1
00:00:14,920 --> 00:00:17,200
THE FINAL PROBLEM
2
00:00:52,760 --> 00:00:55,760
ANG MGA LIHIM NG SEINE
3
00:01:04,760 --> 00:01:08,239
Pinatay mo ang asawa ko.
Pagbabayaran mo 'yon!
4
00:01:08,240 --> 00:01:10,320
- Nein!
- Cut!
5
00:01:11,400 --> 00:01:14,079
- "Nein"?
- Medyo cliché na, ano?
6
00:01:14,080 --> 00:01:16,559
Ayos naman, ayos. Pero isa pa.
7
00:01:16,560 --> 00:01:18,319
Sige. Kung gusto mo.
8
00:01:18,320 --> 00:01:20,880
At saka, parang pilit.
9
00:01:21,880 --> 00:01:23,199
Nakailan na ba tayo?
10
00:01:23,200 --> 00:01:25,040
Kasama 'yong huli, 12.
11
00:01:25,840 --> 00:01:28,479
- Sobra na ito, Fonseca.
- Maganda naman.
12
00:01:28,480 --> 00:01:30,479
Hindi, pinatay si Klemmer mula sa likod.
13
00:01:30,480 --> 00:01:33,799
Nakakatawang sabihan pa siya
ng "Pinatay mo ang asawa ko."
14
00:01:33,800 --> 00:01:35,639
Walang utak ang sumulat nito.
15
00:01:35,640 --> 00:01:37,600
- Kaibigan mo, si Foxá.
- Di ko siya kaibigan.
16
00:01:39,320 --> 00:01:40,320
Excuse me.
17
00:01:48,600 --> 00:01:51,039
- May hinahanap po kayo?
- Ano?
18
00:01:51,040 --> 00:01:52,040
Adela?
19
00:01:53,440 --> 00:01:54,440
Hello.
20
00:01:55,400 --> 00:01:56,400
Bakit ka nandito?
21
00:01:57,000 --> 00:01:58,919
Ano ginagawa mo rito sa España?
22
00:01:58,920 --> 00:02:03,040
Sumulat sa akin si Basil.
Pinapunta niya ako rito.
23
00:02:04,560 --> 00:02:05,680
Sumama ka sa akin.
24
00:02:06,600 --> 00:02:07,600
Ikaw ba?
25
00:02:08,400 --> 00:02:09,760
Nagtatrabaho ako kay Fonseca.
26
00:02:10,480 --> 00:02:12,360
Ako ang nagsulat ng script ng pelikula.
27
00:02:19,920 --> 00:02:23,640
Naisip kong may mapupulot tayo
sa mga nangyari sa isla. Heto na 'yon.
28
00:02:24,160 --> 00:02:26,040
Tatlong Pagpatay sa Liwayway.
29
00:02:27,680 --> 00:02:29,480
'Yong detective ang killer.
30
00:02:30,000 --> 00:02:31,200
Poetic justice.
31
00:02:32,120 --> 00:02:35,320
- Ibig sabihin, 'yong relasyon n'yo…?
- Bueno…
32
00:02:36,480 --> 00:02:39,320
Sabihin nating wala na
sina Watson at Holmes.
33
00:02:41,040 --> 00:02:43,119
Walang gustong maakusahan
ng kaibigan niya.
34
00:02:43,120 --> 00:02:45,999
Mr. Basil, pasado na
sa director 'yong take.
35
00:02:46,000 --> 00:02:48,840
- Tapos na tayo.
- Mainam naman. Adela.
36
00:02:49,760 --> 00:02:51,640
- Galing ka na sa hotel mo?
- Oo.
37
00:02:52,160 --> 00:02:55,640
Mabait 'yong driver,
hinintay ako at ihinatid dito.
38
00:02:56,480 --> 00:02:57,559
- Foxá.
- Basil.
39
00:02:57,560 --> 00:03:01,439
Adela. Walang nagsabi sa akin
na bibisita ka pala.
40
00:03:01,440 --> 00:03:03,519
Bakit lagi akong huli sa balita?
41
00:03:03,520 --> 00:03:05,519
Ikaw kasi ang producer.
42
00:03:05,520 --> 00:03:08,239
Ipaalala mo 'yan
pag gusto kitang kunin ulit.
43
00:03:08,240 --> 00:03:09,760
- Tayo na?
- Oo.
44
00:03:14,040 --> 00:03:18,120
- Ganito ba talaga ang paggawa ng pelikula?
- May iba kayong inaasahan?
45
00:03:19,320 --> 00:03:22,840
Wag ka nang masyadong pormal.
Wala na tayo sa Santa Águeda.
46
00:03:23,680 --> 00:03:25,680
- Nagulat ka ba?
- Kaunti.
47
00:03:26,440 --> 00:03:28,360
Lalo na nang makita ko ulit 'yong hotel.
48
00:03:34,040 --> 00:03:38,000
- Saan mo ba ako dadalhin?
- Sorpresa. Makikita mo rin.
49
00:03:38,480 --> 00:03:41,439
- Mr. Basil, naaalala mo pa ba ako?
- A… Oo naman.
50
00:03:41,440 --> 00:03:44,440
- Sana makatrabaho kita ulit.
- Sana nga po.
51
00:03:45,960 --> 00:03:48,080
Hindi ko alam kung sino siya.
52
00:03:49,000 --> 00:03:50,480
Paano mo ako nahanap?
53
00:03:51,520 --> 00:03:54,480
Nakuha ko 'yong address mo
sa Brazilian embassy.
54
00:03:54,960 --> 00:03:55,999
Gano'n ba?
55
00:03:56,000 --> 00:03:59,039
Naalala kong Brazilian ka
dahil sa asawa mo.
56
00:03:59,040 --> 00:04:01,960
Na-contact ko 'yong embahada, at voilà.
57
00:04:02,680 --> 00:04:05,640
Binigay nila 'yong bago mong address
sa Lake Garda.
58
00:04:06,240 --> 00:04:09,920
May villa ako sa San Vigilio.
Minana ko sa asawa ko.
59
00:04:14,360 --> 00:04:15,360
Dito tayo.
60
00:04:18,080 --> 00:04:19,440
Sumunod ka, ituturo ko.
61
00:04:34,240 --> 00:04:35,279
Basil?
62
00:04:35,280 --> 00:04:36,760
Oo, dito.
63
00:04:39,680 --> 00:04:41,399
Ano'ng sabi sa iyo ni Foxá?
64
00:04:41,400 --> 00:04:42,400
Ni Foxá?
65
00:04:42,920 --> 00:04:44,760
Oo. Nakita ko kayong nag-uusap.
66
00:04:45,560 --> 00:04:47,120
Masaya siyang makita ako.
