1 00:00:21,230 --> 00:00:24,233 Ano'ng personal na tingin mo sa lamok? 2 00:00:25,151 --> 00:00:26,944 Naku, naiinis ako sa lamok. 3 00:00:28,488 --> 00:00:30,156 Tuwing summer sa Seattle, 4 00:00:30,698 --> 00:00:34,035 nangangagat sila, tapos magkakapantal ka. 5 00:00:41,584 --> 00:00:45,755 Pero hindi ako tumira sa lugar na may malaria. 6 00:00:46,714 --> 00:00:50,760 Lamok na mula sa genus Anopheles ang nagdadala ng malaria sa tao, 7 00:00:51,344 --> 00:00:54,472 at naipapasa ang malaria mula sa tao tungo sa insekto, 8 00:00:54,555 --> 00:00:56,015 at pabalik sa tao. 9 00:00:58,017 --> 00:01:01,687 Apat na raang libong bata ang namamatay sa malaria taon-taon. 10 00:01:03,606 --> 00:01:07,235 Pero hindi sa mayayamang bansa. 11 00:01:07,819 --> 00:01:10,613 Kaya isa 'yon sa mga napapabayaang sakit. 12 00:01:12,740 --> 00:01:14,450 Pagdating sa mga sakit, 13 00:01:14,534 --> 00:01:18,454 may opportunity na mag-develop ng mga makabagong technology 14 00:01:18,538 --> 00:01:20,706 tulad ng mga bakuna, antibodies, 15 00:01:20,790 --> 00:01:24,585 at kahit mga kontrobersiyal na technique gaya ng gene editing, 16 00:01:25,086 --> 00:01:28,381 at gamitin 'yon para subukang burahin ang mga sakit 17 00:01:28,464 --> 00:01:29,757 sa buong planeta. 18 00:01:32,802 --> 00:01:36,430 Magiging pinakamalaking tagumpay ng sangkatauhan 'yon 19 00:01:37,056 --> 00:01:38,766 pag napuksa ang malaria. 20 00:01:44,856 --> 00:01:49,569 MAIISAHAN BA NATIN ANG KARAMDAMAN? 21 00:02:08,296 --> 00:02:10,631 Malaking problema dito ang malaria. 22 00:02:10,715 --> 00:02:12,133 Kailangang magpaospital, 23 00:02:12,216 --> 00:02:17,680 at kung wala kang pera, papatayin ka ng malaria. 24 00:02:18,764 --> 00:02:20,016 Mamamatay ang baby. 25 00:02:21,100 --> 00:02:23,895 Ang dami nang baby na namatay sa malaria. 26 00:02:23,978 --> 00:02:27,523 Namatayan na rin ako dahil sa malaria. 27 00:02:29,442 --> 00:02:30,943 'Yong baby ng kapatid ko. 28 00:02:32,904 --> 00:02:34,322 Kinumbulsiyon siya. 29 00:02:34,405 --> 00:02:36,908 Ang taas ng lagnat, kaya nagmadali na ako. 30 00:02:36,991 --> 00:02:39,827 Dinala ko siya kaagad dito. 31 00:02:40,328 --> 00:02:42,872 Malala 'yong malaria niya. 32 00:02:43,831 --> 00:02:46,083 Sorry, baby girl. 33 00:02:46,167 --> 00:02:48,085 May isa dito. Isang oxygen. 34 00:02:48,169 --> 00:02:50,796 Pwede mong lagyan ng oxygen? 35 00:02:53,925 --> 00:02:58,346 Pag umupo ka sa ward, makikita mong aligaga silang lahat 36 00:02:58,429 --> 00:03:02,391 kasi laging kulang sa tao 'yong wards 37 00:03:02,475 --> 00:03:06,395 dahil medyo seasonal ang malaria. Pagdating ng tag-ulan, 38 00:03:06,479 --> 00:03:10,441 dumadami nang husto ang lamok. 39 00:03:15,821 --> 00:03:20,576 Di ko na mabilang kung ilang beses akong nagka-malaria no'ng bata. 40 00:03:21,077 --> 00:03:23,829 Naaalala ko pa 'yong itsura ng tatay ko. 41 00:03:23,913 --> 00:03:25,831 PANGUNAHING IMBESTIGADOR 42 00:03:25,915 --> 00:03:28,584 Nasa tabi siya ng kama ko, nakatingin sa akin. 43 00:03:28,668 --> 00:03:32,421 Halatang takot na takot siya no'n. 44 00:03:33,839 --> 00:03:39,887 Kung sa US o Europe pumapatay ang malaria ng 600,000 katao, 45 00:03:40,638 --> 00:03:42,848 iba na siguro 'yong problema ngayon. 46 00:03:55,695 --> 00:04:00,700 Madalas, pinakadumarami ang malaria sa pinakamahihirap na populasyon, 47 00:04:00,783 --> 00:04:03,160 'yong pinakahirap magpagamot. 48 00:04:04,578 --> 00:04:08,249 Merong arc mula sa Mali, Burkina Faso, Côte d'Ivoire, 49 00:04:08,332 --> 00:04:11,252 hanggang Nigera at Democratic Republic of Congo, 50 00:04:11,836 --> 00:04:15,840 kung saan 'yong tindi ng pagkalat na kailangang pigilan 51 00:04:15,923 --> 00:04:18,676 ay walang katulad sa buong mundo. 52 00:04:18,759 --> 00:04:21,429 PAANO IKINAKALAT NG LAMOK ANG SAKIT 53 00:04:22,138 --> 00:04:26,684 Ang malaria ay isang parasite na nakukuha mo sa kagat ng lamok. 54 00:04:27,768 --> 00:04:30,479 Kumakalat 'yong parasite, ini-infect ang atay. 55 00:04:30,563 --> 00:04:33,482 Pagkatapos manatili sa atay nang ilang panahon, 56 00:04:33,566 --> 00:04:38,529 maglalabas ang isang infected liver cell ng 400,000 dagdag na parasites 57 00:04:38,612 --> 00:04:41,032 na aatake naman sa red blood cells. 58 00:04:41,532 --> 00:04:45,369 Aatakehin ng parasite ang isang red blood cell, ida-digest, 59 00:04:45,453 --> 00:04:49,081 tapos papuputukin para umatake ulit sa iba. 60 00:04:49,999 --> 00:04:52,001 Hanggang kumalat na sa dugo mo. 61 00:04:53,044 --> 00:04:57,256 Pag pumutok na lahat ng red blood cell na infected, mararamdaman mo na. 62 00:04:57,340 --> 00:05:01,427 Manginginig ka na, tataas ang lagnat mo, pagpapawisan ka. 63 00:05:01,510 --> 00:05:03,262 Mapapagod ka nang husto. 64 00:05:03,346 --> 00:05:05,556 Sa iba, malubha 'yong tama sa katawan 65 00:05:05,639 --> 00:05:09,643 na maduduwal sila, magsusuka. Pero mild pa 'yong gano'n. 66 00:05:10,353 --> 00:05:14,440 Kapag lumala, pwedeng mahirapang huminga, 67 00:05:14,523 --> 00:05:18,069 magdulot ng pangmatagalang anemia, mamaga ang utak, 68 00:05:18,569 --> 00:05:21,405 at maraming beses nang humantong sa kamatayan. 69 00:05:21,906 --> 00:05:26,577 'Yong maliliit na bata, 'yong mahihina, 'yong mga buntis 70 00:05:26,660 --> 00:05:28,871 ang pinakatinatamaan ng malaria. 71 00:05:33,501 --> 00:05:36,670 Originally, isang anyo ng aquatic algae ang malaria 72 00:05:36,754 --> 00:05:38,839 600 hanggang 800 million years ago. 73 00:05:38,923 --> 00:05:42,218 Sa katunayan, may mga bakas pa ito ng photosynthesis. 74 00:05:42,301 --> 00:05:45,388 Tingin namin, nanggaling sa ibon ang modern malaria 75 00:05:45,471 --> 00:05:47,556 halos 130 million years ago. 76 00:05:50,351 --> 00:05:52,311 Symbiotic relationship 'yan. 77 00:05:52,395 --> 00:05:55,981 Ginagamit tayo ng mga mikrobyo para magparami, 78 00:05:56,649 --> 00:05:59,193 at dalawang host ang kailangan ng malaria. 