1 00:00:09,259 --> 00:00:12,470 Nahuli na ng Chicago police ang tinatawag nilang pangunahing suspect 2 00:00:12,554 --> 00:00:14,014 sa Tylenol case ngayong gabi. 3 00:00:15,348 --> 00:00:16,975 Isang linggo 'yong lumipas. 4 00:00:17,058 --> 00:00:19,519 Narinig namin na may suspect sila. 5 00:00:19,602 --> 00:00:23,481 "Oo, may isa pa." Roger Arnold 'yong pangalan. 6 00:00:24,566 --> 00:00:28,319 Tumawag 'yong may-ari ng bar sa mga imbestigador at sinabi, 7 00:00:28,403 --> 00:00:30,030 "Gusto ko lang ipaalam sa inyo, 8 00:00:30,113 --> 00:00:34,951 sinasabi ng lalaking ito na may cyanide siya sa bahay 9 00:00:35,035 --> 00:00:38,079 at gusto niyang lasunin ang mga tao." 10 00:00:39,456 --> 00:00:42,751 Inaresto ng mga pulis ang lalaking ito, si Roger Arnold, 48, 11 00:00:42,834 --> 00:00:45,086 at binansagan siyang "closet chemist". 12 00:00:46,171 --> 00:00:50,341 Bumili siya ng cyanide, ipinadala sa bahay niya. 13 00:00:50,425 --> 00:00:55,513 At nagtrabaho siya sa bodega ng Jewel Food Stores, 14 00:00:55,597 --> 00:00:59,225 isa sa mga lugar kung saan binili ang Tylenol. 15 00:00:59,976 --> 00:01:03,354 Noong hinalughog ng mga imbestigador ang bahay ni Arnold, 16 00:01:03,897 --> 00:01:07,192 sabi niya, may cyanide daw siya roon, 17 00:01:07,275 --> 00:01:08,693 pero wala silang nakita. 18 00:01:08,777 --> 00:01:11,446 Pero may nahanap silang libro 19 00:01:11,529 --> 00:01:16,284 na parang recipe kung paano lasunin ang isang tao. 20 00:01:16,367 --> 00:01:18,244 May mga misteryosong pulbos, 21 00:01:18,328 --> 00:01:21,331 ilang baril na di nakarehistro, 22 00:01:21,414 --> 00:01:23,291 baguhang chemistry setups. 23 00:01:23,374 --> 00:01:26,461 Kakaiba para sa nagtatrabaho sa bodega. 24 00:01:27,003 --> 00:01:31,925 May one-way ticket siya papuntang Thailand sa loob ng dalawang linggo. 25 00:01:33,051 --> 00:01:35,386 Maraming circumstantial evidence 26 00:01:35,470 --> 00:01:36,846 laban kay Roger Arnold, 27 00:01:37,555 --> 00:01:39,933 pero circumstantial evidence lang. 28 00:01:40,725 --> 00:01:43,978 Sa puntong ito, nakasuhan lang si Mr. Arnold 29 00:01:44,062 --> 00:01:46,356 ng weapons violations. 30 00:01:46,439 --> 00:01:48,525 May interes siya sa chemistry. 31 00:01:48,608 --> 00:01:51,820 Naaalala ko, may mga nahanap sa apartment niya. 32 00:01:51,903 --> 00:01:57,826 Ebidensiya 'yon, pero di ibig sabihin na siya ang salarin. 33 00:01:58,451 --> 00:02:00,411 Nilinaw sa iyo na suspect ka. 34 00:02:00,495 --> 00:02:02,080 Ano'ng masasabi mo roon? 35 00:02:02,163 --> 00:02:05,375 Isipin nila kung ano'ng gusto nila, pero wala akong kinalaman doon. 36 00:02:05,959 --> 00:02:07,961 Pagkatapos niyang makapagpiyansa, 37 00:02:08,044 --> 00:02:11,214 sinabi ni Roger Arnold sa korte, 38 00:02:11,297 --> 00:02:13,967 "Gusto kong masangkot sa homicide ng lalaki 39 00:02:14,050 --> 00:02:16,594 na nagdamay sa akin sa gulo ng Tylenol." 40 00:02:16,678 --> 00:02:20,682 Isang lalaki ang binaril at namatay sa may Chicago tavern Sabado ng umaga. 41 00:02:20,765 --> 00:02:26,020 Kalaunan, sa sobrang galit ni Roger Arnold sa may-ari ng bar 42 00:02:26,104 --> 00:02:29,607 na nagsumbong sa pulis, sinubukan niyang patayin 'yon. 43 00:02:31,192 --> 00:02:33,820 Ang problema, maling tao ang nabaril niya. 44 00:02:34,654 --> 00:02:37,740 Nakapatay siya ng inosenteng tao na walang kinalaman 45 00:02:38,324 --> 00:02:39,909 at nakulong siya. 46 00:02:41,077 --> 00:02:44,372 Binaril ni Roger Arnold si John Stanisha. 47 00:02:44,455 --> 00:02:49,252 Parang siya na rin ang pangwalong biktima ng Tylenol murders. 48 00:02:49,836 --> 00:02:54,799 Namatay si Roger Arnold noong 2008, pero para sa Chicago police detectives, 49 00:02:54,883 --> 00:02:58,553 ilan sa kanila, hanggang ngayon, siya ang pangunahing suspect. 50 00:02:59,512 --> 00:03:05,435 Mas mabuti sana kung mas nag-imbestiga pa kay Roger Arnold, 51 00:03:05,518 --> 00:03:07,729 pero sumuko na yata sila sa kanya 52 00:03:07,812 --> 00:03:11,024 kasi akala nila na nahuli na nila ang totoong killer. 53 00:03:58,196 --> 00:04:00,949 May bagong posibleng katotohanan 54 00:04:01,824 --> 00:04:04,535 na walang baliw na umiikot sa mga tindahan, 55 00:04:05,036 --> 00:04:07,664 kaya nagduda ako sa opisyal na kuwento. 56 00:04:08,331 --> 00:04:12,001 Iisa lang ang tinutumbok ng kasong ito sa simula pa lang. 57 00:04:13,127 --> 00:04:17,882 Sa buong kaso, ang bait tingnan ng Johnson & Johnson, 58 00:04:17,966 --> 00:04:23,096 isang magandang kumpanya na nagmamalasakit sa mga customer nila. 59 00:04:24,097 --> 00:04:25,765 Di ako nag-aalala para sa Tylenol, 60 00:04:25,848 --> 00:04:28,726 kundi para sa ating lahat. Magkaramay tayo rito. 61 00:04:29,310 --> 00:04:34,107 Pero tingin ko, market share lang 'yong importante roon. 62 00:04:34,691 --> 00:04:38,152 Sa loob ng 96 taon nito, ito na ang pinakamalaking banta 63 00:04:38,236 --> 00:04:41,864 sa imahe ng kumpanya at sa Tylenol, ang pinakamabentang produkto nito. 64 00:04:42,699 --> 00:04:47,036 Gagawin ng Johnson & Johnson ang lahat para iligtas 'yong brand nila. 65 00:04:47,120 --> 00:04:50,707 Di ba maliit na bagay lang 'yon para maisalba sila? 66 00:04:54,544 --> 00:04:57,297 Sa mga pahayag sa publiko, sabi ng Johnson & Johnson 67 00:04:57,380 --> 00:05:02,135 na walang cyanide sa kahit saang parte ng paggawa ng Tylenol. 