1 00:00:09,509 --> 00:00:12,095 Talagang unique ang wheat namin 2 00:00:12,178 --> 00:00:14,764 dahil sa environment kung saan tumutubo ito. 3 00:00:17,434 --> 00:00:19,310 Sa kabundukan sa lugar namin, 4 00:00:20,979 --> 00:00:24,232 sobrang hirap ng dinadanas ng mga wheat habang tumutubo. 5 00:00:29,696 --> 00:00:30,739 Kapag winter, 6 00:00:30,822 --> 00:00:35,577 nababalot ng puting layer ng frost ang mga seedling ng wheat. 7 00:00:37,996 --> 00:00:41,499 Namamatay 'yong ibang halaman kapag nababalot ng snow, 8 00:00:42,876 --> 00:00:44,669 pero ang wheat, hindi. 9 00:00:46,546 --> 00:00:51,092 Habang mas umiinit at natutunaw ang snow, mas gumaganda at lumalago ang wheat. 10 00:00:54,012 --> 00:00:56,014 Malasa ang wheat. 11 00:00:56,097 --> 00:00:58,391 Mas rich ang aroma ng wheat noodles. 12 00:01:00,518 --> 00:01:03,188 Pagbukas mo pa lang ng takip ng kawali, 13 00:01:03,271 --> 00:01:06,316 mababalot na sa aroma ng noodles ang kuwarto. 14 00:01:09,861 --> 00:01:12,072 Kahit walang nakalagay sa noodles, 15 00:01:12,155 --> 00:01:16,409 maa-appreciate mo ang espesyal na bango nito. 16 00:01:20,955 --> 00:01:24,501 Ilang libong taon na ang tradisyon ng flour-food culture. 17 00:01:25,085 --> 00:01:28,171 'Yon ang isang bagay na hindi ko pwedeng bitawan. 18 00:01:30,840 --> 00:01:33,718 Para sa akin, sobrang precious ng wheat. 19 00:02:49,669 --> 00:02:54,632 {\an8}Sa London, isa ang Chinese food sa mga pinakapaboritong foreign cuisine. 20 00:02:55,800 --> 00:03:00,221 Pero hindi rin no'n nare-represent ang variety ng Chinese cuisine. 21 00:03:02,265 --> 00:03:04,267 Pag nilibot mo ang mga probinsiya sa China, 22 00:03:04,350 --> 00:03:07,645 para kang nasa iba't ibang mundo pagdating sa pagkain. 23 00:03:10,064 --> 00:03:12,400 Kaya para kay Guirong Wei, 24 00:03:13,193 --> 00:03:16,112 hindi lang 'yon negosyo at pagluluto. 25 00:03:18,615 --> 00:03:20,491 Cultural mission din 'yon. 26 00:03:25,663 --> 00:03:29,334 Konti lang talaga ang mga babaeng chef sa China. 27 00:03:30,251 --> 00:03:33,421 Para magtagumpay, dapat mas magaling sila kesa sa iba. 28 00:03:34,422 --> 00:03:36,132 Gano'n si Guirong. 29 00:03:42,847 --> 00:03:45,308 Dumating siya dito nang walang bitbit na kahit ano. 30 00:03:45,391 --> 00:03:47,060 Walang alam sa English. 31 00:03:47,143 --> 00:03:50,021 Pero ngayon, kabubukas lang ng fourth restaurant niya. 32 00:03:51,064 --> 00:03:54,567 Sa London, inilagay niya ang Xi'an food sa mapa. 33 00:03:55,568 --> 00:03:58,154 Isa ang Xi'an sa mga ancient capital sa mundo. 34 00:03:58,238 --> 00:04:03,117 Cultural hub 'yon ng China saka napakahalaga pagdating sa gastronomy. 35 00:04:03,201 --> 00:04:07,747 Naimpluwensiyahan ang cuisine sa Xi'an ng Silk Road at ng Muslim population doon, 36 00:04:07,830 --> 00:04:11,167 gaya ng mga flavor profile at spices na ginagamit nila. 37 00:04:11,251 --> 00:04:14,170 {\an8}Kaya marami sa mga dish na makikita doon, 38 00:04:14,254 --> 00:04:17,465 {\an8}sobrang unique sa region na 'yon ng China. 39 00:04:18,716 --> 00:04:20,009 Pag nagluluto si Guirong, 40 00:04:20,802 --> 00:04:23,179 dinadala ka no'n sa Xi'an. 41 00:04:31,229 --> 00:04:35,483 Ang isang foreign stereotype sa Chinese food, puro 'yon kanin. 42 00:04:36,067 --> 00:04:38,653 Pero galing si Guirong Wei sa North China 43 00:04:38,736 --> 00:04:41,030 kung saan puro sila wheat doon. 44 00:04:41,531 --> 00:04:44,492 Mianshi ang tawag nila do'n, mga flour food. 45 00:04:44,575 --> 00:04:48,162 May dumplings, tinapay, noodles. 46 00:04:48,830 --> 00:04:51,916 Kilala ang Xi'an sa noodles nila. 47 00:04:52,000 --> 00:04:54,419 Marami silang iba't ibang klase. 48 00:04:54,502 --> 00:04:58,464 Minsan hiwa o hand-shaped o hand-stretched. 49 00:04:59,882 --> 00:05:03,261 Sumisikat na sa London ang Xi'an noodles 50 00:05:03,845 --> 00:05:06,389 dahil sa pagsisikap ni Guirong Wei. 51 00:05:21,279 --> 00:05:24,657 Sa amin sa Shaanxi, may halos 100 klase ng noodles. 52 00:05:28,286 --> 00:05:30,788 Biang Biang noodles ang pinakasikat. 53 00:05:33,499 --> 00:05:37,211 Pinapaunawa sa 'yo ng noodles na 'yon ang kultura ng Xi'an. 54 00:05:45,678 --> 00:05:48,806 BIlang tubong Shaanxi na lumaki sa Xi'an, 55 00:05:48,890 --> 00:05:53,269 may obligasyon akong ipagpatuloy ang tradisyon no'ng cuisine. 56 00:05:54,979 --> 00:05:57,690 Kaya ginagamit ko ang traditional handmade technique. 57 00:06:00,777 --> 00:06:03,404 Hindi dapat mawala ang original na aroma ng harina. 