1
00:00:02,000 --> 00:00:07,000
Downloaded from
YTS.MX
2
00:00:06,041 --> 00:00:09,957
ANG ARCHIVAL FOOTAGE SA PELIKULANG ITO
AY NI-RESTORE AT NILAGYAN NG KULAY
3
00:00:08,000 --> 00:00:13,000
Official YIFY movies site:
YTS.MX
4
00:00:09,958 --> 00:00:14,040
PINAGSAMA-SAMA ANG ILANG FOOTAGE
NG MGA PANGYAYARI
5
00:00:14,041 --> 00:00:17,125
PARA SA MAS MAGANDANG PANONOOD
6
00:00:28,208 --> 00:00:33,125
SINIMULAN NG ALEMANYANG NAZI
ANG MATINDING PAMBOBOMBA SA BRITANYA
7
00:00:36,333 --> 00:00:41,166
Ang Inglatera na lamang ang natitirang
nakatindig na isla sa Europa.
8
00:00:42,625 --> 00:00:47,500
Kahit ano pa ang mangyari,
babagsak at babagsak ang Inglatera!
9
00:00:52,416 --> 00:00:55,625
TUMAGAL NG 8 BUWAN ANG BLITZ
10
00:00:56,125 --> 00:00:59,208
ITO ANG KUWENTO
KUNG PAANO LUMABAN ANG MGA BRITON
11
00:01:01,541 --> 00:01:07,625
Nakakagulat na biglang maramdamang
napakalapit na ng mga kalaban.
12
00:01:08,250 --> 00:01:10,958
'Yong malamang
may gustong pumatay sa amin.
13
00:01:17,041 --> 00:01:18,958
Sumilong kaming lahat sa hagdan.
14
00:01:19,750 --> 00:01:22,125
Sabi ko, "Masisilaban ako nang buhay!"
15
00:01:28,791 --> 00:01:30,791
Puno ng buhay at sigla noon
16
00:01:31,875 --> 00:01:35,124
dahil di mo alam
kung hanggang kailan ka mabubuhay.
17
00:01:35,125 --> 00:01:37,708
Mahalaga ang bawat oras na magkasama kayo.
18
00:01:42,791 --> 00:01:48,332
Marahil ang huling pagpuksa
sa napakalupit na paghahari
19
00:01:48,333 --> 00:01:53,290
ang magbibigay-daan
sa mas malawakang pagkakaisa
20
00:01:53,291 --> 00:01:55,791
na higit pa sa ating inasam
21
00:01:56,958 --> 00:02:01,500
kung hindi natin
sama-samang sinuong ang apoy.
22
00:02:26,666 --> 00:02:28,290
Kung kabubukas n'yo lang ng radyo,
23
00:02:28,291 --> 00:02:31,333
nasa digmaan na ang Gran Britanya
laban sa Alemanya.
24
00:02:32,833 --> 00:02:35,415
Madaling nasakop ng mga Aleman ang Paris
kaninang umaga
25
00:02:35,416 --> 00:02:39,500
{\an8}at nagsimula na
ang pagpapabagsak sa kalaban.
26
00:02:45,625 --> 00:02:48,791
Nagsisimula pa lang
ang pinakamahahalagang araw ng kasaysayan.
27
00:02:50,916 --> 00:02:52,916
Kapag nasakop ang Gran Britanya,
28
00:02:53,416 --> 00:02:57,082
alam ni Hitler na makukuha na niya
ang buong kontinente.
29
00:02:57,083 --> 00:03:00,833
Isa, dalawa, tatlo, baba.
Isa, dalawa, tatlo, tingin sa kanan.
30
00:03:04,708 --> 00:03:07,332
Hindi namin alam
kung ano'ng pwedeng gawin ng mga babae,
31
00:03:07,333 --> 00:03:09,166
pero inaabangan namin 'yon.
32
00:03:27,208 --> 00:03:30,416
Lahat kami, nasa edad 18, 19, 20.
33
00:03:32,916 --> 00:03:34,499
Hindi ko maipaliwanag.
34
00:03:34,500 --> 00:03:39,250
Ibang-iba 'yon
sa lahat ng bagay na nagawa namin.
35
00:03:44,541 --> 00:03:48,332
Talagang nakakakaba
na makasama sa plotting
36
00:03:48,333 --> 00:03:50,875
dahil alam mo kung ano 'yong nangyayari.
37
00:03:54,458 --> 00:03:58,582
Nakatutok ang buong mundo sa Inglatera
at sa mga mamamayan nito.
38
00:03:58,583 --> 00:04:01,249
May palapit na kalaban sa timog-silangan.
39
00:04:01,250 --> 00:04:03,500
Nasa Sugar one five, zero feet.
40
00:04:04,375 --> 00:04:08,374
Ang mga tauhan ng Royal Air Force
ang naatasan ng responsibilidad
41
00:04:08,375 --> 00:04:12,041
na ipagtanggol ang munting isla
mula sa mga Alemang Nazi.
42
00:04:25,875 --> 00:04:28,166
Malapit na. Nararamdaman ko.
43
00:04:31,458 --> 00:04:32,833
Maging alerto kayo.
44
00:04:42,666 --> 00:04:47,540
Pakiramdam mo nando'n ka rin
tapos sinasabi mo, "Sige, tamaan mo!"
45
00:04:47,541 --> 00:04:48,833
Sige na.
46
00:04:52,250 --> 00:04:54,250
Matinding laban 'yon para sa 'yo.
47
00:04:55,250 --> 00:04:59,625
Pabagsakin siya. Ayos, tinamaan niya.
Sapul na sapul. Napakahusay.
48
00:05:03,875 --> 00:05:08,083
Ito 'yong nagpalapit
sa mga babae at mga lalaki.
49
00:05:11,708 --> 00:05:13,416
Napakaguguwapo nila.
50
00:05:14,750 --> 00:05:17,750
Marami ang namumuong pag-iibigan,
51
00:05:19,791 --> 00:05:23,666
pero hindi ko talaga inasahan
na makikilala ko si Mr. Pogi.
52
00:05:30,625 --> 00:05:32,582
Kung lalaban ang islang ito,
53
00:05:32,583 --> 00:05:36,041
maaaring mapigilan nito
ang planong pananakop ni Hitler.
54
00:05:41,291 --> 00:05:45,125
Nagmamadali si Hitler.
Inaasahan na ang pagsalakay.
55
00:05:52,958 --> 00:05:55,750
Kapag nagbagsak
ang Hukbong Himpapawid ng Britanya
56
00:05:56,250 --> 00:05:59,707
ng 2,000, 3,000, o 4,000 kilo
ng mga bomba...
57
00:05:59,708 --> 00:06:01,374
BOSES NI ADOLF HITLER
58
00:06:01,375 --> 00:06:06,290
...magbabagsak tayo
ng 150,000, 180,000, 230,000,
59
00:06:06,291 --> 00:06:08,333
300,000 kilo, o higit pa, sa isang gabi.
60
00:06:13,458 --> 00:06:17,000
Buburahin natin ang mga lungsod nila.
61
00:06:27,208 --> 00:06:30,375
Buburahin natin ang mga lungsod nila.
62
00:06:36,666 --> 00:06:41,000
Nasa digmaan ang London, at pinatunog nito
ang una nitong sirena ng pag-atake.
63
00:06:46,708 --> 00:06:47,790
Nababahala ang Britanya
64
00:06:47,791 --> 00:06:51,458
dahil naghahanda na ang Alemanya
sa paglusob sa Inglatera.
65
00:07:01,041 --> 00:07:03,582
ANG SINABI NI HITLER
66
00:07:03,583 --> 00:07:06,458
WANTED! SA PAGPATAY... PAGDUKOT...
PAGNANAKAW AT PANUNUNOG
67
00:07:11,291 --> 00:07:14,290
Kaaanunsiyo lamang ng bansang ito
68
00:07:14,291 --> 00:07:18,291
na ipatutupad ngayong gabi
ang regulasyong blackout.
69
00:07:42,833 --> 00:07:46,124
Apat na raang libong mga bata
ang inilikas na palabas ng London,
70
00:07:46,125 --> 00:07:48,416
at marami pang ililikas bukas.
71
00:07:50,125 --> 00:07:52,207
Ito ang panahon ng paghihirap,
72
00:07:52,208 --> 00:07:54,915
lalo na ang paghihiwalay
ng mga magulang at mga anak.
73
00:07:54,916 --> 00:07:58,000
Ngunit mas mahalaga ang maging ligtas.
74
00:08:07,583 --> 00:08:13,583
Bata pa 'ko no'n, at no'ng panahong 'yon,
hindi umiiyak ang malalaking bata.
75
00:08:16,833 --> 00:08:20,332
Sinabihan kami na wag na kaming magpaalam
sa mga magulang namin
76
00:08:20,333 --> 00:08:22,458
para sa huling yakap at halik.
77
00:08:35,250 --> 00:08:38,208
Tinitingala ko ang ate kong si Kitty.
78
00:08:40,916 --> 00:08:45,333
Mas panatag ako dahil nangako si Kitty
na aalagaan niya ako.
79
00:08:52,291 --> 00:08:54,500
Nagkaroon ng pangitain ang nanay ko.
80
00:08:57,833 --> 00:09:01,874
Sigurado siya
na kapag nanatili kami ni Kitty sa London,
81
00:09:01,875 --> 00:09:04,500
may masamang mangyayari sa 'min.
82
00:09:11,791 --> 00:09:15,500
Magbabakasyon lang kami.
'Yon ang sinabi sa 'min.
83
00:09:22,583 --> 00:09:26,000
'Yon ang naging wakas
ng isang kabanata ng buhay ko.
84
00:09:26,625 --> 00:09:28,625
Ang normal na pagkabata.
85
00:09:33,375 --> 00:09:36,208
Hindi namin alam kung ano ang mangyayari.
86
00:09:47,666 --> 00:09:50,583
Ang sinabi lang sa 'min,
may mangyayaring labanan.
87
00:09:54,166 --> 00:09:56,665
Pero di namin alam kung gaano katindi.
88
00:09:56,666 --> 00:09:59,833
BOSES NI EDITH HEAP
89
00:10:02,375 --> 00:10:03,666
Naka-duty ako no'n.
