1 00:00:15,390 --> 00:00:19,894 Ingat. At least hindi one thousand degrees dito. 2 00:00:22,147 --> 00:00:24,065 Nandito ang dalawang bag ni Amy… 3 00:00:24,149 --> 00:00:25,567 NANAY NI AMY 4 00:00:25,650 --> 00:00:30,655 …tapos lahat ng gamit niya, nando'n sa mga kahon sa sulok na 'yon. 5 00:00:37,954 --> 00:00:39,205 'Yan 'yong bag niya? 6 00:00:39,289 --> 00:00:41,124 Inempake niya 'to, 7 00:00:42,751 --> 00:00:43,960 saka ito. 8 00:00:45,253 --> 00:00:47,297 Kailan mo huling tiningnan ang laman ng bag? 9 00:00:47,380 --> 00:00:49,841 Siguro 20 years ago. 10 00:00:50,425 --> 00:00:52,343 Nandito lahat ng gamit niya, 11 00:00:52,427 --> 00:00:55,513 kahit 'yong wallet niya, barya niya, at toothbrush niya. 12 00:01:04,355 --> 00:01:06,941 Ito ang suot niya no'ng kumakain. 13 00:01:17,368 --> 00:01:21,456 Uuwi dapat siya para kunin ang gamit niya. 14 00:01:23,917 --> 00:01:25,585 MISS KN NAMIN GARDEN NI AMY 15 00:01:26,544 --> 00:01:32,550 No'ng nawala si Amy, ang hirap makita pag inaalo ni Papa si Mama tuwing umiiyak. 16 00:01:33,134 --> 00:01:37,347 Bago 'yon, di ko pa yata nakitang bumigay ang papa ko sa problema. 17 00:01:39,099 --> 00:01:43,436 Bago nawala si Amy, maayos ang buhay namin, 18 00:01:43,520 --> 00:01:45,855 maayos ang lahat, normal ang takbo ng buhay. 19 00:01:47,023 --> 00:01:50,235 Tapos bigla na lang kaming pinagsakluban ng langit at lupa, 20 00:01:50,318 --> 00:01:55,865 at parang tumigil ang mundo sa isang iglap. 21 00:01:56,908 --> 00:02:00,870 May panahong tumigil ako sa pag-aaral, umuwi sa amin. 22 00:02:01,621 --> 00:02:03,623 Sobrang nakaka-depress 'yong panahong 'yon. 23 00:02:03,706 --> 00:02:10,463 Nawala 'yong isa sa pinakaimportanteng tao sa buhay ko. 24 00:02:11,047 --> 00:02:15,218 Maraming taon ng buhay namin ang nawala… 25 00:02:18,680 --> 00:02:21,015 sa paghahanap, pero hindi kami titigil. 26 00:02:22,308 --> 00:02:23,726 Wala akong anak, 27 00:02:24,727 --> 00:02:26,855 at 48 na ako sa Disyembre. 28 00:02:27,730 --> 00:02:33,570 Aaminin kong di ko namamalayan na dahil napaka-traumatic na makita 29 00:02:33,653 --> 00:02:38,074 ang mga magulang kong mawalan ng anak, ayokong maranasan 'yon 30 00:02:38,158 --> 00:02:39,784 at malagay sa gano'ng sitwasyon. 31 00:02:50,336 --> 00:02:52,380 May taong nakakaalam sa nangyari. 32 00:02:52,463 --> 00:02:54,716 May nakakita. May nakarinig. 33 00:02:54,799 --> 00:02:57,093 May taong nagsabi ng kung ano sa isa pang tao. 34 00:02:58,469 --> 00:03:00,763 Sinabihan kami ng isang FBI agent, 35 00:03:01,639 --> 00:03:03,224 "Mag-abang-abang lang kayo." 36 00:03:04,434 --> 00:03:07,145 "Walang nakakapagtago ng sikreto habambuhay." 