1 00:00:18,810 --> 00:00:20,478 Hi sa inyong lahat. 2 00:00:21,062 --> 00:00:22,063 Hi. 3 00:00:31,114 --> 00:00:34,951 Parating na si Jane. Parating na din si Lara. 4 00:00:35,035 --> 00:00:37,704 Ang dami ko nang nainom na kape. 5 00:00:37,787 --> 00:00:40,331 -Ayos ka lang? -Inaayos mo 'yong seat plan? 6 00:00:40,415 --> 00:00:42,042 -Oo. Eto. -Sige. Okay. 7 00:00:42,125 --> 00:00:44,627 -Pwede nang pumunta si Giancarlo. -Nag-message na siya. 8 00:00:44,711 --> 00:00:46,755 Okay. Saan mo siya iuupo? 9 00:00:46,838 --> 00:00:48,631 -Katabi ni Carine Roitfeld. -Okay. 10 00:00:48,715 --> 00:00:52,177 Si Joel, Christine, Juergen, Dovile, saka Helena, kaya… 11 00:00:52,260 --> 00:00:53,928 Pwede bang wag natin siyang ilagay… 12 00:00:54,012 --> 00:00:55,930 -Sa kabila na lang siya. -Okay. 13 00:00:56,014 --> 00:01:00,060 -Kasama ni Carmes Kass at ng iba pa. -Okay. 14 00:01:06,441 --> 00:01:09,402 Laging magulo 'yong show day. 15 00:01:11,112 --> 00:01:12,781 Inaalala ko 'yong skirt na 'yon. 16 00:01:12,864 --> 00:01:17,869 Sa totoo lang, hindi ako nakatulog sa kakaisip tungkol sa buong look. 17 00:01:18,369 --> 00:01:22,207 Isusuot siya ng model na si Felice, sobrang galing niya. 18 00:01:22,290 --> 00:01:24,459 Transparent 'yong skirt na 'yon. 19 00:01:24,959 --> 00:01:27,754 Dapat gagawa pa kami ng iba, pero wala na kaming time. 20 00:01:28,379 --> 00:01:30,590 -Hindi kayo natulog? -Oo. 21 00:01:35,053 --> 00:01:37,514 Natapos kami dito nang 3:00 a.m. 22 00:01:37,597 --> 00:01:40,391 Bumalik na ulit kami nang nine kaninang umaga. 23 00:01:42,018 --> 00:01:44,270 Sinisigurado ko lang na matatapos natin lahat. 24 00:01:44,354 --> 00:01:46,147 Magsabi ka ng totoo. Nakaka-stress! 25 00:01:46,231 --> 00:01:47,857 Sabi ko nga, nakaka-stress. 26 00:01:51,027 --> 00:01:53,488 Six o seven hours na lang, show na. 27 00:01:53,571 --> 00:01:56,199 Ayun, konti na lang. 28 00:01:56,282 --> 00:01:58,076 -Malapit na 'yon. -Eto na. 29 00:01:58,159 --> 00:02:01,204 Pag meron kang control freak… 30 00:02:01,287 --> 00:02:03,623 Control freak 'yong tawag ko sa sarili ko. 31 00:02:03,706 --> 00:02:07,210 Pag may tao na laging gustong in control siya, 32 00:02:07,293 --> 00:02:10,588 tapos nilagay mo siya sa sitwasyong wala siyang kontrol, 33 00:02:10,672 --> 00:02:13,967 magiging sobrang uncomfortable siya. 34 00:02:15,135 --> 00:02:19,597 Ang daming bagay sa buhay ko na hindi ko kontrolado. 35 00:02:20,098 --> 00:02:22,433 'Yong pambu-bully sa 'kin, 36 00:02:22,517 --> 00:02:25,478 tapos 'yong mga sinusulat, saka sinasabi tungkol sa 'kin. 37 00:02:25,562 --> 00:02:26,896 See you later. 38 00:02:28,189 --> 00:02:34,362 May mga bagay na di natin makokontrol, at kapag show day, kinakabahan ako. 39 00:02:45,123 --> 00:02:48,084 APAT NA ORAS BAGO ANG SHOW 40 00:02:56,885 --> 00:02:59,012 Lahat, nagiging okay na. 41 00:02:59,554 --> 00:03:01,347 Bawat sulok, sine-set up na. 42 00:03:01,431 --> 00:03:05,143 Binaliktad namin 'yong mga kandila para hindi mabasa ng ulan, just in case. 43 00:03:06,186 --> 00:03:08,855 -May gansa tayo dito. -Oh my God, ang ganda. 44 00:03:08,938 --> 00:03:11,065 Magiging maganda 'to. 45 00:03:11,149 --> 00:03:16,112 Square 'yong projection hanggang kisame. Mukhang okay naman lahat. 46 00:03:19,699 --> 00:03:23,077 Mas nagkaka-anxiety ako sa panahon ngayon kesa no'ng sa kasal ko. 47 00:03:23,161 --> 00:03:25,038 Oo nga. 48 00:03:25,121 --> 00:03:27,498 Di umulan no'ng kasal ko. Di pwedeng umulan ngayon. 49 00:03:27,582 --> 00:03:29,125 Oo, mas importante 'to. 50 00:03:29,209 --> 00:03:31,502 Wag tayong tumingin do'n. Wag sa kaliwa at kanan. 51 00:03:31,586 --> 00:03:34,214 Pinagbawalan ako ng team ko na i-check 'yong weather. 52 00:03:35,840 --> 00:03:37,342 Pagpasok mo sa venue na 'to, 53 00:03:37,425 --> 00:03:40,887 makikita mo kung ga'no kalaki 'yong ambisyon na meron ka. 54 00:03:40,970 --> 00:03:42,263 Mahabang paglalakbay 'to. 55 00:03:42,347 --> 00:03:46,226 Naaalala ko no'ng ginawa mo 'yong intimate presentations sa New York. 56 00:03:46,309 --> 00:03:47,977 Ano'ng iniisip mo? 57 00:03:48,061 --> 00:03:50,563 Seventeen years ko nang ginagawa 'to. 58 00:03:50,647 --> 00:03:54,108 Dumaan na sa maraming pagsubok 'yong business ko. 59 00:03:54,192 --> 00:03:56,861 Bilang independent na brand, 60 00:03:56,945 --> 00:03:59,614 ipinagmamalaki ko 'yong mga naaabot namin. 61 00:04:06,579 --> 00:04:09,582 Isipin mo na lang 'yong magagandang bagay pag malamig ang panahon. 62 00:04:09,666 --> 00:04:12,085 Magiging makinis at makintab 'yong balat nila, 'no? 63 00:04:12,585 --> 00:04:14,379 Saka sobrang tigas na nipples. 64 00:04:17,507 --> 00:04:20,677 Sana may dalang coat o jacket si Harper. 65 00:04:24,681 --> 00:04:27,100 Sobrang tindi ng pressure. 66 00:04:27,809 --> 00:04:31,104 Kailangang maging malaking tagumpay 'to. 67 00:04:33,189 --> 00:04:35,650 Importante 'tong business na 'to sa 'kin. 68 00:04:37,443 --> 00:04:39,070 Ito talaga ako, e. 69 00:04:42,573 --> 00:04:45,118 Pero ang hirap ng journey na 'to. 70 00:04:47,912 --> 00:04:49,956 Muntik nang mawala sa 'kin lahat. 