67
00:04:49,320 --> 00:04:52,360
Siya ang dahilan
kaya ka nagpadala ng sulat, di ba?
68
00:04:53,520 --> 00:04:56,920
"Nalutas na 'yong huling problema.
Kailangan ko ang tulong mo."
69
00:04:59,440 --> 00:05:01,480
May bago ka bang ebidensiya
laban kay Foxá?
70
00:05:02,000 --> 00:05:03,000
Sabihin nating…
71
00:05:03,800 --> 00:05:05,360
may bago akong ebidensiya.
72
00:05:17,920 --> 00:05:19,000
Ano sa tingin mo?
73
00:05:19,920 --> 00:05:22,720
Di pa namin nakukunan
'yong death scene ni Elisa.
74
00:05:24,360 --> 00:05:27,120
Atin lang, ha.
Puwede pang ayusin 'yong script.
75
00:05:27,840 --> 00:05:30,199
Dahil may iba kang teorya.
76
00:05:30,200 --> 00:05:31,400
Mismo.
77
00:05:32,080 --> 00:05:35,560
At nakatulong itong set para mabuo 'yon.
78
00:05:36,200 --> 00:05:39,439
Para yatang nagkakaroon ka na
ng kakaibang obsession
79
00:05:39,440 --> 00:05:41,160
sa lahat ng ito?
80
00:05:41,920 --> 00:05:44,920
Ang "lahat ng ito"
ay ang pagpatay sa kaibigan mo.
81
00:05:45,520 --> 00:05:47,400
Gayahin mo ako. Kalimutan mo na.
82
00:05:48,280 --> 00:05:51,200
Kahit si Sherlock Holmes,
nabigo ring malutas 'yong ibang kaso.
83
00:05:52,840 --> 00:05:56,520
Mabuti at nabanggit mo 'yong pagkabigo ko.
84
00:06:00,160 --> 00:06:02,920
Dahil sa totoo lang, di pa ako nabibigo.
85
00:06:05,280 --> 00:06:07,960
At gaya ng alam mo,
di pa tapos 'yong kaso.
86
00:06:08,560 --> 00:06:11,719
- Parang walang cabinet ng inumin doon.
- Wala nga.
87
00:06:11,720 --> 00:06:15,879
Kaunting pagbabago lang na pinayagan
ng mga kaibigan ko sa props team.
88
00:06:15,880 --> 00:06:17,240
Samahan mo ako?
89
00:06:19,440 --> 00:06:20,640
Hindi, salamat.
90
00:06:26,760 --> 00:06:29,879
Pwede mo na bang sabihin
kung bakit mo ako pinapunta?
91
00:06:29,880 --> 00:06:31,240
Para tulungan ako.
92
00:06:31,840 --> 00:06:33,840
Sinabi ko 'yon sa sulat ko.
93
00:06:34,720 --> 00:06:36,400
Kailangan ko ang tulong mo.
94
00:06:37,360 --> 00:06:41,239
Paulit-ulit kong iniisip
'yong sinabi mo sa Santa Águeda.
95
00:06:41,240 --> 00:06:44,999
Na dahil ginampanan ko si Sherlock,
96
00:06:45,000 --> 00:06:46,440
naudyukan ko 'yong killer.
97
00:06:47,720 --> 00:06:49,160
Ano'ng gusto mo sa akin?
98
00:06:50,480 --> 00:06:54,039
Gusto ko, isipin mong
nasa Santa Águeda tayo.
99
00:06:54,040 --> 00:06:57,280
Ikaw ang gaganap na kaibigan mo.
Ako naman 'yong killer.
100
00:06:58,080 --> 00:06:59,920
Ikaw na lang 'yong killer, ako si Elisa.
101
00:07:00,520 --> 00:07:03,840
- Kathang-isip lang ito. Pelikula.
- Gusto mong maging si Foxá ako?
102
00:07:06,640 --> 00:07:11,880
Malaking pagkakamali ko
'yong mga hinala ko noon sa Santa Águeda.
103
00:07:12,600 --> 00:07:14,599
Pero siya 'yong pangunahing suspect mo.
104
00:07:14,600 --> 00:07:15,600
Totoo 'yan.
105
00:07:16,120 --> 00:07:17,759
May ebidensiya ako laban sa kanya.
106
00:07:17,760 --> 00:07:20,719
'Yong susi ni Seruya…
Ilang beses niya akong niloko.
107
00:07:20,720 --> 00:07:24,119
Sabi niya, itinanim sa kanya 'yon,
gaya no'ng letter opener sa akin.
108
00:07:24,120 --> 00:07:25,519
At saka kaliwete siya.
109
00:07:25,520 --> 00:07:27,920
'Yon ang una kong pagkakamali.
110
00:07:28,400 --> 00:07:29,760
'Yong pagiging kaliwete.
111
00:07:30,360 --> 00:07:31,760
Pwede ba?
112
00:07:36,160 --> 00:07:41,320
Akala ko, hinagupit si Elisa
nang di niya namamalayan,
113
00:07:41,840 --> 00:07:44,200
mula sa likod, gamit ang kaliwang kamay.
114
00:07:46,360 --> 00:07:50,600
Pero paano kung kilala pala ni Elisa
'yong kasama niya roon?
115
00:07:52,920 --> 00:07:55,159
Kilalang-kilala niya kaya di siya nagtaka
116
00:07:55,160 --> 00:07:56,839
nang kumuha 'yon ng upuan.
117
00:07:56,840 --> 00:07:57,720
Sandali.
118
00:07:58,440 --> 00:08:00,399
Isipin mo.
119
00:08:00,400 --> 00:08:01,480
Ako si Elisa.
120
00:08:02,080 --> 00:08:05,760
Lalapit ka sa akin at walang sabi-sabi…
121
00:08:07,080 --> 00:08:10,559
Hindi natakot si Elisa
sa pumatay sa kanya.
122
00:08:10,560 --> 00:08:14,200
Hinampas siya nang nakaharap
gamit ang kanang kamay.
123
00:08:15,280 --> 00:08:18,520
Tapos, kumuha siya ng lubid gaya nito.
124
00:08:21,320 --> 00:08:25,320
Itinali sa leeg ng biktima. Ganito.
125
00:08:26,600 --> 00:08:30,400
Inilagay sa pulley, umakyat siya sa mesa,
126
00:08:31,280 --> 00:08:34,600
at hinila ito, itinali sa gear.
127
00:08:36,480 --> 00:08:38,399
Kawawang Elisa,
128
00:08:38,400 --> 00:08:40,560
baka nagkamalay pa siya,
129
00:08:41,080 --> 00:08:43,520
pero, sa kasamaang palad, huli na.