58 00:06:06,282 --> 00:06:10,370 Noong bata ako, tinuruan ako ng lola at nanay ko na gumawa ng noodles. 59 00:06:15,291 --> 00:06:18,878 Kapag inihahampas sa board, nagtutunog biang-biang ang dough. 60 00:06:20,088 --> 00:06:21,964 Nae-enjoy ko ang prosesong 'to. 61 00:06:29,639 --> 00:06:33,393 Nilalagyan namin ng seasoning ang noodles 62 00:06:33,476 --> 00:06:38,147 gaya ng lokal na suka, scallions, chili, saka bawang. 63 00:06:39,315 --> 00:06:42,360 Kapag ibinuhos mo ang oil sa itaas ng seasoning, 64 00:06:42,443 --> 00:06:43,903 nagsi-sizzle 'yon. 65 00:06:46,072 --> 00:06:47,990 Sobrang ganda ng noodles. 66 00:06:48,074 --> 00:06:50,743 Tumatalbog-talbog na parang sumasayaw. 67 00:06:54,789 --> 00:06:56,416 Sa unang kagat, 68 00:06:56,499 --> 00:06:58,751 alam kong hindi sapat ang isang bowl. 69 00:07:00,670 --> 00:07:05,174 Malambot 'to, chewy, saka smooth. 70 00:07:07,009 --> 00:07:09,095 Hindi yata ako magsasawa dito. 71 00:07:13,099 --> 00:07:17,478 Gusto kong dalhin ang Shaanxi noodles sa mas marami pang tao sa mundo. 72 00:07:19,355 --> 00:07:23,526 Umaasa ako na marami pang tao ang makakatikim ng Xi'an noodles. 73 00:07:24,277 --> 00:07:26,654 Tungkulin ko 'yon at responsibilidad. 74 00:07:51,888 --> 00:07:56,100 May kasabihan sa China, "Walang ipinanganak para lang sa saya." 75 00:07:58,269 --> 00:08:02,315 Mas mahirap ang kabataan ko kesa sa mga kasabayan ko. 76 00:08:07,695 --> 00:08:10,823 Ipinanganak ako sa south ng Shaanxi Province, China. 77 00:08:12,158 --> 00:08:14,577 Walong daan ang tao sa baryo namin. 78 00:08:16,120 --> 00:08:18,414 Sobrang hirap ng buhay sa buong baryo, 79 00:08:19,707 --> 00:08:22,502 tapos isa sa pinakamahihirap ang pamilya namin. 80 00:08:26,255 --> 00:08:27,715 Magsasaka kami. 81 00:08:30,843 --> 00:08:34,347 Taon-taon, hindi sapat ang pagkain ng pamilya namin. 82 00:08:36,516 --> 00:08:38,184 Panganay ako sa pamilya. 83 00:08:38,935 --> 00:08:40,811 May dalawa akong kapatid na babae. 84 00:08:43,481 --> 00:08:47,735 Noon, sinasabi ng mga Chinese, "Tapos ang lahi sa tatlong anak na babae." 85 00:08:50,404 --> 00:08:55,117 Naisip ng parents ko, dahil walang lalaki, walang gagawa ng mabibigat na trabaho 86 00:08:55,201 --> 00:08:56,994 o susuporta sa pagtanda nila. 87 00:08:59,747 --> 00:09:02,333 Bilang panganay sa pamilya, 88 00:09:03,292 --> 00:09:06,504 obligasyon kong mag-asawa para may lalaki sa bahay. 89 00:09:09,382 --> 00:09:11,884 Tingin ko hindi dapat gano'n. 90 00:09:14,887 --> 00:09:18,474 Dapat lumabas ako at matuto pa sa mundo. 91 00:09:25,356 --> 00:09:26,774 Sabi ko sa sarili ko, 92 00:09:26,857 --> 00:09:30,736 "Kahit wala silang anak na lalaki, ipapakita ko sa kanila 93 00:09:30,820 --> 00:09:34,657 na kasinggaling din ako ng mga lalaki." 94 00:09:52,216 --> 00:09:55,261 Una kong pangarap na makatawid sa Qin Mountains. 95 00:10:01,017 --> 00:10:04,937 Pag-aaral lang ang paraan noon para makaalis kami sa bundok. 96 00:10:08,232 --> 00:10:12,612 Pero hindi kaya ng pamilya namin na paaralin kaming tatlo. 97 00:10:17,074 --> 00:10:19,952 Noong 11 o 12 ako, nagdesisyon ako. 98 00:10:21,829 --> 00:10:25,291 Titigil na ako sa pag-aaral at kikita ako ng pera 99 00:10:26,876 --> 00:10:30,838 para magkaroon ng magandang edukasyon ang mga kapatid ko. 100 00:10:30,921 --> 00:10:33,507 Para gumanda ang buhay ng pamilya namin. 101 00:10:40,139 --> 00:10:42,933 Sa Paomo restaurant ako unang nagtrabaho. 102 00:10:44,935 --> 00:10:47,647 Naghuhugas ng pinggan at gumagawa ng kung ano-ano pa. 103 00:10:51,651 --> 00:10:55,404 Habang naghuhugas ako ng plato, pinapanood ko sa stove ang master chef. 104 00:10:55,488 --> 00:10:57,865 Ang cool ng tingin ko do'n. 105 00:11:01,369 --> 00:11:02,495 May rhythm 'yon. 106 00:11:03,496 --> 00:11:05,289 Kailan ilalagay ang seasoning, 107 00:11:05,873 --> 00:11:07,541 kailan ito-toss 'yong wok, 108 00:11:08,501 --> 00:11:11,128 kailan kakayurin at huhugasan 'yong wok. 109 00:11:12,880 --> 00:11:16,842 Hindi ako nakapag-aral ng music noong bata ako, 110 00:11:16,926 --> 00:11:20,721 pero parang music sa akin 'yong mga tunog sa kitchen. 111 00:11:25,935 --> 00:11:28,312 'Yong tunog pag hinuhugasan ang wok, 112 00:11:28,813 --> 00:11:31,399 'yong pagkiskis ng sandok pag naghahalo, 113 00:11:32,566 --> 00:11:34,443 'yong kaluskos ng apoy. 114 00:11:35,319 --> 00:11:39,115 Alam ko ang nangyayari sa kitchen kahit hindi ako nakatingin. 