71 00:04:51,165 --> 00:04:53,293 Masyadong madilim 'yong time na 'yon. 72 00:04:53,376 --> 00:04:56,212 Umiiyak ako lagi no'n bago pumasok sa trabaho, 73 00:04:56,296 --> 00:04:59,090 kasi para 'kong bombero. 74 00:04:59,674 --> 00:05:01,634 Pag-usapan natin ang mga Beckham. 75 00:05:01,718 --> 00:05:04,554 -Laging nasa headline, pero… -Ibang uri ng royalty. 76 00:05:04,637 --> 00:05:09,017 Ang kakaiba sa pagkakasulat nito, 77 00:05:09,100 --> 00:05:12,770 sinalba siya ni "hubby", pati 'yong negosyo niya. 78 00:05:12,854 --> 00:05:14,856 -Pwedeng pakipaliwanag ito? -Itong… 79 00:05:14,939 --> 00:05:19,235 Milyon-milyon 'yong gastos at utang namin. 80 00:05:19,944 --> 00:05:21,863 Oo, umuuwi ako sa asawa ko, 81 00:05:21,946 --> 00:05:24,741 pero umuuwi din ako sa business partner ko. 82 00:05:25,700 --> 00:05:29,370 Kaya pinag-uusapan namin 'yon. 83 00:05:29,454 --> 00:05:32,248 Kailangan. Nag-invest siya do'n, e. 84 00:05:33,916 --> 00:05:37,628 Ayoko no'n. Ayoko talaga no'n. 85 00:05:39,839 --> 00:05:45,094 Nakaupo lang kami do'n. Tiningnan namin 'yong pinuhunan ko. 86 00:05:47,180 --> 00:05:50,266 Nadurog ang puso ko sa parte ng usapang 'yon, 87 00:05:50,350 --> 00:05:53,144 kasi alam ni Victoria 'yong worth niya. 88 00:05:55,730 --> 00:05:58,566 No'ng nagkakilala kami, mas mayaman siya sa 'kin. 89 00:05:59,400 --> 00:06:01,986 Siya 'yong bumili ng unang bahay namin sa Hertfordshire 90 00:06:02,070 --> 00:06:03,988 na kilala bilang Beckingham Palace. 91 00:06:06,532 --> 00:06:09,035 Kaya para lumapit siya sa 'kin at magsabing 92 00:06:09,535 --> 00:06:12,622 "Kailangan namin ng pera. Kailangan ng pera ng business," 93 00:06:14,332 --> 00:06:17,043 mahirap 'yon para sa 'min. 94 00:06:18,252 --> 00:06:20,922 Kasi wala akong pera para ituloy pa 'to. 95 00:06:22,340 --> 00:06:27,011 Kalaunan, sinabi ko, "Hindi na pwedeng magtuloy 'to." 96 00:06:30,681 --> 00:06:34,727 Gumuguho na 'yong business ko. 97 00:06:35,395 --> 00:06:38,064 Dumudulas na 'yon sa mga kamay ko. 98 00:06:38,981 --> 00:06:42,777 Kailangan ko ng investment galing sa labas. 99 00:06:43,403 --> 00:06:45,738 Kailangan ko ng tutulong sa 'kin. 100 00:06:48,616 --> 00:06:52,620 Hindi naghahanap si Victoria ng partner na magbibigay lang ng pera. 101 00:06:54,038 --> 00:06:57,125 Kailangan niya ng partner na alam 'yong business, 102 00:06:57,208 --> 00:06:59,794 naiintindihan 'yong pangarap niya, 103 00:07:00,711 --> 00:07:03,256 at may kakayanang tuparin 'yon. 104 00:07:04,715 --> 00:07:07,301 Tiningnan ko 'yong business, kinausap ko 'yong mga tao, 105 00:07:07,385 --> 00:07:09,429 kumausap ako ng mga tao sa labas ng business, 106 00:07:09,512 --> 00:07:12,515 naisip ko na masyadong mahirap 'yong sitwasyon. 107 00:07:12,598 --> 00:07:13,724 Palpak talaga. 108 00:07:15,226 --> 00:07:17,145 Tiningnan namin 'yong press. 109 00:07:17,645 --> 00:07:18,896 Ang sama. 110 00:07:18,980 --> 00:07:22,066 Sinasabi nila, "Pinakamalalang business na 'to." 111 00:07:22,984 --> 00:07:25,945 Tapos titingnan mo 'yong accounts, saka 'yong pera. 112 00:07:26,028 --> 00:07:27,780 Lugi, lugi, lugi, lugi. 113 00:07:28,364 --> 00:07:29,699 Walang kinita. 114 00:07:30,700 --> 00:07:34,954 Sa totoo lang, wala pa 'kong nakikitang ganito kahirap ayusin. 115 00:07:36,038 --> 00:07:37,999 No'ng nakilala ko si David Belhassen, 116 00:07:38,082 --> 00:07:41,878 alam ko na agad na pangarap kong mag-invest siya 117 00:07:41,961 --> 00:07:43,588 sa business ko. 118 00:07:44,088 --> 00:07:48,968 Pero para kang may malaking barko na nakausad na, 119 00:07:49,051 --> 00:07:52,013 tapos kailangan mong iliko 'yong malaking barkong 'yon. 120 00:07:52,763 --> 00:07:56,976 At hindi ko alam kung handa siya sa challenge na 'yon. 121 00:07:57,685 --> 00:08:01,772 Nakaka-stress 'yon para sa 'kin, kasi desperada na talaga ako, 122 00:08:01,856 --> 00:08:03,900 hindi lang para sa pera, 123 00:08:03,983 --> 00:08:07,320 kundi pati na rin sa ibang kaya niyang ibigay. 124 00:08:09,447 --> 00:08:12,533 Hindi ako nag-i-invest sa kahit anong hindi tama para sa 'kin. 125 00:08:12,617 --> 00:08:13,951 Hindi ako gano'n. 126 00:08:14,035 --> 00:08:16,037 Pagkatapos naming silipin 'yong accounts, 127 00:08:16,120 --> 00:08:18,498 sabi namin, "Hindi natin gagawin 'to. Hindi talaga." 128 00:08:18,581 --> 00:08:22,418 Nasaktan ako no'n, sobrang nasaktan ako, 129 00:08:22,502 --> 00:08:26,380 kasi ilang taon ang ginugol namin bago namin narating 'to. 130 00:08:26,464 --> 00:08:31,219 Kailangan kong sabihin sa team na "Sorry, hindi namin gagawin 'to." 131 00:08:31,302 --> 00:08:34,222 Lumabas kami ng asawa ko nang Sabado ng gabi, 132 00:08:34,305 --> 00:08:36,057 tapos ang ganda-ganda niya. 133 00:08:36,140 --> 00:08:38,768 Sabi ko, "Ano 'yang suot mo?" 134 00:08:39,268 --> 00:08:40,394 "Victoria Beckham." 135 00:08:40,478 --> 00:08:43,689 Sabi ko, "Marami ka bang binibili na Victoria Beckham?" 136 00:08:43,773 --> 00:08:46,859 Tapos sabi niya, "Sobra. Gusto ko 'to. Ang ganda, e." 137 00:08:48,569 --> 00:08:51,739 Para 'kong sinindihan. Parang may nag-apoy. 138 00:08:51,822 --> 00:08:56,619 Pagdating ng Lunes, tinawag ko 'yong team. Sabi ko, "Gawin natin. Lugi na kung lugi." 139 00:08:57,119 --> 00:08:59,038 Kaya nagpirmahan kami. 140 00:08:59,830 --> 00:09:02,083 Naalala kong sobrang emosyonal niya. 141 00:09:02,166 --> 00:09:04,710 Sabi niya sa 'kin, "Hindi kita bibiguin." 