90
00:10:10,833 --> 00:10:14,041
May tally-ho noon, napakaingay.
91
00:10:18,000 --> 00:10:22,082
Nakita naming paparating
ang nasa 400 hanggang 1,000 mga German.
92
00:10:22,083 --> 00:10:24,915
May palapit na kalaban sa timog-silangan.
93
00:10:24,916 --> 00:10:27,666
Nasa Sugar one five, zero feet.
94
00:10:33,208 --> 00:10:37,791
Nakikita mo 'yon, at sa isip mo,
"Diyos ko, aatake sila sa London."
95
00:10:49,375 --> 00:10:52,625
ANG MGA PANTALAN
EAST END NG LONDON
96
00:11:14,708 --> 00:11:17,707
{\an8}Napakainit na September no'n.
97
00:11:17,708 --> 00:11:20,458
{\an8}TAGA-EAST END, 12 TAONG GULANG
98
00:11:23,333 --> 00:11:24,666
Tumingala ako.
99
00:11:29,166 --> 00:11:31,458
May nakita akong mga kumpol ng ulap,
100
00:11:32,083 --> 00:11:33,916
maliliit na bilog sa langit.
101
00:11:35,666 --> 00:11:37,791
Naisip ko, "Uy, ano 'yon?"
102
00:11:42,000 --> 00:11:46,291
Di kami natatakot no'ng panahong 'yon
dahil di naman namin alam ang nangyayari.
103
00:11:52,625 --> 00:11:56,125
Nakita ko 'yong mga bomba
na bumabagsak mula sa langit.
104
00:12:00,375 --> 00:12:01,541
Nakakabilib.
105
00:12:13,208 --> 00:12:15,332
Pumasok kami sa pasilyo
sa silong ng kabahayan
106
00:12:15,333 --> 00:12:19,333
dahil bigla kong napagtanto
'yong bigat ng mangyayari.
107
00:12:45,166 --> 00:12:51,291
UNANG ARAW NG BLITZ
108
00:12:57,125 --> 00:12:59,540
Magtungo sa mga control point.
109
00:12:59,541 --> 00:13:03,708
Isang daang pump mula sa E station
hanggang 60 station, umantabay.
110
00:13:12,666 --> 00:13:14,540
Magandang gabi, ito ang London.
111
00:13:14,541 --> 00:13:17,957
Hanggang ngayon,
may malalaking sunog pa rin sa pantalan
112
00:13:17,958 --> 00:13:20,541
at sa mga lugar ng pagawaan sa silangan.
113
00:13:25,041 --> 00:13:29,291
Magdamag maririnig ang mga sirena
mula kanluran patungong silangan.
114
00:13:36,666 --> 00:13:40,208
Unang beses kong nakita
ang tunay na itsura ng sunog.
115
00:13:47,291 --> 00:13:50,915
{\an8}'Yong matandang bombero,
tinulungan niya 'ko.
116
00:13:50,916 --> 00:13:54,124
{\an8}Sabi niya, "Ayos lang. Wag kang mag-alala.
Dito ka lang sa tabi ko."
117
00:13:54,125 --> 00:13:55,833
Kailangan namin ng tatlong hose.
118
00:14:01,375 --> 00:14:05,540
"Kumapit ka lang sa hose.
Kahit ano'ng mangyari, wag mong bibitawan.
119
00:14:05,541 --> 00:14:08,666
Kapag tinamaan ka n'yan,
pwede kang mamatay."
120
00:14:12,000 --> 00:14:13,583
Lumayo kayo sa ilalim!
121
00:14:15,750 --> 00:14:19,000
Sabi ng matandang bombero,
"Ayos ka lang, bata?"
122
00:14:20,625 --> 00:14:23,083
Matatakot ka. Takot na takot.
123
00:14:35,041 --> 00:14:38,040
Nakatayo ako sa tuktok
ng napakataas na gusali
124
00:14:38,041 --> 00:14:43,000
kung saan nakikita ko
ang buong London sa paligid ko.
125
00:14:43,541 --> 00:14:45,040
Kung di lang sana kakila-kilabot,
126
00:14:45,041 --> 00:14:48,374
isa sana 'yon
sa pinakamagandang tanawing nakita ko.
127
00:14:48,375 --> 00:14:51,291
Ang buong tanawin ng lungsod
papuntang timog
128
00:14:51,875 --> 00:14:53,833
ay nagbabagang liwanag.
129
00:14:54,791 --> 00:14:57,833
Halos parang Araw ng Paghuhukom
130
00:14:58,625 --> 00:15:01,750
gaya ng inilarawan sa mga sinaunang libro.
131
00:15:03,958 --> 00:15:05,791
Ang Araw ng Paghuhukom.
132
00:15:15,875 --> 00:15:19,375
{\an8}Tumitindi na ang digmaan.
Nagsimula na ang Blitz.
133
00:15:23,083 --> 00:15:26,750
Namumula ang kalangitan sa pantalan
na parang napakalaking paglubog ng araw.
134
00:15:33,041 --> 00:15:34,457
Pambihirang buhay!
135
00:15:34,458 --> 00:15:38,375
Sa bilis ng mga nangyayari, di mo alam
kung bobombahin ka ba o maliligawan ka.
136
00:15:40,208 --> 00:15:43,041
May nakilala akong
guwapong lalaki, si Rupert.
137
00:15:44,333 --> 00:15:46,666
Pinipilit niya 'kong ibigay
ang pagkabirhen ko.
138
00:15:53,750 --> 00:15:56,624
Ang totoo, mas gusto ko ng mga lalaking
may pagkasanggano.
139
00:15:56,625 --> 00:15:58,790
'Yong Diyos ang tingin sa sarili.
140
00:15:58,791 --> 00:16:00,374
KAPITBAHAY NI JOAN
141
00:16:00,375 --> 00:16:04,291
Panatag si Rupert
at tingin niya kontrolado niya ang mundo.
142
00:16:09,125 --> 00:16:11,666
Pakiramdam ko,
bawat oras ay maaaring huli ko na.
143
00:16:14,000 --> 00:16:16,000
At dahil buhay
ang kabaligtaran ng kamatayan,
144
00:16:17,916 --> 00:16:20,375
siguro bibigay na 'ko kay Rupert bukas.
145
00:16:39,583 --> 00:16:42,624
{\an8}Noong lumabas kami, naririnig namin
'yong lagablab ng mga apoy.
146
00:16:42,625 --> 00:16:46,499
{\an8}TAGA-EAST END, 12 TAONG GULANG
147
00:16:46,500 --> 00:16:49,541
{\an8}Naririnig namin 'yon sa malayo
mula sa pantalan.
148
00:16:55,916 --> 00:16:58,624
Sabi ni Papa
bago siya pumasok sa Air Force,
149
00:16:58,625 --> 00:17:00,458
"Siguruhin mong ligtas ang Mama mo."
150
00:17:05,166 --> 00:17:09,082
Sabi ko, "May itinalagang lugar, Ma,
'yong ARP shelter.
151
00:17:09,083 --> 00:17:10,500
Pumunta tayo ro'n."
152
00:17:14,291 --> 00:17:17,082
Pakiramdam ko ligtas na lugar 'yon.
153
00:17:17,083 --> 00:17:19,250
Walang mangyayari sa 'min do'n.
154
00:17:32,083 --> 00:17:33,250
Uminit sa lugar.
155
00:17:33,750 --> 00:17:35,166
Painit nang painit.
156
00:18:04,166 --> 00:18:07,750
Tinatawag ko 'yong nanay ko.
Sabi ko, "Nasaan kayo?"
157
00:18:10,125 --> 00:18:11,458
Walang sumagot.
158
00:18:14,666 --> 00:18:17,166
At napagtanto ko na may masamang nangyari.
159
00:18:17,833 --> 00:18:18,958
Binomba kami.
160
00:18:25,208 --> 00:18:27,874
IKALAWANG ARAW NG BLITZ
161
00:18:27,875 --> 00:18:32,707
Ang pinakamatinding dagok ay tinamo
ng mga lugar ng manggagawa sa East End,
162
00:18:32,708 --> 00:18:36,208
kung saan binomba ang maliliit na bahay
hanggang magkapira-piraso.
163
00:18:41,041 --> 00:18:44,540
Ayon sa ulat,
nasa 400 ang nasawi at 1,400 ang sugatan
164
00:18:44,541 --> 00:18:47,333
sa pag-atake sa London
noong Sabado ng gabi
165
00:19:33,208 --> 00:19:37,000
{\an8}Nasa bahay ako ng kapatid ko
kung saan tanaw ang Brick Lane,
166
00:19:37,875 --> 00:19:41,041
{\an8}tapos nagpunta si Churchill
sa kalye na 'yon.
167
00:19:44,375 --> 00:19:47,207
Bigla akong nakarinig
ng masasayang hiyawan, pangangantiyaw,
168
00:19:47,208 --> 00:19:50,916
at nando'n siya, itong taong 'to.
169
00:19:51,833 --> 00:19:53,375
Totoo pala siya.
170
00:19:58,416 --> 00:20:01,374
Isinusumpa sa bahay namin
ang pangalan ni Churchill
171
00:20:01,375 --> 00:20:02,833
hanggang dumating ang digmaan.
172
00:20:04,250 --> 00:20:06,875
Biglang naging malaanghel
ang pangalan niya.
173
00:20:14,666 --> 00:20:19,416
Itong marahas, kasuklam-suklam,
at walang habas na pambobomba sa London
174
00:20:20,291 --> 00:20:24,375
ay malinaw na bahagi
ng planong pananakop ni Hitler.
175
00:20:25,708 --> 00:20:29,000
Hindi niya alam
na ang diwa ng bansang Britanya,
176
00:20:29,750 --> 00:20:32,750
o ang katatagan ng mga taga-London,
177
00:20:33,708 --> 00:20:37,541
ay pinahahalagahan ang kalayaan
higit pa sa kanilang buhay.
178
00:20:43,708 --> 00:20:48,125
Ito ang oras para magsama-sama
at magpakatatag ang lahat.
179
00:20:49,416 --> 00:20:53,458
Ang mga mamamayan ng London
ay nahaharap sa matinding pagsubok,
180
00:20:54,125 --> 00:20:57,124
at ang katapusan o ang kalubhaan nito
181
00:20:57,125 --> 00:20:59,125
ay hindi pa masasabi.