130
00:08:44,120 --> 00:08:46,440
Nagsisipa siya, sinubukang makawala,
131
00:08:47,240 --> 00:08:53,720
pero lalo lang humigpit 'yong tali
at bumilis 'yong pagkamatay niya.
132
00:08:55,040 --> 00:08:56,759
At sa wakas,
133
00:08:56,760 --> 00:09:00,359
ang bigat ng katawan ni Elisa
at ilang hiwa mula sa kutsilyo
134
00:09:00,360 --> 00:09:01,560
ang tumapos sa kanya.
135
00:09:03,880 --> 00:09:04,960
Nakabibilib.
136
00:09:07,120 --> 00:09:09,200
Pero di ko pa rin alam
137
00:09:09,720 --> 00:09:13,400
kung paano nabuksan at naisara ng killer
'yong pintong nakakandado sa loob.
138
00:09:15,200 --> 00:09:19,480
Oo, malaking palaisipan 'yon.
139
00:09:20,320 --> 00:09:22,959
'Yon ang nawawalang piraso sa puzzle.
140
00:09:22,960 --> 00:09:24,320
Tingnan mo.
141
00:09:29,240 --> 00:09:31,399
Kusot mula sa set.
142
00:09:31,400 --> 00:09:34,079
Doon sa isla,
ito ang buhangin mula sa beach.
143
00:09:34,080 --> 00:09:38,560
Kung naaalala mo, tangay ng hangin
'yong buhangin kahit saan.
144
00:09:39,080 --> 00:09:41,600
May manipis na alikabok sa sahig.
145
00:09:45,760 --> 00:09:48,280
Maliban dito, sa may pinto.
146
00:09:48,800 --> 00:09:52,000
Na para bang winalis.
Nakapagtataka, hindi ba?
147
00:09:53,200 --> 00:09:54,760
Pero paano?
148
00:09:55,920 --> 00:09:56,920
At bakit?
149
00:09:57,960 --> 00:10:01,319
Aaminin ko, muntik na akong sumuko roon.
150
00:10:01,320 --> 00:10:02,760
Hanggang sa nakita ko ito.
151
00:10:06,040 --> 00:10:07,040
Alampay ko.
152
00:10:07,960 --> 00:10:11,200
Hindi na kailangang kumuha ng wardrobe.
Sa iyo ito.
153
00:10:11,720 --> 00:10:14,360
'Yong kinuha sa iyo ni Elisa
nang gabing pinatay siya.
154
00:10:15,160 --> 00:10:16,920
Akala ko nawala ko 'yan.
155
00:10:18,040 --> 00:10:21,680
Nakita ko sa mga damong-dagat
noong paalis na tayo sa isla.
156
00:10:23,440 --> 00:10:24,440
Panoorin mo ito.
157
00:11:03,480 --> 00:11:06,720
Kinailangan pa ng practice
para gumana 'yon.
158
00:11:07,320 --> 00:11:09,879
Kaya pala nawalisan 'yong sahig.
159
00:11:09,880 --> 00:11:13,119
Kaya pala iwinala ng killer 'yong alampay.
160
00:11:13,120 --> 00:11:14,480
Bahagi lahat ng plano
161
00:11:15,000 --> 00:11:18,600
para magmukhang suicide
ang nangyari kay Elisa Mander.
162
00:11:19,320 --> 00:11:20,440
Perpeketong krimen.
163
00:11:22,000 --> 00:11:24,320
Nauhaw ako sa dami ng sinabi ko.
164
00:11:24,840 --> 00:11:26,759
Ano, ililibre kita ng hapunan,
165
00:11:26,760 --> 00:11:29,880
tuloy ko 'yong kuwento
habang umiinom ng Château D'Yquem?
166
00:11:30,960 --> 00:11:31,960
Ayos ka lang ba?
167
00:11:32,480 --> 00:11:33,680
Oo, ayos lang ako.
168
00:11:34,560 --> 00:11:36,520
Magbibihis ako at susunduin kita.
169
00:11:37,920 --> 00:11:39,320
Hintayin mo ako sa may pinto.
170
00:11:52,280 --> 00:11:53,280
Hello?
171
00:11:53,800 --> 00:11:54,800
Adela?
172
00:11:56,560 --> 00:11:59,159
- Vicky?
- Akalain mo nga naman.
173
00:11:59,160 --> 00:12:01,640
Sabi nila nandito ka,
pero di ako naniwala.
174
00:12:02,240 --> 00:12:03,400
Kumusta ka?
175
00:12:05,080 --> 00:12:08,120
- Bakit ganiyan ang mukha mo?
- Baka giniginaw lang ako.
176
00:12:08,920 --> 00:12:10,080
Ano 'yang suot mo?
177
00:12:10,680 --> 00:12:12,799
Ito? Wardrobe test ito.
178
00:12:12,800 --> 00:12:15,399
Gaganap akong Mexican sa Western.
179
00:12:15,400 --> 00:12:17,640
Pero ano pala'ng ginagawa mo rito?
180
00:12:21,120 --> 00:12:23,480
A… alam ko na ngayon.
181
00:12:25,840 --> 00:12:28,079
Dito ka muna nang ilang araw, ano?
182
00:12:28,080 --> 00:12:28,999
Di ko pa alam.
183
00:12:29,000 --> 00:12:29,959
Tara na, Vicky.
184
00:12:29,960 --> 00:12:32,039
Nagpareserba ako sa La Cabaña.
185
00:12:32,040 --> 00:12:34,720
Sige na. Saka na lang tayo mag-usap.
186
00:12:40,320 --> 00:12:43,160
Iniwan ni Vicky si Fonseca para kay Foxá.
187
00:12:45,360 --> 00:12:49,960
Masasabi mong isa pang biktima
si Fonseca sa mga nangyari sa isla.
188
00:12:50,520 --> 00:12:52,440
Dapat ba matuwa ako para sa kanila?
189
00:12:53,320 --> 00:12:57,120
Matuwa ka para sa film industry.
Mabait siya, pero bilang aktres…
190
00:13:00,240 --> 00:13:02,120
Akala ko, hindi ka na umiinom.
191
00:13:04,080 --> 00:13:05,080
Oo nga.
192
00:13:29,560 --> 00:13:32,639
Mas mainam sa labas ngayon.
Maganda ang gabi.
193
00:13:32,640 --> 00:13:35,240
- Sa tahimik na mesa, kung puwede.
- Oo naman.
194
00:13:35,760 --> 00:13:36,760
Salamat.
195
00:13:54,040 --> 00:13:57,640
Di ko alam na kailangan pa nating
pumunta rito para ipagpatuloy ang usapan.
196
00:13:58,360 --> 00:14:00,800
Oo. Gusto kitang makasamang maghapunan.