68 00:05:02,218 --> 00:05:04,053 Apat na araw matapos ang mga pagkamatay, 69 00:05:04,137 --> 00:05:07,140 may nakakagulat na pahayag ang medical examiner ng Chicago. 70 00:05:07,223 --> 00:05:09,475 Sa isang conference kahapon ng umaga, 71 00:05:09,559 --> 00:05:15,898 tinanong ko ang dalawang kinatawan ng McNeil Laboratories 72 00:05:15,982 --> 00:05:22,363 kung may cyanide malapit sa pinaghahandaan ng Tylenol, 73 00:05:22,447 --> 00:05:23,448 "Oo," ang sagot. 74 00:05:24,449 --> 00:05:27,035 Noong una, noong tinanong ang Johnson & Johnson, 75 00:05:27,118 --> 00:05:31,372 sabi nila, walang cyanide sa mga planta nila. 76 00:05:32,332 --> 00:05:38,087 Tapos nalamang ginagamit 'yon sa McNeil, 77 00:05:38,671 --> 00:05:43,343 bilang isang test para matukoy kung may lead sa mga capsule. 78 00:05:43,926 --> 00:05:48,473 Pero sabi nila, nakatago 'yon sa isang lugar 79 00:05:48,556 --> 00:05:51,684 na hindi malapit sa floor ng pabrika. 80 00:05:51,768 --> 00:05:55,063 Oo, ginagamit ang cyanide sa quality control area ng planta. 81 00:05:55,146 --> 00:05:58,524 Nakakandado iyon. Joe, ipaliwanag mo kung gusto mo. 82 00:05:58,608 --> 00:06:01,486 Konti lang iyon at nakatago sa ligtas na lugar 83 00:06:01,569 --> 00:06:03,154 sa planta para sa QC. 84 00:06:03,237 --> 00:06:05,740 'Yong totoo, hindi 'yon nakakandado, 85 00:06:05,823 --> 00:06:09,410 at kahit sino, pwedeng pumasok sa kuwartong 'yon. 86 00:06:09,494 --> 00:06:13,539 Kaya kung gusto mo na isali 'yon sa proseso, 87 00:06:13,623 --> 00:06:15,124 makukuha mo talaga. 88 00:06:24,467 --> 00:06:26,260 Ang susunod kong tanong, 89 00:06:27,136 --> 00:06:31,391 "Kahit kailan, sinuri ba ninyo ang Tylenol para sa cyanide?" 90 00:06:32,642 --> 00:06:35,478 Ang sagot, "Oo, at laging negative." 91 00:06:36,854 --> 00:06:40,233 Ang naisip ko, 92 00:06:41,442 --> 00:06:45,446 "Bakit kayo nagsusuri para sa cyanide?" Kayo na rito. 93 00:06:45,530 --> 00:06:49,117 'Yong sinasabi ni Dr. Stein, 94 00:06:49,200 --> 00:06:52,662 kung sinusuri ng Johnson & Johnson kung may cyanide, 95 00:06:52,745 --> 00:06:57,250 nag-aalala sila na sa sarili nilang proseso, 96 00:06:57,333 --> 00:07:01,504 posibleng magkaroon ng cyanide sa produkto nila. 97 00:07:01,587 --> 00:07:04,424 Ang unang reaksiyon namin ay takot. 98 00:07:05,258 --> 00:07:07,927 Posible kaya na nangyari ito 99 00:07:08,010 --> 00:07:11,639 sa proseso ng paggawa o sa pasilidad namin? 100 00:07:12,598 --> 00:07:15,393 Siyempre, sa pananaw ng korporasyon, 101 00:07:15,476 --> 00:07:18,855 hindi sinadya ng Johnson & Johnson 102 00:07:18,938 --> 00:07:21,649 na mamahagi ng kontaminadong Tylenol. 103 00:07:21,732 --> 00:07:27,280 Pero hindi rin natin alam kung may problema 104 00:07:27,363 --> 00:07:30,825 sa isa sa dalawang manufacturing facility nila 105 00:07:30,908 --> 00:07:34,370 o kahit saang parte ng distribution chain, 106 00:07:34,454 --> 00:07:39,417 kaya naging kontaminado ang mga bote. 107 00:07:46,549 --> 00:07:49,844 Tingin ko, kung babalikan, makikita natin 108 00:07:49,927 --> 00:07:54,932 na may mga problema na sa imbestigasyon sa simula pa lang. 109 00:07:56,642 --> 00:08:02,982 Ilang oras sa mga planta 'yong inspectors na ipinadala ng mga imbestigador, 110 00:08:03,065 --> 00:08:07,737 at idineklara agad nila na imposibleng sa mga planta 111 00:08:07,820 --> 00:08:12,825 ng Johnson & Johnson nangyari ang mga kontaminasyon. 112 00:08:12,909 --> 00:08:15,578 Si Michael Schaffer, ang chief toxicologist 113 00:08:15,661 --> 00:08:18,122 ng Cook County Medical Examiner's Office, 114 00:08:18,206 --> 00:08:22,293 sinigurong hindi sa planta nangyari ang kontaminasyon. 115 00:08:22,376 --> 00:08:25,046 Sigurado ako roon. 116 00:08:27,173 --> 00:08:33,679 Imposible na masisiguro mo 'yon nang ganoon kabilis. 117 00:08:33,763 --> 00:08:37,475 Mas matagal doon ang mga inspection ng mga planta ng gamot. 118 00:08:38,351 --> 00:08:43,064 Nagsagawa ng hiwalay na imbestigasyon ang Food and Drug Administration 119 00:08:43,147 --> 00:08:49,195 at sinabing ligtas ang mga pasilidad ilang linggo pagkatapos noong krisis. 120 00:08:50,446 --> 00:08:52,740 Pero di tayo sigurado 121 00:08:52,823 --> 00:08:57,411 kung nakontrol talaga 'yong cyanide sa mga pasilidad, 122 00:08:57,495 --> 00:09:00,581 'yong bilang ng mga empleyado na may access doon, 123 00:09:00,665 --> 00:09:06,796 dahil wala tayong masyadong alam tungkol sa pagpapatakbo ng mga pasilidad. 