142 00:09:05,294 --> 00:09:09,257 Hindi ako natakot na magsikap, 143 00:09:09,340 --> 00:09:13,010 pero hindi ko inakalang sobrang sakit pala. 144 00:09:14,387 --> 00:09:17,557 TATLONG ORAS BAGO ANG SHOW 145 00:09:25,690 --> 00:09:28,234 -Ang ganda mo. -Thank you po. 146 00:09:28,317 --> 00:09:30,236 Sobrang ganda mo. Masaya ka ba? 147 00:09:30,319 --> 00:09:34,115 Ang ganda ng buhok at makeup mo. Ang ganda n'yong dalawa. 148 00:09:37,535 --> 00:09:38,828 -Ang lamig. -Ganda. 149 00:09:41,205 --> 00:09:45,918 Pag show mode si Victoria, halatang sobrang focused niya. 150 00:09:46,002 --> 00:09:47,795 -Asan siya? -Nasa kaliwa, ayun. 151 00:09:47,878 --> 00:09:50,172 Tinitingnan niya 'yong collection, 'yong looks, 152 00:09:50,256 --> 00:09:52,717 'yong models, 'yong music. 153 00:09:56,429 --> 00:09:58,598 Ngayon lang nataranta nang ganyan ang asawa ko. 154 00:10:00,975 --> 00:10:02,268 Iba 'tong taon na 'to. 155 00:10:04,937 --> 00:10:08,399 Alam kong gusto na niyang sabihing "Okay, umalis ka na." 156 00:10:11,569 --> 00:10:13,821 May balita ako. 157 00:10:13,904 --> 00:10:16,240 -Nahulog si Felice sa motor niya. -Okay. 158 00:10:16,324 --> 00:10:17,825 Eto 'yong binti niya. 159 00:10:18,909 --> 00:10:21,537 -Ano ba 'yan? -See-through 'yong palda niya. 160 00:10:21,621 --> 00:10:23,706 -Okay lang siya. -Buti naman. 161 00:10:23,789 --> 00:10:27,668 Ga'no kahaba 'yong palda? Matatakpan ba 'yong tuhod? 162 00:10:27,752 --> 00:10:30,129 Sabi ko, "Isuot mo 'yong damit mo. Titingnan niya." 163 00:10:30,212 --> 00:10:32,423 Ba't di na lang natin baguhin 'yong look niya? 164 00:10:32,506 --> 00:10:35,885 Di ko alam kung kasya, e Maghanap tayo ng ka-size niya. 165 00:10:35,968 --> 00:10:38,220 -Pag-isipan natin. -Same ng haba, etc. 166 00:10:38,304 --> 00:10:40,765 Gusto ko pa ring magamit 'yong palda, ha? 167 00:10:40,848 --> 00:10:43,684 Hanggang dito 'yong palda, pero makikita pa rin. 168 00:10:44,185 --> 00:10:45,686 Oo, kitang-kita 'yan. 169 00:10:46,896 --> 00:10:48,731 Tingnan natin 'yong ibang option. 170 00:10:48,814 --> 00:10:49,815 Sandali lang. 171 00:10:49,899 --> 00:10:52,693 Subukan kaya natin 'to kay Felice? Tingnan natin 'yong itsura. 172 00:10:52,777 --> 00:10:53,736 Wala pa 'yan dito. 173 00:10:53,819 --> 00:10:57,365 Kausapin ko na lang kaya, tapos i-explain natin 'yong plano natin? 174 00:10:57,448 --> 00:10:59,367 Ayaw mo sa itsura ng pants, 'no? 175 00:10:59,450 --> 00:11:01,118 Black na pants, tapos pink na top? 176 00:11:01,202 --> 00:11:03,287 Hindi lang naman black pants. May corset pa. 177 00:11:03,371 --> 00:11:05,873 Sobrang ganda ng pants na 'yon. 178 00:11:05,956 --> 00:11:07,375 -Subukan— -Pag nilagay… 179 00:11:07,458 --> 00:11:09,669 Mahirap magpalit ng look pag mismong show na, 180 00:11:09,752 --> 00:11:12,630 kasi buong linggo mong pinag-iisipan, 181 00:11:12,713 --> 00:11:14,632 "Bagay ba 'tong look sa babaeng 'to?" 182 00:11:14,715 --> 00:11:18,886 Hindi talaga option na magpalit ng look bago ang show. 183 00:11:20,054 --> 00:11:23,140 Sa halip tuloy na palda, may pantalon tayo dito. 184 00:11:23,224 --> 00:11:28,604 Kailangang itago 'yong legs niya, kasi may malaking sugat siya sa tuhod. 185 00:11:29,855 --> 00:11:31,649 God, kaya ako umiinom, e. 186 00:11:32,149 --> 00:11:34,360 Para tayong manganganak ng triplets. 187 00:11:34,443 --> 00:11:38,280 Tuloy-tuloy lumalabas, "Isa!" "Hoy, ayan ang pangalawa." 188 00:11:42,451 --> 00:11:46,539 In five minutes, may sapat na music na tayo. 189 00:11:46,622 --> 00:11:49,625 Hindi pa 'yong final, pero sapat 'yong music para sa rehearsal. 190 00:11:50,126 --> 00:11:53,254 Guys, kung wala tayong music, mapipilitan akong kumanta. 191 00:11:55,172 --> 00:11:56,924 -Sobrang— -Kasi… 192 00:11:57,007 --> 00:11:58,217 Totoo 'yon… 193 00:11:58,300 --> 00:11:59,635 Magiging masaya 'yon. 194 00:11:59,719 --> 00:12:02,972 Kami ni Clément 'yong magiging bagong Sonny at Cher. 195 00:12:03,055 --> 00:12:04,849 A, gusto ko 'yon. 196 00:12:04,932 --> 00:12:08,978 Hinihintay lang natin 'yong rough mix ng music. 197 00:12:09,061 --> 00:12:12,690 Pwedeng pakikuha na 'to? May post-traumatic stress syndrome na 'ko. 198 00:12:12,773 --> 00:12:13,899 Okay. Sige. 199 00:12:13,983 --> 00:12:16,152 -Walang magiging problema. -Okay tayo. 200 00:12:25,119 --> 00:12:27,663 -Naku po, umulan na nga. -Hala. 201 00:12:40,342 --> 00:12:41,969 Okay. Excuse me. 202 00:12:42,052 --> 00:12:45,014 -Balita ko, umuulan na. -Umuulan na nga. 203 00:12:45,097 --> 00:12:46,390 Excuse me, guys. 204 00:12:48,225 --> 00:12:49,268 Ay, wow. 205 00:13:01,489 --> 00:13:03,949 Hindi ko alam ang sasabihin. 206 00:13:07,036 --> 00:13:08,287 Oh my God. 207 00:13:09,497 --> 00:13:10,748 Hindi! 208 00:13:11,248 --> 00:13:13,501 Magiging maayos ang lahat. 