197
00:14:01,480 --> 00:14:03,720
- Ma'am, gusto n'yo po ng maiinom?
- Hindi, salamat.
198
00:14:10,040 --> 00:14:13,720
Handa ka na bang marinig
ang iba ko pang hinuha?
199
00:14:14,240 --> 00:14:15,479
Sige.
200
00:14:15,480 --> 00:14:17,839
Simulan natin kay Seruya.
201
00:14:17,840 --> 00:14:21,600
Naaalala mo ba 'yong minanipulang lubid
na ipinakita ko sa iyo?
202
00:14:22,120 --> 00:14:25,159
Pareho kami ng naging hinuha ni Seruya.
203
00:14:25,160 --> 00:14:27,799
Naisip niyang may magbabayad nang malaki
204
00:14:27,800 --> 00:14:30,080
para sa impormasyong 'yon.
205
00:14:30,600 --> 00:14:32,239
Tinakot niya 'yong killer.
206
00:14:32,240 --> 00:14:33,240
Maling desisyon.
207
00:14:34,280 --> 00:14:37,879
Sinaksak siya ng killer sa leeg
gamit 'yong letter opener.
208
00:14:37,880 --> 00:14:40,520
Sigurado akong naaalala mo
'yong detalye na 'yon.
209
00:14:43,080 --> 00:14:44,600
At si Mr. Klemmer?
210
00:14:46,480 --> 00:14:49,840
Biktima si Klemmer
ng sarili niyang krimen.
211
00:14:51,640 --> 00:14:53,359
Mamamatay-tao din siya?
212
00:14:53,360 --> 00:14:56,600
Di ba sinabi ni Elisa
kung paano namatay ang asawa niya?
213
00:14:57,440 --> 00:14:58,680
Pinabagsak siya, di ba?
214
00:14:59,200 --> 00:15:00,519
Piloto siya.
215
00:15:00,520 --> 00:15:02,999
Binaril siya sa Dresden, oo.
216
00:15:03,000 --> 00:15:04,760
Pero di siya sa eroplano namatay.
217
00:15:05,280 --> 00:15:06,520
Nakulong siya.
218
00:15:08,440 --> 00:15:10,160
Wag mong sabihing di mo alam.
219
00:15:10,840 --> 00:15:14,559
Makalipas ang isang linggo, sinubukan niya
na tumakas sa kampo sa Gorbitz
220
00:15:14,560 --> 00:15:16,639
kasama ng walong kasamahan niya.
221
00:15:16,640 --> 00:15:18,599
Nahuli sila ng mga German.
222
00:15:18,600 --> 00:15:21,560
Kinagabihan, pinatay silang siyam
ng firing squad.
223
00:15:24,800 --> 00:15:26,879
Ano'ng kinalaman noon sa atin?
224
00:15:26,880 --> 00:15:29,599
'Yong utos ng pagpatay ay pinirmahan
225
00:15:29,600 --> 00:15:33,920
ni Sturmbannführer Hans Ludwig Klemmer.
226
00:15:37,480 --> 00:15:39,479
Pagkatapos ng digmaan,
227
00:15:39,480 --> 00:15:41,319
nakalusot si Klemmer
228
00:15:41,320 --> 00:15:44,839
at sinabing nanggaling 'yong utos
sa camp commander,
229
00:15:44,840 --> 00:15:46,279
kay Eichenberg.
230
00:15:46,280 --> 00:15:48,439
Binitay si Eichenberg.
231
00:15:48,440 --> 00:15:50,519
At ang kaibigan nating si Klemmer,
232
00:15:50,520 --> 00:15:53,480
nakalaya matapos ang ilang linggo.
233
00:15:55,800 --> 00:15:57,359
Paano mo nalaman 'yon?
234
00:15:57,360 --> 00:15:58,400
Paris Match.
235
00:15:59,320 --> 00:16:02,600
Naaalala mo ba 'yong papel
na hawak ni Klemmer?
236
00:16:04,160 --> 00:16:06,800
Galing 'yon sa artikulo
tungkol sa paglilitis niya.
237
00:16:07,400 --> 00:16:11,280
'Yon ang dahilan kung bakit siya
bumabang mag-isa sa reading room.
238
00:16:19,720 --> 00:16:22,719
- Excuse me.
- Mmm, fraisier.
239
00:16:22,720 --> 00:16:25,159
Mahilig ako sa strawberries.
240
00:16:25,160 --> 00:16:26,160
Ikaw ba?
241
00:16:28,480 --> 00:16:31,200
Mmm, ang sarap. Di mo ba titikman?
242
00:16:33,520 --> 00:16:36,439
- Sino nagsabi sa iyo tungkol kay Mander?
- Ang RAF.
243
00:16:36,440 --> 00:16:41,400
Nakabibilib kung gaano kaayos
at kadetalyado ang records nila.
244
00:16:42,320 --> 00:16:45,519
Pinadalhan pa nila ako ng kopya
ng marriage certificate
245
00:16:45,520 --> 00:16:48,160
nina Elisa at John T. Mander.
246
00:16:49,120 --> 00:16:51,919
Ikinasal sila sa isang maliit na simbahan
247
00:16:51,920 --> 00:16:54,240
noong January 30, 1945.
248
00:16:55,160 --> 00:16:57,199
Tingin mo, pinatay ni Klemmer si Elisa?
249
00:16:57,200 --> 00:16:58,200
Baligtad.
250
00:17:00,000 --> 00:17:01,720
Ikaw ang pumatay kay Klemmer.
251
00:17:07,280 --> 00:17:09,800
Hindi mo talaga titikman?
252
00:17:11,160 --> 00:17:13,880
Hindi. Ayaw ko ng strawberry.
253
00:17:16,160 --> 00:17:17,440
Pagkakataon nga naman.
254
00:17:18,600 --> 00:17:22,399
'Yan ang kantang tinugtog ni Gerard
para kay Elisa
255
00:17:22,400 --> 00:17:23,760
noong huling gabi niya.
256
00:17:27,400 --> 00:17:29,119
Tingin mo, pinatay ko si Mr. Klemmer
257
00:17:29,120 --> 00:17:31,839
para maghiganti sa lalaking
nagpabiyuda sa kaibigan ko?
258
00:17:31,840 --> 00:17:32,680
Hindi.
259
00:17:33,200 --> 00:17:35,000
Sa tingin ko, pinatay mo siya…
260
00:17:35,840 --> 00:17:38,040
dahil ginawa ka niyang biyuda.
261
00:17:42,320 --> 00:17:44,080
Ikaw si Elisa Mander.
262
00:17:47,960 --> 00:17:49,719
Mukhang kinakabahan ka.