115 00:11:39,198 --> 00:11:41,492 "Naglalagay ng seasoning ang master chef." 116 00:11:41,575 --> 00:11:45,538 "A, luto na 'yong dish. Inihahain na." 117 00:11:48,749 --> 00:11:53,170 Sabi ko sa sarili ko, "Mapupunta din ako sa posisyong 'yon." 118 00:12:08,018 --> 00:12:10,896 Isang araw, bumalik ang pinsan ko galing Xi'an, 119 00:12:10,980 --> 00:12:13,482 'yong malaking capital city ng probinsiya. 120 00:12:15,526 --> 00:12:17,945 Sabi niya, "Sama ka sa 'kin sa Xi'an. 121 00:12:19,572 --> 00:12:21,490 Maraming trabaho do'n. 122 00:12:22,158 --> 00:12:25,035 Malamang mas malaki ang kikitain mo do'n. 123 00:12:28,622 --> 00:12:32,418 Noong sinabi niya 'yon, nagdesisyon akong pumunta sa Xi'an. 124 00:12:39,675 --> 00:12:41,343 Tutol ang pamilya ko. 125 00:12:43,345 --> 00:12:44,972 Thirteen lang ako noon. 126 00:12:46,599 --> 00:12:50,936 Mahigit sampung oras ang biyahe para makatawid sa Qin Mountains. 127 00:12:52,313 --> 00:12:57,359 Napaisip sila kung babalik pa ako pag pumunta ako sa Xi'an. 128 00:13:02,323 --> 00:13:05,326 Sinabi ko talaga sa kanila na babalik ako. 129 00:13:05,409 --> 00:13:07,620 Di ko pababayaan ang mga magulang ko. 130 00:13:09,872 --> 00:13:12,625 Noong aalis na ako, kinausap ko ang mga kapatid ko. 131 00:13:12,708 --> 00:13:15,961 Itinuro ko 'yong pader sa likod ng kusina namin, tapos sabi ko, 132 00:13:16,587 --> 00:13:19,381 "Kahit noon, magaling na akong estudyante. 133 00:13:19,465 --> 00:13:21,675 Nagsabit ang mga certificate ko sa pader. 134 00:13:23,302 --> 00:13:27,264 Pag hindi kayo nag-aral nang mabuti, problema n'yo 'yon. 135 00:13:28,432 --> 00:13:31,936 'Yong pagbabayad ng tuition n'yo, problema ko." 136 00:13:35,397 --> 00:13:38,859 Optimistic at tapang-tapangan ako sa harap ng pamilya ko. 137 00:13:41,320 --> 00:13:45,574 Pero pag-andar ng bus, umiyak talaga ako. 138 00:14:00,506 --> 00:14:04,343 Pagdating ko sa Xi'an, dinala ako ng pinsan ko sa bayan. 139 00:14:08,055 --> 00:14:09,890 Makasaysayang capital ang Xi'an. 140 00:14:11,600 --> 00:14:15,354 May libo-libong taon 'yon ng mayamang kasaysayan at kaunlaran. 141 00:14:19,024 --> 00:14:21,277 Naramdaman kong sa lungsod na 'yon, 142 00:14:21,360 --> 00:14:24,029 siguradong mahahanap ko ang lugar ko. 143 00:14:33,122 --> 00:14:36,292 Maraming tindahan sa ilalim ng ancient wall ng lungsod. 144 00:14:39,503 --> 00:14:41,714 Maraming iba't ibang pagkain. 145 00:14:43,799 --> 00:14:45,092 Steamed buns, 146 00:14:45,968 --> 00:14:48,679 iba't ibang Xi'an-style dumplings… 147 00:14:53,309 --> 00:14:55,227 saka sobrang daming klase ng noodles. 148 00:14:57,688 --> 00:15:01,066 Akala ko mahilig na sa noodles 'yong mga tao sa amin, 149 00:15:01,150 --> 00:15:03,652 pero mas mahilig pa pala ang mga taga-Xi'an. 150 00:15:09,700 --> 00:15:11,201 Habang naglalakad kami, 151 00:15:11,285 --> 00:15:14,538 sabi ng pinsan ko, "Mag-aral ka ng pwedeng gawin." 152 00:15:19,126 --> 00:15:22,546 Pwede raw akong mag-aral ng flower arrangement. 153 00:15:24,173 --> 00:15:27,134 Sabi ko, "Hindi ko kaya 'yon. Para akong lalaki, o. 154 00:15:27,217 --> 00:15:28,969 Hindi 'yon bagay sa 'kin." 155 00:15:30,304 --> 00:15:33,682 Tapos sabi niya, "Mananahi kaya?" 156 00:15:34,183 --> 00:15:37,478 Sabi ko, "Palaging nakaupo 'yon. Lalong ayaw ko no'n." 157 00:15:38,854 --> 00:15:40,856 Sabi niya, "E, ano'ng gusto mo?" 158 00:15:41,357 --> 00:15:42,232 Sagot ko, 159 00:15:42,316 --> 00:15:44,318 "Gusto kong matutong maging chef." 160 00:15:47,988 --> 00:15:49,990 Sobrang nag-alala ang pinsan ko. 161 00:15:52,660 --> 00:15:55,663 Trabahong panlalaki kasi 'yon. 162 00:15:58,874 --> 00:16:03,712 Sabi ko, "Wag kang mag-alala. Kaya ko rin 'yon gaya ng mga lalaki." 163 00:16:26,276 --> 00:16:30,197 Isa sa pinakasikat na street food sa Xi'an ang Liangpi, 164 00:16:30,280 --> 00:16:31,573 Cold Skin Noodles. 165 00:16:32,533 --> 00:16:36,036 Kombinasyon 'yon ng madulas na white starch noodles 166 00:16:36,120 --> 00:16:39,373 at ng mas chewy na yellow wheat gluten. 167 00:16:40,791 --> 00:16:43,377 Para gawin 'yon, dine-deconstruct ang dough 168 00:16:43,460 --> 00:16:46,213 para maging wheat starch at gluten, 169 00:16:47,172 --> 00:16:50,426 na ilang centuries nang ginagawa ng mga Chinese. 170 00:16:55,681 --> 00:16:57,850 Gagawa muna ako ng dough gamit ang flour 171 00:16:58,350 --> 00:17:00,352 tapos ibababad ko sa tubig. 172 00:17:02,479 --> 00:17:06,316 Huhugasan ko 'yon hanggang maghiwalay ang gluten at starch. 173 00:17:09,778 --> 00:17:11,989 Tapos isi-steam ko ang gluten. 174 00:17:13,490 --> 00:17:18,078 Ginagamit ko 'yong starch water para i-steam ang cold skin. 175 00:17:19,913 --> 00:17:21,165 Pag lumamig na, 176 00:17:21,248 --> 00:17:23,667 hinihiwa ko nang maninipis. 