte naman talaga ako sa US environment at tiyempo. 165 00:11:16,885 --> 00:11:19,847 Ang Harvard dropout na nagtatag ng software company 166 00:11:19,930 --> 00:11:23,225 kasama ng kababata niya noong 19 taon pa lang siya. 167 00:11:23,892 --> 00:11:26,019 Ito ang pinakamayamang tao sa mundo. 168 00:11:26,603 --> 00:11:29,732 Naniniwala ako noon na dapat maging matipid, 169 00:11:29,815 --> 00:11:34,653 pero bumili ako ng Porsche car noong 19 ako. 170 00:11:42,035 --> 00:11:44,872 Kaya para sa katulad ko, 'yong mobility, 171 00:11:44,955 --> 00:11:50,836 'yong oportunidad na pumili ng propesyon at maging mahusay, medyo malaki. 172 00:11:50,919 --> 00:11:52,921 Pero para sa mga babae, 173 00:11:53,005 --> 00:11:56,759 mga taong may karamdaman, mga taong hindi puti, 174 00:11:56,842 --> 00:11:59,845 walang gano'ng oportunidad. 175 00:12:01,180 --> 00:12:04,308 May iniusad na tayo sa mga usaping ito 176 00:12:05,350 --> 00:12:10,814 pero napakalayo pa sa inaasam ng American dream. 177 00:12:13,150 --> 00:12:16,236 Magsisimula 'yon sa nakabubuhay na sahod para sa kabataan. 178 00:12:16,320 --> 00:12:17,488 Tama! 179 00:12:18,572 --> 00:12:19,823 Pagod na tayo. 180 00:12:19,907 --> 00:12:23,702 1.2 million na ang manggagawang umalis sa trabaho, sa industriya, 181 00:12:23,786 --> 00:12:26,872 dahil sawa na tayo. Hindi tayo babalik hangga't… 182 00:12:26,955 --> 00:12:28,540 -Tama. -Oo nga! 183 00:12:29,166 --> 00:12:33,378 Maaaring tumaas na ang sahod ng tipped workers sa Chicago. 184 00:12:33,462 --> 00:12:36,173 Sumasahod sila ng nine dollars kada oras plus tips, 185 00:12:36,256 --> 00:12:39,301 pero maaaring utusan ng city council ang employers na bayaran sila 186 00:12:39,384 --> 00:12:42,012 ng gaya ng binabayad sa iba, na halos 16 an hour. 187 00:12:42,095 --> 00:12:45,891 Sa United States, may di bababa sa dalawang antas ng sahod. 188 00:12:45,974 --> 00:12:50,479 May pangkalahatang federal minimum wage na seven dollars and twenty-five cents, 189 00:12:50,562 --> 00:12:53,398 tapos may sub-minimum wage para sa tipped workers. 190 00:12:53,482 --> 00:12:55,901 Iba-iba ang sub-minimum wage na 'yon sa bawat state. 191 00:12:55,984 --> 00:12:59,530 Sa federal level, two dollars and thirteen cents an hour 'yon. 192 00:13:00,155 --> 00:13:01,990 Hanggang ngayon, 193 00:13:02,074 --> 00:13:05,744 kalakhan ng populasyong 'to ay kababaihang may kulay. 194 00:13:05,828 --> 00:13:08,539 Pinakamarami ang single mom sa trabahong ito, 195 00:13:08,622 --> 00:13:11,416 kung saan tatlong beses ang kahirapan kumpara sa iba. 196 00:13:11,500 --> 00:13:14,086 -Doble ang gumagamit ng food stamps. -Makatuwirang sahod… 197 00:13:14,169 --> 00:13:16,797 Pero sa nakalipas na 15, 20 taon, 198 00:13:16,880 --> 00:13:21,093 nariyan ang kahanga-hangang grupo ng mga kababaihang Black 199 00:13:21,176 --> 00:13:26,890 ng One Fair Wage sa Chicago na naggigiit ng full minimum wage plus tips. 200 00:13:27,474 --> 00:13:29,476 Hindi sustainable 'yong kita. 201 00:13:29,560 --> 00:13:31,562 Hindi laging pareho ang tips. 202 00:13:31,645 --> 00:13:32,980 May mga umagang 203 00:13:33,063 --> 00:13:37,192 mag-uuwi ako ng 80 hanggang 150 dollars. 204 00:13:37,901 --> 00:13:40,237 Meron namang 40 dollars. 205 00:13:40,320 --> 00:13:44,658 Sabi mo, kumikita ka ng nasa 15,000 dollars kada taon. 206 00:13:44,741 --> 00:13:45,784 Kada taon. 207 00:13:45,868 --> 00:13:47,828 -Kaya… -Sa tulong ng public assistance. 208 00:13:47,911 --> 00:13:51,707 Kailangan mo ng public assistance. Gaano mo kadalas na nakikita ang anak mo? 209 00:13:52,541 --> 00:13:55,043 Tuwing ginigising ko siya at dinadala sa school. 210 00:13:55,127 --> 00:14:00,132 'Yon lang ang mommy time ko, tapos tumagal 'yon nang dalawang taon. 211 00:14:01,008 --> 00:14:03,176 Good morning sa lahat at kay Mayor. 212 00:14:03,260 --> 00:14:08,181 Karamihan ng tipped workers ngayon ay mga babaeng gaya ko na umaasa sa tips. 213 00:14:08,265 --> 00:14:14,354 Ibig sabihin no'n, hindi namin alam kung magkano ang kikitain namin araw-araw. 214 00:14:14,438 --> 00:14:18,442 Kaya maganda sana kung magkakaro'n kami ng real-life wage. 215 00:14:18,525 --> 00:14:22,237 Salamat, 'yon lang po, Mayor. Okay na ako. 216 00:14:25,782 --> 00:14:29,745 Sa huli't huli, kapitalismo ang kalaban natin, okay? 217 00:14:29,828 --> 00:14:31,914 Kailangan tayo ng matataas. 218 00:14:31,997 --> 00:14:36,293 Taon-taong tumataas ang cost of living. Kailangan nating manatili sa industriya. 219 00:14:36,376 --> 00:14:40,756 Kailangan nating kumayod at umasa pa rin sa public assistance. 220 00:14:40,839 --> 00:14:45,177 Kaya hindi patas 'yon, pero dapat bayaran nila tayo nang tama, 221 00:14:45,260 --> 00:14:48,513 dahil kung hindi, matatalo sila. 222 00:14:50,641 --> 00:14:55,812 Gusto nating makakuha ang lahat sa America ng batayang pangangailangan nila. 223 00:14:55,896 --> 00:15:00,901 'Yon 'yong health care, disenteng edukasyon at pabahay. 224 00:15:00,984 --> 00:15:04,863 Kaya paano natin ididisenyo 'yong tamang sistema 225 00:15:04,947 --> 00:15:09,910 para maibigay natin sa lahat 'yong batayang 'yon? 226 00:15:13,956 --> 00:15:15,624 -Hi, Senator. -Bill, kumusta? 