79 00:05:59,276 --> 00:06:02,154 Kailangan niya ng lamok at pangalawang host, 80 00:06:02,238 --> 00:06:05,324 mapa-tao man, reptiles, amphibians, o apes. 81 00:06:06,158 --> 00:06:07,868 Lahat tayo, nagkaka-malaria. 82 00:06:09,662 --> 00:06:11,080 Walang pakialam ang mga tao. 83 00:06:11,163 --> 00:06:15,000 Karamihan ng mga Amerikano, hindi nila pinapansin ang isang bagay 84 00:06:15,084 --> 00:06:17,169 kapag hindi sila apektado. 85 00:06:18,712 --> 00:06:21,924 Naapektuhan ng malaria 'yong lolo't lola ko. 86 00:06:22,550 --> 00:06:26,345 Malaking bagay 'yon pagpasok ng 20th century. 87 00:06:26,429 --> 00:06:29,014 Nasa Atlanta ang Centers for Disease Control 88 00:06:29,098 --> 00:06:32,143 dahil do'n lumala 'yong malaria. 89 00:06:32,726 --> 00:06:34,895 Nagkalat ang mga lamok na may dalang malaria, 90 00:06:34,979 --> 00:06:37,815 nag-aabang ng masisipsip nilang dugo ng tao. 91 00:06:37,898 --> 00:06:41,026 Malaking problema noon ang malaria sa bansang ito, 92 00:06:41,110 --> 00:06:44,572 tapos mula sa pagiging malaki, biglang nawala. 93 00:06:45,072 --> 00:06:48,284 Wala nang namamatay sa malaria kasi nagagamot na natin. 94 00:06:51,036 --> 00:06:55,207 Kung babalikan 'yong pagsisikap na wakasan ang malaria sa buong mundo 95 00:06:55,291 --> 00:06:57,710 na inilunsad noong mid-20th century, 96 00:06:57,793 --> 00:07:02,214 'yong tools na ginamit noon tulad ng pag-iiba ng kapaligiran, 97 00:07:02,298 --> 00:07:04,884 pagtitiyak na walang breeding site ng lamok, 98 00:07:04,967 --> 00:07:07,678 malawakang pagsi-spray ng insecticide, 99 00:07:07,761 --> 00:07:10,097 gumana 'yon noon. 100 00:07:10,181 --> 00:07:14,727 Pwedeng hindi 'yon ang tamang tools na dapat gamitin ngayon 101 00:07:14,810 --> 00:07:17,688 sa mga lugar kung saan may malaria pa rin. 102 00:07:21,775 --> 00:07:23,819 Masaya 'yong ski jumping, 'no? 103 00:07:23,903 --> 00:07:27,740 Noong 1990s, pinag-isipan namin ni Melinda, 104 00:07:27,823 --> 00:07:30,326 "Saan dapat dalhin ang pera?" 105 00:07:30,409 --> 00:07:34,788 Tiningnan namin kung ano'ng ikinamamatay ng mga bata. 106 00:07:35,372 --> 00:07:39,376 Nagulat kami na pneumonia, diarrhea, at malaria pala. 107 00:07:39,460 --> 00:07:43,047 Nagulat ako no'ng nakita ko kung gaano kaliit ang pondo 108 00:07:43,130 --> 00:07:45,132 para sa malaria. 109 00:07:46,926 --> 00:07:52,097 Literal na sangkaterbang DDT ang ginagamit sa sakit na ito, na tumatama sa mga bata. 110 00:07:52,181 --> 00:07:56,393 Muli na namang nag-ambag ang digmaan, gaano man kalupit at kasama, 111 00:07:56,477 --> 00:07:57,311 sa buhay ng tao. 112 00:07:57,394 --> 00:08:00,105 Malaki ang pondo ng armies noon sa malaria work 113 00:08:00,189 --> 00:08:02,942 dahil namamatay ang mga sundalo sa malaria. 114 00:08:03,025 --> 00:08:07,196 Tapos sumapat na 'yong epekto ng gamot na pamprotekta ng mga sundalo 115 00:08:07,279 --> 00:08:09,865 kaya hindi na nila ginawang priority 'yon. 116 00:08:11,825 --> 00:08:17,915 Mas marami pang pondong binibigay para sa pagkapanot kaysa sa malaria. 117 00:08:18,791 --> 00:08:20,918 Pero masama naman talagang mapanot. 118 00:08:22,711 --> 00:08:27,007 No'ng 2000, itinayo ang Gates Foundation, 119 00:08:28,008 --> 00:08:32,721 tapos pwedeng maging top priority namin ang pagliligtas ng mga bata 120 00:08:32,805 --> 00:08:35,391 para magsulong ng malaking pagbabago do'n. 121 00:08:39,019 --> 00:08:40,563 Lumalala ang malaria. 122 00:08:41,188 --> 00:08:43,607 Malaki ang maitutulong ng kulambo. 123 00:08:44,108 --> 00:08:46,610 Kalaunan, magkakaro'n ng bakuna. 124 00:08:46,694 --> 00:08:49,738 Ang gusto ng mga Amerikano, 'yong nakakasulit sila, 125 00:08:49,822 --> 00:08:52,324 at wala nang mas susulit pa dito. 126 00:08:52,408 --> 00:08:57,913 Nakilala ko si Bill Gates habang kumakain ng cheeseburger 127 00:08:59,832 --> 00:09:01,417 para pag-usapan ang global health. 128 00:09:01,500 --> 00:09:04,169 Sa tingin ko, ikinagagalit niya 129 00:09:04,253 --> 00:09:09,133 'yong walang habas na pagsasayang ng kahit na ano, 130 00:09:09,800 --> 00:09:11,969 lalo na ng buhay ng tao. 131 00:09:12,970 --> 00:09:16,307 Nagagalit siya do'n, pero makikipagtalo siya sa kahit ano. 132 00:09:17,141 --> 00:09:19,727 Matindi no'ng mga unang panahon. 133 00:09:20,394 --> 00:09:22,313 Tinawag namin siyang Kill Bill. 134 00:09:22,896 --> 00:09:26,984 Naaalala ko, nasa meeting 'yong finance ministers, tapos sabi niya, 135 00:09:27,067 --> 00:09:32,156 "Sinungaling ka. Hindi totoo 'yan. Alam mong di totoo 'yan." 136 00:09:32,239 --> 00:09:33,324 Tapos sabi ko… 137 00:09:34,366 --> 00:09:37,828 Oo, medyo punk rock si Bill Gates. Hindi mo akalain, 'no? 138 00:09:37,911 --> 00:09:41,123 Kailangan ng bagong bakuna para mabuhay ang mga bata. 139 00:09:41,874 --> 00:09:46,045 Hanggang saan ba tayo nagtutulungan bilang sangkatauhan? 140 00:09:47,296 --> 00:09:51,091 Nakapaglaan kami ng $30 million grant para sa malaria. 141 00:09:51,175 --> 00:09:55,012 Nagulat ako, kami pala ang pinakamalaking funder sa field. 142 00:09:57,056 --> 00:10:01,018 Walang boses sa marketplace ang mga taong namamatay sa malaria. 143 00:10:01,101 --> 00:10:03,520 Walang opportunity para kumita. 144 00:10:03,604 --> 00:10:09,318 Mas malaki nang 40 beses ang market ng dog food kaysa sa malaria. 145 00:10:10,152 --> 00:10:13,656 Mula 1990, naibaba natin sa kalahati ang matinding kahirapan 146 00:10:13,739 --> 00:10:15,491 at dami ng batang namamatay. 147 00:10:15,574 --> 00:10:18,577 Pag sinabi ni Bill Gates na posible ang isang bagay, 148 00:10:18,661 --> 00:10:19,912 maniniwala ka talaga. 149 00:10:19,995 --> 00:10:21,830 Sa tingin mo, kaya natin 'yon? 150 00:10:21,914 --> 00:10:23,082 Oo naman. 151 00:10:27,378 --> 00:10:29,254 Ano'ng kuwento ni Diabaté? 152 00:10:29,338 --> 00:10:32,883 Nangunguna si Diabaté sa Target Malaria work sa Burkina Faso. 153 00:10:32,966 --> 00:10:35,678 Entomology ang background niya. 154 00:10:35,761 --> 00:10:36,595 Sa mga lamok? 