1 00:00:09,583 --> 00:00:10,583 ‎Nido! 2 00:00:16,041 --> 00:00:17,125 ‎Nido! 3 00:00:23,166 --> 00:00:24,166 ‎Nido! 4 00:00:27,416 --> 00:00:29,375 ‎-Tingnan mo sa taas! ‎-Okay, titingnan ko. 5 00:00:30,083 --> 00:00:31,291 ‎Nido! 6 00:00:35,791 --> 00:00:36,833 ‎Ndleleni! 7 00:00:42,166 --> 00:00:43,750 ‎Binabantayan mo siya, Sibande. 8 00:00:43,833 --> 00:00:45,458 ‎Dapat sinabihan mo ako na papunta na siya. 9 00:00:46,791 --> 00:00:49,333 ‎Kung alam ni Titus na ako ang impormante, ‎ano kaya ang magiging reaksiyon niya? 10 00:00:49,416 --> 00:00:50,541 ‎Tututukan niya ako ng baril, 11 00:00:50,625 --> 00:00:53,458 ‎papuputukin at hahayaan akong mamatay ‎na parang aso. 12 00:00:53,541 --> 00:00:58,041 ‎Sibande, nakapatay na si Titus ng mga tao ‎sa mas mababaw na dahilan, mas mura. 13 00:00:58,125 --> 00:01:01,583 ‎Hindi ko isasakripisyo ang buhay ko ‎at buhay namin kung di kami protektado. 14 00:01:01,666 --> 00:01:03,333 ‎Ano ba talagang sinabi niya? 15 00:01:03,416 --> 00:01:05,541 ‎Nakatanggap siya ng tip ‎na gusto siyang arestuhin ng mga pulis. 16 00:01:06,416 --> 00:01:09,291 ‎Makinig ka, Mandla, ‎may posibilidad na tatakas si Titus. 17 00:01:09,375 --> 00:01:11,083 ‎Hindi puwedeng mangyari 'yon. 18 00:01:11,166 --> 00:01:12,375 ‎Ang lapit na natin. 19 00:01:12,458 --> 00:01:16,250 ‎Kung tatakas si Titus, ‎masisira ang buong operasyon. 20 00:01:16,333 --> 00:01:17,708 ‎Kailangan nating kumilos. 21 00:01:17,791 --> 00:01:19,083 ‎At hangga't di natin nagagawa 'yon, 22 00:01:19,166 --> 00:01:23,708 ‎gawin mo ang lahat ‎para pakalmahin siya at pasunurin. 23 00:01:23,791 --> 00:01:24,958 ‎Okay. 24 00:01:25,541 --> 00:01:26,541 ‎Okay. 25 00:01:26,625 --> 00:01:28,250 ‎Kung hindi niya muna ako papatayin, 26 00:01:28,333 --> 00:01:30,166 ‎paano ko gagawin 'yon? 27 00:01:30,250 --> 00:01:32,416 ‎Alam mo kung paano gumalaw ‎ang mga kriminal. 28 00:01:32,500 --> 00:01:35,000 ‎Gamitin mo ang utak mo ‎at gawan mo ng paraan. 29 00:01:35,083 --> 00:01:37,375 ‎Pag nakatakas si Titus, 30 00:01:37,458 --> 00:01:40,458 ‎kasama niyang mawawala ‎ang lahat ng pinaghirapan natin. 31 00:01:41,500 --> 00:01:43,708 ‎Nagkakaintindihan ba tayo? 32 00:02:10,833 --> 00:02:13,250 {\an8}‎Sana nakita mo ‎kung paano niya ako tiningnan. 33 00:02:15,375 --> 00:02:16,833 {\an8}‎Punong-puno... 34 00:02:18,791 --> 00:02:20,208 {\an8}‎ng galit at pandidiri 35 00:02:21,625 --> 00:02:22,791 {\an8}‎ang mga mata niya. 36 00:02:29,125 --> 00:02:30,416 {\an8}‎Ano'ng gagawin natin? 37 00:02:33,666 --> 00:02:35,458 ‎Wala tayong magagawa ngayon. 38 00:02:37,875 --> 00:02:41,500 ‎Hayaan muna natin siyang mapag-isa. 39 00:02:43,666 --> 00:02:44,875 ‎Magiging maayos din ang lahat. 40 00:03:05,000 --> 00:03:06,166 ‎Wow. 41 00:03:06,750 --> 00:03:07,875 ‎Salamat. 42 00:03:13,958 --> 00:03:15,708 ‎Abogado ko 'yon. 43 00:03:19,125 --> 00:03:22,416 ‎Sabi niya pinirmahan na ni Akin ‎ang mga papeles. 44 00:03:29,333 --> 00:03:31,125 ‎Opisyal na kaming divorced. 45 00:03:32,250 --> 00:03:33,541 ‎Pasalamatan mo si Khumalo. 46 00:03:35,333 --> 00:03:37,083 ‎Mzilikazi kaMashobane. 47 00:03:38,916 --> 00:03:40,791 ‎Matutuwa siya. 48 00:03:42,666 --> 00:03:46,208 ‎Magandang balita 'to. 49 00:03:47,083 --> 00:03:48,083 ‎Kuya. 50 00:03:49,375 --> 00:03:51,750 ‎Puwede ba nating pag-usapan si Titus? 