227 00:15:15,707 --> 00:15:18,043 -Salamat sa oras mo. -Oo naman. Ikaw pa. 228 00:15:18,627 --> 00:15:20,420 Itong papel ng gobyerno, 229 00:15:20,504 --> 00:15:23,882 ng private sector, buong buhay mong pinag-iisipan 'yon, 230 00:15:23,966 --> 00:15:28,762 at US ang pinakamayamang bansa pero kinakapos pa rin sa inaasam natin. 231 00:15:28,845 --> 00:15:30,389 Walang duda 'yan. 232 00:15:30,472 --> 00:15:34,017 'Yong free-enterprise system natin, kapitalismo, sa ibang salita, 233 00:15:34,101 --> 00:15:36,728 ay lumikha ng napakalaking kayamanan. 234 00:15:36,812 --> 00:15:37,813 Di 'yon perpekto. 235 00:15:37,896 --> 00:15:41,775 Mas maayos lang kaysa sa ibang nakita na natin sa buong mundo. 236 00:15:41,858 --> 00:15:44,277 Maraming namuhay sa kahirapan 237 00:15:44,361 --> 00:15:47,280 sa ilalim ng sosyalismo, komunismo, nang daan-daang taon. 238 00:15:47,364 --> 00:15:50,117 Sa wakas, in-adopt na nila ang free enterprise. 239 00:15:50,200 --> 00:15:52,911 Ginawa na 'yong ng China, at nakakatuwa 240 00:15:52,995 --> 00:15:56,415 dahil daan-daang milyong tao na ang nakaahon sa kahirapan. 241 00:15:56,498 --> 00:15:59,126 Pag tiningnan mo 'yong ikinokompromiso ng US, 242 00:15:59,209 --> 00:16:03,755 kontra sa Europe, halimbawa, na mas kontrolado ang ekonomiya, 243 00:16:03,839 --> 00:16:07,134 pero gusto ng iba na gayahin natin 'yong Europe. 244 00:16:07,217 --> 00:16:09,219 Ano'ng tingin mo sa kompromisong 'yon? 245 00:16:09,302 --> 00:16:12,139 Kung ikukumpara mo 'yong sigla at paglago 246 00:16:12,222 --> 00:16:16,143 na umiiral sa United States kumpara sa Europe, masasabi mong 247 00:16:16,226 --> 00:16:19,521 "Grabe, mukhang mas maayos ang lagay ng United States." 248 00:16:20,397 --> 00:16:23,608 Walang duda, 'yong mga pinaka-innovative sa mundo, 249 00:16:23,692 --> 00:16:26,153 kung nag-iisip silang magtayo ng negosyo, 250 00:16:26,236 --> 00:16:28,822 iisipin nilang pinakamainam na gawin 'yon sa US. 251 00:16:28,905 --> 00:16:33,076 Nandito sa US ang halos lahat ng bilyong-dolyar na negosyo. 252 00:16:33,160 --> 00:16:36,038 American ang lahat ng unicorn. 253 00:16:36,121 --> 00:16:38,707 Bakit? Magkatulad tayo ng utak. 254 00:16:38,790 --> 00:16:42,878 Naniniwala ako na mas malaki ang risk tolerance dito. 255 00:16:42,961 --> 00:16:45,464 'Yong bankruptcy laws natin, 'yong financial system, 256 00:16:45,547 --> 00:16:48,383 'yong options ng mga negosyante, 257 00:16:48,467 --> 00:16:52,304 lumilikha ang mga ito ng environment ng pagsusugal at innovation 258 00:16:52,387 --> 00:16:55,015 na humantong sa napakaraming uri ng tagumpay, at isa pa, 259 00:16:55,098 --> 00:16:58,185 kung gusto mong makaahon sa kahirapan ang mga tao, 260 00:16:58,268 --> 00:17:00,145 at magkaro'n ng mas malaking oportunidad, 261 00:17:00,228 --> 00:17:04,357 wala nang mas makapangyarihang elixir kaysa sa paglago. 262 00:17:04,941 --> 00:17:06,359 Kung lumalago ang ekonomiya, 263 00:17:06,443 --> 00:17:09,696 kung may mga bagong negosyong nagha-hire ng mas maraming tao, 264 00:17:09,780 --> 00:17:13,075 lumilikha 'yon ng oportunidad para makaahon sa kahirapan ang mga tao. 265 00:17:15,702 --> 00:17:20,082 Kahanga-hangang sistema ang sosyalismo kung saan pantay ang kahirapan ng mga tao. 266 00:17:20,749 --> 00:17:23,710 Sa kapitalismo, di pantay na yumayaman ang mga tao. 267 00:17:24,878 --> 00:17:27,130 Sa kasaysayan ng sangkatauhan, 268 00:17:27,714 --> 00:17:32,803 pinakalumago ang mga bansang may pinakamaraming dumadaloy. 269 00:17:33,970 --> 00:17:39,935 Dumadaloy na idea, kapital, tao, at kapangyarihan. 270 00:17:40,852 --> 00:17:44,606 Pwede ba nating balikan kung bakit lumalago ang mga ekonomiya? 271 00:17:45,524 --> 00:17:50,237 Sa Model T man 'yan ni Henry Ford, o sa Microsoft ni Bill Gates, 272 00:17:50,946 --> 00:17:55,742 anumang lumilikha ng magandang trabaho, pinakikinabangan ng mahirap at mayaman. 273 00:17:56,326 --> 00:17:58,745 Itinataas no'n 'yong floor. 274 00:17:58,829 --> 00:18:03,458 Itinataas din 'yong ceiling. Kung saan papasok ang government policy, 275 00:18:03,542 --> 00:18:08,380 siguro sa pagpapaliit ng agwat sa pagitan ng tumataas na floor at ceiling 276 00:18:08,463 --> 00:18:11,842 sa pamamagitan ng pamumuhunan sa public goods. 277 00:18:11,925 --> 00:18:16,304 Pampublikong transportasyon, parke, at paaralan 278 00:18:16,388 --> 00:18:21,476 na batayan ng anumang malusog na demokratikong kapitalistang lipunan. 279 00:18:27,732 --> 00:18:28,608 -Hello. -Hi. 280 00:18:29,317 --> 00:18:30,152 Hi. 281 00:18:31,153 --> 00:18:32,571 -Hi. -Good to meet you. 282 00:18:32,654 --> 00:18:34,030 -Si Connor Maxwell. -Hi. 283 00:18:34,114 --> 00:18:35,448 Umpisahan na natin. 284 00:18:35,532 --> 00:18:41,079 Isa sa mga topic na interesado talaga kami sa Bill and Melinda Gates Foundation 285 00:18:41,163 --> 00:18:43,248 ay 'yong hamon ng economic mobility, 286 00:18:43,331 --> 00:18:47,919 pero kasabay no'n, na-realize ko na para maintindihan 'yong hamon, 287 00:18:48,003 --> 00:18:51,381 makakatulong na mangausap ng mga taong naging expert na 288 00:18:51,464 --> 00:18:53,550 dahil sa sarili nilang karanasan. 289 00:18:53,633 --> 00:18:57,596 Michael, Ariana, Lashana, naging expert na kayo 290 00:18:57,679 --> 00:19:01,558 mula sa job training, hanggang sa reentry at pagnenegosyo. 