37 00:03:09,647 --> 00:03:15,111 NAWAWALA SI AMY BRADLEY 38 00:03:17,030 --> 00:03:21,784 ABRIL 2017 19 NA TAON MULA NANG MAWALA SI AMY 39 00:03:21,868 --> 00:03:22,869 Ikalawang mensahe. 40 00:03:25,622 --> 00:03:28,416 Hi, ako si Amica Douglas. 41 00:03:29,834 --> 00:03:31,961 Anak ako ni Alister Douglas. 42 00:03:33,254 --> 00:03:35,506 Hindi ako gaanong magaling sa ganito, pero… 43 00:03:36,466 --> 00:03:39,469 Gustong-gusto ko talaga kayong makausap. 44 00:03:41,679 --> 00:03:43,598 Alam ko ang pinagdadaanan n'yo. 45 00:03:43,681 --> 00:03:48,102 At kung ako ang nasa sitwasyon n'yo, gugustuhin kong malaman 46 00:03:48,728 --> 00:03:51,648 kung bakit wala ang anak ko ngayon. 47 00:03:53,733 --> 00:03:55,193 Di ako makapaniwala. 48 00:03:55,902 --> 00:03:58,613 Di ako makapaniwala, na sa dami ng tao, 49 00:03:58,696 --> 00:04:00,698 'yong maghahanap pa ng number namin 50 00:04:00,782 --> 00:04:04,661 at tatawag ay anak ni Alister Douglas. 51 00:04:10,291 --> 00:04:11,626 Pinanganak ako sa Grenada. 52 00:04:14,462 --> 00:04:16,965 Para kaming kambal-tuko ng papa ko. 53 00:04:17,048 --> 00:04:19,092 Sabi ko nga sa mga tao, "Daddy's girl ako. 54 00:04:19,175 --> 00:04:20,969 "Pinalaki niya akong gano'n." 55 00:04:21,052 --> 00:04:26,391 Isinama niya ako sa maraming adventure, papunta sa beach, para kumain, 56 00:04:26,474 --> 00:04:28,142 para panoorin siyang tumugtog. 57 00:04:28,226 --> 00:04:30,645 Pero noong lumalaki na ako, puro na lang siya music. 58 00:04:31,229 --> 00:04:34,857 Palagi siyang wala, tumutugtog sa mga cruise ship. 59 00:04:36,150 --> 00:04:38,569 No'ng nag-divorce sila ni Mama, 60 00:04:38,653 --> 00:04:40,947 isa o dalawang taon lang siguro ako noon. 61 00:04:42,323 --> 00:04:44,951 Noong lumaki na ako, 62 00:04:46,244 --> 00:04:51,457 sabi ng mama ko, "May nangyari sa cruise ship na sinasakyan ng papa mo. 63 00:04:51,541 --> 00:04:55,336 Pag ni-research mo ang pangalan niya, malalaman mo kung ano 'yon." 64 00:04:56,504 --> 00:05:01,092 Hindi pa ako pinapanganak noon, pero sabi ng mama ko, 65 00:05:01,175 --> 00:05:04,971 may gabing umuwi si Papa galing sa cruise ship 66 00:05:05,054 --> 00:05:07,348 tapos nagbago daw lahat, sabi ni Mama. 67 00:05:10,601 --> 00:05:13,938 Sinusubukan lang siguro ni Mama na kausapin siya. 68 00:05:14,022 --> 00:05:16,649 Ilang buwan siyang mag-isa sa bahay, 69 00:05:16,733 --> 00:05:20,320 tapos uuwi ang asawa niyang galit 70 00:05:20,403 --> 00:05:23,281 at kung ano-anong sinasabing masasakit na salita. 71 00:05:23,781 --> 00:05:25,491 Ang weird lang talaga 72 00:05:25,575 --> 00:05:29,245 na babastusin niya nang gano'n 'yong asawa niyang buntis. 73 00:05:29,329 --> 00:05:31,080 At saka nakakatakot. 