263
00:17:49,720 --> 00:17:51,800
Baka makatulong ang pagsasayaw.
264
00:18:06,240 --> 00:18:09,239
Hindi ko malimutan
'yong mantsa sa bibig ni Elisa
265
00:18:09,240 --> 00:18:11,360
nang makita namin ang katawan niya.
266
00:18:12,680 --> 00:18:16,200
'Yong tunay na Elisa Mander,
allergic sa strawberry.
267
00:18:17,520 --> 00:18:19,320
Nasa military record mo 'yon.
268
00:18:20,360 --> 00:18:23,120
Itim pa 'yong buhok mo noon.
269
00:18:23,880 --> 00:18:25,880
Marami pang iba sa akin noon.
270
00:18:29,760 --> 00:18:31,640
Mukhang may kasama tayo.
271
00:18:38,160 --> 00:18:39,560
Ilabas mo ako rito.
272
00:18:40,720 --> 00:18:42,319
Aba, nakakagulat naman.
273
00:18:42,320 --> 00:18:45,079
Tingnan mo kung sino ito, Foxá.
274
00:18:45,080 --> 00:18:46,479
Nagulat ka, Vicky?
275
00:18:46,480 --> 00:18:48,959
Dapat i-practice mo pa 'yong emosyon mo.
276
00:18:48,960 --> 00:18:49,880
Aalis na kayo?
277
00:18:50,720 --> 00:18:54,079
- Masama ang pakiramdam ni Adela.
- Mukhang di rin siya ayos kanina.
278
00:18:54,080 --> 00:18:55,639
Samahan kita sa banyo?
279
00:18:55,640 --> 00:18:58,159
Hindi, ayos na ako. Hindi na kailangan.
280
00:18:58,160 --> 00:19:00,840
Sige na, makabubuti
kung makapaghihilamos ka.
281
00:19:03,640 --> 00:19:05,120
Ano ba'ng gusto mo, Foxá?
282
00:19:06,680 --> 00:19:08,160
Ano sabi sa iyo ni Adela?
283
00:19:09,160 --> 00:19:11,480
May dapat ba siyang sabihin sa akin?
284
00:19:12,800 --> 00:19:17,559
Alam mo, inaamin kong may mga detalye,
na kung titingnan nang isa-isa,
285
00:19:17,560 --> 00:19:18,879
puwedeng idiin ako.
286
00:19:18,880 --> 00:19:22,360
Pero kung titingnan sa kabuuan,
ako ang may kasalanan.
287
00:19:23,160 --> 00:19:24,599
Huwag kang mag-alala.
288
00:19:24,600 --> 00:19:26,040
Alam ko na ang totoo.
289
00:19:26,560 --> 00:19:28,720
Hindi ikaw o ako si Moriarty.
290
00:19:30,120 --> 00:19:31,120
Magkaibigan?
291
00:19:35,480 --> 00:19:36,680
Umiinom ka, a.
292
00:19:37,680 --> 00:19:39,120
Wala kang pakialam.
293
00:19:40,360 --> 00:19:43,200
Ano gusto mong sabihin ko?
Napagod na ako kay Fonsi.
294
00:19:44,360 --> 00:19:47,440
Daming pangako, lahat ng roles,
ibibigay daw niya…
295
00:19:48,040 --> 00:19:49,000
Pero wala naman.
296
00:19:49,520 --> 00:19:51,240
Dapat protektahan ko ang career ko.
297
00:19:52,320 --> 00:19:53,680
Kailangan ko ng hangin.
298
00:19:54,720 --> 00:19:55,799
Good night, Vicky.
299
00:19:55,800 --> 00:19:57,759
- Good night.
- Foxá.
300
00:19:57,760 --> 00:19:59,120
Good night.
301
00:20:01,480 --> 00:20:03,759
- Ano'ng sabi mo sa kanya?
- Hawakan mo ako.
302
00:20:03,760 --> 00:20:04,760
Ano?
303
00:20:05,280 --> 00:20:07,560
Mas mabuting isipin nilang magkasama tayo.
304
00:20:08,320 --> 00:20:09,560
Saan tayo pupunta?
305
00:20:10,840 --> 00:20:13,840
Sa bahay ko.
May mga kailangan pa akong linawin.
306
00:20:20,880 --> 00:20:21,880
Magandang gabi.
307
00:20:36,560 --> 00:20:38,280
Bakit ka naghinala?
308
00:20:39,600 --> 00:20:40,840
'Yong mga kamay mo.
309
00:20:44,320 --> 00:20:46,600
Mga kamay ng isang piyanista.
310
00:20:47,600 --> 00:20:49,600
Di pa ako nakatugtog ng instrumento.
311
00:20:50,320 --> 00:20:51,400
Totoo.
312
00:20:51,920 --> 00:20:54,799
Pero ang mga kamay ng isang piyanista
313
00:20:54,800 --> 00:20:57,520
at ng isang typist ay magkamukha.
314
00:20:58,560 --> 00:21:03,720
'Yong kamay ng bangkay,
kamay ng babaeng di nagtrabaho kailanman.
315
00:21:04,680 --> 00:21:06,199
Hindi tulad ng sa iyo.
316
00:21:06,200 --> 00:21:08,280
Kinakagat mo pa nga 'yong kuko mo.
317
00:21:09,000 --> 00:21:11,080
Puwede bang tama na 'yang kaiinom?
318
00:21:14,960 --> 00:21:17,120
Wala ka na sa kondisyong magmaneho.
319
00:21:18,080 --> 00:21:23,120
Nag-check in kayo sa Hotel Ausländer
gamit ang pangalan ng isa't isa, hindi ba?
320
00:21:25,040 --> 00:21:26,199
Laro lang 'yon.
321
00:21:26,200 --> 00:21:28,839
Oo, pero hindi kayo pareho ng patakaran.
322
00:21:28,840 --> 00:21:32,120
Para sa kanya, kalokohan lang.
Para sa iyo, planado.
323
00:21:32,720 --> 00:21:35,439
Sa isla, si Klemmer ang target mo, oo.
324
00:21:35,440 --> 00:21:37,320
Alam mo kung kailan siya nasa hotel.
325
00:21:38,040 --> 00:21:40,479
Nakuha mo ang impormasyon
kay Ausländer mismo
326
00:21:40,480 --> 00:21:44,680
nang tumawag ka at sinabing
taga-Jewish documentation center ka.
327
00:21:45,520 --> 00:21:47,920
Pero pagdating ninyo sa isla, naisip mo…
328
00:21:49,680 --> 00:21:52,119
na makapapatay ka ng dalawang ibon.
329
00:21:52,120 --> 00:21:56,560
Bakit di magpanggap na nagpakamatay
at maging si Adela Figueroa habambuhay?