209 00:13:14,001 --> 00:13:16,545 Oh my God, hindi ko kinakaya 'to! 210 00:13:21,300 --> 00:13:24,595 Hindi makakatulong pag nagwala ako. 211 00:13:26,055 --> 00:13:28,849 Hindi talaga makakatulong 'yon. 212 00:13:29,767 --> 00:13:32,686 Ang laki na ng pinuhunan namin sa show na 'to, 213 00:13:33,187 --> 00:13:36,690 maraming effort, talent, at passion ng mga tao. 214 00:13:39,360 --> 00:13:41,320 Bumubuhos talaga 'yong ulan, o. 215 00:13:45,616 --> 00:13:48,744 Hindi ko kaya 'to. Kailangan kong umupo sa madilim na lugar. 216 00:13:50,246 --> 00:13:51,580 Joke ba 'to? 217 00:13:53,040 --> 00:13:54,375 Kalokohan 'to. 218 00:13:54,458 --> 00:13:55,751 Malaking kalokohan. 219 00:13:58,003 --> 00:13:59,630 Ipo-postpone na natin? 220 00:14:00,172 --> 00:14:02,842 Kailangan nating i-postpone. Kailangan talaga. 221 00:14:08,305 --> 00:14:11,350 Hindi tayo pwedeng mag-show kung malakas 'yong ulan. 222 00:14:11,433 --> 00:14:12,434 Hindi nga. 223 00:14:14,186 --> 00:14:16,689 Victoria, ikaw, kung ano'ng gusto mo. 224 00:14:18,941 --> 00:14:20,651 Alam niya 'yong challenge. 225 00:14:20,734 --> 00:14:25,155 Alam niyang pwedeng matigil ang laro o maging napakahirap sa hinaharap. 226 00:14:25,656 --> 00:14:28,158 No'ng maging partners kami ni Victoria, 227 00:14:28,242 --> 00:14:32,371 mahirap 'yong sitwasyon ng business no'n. 228 00:14:32,454 --> 00:14:34,290 Kailangan kong maintindihan 229 00:14:34,373 --> 00:14:38,836 kung kaya niya talagang tanggapin 'yong mangyayari. 230 00:14:41,881 --> 00:14:45,217 Ilang taon na sinasabi lang sa kanya 'yong gusto niyang marinig. 231 00:14:49,054 --> 00:14:52,266 Naalala ko, isa sa mga gastos 'yong office plants. 232 00:14:52,349 --> 00:14:54,059 Kasi mahilig siya sa halaman. 233 00:14:54,143 --> 00:14:57,813 Parang nasa 70,000 'yon kada taon. 234 00:14:58,355 --> 00:15:02,318 Tapos may pumapasok para lang magdilig ng halaman 235 00:15:02,902 --> 00:15:05,654 na 15,000 'yong bayad kada taon. 236 00:15:07,031 --> 00:15:08,574 Umpisa pa lang 'yon. 237 00:15:11,410 --> 00:15:14,079 Lumapit ako sa kanya at nagdesisyong sabihin 238 00:15:14,163 --> 00:15:15,915 kung ano mismo 'yong totoo. 239 00:15:17,374 --> 00:15:19,376 Hindi ko alam ang magiging reaction niya 240 00:15:21,712 --> 00:15:24,423 Sabi ko, "Victoria, kailangan nating baguhin lahat, 241 00:15:24,506 --> 00:15:28,302 "ayusin 'yong negosyo, at aaray ka do'n." 242 00:15:29,136 --> 00:15:33,223 Nakinig lang siya hanggang matapos ako. Naging tahimik lang siya. 243 00:15:38,646 --> 00:15:41,523 Tinanggap ko kahit masakit. 244 00:15:42,024 --> 00:15:44,693 Mahirap marinig 'yong mga bagay na 'yon. 245 00:15:45,694 --> 00:15:47,655 Hindi ako nag-aral ng business. 246 00:15:48,906 --> 00:15:51,450 Entertainment 'yong background ko, e. 247 00:15:52,701 --> 00:15:54,620 Entertainment company kami 248 00:15:54,703 --> 00:15:58,248 na hindi pa nakakapagtrabaho sa fashion dati. 249 00:16:00,084 --> 00:16:01,877 Hindi ko na-realize 'yon no'n, 250 00:16:02,461 --> 00:16:05,547 pero sobrang laki na ng nasasayang. 251 00:16:06,131 --> 00:16:11,095 May 15 akong iba't ibang lining sa loob ng outerwear. 252 00:16:11,679 --> 00:16:15,849 Akala ng mga tao, sanay akong makuha lahat at makuha lahat ng maganda. 253 00:16:16,642 --> 00:16:20,896 Mga bagay gaya ng pagbili ng mga upuan galing sa kabilang parte ng mundo. 254 00:16:21,772 --> 00:16:24,483 Naririnig ko kaya gulat na gulat ako. 255 00:16:24,984 --> 00:16:26,944 Pero hinayaan kong mangyari 'yon. 256 00:16:27,820 --> 00:16:29,571 Sa tingin ko, parte ng problema 257 00:16:29,655 --> 00:16:32,324 'yong takot silang tumanggi sa 'kin. 258 00:16:32,408 --> 00:16:33,242 Bakit? 259 00:16:33,325 --> 00:16:35,619 Siguro, sa tingin ko, 260 00:16:36,286 --> 00:16:38,706 sa totoo lang, may power ako. 261 00:16:38,789 --> 00:16:40,624 Power ng isang celebrity. 262 00:16:41,959 --> 00:16:44,336 -Salamat, Victoria. -Thank you, Victoria. 263 00:16:45,295 --> 00:16:51,593 Akala ng mga tao, hindi ako sanay makarinig ng "hindi". 264 00:16:52,803 --> 00:16:56,390 Aaminin ko naman at pananagutan ko 265 00:16:56,473 --> 00:17:01,270 'yong mga bagay na nagawa ko na hindi ko dapat ginawa. 266 00:17:03,188 --> 00:17:05,399 Baon ako sa utang. 267 00:17:06,608 --> 00:17:08,694 Marami akong kailangang baguhin. 268 00:17:10,237 --> 00:17:12,906 Na-realize kong naligaw ako ng landas. 269 00:17:13,949 --> 00:17:15,784 Isa sa mga problemang nakita namin, 270 00:17:15,868 --> 00:17:19,955 nawawala 'yong katauhan niya sa brand. 271 00:17:20,039 --> 00:17:22,750 Hindi na 'yon Victoria Beckham. 272 00:17:23,250 --> 00:17:25,169 Nagiging iba na 'yon. 273 00:17:25,252 --> 00:17:29,465 Kailangan kong ibalik si Victoria Beckham sa Victoria Beckham. 274 00:17:30,758 --> 00:17:34,386 Tapos isang araw, may naisip ako. 275 00:17:34,470 --> 00:17:36,263 Tinawagan ko si Juergen Teller. 276 00:17:36,805 --> 00:17:40,934 Sabi ko, "Juergen, gusto kong gawin ulit 'yong Marc Jacobs campaign." 