291 00:19:01,641 --> 00:19:05,103 Humarap kayo sa malalaking hamon noong lumalaki kayo, 292 00:19:05,187 --> 00:19:07,522 na nakaapekto sa mga oportunidad n'yo. 293 00:19:07,606 --> 00:19:12,277 Kaya gusto naming marinig ang kuwento n'yo. Ano sa tingin n'yo? 294 00:19:13,320 --> 00:19:15,655 Ayos? Michael, pwede mo bang umpisahan? 295 00:19:15,739 --> 00:19:19,618 Sige. Hindi madali 'yong buhay ko no'ng bata ako. 296 00:19:19,701 --> 00:19:24,080 Maagang nawala ang mga magulang ko dahil nakulong sila, 297 00:19:24,164 --> 00:19:27,959 at nakulong din ako noong bata ako. 298 00:19:28,043 --> 00:19:30,128 Nakulong ako noong 15 ako. 299 00:19:30,212 --> 00:19:31,213 Fifteen? Wow. 300 00:19:32,005 --> 00:19:34,174 Twenty-eight na ako no'ng nakalaya. 301 00:19:34,257 --> 00:19:35,467 Twenty-eight? 302 00:19:35,550 --> 00:19:37,719 -Twenty-eight, oo. -Wow. 303 00:19:37,802 --> 00:19:42,557 Kaya importanteng sandali 'yon ng buhay ko. 304 00:19:42,641 --> 00:19:48,104 Paglabas ko, wala masyadong reentry programs 305 00:19:48,188 --> 00:19:49,898 o tulong para makahanap ng trabaho, 306 00:19:49,981 --> 00:19:54,069 o kahit simpleng tulong sa paggawa ng resume. 307 00:19:54,152 --> 00:19:56,529 No'ng lalaya ka na, ano'ng binigay nila 308 00:19:56,613 --> 00:19:58,949 o tinulong nila para sa susunod na hakbang? 309 00:19:59,449 --> 00:20:01,368 Two hundred dollars paglabas ko. 310 00:20:03,453 --> 00:20:04,371 'Yon lang. 311 00:20:04,955 --> 00:20:09,709 Sabi no'ng kakosa ko, "Mag-drive ka na lang ng truck," 312 00:20:09,793 --> 00:20:13,421 pero tumimo 'yon kasi narinig ng anak ko, tapos sabi niya, 313 00:20:13,505 --> 00:20:15,298 "Astig 'yon. Gawin mo 'yon." 314 00:20:15,382 --> 00:20:16,216 Ayos. 315 00:20:17,384 --> 00:20:21,096 Masaya siya. Excited siyang mag-road trip sa summer. 316 00:20:22,514 --> 00:20:26,309 Ayos. Ariana, ano'ng gusto mong i-share tungkol sa background mo? 317 00:20:26,393 --> 00:20:27,269 Sige. 318 00:20:27,769 --> 00:20:33,525 Isa ako sa mas nakakatatanda sa apat na magkakapatid. 319 00:20:33,608 --> 00:20:36,361 Lumaki kami sa abusive na tahanan. 320 00:20:36,444 --> 00:20:39,864 No'ng six o seven ako, naghirap kami, 321 00:20:40,365 --> 00:20:42,701 kaya lumipat kami sa deep East Oakland, 322 00:20:42,784 --> 00:20:48,373 na walang maayos na mapagkakakitaan. 323 00:20:53,003 --> 00:20:57,882 Madalas na nauugnay ang kahirapan sa pera, 324 00:20:57,966 --> 00:21:03,930 at bihirang pag-usapan 'yong epekto no'n sa isip ng tao. 325 00:21:05,640 --> 00:21:08,393 Laging nagtatrabaho 'yong nanay ko. 326 00:21:08,476 --> 00:21:10,562 Marami siyang trabaho no'n. 327 00:21:12,439 --> 00:21:16,443 Pag kulang ka sa resources, lalo sa pera, 328 00:21:16,526 --> 00:21:18,570 apektado 'yong bawat kilos mo. 329 00:21:20,530 --> 00:21:22,574 Apektado kung saan ka nakatira, 330 00:21:22,657 --> 00:21:25,327 kung may access ka sa grocery, 331 00:21:25,410 --> 00:21:28,538 sa sasakyan, sa eskwelahan. 332 00:21:29,748 --> 00:21:34,127 Tumatagos 'yon sa bawat aspeto ng buhay mo. 333 00:21:36,379 --> 00:21:39,674 Lumilikha 'yon ng traumatic response. 334 00:21:39,758 --> 00:21:45,513 Ang nangyayari, lagi kang nasa state of survival. 335 00:21:45,597 --> 00:21:50,352 Hindi ka makatanaw sa hinaharap at makapagplano para sa hinaharap 336 00:21:50,435 --> 00:21:53,980 dahil inaalala mo 'yong hapunan n'yo. 337 00:21:56,191 --> 00:21:58,568 Kaya kung nasa survival mindset ka, 338 00:21:58,651 --> 00:22:00,612 laging tumatakbo ang utak mo. 339 00:22:00,695 --> 00:22:04,115 Wala ka nang oras para pagplanuhan ang future. 340 00:22:04,199 --> 00:22:06,993 Wala kang oras para mangarap. 341 00:22:10,955 --> 00:22:13,958 Sobrang hirap ng inequality dahil… 342 00:22:15,585 --> 00:22:17,796 hindi lang 'yon usapin ng kita, 343 00:22:18,755 --> 00:22:20,590 kundi ng kalidad ng buhay nila. 344 00:22:22,092 --> 00:22:24,844 'Yong alam kong may kakainin ako mamaya. 345 00:22:24,928 --> 00:22:27,180 Alam kong may masisilungan ako mamaya. 346 00:22:27,972 --> 00:22:31,267 May tsansa akong pag-aralin ang mga anak ko. 347 00:22:33,478 --> 00:22:37,524 Gusto nating maging bansa kung saan nagtatayo ng negosyo ang mga tao 348 00:22:38,775 --> 00:22:40,860 at nakakaranas silang magtagumpay, 349 00:22:40,944 --> 00:22:46,199 at hindi sila naiipit sa sistema kung saan pinagkakaitan sila. 350 00:22:51,454 --> 00:22:53,123 Gusto ko ang salitang "inequality" 351 00:22:53,206 --> 00:22:58,044 dahil, ironically, para sa akin, inclusive ang salitang 'yon. 352 00:22:59,921 --> 00:23:02,215 Ipinapakita no'n 'yong relasyon 353 00:23:02,298 --> 00:23:07,720 sa pagitan ng mga tao sa tuktok at mga taong nagsusumikap na mabuhay. 354 00:23:09,347 --> 00:23:11,558 Lahat tayo, nasa iisang spectrum 355 00:23:12,684 --> 00:23:14,978 na meron ding mga bilyonaryo, 356 00:23:15,812 --> 00:23:17,313 at iisang bansa lang 'to. 357 00:23:18,356 --> 00:23:23,069 Ano'ng kailangan para maisara ang agwat sa pagitan ng meron ka at kailangan mo 358 00:23:23,153 --> 00:23:27,407 para di ka lang bastang nagsu-survive, kundi umaabante ka rin sa America? 359 00:23:27,490 --> 00:23:29,868 Palaki nang palaki ang agwat na 'yon, 360 00:23:30,952 --> 00:23:37,876 pero gaano man natin pag-usapan ang inequlality o social… 361 00:23:39,461 --> 00:23:40,295 Ano 'yon? 362 00:23:40,378 --> 00:23:42,922 BLADE helicopter siguro na papunta sa Hamptons. 363 00:23:43,006 --> 00:23:44,591 -Seryoso. -Biyernes ngayon. 