74 00:05:32,415 --> 00:05:36,711 Tapos nakita ng mama ko na may dala siyang bag. 75 00:05:37,670 --> 00:05:39,464 Tiningnan ni Mama 'yong laman ng bag… 76 00:05:41,507 --> 00:05:43,176 tapos puno ng mga pictures. 77 00:05:45,553 --> 00:05:47,013 Pictures ng mga babae. 78 00:05:47,889 --> 00:05:49,557 Mga Caucasian lahat. 79 00:05:51,809 --> 00:05:54,896 Sa tingin ko, do'n ako nagsimulang magduda. 80 00:05:57,273 --> 00:05:59,776 Sobrang daming katanungan sa likod no'n. 81 00:06:02,945 --> 00:06:06,407 Tuwing tinatanong ko si Papa kung ano'ng nangyari kay Amy, 82 00:06:07,408 --> 00:06:09,869 ang weird ng reaction niya. 83 00:06:10,870 --> 00:06:13,539 Nagagalit siya pag binabanggit ko 'yon. 84 00:06:14,499 --> 00:06:18,378 Para sa akin, parang ang daming kulang sa mga kuwento niya. 85 00:06:21,631 --> 00:06:24,801 Kaya lalo akong naloka dito. 86 00:06:27,053 --> 00:06:30,598 Gusto ko na 'tong matapos. Gusto kong malaman ang totoo. 87 00:06:31,432 --> 00:06:32,517 Ano 'yon , Amica? 88 00:06:33,810 --> 00:06:34,644 Hi, Papa. 89 00:06:35,645 --> 00:06:39,482 TINAWAGAN NI AMICA SI ALISTER AT DIREKTANG TANUNGIN SA KASO NI AMY 90 00:06:39,565 --> 00:06:41,275 Di ko alam, ibig kong sabihin… 91 00:06:41,859 --> 00:06:43,903 Ayokong pag-usapan na naman 'yon. 92 00:06:43,986 --> 00:06:45,446 Wala akong ginawang masama. 93 00:06:45,530 --> 00:06:47,949 Kaya sabihin mo, ano ba'ng dapat kong gawin? 94 00:06:48,533 --> 00:06:51,160 Wala namang problema kung tatawag ka para magtanong. 95 00:06:51,244 --> 00:06:55,790 Sana isipin mo 'yong sitwasyon ko, saka 'yong nararamdaman ko dito. 96 00:06:55,873 --> 00:06:57,041 Amica… 97 00:06:57,125 --> 00:06:59,335 Sinangkot agad nila 'yong FBI. 98 00:06:59,419 --> 00:07:02,630 Tapos sinabi niya sa 'kin na hinahanap nila 99 00:07:03,214 --> 00:07:05,216 'yong babaeng 'yon, na nakitang kasayaw ko. 100 00:07:05,299 --> 00:07:07,844 Lahat ng may kinalaman sa paglilinis ng kuwarto niya, 101 00:07:07,927 --> 00:07:10,513 pagbibigay ng inumin niya, pinagbawalan kaming umalis. 102 00:07:10,596 --> 00:07:15,101 No'ng nalamang wala kaming kinalaman, tuloy ang trabaho namin. 103 00:07:15,184 --> 00:07:19,772 Nagpatuloy akong tumugtog sa cruise ship nang dalawang taon. 104 00:07:19,856 --> 00:07:25,611 Pero nakita daw kayong magkasama sa beach matapos ang ilang buwan. 105 00:07:25,695 --> 00:07:26,779 Saang beach? 106 00:07:26,863 --> 00:07:29,991 Saang beach nila ako nakita? E, ayoko nga sa beach. 107 00:07:30,074 --> 00:07:31,367 Amica… 108 00:07:34,162 --> 00:07:38,416 Nagsayaw kami sa club, gaya ng ginagawa ko sa ibang tao sa club. 109 00:07:38,499 --> 00:07:40,126 -Kaya… -Wala akong ginawa. 110 00:07:40,209 --> 00:07:42,753 Hindi mo alam kung bumaba siya sa barko? 