277 00:17:42,102 --> 00:17:45,272 Normally, ayokong nag-uulit. Mas gusto kong gumawa ng bago. 278 00:17:45,355 --> 00:17:48,650 Pero medyo special 'yon, kasi siya ang nakaisip no'n. 279 00:17:48,734 --> 00:17:49,985 Sariling label niya 'yon. 280 00:17:51,361 --> 00:17:56,200 No'ng kinuhanan niya 'ko ten years ago, napahiya ako. 281 00:17:56,784 --> 00:18:00,204 Pero gusto kong maibalik 'yong image na 'yon para sa sarili ko. 282 00:18:00,287 --> 00:18:03,332 May gusto akong sabihin sa photo na 'yon. 283 00:18:05,250 --> 00:18:06,502 Pinangunahan niya. 284 00:18:06,585 --> 00:18:09,630 Naintindihan ng mga tao. Nakakatuwa. Ang ganda. Pero literal 'yon. 285 00:18:10,130 --> 00:18:13,425 Binalikan niya 'yon, itinodo niya 'yong pag-aayos sa produkto, 286 00:18:13,509 --> 00:18:15,969 ginawa niya 'yong vision niya, kung ano siya. 287 00:18:16,053 --> 00:18:18,514 'Yong pagiging chic, 'yong glam. 288 00:18:19,348 --> 00:18:21,725 Nagsimula akong harapin 'yong challenge, 289 00:18:21,809 --> 00:18:23,727 pamunuan 'yong business ko, 290 00:18:24,353 --> 00:18:26,063 at marami pa 'kong gustong gawin. 291 00:18:27,147 --> 00:18:28,565 Ang galing. 292 00:18:29,066 --> 00:18:30,609 -Ang galing. -Hi, Victoria. 293 00:18:30,692 --> 00:18:31,860 Salamat. 294 00:18:31,944 --> 00:18:35,364 Kaya bumalik ako sa bagay na alam ko. 295 00:18:38,033 --> 00:18:40,869 Ganito talaga 'ko mag-work from home. 296 00:18:40,953 --> 00:18:43,122 Andito 'yong technical makeup mirror ko. 297 00:18:43,205 --> 00:18:45,207 Gusto ko lang i-share sa inyo. 298 00:18:45,290 --> 00:18:48,252 Ipapakita ko lang sa inyo 'yong ginagamit kong makeup araw-araw. 299 00:18:48,335 --> 00:18:49,253 Eto na, ladies. 300 00:18:52,673 --> 00:18:57,636 No'ng ni-launch ko 'yong Beauty, alam ko 'yong gusto kong gawin, 301 00:18:57,719 --> 00:19:00,889 kasi parang kalahati ng buhay ko, nakaupo ako sa makeup chair. 302 00:19:01,723 --> 00:19:03,809 Gagamitin ko 'yong brush, 303 00:19:04,643 --> 00:19:07,563 tapos ilalagay ko sa mas maitim na kulay. 304 00:19:08,480 --> 00:19:12,609 No'ng nasa Spice Girls ako, lagi akong nasa glam chair. 305 00:19:14,069 --> 00:19:17,990 Naikabit talaga ng mga tao sa 'kin, 306 00:19:18,073 --> 00:19:19,950 'yong smoky eye ko. 307 00:19:20,534 --> 00:19:22,327 Gusto ko talagang sabihin, 308 00:19:22,411 --> 00:19:24,913 "Ganito gawin 'yon. Kung kaya ko, kaya n'yo din." 309 00:19:24,997 --> 00:19:29,668 Isang product lang ang gamit ko para gawin 'yong smoky eye ko. 310 00:19:29,751 --> 00:19:31,086 'Yong product na 'yon… 311 00:19:31,170 --> 00:19:34,089 Nagtiwala ako sa instinct ko. 312 00:19:35,632 --> 00:19:39,303 Hinayaan kong makita ng mga tao 'yong totoong ako. 313 00:19:39,386 --> 00:19:43,682 Pagpasensiyahan n'yo na, kasi hindi maganda 'yong pagvi-video ko. 314 00:19:44,474 --> 00:19:45,809 Hindi ako magaling dito. 315 00:19:46,894 --> 00:19:50,397 Naaalala ko, naghintay akong makita kung ano'ng magiging reaction ng mga tao. 316 00:19:50,480 --> 00:19:51,690 Oh my God. 317 00:19:53,525 --> 00:19:55,402 Sobrang ganda no'n. 318 00:19:59,114 --> 00:20:01,325 No'ng naging matagumpay 'yong Beauty, 319 00:20:01,408 --> 00:20:04,828 meron nang bumebenta sa wakas… 320 00:20:05,954 --> 00:20:09,541 Good to meet you. Gusto ko 'yong buhok mo. Ang ganda. 321 00:20:09,625 --> 00:20:12,669 …na naging dahilan para maniwala ako sa sarili ko. 322 00:20:13,795 --> 00:20:16,340 Pero alam kong kailangan kong magpatuloy… 323 00:20:16,423 --> 00:20:17,466 Maraming salamat. 324 00:20:17,549 --> 00:20:21,678 …kasi nahihirapan pa din ang fashion business. 325 00:20:28,185 --> 00:20:30,938 DALAWANG ORAS BAGO ANG SHOW 326 00:20:40,614 --> 00:20:41,740 Di ko alam ang gagawin. 327 00:20:41,823 --> 00:20:45,911 Dalawang oras, tatlong oras, apat na oras nag-ayos ng buhok at makeup ang girls. 328 00:20:45,994 --> 00:20:47,871 Nakasuot sila ng high heels, 329 00:20:47,955 --> 00:20:51,291 hindi pwedeng mabasa 'yong mga suot nilang garments, 330 00:20:51,917 --> 00:20:55,963 kailangan silang ilipat mula sa bahay papunta sa may cover na area. 331 00:21:03,220 --> 00:21:07,140 Sa kahit anong negosyo, ibinubuhos ng negosyante 332 00:21:07,224 --> 00:21:09,935 ang buong pagkatao niya sa negosyo niya. 333 00:21:11,603 --> 00:21:14,773 Alam nilang galing sa pagsisikap ang tagumpay. 334 00:21:14,856 --> 00:21:18,860 Kailangan mong magpatuloy, magtuloy-tuloy. 335 00:21:18,944 --> 00:21:20,529 Kung wala ka no'n, 336 00:21:20,612 --> 00:21:23,615 kung di mo kayang magpursigi nang walang tigil, 337 00:21:24,324 --> 00:21:26,118 magfe-fail lang ang business. 338 00:21:27,119 --> 00:21:31,832 Pinaghirapan kong makuha ang spot ko sa industriyang 'to. 339 00:21:31,915 --> 00:21:36,295 Ayokong mawala lahat ng binuo ko. 340 00:21:37,129 --> 00:21:38,630 Lecheng 'yan. 341 00:21:38,714 --> 00:21:41,174 Gagawin namin 'yong show na 'to kahit ano'ng mangyari. 342 00:21:43,218 --> 00:21:46,638 Magsisimula na 'yong rehearsal. Alis na 'yong nasa runway. 343 00:21:51,768 --> 00:21:55,022 Isuot na 'yong mga sapatos, tapos alalayan ang girls pababa ng hagdan. 344 00:21:55,105 --> 00:21:56,898 -Kaya kong hawakan… -Gawin natin 'yon. 345 00:21:56,982 --> 00:22:00,319 Girls, may hahawak ng kamay n'yo, 346 00:22:00,402 --> 00:22:02,863 aalalayan kayo pababa ng hagdan para di kayo madulas. 347 00:22:02,946 --> 00:22:05,657 Nag-aalala lang ako na pag wala kayong run-through, 348 00:22:05,741 --> 00:22:07,909 mahihirapan kayo sa timing n'yo. 349 00:22:11,496 --> 00:22:15,167 Walang kasiguraduhan na magiging okay ang lahat. 