124 00:09:06,879 --> 00:09:10,550 Ilang linggo nang ipinamamahagi ang produkto. 125 00:09:10,633 --> 00:09:14,595 Ipinamahagi ito sa buong bansa noong August mula sa dalawang source, 126 00:09:14,679 --> 00:09:18,349 isa mula sa planta ng kumpanya sa Texas at isa sa Pennsylvania. 127 00:09:18,432 --> 00:09:22,853 Ganoon katagal na iyon ipinamamahagi 128 00:09:22,937 --> 00:09:26,274 at walang nagkasakit sa ibang lugar, kaya ang tsansa 129 00:09:26,357 --> 00:09:29,777 na isa itong malawakang problema, maliit lang para sa akin. 130 00:09:31,696 --> 00:09:35,575 Para sa Johnson & Johnson, kailangang konti lang 131 00:09:35,658 --> 00:09:40,371 ang kontaminadong bote at di kumalat sa iba't ibang lugar 132 00:09:40,454 --> 00:09:44,166 dahil doon lang nila pwedeng sabihin 133 00:09:44,250 --> 00:09:46,919 na may isang baliw 134 00:09:47,003 --> 00:09:51,382 na naglagay ng nilasong Tylenol sa mga shelf ng mga tindahan. 135 00:09:52,425 --> 00:09:53,884 Kung mas marami pa, 136 00:09:53,968 --> 00:09:57,847 kung kumalat na 'yong mga bote, 137 00:09:57,930 --> 00:10:03,185 mabubutas na 'yong kuwento ng Johnson & Johnson. 138 00:10:03,269 --> 00:10:05,187 Ngayon, mabilis na ipinabalik ng kumpanya 139 00:10:05,271 --> 00:10:07,773 ang mahigit sangkapat na milyong bote sa buong bansa. 140 00:10:09,066 --> 00:10:13,571 Isa sa malalaking problema sa pag-usad ng imbestigasyon, 141 00:10:13,654 --> 00:10:18,159 'yong kumpanya mismo 'yong nanguna roon, 142 00:10:18,242 --> 00:10:22,204 kahit na parang marami silang dahilan 143 00:10:22,288 --> 00:10:25,625 para itago ang lalim ng mga problema sa kontaminasyon. 144 00:10:26,917 --> 00:10:32,340 Noong inanunsiyo ng Johnson & Johnson ang pagpapabalik ng Tylenol sa bansa, 145 00:10:33,090 --> 00:10:38,888 sila rin mismo 'yong sumuri sa mga bote. 146 00:10:38,971 --> 00:10:42,725 Nagtayo kami ng mga espesyal na laboratory para suriin ang Tylenol capsules 147 00:10:42,808 --> 00:10:45,269 para makita kung may iba pang cyanide poisoning. 148 00:10:46,270 --> 00:10:48,189 Ang problema roon, siyempre, 149 00:10:48,272 --> 00:10:54,695 malaki ang taya ng Johnson & Johnson para siguruhin 150 00:10:54,779 --> 00:10:58,074 na konti lang ang mga bote na mapatutunayang kontaminado. 151 00:10:58,157 --> 00:11:00,868 Mahigit walong milyong capsule 152 00:11:00,951 --> 00:11:05,081 ang sinuri namin, ng FDA, at ng iba pang agency. 153 00:11:06,040 --> 00:11:09,627 Wala pang 75 capsule, walong bote, 154 00:11:09,710 --> 00:11:13,214 lahat sa Chicago, ang napag-alamang naglalaman ng cyanide. 155 00:11:14,590 --> 00:11:17,176 AYON SA FDA INVESTIGATION, ANG POTASSIUM CYANIDE 156 00:11:17,259 --> 00:11:20,179 SA MGA PLANTA NG MCNEIL AY HINDI TUGMA SA MGA NILASONG CAPSULE. 157 00:11:20,262 --> 00:11:23,432 Ang Johnson & Johnson ang nanguna sa lahat. 158 00:11:23,516 --> 00:11:25,142 Wala akong masabi sa kanila. 159 00:11:25,226 --> 00:11:29,355 Wala pa akong nakitang kumpanya na nakipagtulungan sa mga awtoridad 160 00:11:29,438 --> 00:11:32,233 gaya ng McNeil Lab. 161 00:11:32,316 --> 00:11:37,071 Hahayaan mo ba na ang suspect mismo ang mag-imbestiga? 162 00:11:37,655 --> 00:11:41,784 Hindi. Maraming bias doon, at di mo malalaman. 163 00:11:42,368 --> 00:11:45,579 Di natin alam kung ilang bote ang kumalat. 164 00:11:45,663 --> 00:11:48,165 Wala tayong idea kung ilan pa ang namatay. 165 00:11:48,249 --> 00:11:49,417 Tatanungin kita. 166 00:11:50,292 --> 00:11:53,462 Posible kayang 'yong pitong malusog na tao 167 00:11:53,546 --> 00:11:57,550 na nasa 12 hanggang 35 taong gulang lang ang biktima? 168 00:11:58,300 --> 00:12:00,928 Ilang matatanda 'yong namatay? 169 00:12:01,011 --> 00:12:02,763 Ilan 'yong nagmamaneho ng kotse, 170 00:12:03,347 --> 00:12:06,809 uminom ng dalawang capsule, nagka-seizure, at nabangga? 171 00:12:08,144 --> 00:12:11,230 Baka marami pa 'yong biktima, di lang natin nalaman 172 00:12:11,313 --> 00:12:17,528 kasi bihirang gawin 'yong cyanide test sa normal na autopsy toxicology screen. 173 00:12:17,611 --> 00:12:20,030 Kung walang dahilan para maghinala, 174 00:12:20,114 --> 00:12:21,782 di 'yon karaniwang ginagawa. 175 00:12:22,450 --> 00:12:25,202 Sa kaso ng isang matanda, 176 00:12:25,286 --> 00:12:28,414 kung uminom siya ng Tylenol at walang kahina-hinala, 177 00:12:28,497 --> 00:12:32,543 talagang di makikita 'yon kasi iisipin na natural 'yong pagkamatay. 178 00:12:33,127 --> 00:12:37,465 Noong una, brain aneurysm daw 'yong ikinamatay ng mama ko. 179 00:12:37,548 --> 00:12:39,759 Hindi nila alam na cyanide 'yon. 180 00:12:39,842 --> 00:12:43,679 Dahil lang nagkaroon ng tatlong biktima sa isang pamilya 181 00:12:43,763 --> 00:12:47,099 kaya di na naitanggi na may mali talaga. 