111 00:07:43,629 --> 00:07:47,425 Paano ko malalaman? Iniwan ko siya sa club nang ala-una, 112 00:07:47,508 --> 00:07:50,428 pumunta ako sa kuwarto ko. Paano ko malalaman kung bumaba siya? 113 00:07:51,304 --> 00:07:52,889 Taga-Grenada lang ako. 114 00:07:52,972 --> 00:07:56,184 Hindi pa ako nakakaranas ng ganito dati. 115 00:07:56,267 --> 00:07:58,311 Nakaupo lang ako. Tinawag ang pangalan ko. 116 00:07:58,394 --> 00:08:00,897 Tinanong ako tungkol sa bagay na hindi ko alam. 117 00:08:00,980 --> 00:08:06,194 Nakakita si Mama ng bag na puno ng pictures ng mga babaeng Caucasian 118 00:08:06,277 --> 00:08:09,405 na iniuwi mo. 119 00:08:09,489 --> 00:08:12,325 -Sino bang mga tao? -Naguguluhan na ako, Papa. 120 00:08:12,408 --> 00:08:14,911 Aling picture 'yong andun siya? 121 00:08:14,994 --> 00:08:16,954 -Hindi ko alam. -Marami akong pictures. 122 00:08:17,038 --> 00:08:18,122 -Bakit nga? -Siyempre. 123 00:08:18,206 --> 00:08:22,502 Pero ang hirap pag-usapan nito kasi nga nagagalit ka. 124 00:08:22,585 --> 00:08:24,295 Nagpapa-picture ako sa kahit na sino. 125 00:08:24,378 --> 00:08:27,465 May banda ako kaya nagpapa-picture talaga ang mga tao sa 'kin. 126 00:08:27,548 --> 00:08:29,634 Ano'ng gagawin mo kung sa akin 'yon nangyari? 127 00:08:29,717 --> 00:08:32,136 Kung nawawala ka, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko 128 00:08:32,220 --> 00:08:34,180 para malaman kung nasaan ka. 129 00:08:34,263 --> 00:08:38,726 Nauunawaan kong ilang taon na siyang hinahanap ng pamilya niya. 130 00:08:38,809 --> 00:08:42,688 Nakikisimpatiya ako do'n, pero wala talaga akong kinalaman do'n. 131 00:08:42,772 --> 00:08:43,981 Wala talaga. 132 00:08:45,274 --> 00:08:46,234 Wala. 133 00:08:52,198 --> 00:08:55,618 Parang puzzle na 'di mabuo. 134 00:08:57,245 --> 00:08:59,205 Para bang ang dami-daming kulang. 135 00:09:00,289 --> 00:09:04,418 No'ng nakausap ko ang mga Bradley, grabe 'yong emosyon. 136 00:09:04,502 --> 00:09:07,713 Parang kinukurot ang puso ko sa lahat ng sinasabi nila. 137 00:09:08,214 --> 00:09:13,386 Kung anak ko 'yon, mababaliw talaga ako araw-araw. 138 00:09:14,095 --> 00:09:18,558 Hindi ako titigil hangga't di ko alam kung ano ang nangyayari. 139 00:09:18,641 --> 00:09:25,606 Naniniwala akong may malalim siyang pinaghuhugutan 140 00:09:25,690 --> 00:09:28,985 para pagsikapang hanapin kami at tulungan kami. 141 00:09:30,403 --> 00:09:32,405 Gusto kong maging payapa ang lahat. 142 00:09:33,698 --> 00:09:38,035 Sana lang may maitulong ako sa kanila para mahanap nila ang mga sagot. 143 00:09:42,373 --> 00:09:45,585 Kung may ebidensiya lang sana kami, may naaresto na sana. 144 00:09:45,668 --> 00:09:48,879 Pero si Alister, may mga asal talaga siyang kaduda-duda. 145 00:09:48,963 --> 00:09:51,841 Nakita ng mga dalaga na magkasama sina Amy at Alister Douglas, 146 00:09:51,924 --> 00:09:54,552 paakyat sa disco sakay ng elevator 147 00:09:54,635 --> 00:09:56,929 noong sarado na 'yong disco. 