51 00:03:53,291 --> 00:03:54,500 ‎Ano sa tingin mo? 52 00:03:55,500 --> 00:03:57,000 ‎Sobra akong kinakabahan. 53 00:03:57,083 --> 00:03:58,375 ‎'Yon ang iniisip ko. 54 00:04:00,291 --> 00:04:02,250 ‎Alam mo, si Titus... 55 00:04:03,875 --> 00:04:05,583 ‎hindi siya babagsak mag-isa. 56 00:04:05,666 --> 00:04:08,458 ‎Hindi niya hahayaang mangyari 'yon. ‎Hindi mangyayari 'yon. 57 00:04:08,541 --> 00:04:11,833 ‎Baka kailangan kong dumistansiya. 58 00:04:11,916 --> 00:04:14,666 ‎Umalis muna sa probinsiya. 59 00:04:14,750 --> 00:04:16,083 ‎Saan ka pupunta? 60 00:04:16,166 --> 00:04:17,708 ‎Hindi mo gagawin 'yon. 61 00:04:17,791 --> 00:04:21,375 ‎Nakipagsabwatan ka kay Titus at sa A6. 62 00:04:21,458 --> 00:04:24,500 ‎Hindi mo puwedeng iwanan ‎sa pamilya mo ang problema. 63 00:04:24,583 --> 00:04:26,541 ‎Kalat mo 'to, ‎at ikaw dapat ang mag-ayos nito! 64 00:04:26,625 --> 00:04:33,375 ‎Okay, paano kung papunta na pala siya ‎sa airport ngayon? 65 00:04:34,666 --> 00:04:38,458 ‎Malapit na siyang maging presidente. 66 00:04:38,541 --> 00:04:41,166 ‎Hindi niya hahayaang masira 'yon, 67 00:04:41,250 --> 00:04:43,875 ‎matapos ang lahat ng ginawa niya ‎para makuha 'yon. 68 00:04:46,625 --> 00:04:47,916 ‎Siguro nga. 69 00:04:48,541 --> 00:04:49,750 ‎Kuya. 70 00:04:52,791 --> 00:04:56,500 ‎Kailangang maniwala ni Titus ‎na puwede ka pa niyang pagkatiwalaan, 71 00:04:56,583 --> 00:04:58,291 ‎na hindi ka pa nababaligtad. 72 00:04:58,375 --> 00:04:59,541 ‎Pag ginawa mo 'yon, 73 00:05:00,125 --> 00:05:02,833 ‎maniniwala siya sa lahat ‎ng sasabihin mo sa kaniya. 74 00:05:07,625 --> 00:05:09,416 ‎Paano ka nakakasiguro? 75 00:05:09,500 --> 00:05:10,750 ‎Sibande. 76 00:05:10,833 --> 00:05:15,541 ‎Kung tama ang hinala niya, ‎matatakot si Titus. 77 00:05:16,458 --> 00:05:19,750 ‎Kilala mo ang lalaking 'yon, ‎sarili lang niya ang iniisip niya. 78 00:05:20,375 --> 00:05:22,375 ‎Ikaw dapat ang maging boses ng katwiran. 79 00:05:22,458 --> 00:05:24,416 ‎Ipaunawa mo sa kaniya ‎kung ano'ng nakataya rito. 80 00:05:24,500 --> 00:05:28,416 ‎Pag nagawa mo 'yon, ‎mahuhuli natin siya. Katapusan na niya. 81 00:05:44,250 --> 00:05:46,541 ‎PAYMENT - MULA KAY: ZODWA NDLOVU-MWELASE ‎AMOUNT: R 500 000.00 - PARA: SYLVIA TWALA 82 00:05:46,625 --> 00:05:47,625 ‎Hlengiwe! 83 00:05:49,083 --> 00:05:50,166 ‎Hlengiwe! 84 00:05:53,458 --> 00:05:54,750 ‎May bisita ka. 85 00:05:56,500 --> 00:05:59,750 ‎Hi, Sis. Pasensiya na ‎kung biglaan ang pagpunta ko. 86 00:06:01,166 --> 00:06:02,875 ‎Hindi umuwi si Nido kagabi. 87 00:06:02,958 --> 00:06:05,708 ‎Mabuti pa tumawag na tayo sa pulis. 88 00:06:05,791 --> 00:06:08,625 ‎Hindi, Ma. Dapat tayo mismo ‎ang maghahanap sa kaniya. 89 00:06:11,416 --> 00:06:13,166 ‎Di niya sinasagot ang mga tawag ko, at... 90 00:06:14,333 --> 00:06:15,916 ‎Matindi ang naging away namin. 91 00:06:16,000 --> 00:06:17,833 ‎Nakita ko. Nakita ng lahat. 