350 00:22:17,544 --> 00:22:22,174 Nag-aalala ako do'n, kasi gusto ko, kontrolado ko lahat. 351 00:22:23,175 --> 00:22:25,927 Pero sinusubukan kong hindi ipakita 'yon, 352 00:22:26,011 --> 00:22:29,890 kasi guguho lang lahat ng baraha. 353 00:22:32,100 --> 00:22:34,353 Ang galing, grabe 'yong effort na kailangan 354 00:22:34,436 --> 00:22:37,147 para bumuo ng tunay na collection at show. 355 00:22:40,067 --> 00:22:45,113 Anim na buwan ng inspiration boards, pagsusukat, at pamimili ng tela. 356 00:22:46,698 --> 00:22:51,870 Masasabi ng mga tao kung 'yong nag-design ng mga damit, 357 00:22:51,953 --> 00:22:55,248 e, may passion, interested, at excited doon sa mga 'yon. 358 00:22:55,332 --> 00:22:58,543 O dinesign 'yon ng isang merchandiser 359 00:22:58,627 --> 00:23:00,670 na wala talagang kaluluwa. 360 00:23:05,175 --> 00:23:07,302 Nakita ko mula simula si Victoria, 361 00:23:07,386 --> 00:23:10,222 no'ng naisip pa lang niya na "Baka gawin ko ang brand na 'to," 362 00:23:10,305 --> 00:23:12,307 pati sa unang show sa New York… 363 00:23:17,604 --> 00:23:18,730 hanggang ngayon. 364 00:23:18,814 --> 00:23:21,608 Ngayon ko lang nakitang bumuo si Victoria ng ganito kalaki. 365 00:23:28,740 --> 00:23:30,951 Sa paglalakbay mo bilang creative na tao, 366 00:23:31,034 --> 00:23:34,538 huhubugin ka ng bawat desisyong gagawin mo. 367 00:23:36,081 --> 00:23:38,500 Sa limang taong nakatrabaho ko si Victoria, 368 00:23:38,583 --> 00:23:40,335 'yong trabaho ko, parang… 369 00:23:40,419 --> 00:23:44,089 "Okay, diligan natin lagi 'yong ugat para tumubo ka." 370 00:23:50,387 --> 00:23:54,141 Kung gusto niyang maging fashion designer, 371 00:23:54,975 --> 00:23:58,979 dapat totoo siya sa sarili niya sa bawat sandali ng paglalakbay na 'yon. 372 00:24:01,273 --> 00:24:03,233 Gusto kong mahanap niya 'yon, 373 00:24:03,984 --> 00:24:07,362 dahil paghahanap sa sarili ang pagkamit ng pangarap. 374 00:24:14,619 --> 00:24:18,457 TATLUMPUNG MINUTO BAGO ANG SHOW 375 00:24:20,417 --> 00:24:21,460 Tapos 'yong runway. 376 00:24:21,543 --> 00:24:22,961 Umuulan pa ba? 377 00:24:23,044 --> 00:24:24,463 Tumila na. 378 00:24:24,546 --> 00:24:27,257 -Pwede na bang papilahin 'yong girls? -Sige. 379 00:24:28,633 --> 00:24:32,095 Giniginaw na lahat. Simulan na natin 'yong show. 380 00:24:32,179 --> 00:24:34,097 Okay ka lang ba? Sigurado ka? 381 00:24:34,723 --> 00:24:36,641 Sigurado ka? Nilalamig ka lang? 382 00:24:38,393 --> 00:24:39,519 Wag kang mag-alala. 383 00:24:44,024 --> 00:24:46,359 -Okay lang 'yan. Talaga? -Sa 'yo na 'tong jacket ko. 384 00:24:50,071 --> 00:24:53,783 -Para kang tumakbo sa marathon. -Di ko alam bakit ako nanginginig. 385 00:24:53,867 --> 00:24:55,285 Nilabas natin 'yong tinfoil! 386 00:24:55,368 --> 00:24:59,623 Gusto kitang dalhin sa tahimik na lugar para makaupo ka bago ang show. 387 00:24:59,706 --> 00:25:02,209 Sa kabilang castle, katabi lang ng runway. 388 00:25:02,292 --> 00:25:03,710 May iba pang castle? 389 00:25:03,793 --> 00:25:06,630 A, si Anna 'yong isasama mo. Okay. Mamaya na lang ulit. 390 00:25:06,713 --> 00:25:07,714 Okay. 391 00:25:12,177 --> 00:25:13,178 Ay, wow. 392 00:25:14,095 --> 00:25:15,805 Parang hindi kayo ready dito. 393 00:25:16,306 --> 00:25:18,725 Maraming pinapanood na show ang fashion press. 394 00:25:18,808 --> 00:25:20,519 Isang buwan na kaming umiikot. 395 00:25:20,602 --> 00:25:25,774 Pagdating namin doon, basa at malamig. 396 00:25:25,857 --> 00:25:29,236 Kita ng lahat na marami pang dapat ayusin. 397 00:25:29,319 --> 00:25:30,904 Hindi na daw ba uulan? 398 00:25:32,280 --> 00:25:36,535 Humarap si Victoria sa audience na posibleng nag-aalangan pa sa kanya. 399 00:25:36,618 --> 00:25:39,746 Kung kaya, subukan na nating paupuin 'yong mga tao. 400 00:25:39,829 --> 00:25:40,956 Doon sa gitna. 401 00:25:42,332 --> 00:25:46,461 Pwede na bang pumila ang girls? Pumuwesto na kayo. Salamat. 402 00:25:47,128 --> 00:25:50,882 -Ready na ba si Jasmine na— -Hindi pa, pinapaupo pa niya lahat. 403 00:25:50,966 --> 00:25:52,926 Alam mo ba kung saan 'yong seat ko? 404 00:25:53,009 --> 00:25:54,344 -Oo, kailangan… -Oo naman. 405 00:25:54,427 --> 00:25:56,304 Kailangan ko ng taga-Lucien Pagès. 406 00:25:56,388 --> 00:25:59,224 Medyo alam ko, pero hindi ko alam 'yong mismong number. 407 00:25:59,307 --> 00:26:02,352 Sa kabilang side kayo. Pwede tayong tumawid dito. 408 00:26:02,435 --> 00:26:04,688 -Kumusta? -Hindi pa nakaupo 'yong mga tao. 409 00:26:04,771 --> 00:26:07,274 -Konting oras pa. -Konti pa? 410 00:26:07,357 --> 00:26:10,360 -Kasama ko si Victoria. Ano 'yon? -Marami pang di nakaupo. 411 00:26:11,152 --> 00:26:14,739 Hintay lang daw tayo, sabi ni Jasmine. Pinapaupo pa niya 'yong mga tao. 412 00:26:14,823 --> 00:26:17,993 -Bakit? Late ba sila? -Oo, late sila. 'Yong mga bigating tao. 413 00:26:18,076 --> 00:26:19,244 Okay. Salamat. 