364 00:23:44,674 --> 00:23:45,633 Diyos ko. 365 00:23:50,096 --> 00:23:53,808 Isang dahilan kung bakit iniisip ng mga tao na walang solusyon 366 00:23:53,892 --> 00:23:56,561 ay dahil napakaraming aspeto ng problemang 'to. 367 00:23:56,644 --> 00:24:00,273 Pwede 'tong tingnan bilang problema sa health care. 368 00:24:00,857 --> 00:24:05,445 Halos one-third ng bansa, walang regular na access sa health care. 369 00:24:06,196 --> 00:24:08,573 Problema 'to sa edukasyon 370 00:24:09,157 --> 00:24:13,495 at sa kalibre ng edukasyong pwede mong matanggap, 371 00:24:14,120 --> 00:24:16,080 at problema 'to sa kita. 372 00:24:16,831 --> 00:24:18,666 Kailangan nating tingnan 'yong buo 373 00:24:19,417 --> 00:24:22,670 para makita kung gaano kagrabe 'yong pagkakaiba. 374 00:24:23,254 --> 00:24:25,131 Kung may median wage ka 375 00:24:25,215 --> 00:24:28,218 sa bansang tulad ng Netherlands, o sa US, 376 00:24:28,301 --> 00:24:31,554 parte ka na ng pinakamayamang 5% sa buong mundo. 377 00:24:31,638 --> 00:24:33,681 Mahigit kalahati ng buong mundo 378 00:24:33,765 --> 00:24:36,184 ang nabubuhay sa wala pang seven dollars a day. 379 00:24:36,684 --> 00:24:40,396 Pero may inequality rin sa loob ng inequality. 380 00:24:41,147 --> 00:24:43,358 Madalas, may pagkakahati ng kasarian. 381 00:24:44,108 --> 00:24:46,653 Madalas, Black at brown communities 'yon. 382 00:24:47,195 --> 00:24:50,615 Magkaiba ang problema ng lahi at uri, 383 00:24:50,698 --> 00:24:52,492 pero nagsasala-salabat 'yon. 384 00:24:53,493 --> 00:24:56,329 Paulit-ulit nating nakikita 385 00:24:56,412 --> 00:24:59,666 na magkakahabi ang mga ideolohiyang 'to. 386 00:25:01,125 --> 00:25:02,752 'Yong tagumpay ng mga unyon 387 00:25:02,835 --> 00:25:06,965 at relatibong mataas na sahod noong middle third ng 20th century, 388 00:25:07,048 --> 00:25:10,843 pero dahil sa segregation, di 'yon ma-access ng mga Black. 389 00:25:11,928 --> 00:25:17,183 Sa kasalukuyan, halos sampung beses na mas mayaman ang median white household 390 00:25:17,267 --> 00:25:19,435 kaysa sa median Black household. 391 00:25:21,145 --> 00:25:25,483 Isa sa kapansin-pansing nakita natin noong pandemic, 392 00:25:26,276 --> 00:25:30,613 parehong mga komunidad ang hindi patas na naaapektuhan 393 00:25:30,697 --> 00:25:33,116 ng magkakaibang dami ng namamatay, 394 00:25:33,700 --> 00:25:36,327 hindi pantay na karahasan ng kapulisan, 395 00:25:36,869 --> 00:25:40,790 kaya may kaugnayan sa lahi ang dynamics na ito 396 00:25:40,873 --> 00:25:43,501 na lalong nagpapalala 397 00:25:43,585 --> 00:25:46,713 sa pangkalahatang problema ng inequality sa lipunan. 398 00:25:48,756 --> 00:25:53,928 Sa tingin ko, wala pa tayong nagagawang magandang paraan para solusyonan 'to, 399 00:25:54,012 --> 00:25:56,222 pero magaling ang ginawa ng US. 400 00:25:56,306 --> 00:25:57,557 'Yong New Deal. 401 00:25:57,640 --> 00:26:00,852 Nagpatupad tayo ng Social Security, Medicaid, Medicaid, 402 00:26:00,935 --> 00:26:05,148 kaya nakabuo tayo ng social democratic state sa America, 403 00:26:05,231 --> 00:26:07,817 at 'yong mga taong iniisip ang US 404 00:26:07,900 --> 00:26:11,571 bilang hyper-capitalist na basurahan, mali sila, 405 00:26:12,572 --> 00:26:17,952 pero 'yong paglikha ng mas egalitarian na lipunan na may antas ng sustento, 406 00:26:18,036 --> 00:26:20,038 maraming bansa ang nakagawa no'n. 407 00:26:20,121 --> 00:26:22,665 Di natin gaanong nagawa 'yon. Kailangan nating galingan. 408 00:26:25,418 --> 00:26:28,963 Siguro dahil sa optimismo ko, pero sa buong buhay natin, 409 00:26:29,047 --> 00:26:35,178 'yong pag-usad sa kabuuang yaman, sa safety net, edukasyon, 410 00:26:35,261 --> 00:26:38,139 marami na tayong nalampasang hamon do'n. 411 00:26:38,222 --> 00:26:42,602 Sa tingin mo, kaya nating ituloy ang pag-usad doon sa paglipas ng panahon? 412 00:26:43,269 --> 00:26:45,688 May mga culture battle ngayon 413 00:26:45,772 --> 00:26:48,316 at demonization ng iba't ibang partido. 414 00:26:48,399 --> 00:26:52,570 Kaya 'yong policy, na tutulong sanang makaahon sa hirap ang mga tao, 415 00:26:52,654 --> 00:26:54,447 naisantabi 'yon. 416 00:26:54,530 --> 00:26:57,909 Sa tingin ko, naliligaw 'yong political parties natin. 417 00:26:57,992 --> 00:27:02,246 Hindi nila alam kung saan pupunta. Halimbawa, 'yong party ko, 418 00:27:02,330 --> 00:27:07,168 binubuo na ang halos two-thirds ng mga taong hindi nagkolehiyo. 419 00:27:07,251 --> 00:27:11,422 Sa palagay ko, sila 'yong mga taong gustong itaas ang minimum wage, 420 00:27:11,506 --> 00:27:15,009 pero ang matagal nang nakasanayan sa Republican Party, 421 00:27:15,093 --> 00:27:18,971 "Wag itaas ang minimum wage." 'Yon ang sabi ng mga negosyo. 422 00:27:19,055 --> 00:27:20,640 Ano'ng gagawin natin? 423 00:27:20,723 --> 00:27:23,726 Sa isang banda, 'yong pagkalitong 'yon ang dahilan 424 00:27:23,810 --> 00:27:27,689 kung bakit walang pag-usad sa ilang hamon na kinakaharap natin, 425 00:27:27,772 --> 00:27:30,274 kaya kailangang ayusin na ang usaping 'to. 426 00:27:30,358 --> 00:27:32,694 Kailangan bang baguhin ang tax policy? 427 00:27:32,777 --> 00:27:37,907 Oo. Sa tingin ko, may mga anomalya sa tax policy natin na dapat ayusin. 428 00:27:37,990 --> 00:27:42,245 Ibig sabihin ba, dapat bawasan ang ilang pinagkakagastusan? Oo. 429 00:27:44,580 --> 00:27:46,874 Ito ang maganda sa kasaysayan. 