92 00:06:19,375 --> 00:06:22,583 ‎Alam mo, 'yong mga bata, ‎sinasabi nilang nasa IT ka... 93 00:06:22,666 --> 00:06:24,500 ‎-Oo. ‎-Di ko alam kung matutulungan mo ako, 94 00:06:24,583 --> 00:06:26,458 ‎-pero naisip ko na baka kaya mong... ‎-Sige. 95 00:06:26,541 --> 00:06:29,208 ‎Puwede nating tingnan muna ‎ang social media niya. 96 00:06:29,708 --> 00:06:30,958 ‎Sigurado akong may makikita tayo ro'n. 97 00:06:31,041 --> 00:06:32,708 ‎-Salamat. ‎-Okay. 98 00:06:38,291 --> 00:06:40,916 ‎Di pa rin ako makapaniwalang ‎parte ako ng pamilyang 'to. 99 00:06:41,000 --> 00:06:42,000 ‎NIDO - MGA POST 100 00:06:42,083 --> 00:06:43,083 ‎Gaya ng sinabi ko sa 'yo dati, 101 00:06:43,166 --> 00:06:46,458 ‎hindi gano'n kasayang maging parte ‎ng pamilyang 'to. 102 00:06:47,500 --> 00:06:50,000 ‎Ganito 'yan, pag may pinagdadaanan ka, 103 00:06:50,875 --> 00:06:52,750 ‎pababayaan ka lang nila. 104 00:06:53,666 --> 00:06:57,250 ‎Maniwala ka sa 'kin, sis, ‎pakitang-tao lang sila. 105 00:06:59,125 --> 00:07:01,416 ‎Mukha silang matapat kahapon. 106 00:07:02,958 --> 00:07:05,250 ‎'Yong mga yakap, 'yong interes sa 'kin. 107 00:07:05,333 --> 00:07:07,208 ‎Sinasabi nilang lahat ‎na kamukha ko ang papa ko. 108 00:07:07,958 --> 00:07:10,958 ‎At ngayon, kasali na ako sa mga grupo ‎sa WhatsApp kasama ng matatanda at— 109 00:07:12,291 --> 00:07:13,541 ‎Mukhang nagbukas ng phone si Nido. 110 00:07:13,625 --> 00:07:14,458 ‎MAY NASAGAP NA SIGNAL NG DEVICE 111 00:07:15,583 --> 00:07:18,416 ‎Wow. Tinuturo ang phone ni Nido ‎sa isa sa mga hotel ng Spear. 112 00:07:18,500 --> 00:07:19,791 ‎Okay, saan? 113 00:07:20,666 --> 00:07:22,041 ‎-Heto. ‎-Diyos ko! 114 00:07:22,125 --> 00:07:23,916 ‎Okay, ibig bang sabihin nandito siya? 115 00:07:24,000 --> 00:07:25,958 ‎-Oo. ‎-Nandito na ang tsaa. 116 00:07:26,041 --> 00:07:28,250 ‎-Maupo tayo sa patio. ‎-Maraming salamat. 117 00:07:29,666 --> 00:07:32,625 ‎-Saan ka pupunta? ‎-Nakita na si Nido, Ma, aalis na ako! 118 00:07:43,833 --> 00:07:45,583 ‎IBOTO ANG APP ‎AFRICAN PROGRESSIVE PARTY 119 00:07:54,250 --> 00:07:56,333 ‎Malapit na ang pambansang halalan. 120 00:07:56,416 --> 00:07:57,750 ‎Minister Titus, 121 00:07:57,833 --> 00:08:00,500 ‎base sa mga unang poll, ‎magiging mahigpit ang laban. 122 00:08:00,583 --> 00:08:01,750 ‎Ano'ng nararamdaman mo? 123 00:08:01,833 --> 00:08:03,250 ‎Puwede bang mamaya na natin ituloy 'to? 124 00:08:04,583 --> 00:08:08,625 ‎DUMATING NA ANG TAKDANG PANAHON ‎SULONG SA KALAYAAN 125 00:08:09,250 --> 00:08:10,291 ‎Titus. 126 00:08:11,000 --> 00:08:13,208 ‎Mr. Ndlovu, mag-usap tayo sa opisina ko. 127 00:08:24,583 --> 00:08:27,291 ‎-Whoa! Uy, teka, sandali! ‎-Saan ka nanggaling? 128 00:08:28,875 --> 00:08:33,458 ‎Sa tingin mo titigil ang buhay ‎dahil lang magsasalita si Quinton Titus? 129 00:08:35,791 --> 00:08:37,333 ‎E, ano? Hahalikan mo ba ako? 130 00:08:41,000 --> 00:08:43,708 ‎Tigilan mo ako, ‎hindi ako nakikipaglokohan. 131 00:08:43,791 --> 00:08:45,875 ‎Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko? 132 00:08:46,458 --> 00:08:49,083 ‎Ayon sa source ko, ‎may impormante raw sa loob. 133 00:08:49,166 --> 00:08:52,208 ‎Hindi kaya nakikipag-usap sa mga pulis ‎ang kaibigan mong si TJ? 134 00:08:52,791 --> 00:08:54,250 ‎Kailan mo siya huling nakausap? 135 00:08:54,333 --> 00:08:56,500 ‎Ewan ko. Wala akong sinusunod na schedule. 136 00:08:56,583 --> 00:08:58,125 ‎Kontak mo siya, Mandla! 137 00:08:58,208 --> 00:08:59,250 ‎Okay, makinig ka sa 'kin. 138 00:08:59,333 --> 00:09:02,875 ‎Alam nating dalawa na tiwaling pulis si TJ ‎at nasala na nang husto. 