177 00:17:27,588 --> 00:17:31,091 Komplikado 'yong proseso saka matrabaho. 178 00:17:31,675 --> 00:17:33,343 Pero sulit naman. 179 00:17:34,928 --> 00:17:39,475 Ginagawang salad ang Liangpi na may cucumber, bawang, at suka. 180 00:17:40,559 --> 00:17:44,146 Refreshing dish 'yon na sobrang interesting ang texture. 181 00:17:44,229 --> 00:17:47,024 Malambot at madulas tapos may konting lutong. 182 00:17:48,776 --> 00:17:51,487 Kumpletong sensory experience 'yon. 183 00:17:53,614 --> 00:17:57,326 Puno ng innovative techniques ang Chinese cuisine. 184 00:17:57,409 --> 00:18:00,245 Tapos 'yong mga dish na nagagawa ng mga technique na 'yon, 185 00:18:00,329 --> 00:18:04,041 talagang unique sa Chinese kitchen. 186 00:18:06,168 --> 00:18:08,921 Wala kang ibang mahahanap na lugar sa mundo 187 00:18:09,004 --> 00:18:11,465 na meron ng water-washed noodles namin. 188 00:18:12,758 --> 00:18:15,594 Para sa 'kin, walang binatbat ang ibang klase ng cuisine. 189 00:18:16,678 --> 00:18:19,515 Libo-libong taon na rin naman ang cuisine namin. 190 00:18:19,598 --> 00:18:21,391 May dahilan siguro 'yon. 191 00:18:45,666 --> 00:18:48,669 Pagka-graduate ko sa culinary school, 192 00:18:50,212 --> 00:18:54,174 binaha ang lugar namin dahil sa landslide. 193 00:18:56,927 --> 00:18:59,596 Sabi sa 'kin ng kapatid ko sa telepono, 194 00:18:59,680 --> 00:19:03,392 dere-deretso sa bahay namin 'yong tubig. 195 00:19:04,226 --> 00:19:06,603 Kung gumuho 'yong bahay, 196 00:19:06,687 --> 00:19:10,065 baka namatay ang pamilya ko. 197 00:19:15,863 --> 00:19:19,158 Nasa DNA ng mga Chinese na alagaan ang mga magulang nila. 198 00:19:27,708 --> 00:19:32,212 Masama ang loob ko noon kasi ang baba ng sahod ko bilang intern. 199 00:19:36,300 --> 00:19:39,136 Wala akong gaanong ipon para matulungan ang pamilya ko. 200 00:19:42,347 --> 00:19:45,392 Hindi rin ako makabalik agad para makita sila. 201 00:19:48,270 --> 00:19:50,063 Doon ako nagkaroon ng idea. 202 00:19:56,403 --> 00:19:58,989 Dapat galingan ko pa at kumita nang mas malaki 203 00:19:59,072 --> 00:20:01,992 para maipagpatayo ko ng bahay ang mga magulang ko. 204 00:20:06,246 --> 00:20:08,248 Matagal kong pinagplanuhan. 205 00:20:12,169 --> 00:20:15,088 Walang tigil akong nagtrabaho sa kitchen. 206 00:20:18,217 --> 00:20:20,010 Tinutulungan ko rin 'yong iba. 207 00:20:22,763 --> 00:20:24,348 Sa paggawa ng cold dish, 208 00:20:24,848 --> 00:20:26,433 paghiwa ng ingredients, 209 00:20:27,601 --> 00:20:28,936 paghahalo ng dish, 210 00:20:30,646 --> 00:20:32,856 sa paggawa ng mga flour-based dish at iba pa. 211 00:20:36,485 --> 00:20:38,528 Hindi ko 'yon tiningnan na pagsisilbi sa iba. 212 00:20:40,364 --> 00:20:42,032 Para sa pamilya ko 'yon. 213 00:21:06,556 --> 00:21:10,102 Matagal akong nagtrabaho sa hotel. 214 00:21:10,185 --> 00:21:13,897 Ginawa ko ang lahat para mag-improve at matutunan ang craft. 215 00:21:16,316 --> 00:21:20,779 Isang araw, nagpunta ang head chef namin sa Tokyo, Japan. 216 00:21:22,823 --> 00:21:25,200 Kinausap ko 'yong manager tapos sabi ko, 217 00:21:25,284 --> 00:21:28,453 "Tingin ko kaya kong maging head chef. 218 00:21:29,037 --> 00:21:31,164 Pwedeng bigyan n'yo ako ng pagkakataon?" 219 00:21:33,417 --> 00:21:36,461 Sabi niya, "Sige, pwede mong subukang maging head chef." 220 00:21:44,845 --> 00:21:47,556 Nag-alala ako, lalo na sa isang bagay. 221 00:21:48,473 --> 00:21:51,184 Babae ako, ako lang ang babae sa kitchen, 222 00:21:51,268 --> 00:21:54,104 tapos in charge ako sa mga lalaking mas matanda kesa sa 'kin. 223 00:21:56,773 --> 00:21:59,192 Mas marami silang karanasan kesa sa 'kin. 224 00:22:01,194 --> 00:22:05,490 Pag nag-a-attendance ako, ako ang pinakabata at nag-iisang babae. 225 00:22:05,574 --> 00:22:08,744 Nakatingin ako sa hilera ng mga lalaki habang nagro-roll call. 226 00:22:10,662 --> 00:22:12,456 Sa China, konti lang ang babae 227 00:22:12,539 --> 00:22:16,251 na in charge sa kitchen at in charge sa mga wok. 228 00:22:17,961 --> 00:22:21,131 Hindi pambabae ang tingin do'n saka mahirap gawin. 229 00:22:22,049 --> 00:22:23,633 'Yong mga babaeng head ng kitchen, 230 00:22:23,717 --> 00:22:26,261 dapat determinado silang magpakitang-gilas 231 00:22:26,345 --> 00:22:27,804 at daigin ang mga lalaki. 232 00:22:32,059 --> 00:22:34,853 Naramdaman ko namang hindi 'yon magiging madali. 