182
00:21:05,250 --> 00:21:06,750
Dinala 'ko sa ospital.
183
00:21:10,541 --> 00:21:12,083
{\an8}Nahanap ako ng tatay ko.
184
00:21:16,708 --> 00:21:19,750
{\an8}Tinanong ko siya, "Nasaan si Mama?
Kumusta si Mama?"
185
00:21:21,708 --> 00:21:22,750
Tapos sabi niya,
186
00:21:23,583 --> 00:21:24,666
"Patay na siya."
187
00:21:28,125 --> 00:21:29,332
Sinaksak ako no'n.
188
00:21:29,333 --> 00:21:32,750
Totoong sakit at pagdadalamhati
ang naramdaman ko.
189
00:21:35,208 --> 00:21:38,916
Dinala ko si Mama sa shelter na 'yon
at napatay siya.
190
00:21:42,083 --> 00:21:46,583
Di ko nakalimutan 'yon.
Hangang ngayon. Di ko nakalimutan 'yon.
191
00:21:53,000 --> 00:21:55,833
Ang Kamahalan, si Princess Elizabeth.
192
00:21:57,458 --> 00:22:02,457
Libo-libo sa inyo sa bansang ito
ang lumikas sa inyong mga tahanan
193
00:22:02,458 --> 00:22:06,041
at nahiwalay sa inyong mga ama at ina.
194
00:22:09,708 --> 00:22:12,915
{\an8}Para sa inyo na namumuhay sa bagong lugar,
195
00:22:12,916 --> 00:22:15,750
{\an8}ipinapahatid namin
ang lubos naming pakikiramay.
196
00:22:16,250 --> 00:22:18,082
At kasabay nito,
197
00:22:18,083 --> 00:22:21,040
nagpapasalamat kami sa mabubuting tao
198
00:22:21,041 --> 00:22:24,500
na tumanggap sa inyo
sa kanilang mga tahanan.
199
00:22:25,250 --> 00:22:27,999
Maaari lamang na lumabas na sa tren.
200
00:22:28,000 --> 00:22:29,999
Pakibilisan.
201
00:22:30,000 --> 00:22:32,499
{\an8}May nagsabi na nasa Wales kami.
202
00:22:32,500 --> 00:22:33,749
{\an8}LUMIKAS SA LONDON, EDAD 5
203
00:22:33,750 --> 00:22:36,041
{\an8}Kakatwa magsalita ang mga tao do'n.
204
00:22:42,583 --> 00:22:45,208
Nagpunta sa isang direksiyon
'yong grupo ko.
205
00:22:45,708 --> 00:22:48,375
Sa kabilang direksiyon naman 'yong ate ko.
206
00:22:54,166 --> 00:22:58,374
Kinausap ng mga babaeng tagapangasiwa
ang mga mag-aampon
207
00:22:58,375 --> 00:23:01,416
na pumili ng mga bata
na gusto nilang kupkupin.
208
00:23:06,625 --> 00:23:09,000
Hanggang sa ako na lang ang natitira.
209
00:23:09,666 --> 00:23:11,666
Wala nang mga mag-aampon.
210
00:23:13,291 --> 00:23:15,083
Doon na ako nag-alala.
211
00:23:19,833 --> 00:23:22,375
Biglang may parating na mga yabag.
212
00:23:22,875 --> 00:23:26,958
Pumasok sa kuwarto 'yong babae
tapos sabi niya, "May aampunin pa ba?"
213
00:23:30,750 --> 00:23:33,165
Sabi niya, "Ayaw ko ng itsura niya,
214
00:23:33,166 --> 00:23:35,166
at babae ang gusto ko."
215
00:23:37,666 --> 00:23:39,666
Ginandahan ko 'yong ngiti ko.
216
00:23:41,708 --> 00:23:45,416
Tapos sinabi niya,
"Sige na nga, kukunin ko na siya."
217
00:23:47,625 --> 00:23:49,708
Kaya sumama ako do'n sa babae.
218
00:23:50,791 --> 00:23:52,791
Di ko alam kung nasaan si Kitty.
219
00:23:58,416 --> 00:24:02,624
May matinding sama ng loob
laban sa mga lumikas mula sa London
220
00:24:02,625 --> 00:24:05,582
ang karamihan sa mga tao
sa minahang bayan na 'to
221
00:24:05,583 --> 00:24:08,375
dahil nagwewelga ang mga minero noon.
222
00:24:12,083 --> 00:24:15,415
Matindi ang galit nila
sa pamahalaan ng London.
223
00:24:15,416 --> 00:24:18,875
Matindi rin ang galit nila
kay Winston Churchill.
224
00:24:21,666 --> 00:24:23,791
May tatlong bata akong naaalala.
225
00:24:25,208 --> 00:24:28,833
Tinutukso nila kami
at napapaaway kami sa kanila.
226
00:24:33,458 --> 00:24:35,790
Tapos sabi ng babaeng umampon sa 'kin,
227
00:24:35,791 --> 00:24:40,832
"Pumunta kayong mga taga-London dito
para umiwas sa digmaan
228
00:24:40,833 --> 00:24:42,958
tapos magsisimula naman kayo ng isa rito."
229
00:24:58,208 --> 00:25:02,666
Gusto naming puwersahang papuntahin
ang London sa isang air-raid shelter.
230
00:25:09,041 --> 00:25:14,291
{\an8}Sa London lang kami lumipad-lipad.
231
00:25:19,875 --> 00:25:22,500
Kada 20 minuto, pabugso-bugso.
232
00:25:25,333 --> 00:25:31,875
Naniwala kami
na 'yon ang magpapasuko sa England.
233
00:25:38,500 --> 00:25:41,041
Ito ang Trafalgar Square.
234
00:25:42,666 --> 00:25:47,208
Ang ingay na naririnig n'yo ngayon
ay ang tunog ng sirena para sa pag-atake.
235
00:26:03,791 --> 00:26:09,000
IKAANIM NA ARAW NG BLITZ
236
00:26:12,583 --> 00:26:15,040
Sa Palasyo ng Buckingham,
nasaksihan ng Hari at Reyna
237
00:26:15,041 --> 00:26:18,208
ang malagim na ebidensiya
ng pagkakaligtas nila.
238
00:26:19,750 --> 00:26:21,457
Dahil sa naranasang pambobomba,
239
00:26:21,458 --> 00:26:24,249
nagbigay ng mensahe ng pakikiramay
ang Hari at Reyna
240
00:26:24,250 --> 00:26:28,458
sa kanilang mga nasasakupan
na biktima ng kalupitan ng mga Nazi.
241
00:26:31,541 --> 00:26:33,833
Noong lumabas ang Hari at Reyna,
242
00:26:35,000 --> 00:26:39,416
{\an8}masaya ang mga tao, pero sabi ng iba,
"Bumalik na kayo sa Buckingham Palace.
243
00:26:39,916 --> 00:26:42,583
{\an8}Binomba 'ka mo kayo?
E, isang bomba lang 'yon.
244
00:26:43,291 --> 00:26:44,791
Libo-libo ang sa amin."
245
00:26:49,958 --> 00:26:53,791
Kulang ang mga ligtas na shelter
sa East End.
246
00:26:56,916 --> 00:26:59,291
Mukhang 'yong Underground
ang tamang lugar.
247
00:27:03,083 --> 00:27:06,458
Pero nagpasya ang pamahalaan
na di nila bubuksan ang Tube.
248
00:27:15,083 --> 00:27:19,708
{\an8}Kumilos kami para mabuksan ang mga Tube
para gawing mga shelter.
249
00:27:21,583 --> 00:27:25,000
'Yong The Savoy hotel ang puntirya namin.
250
00:27:31,750 --> 00:27:34,165
Ngayon, palalalain namin ang sitwasyon.
251
00:27:34,166 --> 00:27:37,458
Papasukin namin ang shelter
ng The Savoy hotel.
252
00:27:44,416 --> 00:27:47,541
Nasa 78 katao ang pumunta.
253
00:27:51,458 --> 00:27:55,374
Inookupa na namin ang isang lugar
na wala kaming karapatang okupahin.
254
00:27:55,375 --> 00:27:57,125
Tapos dumating 'yong mga pulis.
255
00:28:05,000 --> 00:28:08,375
Sabi ng inspector,
"Ano'ng balak n'yong gawin dito?"
256
00:28:08,958 --> 00:28:12,541
Sabi ko, "Di ito ang lugar na gusto namin.
Gusto naming mabuksan 'yong Tube."
257
00:28:13,958 --> 00:28:16,832
PINASOK NG MGA MANGGAGAWA ANG THE SAVOY
258
00:28:16,833 --> 00:28:21,666
HINAING NG GRUPO
IPINAGSIGAWAN SA MARANGYANG HOTEL
259
00:28:22,666 --> 00:28:23,999
Inanunsiyo ng pamahalaan
260
00:28:24,000 --> 00:28:26,958
na di pahihintulutang gamitin
ang mga Tube para maging kublihan.
261
00:28:28,208 --> 00:28:30,874
Pero ang pinakamagandang nangyari
sa digmaang ito
262
00:28:30,875 --> 00:28:35,083
ay kung paano kumilos ang mga taga-London
at nilutas ang problema sa kublihan.
263
00:28:39,625 --> 00:28:41,290
{\an8}May mga usap-usapan.
264
00:28:41,291 --> 00:28:43,375
{\an8}"Pumunta kayo sa Underground. Pwede ro'n."
265
00:28:44,041 --> 00:28:46,374
{\an8}TAGA-EAST END, 13 TAONG GULANG
266
00:28:46,375 --> 00:28:49,791
{\an8}Sarado ang lahat ng mga gate
at may mga sundalo ro'n.
267
00:28:53,916 --> 00:28:56,166
Parami nang parami 'yong mga tao.
268
00:28:59,625 --> 00:29:02,708
Kinakalampag 'yong mga gate.
"Papasukin n'yo kami!"
269
00:29:08,125 --> 00:29:10,333
Biglang may malakas na hiyawan.
270
00:29:12,250 --> 00:29:14,708
May isa sa pamahalaan ang nagbago ng isip.