155 00:10:36,679 --> 00:10:38,263 Oo. Siya ang world expert 156 00:10:38,347 --> 00:10:41,517 sa pag-a-identify ng mga pwedeng pagpugaran ng lamok. 157 00:10:48,524 --> 00:10:51,568 -Hi. Good to see you. -Hello. Good to see you din. 158 00:10:52,736 --> 00:10:56,448 Una sa lahat, magaling magkuwento ang statistics. 159 00:10:57,032 --> 00:11:00,953 Sa 247 million na kaso sa buong mundo taon-taon, 160 00:11:01,912 --> 00:11:05,833 nasa Africa ang halos 235 million do'n. 161 00:11:05,916 --> 00:11:07,418 -Grabe. -Africa lang 'yon. 162 00:11:07,918 --> 00:11:09,211 Ang problema ngayon, 163 00:11:09,294 --> 00:11:12,047 pag tiningnan mo 'yong ginagamit na tools, 164 00:11:12,131 --> 00:11:15,843 'yong kulambo saka mga bagong gamot, 165 00:11:15,926 --> 00:11:18,095 malaki ang naitulong no'n. 166 00:11:18,178 --> 00:11:23,058 Pero mukhang naabot na nila 'yong protective limit nila. 167 00:11:23,642 --> 00:11:25,227 Sa madaling salita, 168 00:11:25,310 --> 00:11:29,940 para kang nakaupo sa kotseng tumatakbo nang napakabilis, 169 00:11:30,441 --> 00:11:33,569 tapos target mong makarating sa buwan. Paano 'yon? 170 00:11:33,652 --> 00:11:35,738 Kailangan mo ng ibang makina. 171 00:11:37,197 --> 00:11:39,700 Kailangang ng effort at maraming research 172 00:11:39,783 --> 00:11:42,786 para makagawa ng bagong tools. 173 00:11:44,538 --> 00:11:48,041 Para matalo ang malaria, dapat gumamit ng iba't ibang tool. 174 00:11:48,125 --> 00:11:50,711 Kailangang galingan ang pag-target sa lamok 175 00:11:50,794 --> 00:11:52,838 at pigilang makapagpasa ang lamok sa tao. 176 00:11:52,921 --> 00:11:55,591 Kailangang galingan ang pagprotekta sa tao, 177 00:11:55,674 --> 00:11:58,844 at pagpatay sa parasites na napupunta sa tao. 178 00:11:58,927 --> 00:12:00,012 Inaalam din namin, 179 00:12:00,095 --> 00:12:02,848 "Paano mapoprotektahan ang mga tao pag nakagat sila 180 00:12:02,931 --> 00:12:06,101 para masiguradong di makakapagparami 'yong parasite?" 181 00:12:06,935 --> 00:12:10,105 Hanggang ngayon, inaaral pa din natin 'yan 182 00:12:10,189 --> 00:12:13,734 kasi komplikado ang life cycle ng malaria parasite. 183 00:12:13,817 --> 00:12:17,821 Iba ang itsura ng parasite sa bawat stage ng life cycle niya. 184 00:12:19,114 --> 00:12:22,326 Maraming komplikadong makinarya ang malaria parasite 185 00:12:22,409 --> 00:12:25,412 na ginagamit niya para lituhin ang immune system, 186 00:12:25,496 --> 00:12:28,791 para maiwasan ang panlaban ng immune system sa kanya. 187 00:12:29,291 --> 00:12:30,959 Nag-e-evolve 'yong parasite. 188 00:12:31,710 --> 00:12:34,505 Nag-e-evolve na siya para maging resistant 189 00:12:34,588 --> 00:12:37,257 sa gamot na pangsalba natin sa maraming buhay. 190 00:12:37,883 --> 00:12:42,054 Kaya para makagawa ng bakuna, kailangang mautakan 'yong parasite. 191 00:12:43,514 --> 00:12:48,060 Siyempre, ang goal ay makagawa ng mabisang bakuna 192 00:12:48,143 --> 00:12:50,312 na mura, maaasahan, 193 00:12:50,395 --> 00:12:53,065 at maipapamahagi sa buong mundo. 194 00:13:08,997 --> 00:13:09,832 Kumusta? 195 00:13:09,915 --> 00:13:10,749 Oo. 196 00:13:11,250 --> 00:13:16,630 Dito ginawa 'yong seminal studies para sa RTS,S malaria vaccine. 197 00:13:17,673 --> 00:13:21,677 'Yong unang vaccine trial namin, dito ginawa sa mga kuwartong 'to. 198 00:13:22,761 --> 00:13:25,722 Kaya marami akong alaala sa dalawang kuwartong 'to. 199 00:13:26,557 --> 00:13:30,602 Halos pitong taon kong pinaghirapan 'yong malaria vaccine. 200 00:13:31,395 --> 00:13:34,439 Sobrang excited kami no'ng inumpisahan 'tong trial. 201 00:13:34,523 --> 00:13:36,024 Akala ko talaga gagana. 202 00:13:36,108 --> 00:13:39,152 No'ng nakuha namin 'yong results, nakakadismaya. 203 00:13:40,445 --> 00:13:43,323 May namamatay sa malaria kada dalawang minuto. 204 00:13:43,407 --> 00:13:45,951 Sa tingin ko, lalabas na gano'n. 205 00:13:46,034 --> 00:13:49,663 Nasa ten, fifteen thousand ang namamatay kada linggo. 206 00:13:49,746 --> 00:13:51,957 Kada linggo, kada taon. 207 00:13:53,584 --> 00:13:56,003 Kailangang gamitin mo 'yong data, 208 00:13:56,086 --> 00:13:58,755 aralin mo 'yon para gumawa ng bagong solusyon. 209 00:13:58,839 --> 00:14:02,968 'Yon ang nagtulak sa akin na mag-isip ng bagong intervention. 210 00:14:04,845 --> 00:14:08,098 Nakapag-isolate kami ng monoclonal antibody 211 00:14:08,181 --> 00:14:12,019 na sobrang mabisa laban sa malaria. 212 00:14:12,811 --> 00:14:17,441 Ang tanong, "Safe at effective ba 'to?" 213 00:14:22,529 --> 00:14:25,908 Dahil iilang daang malaria parasites lang 214 00:14:25,991 --> 00:14:28,994 ang nai-inject tuwing kakagatin ka ng lamok, 215 00:14:29,077 --> 00:14:32,998 kung mapipigilan mo 'yong parasite sa isang turok ng antibody, 216 00:14:33,081 --> 00:14:37,669 mapipigilan mo ang pagkakaroon ng malaria sa human host. 217 00:14:39,379 --> 00:14:42,758 Pinipigilan nito 'yong parasites na makarating sa atay. 218 00:14:42,841 --> 00:14:45,302 Ang tawag do'n, pag-control sa host. 219 00:14:45,385 --> 00:14:48,388 Binibigyan mo sila ng immune response na kailangan. 220 00:14:49,389 --> 00:14:52,851 Pwede bang magbigay ng isang dose? 221 00:14:53,393 --> 00:14:58,899 Magbibigay ba 'yon ng proteksiyon para sa isang buong taon, 222 00:14:59,691 --> 00:15:02,569 o kailangan ba ng pangalawang dose in six months? 223 00:15:02,653 --> 00:15:06,490 Sa gano'n nakadisenyo 'yong pag-aaral, at nangangalahati na tayo. 224 00:15:06,573 --> 00:15:10,786 Nagbigay na kami ng isang dose, tapos aaralin 'yong data for six months. 225 00:15:13,413 --> 00:15:14,247 Tapos na. 226 00:15:15,290 --> 00:15:21,296 Nakapag-recruit na kami ng 324 na bata para dito sa pangalawang part ng trial. 227 00:15:29,596 --> 00:15:35,894 One ml ang syringe natin. I-check mo kung one ml nga. 228 00:15:36,937 --> 00:15:40,732 May check-up po 'yong bata. Wala namang sakit. 229 00:15:40,816 --> 00:15:42,484 Okay. Aling appointment 'to? 230 00:15:42,567 --> 00:15:43,777 -112 po. -112. 