414 00:26:19,995 --> 00:26:22,163 Wala na talaga tayong oras, guys. 415 00:26:22,247 --> 00:26:24,708 Papilahin na natin sila. Nag-aalala na 'ko. 416 00:26:24,791 --> 00:26:27,544 Tama ka. Tama 'yang desisyong 'yan. Tara na. 417 00:26:27,627 --> 00:26:29,963 Pasensiya na, malamig at maulan, 418 00:26:30,547 --> 00:26:32,465 pero sobrang ganda n'yo. 419 00:26:32,549 --> 00:26:35,385 Maraming nagpakahirap magtrabaho 420 00:26:35,468 --> 00:26:38,179 para sa lahat ng damit na suot n'yo sa collection na 'to. 421 00:26:38,263 --> 00:26:39,806 Kayo na ang bahala dito, 422 00:26:40,390 --> 00:26:42,642 mahal namin ang bawat isa sa inyo. 423 00:26:42,726 --> 00:26:45,729 Maraming, maraming salamat. Good luck. 424 00:26:49,899 --> 00:26:50,984 Galingan natin! 425 00:26:53,778 --> 00:26:55,947 -Good luck. -Good luck. 426 00:26:57,073 --> 00:26:58,074 Love you. 427 00:26:59,242 --> 00:27:00,327 Good luck. 428 00:27:01,494 --> 00:27:03,496 Sobrang importante ng show na 'to, 429 00:27:03,580 --> 00:27:06,791 hindi lang para sa 'kin, kundi para sa buong team. 430 00:27:06,875 --> 00:27:08,835 Lahat ng mga naniwala sa 'kin. 431 00:27:09,794 --> 00:27:13,632 Gusto kong maging masaya ang mga business partner ko. 432 00:27:14,174 --> 00:27:16,259 Gusto kong maging proud 'yong mga anak ko. 433 00:27:17,010 --> 00:27:18,720 Gusto kong maging proud si David. 434 00:27:18,803 --> 00:27:22,682 Kung hindi siya nagtiwala sa 'kin, wala na 'kong business ngayon. 435 00:27:24,017 --> 00:27:28,146 No'ng nasa final lineup na 'ko at naghihintay na 'yong girls na lumabas, 436 00:27:28,229 --> 00:27:31,691 ako lang talaga 'yong nakakaalam no'ng mga sinabi kong 'yon. 437 00:28:51,271 --> 00:28:53,314 -Dapat walang bag 'yon. -Alin? 438 00:28:53,398 --> 00:28:56,192 -'Yong look ni Apolline. -'Tang ina, sorry. 439 00:29:05,076 --> 00:29:09,497 Dapat tinanggal 'yon. Sorry. Dapat walang bag si Apolline. 440 00:29:16,963 --> 00:29:18,006 Okay lang. 441 00:29:40,028 --> 00:29:41,905 -Wow. -Ang ganda. 442 00:29:49,996 --> 00:29:51,331 Wow. 443 00:29:54,709 --> 00:29:55,627 Sobrang ganda. 444 00:30:35,792 --> 00:30:37,544 Lagi kong sinasabi kay Victoria, 445 00:30:38,127 --> 00:30:41,589 "Wag kang tumingin sa kaliwa o kanan. Magpakatotoo ka lang." 446 00:30:41,673 --> 00:30:46,302 Sa tingin ko, malaki ang naitulong no'n sa tagumpay niya. 447 00:30:52,392 --> 00:30:56,688 Pakiramdam ko, natutupad niya 'yong mga pangarap niya no'ng gabing 'yon. 448 00:30:56,771 --> 00:31:00,817 Dinala talaga siya no'n sa kung saan niya gustong mapunta. 449 00:31:10,910 --> 00:31:13,454 Ang galing. Alam mo, ibang level 'to. 450 00:31:13,538 --> 00:31:15,164 -Ibang klase. -Maraming salamat. 451 00:31:15,248 --> 00:31:19,711 Hindi siya sumuko, at sa wakas, nagtatagumpay na siya. 452 00:31:19,794 --> 00:31:21,838 Nasagip namin 'yong business. 453 00:31:21,921 --> 00:31:24,173 Pero wala lang 'yon kung tutuusin. 454 00:31:24,257 --> 00:31:27,051 Napakalaki pa ng mundong hindi namin napapasok. 455 00:31:27,135 --> 00:31:29,095 Sobrang ganda. Ang galing mo. 456 00:31:29,596 --> 00:31:32,390 No'ng nilatag ko 'yong pundasyon ng business, 457 00:31:32,473 --> 00:31:34,225 buntis ako kay Cruz. 458 00:31:34,309 --> 00:31:38,146 Inabot ako nang halos 20 taon para makarating sa puntong 'to, 459 00:31:38,646 --> 00:31:41,024 at ngayon, mabubuo ko na talaga 'to. 460 00:31:57,415 --> 00:31:59,542 Ang ganda ng mga blossom tree, 'no? 461 00:31:59,626 --> 00:32:03,963 Pero narinig mo ba… Pakinggan mo sila. Pagdating mo do'n, makinig ka. 462 00:32:04,505 --> 00:32:06,507 -Makinig sa mga puno? -Pakinggan mo lang. 463 00:32:20,396 --> 00:32:22,482 Ang ganda ng ginawa mo dito. 464 00:32:23,900 --> 00:32:25,568 Ginawa ko 'to para sa inyo. 465 00:32:28,029 --> 00:32:29,030 Totoo. 466 00:32:31,199 --> 00:32:32,158 Alam ko. 467 00:32:32,659 --> 00:32:34,327 Sobrang ganda. 468 00:32:35,119 --> 00:32:36,371 Andun ba 'yong boys? 469 00:32:36,454 --> 00:32:39,582 Hindi mo ba naririnig? Naglalaro sila ng bola. 470 00:32:40,959 --> 00:32:44,462 -Sorry, teka lang. -Oh my God, akala ko, tatamaan ako. 471 00:32:47,382 --> 00:32:48,383 Welcome. 472 00:32:48,466 --> 00:32:51,219 Nakaka-amaze pag may ganyan 473 00:32:51,302 --> 00:32:54,472 na ang instinct sa bolang lumilipad papunta sa kanila… 474 00:32:54,555 --> 00:32:57,308 -Habulin at sipain. -Sipain. Ang instinct ko kasi… 475 00:32:57,392 --> 00:32:58,935 Pulutin o yumuko na lang. 476 00:33:09,445 --> 00:33:11,739 Grabe 'yong pagbabago ng mga bagay sa buhay mo. 477 00:33:11,823 --> 00:33:16,244 Hindi ka pa ba confident na magdahan-dahan at mag-relax? 478 00:33:16,327 --> 00:33:20,707 Napakasipag mo. Sobrang passionate at dedicated pa. 479 00:33:20,790 --> 00:33:24,043 -Mabuti ba 'yon o masama? -Oh my God, mabuti 'yon. 480 00:33:24,544 --> 00:33:26,087 Sobrang galing… 481 00:33:26,587 --> 00:33:28,798 Medyo nagiging emosyonal ako, 482 00:33:28,881 --> 00:33:31,884 kasi lagi mong pinapatunayan 'yong sarili mo sa iba. 483 00:33:32,385 --> 00:33:37,682 Ano'ng pumipigil sa 'yong sabihing, "Okay, nagawa ko na"? 