139 00:09:02,958 --> 00:09:04,625 ‎Hindi siya 'yon, kakampi natin siya. 140 00:09:04,708 --> 00:09:06,583 ‎Titus, ang lapit na natin. 141 00:09:06,666 --> 00:09:08,458 ‎Malapit ka nang maging presidente. 142 00:09:08,541 --> 00:09:11,916 ‎Naging maingat tayo simula umpisa. 143 00:09:13,666 --> 00:09:16,875 ‎At plantsado ang lahat ‎sa pagbili ng eleksiyong 'to. 144 00:09:17,875 --> 00:09:21,166 ‎Pag nahanap ko ang traydor ‎na nakikipagsabwatan sa mga pulis, 145 00:09:21,250 --> 00:09:25,333 ‎hindi lang siya ang papatayin ko, ‎kundi ang lahat ng mahal niya sa buhay. 146 00:09:25,416 --> 00:09:27,666 ‎Uubusin ko ang pamilya niya, ‎pati ang buong angkan niya. 147 00:09:27,750 --> 00:09:29,333 ‎At siya ang ihuhuli ko 148 00:09:29,416 --> 00:09:33,208 ‎para lang ipakita sa kaniya ‎ang bawat bangkay. 149 00:09:34,375 --> 00:09:36,750 ‎Wala pang 48 na oras, aalis na ako. 150 00:09:36,833 --> 00:09:38,416 ‎Mag-enjoy ka sa rally. 151 00:09:39,041 --> 00:09:40,416 ‎Dahil wala ako ro'n. 152 00:09:47,291 --> 00:09:48,291 ‎Nkanyamba. 153 00:09:48,375 --> 00:09:53,208 ‎Siguraduhin mong may karga ang jet. 154 00:09:55,166 --> 00:09:56,666 ‎Baka magkagulo. 155 00:09:58,083 --> 00:09:59,500 ‎Pag nagkandaletse-letse, 156 00:10:01,416 --> 00:10:04,750 ‎itakas mo kami ng pamilya ko. 157 00:10:05,791 --> 00:10:06,791 ‎Ilayo mo kami rito. 158 00:10:06,875 --> 00:10:09,583 ‎Bahala na kung saan, ‎basta dalhin mo kami sa malayo. 159 00:10:09,666 --> 00:10:11,666 ‎Sa may Panama o kung saan man. 160 00:10:12,458 --> 00:10:15,750 ‎Masusunod, sir, at magandang ideya 'yon, 161 00:10:15,833 --> 00:10:17,500 ‎pero Plan B 'yon. 162 00:10:17,583 --> 00:10:19,666 ‎Ano'ng Plan A? 163 00:10:25,458 --> 00:10:26,791 ‎Gusto kong mag-iskandalo. 164 00:10:27,958 --> 00:10:29,708 ‎'Yong tipong mapipilitang ‎manatili ni Titus. 165 00:10:31,166 --> 00:10:32,750 ‎Bigyan natin siya... 166 00:10:35,125 --> 00:10:36,416 ‎ng hindi niya inaasahan. 167 00:10:39,416 --> 00:10:40,500 ‎Makasarili ka. 168 00:10:40,583 --> 00:10:43,041 ‎Alam mong nandito si Nido, ‎pero hindi ka nagsabi. 169 00:10:43,666 --> 00:10:45,666 ‎Kailangan ako ni Nido. 170 00:10:45,750 --> 00:10:47,708 ‎Ayaw kang kausapin ni Nido ‎ngayon, Gabisile. 171 00:10:47,791 --> 00:10:51,333 ‎Kaya nga pupuntahan ko si Nido sa taas, 172 00:10:51,416 --> 00:10:52,750 ‎kaya hayaan mo na ako. Kakausapin ko siya. 173 00:10:53,250 --> 00:10:57,000 ‎Uy, kailangan mong tanggapin ‎na hindi ka na Ndlovu. 174 00:10:57,083 --> 00:10:59,250 ‎Pag natanggap mo 'yon, ‎magiging madali ang lahat. 175 00:10:59,333 --> 00:11:00,833 ‎Nasasaktan ako! 176 00:11:00,916 --> 00:11:05,416 ‎Pag hinawakan mo pa ako nang ganiyan... 177 00:11:05,500 --> 00:11:07,666 ‎-Huminahon ka. ‎-...pangako, ipapakulong kita! 178 00:11:08,916 --> 00:11:11,333 ‎Pupuntahan ko na ang anak ko. 179 00:11:11,416 --> 00:11:15,250 ‎Masuwerte ka't anak mo siya. 180 00:11:15,333 --> 00:11:16,333 ‎Dahil kung hindi, 181 00:11:16,416 --> 00:11:19,875 ‎ibang-iba 'to kompara sa mangyayari. 182 00:11:20,458 --> 00:11:22,125 ‎Kaya mabuti pang umuwi ka na. 183 00:11:23,458 --> 00:11:24,541 ‎Umuwi ka na, Gabisile. 184 00:11:39,083 --> 00:11:41,416 ‎Aaminin ko, magaling kang magtago. 185 00:11:43,875 --> 00:11:45,583 ‎Mukhang hindi masyado. 