233 00:22:36,855 --> 00:22:41,109 Pero kumbinsido pa rin ako na kaya ko. 234 00:22:44,946 --> 00:22:47,866 Nagpatuloy lang ako sa kitchen, 235 00:22:47,949 --> 00:22:50,619 ginagawa ang trabaho ko araw-araw. 236 00:22:53,330 --> 00:22:55,332 Unti-unting nakapag-adjust ang team namin. 237 00:22:57,542 --> 00:23:01,254 Hanggang sa naging maayos ang trabaho nila sa 'kin. 238 00:23:03,215 --> 00:23:06,426 Natupad na ang pangarap kong mag-manage ng kitchen. 239 00:23:16,561 --> 00:23:17,938 Walang cucumber shreds? 240 00:23:22,150 --> 00:23:25,362 Hindi kailangan ng cucumber shreds dito, kaya wala. 241 00:23:28,949 --> 00:23:31,076 Bilang head chef sa Xi'an, 242 00:23:31,159 --> 00:23:33,745 talagang napabilib ni Guirong ang mga katrabaho niya. 243 00:23:37,165 --> 00:23:38,875 Tapos noong 2008, 244 00:23:39,459 --> 00:23:42,921 nagkaroon siya ng oportunidad na pumunta sa London 245 00:23:43,004 --> 00:23:46,341 at magtrabaho sa Barshu, sikat na Sichuanese restaurant. 246 00:23:52,013 --> 00:23:56,643 Sobrang excited ako kasi mataas ang sahod sa London. 247 00:23:59,438 --> 00:24:02,357 Naisip ko, pag nagtrabaho ako nang isang taon sa abroad, 248 00:24:02,441 --> 00:24:05,026 maipagpapatayo ko ng bahay ang mga magulang ko. 249 00:24:07,112 --> 00:24:09,531 Saka matagal ko nang pangarap mag-abroad. 250 00:24:11,366 --> 00:24:15,162 Pero hindi 'yon parang pupunta lang sa Xi'an galing sa amin. 251 00:24:23,503 --> 00:24:25,130 Unang beses ko sa eroplano. 252 00:24:30,886 --> 00:24:33,722 Pagtapak ko sa British soil, 253 00:24:33,805 --> 00:24:35,891 gusto ko nang makita ang Britain. 254 00:24:37,851 --> 00:24:39,478 Umaambon sa labas. 255 00:24:43,815 --> 00:24:46,526 Mga 4:30 p.m. noon tapos madilim na. 256 00:24:48,487 --> 00:24:50,864 Sobrang kipot ng mga daan. 257 00:24:53,158 --> 00:24:55,285 Walang bago o matataas na building. 258 00:24:57,245 --> 00:24:58,914 Developed daw ang London, 259 00:24:58,997 --> 00:25:01,750 pero mga lumang bahay lang ang nakikita ko. 260 00:25:05,837 --> 00:25:07,088 Na-anxious ako. 261 00:25:26,983 --> 00:25:30,070 Maraming iba't ibang uri ng cuisine sa London. 262 00:25:32,113 --> 00:25:34,783 Nakakain ako ng Malaysian food, Spanish food, 263 00:25:35,534 --> 00:25:36,493 saka pizza. 264 00:25:38,161 --> 00:25:41,206 Pero hindi pa well-developed ang Chinese food. 265 00:25:43,124 --> 00:25:45,043 Konti lang ang mga taga-Xi'an dito 266 00:25:45,544 --> 00:25:46,878 saka walang mga noodle shop. 267 00:25:51,466 --> 00:25:55,804 Pagdating ni Guirong Wei sa London, nagtrabaho siya sa Barshu restaurant. 268 00:25:57,097 --> 00:26:00,892 'Yon ang unang malaking Sichuanese resto sa London. 269 00:26:01,476 --> 00:26:03,353 Successful 'yong restaurant. 270 00:26:04,354 --> 00:26:09,192 Handa na pala talaga ang mga taga-London sa bagong lasa ng Chinese food. 271 00:26:10,652 --> 00:26:15,031 Nasa hindi pamilyar na lugar si Guirong, di siya marunong no'ng lenggwahe. 272 00:26:15,907 --> 00:26:19,536 Pero determinado at pursigido siya. 273 00:26:21,955 --> 00:26:26,251 Ako lang ang chef sa team na hindi galing sa Sichuan. 274 00:26:28,712 --> 00:26:33,133 Magkaiba ang traditional Shaanxi cuisine at Sichuan cuisine. 275 00:26:35,176 --> 00:26:37,846 Mahilig akong magluto ng mga pagkain sa amin. 276 00:26:39,681 --> 00:26:41,057 Kaya isang araw, 277 00:26:41,141 --> 00:26:44,019 nagluto ako ng Biang Biang noodles para ipakain sa staff. 278 00:26:46,605 --> 00:26:48,940 Sabi nila, "Masarap 'to." 279 00:26:51,443 --> 00:26:53,153 Sobrang saya ko talaga no'n. 280 00:26:55,530 --> 00:26:57,574 Kaya tuwing Linggo nang gabi, 281 00:26:57,657 --> 00:26:59,534 gumagawa ako ng iba't ibang flour food. 282 00:27:02,996 --> 00:27:05,582 Inaabangan ng mga katrabaho ko ang Linggo. 283 00:27:07,042 --> 00:27:09,461 "Sa wakas, pahinga muna sa Sichuan food. 284 00:27:09,544 --> 00:27:11,421 Shaanxi flour food naman." 285 00:27:13,673 --> 00:27:15,550 Na-inspire talaga ako 286 00:27:16,259 --> 00:27:19,554 na magtayo ng noodle shop ng mga pagkain sa lugar namin. 287 00:27:39,532 --> 00:27:40,659 Kauuwi mo lang? 288 00:27:42,243 --> 00:27:43,620 Mga 9:00 ako nakauwi. 289 00:27:44,245 --> 00:27:45,622 Nasa'n si Little Lemon? 290 00:27:47,082 --> 00:27:49,000 Nasa Hunan pa. 291 00:27:49,084 --> 00:27:49,918 Okay. 292 00:27:50,001 --> 00:27:51,503 Nag-eenjoy siya do'n 293 00:27:51,586 --> 00:27:54,964 kaya do'n muna siya sa atin bago magpasukan. 294 00:27:55,048 --> 00:27:56,091 Sa bagay. 