484 00:33:38,307 --> 00:33:44,230 Ilang taon kasi 'yong ginugol ko para ipaglaban at buoin 'to, 485 00:33:44,313 --> 00:33:47,066 tapos ngayong may opportunity na, 486 00:33:47,567 --> 00:33:49,736 ayokong mawala na lang 'yon. 487 00:33:49,819 --> 00:33:51,571 Kanino mo pinapatunayan 'to? 488 00:33:53,364 --> 00:33:55,616 Siguro, karamihan no'n, sa 'yo. 489 00:33:56,743 --> 00:33:59,370 Siyempre, nakokonsensiya ako 490 00:33:59,454 --> 00:34:03,750 doon sa mga time na kinailangan kong magpatulong sa 'yo. 491 00:34:03,833 --> 00:34:08,463 -Wala kang kailangang patunayan sa 'kin. -Pero gusto kong gawin 'yon. 492 00:34:08,546 --> 00:34:11,174 Gusto ko. 493 00:34:11,257 --> 00:34:16,888 No'ng makita ko kayo ng mga bata sa backstage pagkatapos no'ng last show, 494 00:34:17,388 --> 00:34:19,474 hindi naman first time 'yon, 495 00:34:19,557 --> 00:34:22,935 pero para sa 'kin, nakita ko talaga no'n 496 00:34:23,019 --> 00:34:25,772 kung ga'no kayo ka-proud sa 'kin. 497 00:34:27,065 --> 00:34:28,107 Alam mo 'yon? 498 00:34:28,191 --> 00:34:31,527 Para malinaw, proud kami sa 'yo kahit cheese sandwich lang ang gawin mo. 499 00:34:31,611 --> 00:34:35,281 Aminin na natin, di ako masarap gumawa ng cheese sandwich. 500 00:34:35,782 --> 00:34:36,699 Hindi nga. 501 00:34:40,161 --> 00:34:41,662 Pero di na importante 'yon. 502 00:34:42,205 --> 00:34:46,918 Pero ewan ko ba, ang dami ko pang gustong gawin. 503 00:34:47,001 --> 00:34:49,879 Tingin ko, pinapatunayan mo 'yan sa sarili mo, hindi sa 'kin. 504 00:34:50,546 --> 00:34:52,507 -Siguro nga. -Matigas kasi ang ulo mo. 505 00:34:52,590 --> 00:34:57,053 Gusto mong patunayan sa lahat na mali sila. 506 00:34:57,553 --> 00:35:00,223 Oo, pero aaminin ko, 507 00:35:01,015 --> 00:35:03,059 masarap sa feeling 'yong success. 508 00:35:03,142 --> 00:35:07,980 Proud ako, hindi ako mahihiyang sabihing ambisyosa ako. 509 00:35:08,064 --> 00:35:10,483 Marami pa akong gustong gawin. 510 00:35:12,568 --> 00:35:16,781 Ngayong pareho na tayong… Ako, halos 50 na. Ikaw 51. 511 00:35:17,990 --> 00:35:19,784 -Oh my God. David! -Ikaw ba… 512 00:35:21,077 --> 00:35:23,329 -Pero hindi ba— -One hundred one na tayo. 513 00:35:23,412 --> 00:35:25,665 -Okay ang itsura natin kahit 101 na tayo. -Pero… 514 00:35:26,666 --> 00:35:28,000 Ano'ng kasunod? 515 00:35:28,584 --> 00:35:30,002 Ano'ng sunod? 516 00:35:30,545 --> 00:35:32,338 -Bagong baby? -Sobrang… 517 00:35:32,421 --> 00:35:35,341 Isa pang baby? Diyos ko po. Ayoko na. 518 00:35:38,177 --> 00:35:40,346 Marami pa tayong gustong gawin. 519 00:35:41,139 --> 00:35:44,183 -Hindi ka pa titigil? -Hindi pa. 520 00:35:50,898 --> 00:35:52,400 Good evening sa inyo. 521 00:35:52,483 --> 00:35:56,445 Excited akong i-present sa inyo ang Entrepreneur of the Year award. 522 00:35:56,529 --> 00:35:58,698 Magba-bow ba 'ko sa simula? 523 00:35:59,532 --> 00:36:00,867 Bakit? Andito ba 'yong hari? 524 00:36:00,950 --> 00:36:02,243 -Hello, anak. -Kumusta 'yan? 525 00:36:02,326 --> 00:36:03,411 Ay, hi. 526 00:36:06,038 --> 00:36:10,877 Okay, sasabihin ko, "Salamat sa napakabuti kong asawa, si David. 527 00:36:10,960 --> 00:36:15,506 "Pati sa napakagandang pamilya ko. Habambuhay akong magpapasalamat." 528 00:36:16,007 --> 00:36:18,176 -'Yon lang ang sa 'kin? -Gano'n lang. 529 00:36:18,259 --> 00:36:21,179 Para sa nakaka-inspire na babae na sobrang importante sa 'kin, 530 00:36:21,262 --> 00:36:23,347 ang magaling kong mommy, si Victoria Beckham. 531 00:36:23,890 --> 00:36:25,808 -Ang cute no'n. -Sobrang cute. 532 00:36:25,892 --> 00:36:27,310 -Umiiyak ka ba? -Hindi. 533 00:36:27,393 --> 00:36:28,644 -Umiiyak ka, e. -Hindi, a. 534 00:36:30,354 --> 00:36:31,647 Hindi! Oo na! 535 00:36:31,731 --> 00:36:35,067 -Parang wala naman. -E, bakit mo dinudukot? 536 00:36:35,151 --> 00:36:37,320 Tinitingnan ko lang. Wala naman. 537 00:36:38,029 --> 00:36:40,114 -Akala ko, meron. -Ang sama no'n, a. 538 00:36:40,198 --> 00:36:41,949 -Hindi maganda 'yon. -Akala ko talaga. 539 00:36:42,033 --> 00:36:44,952 Proud ako sa 'yo. Alam kong hindi mo 'ko iki-kiss. 540 00:36:45,036 --> 00:36:48,748 Two hours akong nag-ayos ng buhok at nag-makeup, e. 541 00:36:49,874 --> 00:36:52,084 Ayokong malagyan ng fake tan mo 'yong jacket ko. 542 00:36:52,168 --> 00:36:53,169 Ayos lang. 543 00:36:57,381 --> 00:36:59,217 Harper, gusto mong sumali dito? 544 00:37:00,218 --> 00:37:02,386 Teka, bakit Harper's Bazaar 'yong tawag? 545 00:37:02,470 --> 00:37:05,598 -Pangalan 'yan ng magazine. -Akala ko, dahil sa 'kin. 546 00:37:05,681 --> 00:37:08,601 Para ibigay ang award sa Entrepreneur of the Year 547 00:37:08,684 --> 00:37:11,646 isang karangalan na tawagin sa stage, si Harper Beckham. 548 00:37:11,729 --> 00:37:13,231 Punta na 'ko? 549 00:37:23,324 --> 00:37:24,867 Sobrang kinakabahan ako. 550 00:37:28,120 --> 00:37:31,916 Sobrang excited akong i-present ang Entrepreneur of the Year award. 551 00:37:31,999 --> 00:37:33,584 Lalo na dahil may pasok bukas. 552 00:37:33,668 --> 00:37:36,003 Sana pwedeng hindi ko gawin 'yong assignment ko. 553 00:37:36,879 --> 00:37:40,299 Proud akong i-present ngayong gabi ang Entrepreneur of the Year award 554 00:37:40,383 --> 00:37:43,469 sa nakaka-inspire na babae na sobrang importante sa 'kin, 555 00:37:43,552 --> 00:37:46,180 ang magaling kong mommy, si Victoria Beckham. 556 00:38:45,114 --> 00:38:50,119 Nagsalin ng Subtitle: Erika Ivene Columna