271
00:29:16,625 --> 00:29:20,375
Sabi ng tatay ko,
"Malaking tagumpay 'to sa mga manggagawa!"
272
00:29:25,041 --> 00:29:28,208
At 'yon na ang simula
ng pamumuhay sa ilalim ng lupa.
273
00:29:42,458 --> 00:29:44,624
Isang panibagong yugto
sa Labanan ng Britanya.
274
00:29:44,625 --> 00:29:47,874
Matapos ang ilang linggo,
naglunsad ang pwersang militar ng Alemanya
275
00:29:47,875 --> 00:29:49,624
ng malawakang atake sa mga pantalan.
276
00:29:49,625 --> 00:29:51,790
Daan-daang sasakyang panghimpapawid
ng mga Nazi
277
00:29:51,791 --> 00:29:54,208
ang nagliliparan
sa ibabaw ng English Channel.
278
00:30:01,708 --> 00:30:05,707
Ang islang ito
ang huling depensa sa Kanlurang Europa
279
00:30:05,708 --> 00:30:08,000
na humahadlang sa ambisyon ni Hitler.
280
00:30:12,583 --> 00:30:15,125
RAF ang pinakamahusay
na hukbong panghimpapawid sa mundo,
281
00:30:15,958 --> 00:30:20,208
pero nakalalamang pa rin ang Alemanya
sa bilang ng mga eroplano.
282
00:30:27,875 --> 00:30:29,540
{\an8}Kailangan naming manalo,
283
00:30:29,541 --> 00:30:32,333
{\an8}at determinado kaming manalo
anuman ang mangyari.
284
00:30:33,708 --> 00:30:37,249
{\an8}Alam naming lumalaban kami
para sa mga buhay namin,
285
00:30:37,250 --> 00:30:39,250
{\an8}at hindi kami susuko.
286
00:30:42,750 --> 00:30:45,416
Nasa 100 kami, sa tantiya ko,
287
00:30:46,000 --> 00:30:49,625
at iginagalang kami ng mga lalaki.
288
00:30:50,333 --> 00:30:51,666
Tinanggap kami.
289
00:30:53,375 --> 00:30:55,582
Masaya 'yong pakiramdam namin
290
00:30:55,583 --> 00:30:58,750
dahil hinahayaan kaming gawin
'yong trabaho namin.
291
00:31:10,458 --> 00:31:14,416
Nagmamaneho ako ng traktora
noong una kong nakilala si Denis.
292
00:31:18,750 --> 00:31:22,416
Tapos binato niya ng buhangin
'yong makina, pinatigil niya.
293
00:31:23,583 --> 00:31:27,333
Pinaandar ko ulit sa kanya.
Sabi ko, "Pinitigil mo. Paandarin mo."
294
00:31:34,250 --> 00:31:35,500
Kaya pinaandar niya.
295
00:31:40,708 --> 00:31:43,832
Maganda 'yong katawan ni Denis, makisig.
296
00:31:43,833 --> 00:31:46,083
Guwapo rin naman siya.
297
00:31:50,541 --> 00:31:52,540
Hindi siya ngumingiti nang maayos
298
00:31:52,541 --> 00:31:55,874
dahil may dalawa siyang ngipin
na ikinahihiya niya,
299
00:31:55,875 --> 00:31:57,750
pero may paraan siya ng pagngiti.
300
00:31:58,958 --> 00:32:03,000
Napag-isip-isip niya
na gusto pala niya 'ko.
301
00:32:07,333 --> 00:32:11,041
Tapos sabi niya,
"Pupunta ka ba sa squadron dance?"
302
00:32:11,666 --> 00:32:12,750
Sabi ko, "Oo."
303
00:32:17,208 --> 00:32:21,541
Pagkatapos ng duty namin,
pumunta kami, at hinihintay niya 'ko.
304
00:32:31,333 --> 00:32:33,665
Napakasuwerte naming nagkakilala kami.
305
00:32:33,666 --> 00:32:36,666
Hindi siguro kami nagkakilala
kung walang digmaan.
306
00:32:41,083 --> 00:32:42,416
Nakakatawa siya.
307
00:32:43,041 --> 00:32:45,249
Napakalambing niya.
308
00:32:45,250 --> 00:32:47,166
Lagi kaming tumatawa noon.
309
00:32:50,291 --> 00:32:55,458
Tingin ko 'yon ang nagpalalim, nagpaganda,
at nagpatatag sa relasyon namin.
310
00:32:58,625 --> 00:33:00,999
Mahalaga ang bawat oras na magkasama kayo,
311
00:33:01,000 --> 00:33:04,958
dahil hindi mo alam
kung hanggang kailan kayo magsasama.
312
00:33:13,791 --> 00:33:17,124
Halos mag-iisang buwan na
ang Labanan ng London,
313
00:33:17,125 --> 00:33:19,083
pero nakatindig pa rin ang London.
314
00:33:19,583 --> 00:33:25,208
IKA-24 NA ARAW NG BLITZ
315
00:33:26,458 --> 00:33:29,500
Sinusubok siya nang husto,
pero nananatili siyang matatag.
316
00:33:33,833 --> 00:33:34,958
Kakayanin namin.
317
00:33:35,666 --> 00:33:38,624
Kung iniisip niyang mananalo siya
sa pambobomba ng babae at bata,
318
00:33:38,625 --> 00:33:40,125
nagkakamali siya.
319
00:33:41,875 --> 00:33:44,458
Ito ang London.
Buhay na buhay kaming lahat.
320
00:33:46,166 --> 00:33:47,625
Paalam. Galingan n'yo.
321
00:33:55,958 --> 00:33:59,832
Nangulila ako nang husto
sa pagkawala ni Rupert.
322
00:33:59,833 --> 00:34:02,125
Isang linggo ko na siyang di nakikita.
323
00:34:03,416 --> 00:34:04,874
Buong umaga ko siyang iniisip.
324
00:34:04,875 --> 00:34:07,791
Iniisip ko kung hanggang kailan
ko pa kakayanin na wala siya.
325
00:34:11,458 --> 00:34:13,749
Pauwi, may nakita akong
17 eroplano ng mga Aleman
326
00:34:13,750 --> 00:34:16,208
na pinatatamaan ng daan-daang bala.
327
00:34:18,500 --> 00:34:19,916
May narinig akong sigaw...
328
00:34:23,041 --> 00:34:24,707
NOBYO NI JOAN
329
00:34:24,708 --> 00:34:27,040
...at nando'n si R, pailag-ilag sa kalye,
330
00:34:27,041 --> 00:34:29,125
di alintana 'yong mga baril.
331
00:34:38,583 --> 00:34:40,999
Nakahanap kami ng napakagandang café,
ang Mountview.
332
00:34:41,000 --> 00:34:42,875
Nakasuot ng pulang coat ang banda do'n.
333
00:34:45,125 --> 00:34:47,874
May malalaking mosaic na poste
na kumikinang sa mga ilaw,
334
00:34:47,875 --> 00:34:50,458
at sa sobrang saya ko, halos malasing ako.
335
00:34:51,541 --> 00:34:54,166
Ang lakas at ang bilis ng lahat ng bagay.
336
00:34:58,750 --> 00:34:59,749
Napagod kami,
337
00:34:59,750 --> 00:35:03,041
at naglakad pabalik
sa gumuhong Shaftesbury Avenue.
338
00:35:06,125 --> 00:35:08,083
Mainit ang pagtatalik namin,
339
00:35:09,916 --> 00:35:12,333
at napuno ako ng kapayapaan at kasiyahan.
340
00:35:13,125 --> 00:35:15,874
Isa sa iilang natitirang bagay
na nagbibigay-kasiyahan
341
00:35:15,875 --> 00:35:17,500
sa malagim na buhay na 'to.
342
00:35:26,833 --> 00:35:30,333
Kung inisip ng mga Aleman na masisira nila
ang moral ng mga taga-London,
343
00:35:30,916 --> 00:35:32,541
nabigo sila nang husto.
344
00:35:39,750 --> 00:35:42,540
Mukhang binago ng mga Aleman
ang paraan nila
345
00:35:42,541 --> 00:35:44,666
sa pag-atake sa Gran Britanya.
346
00:35:45,791 --> 00:35:47,916
Umaasa silang
mas matindi ang pinsala nito.
347
00:35:56,333 --> 00:35:59,541
Nagpahiwatig ang pinuno ng mga Aleman
na maaaring magtagal ang digmaan.
348
00:36:03,666 --> 00:36:07,125
Alam naming lahat
na magiging mahirap ang misyong ito.
349
00:36:10,541 --> 00:36:13,790
{\an8}Araw-araw, ilan sa mga sundalo
ang hindi na nakakabalik.
350
00:36:13,791 --> 00:36:16,999
{\an8}PILOTO NG LUFTWAFFE, 20 TAONG GULANG
351
00:36:17,000 --> 00:36:18,583
{\an8}Nababahala ang lahat.
352
00:36:23,666 --> 00:36:27,750
Bago kami lumipad, iniisip ko,
"Makakabalik pa kaya kami nang ligtas?
353
00:36:29,791 --> 00:36:31,208
Mabubuhay ba 'ko?
354
00:36:33,208 --> 00:36:35,541
Makakauwi pa kaya ako?"
355
00:36:49,416 --> 00:36:52,583
Ginamit ng Coventry ang kasaysayan nito
para sa Patimpalak ng Godiva.
356
00:36:57,125 --> 00:36:59,249
Naging sentro ng industriya ang Coventry
357
00:36:59,250 --> 00:37:00,999
dahil kay Kondesa Godiva
358
00:37:01,000 --> 00:37:04,833
na hinubad ang kanyang yaman
para sa kalayaan ng lungsod.
359
00:37:10,250 --> 00:37:13,832
Mula sa daan-daang pabrika
ng sinaunang lungsod na ito
360
00:37:13,833 --> 00:37:16,583
ginawa ang mga pinakabagong
makina sa mundo.
361
00:37:19,958 --> 00:37:22,707
Nangangailangan pa ng mga babae
sa mga pagawaan ng armas
362
00:37:22,708 --> 00:37:24,582
at sa mga tulong pangsuporta.
363
00:37:24,583 --> 00:37:29,166
Lalo na ang mga babaeng handang umalis
at pumunta saanman sila ipadala.