186 00:11:48,583 --> 00:11:51,541 ‎Makinig ka, alam kong ‎masama pa rin ang loob mo, 187 00:11:51,625 --> 00:11:53,750 ‎pero ipapangako ko sa 'yo ang isang bagay. 188 00:11:53,833 --> 00:11:58,041 ‎Walang magbabago ‎kahit mag-divorce kami ng mama mo. 189 00:11:58,125 --> 00:11:59,625 ‎Pa, nagsinungaling ka! 190 00:12:00,250 --> 00:12:01,708 ‎Si Mama, nagsinungaling siya! 191 00:12:02,291 --> 00:12:05,083 ‎Pa, matagal nang nasira ‎ang buhay ko, okay? 192 00:12:05,166 --> 00:12:07,625 ‎At paulit-ulit mong ginagawa 'to. 193 00:12:08,250 --> 00:12:12,000 ‎Pasensiya ka na. Di ko intensiyon ‎na idamay ka sa gulong 'to. 194 00:12:12,083 --> 00:12:14,291 ‎Sa totoo lang, ‎humihingi ako ng tawad, anak. 195 00:12:14,375 --> 00:12:17,875 ‎Pa, sa huli, iskandalo ko rin ‎ang mga iskandalo mo. 196 00:12:18,458 --> 00:12:19,666 ‎Nagtsitsismisan ang mga tao. 197 00:12:20,333 --> 00:12:21,333 ‎Ano'ng sinasabi nila? 198 00:12:23,416 --> 00:12:24,416 ‎Bakla ang papa ko. 199 00:12:26,500 --> 00:12:28,625 ‎At kung bakla ang papa ko, ‎di siya tunay na lalaki. 200 00:12:28,708 --> 00:12:30,541 ‎Tapos, itatanong ko sa sarili ko, ano ako? 201 00:12:30,625 --> 00:12:31,833 ‎Anong klaseng tao ako? 202 00:12:31,916 --> 00:12:33,666 ‎-Anong klaseng a— ‎-Nido. 203 00:12:34,166 --> 00:12:35,583 ‎Anak kita. 204 00:12:36,208 --> 00:12:39,500 ‎Hindi mahalaga ‎kung bakla ako o hindi, Nido. 205 00:12:39,583 --> 00:12:42,666 ‎At hindi 'yon magiging hadlang ‎para ipagmalaki mo kung sino ka. 206 00:12:42,750 --> 00:12:44,416 ‎Isa kang Ndlovu, 207 00:12:44,500 --> 00:12:46,833 ‎kaya walang makakatalo sa 'yo. 208 00:12:48,333 --> 00:12:50,833 ‎Pakiusap, anak, umuwi ka na. 209 00:12:50,916 --> 00:12:52,541 ‎Sobrang nag-aalala ang mama mo. 210 00:12:52,625 --> 00:12:54,041 ‎Pa, di ko gagawin 'yon. 211 00:12:54,125 --> 00:12:56,791 ‎Paano ko matitingnan si Mama ‎pagkatapos ng lahat ng nangyari? 212 00:12:56,875 --> 00:12:57,875 ‎Paano? 213 00:12:57,958 --> 00:13:00,166 ‎Nido, wag mo nang isipin 'yon. 214 00:13:00,250 --> 00:13:01,833 ‎Pa, sinusubukan ko. 215 00:13:02,625 --> 00:13:05,416 ‎Sinusubukan kong lumayo sa lahat. 216 00:13:05,500 --> 00:13:07,125 ‎Pagod na ako, Pa. 217 00:13:07,708 --> 00:13:10,375 ‎Naiintindihan kita. Sang-ayon ako. 218 00:13:12,958 --> 00:13:16,208 ‎Kailangan ko ring magpahangin. 219 00:13:17,291 --> 00:13:18,833 ‎Puwede ba kitang samahan dito? 220 00:13:39,875 --> 00:13:42,041 ‎Khanyi, Mandla, sakto ang dating n'yo. 221 00:13:42,125 --> 00:13:44,750 ‎Nagpasiya kaming arestuhin si Titus ‎sa araw ng rally. 222 00:13:44,833 --> 00:13:48,250 ‎-Wala na siya no'n. ‎-Ano? 223 00:13:48,333 --> 00:13:52,125 ‎Hindi pupunta sa rally si Titus. 224 00:13:52,833 --> 00:13:54,000 ‎Sigurado ka? 225 00:13:54,916 --> 00:13:58,916 ‎Sinabi niya sa 'kin na hindi siya pupunta. 226 00:13:59,000 --> 00:14:01,750 ‎Sinubukan kong ipaalala sa kaniya 227 00:14:02,583 --> 00:14:08,291 ‎ang pagiging presidente, ‎pero may plano na siyang tumakas. 