295 00:27:56,174 --> 00:27:58,968 Baka nga ayaw na niyang pumasok sa school, e. 296 00:27:59,594 --> 00:28:02,430 Ang pilya, parang si Little Yue Yue no'ng bata siya. 297 00:28:03,431 --> 00:28:04,265 Oo. 298 00:28:04,349 --> 00:28:07,394 Magaling sumuyo sa lolo at lola niya. 299 00:28:08,353 --> 00:28:10,105 Nasakay sa leeg ng lolo. 300 00:28:10,188 --> 00:28:11,022 A… 301 00:28:12,273 --> 00:28:15,902 Siya ang boss sa bahay ng lolo at lola niya. 302 00:28:19,155 --> 00:28:21,491 Pitong taon akong nagtrabaho sa Barshu. 303 00:28:23,284 --> 00:28:26,579 Noong mga panahong 'yon, maayos naman ang trabaho ko. 304 00:28:27,330 --> 00:28:28,832 - Ibababa ko na, ha? - Okay. 305 00:28:32,210 --> 00:28:35,797 Taon-taon, binibigyan ko ng extra na pera ang mga magulang ko 306 00:28:35,880 --> 00:28:38,591 para makapagtuloy ng pag-aaral ang mga kapatid ko. 307 00:28:42,053 --> 00:28:44,514 Hindi ako masyadong kontento. 308 00:28:49,269 --> 00:28:52,564 Pwedeng tinuloy-tuloy ko na lang ang career ko sa Barshu. 309 00:28:57,485 --> 00:29:00,447 Pero gusto ko pa rin talagang 310 00:29:00,530 --> 00:29:04,159 ipakilala sa mga Westerner ang flour-food culture ng Shaanxi. 311 00:29:09,330 --> 00:29:12,000 Kaya sabi ko sa boss ko, 312 00:29:12,083 --> 00:29:14,794 "Gusto ko talagang magbukas ng restaurant." 313 00:29:17,088 --> 00:29:19,883 Ayaw niyang mag-resign ako at umalis. 314 00:29:19,966 --> 00:29:22,927 Sabi niya, "Maganda ang takbo ng restaurant natin. 315 00:29:25,305 --> 00:29:28,475 Pwedeng ikaw ang head chef pag nag-expand tayo sa bagong puwesto. 316 00:29:31,394 --> 00:29:35,231 Pwede rin kitang ipadala sa Michelin star restaurant para matuto. 317 00:29:35,315 --> 00:29:36,441 Parehong maganda 'yon." 318 00:29:39,819 --> 00:29:42,322 Sabi ko, "Gusto kong matuto, 319 00:29:42,405 --> 00:29:46,534 pero hindi 'yon ang direksiyon ng pangarap ko." 320 00:29:49,746 --> 00:29:52,290 Tinanggihan ko 'yong alok niya. 321 00:29:53,958 --> 00:29:56,920 Tapos umalis na ako sa Barshu. 322 00:30:09,557 --> 00:30:12,143 Nag-lease ako para sa una kong restaurant. 323 00:30:16,314 --> 00:30:19,943 Sa simula, kailangan kong mag-draft ng menu. 324 00:30:24,155 --> 00:30:27,784 Dapat kasama do'n 'yong mga core dish ng Shaanxi cuisine. 325 00:30:31,371 --> 00:30:32,831 Pero nag-alala ako 326 00:30:32,914 --> 00:30:35,667 na baka hindi maging receptive ang mga Westerner. 327 00:30:42,423 --> 00:30:45,218 Mahilig kaming mga taga-North sa chewy noodles. 328 00:30:47,762 --> 00:30:50,849 Para sa maraming restaurant owner, challenge 'yon. 329 00:30:55,103 --> 00:30:58,773 Di nila ma-imagine na magbebenta sila ng glutinous noodles sa London. 330 00:31:00,400 --> 00:31:01,276 HAND-ROLLED NOODLES 331 00:31:01,359 --> 00:31:04,279 Hindi daw magugustuhan ng mga Western na customer. 332 00:31:05,822 --> 00:31:08,074 Pag nagluluto kami ng Sichuan food sa Barshu, 333 00:31:08,157 --> 00:31:13,162 mas konting Sichuan pepper ang gamit namin kasi mababa ang tolerance ng Westerners. 334 00:31:17,292 --> 00:31:22,005 Sa hometown-style restaurant ko, ayokong baguhin ang food culture namin. 335 00:31:27,468 --> 00:31:30,179 Nag-import ako ng mga sili na galing sa China. 336 00:31:30,680 --> 00:31:32,473 Nagdikdik ako ng sariling chili powder. 337 00:31:35,226 --> 00:31:37,604 Di ko alam ang mangyayari sa negosyo ko. 338 00:31:39,480 --> 00:31:40,899 Medyo takot ako. 339 00:31:42,734 --> 00:31:45,820 Noon lang nakakita ang staff ko ng Shaanxi noodles 340 00:31:46,529 --> 00:31:48,573 kaya tinuruan ko sila mula sa simula. 341 00:31:49,991 --> 00:31:52,493 Sa tapat ng Xi'an Impression resto ko, 342 00:31:52,577 --> 00:31:55,830 may dalawang mataas na building na maraming nakatira. 343 00:31:57,123 --> 00:31:59,042 Bumababa sila para i-try ang pagkain namin. 344 00:31:59,125 --> 00:32:03,796 Unti-unti, bumabalik ang customers namin. Dalawa, tatlo, apat na araw, sunod-sunod. 345 00:32:08,551 --> 00:32:11,804 Kahit di kami mag-advertise, sapat na ang word of mouth. 346 00:32:13,973 --> 00:32:16,142 After three weeks, 347 00:32:17,685 --> 00:32:19,771 tinawagan ako ng The Guardian. 348 00:32:20,521 --> 00:32:22,273 MALINAMNAM NA PAGKA-STRETCHY AT CHEWY 349 00:32:22,357 --> 00:32:24,317 Tumawag din ang Time Out 350 00:32:25,318 --> 00:32:26,444 para i-feature kami. 351 00:32:26,527 --> 00:32:27,362 NOODLES ANG BIDA RITO 352 00:32:30,823 --> 00:32:32,158 Nagulat talaga ako. 353 00:32:35,370 --> 00:32:38,039 Tapos ayun, nag-boom na 'yong negosyo. 354 00:32:40,416 --> 00:32:42,126 Natuwa talaga ako do'n. 355 00:33:07,068 --> 00:33:08,403 After two months, 356 00:33:08,486 --> 00:33:11,990 nakaramdam ako ng hindi maganda sa buong katawan ko. 357 00:33:12,073 --> 00:33:16,035 Akala ko pagod lang ako dahil sa restaurant. 