182 00:12:47,183 --> 00:12:49,393 Kaya para sa akin, 183 00:12:49,477 --> 00:12:52,772 makikita sana sa ebidensiya na marami pa 'yong bote 184 00:12:52,855 --> 00:12:54,064 at mas marami ang namatay. 185 00:13:01,447 --> 00:13:05,284 Dahil ibinigay natin 'yong karamihan sa mga bote, 186 00:13:05,367 --> 00:13:07,995 di natin alam kung alin doon ang kontaminado. 187 00:13:09,371 --> 00:13:12,249 Konti lang 'yong sinuri nila, 188 00:13:12,333 --> 00:13:14,001 tapos sinira na 'yong iba. 189 00:13:14,084 --> 00:13:15,669 Inihayag ng Johnson & Johnson 190 00:13:15,753 --> 00:13:18,798 na sisirain nito ang 22 milyong bote ng produkto 191 00:13:18,881 --> 00:13:21,133 na ibinalik ng mga distributor at mamimili. 192 00:13:21,217 --> 00:13:24,970 Sisirain na lang namin sila. Kumuha kami 193 00:13:25,054 --> 00:13:28,724 ng tagalabas na firm na sumisira ng mga produkto, 194 00:13:28,808 --> 00:13:30,810 at inaasikaso na nila iyon ngayon. 195 00:13:30,893 --> 00:13:33,395 Sisirain na iyon, kaya makasisiguro tayo. 196 00:13:33,479 --> 00:13:35,940 Susunugin na ngayong linggo. 197 00:13:36,732 --> 00:13:39,944 Siguro kung kinuha natin ang lahat ng bote, 198 00:13:40,027 --> 00:13:43,781 at di ibinigay sa Johnson & Johnson para suriin at sirain, 199 00:13:43,864 --> 00:13:48,369 mas marami pa tayong nahanap na mga nilasong capsule sa mga bote. 200 00:13:51,539 --> 00:13:55,876 Mass murderer lang ang gugustuhin na sirain ang lahat ng ebidensiya. 201 00:13:56,836 --> 00:13:59,922 Kung seryoso ka sa pagsasampa ng kaso, 202 00:14:00,005 --> 00:14:05,135 di mo sisirain ang milyon-milyong capsule na sangkot sa criminal case. 203 00:14:05,219 --> 00:14:08,055 Umaasta ka na parang may kinalaman ka 204 00:14:08,138 --> 00:14:09,807 sa mga murder. 205 00:14:11,433 --> 00:14:15,229 Jim Burke ng Johnson & Johnson, humahanga talaga kami sa iyo. 206 00:14:18,232 --> 00:14:22,027 Kalaunan, nakatanggap si James Burke ng Presidential Medal of Freedom, 207 00:14:22,111 --> 00:14:26,448 ang pinakamataas na civilian honor na ibinibigay ng United States. 208 00:14:26,532 --> 00:14:29,577 Sabi ni President Reagan, higit pa iyon sa magandang negosyo, 209 00:14:29,660 --> 00:14:30,828 inilarawan niya si Burke… 210 00:14:30,911 --> 00:14:34,415 Isang tao na, nitong mga nakaraang araw, naging ehemplo 211 00:14:34,498 --> 00:14:38,419 ng corporate responsibility at gilas sa gitna na kagipitan. 212 00:14:38,919 --> 00:14:43,340 At si Burke, kahit mukhang bukas at tapat, 213 00:14:43,424 --> 00:14:48,512 patago at palihim niyang pinatakbo 'yong kumpanya. 214 00:14:52,558 --> 00:14:56,478 Tinanggal 'yong Johnson & Johnson sa listahan ng mga suspect 215 00:14:56,562 --> 00:14:58,898 sa umpisa pa lang noong kaso. 216 00:14:59,648 --> 00:15:01,650 Hindi pa rin nalulutas 'yon. 217 00:15:03,068 --> 00:15:08,157 Dahil ba di talaga inisip na may pananagutan ang Johnson & Johnson 218 00:15:08,240 --> 00:15:12,620 sa mga pagkalason? 219 00:15:13,662 --> 00:15:17,041 Wala tayong sagot sa tanong na 'yan. 220 00:15:25,049 --> 00:15:27,134 Pagkatapos ng sampung taon sa loob, 221 00:15:27,217 --> 00:15:30,471 nakalabas na sa kulungan ngayong araw si James Lewis, 222 00:15:30,554 --> 00:15:34,725 ang nag-iisang tao na napatunayang sangkot sa krimeng umapi sa bansa. 223 00:15:35,517 --> 00:15:37,519 Ano'ng pakiramdam ngayong malaya ka na? 224 00:15:38,270 --> 00:15:43,651 Noong 1995, pinalaya sa kulungan si James Lewis. 225 00:15:43,734 --> 00:15:47,112 Mr. Lewis, may kinalaman ka ba sa pagkalason ng mga taong 'yon? 226 00:15:47,613 --> 00:15:48,447 Mr. Lewis… 227 00:15:48,530 --> 00:15:52,409 Pumunta siya sa Cambridge, Massachusetts, 228 00:15:52,493 --> 00:15:55,287 para samahan ang asawa niyang si Leann. 229 00:15:56,705 --> 00:15:59,083 At tumahimik na siya. 230 00:16:00,125 --> 00:16:06,507 Walang balita tungkol kay James Lewis sa loob ng sampung taon. 231 00:16:07,716 --> 00:16:12,930 Tapos lumabas ulit siya bilang isang suspect sa panggagahasa. 232 00:16:17,226 --> 00:16:19,937 Noong July 2004, 233 00:16:20,020 --> 00:16:23,816 isang babae sa condominium complex sa East Cambridge 234 00:16:23,899 --> 00:16:27,987 ang iniulat na nawawala ng papa niya, 235 00:16:28,070 --> 00:16:31,615 na tumawag sa pulis kasi hindi na siya ma-contact. 236 00:16:33,534 --> 00:16:38,247 Pumunta 'yong papa sa apartment, nakitang balisa 'yong anak niya. 237 00:16:38,330 --> 00:16:39,748 Tulala lang siya. 238 00:16:39,832 --> 00:16:41,458 Nalilito. 239 00:16:41,542 --> 00:16:45,129 May sakit siya, kaya dinala sa lokal na ospital. 240 00:16:46,630 --> 00:16:51,552 Masasabi natin sa resulta ng sexual assault kit na ginawa 241 00:16:52,136 --> 00:16:54,930 na may trauma siya sa cervix. 242 00:16:55,014 --> 00:16:58,017 May mga marka rin ng pagkakatali sa mga pulso niya. 243 00:16:59,101 --> 00:17:03,522 Literal na tuyo at bitak-bitak 'yong mga labi niya. 244 00:17:04,231 --> 00:17:08,527 Parang napaso, sa isang uri ng lason. 