330
00:21:57,680 --> 00:21:58,760
Ingat!
331
00:22:04,800 --> 00:22:06,160
Nababaliw ka na!
332
00:22:11,880 --> 00:22:13,560
Hindi mo ba ako aalukin?
333
00:22:20,200 --> 00:22:23,119
Akala ko hindi ka naninigarilyo.
334
00:22:23,120 --> 00:22:24,679
Posibleng nagkakamali ka.
335
00:22:24,680 --> 00:22:25,960
Posible.
336
00:22:32,640 --> 00:22:33,759
Di ko maintindihan
337
00:22:33,760 --> 00:22:37,440
kung bakit pumayag ang kaibigan mo
na umabot sa ganito 'yong laro.
338
00:22:45,680 --> 00:22:47,800
Nakinabang din siya roon.
339
00:22:49,200 --> 00:22:52,920
Baka di ka maniwala,
pero ideya niyang magpalit kami ng damit.
340
00:23:00,360 --> 00:23:03,520
Magkamukha kami.
Kailangan lang ayusin ang ilang detalye.
341
00:23:15,800 --> 00:23:20,440
Para kaming dalawang dalagitang naglalaro
at nagpapalit ng pagkatao.
342
00:23:29,480 --> 00:23:30,799
Negroni nga.
343
00:23:30,800 --> 00:23:35,680
Puwedeng magpanggap ang mayamang babae
at gawin ang gusto niya.
344
00:23:42,600 --> 00:23:44,719
May mga bisyong hindi nararapat
345
00:23:44,720 --> 00:23:46,600
sa isang babaeng katulad niya.
346
00:23:54,080 --> 00:23:56,520
- Mrs. Figueroa.
- Good evening.
347
00:23:57,520 --> 00:23:59,800
At ako, puwedeng maging ibang babae.
348
00:24:00,520 --> 00:24:02,799
Hindi si Elisa Mander, 'yong typist,
349
00:24:02,800 --> 00:24:07,120
na nakatira sa maruming paupahan
at nagtitipid para sa electric heater.
350
00:24:15,200 --> 00:24:17,800
Nagkunwari kaming matalik na magkaibigan.
351
00:24:19,720 --> 00:24:21,760
Ang totoo, galit sa akin si Adela.
352
00:24:23,080 --> 00:24:26,200
Alam ko ang mga sekreto niya
at kahinaan niya 'yon.
353
00:24:27,400 --> 00:24:31,560
Siguro, hindi mo rin siya gusto.
354
00:24:35,760 --> 00:24:37,000
Kinamumuhian ko siya.
355
00:24:37,560 --> 00:24:38,760
Pero itinago ko.
356
00:24:40,400 --> 00:24:41,560
Ano'ng magagawa ko?
357
00:24:42,600 --> 00:24:44,759
Siya ang nagbabayad ng hotel,
358
00:24:44,760 --> 00:24:46,320
ng mga pagkain namin…
359
00:24:47,480 --> 00:24:51,040
binibigyan ako ng kaunting pera
para mabili ang mga gusto ko.
360
00:24:52,680 --> 00:24:55,119
Sa totoo lang, parang katulong niya ako.
361
00:24:55,120 --> 00:24:57,959
Isang taong gagamitin niya
hanggang magsawa siya.
362
00:24:57,960 --> 00:25:01,920
At nagpasya kang hindi mo hihintayin
na mangyari 'yon.
363
00:25:04,080 --> 00:25:07,159
Wala naman siyang ginawa
para makuha lahat ng 'yon.
364
00:25:07,160 --> 00:25:08,360
Bakit?
365
00:25:09,600 --> 00:25:11,760
Ako ang nararapat sa posisyon niya.
366
00:25:14,760 --> 00:25:16,840
Alam mo ba kung ano naghihintay sa iyo?
367
00:25:21,160 --> 00:25:22,160
Kulungan?
368
00:25:22,760 --> 00:25:24,000
Garote.
369
00:25:32,600 --> 00:25:34,160
Puwede ba akong humiling?
370
00:25:36,200 --> 00:25:39,000
- Ano 'yon?
- Hayaan mong sumuko ako.
371
00:25:40,280 --> 00:25:42,240
Hayaan mong tapusin ko ito nang desente.
372
00:25:45,920 --> 00:25:47,560
Mapagkakatiwalaan ba kita?
373
00:25:49,400 --> 00:25:50,840
Pangako ko.
374
00:25:53,880 --> 00:25:54,880
Sige.
375
00:25:55,840 --> 00:25:56,960
'Yong susi.
376
00:25:57,640 --> 00:25:59,040
Gusto mo ba akong patayin?
377
00:25:59,520 --> 00:26:01,000
Ako na'ng magmamaneho.
378
00:26:04,000 --> 00:26:06,239
Sabihin mo na lang
kung nasaan ang presinto.
379
00:26:06,240 --> 00:26:07,760
Di ko alam ang siyudad na ito.
380
00:26:19,560 --> 00:26:21,920
May isang bagay pang di ko maintindihan.
381
00:26:23,400 --> 00:26:24,440
Bakit ako?
382
00:26:26,640 --> 00:26:29,680
Bakit pinupunterya ako sa bawat kamatayan?
383
00:26:32,280 --> 00:26:33,960
Bakit gusto akong…
384
00:26:35,040 --> 00:26:36,600
gawing katatawanan?
385
00:29:22,000 --> 00:29:23,000
Shit!
386
00:29:25,360 --> 00:29:26,400
Shit.
387
00:31:41,400 --> 00:31:42,520
Nakakagulat naman!
388
00:31:46,920 --> 00:31:49,760
Akala ko papunta ka na sa presinto.
389
00:31:52,080 --> 00:31:53,520
May nakalimutan ka ba?
390
00:31:56,160 --> 00:31:57,320
Ito siguro?
391
00:31:59,280 --> 00:32:02,680
Di mo dapat iniiwan kung saan-saan
'yong RAF records mo.
392
00:32:04,880 --> 00:32:08,720
Di pa nga pala ako nakakapagpasalamat
sa paghahatid mo sa akin.
393
00:32:10,560 --> 00:32:14,120
Pero nalimot mo yatang
patayin 'yong makina bago ka bumaba.
394
00:32:15,000 --> 00:32:16,320
Niloko mo ako.
395
00:32:17,120 --> 00:32:20,040
Pinakamagandang papuri 'yan
para sa isang aktor.
396
00:32:20,640 --> 00:32:23,040
- Salamat.
- Ano ba'ng gusto mo?
397
00:32:23,960 --> 00:32:26,400
Na ako mismo'ng maglagay
ng leeg ko sa garote?
398
00:32:28,520 --> 00:32:31,520
Magandang ending sana 'yon
para sa karakter.