358 00:33:20,039 --> 00:33:22,583 Pumunta ako sa doktor tapos ang tanong niya, 359 00:33:22,667 --> 00:33:25,294 "Di mo alam na tatlong buwan ka nang buntis?" 360 00:33:25,378 --> 00:33:26,713 Sabi ko hindi ko alam. 361 00:33:36,222 --> 00:33:40,435 Hindi ko alam ang gagawin ko noon. 362 00:33:43,980 --> 00:33:49,152 Sobrang hirap magpalago ng career 363 00:33:49,944 --> 00:33:52,864 habang buntis ka. 364 00:33:59,746 --> 00:34:04,375 Naiisip ko na noon pa na mga restaurant ang calling ko. 365 00:34:06,502 --> 00:34:09,714 Pwedeng mabago ng negosyong ito ang kapalaran ng pamilya ko. 366 00:34:12,050 --> 00:34:13,885 Hindi ko 'yon pwedeng bitawan. 367 00:34:18,639 --> 00:34:20,600 Hindi ko alam ang mangyayari, 368 00:34:21,100 --> 00:34:23,352 pero sobrang determinado ako. 369 00:34:26,189 --> 00:34:27,565 Nag-alala ang mga kaibigan ko. 370 00:34:27,648 --> 00:34:30,610 "Bakit nasa kitchen ka kahit malaki na ang tiyan mo 371 00:34:30,693 --> 00:34:32,445 tapos puro kutsilyo at wok?" 372 00:34:33,780 --> 00:34:35,114 "Di ka ba natatakot?" 373 00:34:38,826 --> 00:34:43,206 Sabi ko gagawa ako ng paraan para magawa ko ang gusto kong gawin. 374 00:34:43,873 --> 00:34:46,793 'Yong magkaanak ako at magkaroon ng career. 375 00:35:04,644 --> 00:35:08,189 Nagpahinga ako nang isang buwan pagkatapos kong manganak. 376 00:35:08,981 --> 00:35:12,401 Tapos nag-hire ako ng yaya para alagaan siya, 377 00:35:12,485 --> 00:35:15,321 para makapagtrabaho ulit ako. 378 00:35:20,368 --> 00:35:21,744 Dahil okay ang negosyo, 379 00:35:23,246 --> 00:35:26,040 nagbukas ako ng pangalawang restaurant, ang Master Wei. 380 00:35:28,459 --> 00:35:30,128 Nagtatrabaho ako nang 7 a.m. 381 00:35:30,211 --> 00:35:33,756 Minsan hatinggabi o 1:00 a.m. na ako nakakauwi. 382 00:35:35,633 --> 00:35:38,803 Iinitin ko 'yong oil do'n. Wag mong lagyan ng tubig. 383 00:35:38,886 --> 00:35:41,139 Ayos lang 'yon. Natuyo lang 'yong wok. 384 00:35:43,766 --> 00:35:46,185 Madalas noong bata pa ang anak ko, 385 00:35:47,812 --> 00:35:49,981 hindi ko siya masyadong nakakasama. 386 00:35:56,612 --> 00:35:58,823 Hindi ko alam ang mararamdaman ko. 387 00:36:00,825 --> 00:36:04,453 Di ko alam kung dapat bang mas bigyan ko ng oras ang anak ko 388 00:36:04,537 --> 00:36:09,458 o kung dapat ibuhos ko ang panahon ko at sipagan ko pa sa mga restaurant ko. 389 00:36:12,044 --> 00:36:16,591 Pinakamahirap noong nilagnat ang anak ko 390 00:36:18,301 --> 00:36:20,136 tapos hindi ko siya mapuntahan. 391 00:36:22,013 --> 00:36:24,640 Dinala siya ng kaibigan ko sa ospital. 392 00:36:28,269 --> 00:36:32,815 Tanong nang tanong ang anak ko, "Mama, kailan ka magpapahinga kasama ko?" 393 00:36:34,525 --> 00:36:37,195 Ayaw ng anak ko na masyado akong nagtatrabaho. 394 00:36:46,370 --> 00:36:48,414 Hindi ako naging mabuting ina. 395 00:36:51,042 --> 00:36:52,877 Di ko alam ang gagawin ko noon. 396 00:37:06,224 --> 00:37:08,100 - Hawak ka sa kamay ko. - Okay. 397 00:37:10,144 --> 00:37:12,396 - Naririnig mo 'yong mga bibe? - Oo. 398 00:37:15,733 --> 00:37:18,194 Wow, gutom na siguro sila, 'no? 399 00:37:18,277 --> 00:37:19,403 Oo. 400 00:37:21,322 --> 00:37:22,823 Mama, dito tayo. 401 00:37:22,907 --> 00:37:23,866 Saan? 402 00:37:23,950 --> 00:37:24,909 Dito. 403 00:37:28,746 --> 00:37:29,664 Tulungan kita. 404 00:37:30,957 --> 00:37:31,874 Ilagay mo dito. 405 00:37:36,963 --> 00:37:39,090 Ayan na sila! 406 00:37:46,639 --> 00:37:50,434 Gusto kong bigyan ang anak ko ng mas magandang buhay 407 00:37:50,518 --> 00:37:51,811 kesa sa naranasan ko. 408 00:37:54,355 --> 00:37:56,607 Na magkaroon siya ng magandang edukasyon. 409 00:37:56,691 --> 00:37:59,151 Wala akong choice kundi magsipag nang ganito. 410 00:38:02,780 --> 00:38:05,283 Kailangan kong maniwala na worth it ang lahat. 411 00:38:07,410 --> 00:38:08,869 Pa'no pag nahulog ka? 412 00:38:09,412 --> 00:38:10,830 Ililigtas mo 'ko. 413 00:38:10,913 --> 00:38:12,290 A, gano'n? 414 00:38:12,373 --> 00:38:14,875 Di ako marunong lumangoy. Marunong ka ba? 415 00:38:15,376 --> 00:38:16,919 - Marunong ka? - Konti. 416 00:38:17,003 --> 00:38:18,254 Konti? 417 00:38:18,337 --> 00:38:19,297 Masaya ba? 418 00:38:19,380 --> 00:38:20,214 Oo. 419 00:38:24,176 --> 00:38:25,386 Halika, Yue. 420 00:38:28,973 --> 00:38:31,892 Kapag nagkakaroon ako ng bakanteng oras, 421 00:38:33,436 --> 00:38:37,606 ipinapasyal ko siya para makita niya ang mundo at matuto siya. 422 00:38:42,361 --> 00:38:44,488 Bihira akong magkaoras sa kanya, 423 00:38:46,532 --> 00:38:50,202 pero kaya ko siyang bigyan ng oportunidad na makapag-aral. 424 00:38:52,538 --> 00:38:54,415 'Yon ang responsibilidad ko sa buhay. 