430 00:27:46,958 --> 00:27:51,504 Ipinapakita nito kung ano'ng posible dahil may mga taong nagsasabing 431 00:27:51,587 --> 00:27:56,008 "Imposibleng taasan ang tax. Never pang nagawa 'yon." Ang totoo… 432 00:27:58,010 --> 00:28:00,096 noong '50s at '60s, 433 00:28:00,179 --> 00:28:04,600 nasa 80, 90% ang taxation rates para sa pinakamayayaman. 434 00:28:04,684 --> 00:28:08,438 Pinakamataas pala ang economic growth noong '50s at '60s. 435 00:28:08,521 --> 00:28:10,606 Napakarami ng ginawang innovation, 436 00:28:10,690 --> 00:28:14,360 kaya ang totoo, humina ang innovation bandang '80s at '90s. 437 00:28:15,278 --> 00:28:17,947 Kailangang mamuhunan sa public good. 438 00:28:18,030 --> 00:28:20,408 'Yon ang demokrasya, di ba? 439 00:28:20,491 --> 00:28:24,746 Taxes ang collective investment natin sa public good. 440 00:28:25,913 --> 00:28:30,877 Ang kakaiba sa US, naging kalakaran nang bawasan ang tax, 441 00:28:30,960 --> 00:28:36,466 pero namamangha ako kasi di tinataasan ang tax ng mayayaman. 442 00:28:37,341 --> 00:28:39,844 Kung tataasan ang tax nang konti, 443 00:28:39,927 --> 00:28:42,972 magkakaroon ng sapat para itaas ang safety net, 444 00:28:43,055 --> 00:28:46,893 na malayo sa magagawa ko… 445 00:28:46,976 --> 00:28:49,771 Baka mas malaki pa ang ibigay ng iba. 446 00:28:52,565 --> 00:28:57,320 Pareho tayong naniniwala na ang tax system ay susing kasangkapan 447 00:28:57,403 --> 00:29:00,114 para kontrolin ang ginagawa ng kapitalismo, 448 00:29:00,198 --> 00:29:03,034 kung saan may mga nananalong tulad ko, 449 00:29:03,117 --> 00:29:05,953 kaya sa ilalim ng tax system, ang gusto ko, 450 00:29:06,037 --> 00:29:09,457 mas marami nang one-third ang sa mayayaman. 451 00:29:09,540 --> 00:29:12,668 Siyempre, sasabihin ko na mas malaki ang gusto ko. 452 00:29:12,752 --> 00:29:16,255 Ipinunto ng kaibigan mong si Warren Buffett 453 00:29:16,756 --> 00:29:21,135 na mas malaki ang effective tax rate ng secretary niya kaysa sa kanya. 454 00:29:21,219 --> 00:29:23,888 Di 'yon ang gustong makita ng mga Amerikano. 455 00:29:23,971 --> 00:29:27,475 Ang gusto nila, magbayad ng sapat 'yong mayayaman. 456 00:29:27,558 --> 00:29:29,477 Pero 'yong sistemang politikal, 457 00:29:29,560 --> 00:29:32,271 sa kasamaang-palad, para sa mayayaman, 458 00:29:32,355 --> 00:29:34,732 imbes na para sa ordinaryong Amerikano. 459 00:29:34,816 --> 00:29:37,485 Naglalabas sila ng happiness questionnaires. 460 00:29:37,568 --> 00:29:38,986 -Nakita mo na 'yon? -Oo. 461 00:29:39,070 --> 00:29:42,740 Ang nakukuha nila do'n, 'yong mga taong may economic security, 462 00:29:42,824 --> 00:29:47,286 gaya ng sa Scandinavia, madalas sa Denmark o Finland, nasa itaas. 463 00:29:47,370 --> 00:29:50,832 Bakit? Sa tingin ko, dahil hindi na nasi-stress ang mga tao 464 00:29:50,915 --> 00:29:54,585 sa kakainin ng mga anak nila, sa health care, o childcare. 465 00:29:54,669 --> 00:29:59,507 Kapag inalis mo 'yong economic stress, pag sinabi ko sa isang tao na 466 00:29:59,590 --> 00:30:02,677 "Di mo na aalalahanin ang pagkain ng pamilya mo, 467 00:30:02,760 --> 00:30:04,929 o pagpapagamot ng mga anak mo." 468 00:30:06,264 --> 00:30:09,725 Salamat. Magiging perpekto ba ang buhay nila? Hindi. 469 00:30:10,518 --> 00:30:14,897 Mababawasan ba ang stress level? Magiging mas masaya at secure ba sila? 470 00:30:14,981 --> 00:30:16,148 Sa tingin ko. 471 00:30:20,236 --> 00:30:23,990 Nag-tweet ako nito lang na magbabayad ako ng malaking tax. 472 00:30:24,991 --> 00:30:26,534 Proud ako do'n. 473 00:30:27,034 --> 00:30:28,619 MAGBABAYAD AKO. IWA-WIRE KO SA BUKAS SA IRS 474 00:30:28,703 --> 00:30:33,082 Isa sa pinakamakabayang magagawa mo bilang Amerikano 475 00:30:33,165 --> 00:30:37,003 ay kumayod, yumaman, lumikha ng maraming trabaho, 476 00:30:37,545 --> 00:30:41,299 mamuhunan sa kompanya mo at sa iba, tapos magbayad ng tax. 477 00:30:41,966 --> 00:30:44,260 Ako ang pinakasuwerteng gago sa mundo, 478 00:30:44,343 --> 00:30:47,054 at pag sinulat ko 'yong tseke para sa IRS 479 00:30:47,138 --> 00:30:49,640 sa halagang daan-daang milyong dolyar, 480 00:30:49,724 --> 00:30:52,852 hindi sa gusto ko 'yon, pero proud ako do'n 481 00:30:52,935 --> 00:30:59,150 kasi sa mga kalsada, militar, pulis, mga guro, Medicaid, Medicare, 482 00:30:59,233 --> 00:31:02,612 doon napupunta ang malaking parte ng binabayad nating tax. 483 00:31:02,695 --> 00:31:05,239 Pakiramdam ko, nagbigay ako sa komunidad. 484 00:31:06,824 --> 00:31:08,367 Laging sinasabi ng mga tao 485 00:31:08,451 --> 00:31:11,829 na walang mahiwagang solusyon na lulutas sa inequality. 486 00:31:11,913 --> 00:31:13,831 Hinahamon ko 'yong idea na 'yon. 487 00:31:13,915 --> 00:31:18,878 Sa tingin ko, merong solusyon, sa napakalawak na kahulugan. 488 00:31:20,087 --> 00:31:23,758 May mga bagay na gaya ng universal pre-K, 489 00:31:24,550 --> 00:31:31,307 supportive housing, nakabubuhay na sahod, at universal basic income. 490 00:31:31,390 --> 00:31:35,227 Kailangan natin ng income floor. Kayang wakasan ang kahirapan sa bansa. 491 00:31:35,311 --> 00:31:38,105 Tuwing pinag-uusapan ang gano'ng interbensiyon, 492 00:31:38,189 --> 00:31:41,025 ang laging sagot ay "Masyadong magastos." 493 00:31:41,108 --> 00:31:45,237 Napakalaking halagang ginastos ng US sa welfare programs. 