399
00:32:32,920 --> 00:32:34,399
Anong karakter?
400
00:32:34,400 --> 00:32:35,960
Si Adela Figueroa.
401
00:32:38,680 --> 00:32:41,080
Pero napagtanto ko ngayon
402
00:32:41,960 --> 00:32:45,600
na si Elisa Mander lang ang kaharap ko.
403
00:32:49,920 --> 00:32:53,040
Makasarili at mapanlamang
si Adela Figueroa.
404
00:32:54,440 --> 00:32:58,799
Pero naiintindihan kong sa mundo
ng mga lalaki't babae na nakasanayan mo,
405
00:32:58,800 --> 00:33:01,720
balewala lang sa iyo si Elisa.
406
00:33:04,000 --> 00:33:05,400
Ano ibig mong sabihin?
407
00:33:06,600 --> 00:33:09,319
Na di mo siya pinahalagahan kahit kailan.
408
00:33:09,320 --> 00:33:12,280
Paano kita pahahalagahan?
Sa isla lang kita nakilala.
409
00:33:13,680 --> 00:33:14,840
Sigurado ka?
410
00:33:24,000 --> 00:33:25,040
Isipin mo.
411
00:33:26,600 --> 00:33:28,760
Dahil naglalaro tayo
ng imahinasyon, di ba?
412
00:33:31,720 --> 00:33:33,080
Isipin mo…
413
00:33:34,440 --> 00:33:36,279
isang dalagang gustong maging aktres
414
00:33:36,280 --> 00:33:39,960
at isang sikat na aktor na katatapos lang
magtanghal sa Lope de Vega.
415
00:33:40,920 --> 00:33:41,920
Pamilyar ba?
416
00:33:45,480 --> 00:33:47,640
A… noong… noong panahong 'yon…
417
00:33:48,480 --> 00:33:51,240
na paalis na ako papuntang Hollywood.
418
00:33:53,760 --> 00:33:54,999
Ilang taon ka noon?
419
00:33:55,000 --> 00:33:57,160
Di na ako baguhang artista noon.
420
00:33:58,720 --> 00:34:01,240
'Yon mismo ang gustong maging ng dalaga.
421
00:34:04,600 --> 00:34:08,120
Nakapasok siya at ang kaibigan niya
sa bahay ng sikat na manunulat.
422
00:34:10,160 --> 00:34:12,360
Ikaw, natutuwa sa pagiging mahiyain niya.
423
00:34:13,840 --> 00:34:16,040
Siguro, nagandahan ka rin sa kanya.
424
00:34:19,200 --> 00:34:21,040
Ayos naman lahat.
425
00:34:26,960 --> 00:34:28,640
Matalino 'yong aktor.
426
00:34:29,160 --> 00:34:33,280
Nagkuwento siya tungkol sa mga kasamahan
na sa magazine lang nakita ng dalaga.
427
00:34:34,200 --> 00:34:35,720
At namangha siya.
428
00:34:36,240 --> 00:34:37,840
Parang panaginip 'yon,
429
00:34:38,480 --> 00:34:40,360
ang uminom kasama ng aktor.
430
00:34:41,000 --> 00:34:42,000
Isang tunay na aktor.
431
00:34:54,720 --> 00:34:57,440
Pagkatapos noon,
ilang gabi pa silang nagsama.
432
00:34:59,600 --> 00:35:01,680
Hindi pa siya nakaramdam ng gano'n.
433
00:35:07,240 --> 00:35:10,720
Nagtiwala sa kanya 'yong dalaga,
kinuwento 'yong mga pangarap niya.
434
00:35:13,360 --> 00:35:14,360
"Alam mo ba?"
435
00:35:15,120 --> 00:35:17,000
"Gusto kong maging aktor gaya mo."
436
00:35:17,840 --> 00:35:21,479
Maliit lang 'yon,
pero nasa may lugar namin.
437
00:35:21,480 --> 00:35:25,079
Ikinuwento niya 'yong acting school
na pinupuntahan niya.
438
00:35:25,080 --> 00:35:28,320
'Yong mga role na ginampanan niya
sa mga play sa lugar nila at…
439
00:35:29,440 --> 00:35:31,599
Pinakikinggan niya siya, o nagkukunwari.
440
00:35:31,600 --> 00:35:32,520
Oo naman.
441
00:35:33,080 --> 00:35:34,960
Mag-aaral ako ng English o kahit ano pa.
442
00:35:35,720 --> 00:35:37,839
At French. Un petit peu.
443
00:35:37,840 --> 00:35:39,119
Pinapayuhan niya siya.
444
00:35:39,120 --> 00:35:40,240
Siyempre.
445
00:35:42,520 --> 00:35:45,279
Nangako rin siyang tutulungan niya siya.
Ang bait, di ba?
446
00:35:45,280 --> 00:35:49,679
Kahit isang role lang sa Lope de Vega,
sapat na 'yon.
447
00:35:49,680 --> 00:35:51,039
Pangarap ko 'yon.
448
00:35:51,040 --> 00:35:53,999
Paulit-ulit niyang sinasabi
na espesyal siya.
449
00:35:54,000 --> 00:35:55,640
Na may kakaiba sa kanya.
450
00:35:56,160 --> 00:35:59,240
Na gagawan niya ng paraan
para makapag-audition siya.
451
00:36:02,400 --> 00:36:03,840
Pero hindi ko ginawa.
452
00:36:07,560 --> 00:36:09,440
Paano niya nagawang magsinungaling?
453
00:36:12,560 --> 00:36:15,120
Bigla na lang, hindi na siya ma-contact.
454
00:36:16,400 --> 00:36:18,520
Tawag siya nang tawag sa teatro.
455
00:36:19,840 --> 00:36:22,759
Hanggang sa malaman niyang
ipinagbawal ng aktor
456
00:36:22,760 --> 00:36:24,800
'yong mga tawag mula sa kanya.
457
00:36:28,520 --> 00:36:30,480
Siguradong hindi siya nag-iisa.
458
00:36:31,760 --> 00:36:34,640
Siguradong daan-daang aktres
ang katulad niya.
459
00:36:35,880 --> 00:36:38,360
- Iba ang panahon noon.
- Oo.
460
00:36:42,320 --> 00:36:44,120
Nangyari lahat sa ibang panahon.
461
00:36:44,600 --> 00:36:46,879
'Yong kay Klemmer at 'yong prison camp,
462
00:36:46,880 --> 00:36:48,400
ibang panahon din 'yon.
463
00:36:50,640 --> 00:36:52,200
Di mo naabot 'yong pangarap mo.
464
00:36:55,960 --> 00:36:57,000
Ano sa tingin mo?