148 00:09:57,680 --> 00:10:00,224 At makatotohanan ang timeline na 'yon. 149 00:10:01,183 --> 00:10:06,480 Dahil alam naming nasa kuwarto niya si Alister bandang 3:30, 5:00 a.m. 150 00:10:06,564 --> 00:10:09,609 Pero pagkatapos noon, di na makumpirma ang timeline 151 00:10:09,692 --> 00:10:13,195 kasi malalaman lang 'yon pag pumasok ang mga pasahero sa cabin, 152 00:10:15,156 --> 00:10:17,742 pero siyempre, hindi malalaman pag lumabas sila. 153 00:10:18,451 --> 00:10:21,871 Di namin alam kung kailan ulit lumabas si Alister Douglas sa cabin. 154 00:10:22,663 --> 00:10:25,916 Nakita ng dalawang dalaga na magkasama sina Amy at Alister Douglas. 155 00:10:26,000 --> 00:10:29,128 Ang hindi lang namin alam, tama ba 'yong oras? 156 00:10:31,547 --> 00:10:34,050 Nakita ni Lori Renick si Alister Douglas kasama si Amy 157 00:10:34,133 --> 00:10:39,221 sa glass elevator na paakyat sa disco bandang 5:30 o mga gano'n. 158 00:10:39,305 --> 00:10:42,725 Bumalik sila sa kuwarto nila makalipas ang ilang minuto 159 00:10:42,808 --> 00:10:44,935 pero nakalimutan nila 'yong keycard. 160 00:10:45,895 --> 00:10:48,105 Kaya kumatok na lang sila sa pinto, 161 00:10:48,189 --> 00:10:53,402 at pinagbuksan sila ng ina ng isa sa mga babae para papasukin. 162 00:10:53,486 --> 00:10:57,990 Kaya walang lock link na nagpapakita ng key entry 163 00:10:58,074 --> 00:11:00,201 noong oras na sinabi nilang pumasok sila. 164 00:11:01,160 --> 00:11:04,580 Wala akong makitang ebidensiya na na-interview 'yong inang 165 00:11:05,122 --> 00:11:08,417 nagpapasok sa kanila sa kuwarto bandang 5:30 o alas-sais ng umaga 166 00:11:08,501 --> 00:11:10,002 para kumpirmahin 'yong oras. 167 00:11:11,295 --> 00:11:15,383 Napakahirap kasi nga wala si Alister Douglas sa United States. 168 00:11:16,092 --> 00:11:17,927 Wala kaming jurisdiction. 169 00:11:18,010 --> 00:11:20,012 Di pwedeng pumunta na lang sa ibang bansa 170 00:11:20,096 --> 00:11:23,974 nang walang permiso o kaya sabihin na "Pwede kong kausapin 'tong citizen n'yo?" 171 00:11:25,768 --> 00:11:29,397 Ang naaalala ko lang, napakabait niya, napaka-chill. 172 00:11:29,980 --> 00:11:31,023 Mabuti siyang tao. 173 00:11:31,107 --> 00:11:34,860 Hindi ako nagdudang… Wala akong naranasang di maganda sa kanya. 174 00:11:34,944 --> 00:11:38,030 Nasa maling lugar lang siya, maling oras, kasayaw ang maling babae. 175 00:11:38,739 --> 00:11:41,242 At sinabi niya sa kanila ang alam niya. 176 00:11:41,951 --> 00:11:46,247 Wala ngang nakaisip na kaya niyang gumawa ng mali o masama. 