231 00:15:43,860 --> 00:15:44,820 -Opo. -Okay. 232 00:15:46,321 --> 00:15:49,157 Karamihan ng lumalahok sa trial, mga nanay. 233 00:16:02,629 --> 00:16:04,506 Ako si Bernadina Odhiambo, 234 00:16:05,882 --> 00:16:07,175 26-anyos. 235 00:16:12,014 --> 00:16:13,640 Dalawa ang anak ko. 236 00:16:15,600 --> 00:16:18,186 Si Ian saka si Margaret. 237 00:16:21,231 --> 00:16:25,193 Mataas ang risk ng malaria dito sa Siaya. 238 00:16:27,904 --> 00:16:32,951 Alam naming may magagawa kami para maiwasan 'yon. 239 00:16:34,036 --> 00:16:37,247 Naglilinis ako nang mabuti. 240 00:16:38,415 --> 00:16:41,293 Walang nakapondong tubig sa paligid. 241 00:16:44,254 --> 00:16:47,799 Gumagamit kami ng kulambo na ginamot. 242 00:16:47,883 --> 00:16:50,552 Pwede kaming gumamit ng mosquito repellent. 243 00:16:52,971 --> 00:16:57,851 Nabalitaan naming may malaria studies na ginagawa sa Siaya County. 244 00:16:57,934 --> 00:17:02,230 Naging interesado ako kasi nabiktima na ako ng malaria. 245 00:17:04,858 --> 00:17:09,696 Nagka-malaria 'yong panganay ko noong dalawang buwan pa lang siya. 246 00:17:12,115 --> 00:17:16,870 Kaya no'ng may studies, nagdesisyon na akong sumali. 247 00:17:20,832 --> 00:17:24,211 No'ng nag-umpisa 'yong study, pinatawag nila kami. 248 00:17:24,711 --> 00:17:26,797 Pumunta kami sa Kogelo. 249 00:17:28,340 --> 00:17:31,134 Kumuha sila ng dugo para i-test. 250 00:17:31,218 --> 00:17:34,721 Pagkatapos no'n, tinurukan na sila para sa malaria. 251 00:17:40,685 --> 00:17:44,815 Nasa western Kenya tayo, pero puro mais ang makikita mo. 252 00:17:44,898 --> 00:17:47,859 Para din tayong nasa western Nebraska. 253 00:17:47,943 --> 00:17:51,530 Ito ang pangalawang site namin, ang Kogelo dispensary. 254 00:17:52,114 --> 00:17:54,533 Nasa probinsya 'tong Kogelo. 255 00:17:54,616 --> 00:17:59,079 Dito ipinanganak ang tatay ni President Obama. 256 00:18:00,163 --> 00:18:04,417 Sa tingin ko, kung magpapakilala ka ng bagong intervention, 257 00:18:04,501 --> 00:18:07,963 gusto nilang maintindihan 'yong data no'n. 258 00:18:10,382 --> 00:18:12,926 Kaya nakakasabik kasi kasama natin si Bob 259 00:18:13,009 --> 00:18:17,681 para i-update tayo tungkol sa malaria monoclonal antibodies. 260 00:18:22,853 --> 00:18:25,480 Welcome, at salamat sa pagpunta. 261 00:18:26,064 --> 00:18:28,108 Kapag binakunahan tayo, 262 00:18:28,191 --> 00:18:31,695 magkakaro'n tayo ng antibody response. 263 00:18:32,612 --> 00:18:35,866 Lilikha ka ng malakas na antibodies na tagaprotekta. 264 00:18:35,949 --> 00:18:38,660 Lilikha ka ng antibodies na wala pang gagawin. 265 00:18:38,743 --> 00:18:41,413 Okay, tapos may team ka na ng antibodies. 266 00:18:42,372 --> 00:18:46,168 Sino'ng nakakakilala kay Michael Jordan? 'Yong basketball player. 267 00:18:48,670 --> 00:18:49,754 Wala? 268 00:18:50,338 --> 00:18:51,381 E kay Mbappé? 269 00:18:51,464 --> 00:18:53,216 Tatapusin niya na ba? Mbappé! 270 00:18:53,300 --> 00:18:55,677 Napakahusay ng pagtatapos! 271 00:18:55,760 --> 00:18:59,055 Isipin n'yo kung puro Mbappé ang player ng team n'yo. 272 00:18:59,556 --> 00:19:02,350 Mas malaki ang tsansa ng team na 'yon na manalo. 273 00:19:02,434 --> 00:19:04,686 Gano'n ang monoclonal antibody. 274 00:19:04,769 --> 00:19:07,647 Ilang dose ang dapat ibigay? 275 00:19:08,148 --> 00:19:11,234 Sa ngayon, pwedeng pang-anim na buwan ang isang dose. 276 00:19:11,318 --> 00:19:14,571 Gusto nating patagalin 'yong isang dose nang isang taon. 277 00:19:14,654 --> 00:19:17,115 -Salamat. -Salamat sa pagtatanong. 278 00:19:17,824 --> 00:19:20,327 Pinakamadalas na tanong ay 'yong presyo. 279 00:19:20,410 --> 00:19:23,371 Para sa akin, 'yon ang pinakamalaking hadlang. 280 00:19:23,455 --> 00:19:27,000 Sa tingin ko, hindi scientific 'yong hadlang. 281 00:19:28,210 --> 00:19:32,297 Tapos kinukumbinsi namin 'yong mga tao na pwede 'tong gawing mas mura. 282 00:19:34,591 --> 00:19:38,511 Kapag naibaba nila ang presyo, napahusay 'yong bisa, 283 00:19:38,595 --> 00:19:43,099 wala nang batang magkaka-malaria sa mga lugar na mapagdadalhan ng antibody. 284 00:19:44,559 --> 00:19:47,854 Gamot ang pangunahin nating panlaban sa malaria. 285 00:19:47,938 --> 00:19:50,857 Iinumin mo 'yong gamot pag nilalagnat ka na. 286 00:19:52,025 --> 00:19:56,238 Matatayog na puno ang Cinchona trees na tumutubo sa South America, 287 00:19:56,321 --> 00:19:58,073 tapos may nakadeskubri 288 00:19:58,156 --> 00:20:02,202 na pag pinakuluan mo 'yong bark, na quinine, tapos ininom mo, 289 00:20:02,285 --> 00:20:05,413 mabilis kang gagaling sa malaria. 290 00:20:05,497 --> 00:20:07,874 MALARIA NAGAMOT NG QUININE SUNDIN ANG GAMUTAN 291 00:20:07,958 --> 00:20:09,584 Nakakatuwa ang quinine, 292 00:20:09,668 --> 00:20:12,963 kasi isa 'yon sa mga ingredient ng tonic water. 293 00:20:14,089 --> 00:20:18,301 Ang tonic ay salitang ginagamit na tumutukoy sa gamot. Tonic. 294 00:20:18,385 --> 00:20:21,012 'Yong tonic water, quinine water, 295 00:20:21,096 --> 00:20:24,474 iniinom ng sailors 'yon noong 18th at 19th century 296 00:20:24,557 --> 00:20:27,143 bilang panlaban. 297 00:20:29,104 --> 00:20:30,397 Sobrang pait ng lasa, 298 00:20:30,480 --> 00:20:33,900 kaya hinaluan ng gin ng British colonists sa India, 299 00:20:33,984 --> 00:20:35,902 kaya nagkaro'n ng gin and tonic. 300 00:20:36,403 --> 00:20:40,073 Siyempre, di na panlaban sa malaria ang gin and tonic ngayon. 301 00:20:41,241 --> 00:20:43,159 Konektado din dito ang kape. 302 00:20:43,243 --> 00:20:46,913 Noong una, pinalabas na gamot sa malaria ang kape, 303 00:20:47,414 --> 00:20:50,083 do'n nagsimula ang alamat ng kape, 304 00:20:50,166 --> 00:20:53,420 tapos in-advertise 'yon hanggang noong late 1800s 305 00:20:53,503 --> 00:20:55,297 bilang gamot sa malaria. 306 00:20:56,840 --> 00:20:59,968 Naligo ang mga sinaunang Egyptian sa ihi ng tao. 307 00:21:00,051 --> 00:21:04,222 Nagsuot ang Romans ng anting-anting na may nakalagay na "abracadabra." 