228 00:14:08,375 --> 00:14:10,000 ‎Kung gano'n, wala rin pala. 229 00:14:10,083 --> 00:14:11,583 ‎Kaya nga nandito kami. 230 00:14:12,250 --> 00:14:14,125 ‎May plano ang kapatid ko. 231 00:14:14,958 --> 00:14:16,166 ‎Kuya. 232 00:14:16,250 --> 00:14:17,791 ‎Ano'ng naiisip mo? 233 00:14:17,875 --> 00:14:18,833 ‎Makikinig kami. 234 00:14:25,125 --> 00:14:26,125 ‎Kita n'yo? 235 00:14:26,208 --> 00:14:27,500 ‎FORECAST NG MGA USO ‎MGA DESKUWENTO AT LIBRE 236 00:14:27,583 --> 00:14:29,166 ‎Hindi. Mahal, 237 00:14:29,250 --> 00:14:33,000 ‎di ko sinasabing mas magandang magpakasal ‎sa beach kaysa sa probinsiya, 238 00:14:33,083 --> 00:14:36,750 ‎pero di ibig sabihin na di maganda. ‎Naiintindihan mo ba ako? 239 00:14:36,833 --> 00:14:39,791 ‎Gusto kong makitang sabihin mo 'yan ‎sa nanay ko at kay Tito Jabulani. 240 00:14:39,875 --> 00:14:40,916 ‎Ayoko nga. 241 00:14:41,000 --> 00:14:44,041 ‎Hinding-hindi ko gagawin 'yon. ‎Grabe 'yon. Sobra na 'yon. 242 00:14:45,000 --> 00:14:47,458 ‎Uy, Gatsheni! Papa! 243 00:14:47,541 --> 00:14:48,750 ‎Anak. 244 00:14:49,333 --> 00:14:50,875 ‎Hindi ako magtatagal, iha. 245 00:14:51,833 --> 00:14:52,833 ‎Mag-relax ka lang. 246 00:14:54,291 --> 00:14:57,458 ‎May dala akong folder. 247 00:14:58,083 --> 00:14:59,208 ‎Ano 'to? 248 00:14:59,958 --> 00:15:01,291 ‎May... 249 00:15:02,666 --> 00:15:04,916 ‎May mga binago ako sa testamento ko 250 00:15:06,000 --> 00:15:07,125 ‎at sa mga ari-arian ko. 251 00:15:09,666 --> 00:15:15,375 ‎Mangako ka sa 'kin, Zakhele, na itatago mo ‎ang folder na 'to sa ligtas na lugar. 252 00:15:16,500 --> 00:15:17,625 ‎Oo. Sige. 253 00:15:21,500 --> 00:15:23,458 ‎May napili na ba kayong petsa at lokasyon? 254 00:15:24,333 --> 00:15:26,666 ‎Namimili pa kami ng lokasyon. 255 00:15:27,250 --> 00:15:29,041 ‎Ang hirap, Pa. 256 00:15:29,125 --> 00:15:30,125 ‎Di ko alam kung saan magsisimula. 257 00:15:30,208 --> 00:15:32,833 ‎Ipinagkatiwala ko ang lahat sa nanay mo. 258 00:15:33,500 --> 00:15:35,000 ‎Masaya akong nando'n ako. 259 00:15:35,833 --> 00:15:36,833 ‎Mas madali 'yon. 260 00:15:37,458 --> 00:15:38,791 ‎Zakhele, anak. 261 00:15:38,875 --> 00:15:39,750 ‎Pa. 262 00:15:40,500 --> 00:15:42,916 ‎Seryoso ako, itago mo 'to 263 00:15:43,583 --> 00:15:44,750 ‎sa ligtas na lugar. 264 00:15:46,708 --> 00:15:47,750 ‎Maliwanag? 265 00:15:48,666 --> 00:15:49,750 ‎Oo, Pa. 266 00:15:53,500 --> 00:15:54,583 ‎Mahal kita. 267 00:15:55,291 --> 00:15:56,291 ‎Kayong dalawa. 268 00:16:00,291 --> 00:16:02,916 ‎Kahit ano'ng mangyari, 269 00:16:03,000 --> 00:16:05,041 ‎lagi kitang mamahalin. 270 00:16:06,666 --> 00:16:08,208 ‎Uy, pinapakaba mo naman ako. 271 00:16:09,833 --> 00:16:11,000 ‎Okay lang ba ang lahat? 272 00:16:16,583 --> 00:16:19,041 ‎Oo. Magiging okay ang lahat, anak. 273 00:16:21,000 --> 00:16:22,791 ‎Magiging okay ang lahat. Malapit na. 274 00:16:33,083 --> 00:16:34,208 ‎Baby? 275 00:16:36,333 --> 00:16:37,791 ‎Okay ka lang ba? 276 00:16:39,666 --> 00:16:41,666 ‎KOPYA - HULING HABILIN AT TESTAMENTO ‎NI MANDLA NDLOVU 277 00:16:42,250 --> 00:16:43,541 ‎Oo, walang problema. 278 00:16:45,916 --> 00:16:47,041 ‎Okay lang. 279 00:16:57,375 --> 00:16:58,583 ‎Kailangan mong kumain, mahal. 280 00:16:59,125 --> 00:17:00,291 ‎Hindi ko kaya. 281 00:17:00,916 --> 00:17:01,916 ‎Wala akong gana. 282 00:17:02,000 --> 00:17:05,041 ‎Hinihintay ko lang ang hudyat ni Mandla ‎na ayos na ang lahat. 283 00:17:06,541 --> 00:17:09,083 ‎Nakasalalay ang lahat sa kaniya ‎ngayong gabi. 284 00:17:10,083 --> 00:17:12,625 ‎Hindi ba bukas pa ang rally ni Titus? 285 00:17:12,708 --> 00:17:15,833 ‎Oo. Pero si Sibande ang bahala ro'n. 286 00:17:16,791 --> 00:17:18,833 ‎Si Mandla ngayong gabi. 287 00:17:23,166 --> 00:17:24,250 ‎Grabe. 