177 00:11:47,665 --> 00:11:52,753 Nakakagulat, kokonti ang nakakaalam kung ga'no kadelikadong mag-cruise. 178 00:11:52,837 --> 00:11:55,423 Pero 'yong mga nangyari kay Amy Bradley 179 00:11:55,506 --> 00:11:57,633 at sa pamilya niya, nangyayari talaga. 180 00:11:57,717 --> 00:12:00,511 Di ko alam kung anong ginagawang background check 181 00:12:00,594 --> 00:12:03,848 sa kinukuha nilang crew, 182 00:12:03,931 --> 00:12:08,477 kasi galing sila sa mga bansang ibang-iba ang mga paraan ng pagsusuri 183 00:12:08,561 --> 00:12:12,732 kumpara sa nakasanayan natin sa US. 184 00:12:12,815 --> 00:12:15,943 Napakaraming patong-patong na kuwento 185 00:12:16,026 --> 00:12:20,614 ng pagkawala, o kaduda-dudang pagkamatay, sexual assault. 186 00:12:21,782 --> 00:12:25,286 Kapag may nangyari, ang hinala ko, legal department 187 00:12:25,369 --> 00:12:26,746 ang una nilang tinatawagan. 188 00:12:26,829 --> 00:12:29,165 "Ano'ng gagawin natin? Paano natin 'to pagtatakpan? 189 00:12:29,248 --> 00:12:30,791 "Paano natin 'to mapapahupa?" 190 00:12:32,334 --> 00:12:36,422 Parang nakakalimutan yata ng mga tao, na pag sakay ka ng mga cruise ship na 'to, 191 00:12:36,505 --> 00:12:38,883 parang nasa sarili kang bansa. 192 00:12:39,550 --> 00:12:41,510 Pwedeng US citizen ka, 193 00:12:42,094 --> 00:12:44,346 at mukha 'tong Main Street, USA, 194 00:12:44,972 --> 00:12:45,848 pero hindi. 195 00:12:46,849 --> 00:12:50,227 Dahil ang sheriff ng bayang 'to, 196 00:12:50,311 --> 00:12:55,149 ang boss ng lumulutang na maliit na komunidad na 'to, ay ang kapitan. 197 00:12:55,232 --> 00:13:00,279 At empleyado ang kapitan ng isang multi-bilyong dolyar na kompanya. 198 00:13:01,071 --> 00:13:05,034 Pera ang nakataya. 199 00:13:05,117 --> 00:13:08,412 Mas mahalaga ang tubo kesa mga tao. 200 00:13:08,496 --> 00:13:10,414 Tubo muna bago proteksiyon. 201 00:13:12,041 --> 00:13:16,587 Bilang proud na empleyado ng Royal Caribbean, nakakadurog ng puso 202 00:13:16,670 --> 00:13:19,465 na inakusahan kami na may ginawa kaming mali, 203 00:13:19,548 --> 00:13:22,259 o di maayos ang trabaho namin, o wala kaming malasakit. 204 00:13:22,343 --> 00:13:24,720 May negosyo kaming pinapatakbo. 205 00:13:24,804 --> 00:13:28,891 At hindi talaga namin inasahang mangyayari 'yon. 206 00:13:32,645 --> 00:13:36,190 Kumbinsido ako na katarantaduhan lang 'yong mga conspiracy theory 207 00:13:36,273 --> 00:13:39,068 tungkol kay Amy Bradley. 208 00:13:40,152 --> 00:13:42,571 Tingin ko talaga, tumalon o nahulog siya. 209 00:13:45,282 --> 00:13:47,993 Sa tingin ko, panakip-butas lang 'yon. 210 00:13:48,077 --> 00:13:51,205 Isang pamilyang hindi matanggap… 211 00:13:52,665 --> 00:13:53,958 ang katotohanan. 