364
00:37:36,791 --> 00:37:38,915
Masaya na makapunta sa ibang lugar
365
00:37:38,916 --> 00:37:40,790
at gumawa ng ibang bagay.
366
00:37:40,791 --> 00:37:45,083
Coventry. Coventry. Nasa Coventry na.
367
00:37:46,125 --> 00:37:48,833
Kahit na pinigilan ako ng tatay ko.
368
00:37:51,125 --> 00:37:54,082
Tatay ko ang may gusto na sama-sama kami,
369
00:37:54,083 --> 00:37:57,041
at ang tanging paraan para matuto
ay ang lumayo.
370
00:38:00,333 --> 00:38:02,041
Pero determinado ako.
371
00:38:02,541 --> 00:38:04,625
Aalis ako para tumulong sa digmaan.
372
00:38:08,958 --> 00:38:11,375
Dinala nila kami sa pabrika kinabukasan.
373
00:38:12,625 --> 00:38:14,374
Nakabisikleta ang lahat.
374
00:38:14,375 --> 00:38:17,708
Daan-daan, libo-libong nakabisikleta
papasok sa trabaho.
375
00:38:22,541 --> 00:38:24,375
Tumunog 'yong mga unang sirena.
376
00:38:28,791 --> 00:38:32,375
Sabi nila, "Nagdala kayo ng malas.
Ayaw namin kayo rito."
377
00:38:52,416 --> 00:38:55,041
Binabaril nila 'yong mga siklista.
378
00:38:57,958 --> 00:39:00,625
Sabi ko, "Ano'ng nangyayari
sa mga taong 'to?"
379
00:39:04,208 --> 00:39:06,583
Nakita kong nagbabagsakan 'yong mga tao.
380
00:39:33,958 --> 00:39:36,374
{\an8}Ginagawa lang namin ang tungkulin namin,
381
00:39:36,375 --> 00:39:40,083
{\an8}at walang may gustong manakit
ng mga ordinaryong tao.
382
00:39:53,750 --> 00:39:58,582
Itong estratehiya sa Coventry,
ang maghatid ng takot sa Britain,
383
00:39:58,583 --> 00:40:00,791
isa itong malaking kahangalan.
384
00:40:19,208 --> 00:40:21,875
Alam naming magiging malagim
ang pag-atake.
385
00:40:22,583 --> 00:40:24,540
{\an8}Sumilong kaming lahat sa hagdan.
386
00:40:24,541 --> 00:40:26,415
{\an8}MANGGAGAWA SA PABRIKA
387
00:40:26,416 --> 00:40:30,208
{\an8}'Yon daw ang pinakamagandang lugar,
ang pinakaligtas.
388
00:40:33,666 --> 00:40:36,416
Nang biglang nagdilim ang lahat, at...
389
00:40:38,125 --> 00:40:39,333
may mga apoy.
390
00:40:41,708 --> 00:40:45,040
Biglang nasunog ang mahabang buhok ko
391
00:40:45,041 --> 00:40:47,083
at nakakatakot 'yon.
392
00:40:51,708 --> 00:40:54,041
Sabi ko, "Masisilaban ako nang buhay."
393
00:41:00,000 --> 00:41:04,625
IKA-69 NA ARAW NG BLITZ
394
00:41:12,458 --> 00:41:15,624
Gusto kong ipaalala sa inyo
kung gaano kaimportante
395
00:41:15,625 --> 00:41:20,083
na mapakuluan ang lahat ng tubig
bago gamitin sa Coventry.
396
00:41:20,666 --> 00:41:22,499
Saanman nakuha ang tubig,
397
00:41:22,500 --> 00:41:25,833
siguraduhin n'yong pinakuluan ito
bago gamitin.
398
00:41:34,708 --> 00:41:38,375
Mukha kaming mga refugee
nang bumalik kami sa Edinburgh.
399
00:41:46,666 --> 00:41:48,500
Mukha akong miserable.
400
00:41:54,333 --> 00:41:58,333
At no'ng tumunog
'yong mga unang sirena pagkabalik ko,
401
00:42:00,166 --> 00:42:02,458
halos mahibang ako.
402
00:42:15,208 --> 00:42:19,041
{\an8}Inatake ng mga eroplano ng Alemanya
ang Gran Britanya kagabi.
403
00:42:21,291 --> 00:42:23,415
{\an8}Ilang oras tumagal ang pag-atake
404
00:42:23,416 --> 00:42:25,916
{\an8}at isinagawa ito
sa maraming bahagi ng bansa.
405
00:42:27,791 --> 00:42:30,125
Binomba ang maraming lugar.
406
00:42:31,416 --> 00:42:33,083
Mga bayan sa timog.
407
00:42:36,750 --> 00:42:39,750
MGA NASAWI
408
00:42:51,000 --> 00:42:52,416
Sa kanluran ng Inglatera.
409
00:42:59,291 --> 00:43:00,291
Mga bayan sa gitna.
410
00:43:06,541 --> 00:43:07,708
Sa hilagang-kanluran.
411
00:43:23,125 --> 00:43:25,541
Naapula na ang lahat ng mga sunog.
412
00:43:28,541 --> 00:43:30,124
Ayon sa kanilang pwersang militar,
413
00:43:30,125 --> 00:43:33,540
ang pag-atake ng mga Aleman kahapon
ay nakatutok sa Liverpool
414
00:43:33,541 --> 00:43:36,125
para maparalisa ang pantalan nito.
415
00:43:37,666 --> 00:43:40,874
Pinuntirya ang Liverpool
ng daan-daang eroplano ng Alemanya
416
00:43:40,875 --> 00:43:44,875
at nagdulot ito ng mas malaking pinsala
kaysa sa Coventry.
417
00:43:48,250 --> 00:43:52,291
Sinasabi sa 'min ni Churchill
kung gaano kami katapang.
418
00:43:55,916 --> 00:43:57,832
{\an8}Hindi kami susuko.
419
00:43:57,833 --> 00:44:00,749
{\an8}TAGA-LIVERPOOL, 17 TAONG GULANG
420
00:44:00,750 --> 00:44:04,040
{\an8}Ang mga taga-Liverpool,
pagkatapos ng pag-atakeng 'yon,
421
00:44:04,041 --> 00:44:06,250
agad na sanang susuko.
422
00:44:14,041 --> 00:44:17,666
Ayos lang para sa mga tao
na nasa kapangyarihan, di ba?
423
00:44:21,000 --> 00:44:25,291
Nakaupo lang naman sila
sa mga lungga nila na gawa sa bakal.
424
00:44:29,125 --> 00:44:33,165
Galit na galit ako
na kaya itong gawin sa 'min ng mga German,
425
00:44:33,166 --> 00:44:36,083
at wala kaming magawa.
426
00:44:38,875 --> 00:44:41,958
Mga tao lang kami
na naghihintay na mapatay.
427
00:44:48,208 --> 00:44:50,708
Ano ang opinyon mo
tungkol sa paghihiganti?
428
00:44:51,375 --> 00:44:53,707
Kung lalaki lang ako, pupunta 'ko ro'n.
429
00:44:53,708 --> 00:44:56,165
Ipaparanas ko sa kanila
'yong ginawa nila sa 'tin.
430
00:44:56,166 --> 00:44:57,707
Pagkatapos ng mga nangyari,
431
00:44:57,708 --> 00:45:01,000
paano kung umatake tayo sa Berlin
at gawin din ito sa kanila?
432
00:45:02,458 --> 00:45:03,915
Tama lang.
433
00:45:03,916 --> 00:45:07,249
Sana mas malala pa rito ang makuha
ng taong kasinglupit niya.
434
00:45:07,250 --> 00:45:09,832
Dapat po ba nating bombahin ang Berlin
435
00:45:09,833 --> 00:45:11,832
gaya ng ginagawa nila sa London?
436
00:45:11,833 --> 00:45:14,749
Opo. Bombahin natin
ng sampung beses na higit pa.
437
00:45:14,750 --> 00:45:16,624
Pasensiya na sa mga babae at bata ro'n,
438
00:45:16,625 --> 00:45:19,125
pero paano ang mga babae
at mga bata ng bansang ito?
439
00:45:21,541 --> 00:45:26,625
IKA-100 ARAW NG BLITZ
440
00:45:28,416 --> 00:45:31,458
{\an8}Tiwala ako
na magtatagumpay tayo sa pagsupil
441
00:45:32,250 --> 00:45:34,416
sa napakatinding pag-atake na ito.
442
00:45:37,291 --> 00:45:41,041
Anuman ang mangyari,
lalaban tayong lahat hanggang sa huli.
443
00:45:45,583 --> 00:45:47,915
Ang mga bayan ng Mannheim at Ludwigshafen,
444
00:45:47,916 --> 00:45:51,750
ang pangalawang pinakamalaking daungan
sa Europa, ay lulusubin na.
445
00:45:53,000 --> 00:45:56,750
May mga pasikot-sikot na daungan ito,
mga gusali, at mga planta ng kemikal.
446
00:46:22,875 --> 00:46:25,583
Kapag namumuhay ka
sa gitna ng kamatayan gaya no'n...
447
00:46:28,166 --> 00:46:32,333
{\an8}tingin ko hindi mo iniisip
na mangyayari 'yon sa 'yo.
448
00:46:37,541 --> 00:46:40,874
Pero malalaman mo, at malalaman nila,
449
00:46:40,875 --> 00:46:43,000
kung kailan tatama ang bala.
450
00:46:54,000 --> 00:46:56,833
At parang mararamdaman nila.
451
00:46:57,916 --> 00:47:01,416
At maiisip mo, "Naku,
hindi ka na makakauwi nito."
452
00:47:01,916 --> 00:47:03,458
At alam din nila 'yon.
453
00:47:17,875 --> 00:47:22,665
Sabi ni Denis, "Kapag nagbakasyon ako,
pwede ba kitang makasama?"
454
00:47:22,666 --> 00:47:25,166
Sabi ko, "Oo, kung gusto mo."
455
00:47:27,833 --> 00:47:30,541
Nagplano kami
at pumunta kami sa Cambridge.
456
00:47:33,916 --> 00:47:35,666
Masidhing pag-ibig 'yon.