245 00:17:09,570 --> 00:17:15,826 At 'yong sample ng ihi, may ethanol at acetone. 246 00:17:16,827 --> 00:17:22,666 Tugma 'yong mga resulta sa kuwento niya tungkol sa nangyari sa bahay na iyon. 247 00:17:26,128 --> 00:17:30,090 'Yong pahayag na ibinigay niya sa ospital, 'yong kapitbahay niya, 248 00:17:30,174 --> 00:17:35,721 winisikan siya sa mukha, at hinila siya sa apartment niya. 249 00:17:37,890 --> 00:17:42,895 Napaso daw siya, at sapilitan siyang sinubuan ng likido. 250 00:17:45,230 --> 00:17:47,941 Nawawalan siya ng malay, tapos bumabalik. 251 00:17:51,361 --> 00:17:53,947 Naalala niyang pumatong siya sa kanya. 252 00:17:54,782 --> 00:17:57,284 Naalala niyang sinaktan siya. 253 00:17:58,911 --> 00:18:00,954 Isang gabi siya roon, 254 00:18:01,622 --> 00:18:05,125 pero wala siyang masyadong naalala tungkol sa nangyari. 255 00:18:07,211 --> 00:18:10,339 Si James Lewis pala 'yong kapitbahay niya. 256 00:18:15,636 --> 00:18:19,932 Noong sinabi sa aking si James Lewis 'yon na sangkot sa gulo ng Tylenol sa Chicago 257 00:18:20,015 --> 00:18:24,728 noong 1980s, nakakabahala 258 00:18:24,812 --> 00:18:28,357 na may nakakatakot na predator na nakatira sa siyudad 259 00:18:28,440 --> 00:18:29,650 nang di namin alam. 260 00:18:31,610 --> 00:18:33,028 Dinampot namin siya. 261 00:18:33,112 --> 00:18:35,614 Anim na kaso 'yong isinampa sa kanya, 262 00:18:35,697 --> 00:18:39,326 assault and battery, pagdodroga ng tao, paglalason ng tao, 263 00:18:39,409 --> 00:18:42,079 pangingidnap, at sexual assault. 264 00:18:43,413 --> 00:18:45,499 Hindi ko siya kinidnap. 265 00:18:46,250 --> 00:18:49,753 Walang ebidensiya na nakasama ko siya 266 00:18:49,837 --> 00:18:53,966 o hinawakan ko siya sa kahit anong paraan, kahit pakikipagkamay. 267 00:18:56,510 --> 00:18:58,804 Wala kaming nakuhang DNA niya. 268 00:19:00,430 --> 00:19:05,310 Walang nakitang specimen sa kanya o sa loob niya mula kay Lewis. 269 00:19:07,771 --> 00:19:10,858 Ipinadala sa kulungan si James Lewis. 270 00:19:10,941 --> 00:19:15,529 Inabot ng halos tatlong taon bago nalitis 'yong kaso. 271 00:19:17,156 --> 00:19:19,158 Sa unang araw ng paglilitis, 272 00:19:19,241 --> 00:19:23,453 nanginginig siya at umiiyak, walang tigil. 273 00:19:25,247 --> 00:19:27,291 Alam na niya kung sino si James Lewis. 274 00:19:27,374 --> 00:19:30,752 Tiningnan niya 'yong nangyari sa Tylenol. Takot na takot siya. 275 00:19:30,836 --> 00:19:34,923 Hindi niya kinayang tumayo sa stand. 276 00:19:37,759 --> 00:19:41,722 Nagdesisyon 'yong prosecutor na di nila maisusulong 'yong kaso. 277 00:19:42,431 --> 00:19:45,684 Kaya nakalaya siya na parang walang nangyari. 278 00:19:47,978 --> 00:19:52,816 Alam mo, tatlong taon kong nilabanan 'yon sa county jail, 279 00:19:53,400 --> 00:19:56,111 at masyadong matagal 'yon 280 00:19:56,195 --> 00:19:59,198 para sa isang bagay na walang saysay. 281 00:19:59,781 --> 00:20:04,077 Paano mo sasagutin ang mga ganoong tanong 282 00:20:04,161 --> 00:20:07,372 kung tungkol sila sa mga bagay na hindi nangyari? 283 00:20:08,790 --> 00:20:12,920 Pinaghinalaan siya mula sa murder hanggang sa pangingidnap, sexual assault, 284 00:20:13,003 --> 00:20:16,548 at sa gulo tungkol sa Tylenol. 285 00:20:17,216 --> 00:20:19,676 Kahit ano, kaya niyang gawin. 286 00:20:23,513 --> 00:20:27,935 Isang araw, noong nakalaya na si James Lewis, 287 00:20:28,018 --> 00:20:32,731 may lumapit sa mga detective na informant galing sa kulungan. 288 00:20:36,235 --> 00:20:40,697 Nakulong ako sa Cambridge Jail sa Cambridge, Mass 289 00:20:42,032 --> 00:20:44,576 para sa statutory rape. 290 00:20:45,702 --> 00:20:50,374 Noong una ko siyang nakilala, inilagay siya sa kama sa tabi noong akin. 291 00:20:51,208 --> 00:20:53,502 Nalaman ko na galing siya sa Missouri, 292 00:20:54,002 --> 00:20:57,589 ilang oras lang sa timog-kanluran ng dati kong tinitirhan. 293 00:20:58,966 --> 00:21:01,677 Marami kaming pagkakapareho. 294 00:21:02,469 --> 00:21:06,682 Dalawang tagaprobinsiya, naipit sa gitna ng magulong gubat. 295 00:21:07,516 --> 00:21:11,478 Habang tumatagal kaming magkasama, mas marami siyang ikinukuwento. 296 00:21:15,732 --> 00:21:20,946 Laging ipinagmamayabang ni Jim na nahuli at nakulong lang siya 297 00:21:21,029 --> 00:21:23,031 sa extortion letter. 298 00:21:23,907 --> 00:21:26,285 Sabi ko, "Sinasabi mo ba sa akin, 299 00:21:26,368 --> 00:21:28,870 ikaw ang nasa likod ng Tylenol poisoning?" 300 00:21:28,954 --> 00:21:31,623 Sabi niya, "Kung nakalusot ako, ano'ng iisipin mo?" 301 00:21:33,333 --> 00:21:39,923 Sabi ni Jim, paghihiganti niya 'yon para sa anak niyang namatay. 302 00:21:41,300 --> 00:21:44,720 May tapal sa puso niya, pero bumigay 'yon. 303 00:21:45,345 --> 00:21:49,558 Sinisi niya ang Johnson & Johnson para sa nasirang tapal. 