308 00:21:04,306 --> 00:21:07,267 Do'n galing 'yon, panlaban sa malaria. 309 00:21:09,894 --> 00:21:12,230 Napakahirap burahin ng malaria. 310 00:21:12,314 --> 00:21:14,858 Marami nang nagtangka, pero nabigo. 311 00:21:17,444 --> 00:21:20,280 Matagal nang pinag-uusapan ang mga nakakahawang sakit 312 00:21:20,363 --> 00:21:22,699 at kung kaya bang puksain ang mga 'yon. 313 00:21:22,782 --> 00:21:25,577 May napuksa na tayo, 'yong smallpox. 314 00:21:26,244 --> 00:21:30,040 Muntik na 'yong polio, pero wala pa tayo do'n. 315 00:21:30,623 --> 00:21:34,669 Pero sa malaria, ibang usapan 'to. 316 00:21:43,553 --> 00:21:45,472 -Hi. Kumusta? -Tony. Kumusta na? 317 00:21:45,555 --> 00:21:47,766 -Mabuti. -Salamat sa pag-iimbita. 318 00:21:47,849 --> 00:21:49,142 Oo naman. Pasok ka. 319 00:21:50,352 --> 00:21:53,188 Sa tingin ko, napakaimportanteng proof of concept 320 00:21:53,271 --> 00:21:55,940 ng nangyayari ngayon sa antibody studies 321 00:21:56,024 --> 00:21:58,276 na ginagawa sa Kenya at iba pa, 322 00:21:58,360 --> 00:22:05,075 pero ang inaalala ko, baka hindi pa tapos, nawala na 'yong focus natin. 323 00:22:05,158 --> 00:22:09,996 Sa tingin ko, 'yong elimination sa iba't ibang rehiyon at bansa, 324 00:22:10,080 --> 00:22:13,833 posible 'yon sa malaria. 325 00:22:14,542 --> 00:22:20,465 Ang mahirap, 'yong puksain 'yon sa normal na pakahulugan 326 00:22:20,548 --> 00:22:25,220 dahil sa dami ng lamok, sa klima, 'yong kailangang kontrolin. 327 00:22:25,303 --> 00:22:28,390 Kaya umaasa talaga ako sa science. 328 00:22:28,473 --> 00:22:34,479 Kapag sobrang epektibo na ng tools natin, mangangahas na tayong magpalawak 329 00:22:34,562 --> 00:22:38,149 at gawing masinsinan 'yong intervention 330 00:22:38,233 --> 00:22:41,444 para mapuksa na natin 'yong parasite sa lugar na 'yon. 331 00:22:41,528 --> 00:22:43,363 Maraming hakbang at approach. 332 00:22:43,446 --> 00:22:46,866 Mosquito approach, treatment approach, prevention approach. 333 00:22:46,950 --> 00:22:51,246 Ano'ng kailangan ng kalusugan ng tao at ano ang scientific opportunity? 334 00:22:51,329 --> 00:22:55,291 Tapos pwede mong gamitin ang mga umiiral na scientific opportunity, 335 00:22:55,375 --> 00:22:59,129 o gumawa ka ng scientific opportunities. 336 00:23:01,631 --> 00:23:03,508 Para labanan ang problema sa lamok, 337 00:23:04,008 --> 00:23:07,762 pinag-aaralan ng scientists ang mga lamok na nagdadala ng sakit. 338 00:23:08,263 --> 00:23:11,266 Naghahanap sila ng paraan para makontrol at mapuksa ang mga iyon. 339 00:23:12,767 --> 00:23:16,146 Para mapuksa ang malaria, kailangang magbigay ng gamot, 340 00:23:16,229 --> 00:23:19,858 pero kailangan ding i-target ang lamok. 341 00:23:21,067 --> 00:23:24,237 Sa tingin ko, isa sa nagpapahirap sa 'tin 342 00:23:24,320 --> 00:23:27,740 ay pwedeng maiwasan at gamutin ang sakit na 'to. 343 00:23:27,824 --> 00:23:31,744 Nagsimula ang career ko habang tumitingin sa isang cage ng lamok 344 00:23:31,828 --> 00:23:36,207 tapos na-realize kong pag pinatay mo 'yong mga lamok, 345 00:23:36,291 --> 00:23:39,377 pwede mo nang pigilan ang lahat ng epekto nila. 346 00:23:42,755 --> 00:23:47,510 Sa kasaysayan, DDT ang pinakasikat na panlaban sa lamok. 347 00:23:48,386 --> 00:23:50,305 Meron 'yong masasamang epekto, 348 00:23:50,388 --> 00:23:54,434 tapos sabi ng environmental movement, dapat itigil daw 'yon. 349 00:23:54,517 --> 00:23:57,228 Ngayon merong idea na tinatawag na gene drive, 350 00:23:57,312 --> 00:24:03,818 kung saan gagamitin ang genetics ng lamok para hindi na sila dumami. 351 00:24:03,902 --> 00:24:06,237 'Yon ang pinaka-exciting ngayon. 352 00:24:12,452 --> 00:24:16,873 Nandito ako ngayon kasi noong bata ako, mahilig talaga ako sa living things. 353 00:24:16,956 --> 00:24:20,210 Dinala ako ng parents ko sa Galápagos, tapos nagbasa na ako ng Darwin. 354 00:24:23,296 --> 00:24:24,839 Amazed na amazed ako 355 00:24:24,923 --> 00:24:29,135 sa masinsing pagkakahabi ng tela ng buhay, 356 00:24:29,219 --> 00:24:31,763 tapos naisip ko, "Gusto kong gawin 'yon. 357 00:24:31,846 --> 00:24:34,516 Gusto kong matutong magbuo ng species." 358 00:24:36,893 --> 00:24:40,438 Kung may technology ka para burahin ang malaria forever, 359 00:24:40,522 --> 00:24:41,356 gagawin mo ba? 360 00:24:42,273 --> 00:24:44,692 May kinalaman siguro sa sagot ang CRISPR. 361 00:24:45,735 --> 00:24:48,905 Ang CRISPR genome editing technology, para siyang genomic scissors 362 00:24:48,988 --> 00:24:52,116 na ginagamit para gupitin ang isang sequence ng isang genome 363 00:24:52,200 --> 00:24:57,372 at magbigay ng DNA sequence na ilalagay sa parteng ginupit. 364 00:24:57,455 --> 00:25:00,166 Pwede 'yong gamitin para magbuo ng gene drive 365 00:25:00,250 --> 00:25:04,420 para makapagpakalat tayo ng alteration mula sa isang organismo 366 00:25:04,504 --> 00:25:07,048 tungo sa mga populasyon sa wild. 367 00:25:08,800 --> 00:25:12,262 'Yong full-power version na self-propagating gene drive, 368 00:25:12,345 --> 00:25:15,682 walang limitasyon sa mga hangganan ng species. 369 00:25:15,765 --> 00:25:18,768 Ibig sabihin, pag may gene flow sa isang populasyon, 370 00:25:18,851 --> 00:25:21,479 kakalat 'yon at maaapektuhan ang buong populasyon. 371 00:25:23,147 --> 00:25:26,943 Kung may CRISPR ka, 'yong kakayahang baguhin ang genes, 372 00:25:27,443 --> 00:25:31,531 tapos may gene drive ka na magpapasa ng heredity, 373 00:25:32,156 --> 00:25:37,287 pwede nating baguhin ang genes para piliin kung ano ang ipapasa. 374 00:25:37,996 --> 00:25:39,622 Pwedeng gawing lalaki lahat 375 00:25:39,706 --> 00:25:42,750 para hindi na sila makakapagparami. 376 00:25:42,834 --> 00:25:47,213 Pag ginawa mong lalaki lahat, katapusan na ng species na 'yon, 377 00:25:47,297 --> 00:25:50,425 at sa teorya, katapusan na rin ng sakit na 'yon. 378 00:25:51,843 --> 00:25:54,512 Nagtatanong ang mga tao, "Di ba 'yon kakalat? 379 00:25:54,596 --> 00:26:00,226 Hindi ba mahahawa ang pollinating insects na nagbibigay sa atin ng prutas?" 