494 00:31:45,321 --> 00:31:47,865 Ang problema sa gano'ng pag-iisip, 495 00:31:47,949 --> 00:31:51,786 ipinagpapalagay nilang pag di ka namuhunan sa programs na 'yon, 496 00:31:51,869 --> 00:31:54,664 makakatipid tayo. Pero ang totoo, hindi. 497 00:31:54,747 --> 00:31:57,083 Araw-araw nating ginagastusan ang kahirapan, 498 00:31:57,667 --> 00:32:00,836 ang mas mabagal na produktibidad sa labor market, 499 00:32:00,920 --> 00:32:04,590 'yong mas mataas na gastusin dahil sa krimen at kalusugan. 500 00:32:05,383 --> 00:32:07,593 Sa taya ng sociologist na si Mark Rank, 501 00:32:07,677 --> 00:32:12,139 ang halaga ng kahirapan ng bata sa America ay nasa $1 trillion kada taon. 502 00:32:14,016 --> 00:32:18,437 Isa pang problemang kinakaharap natin ay napakaraming programang 503 00:32:19,188 --> 00:32:23,567 napakaimportante at makakatulong sa maraming taong nangangailangan, 504 00:32:23,651 --> 00:32:25,194 pero pinapahirapan natin sila. 505 00:32:25,945 --> 00:32:30,408 Sa katunayan, pinapahirapan natin silang makakuha ng kahit anong benepisyo. 506 00:32:31,075 --> 00:32:34,912 Kahit 'yong mga nasa batas para sa 'yo. 507 00:32:36,205 --> 00:32:41,836 Bill, alam mo 'yong Earned Income Tax Credit. Mahirap makakuha no'n. 508 00:32:43,212 --> 00:32:45,172 Ito 'yong two-page 1040, 509 00:32:46,048 --> 00:32:50,553 tapos ito 'yong hundred-page plus na instruction manual 510 00:32:50,636 --> 00:32:53,222 na kasama ng two-page form na 'to. 511 00:32:53,889 --> 00:32:57,560 Titingnan natin kung kaya mong tulungan ang isang tao 512 00:32:57,643 --> 00:32:59,854 na mag-apply ng Earned Income Tax Credit. 513 00:33:02,023 --> 00:33:05,484 Kailangan 'ata kitang bigyan ng lapis. 514 00:33:07,028 --> 00:33:11,323 Isa sa pinakaimportanteng tax credit ang Earned Income Tax Credit 515 00:33:11,407 --> 00:33:14,368 na available para sa low at moderate-income households. 516 00:33:14,452 --> 00:33:18,706 Pwedeng umabot nang libo-libong dolyar 'yan. 517 00:33:18,789 --> 00:33:24,503 'Yan ang pinakamalaking anti-poverty program ng bansa. 518 00:33:24,587 --> 00:33:28,799 Kaya napakaimportante na tama ang pag-calculate diyan. 519 00:33:29,633 --> 00:33:33,721 Umpisahan natin kay Maria Johnson. 520 00:33:33,804 --> 00:33:35,806 -Ang ganda ng picture niya. -Oo. 521 00:33:37,892 --> 00:33:41,604 Single parent siya. May dalawang anak. 522 00:33:41,687 --> 00:33:45,691 Dalawa ang trabaho niya. Maraming trabaho, maraming anak. 523 00:33:45,775 --> 00:33:47,485 Kung may tanong ka… 524 00:33:47,568 --> 00:33:49,278 'Yong Earned Income Tax Credit, 525 00:33:49,361 --> 00:33:52,281 pag sinuma mo 'yong halaga ng perang hindi nake-claim taon-taon, 526 00:33:52,364 --> 00:33:55,785 aabot nang halos 17 billion dollars 'yon. 527 00:33:55,868 --> 00:33:58,871 "Church employee, clergy…" Diyos ko, "Combat Pay." 528 00:33:58,954 --> 00:34:03,125 Pag isinama mo pa lahat ng di nagamit na ayuda taon-taon, 529 00:34:03,209 --> 00:34:08,547 mahigit 140 billion dollars ng poverty aid ang di nake-claim. 530 00:34:10,216 --> 00:34:13,969 Pinatawan natin ang mga programang 'to ng napakahirap na proseso. 531 00:34:14,053 --> 00:34:16,680 Sa tingin ko, dapat gano'n din kadali 532 00:34:16,764 --> 00:34:20,684 'yong pag-a-apply ng unemployment insurance o food stamps 533 00:34:20,768 --> 00:34:24,730 gaya ng pag-o-order ko sa phone 534 00:34:24,814 --> 00:34:28,776 ng birdseed o kung ano, tapos ide-deliver na sa akin kinabukasan. 535 00:34:28,859 --> 00:34:32,738 -Ang sagot ay "hindi." -Okay. Wow, kalokohan 'yan. 536 00:34:32,822 --> 00:34:35,699 Gaano ka kakampante na tama ang mga isinagot mo? 537 00:34:35,783 --> 00:34:38,619 Malaking pera ang nakasalalay diyan. 538 00:34:38,702 --> 00:34:41,956 Eighty percent sure ako na tama ang ginawa ko. 539 00:34:43,082 --> 00:34:47,086 Ibibigay ko 'yong papel para maikumpara mo sa ginawa mo. 540 00:34:47,169 --> 00:34:51,173 Kulang ng 5,000 dollars 'yong sa 'kin. Oops. 541 00:34:54,343 --> 00:34:57,888 Sanay ako sa mga form, pero komplikado 'tong form na 'to. 542 00:34:57,972 --> 00:35:01,767 Patalon-talon ka kasi para magbasa ng definitions. 543 00:35:01,851 --> 00:35:03,269 -Tama. -Diyos ko. 544 00:35:03,352 --> 00:35:06,814 May dalawang trabaho at dalawang anak ka pa niyan. 545 00:35:06,897 --> 00:35:08,983 -Kambal. -Oo, kambal. 546 00:35:09,775 --> 00:35:13,571 'Yong kailangang pagdaanan ng mahirap na tao 547 00:35:13,654 --> 00:35:19,201 sa state-level programs, federal programs, napakomplikado. 548 00:35:20,995 --> 00:35:24,373 Marami sa programs na 'yon, 'yong mga taong kuwalipikado, 549 00:35:24,456 --> 00:35:28,460 wala pang kalahati ang aktuwal na nakikinabang do'n. 550 00:35:28,544 --> 00:35:33,340 Pwede mong sabihing 'yon 'yong pinakanangangailangan. 551 00:35:35,342 --> 00:35:40,514 Mahirap makuha 'yong kinakailangan, lalo na pag humaharap sila sa krisis. 552 00:35:42,933 --> 00:35:43,767 "Thus." 553 00:35:44,518 --> 00:35:47,646 Hindi namin pinag-uusapan ng kapatid ko ang tax. 554 00:35:47,730 --> 00:35:49,815 -Napag-usapan namin 'yon ni Kristi. -Sana nga. 555 00:35:49,899 --> 00:35:51,859 Si Kristi ang nag-ayos ng taxes ko. 556 00:35:51,942 --> 00:35:53,527 Ano'ng score? 557 00:35:53,611 --> 00:35:56,322 82, 97 saka 93. 558 00:35:56,405 --> 00:35:57,615 -Wow. -Leading ka. 559 00:35:58,199 --> 00:36:00,242 Puro vowel naman ako ngayon. 