304 00:21:52,519 --> 00:21:57,733 At iyon ang paraan niya para makaganti sa Johnson & Johnson 305 00:21:57,816 --> 00:21:59,276 para sa pagkamatay ng anak niya. 306 00:22:01,194 --> 00:22:02,904 Ang pagkamatay ng anak namin, 307 00:22:03,739 --> 00:22:09,077 namatay siya dahil lang lumuwag 'yong tapal sa atrial wall niya. 308 00:22:10,329 --> 00:22:12,205 Mechanical failure 'yon. 309 00:22:12,289 --> 00:22:14,708 Hindi dahil sa isang tao. 310 00:22:15,292 --> 00:22:18,337 Di ko gustong maghiganti kahit kanino. 311 00:22:18,420 --> 00:22:22,841 Kung sinubukan kong umupo at mag-isip ng paghihiganti, 312 00:22:23,425 --> 00:22:29,348 wala akong maiisip na kapaki-pakinabang o may saysay. 313 00:22:30,140 --> 00:22:31,516 Ano'ng magagawa noon? 314 00:22:33,685 --> 00:22:35,354 Ayon kay Jim, 315 00:22:35,437 --> 00:22:38,732 nakalusot lang siya sa Tylenol poisonings 316 00:22:38,815 --> 00:22:44,196 dahil masyadong tanga 'yong mga pulis para matahi 'yong kaso. 317 00:22:45,989 --> 00:22:48,533 Isa talaga siyang halimaw, 'ka ko. 318 00:22:48,617 --> 00:22:52,454 Tinuturuan 'yong mga bata, "Wag kayong matakot. Walang halimaw." 319 00:22:53,246 --> 00:22:57,793 Sa America, meron. James Lewis 'yong pangalan niya. 320 00:22:58,835 --> 00:23:02,089 Hindi ako umamin sa kanya o kahit kanino. 321 00:23:02,172 --> 00:23:05,884 Minsan ginagawa 'yan ng mga informant galing sa kulungan 322 00:23:05,967 --> 00:23:09,096 para mabawasan 'yong sentensiya nila. 323 00:23:09,179 --> 00:23:13,350 Para may makuha sila sa pagdidiin sa iba 324 00:23:14,226 --> 00:23:16,645 sa pamamagitan ng pagbibintang. 325 00:23:17,646 --> 00:23:19,731 Wala akong hiningi sa DA, 326 00:23:21,441 --> 00:23:25,445 FBI, mga detective na kumausap sa akin. Wala akong hiningi sa kanila, 327 00:23:25,987 --> 00:23:28,198 maliban sa, "Ikulong n'yo siya." 328 00:23:30,617 --> 00:23:32,452 Kalaunan, noong 2006, 329 00:23:33,370 --> 00:23:36,748 nagkaroon kami ng malaking meeting sa Chicago FBI headquarters 330 00:23:36,832 --> 00:23:41,044 kung saan tiningnan namin ang bawat ebidensiya na nakuha sa kaso. 331 00:23:42,379 --> 00:23:47,843 Binalikan namin 'yong cold case, sinuri, at tiningnan kung meron kaming di nakita. 332 00:23:48,427 --> 00:23:52,139 Di lang person of interest si James Lewis. 333 00:23:52,722 --> 00:23:55,892 Pero may mga piraso pa ng imbestigasyon 334 00:23:55,976 --> 00:24:00,063 na kailangang tahiin para makapagsampa ng mga kaso. 335 00:24:01,523 --> 00:24:05,569 Nabaliw 'yong FBI kay James Lewis. 336 00:24:06,194 --> 00:24:08,613 Siya lang ang inakala nilang gumawa noon. 337 00:24:09,364 --> 00:24:13,994 Sigurado sila na siya 'yong salarin, kaya gusto nila siyang hulihin. 338 00:24:14,578 --> 00:24:16,872 Nakausap ko nga siya. 339 00:24:16,955 --> 00:24:20,876 Sabi niya, naiintindihan niya na gusto ko siyang ma-interview. 340 00:24:20,959 --> 00:24:26,673 Kakaiba rin si Roy Lane, 'yong lalaking inatasan nila nito. 341 00:24:28,300 --> 00:24:30,177 Mabigat siyang kalaban. 342 00:24:30,260 --> 00:24:36,141 Pag nagkamali ka lang nang isang beses at nagsinungaling sa FBI agent, 343 00:24:36,933 --> 00:24:43,857 sapat na 'yon para makulong ka at mailagay sa federal cell. 344 00:24:47,736 --> 00:24:50,655 Iniisip ko lang kung kailan… 345 00:24:50,739 --> 00:24:54,493 kung anong araw mo isinulat 'yong Tylenol letter. 346 00:24:54,576 --> 00:24:58,246 Tatlong araw bago 'yong tatak sa postmark. 347 00:24:59,915 --> 00:25:01,666 Dumating sa punto 348 00:25:01,750 --> 00:25:08,340 na parang normal na nakikipag-usap si Roy Lane kay Lewis sa isang hotel room, 349 00:25:08,423 --> 00:25:10,967 at nakikinig 'yong FBI. 350 00:25:11,051 --> 00:25:17,307 Sa pagsisikap ni Lane na matukoy ang timeline ng ransom letter, 351 00:25:17,390 --> 00:25:21,895 hinanapan niya ng butas 'yong kuwento ni Lewis. 352 00:25:23,522 --> 00:25:27,567 Tatlong araw daw niyang ginawa 'yong sulat sa Johnson & Johnson. 353 00:25:28,235 --> 00:25:31,947 At kailan nasimulan 'yong Tylenol letter? 354 00:25:32,030 --> 00:25:35,075 -Kung kailan 'yong sa postmark. -Hindi mo alam? Oo. 355 00:25:35,617 --> 00:25:37,160 At ilang araw bago iyon? 356 00:25:37,244 --> 00:25:38,954 -Tatlo. -Tatlo. 357 00:25:39,496 --> 00:25:41,623 Di bababa sa tatlong araw ang pagsusulat ko. 358 00:25:43,625 --> 00:25:47,754 Ipinadala ni Lewis 'yong sulat noong October 1. 359 00:25:47,837 --> 00:25:49,673 Kung susundan mo 'yon, 360 00:25:49,756 --> 00:25:53,093 ibig sabihin, isinulat niya 'yon bago 'yong balita, 361 00:25:53,176 --> 00:25:56,137 na nangangahulugang may alam na siya bago pa 'yon. 362 00:25:57,180 --> 00:25:59,182 Ano ang petsa ng mga homicide? 363 00:26:02,519 --> 00:26:05,021 Dito 'yong una. 364 00:26:10,819 --> 00:26:11,778 Talaga? 