380 00:26:00,310 --> 00:26:04,022 May mga lehitimong tanong tungkol sa napaka-powerful na technique. 381 00:26:07,233 --> 00:26:09,694 Maraming pakinabang ang lamok sa lipunan. 382 00:26:09,777 --> 00:26:11,904 Parte sila ng natural ecosystems. 383 00:26:12,655 --> 00:26:14,532 Kinakain sila ng ibang hayop. 384 00:26:14,616 --> 00:26:16,951 Ng trout, salmon, mga top-water feeder. 385 00:26:17,035 --> 00:26:19,579 Kinakain sila ng mga ibon, paniki. 386 00:26:20,246 --> 00:26:25,376 Malamang na ma-extinct ang ilang orchids kapag na-extinct ang mga lamok. 387 00:26:25,460 --> 00:26:30,673 Kaya importante ang lamok sa anumang natural ecosystem. 388 00:26:31,883 --> 00:26:34,594 Pag inalis mo ang isang species sa isang ecosystem, 389 00:26:34,677 --> 00:26:36,846 pwedeng magkaroon ng trophic cascade 390 00:26:36,929 --> 00:26:39,474 ng mga di sinasadyang epekto sa ibang ecosystem. 391 00:26:39,557 --> 00:26:42,226 Halimbawa, no'ng na-exctinct ang woolly mammoth, 392 00:26:42,310 --> 00:26:45,813 na-extinct din 'yong mga garapatang sumisipsip ng dugo ng woolly mammoth. 393 00:26:48,691 --> 00:26:51,861 Sa Africa pa lang, meron nang mahigit 1,000 species ng lamok. 394 00:26:51,944 --> 00:26:54,572 Sa dami ng species, pag inalis mo 'yong ilan, 395 00:26:54,656 --> 00:26:57,367 'yong nagpapakalat ng malaria na kokonti naman, 396 00:26:57,450 --> 00:27:01,663 sobrang liit ng tsansang magkaproblema 'yong ecosystem. 397 00:27:01,746 --> 00:27:04,082 Hindi zero, pero sobrang liit. 398 00:27:12,715 --> 00:27:14,884 Mahabang proseso 'yong research. 399 00:27:15,468 --> 00:27:18,888 Gusto na naming makuha ngayon, pero kung gusto mong mag-research 400 00:27:18,971 --> 00:27:23,101 gaya ng partikular na technology na dine-develop namin, matagal 'yon. 401 00:27:25,978 --> 00:27:28,606 Kasama ako sa project na Target Malaria. 402 00:27:28,690 --> 00:27:33,486 Gumagamit kami ng advanced genetic tools para mawala ang malaria sa hinaharap. 403 00:27:34,696 --> 00:27:38,825 Maraming dahilan kung bakit wala pang gene drive mosquitos sa Africa. 404 00:27:38,908 --> 00:27:41,452 Napakarami pang elemento sa paligid, 405 00:27:41,536 --> 00:27:44,247 marami pang dapat isaayos 406 00:27:44,330 --> 00:27:49,210 para matiyak na siguradong-sigurado at safe ang ginagawa mo para sa community. 407 00:27:51,045 --> 00:27:53,172 Alam mo, rural ang malaria, 408 00:27:53,256 --> 00:27:55,508 nangyayari 'yon tuwing tag-ulan. 409 00:27:56,134 --> 00:27:58,803 Kung gagamit ka ng lamok para ikalat 'yong gene, 410 00:27:58,886 --> 00:28:01,556 kahit sa sobrang hirap na lugar, 411 00:28:02,056 --> 00:28:05,435 kung wala kang access, 'yong lamok ang gagawa para sa 'yo. 412 00:28:05,518 --> 00:28:08,855 Para sa amin, malaki ang pagbabagong dala ng tool na 'to 413 00:28:08,938 --> 00:28:11,983 pero madaling magpakawala ng mga lamok sa field. 414 00:28:12,066 --> 00:28:14,277 Baka 30 minutes ko lang gawin 'yon, 415 00:28:14,360 --> 00:28:16,446 pero seven years namin 'tong pinaghirapan. 416 00:28:16,529 --> 00:28:19,115 Pag inumpisahan mo agad ang gene drive, tapos kumalat na, 417 00:28:19,198 --> 00:28:23,286 tapos may iba't ibang aspetong di mo tiniyak, magiging mahirap 'yon. 418 00:28:23,369 --> 00:28:26,330 Kailangang makuha mo ang permiso ng community. 419 00:28:26,414 --> 00:28:30,918 Hindi 'yon bastang binibigay. Kailangang mabuo ang tiwala nila. 420 00:28:31,002 --> 00:28:34,589 Di ako pwedeng bastang pumunta sa village na may dalang lamok 421 00:28:35,089 --> 00:28:38,134 dahil lang scientist ako na naglilingkod sa publiko. 422 00:28:38,217 --> 00:28:41,137 Kailangang maintindihan nila ang ginagawa mo. 423 00:28:45,558 --> 00:28:46,684 Good morning. 424 00:28:46,768 --> 00:28:48,770 -Kumusta? -Ayos naman. Salamat. 425 00:28:48,853 --> 00:28:49,812 Good morning. 426 00:28:49,896 --> 00:28:51,230 -Kumusta? -Mabuti. 427 00:28:51,314 --> 00:28:52,356 Mabuti. Salamat. 428 00:28:52,440 --> 00:28:54,984 Natutuwa kaming makasama kayo ngayon. 429 00:28:55,067 --> 00:28:57,945 Gaya ng nakikita n'yo, ito ang aming insectary. 430 00:28:58,029 --> 00:28:59,363 Andito lahat ng lamok. 431 00:29:01,824 --> 00:29:05,244 Alam naming may mga alalahanin 'yong mga tao, 432 00:29:06,078 --> 00:29:10,082 kaya minsan, maganda talaga kung maisasama 'yong leaders ng community 433 00:29:10,166 --> 00:29:13,503 sa insectary para maipakita 'yong mga lamok, 434 00:29:13,586 --> 00:29:15,213 'yong transformation, 435 00:29:15,296 --> 00:29:18,758 tapos hayaan silang magtanong nang magtanong. 436 00:29:18,841 --> 00:29:23,095 Gaya ng nakikita n'yo, puti ang pintura ng buong building. 437 00:29:23,179 --> 00:29:27,600 Mas madaling makita pag may nakadikit sa dingding. 438 00:29:28,267 --> 00:29:35,274 Pag tumayo kayo dito, mararamdaman n'yo 'yong hangin ng fans. 439 00:29:35,358 --> 00:29:39,487 Sinadya ang lahat ng 'yan para di makalabas 'yong mga lamok. 440 00:29:39,570 --> 00:29:45,785 Lahat ng lamok sa hanay na 'to ay genetically modified. 441 00:29:45,868 --> 00:29:48,621 Ito 'yong paraffin na parang balat ng tao. 442 00:29:48,704 --> 00:29:51,582 Ito 'yong source ng init na ikakabit. 443 00:29:51,666 --> 00:29:56,045 Pampainit 'yan ng paraffin, na mararamdaman agad ng mga lamok. 444 00:29:56,546 --> 00:29:59,966 Pag naramdaman nila 'yan, sisimulan na nilang sumipsip. 445 00:30:01,008 --> 00:30:03,469 Marami akong natutunan sa insectary. 446 00:30:03,553 --> 00:30:08,099 Namangha ako kung paano binabago 'yong lamok. 