288 00:17:37,166 --> 00:17:41,791 ‎May importante akong ipapakita sa 'yo. 289 00:17:41,875 --> 00:17:42,875 ‎Sa susunod na lang. 290 00:17:43,791 --> 00:17:45,708 ‎Kailangan muna nating gawin 'to. 291 00:17:46,333 --> 00:17:50,125 ‎Nag-iimbestiga ako para malaman ‎kung sino ang mga tunay kong kaibigan. 292 00:18:01,375 --> 00:18:02,541 ‎Ano'ng ginagawa mo rito? 293 00:18:02,625 --> 00:18:04,500 ‎Tumahimik ka, traydor. Hubad! 294 00:18:05,083 --> 00:18:06,333 ‎Ano? 295 00:18:07,541 --> 00:18:09,541 ‎Hindi! Titus, ano'ng ginagawa mo? 296 00:18:09,625 --> 00:18:11,458 ‎-Ano 'to? ‎-Oras na para magpakatotoo. 297 00:18:11,541 --> 00:18:14,125 ‎-Ano... pinagbibintangan mo ako? ‎-Sabi nang tumahimik ka, traydor. 298 00:18:15,625 --> 00:18:18,375 ‎Pagkatapos ng lahat ng 'to? Pagkatapos ng ‎lahat, sa tingin mo may suot akong wire? 299 00:18:18,458 --> 00:18:20,458 ‎Lumayo kayo. Lumayo kayo sa 'kin! 300 00:18:44,500 --> 00:18:45,541 ‎Masaya ka na? 301 00:18:45,625 --> 00:18:47,000 ‎Gusto ko lang siguraduhin. 302 00:18:47,500 --> 00:18:50,166 ‎Ngayon, ano 'yong sasabihin mo sa 'kin? 303 00:18:51,833 --> 00:18:55,083 ‎Gusto kong sabihin sa 'yo na tama ka, ‎may traydor nga. 304 00:18:55,666 --> 00:18:56,666 ‎At... 305 00:18:57,416 --> 00:18:59,000 ‎nahuli ko siya. 306 00:18:59,916 --> 00:19:01,875 ‎Ipakita mo sa 'kin ngayon! 307 00:19:04,916 --> 00:19:06,000 ‎Tara. 308 00:19:07,000 --> 00:19:08,208 ‎Dito lang kayo. 309 00:19:22,458 --> 00:19:26,041 ‎Ito ang regalo ko sa 'yo ‎para sa inagurasyon mo. 310 00:19:29,333 --> 00:19:30,791 ‎Ano'ng mayroon dito? 311 00:19:48,000 --> 00:19:50,583 ‎Gusto mo pa rin bang maging presidente? 312 00:19:50,666 --> 00:19:52,500 ‎Mandla, puno ka talaga ng sorpresa. 313 00:19:52,583 --> 00:19:54,916 ‎Pinagdudahan kita, pero pinatunayan mo. 314 00:19:55,458 --> 00:19:56,750 ‎Hindi ko makakalimutan 'to. 315 00:20:04,208 --> 00:20:05,416 ‎Magkita tayo sa rally. 316 00:20:05,500 --> 00:20:08,791 ‎May naghihintay na puwesto sa tabi ko ‎para lang sa 'yo. 317 00:20:09,916 --> 00:20:11,125 ‎Khuzwayo, tara na. 318 00:20:31,041 --> 00:20:32,791 ‎Uy. Uy! 319 00:20:33,291 --> 00:20:34,583 ‎Okay. 320 00:20:35,583 --> 00:20:36,791 ‎Uy, uy. 321 00:20:37,791 --> 00:20:38,791 ‎Lintik! 322 00:20:38,875 --> 00:20:39,875 ‎Oo. 323 00:20:42,208 --> 00:20:43,708 ‎Ang sakit! 324 00:20:44,875 --> 00:20:46,750 ‎Sa tingin mo naniwala sila? 325 00:20:47,333 --> 00:20:48,541 ‎Oo. 326 00:20:48,625 --> 00:20:51,375 ‎-Talaga? ‎-Kung hindi, patay ka na. 327 00:20:51,458 --> 00:20:54,083 ‎Oo. Halika, tayo! 328 00:20:54,166 --> 00:20:56,458 ‎Ayan. Nagsasawa na ako sa ganito. 329 00:20:57,291 --> 00:20:58,750 ‎Malapit na akong bumigay. 330 00:20:58,833 --> 00:21:00,000 ‎Oo. 331 00:21:00,083 --> 00:21:02,791 ‎Gusto ko nang matapos 'to. 332 00:21:02,875 --> 00:21:04,083 ‎Kalma. 333 00:21:04,166 --> 00:21:06,541 ‎-Pagkatapos ng bukas... ‎-Ano? 334 00:21:06,625 --> 00:21:07,958 ‎...maaayos na ang lahat. 335 00:21:08,041 --> 00:21:10,208 ‎-Matatapos na sa wakas. ‎-Oo. 336 00:21:12,250 --> 00:21:13,666 ‎-Mandla. ‎-O? 337 00:21:13,750 --> 00:21:15,000 ‎Magaling. 338 00:21:15,083 --> 00:21:16,541 ‎Wag mo akong bitinin, pare. 339 00:21:18,708 --> 00:21:20,833 ‎Tingnan mo ang device kung na-record. 