425 00:38:57,501 --> 00:38:59,337 Wow, paano mo naiihagis nang malayo? 426 00:38:59,420 --> 00:39:00,463 Ewan ko. 427 00:39:00,546 --> 00:39:02,715 Basta paghagis ko, 428 00:39:02,798 --> 00:39:03,883 malayo. 429 00:39:03,966 --> 00:39:05,134 A, okay. 430 00:39:06,177 --> 00:39:08,137 - Turuan mo ako, ha? - Okay. 431 00:39:10,848 --> 00:39:13,476 Pinapasok ko ang anak ko sa magandang school. 432 00:39:15,227 --> 00:39:17,438 Sobrang saya niya sa interview niya. 433 00:39:17,521 --> 00:39:20,775 Magaling siyang sumagot sa mga tanong. 434 00:39:22,860 --> 00:39:25,863 Sabi ng principal, "Welcome sa school namin." 435 00:39:27,990 --> 00:39:29,450 Ang sarap sa pakiramdam. 436 00:39:31,202 --> 00:39:32,328 Ano'ng sabi nila? 437 00:39:32,411 --> 00:39:34,205 - Nag-uusap sila, di ba? - Oo. 438 00:39:34,288 --> 00:39:36,374 - Nagdadaldalan. - Alam ko ang sabi. 439 00:39:37,625 --> 00:39:40,044 "Hello, kumain ka din ng tinapay?" 440 00:39:40,127 --> 00:39:42,755 "Ang sarap-sarap." 441 00:39:45,591 --> 00:39:47,593 Dahil malayo 'yong school, 442 00:39:48,594 --> 00:39:51,138 lumipat ako sa south. 443 00:39:53,140 --> 00:39:59,605 Nagko-commute ako nang 3.5 hours araw-araw papasok sa trabaho at pauwi. 444 00:40:01,899 --> 00:40:06,153 Kahit mahirap, tingin ko worth it naman. 445 00:40:07,113 --> 00:40:09,740 Masaya ang anak ko sa school. 446 00:40:11,700 --> 00:40:14,662 Gusto niya, mas madalas kaming magkasama. 447 00:40:16,622 --> 00:40:18,374 Pero ngayon, naiintindihan na niya 448 00:40:18,457 --> 00:40:22,503 kung bakit nagtatrabaho nang mabuti ang mama niya araw-araw. 449 00:42:24,208 --> 00:42:25,417 Yue, ibabalot kita. 450 00:42:25,918 --> 00:42:27,878 Halika. Ibabalot na kita. 451 00:42:28,587 --> 00:42:29,421 Ayos ba? 452 00:42:30,005 --> 00:42:31,423 Ibabalot kita dito? 453 00:42:31,924 --> 00:42:33,634 Kasyang-kasya ka dito. 454 00:42:35,594 --> 00:42:39,306 Pakiramdam ko, noon pa man, nasa tamang landas na ako. 455 00:42:42,643 --> 00:42:46,564 Hindi lang natupad ng pagluluto ang sariling pangarap ko 456 00:42:46,647 --> 00:42:48,274 na magawa ko ang gusto ko, 457 00:42:48,357 --> 00:42:51,318 kundi nakatulong din para gumanda ang buhay ng pamilya ko. 458 00:42:54,113 --> 00:42:57,575 May mga sariling buhay na ang dalawang kapatid ko. 459 00:42:59,410 --> 00:43:01,704 Doktor 'yong bunso kong kapatid. 460 00:43:04,957 --> 00:43:08,377 Tapos maayos din ang buhay no'ng isang kapatid ko sa Xi'an. 461 00:43:12,256 --> 00:43:14,258 Sinusuportahan ko pa rin ang mga magulang ko. 462 00:43:15,593 --> 00:43:19,346 Nagpatayo ako ng apat na bungalow para sa pamilya ko. 463 00:43:23,684 --> 00:43:25,978 Ngayon, iniisip na ng mga magulang ko, 464 00:43:26,061 --> 00:43:29,231 mas magaling ang anak nilang babae kesa sa mga anak na lalaki ng iba. 465 00:43:31,275 --> 00:43:35,613 Sana paglaki ng anak ko, ma-realize niya ang potential niya. 466 00:43:39,033 --> 00:43:43,120 Hindi ko siya pipilitin o pipigilan sa kahit ano. 467 00:43:45,623 --> 00:43:47,374 Alam din ng anak ko 'yon. 468 00:43:52,880 --> 00:43:56,425 Dahil sa pagsisikap ng mga restaurateur na kagaya ni Guirong, 469 00:43:56,508 --> 00:44:00,304 nabasag 'yong lumang stereotype ng Chinese cuisine. 470 00:44:02,473 --> 00:44:04,308 Nakabukas ang pinto 471 00:44:04,391 --> 00:44:07,353 para makita ng mga Westerner ang variety ng Chinese cuisine. 472 00:44:08,771 --> 00:44:10,731 Hindi 'yon tulad ng inakala mo. 473 00:44:11,231 --> 00:44:13,192 Marami ka pang madi-discover. 474 00:44:14,068 --> 00:44:18,197 At si Guirong Wei ang naging leading light ng Xi'an food sa London. 475 00:44:21,825 --> 00:44:25,829 Hanggang ngayon, parang Shaanxi wheat ang buhay ko. 476 00:44:27,706 --> 00:44:30,376 Pursigido at matatag ang wheat 477 00:44:30,459 --> 00:44:32,461 sa unti-unting pagtubo nito. 478 00:44:34,630 --> 00:44:36,507 Hindi madali ang landas ko, 479 00:44:36,590 --> 00:44:39,635 pero hinubog ako ng mga pagsubok na kinaharap ko 480 00:44:39,718 --> 00:44:43,472 para maging responsableng tao at magkaroon ng sariling isip. 481 00:44:44,473 --> 00:44:48,769 Sana parang wheat din ang kinabukasan ko. 482 00:44:50,062 --> 00:44:53,148 Unti-unting nalalampasan ang mga pagsubok. 483 00:46:50,098 --> 00:46:53,685 Nagsalin ng Subtitle: Moonnette Maranan