465
00:37:00,040 --> 00:37:03,160
Naging yaya ako ng mag-asawang English.
466
00:37:04,960 --> 00:37:07,840
Noong nagkadigmaan,
dinala nila ako sa London.
467
00:37:10,680 --> 00:37:12,400
At alam mo na 'yong iba.
468
00:37:13,680 --> 00:37:15,320
Si John, 'yong giyera at…
469
00:37:16,160 --> 00:37:17,400
Santa Águeda.
470
00:37:19,640 --> 00:37:20,640
Pasensiya na.
471
00:37:21,320 --> 00:37:23,120
Wala nang silbi 'yan.
472
00:37:24,520 --> 00:37:28,360
Pakiramdam ko, ang dumi ko,
naloko ako, at wala akong kuwenta.
473
00:37:31,400 --> 00:37:33,240
Pero ikaw, siyempre, lalaki ka.
474
00:37:33,960 --> 00:37:35,840
Paano mo mauunawaan 'yong pakiramdam?
475
00:37:42,080 --> 00:37:43,920
Puwede ka nang tumawag ng pulis.
476
00:37:46,440 --> 00:37:47,920
Tatlo na ang namatay.
477
00:37:50,160 --> 00:37:52,160
Dapat pagbayaran ng kriminal 'yon.
478
00:38:00,040 --> 00:38:01,080
Palagay ko.
479
00:38:04,560 --> 00:38:05,640
Palagay mo?
480
00:38:08,440 --> 00:38:12,120
Ano'ng gagawin mo
kung alam mong ako lang ang nakaaalam?
481
00:38:14,640 --> 00:38:18,399
Kung ikaw lang ang testigo?
482
00:38:18,400 --> 00:38:19,560
Gano'n na nga.
483
00:38:32,080 --> 00:38:33,280
Patatahimikin kita.
484
00:38:34,800 --> 00:38:37,200
- Ikaapat na krimen.
- Oo.
485
00:38:38,080 --> 00:38:40,480
- Ngayon na?
- Kung hindi ngayon, kailan?
486
00:38:41,120 --> 00:38:44,760
Gaano katagal bago ka magdagdag
ng katawan sa listahan mo?
487
00:38:50,480 --> 00:38:52,040
Huwag kang tanga.
488
00:39:02,720 --> 00:39:03,800
Hindi si…
489
00:39:04,720 --> 00:39:06,360
Dr. Moriarty
490
00:39:07,000 --> 00:39:09,160
ang kumilos sa islang 'yon.
491
00:39:12,200 --> 00:39:14,040
Si Irene Adler.
492
00:39:16,000 --> 00:39:17,240
Mukhang gano'n na nga.
493
00:39:20,960 --> 00:39:23,960
Isa o dalawang beses sa career ko,
494
00:39:25,080 --> 00:39:30,240
naisip kong mas makasasama pa
kung malalaman ko kung sino ang kriminal…
495
00:39:33,120 --> 00:39:35,200
kaysa sa ginawa niyang krimen.
496
00:39:42,960 --> 00:39:44,720
Ano'ng binabalak mo?
497
00:39:47,000 --> 00:39:48,120
Malaya na ba ako?
498
00:39:50,600 --> 00:39:53,360
Hindi ko masasabing "malaya."
499
00:39:54,480 --> 00:39:57,880
Baka isang araw, magising ako
at maisipang ikuwento lahat.
500
00:39:58,400 --> 00:40:01,480
O baka dalhin ko sa hukay 'yong sekreto.
501
00:40:02,320 --> 00:40:03,800
Mamuhay ka nang gano'n.
502
00:40:07,280 --> 00:40:08,840
Puwede akong mawala.
503
00:40:10,480 --> 00:40:11,640
Dapat lang.
504
00:40:13,360 --> 00:40:15,520
Ewan ko kung bakit, pero tingin ko…
505
00:40:16,240 --> 00:40:19,080
'yong magandang villa sa Lake Garda,
506
00:40:19,960 --> 00:40:22,000
malapit nang ibenta.
507
00:40:26,840 --> 00:40:28,080
Bakit mo ginagawa ito?
508
00:40:29,320 --> 00:40:32,440
Dahil 'yong lalaking gumanap
bilang Sherlock Holmes
509
00:40:33,920 --> 00:40:35,640
ay may utang…
510
00:40:37,600 --> 00:40:40,320
sa isang dalagang gustong maging aktres,
511
00:40:42,240 --> 00:40:44,320
na di niya pinahalagahan noon,
512
00:40:45,400 --> 00:40:46,400
o tinulungan,
513
00:40:48,040 --> 00:40:49,040
o minahal.
514
00:40:55,280 --> 00:40:57,280
Gano'n na lang tayo maghihiwalay?
515
00:40:58,440 --> 00:40:59,480
Parang gano'n na nga.
516
00:41:00,560 --> 00:41:01,560
Tabla na tayo.
517
00:41:14,200 --> 00:41:18,320
Isang pambihirang karanasan
ang makilala ka, Mrs. Adler.
518
00:41:20,400 --> 00:41:24,920
Gano'n din para sa akin
ang makilala ka, Mr. Holmes.
519
00:41:38,080 --> 00:41:39,600
May dapat pa ba tayong sabihin?
520
00:41:40,960 --> 00:41:42,840
Lahat ng dapat sabihin,
521
00:41:43,480 --> 00:41:45,640
naisip mo na.
522
00:41:46,240 --> 00:41:49,320
Kung gano'n, naisip mo na rin
ang isasagot ko.
523
00:41:51,360 --> 00:41:52,360
Paalam.
524
00:42:44,400 --> 00:42:46,480
Mr. Basil, mag-shoot na tayo.
525
00:42:47,840 --> 00:42:51,760
Para kay Sherlock Holmes,
siya ay palaging "ang babae."
526
00:42:52,280 --> 00:42:55,520
Bihira ko siyang marinig
na tawagin siya sa ibang pangalan.
527
00:42:56,120 --> 00:43:00,680
At hindi dahil may nadama siyang pag-ibig
para kay Irene Adler.
528
00:43:01,960 --> 00:43:05,519
Para sa kanya, lahat ng damdamin,
lalo na ang pag-ibig,
529
00:43:05,520 --> 00:43:09,799
ay tila kasuklam-suklam,
salungat sa kanyang malamig, matalas,
530
00:43:09,800 --> 00:43:11,960
at kahanga-hangang balanseng isipan.
531
00:43:26,360 --> 00:43:30,880
ESKANDALO SA BOHEMIA
532
00:43:39,200 --> 00:43:41,960
THE FINAL PROBLEM
533
00:46:14,000 --> 00:46:19,000
Nagsalin ng Subtitle: Don Casilan