560 00:36:02,328 --> 00:36:04,288 Nasa 'yo pala 'yan. 561 00:36:04,872 --> 00:36:09,543 Marami kaming pagkakatulad ni Kristi. Ang isang pagkakaiba namin, 562 00:36:09,627 --> 00:36:13,547 medyo na-spoil ako, sinuwerte ako sa maraming bagay. 563 00:36:13,631 --> 00:36:17,927 Pero dati pa man, optimistic na talaga ang pananaw ko. 564 00:36:18,010 --> 00:36:21,013 Sa tingin ko, kailangan 'yon para magtagumpay ang negosyante. 565 00:36:21,096 --> 00:36:22,681 Oo, malaking bagay 'yon. 566 00:36:22,765 --> 00:36:26,101 Tapos pag naging successful, lalo pang nagiging optimistic. 567 00:36:28,646 --> 00:36:31,565 -Asan ka do'n? -Nasa gitna n'yo. 568 00:36:31,649 --> 00:36:33,067 -Oo nga. -Oo. 569 00:36:33,150 --> 00:36:35,444 Sa tingin ko, kung di siya optimistic, 570 00:36:35,527 --> 00:36:39,823 paano niya maitutuloy 'tong philanthropy niya? 571 00:36:39,907 --> 00:36:42,034 Kasi nakakapagod 'yan. 572 00:36:42,117 --> 00:36:45,454 'Yong utak niya, siguro sa isip niya, 573 00:36:45,537 --> 00:36:50,334 may idea siya kung paano masosolusyonan ang mga problema. 574 00:36:51,543 --> 00:36:55,798 Habang iniisip nating wala nang pag-asa, may plano naman siya. 575 00:36:57,258 --> 00:36:58,717 Nitong nakaraang summer, 576 00:36:58,801 --> 00:37:01,262 inanunsiyo nina Warren Buffet at Bill at Melinda Gates 577 00:37:01,345 --> 00:37:03,347 ang idea nilang Giving Pledge. 578 00:37:03,430 --> 00:37:05,641 Hinihiling nila sa mga bilyonaryong Amerikano 579 00:37:05,724 --> 00:37:08,978 na ipamigay ang di bababa sa kalahati ng kayamanan nila. 580 00:37:09,937 --> 00:37:14,525 Nakipagkita kami nina Warren at Melinda sa mayayamang philanthropist 581 00:37:14,608 --> 00:37:17,361 tapos pinag-usapan namin habang kumakain, 582 00:37:17,444 --> 00:37:20,739 "Paano mo pinili ang adhikain mo? Bakit gano'n ka kapursigido? 583 00:37:20,823 --> 00:37:23,242 Sa tingin mo, bakit di gano'n 'yong iba?" 584 00:37:23,325 --> 00:37:27,997 Naging malinaw doon na sa philanthropy, medyo naa-isolate ka. 585 00:37:29,248 --> 00:37:33,377 Napipilitan kang isipin 'yong kamatayan mo, 'yong will mo, 586 00:37:33,460 --> 00:37:39,550 lahat ng bagay na mas madaling balewalain at saka na lang pag-isipan. 587 00:37:39,633 --> 00:37:41,385 Ano'ng ibig sabihin pag pumirma sila? 588 00:37:41,468 --> 00:37:44,013 Ipapamigay nila 'yong bulto ng pera nila… 589 00:37:44,096 --> 00:37:45,639 -O parte lang… -Bulto. 590 00:37:45,723 --> 00:37:50,936 Sa mga taong kabilang, maraming magbibigay ng 99%. 591 00:37:51,437 --> 00:37:54,273 Nagulat akong umubra 'yong pangungumbinsi sa mayayaman 592 00:37:55,232 --> 00:37:57,067 na ipamigay 'yong at least kalahati. 593 00:37:58,152 --> 00:38:03,115 Naging malinaw din na iilan lang 'yong pamana ang tingin sa kayamanan 594 00:38:03,198 --> 00:38:05,951 na gusto nilang ipasa sa mga anak nila. 595 00:38:06,702 --> 00:38:08,412 Tapos marami din 596 00:38:08,495 --> 00:38:12,082 'yong di pa hinaharap 'yong usapin ng kung sino'ng mamimigay. 597 00:38:12,833 --> 00:38:16,378 Natututo sa isa't isa 'yong mga taong sumama sa pledge, 598 00:38:16,462 --> 00:38:20,507 nai-inspire kami ng isa't isa. Umasa kaming aabot nang ilang dosena, 599 00:38:20,591 --> 00:38:23,052 pero ngayon, mahigit 300 na kami. 600 00:38:24,595 --> 00:38:26,680 Sa pamimigay ng kayamanan niya, 601 00:38:26,764 --> 00:38:30,601 parang pinapatawan ni Bill Gates 602 00:38:30,684 --> 00:38:33,896 ng income and wealth tax ang sarili niya. 603 00:38:33,979 --> 00:38:37,358 Sa ginagawa niya, lumalabas 'yong tanong na, 604 00:38:37,441 --> 00:38:41,904 siya ba, o gobyerno ba ang magpapasya kung ano'ng gagawin sa pera niya? 605 00:38:41,987 --> 00:38:44,490 May mga argumento para sa parehong panig. 606 00:38:44,573 --> 00:38:45,866 Ang problema lang, 607 00:38:45,949 --> 00:38:50,371 maraming bilyonaryong hindi katulad ni Bill Gates. 608 00:38:50,454 --> 00:38:53,707 Iniipon nila 'yong pera nila, o kung pakawalan man nila, 609 00:38:53,791 --> 00:38:57,211 'yon ay sa mga bagay na hindi kapaki-pakinabang sa publiko. 610 00:38:58,003 --> 00:39:01,548 Sabi ng iba, "Maraming natutulungan 'yong mga bilyonaryo." 611 00:39:02,549 --> 00:39:04,676 Hindi ako bilib. 612 00:39:04,760 --> 00:39:09,681 Karamihan ng philanthropy ng bilyonaryo, puro paglalagay lang ng pangalan 613 00:39:09,765 --> 00:39:13,894 sa magarbong university building o museum. Papogi lang. 614 00:39:15,979 --> 00:39:21,402 Siyempre, may elemento ng ego sa pagkakawanggawa, 615 00:39:21,485 --> 00:39:24,738 pero sa huli't huli, itatanong mo, 616 00:39:24,822 --> 00:39:28,033 "Nakatulong ba ito sa lipunan?" 617 00:39:28,617 --> 00:39:31,036 E, 'yong bilyonaryong gaya ni Bill Gates? 618 00:39:31,662 --> 00:39:34,748 Milyon-milyon na ang nailigtas ng Bill and Melinda Gates Foundation. 619 00:39:34,832 --> 00:39:36,667 Hindi natin maikakaila 'yon. 620 00:39:37,251 --> 00:39:38,836 Pero sa kabilang banda, 621 00:39:39,336 --> 00:39:43,424 mas gusto ko 'yong mundong maayos ang pondo ng mga gobyerno 622 00:39:43,507 --> 00:39:47,010 at sila ang nagtatrabaho sa halip na mga philanthropy. 623 00:39:47,761 --> 00:39:52,099 Pinopondohan ng Gates Foundation ang makabagong experimental ventures 624 00:39:52,182 --> 00:39:56,228 na hindi kayang gawin ng mga gobyernong nakatali sa mga taxpayer. 