447 00:30:08,182 --> 00:30:09,475 Napakaliit ng lamok… 448 00:30:09,559 --> 00:30:11,185 PINUNO NG VILLAGE COMMITTEE 449 00:30:11,269 --> 00:30:15,064 …at para sabihing pwedeng baguhin 'yon, nakakabilib lang. 450 00:30:15,147 --> 00:30:18,150 'Yan ang tinatawag na DNA. 451 00:30:19,360 --> 00:30:22,613 Pag na-integrate na ang modification sa genome ng lamok, 452 00:30:22,697 --> 00:30:25,241 makikita mong pula ang mata niya. 453 00:30:25,783 --> 00:30:30,162 Ibig sabihin, 'yong lamok na di modified, hindi pula ang mata? 454 00:30:30,246 --> 00:30:32,456 Hindi. Hindi pula. 455 00:30:35,710 --> 00:30:39,297 Mahirap baguhin ang genetics ng isang species 456 00:30:39,380 --> 00:30:43,509 dahil hindi sigurado kung ano'ng magiging epekto sa huli. 457 00:30:44,260 --> 00:30:48,014 Pwedeng baguhin ang isang receptor ng isang cell 458 00:30:48,097 --> 00:30:50,558 para hindi na magka-HIV ang tao. 459 00:30:51,058 --> 00:30:54,812 Pero lalaki ang tsansa nilang magka-West Nile disease. 460 00:30:54,896 --> 00:30:58,399 Maraming magsasabi ngayon na "Ang daling pumili diyan," 461 00:30:58,482 --> 00:31:01,360 pero magiging madali pa rin ba in 10,000 years? 462 00:31:01,444 --> 00:31:04,947 Baka West Nile disease ang umubos sa sangkatauhan. 463 00:31:05,531 --> 00:31:08,701 Mahirap sabihin kung ano'ng mangyayari. 464 00:31:12,163 --> 00:31:14,081 May mga nagsasabing 465 00:31:14,165 --> 00:31:17,209 kahit mababawasan ang namamatay sa malaria, 466 00:31:17,835 --> 00:31:20,504 hindi pa rin dapat buksan ang Pandora's Box. 467 00:31:20,588 --> 00:31:23,174 Hindi ako sang-ayon do'n. 468 00:31:23,257 --> 00:31:26,719 Pag naaalis mo lang 'yong kahit ilang species sa Africa, 469 00:31:26,802 --> 00:31:30,806 mababawasan na ng 80% 'yong nagkakasakit. 470 00:31:30,890 --> 00:31:36,020 Wala 'to sa lisahan ng toolbox ni Dr. Evil, 471 00:31:37,605 --> 00:31:40,608 at sa kasamaang palad, may laman ang listahang 'yon. 472 00:31:40,691 --> 00:31:42,693 -Hindi 'to kasali do'n. -Hindi nga. 473 00:31:45,029 --> 00:31:47,073 Maraming lumalapit at nagtatanong 474 00:31:47,156 --> 00:31:50,534 kung ano'ng mangyayari pag nawala ang mga lamok. 475 00:31:51,410 --> 00:31:55,164 Ang tanong ko, may 600,000 nang namamatay taon-taon. 476 00:31:55,247 --> 00:31:57,083 May masama nang nangyayari. 477 00:31:57,917 --> 00:32:00,044 Kailangan nating aksiyunan 'yon. 478 00:32:03,881 --> 00:32:08,135 Mahirap pa ring pumasok mula sa ibang bansa 479 00:32:08,219 --> 00:32:11,305 tapos sabihing gusto naming gamitin ang mga tao dito, 480 00:32:11,389 --> 00:32:16,352 pwede kayong makinabang dito, pero hindi kami sigurado, 481 00:32:16,435 --> 00:32:20,356 saka namin pagpapasyahan ang gagawin sa technology pag tapos na. 482 00:32:20,856 --> 00:32:26,237 Ang buong kasaysayan ng kolonyalismo ay mga puti na pumupunta sa Africa 483 00:32:26,320 --> 00:32:30,366 para gamitin ang mga tao doon na parang mga mineral o kung ano. 484 00:32:32,827 --> 00:32:38,833 Gusto ng mga tao rito na magtagumpay ang project na 'to 485 00:32:38,916 --> 00:32:43,713 dahil nakakita na kami ng malulubhang kaso ng malaria… 486 00:32:43,796 --> 00:32:45,464 KINATAWAN NG DISTRITO 487 00:32:45,548 --> 00:32:51,846 …at desperado na 'yong mga tao na magkaroon ng sapat na solusyon. 488 00:32:53,848 --> 00:32:55,891 Kapaligiran mo, desisyon mo. 489 00:32:55,975 --> 00:32:59,562 Wala ako sa Africa, hindi at risk sa malaria ang mga anak ko, 490 00:32:59,645 --> 00:33:03,024 pero kung at risk sila at doon kami nakatira, 491 00:33:03,107 --> 00:33:04,734 sasabihin ko na, "Sige na." 492 00:33:04,817 --> 00:33:09,655 Ideretso n'yo na sa self-propagating, wag nang mag-ecological field trial. 493 00:33:09,739 --> 00:33:12,450 Kung at risk ang mga anak ko, sasabihin ko, "Go na." 494 00:33:12,533 --> 00:33:14,201 Wag nang magpaligoy-ligoy. 495 00:33:15,619 --> 00:33:17,496 Magandang example 'to 496 00:33:17,580 --> 00:33:20,666 kung bakit tayong mga nasa developed na bansa, 497 00:33:20,750 --> 00:33:24,962 dapat bigyan din natin ng pansin ang mga sakit sa ibang bansa. 498 00:33:25,046 --> 00:33:26,714 Dalawa ang dahilan. 499 00:33:26,797 --> 00:33:30,843 Una, may moral responsibility tayo bilang mayamang bansa 500 00:33:30,926 --> 00:33:35,723 na hindi hayaang bastang magdusa 'yong iba sa sakit na pwedeng maiwasan at magamot 501 00:33:35,806 --> 00:33:38,517 dahil lang doon sila ipinanganak, 502 00:33:38,601 --> 00:33:41,270 pero may sariling pakinabang din sa huli 503 00:33:41,353 --> 00:33:44,023 kapag nakakahawang sakit ang pinag-uusapan. 504 00:33:44,106 --> 00:33:46,901 Pwedeng kumalat 'yong mga sakit sa ibang region. 505 00:33:52,073 --> 00:33:53,908 Naglabas ng bagong babala ang CDC 506 00:33:53,991 --> 00:33:57,620 matapos makumpirma ang limang kaso ng malaria sa US. 507 00:33:57,703 --> 00:33:59,330 Balita mula sa Maryland… 508 00:33:59,413 --> 00:34:02,458 Unang malaria infection sa loob ng mahigit 40 years. 509 00:34:03,751 --> 00:34:06,003 Walang patawad ang malaria. 510 00:34:06,087 --> 00:34:08,130 Dahil sa climate change, 511 00:34:08,214 --> 00:34:10,633 malamang na dumami ang ganitong problema. 512 00:34:10,716 --> 00:34:14,136 Ayaw nating mangyari sa mundo na tuwing magkakaproblema, 513 00:34:14,220 --> 00:34:17,473 libo-libo ang mamamatay sa malaria, kahit pwede namang hindi. 514 00:34:19,642 --> 00:34:22,645 Susceptible ang environment ng US, 515 00:34:22,728 --> 00:34:26,107 lalo 'yong mga parte ng South kung saan mainit ang klima 516 00:34:26,190 --> 00:34:28,651 at may Anopheles mosquito. 517 00:34:28,734 --> 00:34:32,446 Nakakabahala 'yong potential na magkaroon ng local transmission. 518 00:34:32,530 --> 00:34:36,826 MARYLAND, INIULAT ANG UNANG KASO NG LOCALLY ACQUIRED MALARIA IN 40 YEARS 519 00:34:46,460 --> 00:34:48,587 -Magandang gabi. -Magandang gabi. 520 00:34:48,671 --> 00:34:50,297 -Kumusta kayo? -Mabuti po. 521 00:34:50,381 --> 00:34:52,007 -Ayos ba kayong lahat? -Opo. 522 00:34:52,091 --> 00:34:54,593 Alam n'yo ba ang nangyari kaninang umaga? 523 00:34:54,677 --> 00:34:55,678 Ano? 524 00:34:55,761 --> 00:35:00,724 Bumisita ako sa laboratory para makita kung kumusta 'yong malaria work. 525 00:35:01,392 --> 00:35:07,898 Paano mo malalaman kung modified 'yong lamok? 526 00:35:07,982 --> 00:35:11,527 Pag tiningnan mo, pula 'yong mata ng modified na lamok. 