457
00:47:38,916 --> 00:47:39,916
Isa 'yong...
458
00:47:41,750 --> 00:47:44,208
pambihirang pagmamahalan.
459
00:47:54,625 --> 00:47:57,916
Naghapunan kami
at nagkuwentuhan nang nagkuwentuhan.
460
00:48:03,625 --> 00:48:07,125
Tapos sabi niya,
"May gusto akong sabihin sa 'yo."
461
00:48:10,458 --> 00:48:11,874
Pumunta kami sa kuwarto ko.
462
00:48:11,875 --> 00:48:15,250
Huwag na huwag kang papasok sa kuwarto
na may kasamang lalaki.
463
00:48:25,750 --> 00:48:28,083
Kumuha siya ng bote ng champagne,
464
00:48:29,041 --> 00:48:30,250
tapos sinabi niya,
465
00:48:31,291 --> 00:48:32,541
"Pakakasal ka ba sa 'kin?"
466
00:48:33,375 --> 00:48:35,000
Sabi ko, "Oo."
467
00:48:38,916 --> 00:48:41,916
Tapos nahiga na kami
sa kanya-kanya naming kama.
468
00:48:42,458 --> 00:48:44,125
Malaking paggalang 'yon.
469
00:48:46,333 --> 00:48:47,499
Inaalala niya 'ko
470
00:48:47,500 --> 00:48:50,708
kaya hindi niya 'ko hahayaang
malagay sa alanganin.
471
00:48:55,166 --> 00:48:58,458
Pero sa kabilang banda,
parang nakumbinsi niya ako.
472
00:48:59,250 --> 00:49:03,665
Dahil kapag alam mo na maaaring
hindi na makakabalik ang isang tao,
473
00:49:03,666 --> 00:49:06,040
palalampasin mo ba ang pagkakataon?
474
00:49:06,041 --> 00:49:07,916
Dahil hindi na ulit darating 'yon.
475
00:49:30,958 --> 00:49:34,165
Araw ng Pasko sa taon ng Blitz.
476
00:49:34,166 --> 00:49:36,540
IKA-109 NA ARAW NG BLITZ
477
00:49:36,541 --> 00:49:38,791
Mga dahon ng holly at mga alambreng tinik.
478
00:49:39,833 --> 00:49:41,958
Mga baril at palamuti.
479
00:49:47,000 --> 00:49:49,207
Ayon sa embahada ng Alemanya
sa Washington,
480
00:49:49,208 --> 00:49:51,040
inabisuhan ang pamahalaan ng Britanya
481
00:49:51,041 --> 00:49:53,624
na hindi bobombahin ng Alemanya
ang Inglatera bukas
482
00:49:53,625 --> 00:49:57,708
basta't hindi bobombahin ng Inglatera
ang mga teritoryo ng Alemanya.
483
00:50:04,041 --> 00:50:06,165
Ngayon hanggang sa susunod na Pasko,
484
00:50:06,166 --> 00:50:09,875
may 12 buwan
ng tumitinding pagod at sakripisyo.
485
00:50:11,083 --> 00:50:13,332
Sa di kalayuan,
sa mga kublihan sa ilalim ng lupa,
486
00:50:13,333 --> 00:50:15,875
nagdiriwang ang mga pamilya
ng Bisperas ng Pasko.
487
00:50:26,708 --> 00:50:29,208
May nakita akong malaking sobre
sa lalagyan ng sulat.
488
00:50:31,458 --> 00:50:33,790
Binuksan ko 'yon
at tumambad ang bangungot.
489
00:50:33,791 --> 00:50:36,083
DIARY NI JOAN WYNDHAM
18 TAONG GULANG
490
00:50:36,583 --> 00:50:39,958
Kailangan ka para sa serbisyo-militar.
Sa Royal Navy.
491
00:50:44,958 --> 00:50:47,916
"Diyos ko," naisip ko,
"Mag-isa 'kong magpa-Pasko."
492
00:50:49,916 --> 00:50:52,791
Sana namatay na lang ako.
Gusto kong makasama si Rupert.
493
00:50:56,125 --> 00:51:00,041
Puno ang mga bar ng masasayang lasing
na kumakanta ng "Tipperary".
494
00:51:05,291 --> 00:51:07,916
Nagmukmok ako sa isang malamig na kuwarto,
495
00:51:08,416 --> 00:51:10,625
natulog sa matigas na kama.
496
00:51:13,125 --> 00:51:15,333
Parang Bisperas ng Pasko sa kulungan.
497
00:51:18,041 --> 00:51:20,999
Tila nagpapatuloy
ang di deklaradong tigil-putukan
498
00:51:21,000 --> 00:51:24,540
na ipinagdiriwang sa mga bansa sa Europa
bilang pangalawang Pasko.
499
00:51:24,541 --> 00:51:27,625
Tila iginarahe muna ng magkabilang panig
ang kanilang mga eroplano.
500
00:51:30,666 --> 00:51:36,291
IKA-113 ARAW NG BLITZ
501
00:51:37,000 --> 00:51:38,957
Nakabantay sa Lungsod ng London
502
00:51:38,958 --> 00:51:42,416
ang St Paul's Cathedral
na minamahal ng lahat.
503
00:51:45,000 --> 00:51:49,125
Sa kasaysayan,
tatlong beses nang nasunog ang St Paul.
504
00:51:52,166 --> 00:51:54,290
{\an8}Lugar ng pagsamba ang St Paul.
505
00:51:54,291 --> 00:51:56,207
{\an8}JUNIOR FIREMAN, 17 TAONG GULANG
506
00:51:56,208 --> 00:51:58,750
{\an8}Lugar 'yon ng tiwala.
507
00:51:59,458 --> 00:52:00,583
Naroon ang Diyos.
508
00:52:03,875 --> 00:52:06,333
Kung tinamaan ni Hitler ang St Paul,
509
00:52:06,833 --> 00:52:11,875
masisira niya ang moral ng mga taga-London
at ng buong bansa.
510
00:52:19,291 --> 00:52:24,291
{\an8}Ang Inglatera na lamang ang natitirang
nakatindig na isla sa Europa.
511
00:52:28,375 --> 00:52:30,333
Darating ang oras
512
00:52:30,833 --> 00:52:33,833
na isa sa atin ang bibigay...
513
00:52:36,166 --> 00:52:40,416
at hindi iyon ang Alemanyang Nazi!
514
00:52:52,416 --> 00:52:56,290
Isang matinding pambobomba
na naging sanhi ng sunog
515
00:52:56,291 --> 00:52:58,250
ang nangyari sa Lungsod.
516
00:53:03,125 --> 00:53:07,416
Kontrolado na ang paligid ng St Paul.
517
00:53:12,875 --> 00:53:13,832
Hawakan mo.
518
00:53:13,833 --> 00:53:16,083
- Hawakan mo.
- Lumayo kayo sa ilalim!
519
00:53:16,708 --> 00:53:17,916
Ipinatawag kami.
520
00:53:20,083 --> 00:53:24,082
{\an8}Mahigpit ang utos ni Churchill
sa mga fire chief.
521
00:53:24,083 --> 00:53:25,291
{\an8}Isalba ang St Paul.
522
00:53:29,583 --> 00:53:32,875
Pakiramdam niya na kung maisasalba 'yon,
523
00:53:33,583 --> 00:53:35,583
may kakapitan pa rin kaming pag-asa.
524
00:53:51,375 --> 00:53:54,125
Hindi 'yon basta apoy.
'Yon ay bagyo ng apoy.
525
00:54:00,750 --> 00:54:03,666
May mga bombang bumabagsak sa ere.
526
00:54:07,125 --> 00:54:10,958
Libo-libo ang ibinabagsak sa London.
527
00:54:18,833 --> 00:54:20,333
Sobrang tindi ng init,
528
00:54:23,083 --> 00:54:24,957
at kung umabot ito sa St Paul,
529
00:54:24,958 --> 00:54:28,166
guguho ang mismong dome nito.
530
00:54:38,708 --> 00:54:41,333
Tumama sa kapitolyo
ang bigat ng atake ng Nazi.
531
00:54:42,750 --> 00:54:46,125
Pinaliyab nila ang Lungsod,
kabilang ang anim na simbahan.
532
00:54:49,166 --> 00:54:50,874
Di tumigil ang mga eroplano,
533
00:54:50,875 --> 00:54:53,666
at nakakabingi ang tunog
ng mga makina nito.
534
00:54:56,458 --> 00:55:00,708
Nagliwanag ang kalye na parang tanghali,
at nawala ang mga bituin.
535
00:55:05,541 --> 00:55:07,666
Mga larawang tila impiyerno sa lupa.
536
00:55:09,125 --> 00:55:12,915
Makikita ang mga larawan ng pag-atake
na hindi nakasentro sa layuning militar,
537
00:55:12,916 --> 00:55:16,041
kundi sa mga bagay
na ilang siglo nang minahal ng mga tao.
538
00:55:17,041 --> 00:55:19,958
Ang mga tanyag na gusali ng Guildhall.
539
00:55:30,041 --> 00:55:32,666
Doon ko naramdamang lalaki nga ako.
540
00:55:33,625 --> 00:55:37,415
{\an8}Ginagawa namin ang trabaho
na kung saan nakataya ang buhay mo,
541
00:55:37,416 --> 00:55:39,166
o ang buhay ng kasama mo.
542
00:55:42,041 --> 00:55:46,333
Sabi ko sa sarili ko, "Pag-uwi ko,
ikukuwento ko 'to sa nanay ko."
543
00:55:52,833 --> 00:55:55,833
Kung maaapula namin ang sunog,
544
00:55:57,791 --> 00:56:01,416
hindi 'yon aabot sa St Paul.
545
00:56:18,958 --> 00:56:20,166
Ito ang London.
546
00:56:23,875 --> 00:56:25,041
Napakatahimik dito.
547
00:56:25,541 --> 00:56:27,458
Halos ala-una na ng umaga.
548
00:56:33,500 --> 00:56:35,540
Naapula na ang pader ng apoy
549
00:56:35,541 --> 00:56:39,375
na nakapalibot sa malaking tatsulok
sa sentro ng kalakalan ng London.
550
00:56:42,958 --> 00:56:44,916
Pinanood ko 'yong mga sunog mula sa itaas.