340 00:21:32,750 --> 00:21:35,166 ‎Mandla, puno ka talaga ng sorpresa. 341 00:21:35,250 --> 00:21:37,041 ‎Pinagdudahan kita, pero pinatunayan mo. 342 00:21:42,791 --> 00:21:44,916 ‎Matapos ang tatlong buwang kampanya ‎sa eleksiyon, 343 00:21:45,000 --> 00:21:49,500 {\an8}‎idaraos ng APP ang kanilang huling rally ‎sa Durban City Hall. 344 00:21:49,583 --> 00:21:53,041 ‎Siyempre ihahayag ng lider ng partido ‎na si Quinton Titus ang huling talumpati 345 00:21:53,125 --> 00:21:57,208 ‎para kumbinsihin ang mga botante na iboto ‎ang APP sa araw ng eleksiyon. 346 00:21:57,291 --> 00:22:01,041 {\an8}‎Kung mananalo si Titus, siya ang magiging ‎ikaanim na demokratikong presidente. 347 00:22:01,125 --> 00:22:02,125 {\an8}‎HULING RALLY NG APP SA DURBAN CITY HALL 348 00:22:07,166 --> 00:22:08,916 ‎Espesyal ang araw na 'to. Okay ba kayo? 349 00:22:09,000 --> 00:22:10,041 ‎Iwan mo muna kami. 350 00:22:12,875 --> 00:22:13,875 ‎Mandla. 351 00:22:17,916 --> 00:22:19,041 ‎Heto. 352 00:22:19,125 --> 00:22:20,250 ‎Kompleto 'yan. 353 00:22:20,833 --> 00:22:21,833 ‎Ayos. 354 00:22:22,541 --> 00:22:24,541 ‎Malaki ang tiwala ko sa 'yo, sa 'tin. 355 00:22:24,625 --> 00:22:27,750 ‎Basta gawin mo ang trabaho mo ‎at ihatid mo kami sa tagumpay. 356 00:22:27,833 --> 00:22:30,333 ‎Papabor sa 'yo ang botohan. ‎Maniwala ka sa 'kin. 357 00:22:31,000 --> 00:22:31,916 ‎'Yan ang gusto kong marinig. 358 00:22:32,000 --> 00:22:34,125 ‎-Handa na kami, sir. ‎-Mabuti! 359 00:22:34,208 --> 00:22:35,875 ‎Mga kasama, ipanalo natin ‎ang eleksiyong 'to. 360 00:22:44,250 --> 00:22:47,708 ‎At ngayon, mga binibini't ginoo, ‎si Minister Quinton Titus! 361 00:22:47,791 --> 00:22:50,166 ‎GAWING POSIBLE ANG LAHAT 362 00:22:52,666 --> 00:22:54,000 ‎KAYO ANG PRAYORIDAD NAMIN ‎IBOTO ANG APP 363 00:22:55,666 --> 00:22:59,458 ‎Mga pinakamalapit kong kaalyado, ‎mga pinagkakatiwalaan kong tagasuporta! 364 00:22:59,541 --> 00:23:01,125 ‎Makasaysayan ang araw na 'to, 365 00:23:01,208 --> 00:23:03,958 ‎isang araw na itatala sa kasaysayan. 366 00:23:04,041 --> 00:23:08,750 ‎Ngayon, ipinapaalala natin sa bansang ito ‎ang kahalagahan ng dangal, kalayaan, 367 00:23:08,833 --> 00:23:12,500 ‎at pagpupursige sa harap ng mga pagsubok. 368 00:23:13,750 --> 00:23:14,791 ‎ISTASYON NG PULIS 369 00:23:28,083 --> 00:23:32,083 ‎Bilang pangwakas, ‎uulitin ko bilang presidente n'yo, 370 00:23:32,166 --> 00:23:36,541 ‎tungkulin kong ibalik ang tiwala ‎ng mamamayan... 371 00:23:36,625 --> 00:23:37,458 ‎KHANYI ADESINA ‎TULOY TAYO. 372 00:23:37,541 --> 00:23:40,208 ‎...at magtatag ng pamahalaang ‎maipagmamalaki n'yo! 373 00:23:43,708 --> 00:23:44,750 ‎Tumabi kayo. Salamat. 374 00:23:45,625 --> 00:23:47,583 ‎Mr. President, may problema tayo. 375 00:23:49,458 --> 00:23:51,458 ‎Ano'ng nangyayari? Ano'ng— 376 00:23:51,541 --> 00:23:52,541 ‎Ano'ng ginagawa n'yo? 377 00:23:53,250 --> 00:23:55,583 ‎Ako ang susunod n'yong presidente! 378 00:23:57,250 --> 00:24:01,416 ‎Ako si Detective Sibande, ‎hawak na namin ang suspek. 379 00:24:07,583 --> 00:24:09,000 ‎PULIS 380 00:24:09,875 --> 00:24:12,416 ‎Paalam, tarantado. 381 00:24:16,916 --> 00:24:18,250 ‎Paalam. 382 00:26:10,750 --> 00:26:15,750 ‎Nagsalin ng Subtitle: Kristine Gutierrez