212 00:13:56,001 --> 00:14:02,299 Pamilyang hindi kayang tanggapin ang katotohanang wala na ang anak nila, 213 00:14:03,509 --> 00:14:05,219 at naghahanap ng masisisi. 214 00:14:05,302 --> 00:14:10,182 Makikita sa front cover sina Chandra Levy, 215 00:14:10,266 --> 00:14:13,727 Molly Bish, Jill Berman, at eto si Amy. 216 00:14:14,562 --> 00:14:19,149 Dalawampu't anim na taon ng paghahanap kay Amy araw-araw. 217 00:14:20,609 --> 00:14:22,236 Panghabambuhay na 'yon. 218 00:14:22,319 --> 00:14:24,572 Dalawang upuan, tapos ito 'yong balkonahe. 219 00:14:24,655 --> 00:14:27,408 Andito 'yong sun deck, tapos dito naman 'yong compass deck. 220 00:14:27,491 --> 00:14:31,203 'Yan 'yong isla, tapos ito 'yong lugar kung saan naghanap. 221 00:14:32,872 --> 00:14:38,836 Kapag wala akong ginagawa, napapaisip ako, "Ano ba'ng nakaligtaan namin?" 222 00:14:38,919 --> 00:14:42,131 Naghahanap ng clue at ng taong may alam na impormasyon 223 00:14:43,132 --> 00:14:46,260 pero di nila alam ang gagawin, o di kaya'y natatakot sila. 224 00:14:48,554 --> 00:14:50,931 Naniniwala akong may taong may alam sa pangyayari. 225 00:14:51,432 --> 00:14:56,645 Sana naman, ibigay mo na 'yong kailangan namin. 226 00:14:58,147 --> 00:14:59,565 Ano 'yang hawak mo? 227 00:15:04,153 --> 00:15:05,362 Isa 'tong… 228 00:15:06,322 --> 00:15:07,781 Isa 'tong sulat na nasa bote 229 00:15:07,865 --> 00:15:11,243 na pinadala niya sa 'kin no'ng February 1998. 230 00:15:13,329 --> 00:15:15,789 Napakapersonal nito sa akin. 231 00:15:15,873 --> 00:15:21,003 At sobrang nag-aalangan akong ipaalam ito 232 00:15:22,046 --> 00:15:24,840 sa iba. 233 00:15:25,716 --> 00:15:27,301 Hindi ko kaya… Hindi pwede… 234 00:15:36,477 --> 00:15:38,479 Umpisahan kaya natin mula sa simula? 235 00:15:38,562 --> 00:15:39,396 Sige. 236 00:15:42,107 --> 00:15:46,070 Nagkakilala kami sa basketball tryout. 237 00:15:49,406 --> 00:15:54,995 Fourteen ako noon, mahiyain, introvert, at insecure. 238 00:15:56,038 --> 00:16:00,668 Tapos may nakita akong taong mataas ang kumpiyansa, maingay, 239 00:16:01,835 --> 00:16:07,549 makulit at gumagawa ng trick shots, 240 00:16:07,633 --> 00:16:12,888 tapos hindi lang bastang nagle-layup, inaartehan pa talaga. 241 00:16:14,098 --> 00:16:17,434 Kaya sabi ko, "Aba, sino 'to?" 242 00:16:19,269 --> 00:16:21,105 Pareho kaming nasa travel team. 243 00:16:21,188 --> 00:16:26,026 Kaya tumutuloy kami sa mga hotel, maghapong naglalaro. 244 00:16:26,610 --> 00:16:29,405 Mabilis kaming naging close sa isa't isa. 245 00:16:30,030 --> 00:16:32,574 Magkasundo kami sa iba't ibang bagay. 246 00:16:32,658 --> 00:16:34,743 Pumupunta kami sa bahay ng isa't isa, 247 00:16:34,827 --> 00:16:37,788 tapos nagkaro'n na ng dynamics. 