551
00:56:45,583 --> 00:56:49,499
Di mahirap isipin ang hitsura ng London
300 taon na ang nakalipas
552
00:56:49,500 --> 00:56:52,250
noong maminsala
ang pinakamalaking sunog sa London.
553
00:56:57,791 --> 00:56:58,874
Sa kinalalagyan ko,
554
00:56:58,875 --> 00:57:03,000
may nagbato ng bomba mula sa bubong
gamit ang kamay na may guwantes.
555
00:57:12,125 --> 00:57:15,583
Himala na hindi tinamaan
ng mga bombang 'yon ang St Paul.
556
00:57:17,500 --> 00:57:21,165
Sa isip ko, "Diyos ko,
sana may nagsasabi sa kanila na,
557
00:57:21,166 --> 00:57:23,000
'Wag n'yong gagalawin 'yan.'"
558
00:58:05,291 --> 00:58:06,833
Napatunayan na
559
00:58:07,333 --> 00:58:12,625
na ang ganitong uri ng pananakot
sa pamamagitan ng pagpatay at terorismo...
560
00:58:16,250 --> 00:58:20,374
ay nabigong buwagin
ang katatagan ng mga Briton,
561
00:58:20,375 --> 00:58:26,208
{\an8}at sa halip ay mas pinatindi
at pinag-alab lamang ito
562
00:58:26,833 --> 00:58:29,041
nang higit pa!
563
00:58:42,250 --> 00:58:44,999
Paano ba natin mapasasalamatan ang RAF?
564
00:58:45,000 --> 00:58:47,415
Araw-araw, sumusuong sila
sa panganib ng labanan.
565
00:58:47,416 --> 00:58:49,625
Araw-araw, umuuwi silang matagumpay.
566
00:58:51,625 --> 00:58:54,791
Naghahanda ang Britanya na pigilan
ang matagal nang bantang pag-atake.
567
00:58:59,583 --> 00:59:03,666
Sumalakay ang 80 eroplano ng mga Nazi.
Hindi na nakabalik pa ang 25.
568
00:59:09,500 --> 00:59:11,707
Ito na marahil ang pagbabago
ng buong digmaan.
569
00:59:11,708 --> 00:59:14,125
Tinatalo ng husay ang dami ng bilang.
570
00:59:21,666 --> 00:59:24,749
Hindi kami naniwala na matatalo kami,
571
00:59:24,750 --> 00:59:26,915
at 'yon ang pakiramdam ng lahat.
572
00:59:26,916 --> 00:59:28,750
Lalo sa istasyon.
573
00:59:31,458 --> 00:59:34,208
Para kaming mga inosente.
574
00:59:41,291 --> 00:59:43,707
Kami ni Denis, inaayos namin 'yong kasal
575
00:59:43,708 --> 00:59:46,125
dahil gusto naming maikasal na.
576
00:59:49,416 --> 00:59:51,333
{\an8}Gusto niyang maikasal na.
577
00:59:56,125 --> 00:59:58,125
Sinabi ng mga opisyal
578
00:59:58,625 --> 01:00:03,250
na ayaw nilang magpakasal 'yong mga piloto
dahil magiging maingat na sila.
579
01:00:06,583 --> 01:00:09,708
At di ka pwedeng maging maingat
pag fighter pilot ka.
580
01:00:10,833 --> 01:00:16,000
Kailangan mong sumugod nang buong tapang
nang walang inaalalang babae sa kampo.
581
01:00:25,541 --> 01:00:29,208
May malaking pag-atake no'ng umaga.
Naka-duty ako.
582
01:00:31,416 --> 01:00:34,875
Di ko na maalala kung gaano karami
'yong mga German, pero marami.
583
01:00:41,291 --> 01:00:42,540
Patuloy na makinig.
584
01:00:42,541 --> 01:00:47,415
May palapit na kalaban sa timog-silangan.
Nasa Sugar one five, zero feet.
585
01:00:47,416 --> 01:00:51,375
Area 243. Sa Hastings, Ashford, Dover.
586
01:00:51,875 --> 01:00:52,708
Oo.
587
01:00:53,791 --> 01:00:55,416
Pinapuputukan na nila kami.
588
01:00:55,958 --> 01:00:57,000
Muntik na 'yon.
589
01:00:57,500 --> 01:01:00,250
- Parang tinamaan tayo.
- Oo.
590
01:01:02,625 --> 01:01:04,957
Alamin n'yo 'yong bilis ng fighter 182.
591
01:01:04,958 --> 01:01:07,000
Alamin 'yong bilis ng 182.
592
01:01:07,500 --> 01:01:10,125
May SOS sa 207.
593
01:01:14,208 --> 01:01:17,625
May nagsabing, "May pabagsak na eroplano,
594
01:01:18,500 --> 01:01:20,333
at walang parachute."
595
01:01:27,000 --> 01:01:28,415
Umantabay.
596
01:01:28,416 --> 01:01:31,583
Napabagsak ang 8170 ng kalaban.
597
01:01:32,083 --> 01:01:36,375
Pinalitan ng 8171. Umantabay...
598
01:01:37,125 --> 01:01:38,625
Alam ko kung sino 'yon.
599
01:01:40,625 --> 01:01:41,708
Alam ko na.
600
01:01:43,208 --> 01:01:45,625
Wag mong itanong kung ba't alam ko,
basta alam ko.
601
01:01:48,208 --> 01:01:51,125
Sabi ng flight sergeant namin, "Edith..."
602
01:01:53,416 --> 01:01:54,583
Sorry.
603
01:01:56,291 --> 01:01:57,500
Sabi niya,
604
01:01:58,458 --> 01:01:59,833
"Nawawala si Denis."
605
01:02:00,333 --> 01:02:01,750
Sabi ko, "Oo, alam ko."
606
01:02:05,041 --> 01:02:06,916
At kung paano... Tumigil ka.
607
01:02:13,958 --> 01:02:17,207
20 TAONG GULANG
608
01:02:17,208 --> 01:02:18,875
Bumagsak siya sa dagat.
609
01:02:21,166 --> 01:02:22,666
Hindi na siya nakita,
610
01:02:24,500 --> 01:02:25,540
na siyang gusto niya.
611
01:02:25,541 --> 01:02:29,540
Lagi niyang sinasabi,
pag napabagsak siya at napatay,
612
01:02:29,541 --> 01:02:32,250
ayaw niyang magkaro'n ng military funeral.
613
01:02:35,750 --> 01:02:38,333
Sana naikasal kami. 'Yon ang hiling ko.
614
01:02:40,666 --> 01:02:45,666
Wala akong pakialam kung 24 oras lang
o dalawang araw o limang buwan.
615
01:02:48,333 --> 01:02:49,791
Pinagsisisihan ko 'yon.
616
01:03:01,416 --> 01:03:03,540
IKA-245 ARAW NG BLITZ
617
01:03:03,541 --> 01:03:06,832
Ito ang ilan sa higit 60,000
na mga manonood
618
01:03:06,833 --> 01:03:09,625
para sa huling laban
ng Preston North End at Arsenal.
619
01:03:11,291 --> 01:03:14,208
Sabay na lumabas ang mga koponan,
nakaitim na shorts ang Preston.
620
01:03:17,958 --> 01:03:21,207
Usap-usapan ang pagdaraos
ng labang ito sa panahon ng digmaan.
621
01:03:21,208 --> 01:03:24,540
Pero binigyan nito ng pagkakataon
ang mga opisyal at iba pang manggagawa
622
01:03:24,541 --> 01:03:26,958
para mapahinga ang kanilang mga isipan.
623
01:03:32,125 --> 01:03:33,666
Umaatake ulit ang Preston.
624
01:03:35,083 --> 01:03:36,250
Nakapuntos sila.
625
01:03:37,875 --> 01:03:40,166
Pero nakatadhanang magtabla ang laro.
626
01:03:41,416 --> 01:03:44,875
Mahirap magdesisyon kung dapat bang idaos
ang ganitong pagdiriwang ngayon.
627
01:03:51,416 --> 01:03:54,458
May dilaw na buwan
sa Britanya ngayong gabi.
628
01:03:56,416 --> 01:03:57,749
Tumunog na ang mga sirena.
629
01:03:57,750 --> 01:04:00,625
Nasa papawirin na
ang nakakikilabot na ugong ng mga makina.
630
01:04:01,166 --> 01:04:04,416
Mukhang magiging
malaking pag-atake ito sa London.
631
01:04:09,875 --> 01:04:13,916
Dumako tayo sa kabisera ng Britanya
para sa ulat ni Edward R. Murrow.
632
01:04:15,333 --> 01:04:18,165
Paminsan-minsan, may masasayang kantahan
633
01:04:18,166 --> 01:04:21,041
o malamlam na boses na tumatawag ng taxi.
634
01:04:22,125 --> 01:04:26,333
Binisita ko ang ilang kublihan.
Halos kalahati lang ang laman.
635
01:04:28,125 --> 01:04:31,958
Sa unang tingin, makikita ang kasiyahan
at katapangan sa London.
636
01:04:36,083 --> 01:04:40,083
Nagpasya 'ko na oras na para sumali.
Nakapasok ako bilang plotter.
637
01:04:42,500 --> 01:04:44,958
Bago kami umalis, pinagbakasyon kami.
638
01:04:45,458 --> 01:04:47,624
Sumulat si Rupert
na makakapunta siya sa London,
639
01:04:47,625 --> 01:04:49,875
pero pwede siyang pabalikin anumang oras.
640
01:04:55,333 --> 01:04:58,750
Siguro may makikilala akong bago,
isang piloto o kung sino man.
641
01:05:00,625 --> 01:05:03,500
Pero di ko siya magugustuhan
gaya ng pagkagusto ko kay Rupert.
642
01:05:07,333 --> 01:05:09,833
Idinaos ang kasiyahan
sa malawak na studio.
643
01:05:11,041 --> 01:05:14,916
Naririnig namin 'yong mga dagundong,
pero walang pumapansin.
644
01:05:17,583 --> 01:05:20,541
Nang biglang may napakatining na ingay.
645
01:05:21,166 --> 01:05:23,665
Nagkakagulo na siguro sa labas.