365 00:26:13,238 --> 00:26:15,991 Ibig sabihin, ipinadala 'yong Tylenol letter… 366 00:26:18,201 --> 00:26:20,120 Ipinadala 'yong Tylenol letter… 367 00:26:23,873 --> 00:26:25,667 Nakikita ko 'yong problema mo. 368 00:26:27,127 --> 00:26:31,881 Sa puntong 'yon, napagtanto niya na nagkamali siya 369 00:26:31,965 --> 00:26:33,717 at binuko niya 'yong sarili niya, 370 00:26:33,800 --> 00:26:37,804 o mali lang talaga ang pagkakaalala niya, 371 00:26:37,887 --> 00:26:41,766 pero nabigyan na niya si Lane ng bala laban sa kanya. 372 00:26:43,351 --> 00:26:45,312 Mukhang mali 'yong pagkakaalala ko, 373 00:26:45,395 --> 00:26:48,481 at di ko 'yon isinulat sa loob ng tatlong araw. 374 00:26:48,565 --> 00:26:52,861 Parang tatlong araw lang kasi madalas ganoon ako kabilis magtrabaho. 375 00:26:52,944 --> 00:26:53,903 Pero… 376 00:26:54,404 --> 00:26:57,198 isinulat ko talaga 'yon 377 00:26:57,282 --> 00:27:03,121 pagkatapos kong marinig 'yong insidente sa Chicago, at hindi bago 'yon. 378 00:27:03,204 --> 00:27:07,709 Di ako makapagsusulat tungkol sa isang insidente 379 00:27:07,792 --> 00:27:10,378 na hindi ko alam na mangyayari. 380 00:27:10,462 --> 00:27:12,964 Di tama 'yong pagkakaalala ko sa timeline. 381 00:27:16,384 --> 00:27:19,429 'Yong plano, hayaan siyang magsalita, 382 00:27:19,512 --> 00:27:23,850 at may kumpiyansa kami na nasa tamang landas na kami. 383 00:27:25,518 --> 00:27:30,774 Sapat na 'yong nakuha para halughugin 'yong apartment ni James Lewis. 384 00:27:30,857 --> 00:27:33,568 Nagbabagang balita tungkol sa Tylenol pill murders. 385 00:27:33,652 --> 00:27:36,237 Ilang oras ang nakalipas, hinalughog ng FBI ang bahay 386 00:27:36,321 --> 00:27:39,115 ni James W. Lewis sa Cambridge, Massachusetts. 387 00:27:40,408 --> 00:27:46,373 Layunin naming maghanap ng mga dokumento na may kinalaman sa Tylenol murders. 388 00:27:46,456 --> 00:27:49,668 Hindi siya nahuli ng mga imbestigador para sa murder, 389 00:27:49,751 --> 00:27:51,586 kaya umiinit pa rin ang imbestigasyon. 390 00:27:51,670 --> 00:27:57,175 Binuksan ko 'yong pinto, at kilala ko na agad ang mga taong iyon. 391 00:27:57,258 --> 00:27:59,344 May kausap 'yong asawa ko sa phone. 392 00:28:00,136 --> 00:28:02,430 Sabi ko, "May mga pulis dito. 393 00:28:03,139 --> 00:28:05,684 Alam mo kung bakit sila nandito, di ba? 394 00:28:06,476 --> 00:28:09,688 'Yong tungkol sa Tylenol, ilang taon na ang nakalipas." 395 00:28:09,771 --> 00:28:11,773 At nagsimula siyang umiyak. 396 00:28:11,856 --> 00:28:14,984 Alam mo, ang mga taong 'yon, ano'ng magagawa ko kung… 397 00:28:16,444 --> 00:28:20,198 poposasan nila ako at di ko na siya makikita? 398 00:28:20,281 --> 00:28:21,700 Sabi lang ng mga awtoridad, 399 00:28:21,783 --> 00:28:24,911 dinala sila ng bagong impormasyon sa apartment ni Lewis sa Cambridge. 400 00:28:24,994 --> 00:28:28,540 Nakita sila kagabing kumukuha ng maraming posibleng ebidensiya, 401 00:28:28,623 --> 00:28:30,625 kabilang ang computer ni Lewis. 402 00:28:31,209 --> 00:28:33,336 Ano'ng petsa nito? 403 00:28:33,420 --> 00:28:37,090 "Umaasa silang makakahinga sa '82 poisonings kasunod ng raid." 404 00:28:38,174 --> 00:28:41,428 Noong lumusob 'yong FBI sa apartment ni James Lewis, 405 00:28:41,511 --> 00:28:46,224 napanood ko lang sa balita gaya ng lahat, at nagulat ako. 406 00:28:47,642 --> 00:28:49,644 Sabi ko, "Ang lalaking 'yan? 407 00:28:49,728 --> 00:28:52,856 Wala silang ebidensiya laban sa kanya. Paanong siya?" 408 00:28:52,939 --> 00:28:56,109 Pero baka meron nga. Nagkaroon ng raid. 409 00:28:56,192 --> 00:28:58,236 May daan-daang suspect sila noon, 410 00:28:58,319 --> 00:29:01,656 hanggang ang lalaking ito na lang, pero wala silang sapat na ebidensiya, 411 00:29:01,740 --> 00:29:04,033 pero mukhang sinusubukan pa rin nila. 412 00:29:04,117 --> 00:29:05,285 Pero wala. 413 00:29:05,368 --> 00:29:07,620 Wala silang nailabas. 414 00:29:08,538 --> 00:29:11,124 Pero kumbinsido pa rin silang siya 'yon. 415 00:29:12,542 --> 00:29:15,503 Tingin ko, lahat kami na naging aktibo sa kaso, 416 00:29:16,087 --> 00:29:19,299 naniniwalang di lang sumulat si James Lewis, 417 00:29:19,382 --> 00:29:23,428 siya rin ang naglagay ng cyanide na humantong sa pagkamatay ng pitong tao. 418 00:29:24,637 --> 00:29:28,683 At kung si Mr. Lewis nga ang salarin, 419 00:29:28,767 --> 00:29:33,646 tingin ko, itutuloy nila ito para mabigyan ng hustisya ang mga biktima. 420 00:29:35,190 --> 00:29:40,320 Gago si James Lewis, pero di siya ang Tylenol killer. 421 00:29:40,904 --> 00:29:46,326 Parang palabas lang ang extortion letter sa Johnson & Johnson. 422 00:29:47,368 --> 00:29:52,373 Wala akong nakita o narinig na ebidensiya 423 00:29:52,457 --> 00:29:57,212 na nag-uugnay kay James Lewis sa Tylenol murders. 