527 00:35:24,498 --> 00:35:25,916 Mama, Ian, kumusta kayo? 528 00:35:26,000 --> 00:35:27,209 Ayos lang naman. 529 00:35:28,169 --> 00:35:30,254 Ian, mag-hi ka sa doktor! 530 00:35:32,673 --> 00:35:33,674 Okay. 531 00:35:35,176 --> 00:35:37,720 Nitong nakaraang isang buwan, 532 00:35:37,803 --> 00:35:41,557 mula no'ng nagpunta kayo sa clinic, ayos naman ba 'yong bata? 533 00:35:41,640 --> 00:35:43,309 -Ayos naman siya. -Okay. 534 00:35:43,392 --> 00:35:47,646 May gusto ka bang i-report tungkol sa bata? 535 00:35:47,730 --> 00:35:49,356 Pang-anim na buwan na 'to. 536 00:35:50,816 --> 00:35:54,028 Home visit, clinic, home visit, clinic. 537 00:35:56,697 --> 00:36:00,701 Ang laking pribilehiyo para makasama ako sa study na 'to 538 00:36:01,827 --> 00:36:04,163 kasi naging maayos naman 'yong bata. 539 00:36:04,246 --> 00:36:07,625 Hindi siya na-test para sa malaria nang anim na buwan. 540 00:36:08,751 --> 00:36:10,377 Dati, takot ako 541 00:36:10,461 --> 00:36:13,672 dahil isa ako sa mga nabiktima ng malaria. 542 00:36:14,632 --> 00:36:18,010 Kahit hindi pa napapatunayang gagana, 543 00:36:18,093 --> 00:36:21,180 umaasa kaming gagana 'to sa mga darating na taon. 544 00:36:21,263 --> 00:36:24,600 Ipinagdadasal ko talaga 545 00:36:24,683 --> 00:36:26,018 na gagana 546 00:36:27,394 --> 00:36:28,729 ang antibody na 'to. 547 00:36:30,022 --> 00:36:31,607 Para hindi na 'ko matakot. 548 00:36:35,444 --> 00:36:41,075 'Yong mga binagong lamok ba, hindi makakalabas 549 00:36:41,158 --> 00:36:43,744 sa laboratory nila? 550 00:36:43,827 --> 00:36:46,830 Hindi n'yo kailangang matakot sa modified na lamok. 551 00:36:47,414 --> 00:36:52,795 Ang layunin ng ginagawa nila, mabura ang mga babaeng lamok 552 00:36:52,878 --> 00:36:55,422 para labanan ang malaria. 553 00:36:55,506 --> 00:36:59,510 Nakakatakot, kasi marami kaming naririnig na ginawa raw ng mga puti 554 00:36:59,593 --> 00:37:01,262 na dumagdag pa sa mga sakit. 555 00:37:01,929 --> 00:37:04,890 Kung pupunta kayo sa lab, 556 00:37:04,974 --> 00:37:08,727 ang totoo, mamamangha kayo. 557 00:37:08,811 --> 00:37:12,898 Ang sisipag ng mga nagtatrabaho do'n. Ang galing ng ginagawa nila. 558 00:37:16,527 --> 00:37:19,905 Mahalagang tandaan na sakit ng kahirapan ang malaria, 559 00:37:19,989 --> 00:37:23,951 at kung may sakit ang mga bata, hindi sila makakapasok sa school, 560 00:37:24,034 --> 00:37:26,829 hindi sila matututo, at di sila makakapagtrabaho 561 00:37:26,912 --> 00:37:29,999 para kumita ng maayos na ikabubuhay nila. 562 00:37:30,082 --> 00:37:33,043 Aalagaan sila ng magulang. Walang maghahanap-buhay. 563 00:37:33,127 --> 00:37:35,671 Gagastusan nila ang pagpapagamot sa malaria, 564 00:37:35,754 --> 00:37:40,050 lalaki ang gastos nila sa gamutan. Kailangang makaalis sa cycle na 'yon 565 00:37:40,134 --> 00:37:43,345 para makaalis sa cycle ng kahirapan. 566 00:37:45,806 --> 00:37:50,144 Hangga't ang malaria ay pumapatay ng mga tao dito sa Africa, 567 00:37:51,020 --> 00:37:53,188 at sinisira ang ekonomiya namin, 568 00:37:54,315 --> 00:37:56,317 mahihirapan kaming umunlad. 569 00:37:56,400 --> 00:38:00,029 Nandito ang pinagmulan ko. Dito ako pinanganak at lumaki. 570 00:38:00,112 --> 00:38:01,572 Nandito ang pamilya ko. 571 00:38:01,655 --> 00:38:03,991 Walang ibang tutulong ng bansa ko. 572 00:38:05,826 --> 00:38:07,202 Ako ang dapat gumawa no'n. 573 00:38:07,870 --> 00:38:09,496 Kami ang dapat gumawa no'n. 574 00:38:10,414 --> 00:38:11,248 Bye. 575 00:38:11,332 --> 00:38:12,750 -Bye. -Bye. 576 00:38:18,672 --> 00:38:25,220 Umaasa ako na mapupuksa ko ang malaria habang buhay pa ako. 577 00:38:25,304 --> 00:38:30,059 Gusto kong gawin 'yon habang buhay ako, na mas mahirap, kaya… 578 00:38:30,559 --> 00:38:33,354 Kaya mo 'yan. Maging healthy ka lang. 579 00:38:52,956 --> 00:38:55,376 Laging merong ano bago i-feed 'yong ano 580 00:38:55,459 --> 00:38:58,712 pag alam mo na kung ano'ng ilalagay sa prompt buffer, 581 00:38:58,796 --> 00:39:01,673 pero 'yong math expert… 582 00:39:01,757 --> 00:39:04,218 Tama ang ginagawa ni Bill Gates. 583 00:39:04,301 --> 00:39:05,886 …expert. 'Yong plug-ins… 584 00:39:05,969 --> 00:39:09,681 'Yong idea na may gano'n kang utak na sinisikap na gumawa 585 00:39:10,808 --> 00:39:12,726 ng lahat ng klaseng solusyon. 586 00:39:14,436 --> 00:39:15,979 Maganda 'yon. 587 00:39:16,063 --> 00:39:19,983 Pag gumawa ng system's architecture… 588 00:39:20,067 --> 00:39:25,906 Kung wala siya, iimbentuhin natin siya, kaso walang maniniwala na may gano'n. 589 00:39:26,865 --> 00:39:30,327 Sa tingin ko, gusto niya lang maging kapaki-pakinabang. 590 00:39:31,286 --> 00:39:32,788 Nakakatuwa 'yon. 591 00:39:32,871 --> 00:39:34,832 Gusto niyang makakita ng resulta. 592 00:39:35,916 --> 00:39:39,962 Kahit 'yong pinakamayayamang tao, 593 00:39:40,754 --> 00:39:44,049 may mga problemang hindi nila kayang ayusin. 594 00:39:44,133 --> 00:39:47,845 Kailangan ng suporta ng gobyerno, at dito papasok ang advocacy. 595 00:39:47,928 --> 00:39:51,473 Dito papasok ang pagkukuwento at mga kuwentista. 596 00:39:51,557 --> 00:39:55,727 Kailangang gumana ang kaliwa't kanang parte ng utak natin. 597 00:40:08,615 --> 00:40:12,035 Maraming kinakaharap na hamon ang mundo ngayon, 598 00:40:12,911 --> 00:40:14,621 pero malalampasan natin 'to. 599 00:40:20,002 --> 00:40:25,799 Malaki na ang iniunlad ng mundo. Masaya akong maging maliit na parte no'n. 600 00:40:28,677 --> 00:40:32,097 Nandiyan ang hamon ng political polarization 601 00:40:32,181 --> 00:40:36,351 at limitadong resources at pag-iwas sa climate change, 602 00:40:37,311 --> 00:40:41,648 at kailangan nating isulong ang innovation para malampasan ang mga 'yon. 603 00:40:44,193 --> 00:40:45,235 Kaya natin 'to. 604 00:40:45,319 --> 00:40:49,573 Ang tanong, 15 years pa ba, o 20 years, o 30? 605 00:40:49,656 --> 00:40:54,036 Depende 'yon sa pagsisikap natin at kung gagawin ba nating priority. 606 00:41:32,074 --> 00:41:35,077 Nagsalin ng Subtitle: I Delgado