625 00:40:00,691 --> 00:40:04,319 Napakahalaga ng India para sa gawain ng foundation namin. 626 00:40:05,070 --> 00:40:07,698 Nakakatuwang namin 'yong gobyerno, 627 00:40:07,781 --> 00:40:12,703 dahil layunin din nilang bawasan ang inequality at tulungan ang mga tao. 628 00:40:14,163 --> 00:40:16,707 Naging malinaw na makakapili kami 629 00:40:16,790 --> 00:40:20,210 ng mga taong inilalaan na ang buhay nila sa mga usaping ito 630 00:40:20,294 --> 00:40:23,464 para pondohan sila at makapagtakda ng malalaking goal. 631 00:40:24,590 --> 00:40:27,301 Pag tiningnan mo 'yong inequality sa India, 632 00:40:27,384 --> 00:40:31,054 hindi nabibigyan ang kababaihan ng parehong oportunidad. 633 00:40:31,638 --> 00:40:35,058 Isa sa mga susing programang inumpisahan ng gobyerno 634 00:40:35,142 --> 00:40:36,768 ay 'yong self-help groups. 635 00:40:37,769 --> 00:40:40,898 Mga grupo ito ng 10 hanggang 20 kababaihan sa village. 636 00:40:40,981 --> 00:40:45,527 Mga bagay na nagpapadaloy ng impormasyon, nagpapalawak ng access nila sa markets, 637 00:40:45,611 --> 00:40:47,446 access sa banking services. 638 00:40:48,030 --> 00:40:51,241 Maraming kababaihan ang nagtatayo ng maliit na negosyo. 639 00:40:51,742 --> 00:40:55,204 Ngayon, 90 million na ang naorganisa naming kababaihan. 640 00:40:55,287 --> 00:40:58,373 Sama-sama, nakaipon na sila ng 6 million dollars. 641 00:40:58,457 --> 00:41:00,375 Bakit ka nag-loan? 642 00:41:00,459 --> 00:41:01,376 Para sa bukid. 643 00:41:02,753 --> 00:41:07,049 Naniniwala kami na kung mapapalago ang ganitong negosyo, 644 00:41:07,132 --> 00:41:10,427 kaya nating lumikha ng 50 hanggang 75 milyong trabaho 645 00:41:10,511 --> 00:41:12,804 sa rural India sa hinaharap. 646 00:41:13,680 --> 00:41:17,392 -Tayo ang kababaihan ng India. -Tayo ang kababaihan ng India. 647 00:41:17,476 --> 00:41:21,271 -Di tayo bulaklak, kundi apoy. -Di tayo bulaklak, kundi apoy. 648 00:41:23,732 --> 00:41:28,946 Masasabi mo talagang malala pa rin ang inequality 649 00:41:29,029 --> 00:41:34,618 pero malaki na ang iniusad natin sa usaping 'to. 650 00:41:35,494 --> 00:41:38,330 Mataas ang kamalayan natin sa masasama 651 00:41:38,413 --> 00:41:43,752 kaya madalas na nalilito ang mga tao at naiisip na lumalala 'yong mundo. 652 00:41:43,835 --> 00:41:46,338 Kaya minsan, sinasabi ko sa sarili ko, 653 00:41:46,421 --> 00:41:50,551 "Teka lang. Matuto tayo sa mga lugar na marami tayong nagawang mabuti 654 00:41:50,634 --> 00:41:53,387 at sa malaking iniusad natin." 655 00:41:55,931 --> 00:41:59,768 Ngayon ang umpisa ng pagwawakas sa sub-minimum wage sa Chicago. 656 00:41:59,851 --> 00:42:01,395 Tatlumpu't anim na oo. 657 00:42:01,895 --> 00:42:05,566 Bumoto ang city council para buwagin ang sistemang iyon. 658 00:42:06,149 --> 00:42:07,901 Pasado na ito. 659 00:42:07,985 --> 00:42:12,072 Unang beses 'yon sa 22 taong pag-oorganisa ko 660 00:42:12,155 --> 00:42:14,950 na nakita naming sinabi ng mayorya ng mambabatas 661 00:42:15,033 --> 00:42:18,453 na "Hindi, kailangan nating pumanig sa mga manggagawa." 662 00:42:19,580 --> 00:42:21,373 Sa panukalang 'yon ng Chicago, 663 00:42:21,456 --> 00:42:24,918 matutustusan ng mga manggagawa ang sarili nila. 664 00:42:25,002 --> 00:42:27,671 Mababawasan ang gagamit ng public assistance. 665 00:42:28,171 --> 00:42:30,799 'Yon ang makasaysayan sa sandaling 'to. 666 00:42:30,882 --> 00:42:32,634 Sa bawat antas 'yon, 667 00:42:32,718 --> 00:42:34,553 mula sa mga actor na mataas ang sahod, 668 00:42:34,636 --> 00:42:37,389 hanggang sa restaurant workers na pinakamababa ang kita. 669 00:42:38,432 --> 00:42:41,018 Tumitindig at nagde-demand na ang mga tao. 670 00:42:41,101 --> 00:42:42,769 Ano'ng ibig sabihin no'n? 671 00:42:42,853 --> 00:42:47,524 Posibleng ito na ang pagtatapos ng mababang sahod. 672 00:42:51,528 --> 00:42:54,781 Pag tiningnan mo 'yong mahabang listahan ng mga tanong… 673 00:42:57,618 --> 00:43:02,664 ang makikita mo ay nagbabago ang inequality. 674 00:43:03,707 --> 00:43:05,876 Noong 1964, 675 00:43:05,959 --> 00:43:08,629 inilunsad ng Johnson administration ang war on poverty. 676 00:43:08,712 --> 00:43:13,717 Ten years later, kalahati na lang 'yong poverty line kumpara no'ng 1960. 677 00:43:13,800 --> 00:43:15,510 Ang laki ng naging pagbabago. 678 00:43:16,720 --> 00:43:20,807 Malaki ang nagawa sa kabila ng mga hamon, at isa sa mga dahilan no'n 679 00:43:20,891 --> 00:43:23,977 ay pinressure ng mga karaniwang Amerikano 680 00:43:24,061 --> 00:43:27,022 ang mga mambabatas, ipinaabot ang usaping ito sa publiko. 681 00:43:28,357 --> 00:43:32,235 Ibig sabihin, ang pinakamainam na daan para wakasan ang kahirapan 682 00:43:32,319 --> 00:43:35,739 ay magkapitbisig at maggiit. 683 00:43:36,782 --> 00:43:39,534 Kailangan 'yong atensiyon 684 00:43:39,618 --> 00:43:43,455 ng pinakamatatalino at pinakamakapangyarihang tao. 685 00:43:43,538 --> 00:43:47,459 Di lang mga aktibista, kundi mga bilyonaryong gaya ni Bill Gates. 686 00:43:48,418 --> 00:43:53,340 Excited na ako para sa susunod na 20 years kung saan natin gagastusin 'yong pera. 687 00:43:54,049 --> 00:43:57,719 Ang daming innovation na darating sa hinaharap, 688 00:43:57,803 --> 00:44:01,431 at walang nakalaan do'n na para lang sa elite. 689 00:44:34,881 --> 00:44:36,967 Nagsalin ng Subtitle: IT Delgado