424 00:29:58,630 --> 00:30:03,843 Hindi ko alam kung bakit gumastos ang FBI nang ganoon 425 00:30:04,427 --> 00:30:09,974 para itali siya sa Tylenol murders, hindi ko alam. 426 00:30:11,184 --> 00:30:13,228 Pero masasabi ko ito. 427 00:30:14,187 --> 00:30:16,064 Noong 2009, 428 00:30:16,147 --> 00:30:21,736 nakakuha ng DNA sample ni James Lewis 'yong FBI. 429 00:30:22,487 --> 00:30:25,698 Sinusubukan ng feds na gumamit ng bagong DNA technology 430 00:30:25,782 --> 00:30:28,076 para maiugnay siya sa mga murder. 431 00:30:29,577 --> 00:30:32,747 May konting DNA ang mga bote ng Tylenol. 432 00:30:33,498 --> 00:30:40,213 Pero noong 1982, walang test para maikumpara 'yon sa kahit ano. 433 00:30:40,296 --> 00:30:41,881 Baka meron na ngayon. 434 00:30:41,965 --> 00:30:45,677 May lumabas ba sa pagtatangkang kumuha ng DNA niya? 435 00:30:45,760 --> 00:30:48,429 Di ko pwedeng sabihin. Ako… 436 00:30:51,975 --> 00:30:54,143 Tugma ba? 437 00:30:55,770 --> 00:30:58,022 Wala pa tayong siguradong sagot. 438 00:30:59,190 --> 00:31:05,196 Di sasabihin ng FBI na napawalang-sala ng DNA si Lewis, 439 00:31:05,280 --> 00:31:10,451 dahil siya na 'yong suspect nila mula pa noong October 1982. 440 00:31:11,244 --> 00:31:14,581 Pag may hawak kang martilyo, mukhang pako ang lahat. 441 00:31:14,664 --> 00:31:16,749 Kahit saan, ang nakikita ng mga imbestigador, 442 00:31:16,833 --> 00:31:21,796 ebidensiya na si James Lewis ang pumatay, at gusto nilang maging totoo 'yon. 443 00:31:24,132 --> 00:31:27,302 Suspect pa rin siya ngayon gaya noong 1982. 444 00:31:27,969 --> 00:31:30,305 Tingin ko, mananatili siyang person of interest 445 00:31:30,388 --> 00:31:34,350 hanggang sa araw na mamatay siya at mamatay ang huling imbestigador. 446 00:31:35,935 --> 00:31:39,981 Pwede mo akong tanungin habambuhay. 447 00:31:40,064 --> 00:31:44,485 Kung magkaroon ng technology 448 00:31:44,569 --> 00:31:47,238 para mabasa 'yong isip ko, 449 00:31:48,072 --> 00:31:52,994 wala kang makikita roon na magdidiin sa akin. 450 00:31:55,121 --> 00:31:59,167 Nagawa kong magbigay ng mga parehong sagot sa mga parehong tanong 451 00:31:59,250 --> 00:32:00,585 sa loob ng 40 taon. 452 00:32:01,669 --> 00:32:05,798 Lahat ng ipinaglalaban ko sa napakaraming taon ng… 453 00:32:07,467 --> 00:32:11,971 Di nila 'yon makakalas bago ako mamatay. 454 00:32:16,059 --> 00:32:23,066 ITO NA ANG HULING PANAYAM NA IBINIGAY NI JAMES LEWIS. 455 00:32:23,149 --> 00:32:26,486 Si James Lewis, ang lalaking pinaghinalaang may kinalaman 456 00:32:26,569 --> 00:32:30,365 sa Tylenol murders na yumanig sa Chicago at sa bansa, 457 00:32:30,448 --> 00:32:31,491 namatay na. 458 00:32:33,534 --> 00:32:35,828 Sa kasamaang palad, namatay si James Lewis, 459 00:32:35,912 --> 00:32:38,247 pero di ko alam kung importante 'yon. 460 00:32:39,874 --> 00:32:42,543 Alam ng mga tao na anak ako ng biktima, 461 00:32:42,627 --> 00:32:46,381 lagi nilang sinasabi, "Hindi ba nila nahuli ang lalaking iyon?" 462 00:32:46,464 --> 00:32:48,049 Di, 'yon ang sumulat ng extortion. 463 00:32:48,925 --> 00:32:53,638 Oras na para itigil ang paulit-ulit na kuwento 464 00:32:53,721 --> 00:32:56,224 at subukang magbukas ng mga bagong idea. 465 00:32:57,725 --> 00:33:01,646 Trinabaho ko ang kasong ito sa loob ng 15 taon full-time 466 00:33:01,729 --> 00:33:04,607 at bago 'yon, 42 taon kong na-miss 'yong mama ko. 467 00:33:06,067 --> 00:33:11,614 Wala man akong investigative training, malaki 'yong taya ko sa kasong ito. 468 00:33:13,491 --> 00:33:18,496 Tingin ko, sa America, alam natin na nagsisinungaling ang mga korporasyon. 469 00:33:18,579 --> 00:33:22,500 Kaya naniniwala ako na bukas at handang unawain ng publiko 470 00:33:22,583 --> 00:33:27,797 na baka di nangyari ang Tylenol murders sa parang sinasabi sa loob ng 42 taon. 471 00:33:28,589 --> 00:33:30,925 Di natin malalaman hanggang maging handa sila 472 00:33:31,009 --> 00:33:34,137 na buksan ang mga dokumento at ipakita sa ating lahat. 473 00:33:34,929 --> 00:33:37,849 Dapat imbestigahan nang mabuti ang lahat. 474 00:33:37,932 --> 00:33:40,435 Gusto ng mga pamilya ng mga biktima ng kasagutan. 475 00:33:42,895 --> 00:33:45,690 AYON SA ILLINOIS ATTORNEY GENERAL'S OFFICE AT CHICAGO POLICE, 476 00:33:45,773 --> 00:33:48,109 HINARANG NG FBI ANG PAGBUBUKAS NG MARAMING DOKUMENTO 477 00:33:48,192 --> 00:33:50,862 NG MGA PANAYAM SA JOHNSON & JOHNSON EXECUTIVES 478 00:33:50,945 --> 00:33:52,613 DAHIL SA KASALUKUYANG IMBESTIGASYON. 479 00:33:52,697 --> 00:33:57,035 HINDI TUMUGON ANG JOHNSON & JOHNSON SA IMBITASYON NA MAKAPANAYAM SILA. 480 00:33:57,785 --> 00:34:00,830 NOONG 1983, IDINEMANDA NG MGA PAMILYA NG PITONG BIKTIMA SA CHICAGO 481 00:34:00,913 --> 00:34:02,749 ANG JOHNSON & JOHNSON. ALAM DIUMANO NILA 482 00:34:02,832 --> 00:34:05,126 NA MAAARING MAGALAW NG IBA ANG MGA BOTE NG TYLENOL. 483 00:34:05,209 --> 00:34:08,171 PAGKATAPOS NG WALONG TAON, NAKIPAG-AREGLO ANG JOHNSON & JOHNSON 484 00:34:08,254 --> 00:34:11,549 SA HINDI ISINIWALAT NA HALAGA NANG WALANG INAAKONG PANANAGUTAN. 485 00:34:47,627 --> 00:34:50,338 Nagsalin ng Subtitle: Marionne Dominique Mancol