646
01:05:23,666 --> 01:05:25,708
Lasing na kami para mapansin 'yon.
647
01:05:37,166 --> 01:05:40,750
Kakaibang gabi 'yon.
Hindi takot 'yong mga tao.
648
01:05:45,541 --> 01:05:48,666
May nagtitinda ng diyaryo sa labas...
649
01:05:50,833 --> 01:05:52,583
habang nangyayari ang bombahan.
650
01:05:55,000 --> 01:05:57,416
Resulta ng Cup!
651
01:06:05,583 --> 01:06:08,625
May naglalakad na prostitute
galing sa Piccadilly.
652
01:06:09,916 --> 01:06:13,125
Kumakanta siya, at nakapayong siya.
653
01:06:14,541 --> 01:06:19,166
I'm singing in the rain
I'm singing in the rain
654
01:06:41,458 --> 01:06:46,249
Walang tantiya sa bilang ng mga nasawi,
pero naglabas ng pahayag ang pamahalaan
655
01:06:46,250 --> 01:06:49,208
na nagsasabing
mataas ang bilang ng mga nasawi.
656
01:06:54,416 --> 01:06:56,207
Pumutok ang balita sa Europa
657
01:06:56,208 --> 01:06:59,708
na nagdeklara ng digmaan ang Alemanya
laban sa Russia.
658
01:07:02,708 --> 01:07:06,958
Nawalan na ng pag-asa si Adolf Hitler
sa mabilisang pagsakop sa Britanya.
659
01:07:17,000 --> 01:07:19,666
Walang aktibidad sa himpapawid
ang mga Aleman kagabi.
660
01:07:20,166 --> 01:07:21,083
Wala ngayon.
661
01:07:21,583 --> 01:07:24,291
Parang ang tagal na
mula no'ng narinig natin ang mga sirena.
662
01:07:27,083 --> 01:07:29,707
Bukas na ang mga sinehan
sa Leicester Square,
663
01:07:29,708 --> 01:07:33,041
ngunit tinitiyak pa rin
ang kaligtasan sa London.
664
01:07:34,750 --> 01:07:36,790
At kahit na napinsala,
665
01:07:36,791 --> 01:07:39,875
may ngiti pa rin sa mukha ng London.
666
01:07:46,791 --> 01:07:48,374
{\an8}Humupa na ang pambobomba.
667
01:07:48,375 --> 01:07:49,874
{\an8}BOSES NI ERIC BRADY
668
01:07:49,875 --> 01:07:54,916
{\an8}Nagpasya 'yong nanay ko
na pauwiin na kami agad.
669
01:07:59,500 --> 01:08:01,875
Kaya buo na ulit 'yong pamilya.
670
01:08:07,000 --> 01:08:10,125
Kinaumagahan,
gusto kong maghanap ng shrapnel.
671
01:08:12,208 --> 01:08:14,291
Masaya ako na nakauwi na 'ko.
672
01:08:20,708 --> 01:08:23,000
Pumasok kami ni Kitty sa paaralan.
673
01:08:25,375 --> 01:08:27,583
Doon ako sa junior section...
674
01:08:29,666 --> 01:08:31,500
at sa senior naman siya.
675
01:08:34,250 --> 01:08:37,291
At para sa 'min,
normal na araw lang 'yon sa klase.
676
01:08:42,291 --> 01:08:45,499
Pumunta kami sa canteen,
677
01:08:45,500 --> 01:08:48,333
kumakain kami ng mga sandwich do'n.
678
01:08:51,666 --> 01:08:53,957
Nang bigla na lang,
679
01:08:53,958 --> 01:08:58,541
may dumadagundong
na mga makina ng eroplano sa itaas.
680
01:09:03,208 --> 01:09:06,166
Pinapunta kami ng guro sa ilalim ng mesa.
681
01:09:09,791 --> 01:09:14,875
Tanda kong dumating si Kitty
at tumatakbo palapit sa 'kin.
682
01:09:16,083 --> 01:09:17,708
Tapos sumabog 'yong bomba.
683
01:09:35,833 --> 01:09:37,582
FOOTAGE NG PAARALAN NI ERIC
684
01:09:37,583 --> 01:09:40,000
Nagkatotoo 'yong pangitain ng nanay ko.
685
01:09:40,666 --> 01:09:43,458
May nangyaring masama sa 'min ni Kitty.
686
01:09:49,666 --> 01:09:53,750
Ang balita ay tungkol sa pag-atake
ng nag-iisang eroplano ng Alemanya
687
01:09:56,333 --> 01:09:58,791
Biglaang pagkasawi ang nangyari.
688
01:09:59,708 --> 01:10:02,541
Ni walang nagkaroon
ng pagkakataon para sumilong.
689
01:10:05,708 --> 01:10:07,791
Tatlumpu't walong bata ang nasawi.
690
01:10:09,875 --> 01:10:11,374
At anim na guro.
691
01:10:11,375 --> 01:10:15,000
MAGTUNGO SA MUNISIPYO
PARA SA MGA TANONG UKOL SA MGA NASAWI
692
01:10:19,208 --> 01:10:20,750
Nahukay ako.
693
01:10:30,250 --> 01:10:32,583
Malubha ang natamo kong pinsala.
694
01:10:37,333 --> 01:10:40,250
Dinadalaw ako ng nanay ko sa ospital,
695
01:10:41,000 --> 01:10:44,250
at tinatanong ko lagi si Kitty.
696
01:10:54,708 --> 01:10:59,125
Pumunta si Kitty sa canteen,
tumatakbo siya palapit sa 'kin.
697
01:11:01,791 --> 01:11:03,625
Pinrotektahan ako ni Kitty.
698
01:11:04,750 --> 01:11:05,958
At namatay siya.
699
01:11:14,208 --> 01:11:17,500
Kung hindi dahil kay Kitty, patay na 'ko.
700
01:11:18,166 --> 01:11:20,083
Wala akong duda ro'n
701
01:11:20,583 --> 01:11:24,833
dahil anuman 'yong pumatay sa kanya,
ako sana ang napatay no'n.
702
01:11:26,583 --> 01:11:28,416
Kaya di ko makakalimutan 'yon.
703
01:11:40,375 --> 01:11:47,208
Sa maraming bagay, napakasuwerte ko
dahil nagawa ko ang napakaraming bagay.
704
01:11:49,208 --> 01:11:53,750
May nakilala akong magandang babae.
Pinakasalan siya. Nagkatatlong anak.
705
01:12:13,083 --> 01:12:16,041
{\an8}Nang matapos ang digmaan,
nasa ibang mundo na kami.
706
01:12:18,250 --> 01:12:22,291
Kinailangan naming magtulungan.
Kinailangan naming magkaisa.
707
01:12:33,333 --> 01:12:36,333
Walang mahirap at mayaman.
708
01:12:37,833 --> 01:12:41,000
{\an8}Naisip namin
na may ibang nararapat para sa 'min.
709
01:12:43,291 --> 01:12:44,625
Gumanda ang buhay.
710
01:12:48,083 --> 01:12:52,082
PUMASOK SI JOAN WYNDHAM SA WAAF
AT NAKIPAGHIWALAY KAY RUPERT
711
01:12:52,083 --> 01:12:55,750
MAKALIPAS ANG 40 TAON, INILATHALA NIYA
ANG MGA DIARY NIYA AT NAGING AUTHOR
712
01:12:57,541 --> 01:13:01,541
Minsan, nararamdaman ko 'yong kahalagahan
ng mga nangyayari sa mundo,
713
01:13:02,041 --> 01:13:04,708
pero kahit gano'n,
di ko pa rin maipaliwanag.
714
01:13:06,375 --> 01:13:09,291
Gustong wasakin ng kalahati ng mundo
ang isa pang kalahati nito.
715
01:13:10,125 --> 01:13:12,250
Lubos na nagbago ang lahat.
716
01:13:15,208 --> 01:13:17,958
Pero wala namang halos nagbago
sa nararamdmaan ko,
717
01:13:18,458 --> 01:13:20,083
mas masaya lang ako.
718
01:13:23,875 --> 01:13:28,707
NAGLINGKOD BILANG INTELLIGENCE OFFICER
SI EDITH HEAP SA PANAHON NG DIGMAAN
719
01:13:28,708 --> 01:13:33,958
NAKAPAG-ASAWA SIYA
AT NAGKAROON NG DALAWANG ANAK NA BABAE
720
01:13:36,208 --> 01:13:38,875
Wala pa yata akong nakita
na gano'ng kadeterminado.
721
01:13:40,791 --> 01:13:45,624
Pinoprotektahan namin
'yong kabuhayan namin, 'yong bansa namin,
722
01:13:45,625 --> 01:13:47,541
lahat ng taumbayan, lahat.
723
01:13:48,291 --> 01:13:52,541
Kasama na 'yong mga sibilyan.
Lalaban kami hanggang sa dulo.
724
01:13:56,041 --> 01:14:00,040
Ang huling pagpuksa
sa napakalupit na paghahari
725
01:14:00,041 --> 01:14:05,124
ang magbibigay-daan
sa mas malawakang pagkakaisa
726
01:14:05,125 --> 01:14:07,291
na higit pa sa ating inasam
727
01:14:08,750 --> 01:14:12,916
kung hindi natin
sama-samang sinuong ang apoy.
728
01:16:03,416 --> 01:16:08,416
Nagsalin ng Subtitle: Jayran Kempiz
729
01:16:17,041 --> 01:16:18,707
ANG MGA TESTIMONYA SA PELIKULANG ITO
730
01:16:18,708 --> 01:16:21,040
AY MULA SA MGA NAKALIGTAS SA BLITZ
MULA 1939-1943
731
01:16:21,041 --> 01:16:23,124
ISINALAYSAY GAMIT ANG BOSES NG MGA AKTOR
732
01:16:23,125 --> 01:16:25,000
UPANG MAGING MAS MALINAW
733
01:16:26,208 --> 01:16:29,165
GINAWA ANG PELIKULANG ITO
GAMIT ANG MGA PINAGSAMA-SAMANG FOOTAGE
734
01:16:29,166 --> 01:16:32,625
MULA SA AKTUWAL NA MGA DOKUMENTARYO
HANGGANG SA PAGSASADULA NG PAMAHALAAN