248 00:16:37,871 --> 00:16:41,917 Naisip ko, "Teka, sino ba 'tong taong sinasamahan mo?" 249 00:16:42,001 --> 00:16:44,378 Nakitulog ako sa bahay nila. 250 00:16:44,461 --> 00:16:47,214 Di ako makatulog. Bakit hindi… Kumakabog ang dibdib ko. 251 00:16:47,297 --> 00:16:51,427 Pero ang malinaw, nagkakagusto na ako sa kanya. 252 00:16:52,052 --> 00:16:57,224 Pero pumasok kami sa magkaibang college, at parehong nag-out noong college. 253 00:16:58,267 --> 00:17:02,062 Pero hindi namin alam 'yon hanggang mag-graduation. 254 00:17:03,814 --> 00:17:06,108 Pumunta kami sa gay bar, 255 00:17:06,191 --> 00:17:09,528 tumambay buong gabi, nagsayawan, at nagkumustahan. 256 00:17:10,863 --> 00:17:13,699 Hinatid niya ako sa driveway. 257 00:17:15,159 --> 00:17:16,910 Lumapit kami sa isa't isa. 258 00:17:19,079 --> 00:17:22,416 Noon lang ako hinalikan nang gano'n. 259 00:17:22,499 --> 00:17:27,212 Isang oras yata kaming nasa kotse no'n, naghahalikan. 260 00:17:27,296 --> 00:17:31,467 Tapos ang pakiramdam ko, sa wakas. 261 00:17:32,843 --> 00:17:33,969 Sobrang magical. 262 00:17:35,721 --> 00:17:40,100 Kakatanggap ko lang noon sa trabaho sa University of Kentucky. 263 00:17:40,184 --> 00:17:42,311 Kaya naghahanda na akong umalis. 264 00:17:42,394 --> 00:17:46,982 Pero ramdam namin pareho na gusto namin ang isa't isa, 265 00:17:47,066 --> 00:17:50,110 at susubukan naming mag-long distance relationship. 266 00:17:50,736 --> 00:17:52,905 Bibisita siya tuwing weekend. 267 00:17:52,988 --> 00:17:56,158 At in love na in love ako sa kanya. 268 00:17:58,160 --> 00:18:01,830 Pero noong January 1998, tinawagan niya ako. 269 00:18:01,914 --> 00:18:06,835 Gusto niyang sabihin sa 'kin na may hinalikan siya. 270 00:18:07,461 --> 00:18:08,712 Nag-iinuman sila. 271 00:18:08,796 --> 00:18:11,548 Sabi niya, wala lang daw 'yon. 272 00:18:11,632 --> 00:18:17,971 Nakatulong daw 'yon para makumpirma 'yong nararamdaman niya para sa 'kin. 273 00:18:18,055 --> 00:18:22,643 Sabi ko, "Amy, pag-iisipan ko muna 'to." 274 00:18:23,352 --> 00:18:27,147 Hindi ko sinasagot ang mga tawag niya, kaya sumulat na lang siya, 275 00:18:27,815 --> 00:18:30,359 saka nagbigay ng message in a bottle. 276 00:18:36,990 --> 00:18:41,912 "Mollie, alam kong di mo malilimutan ang pasakit na nagawa ko. 277 00:18:41,995 --> 00:18:45,082 "Hindi ko hinihling na kalimutan mo 'yon, kasi imposible 'yon. 278 00:18:45,165 --> 00:18:50,003 "Gusto ko lang hilingin na sana mapatawad mo ako. 279 00:18:50,838 --> 00:18:52,923 "Mollie, mapapatawad mo ba ako? 280 00:18:53,674 --> 00:18:57,386 "Naging insensitive, immature, at makasarili ako. 281 00:18:57,469 --> 00:19:01,515 "Hindi ko gusto 'yong dating ako, at hindi ako sa proud sa ginawa ko. 282 00:19:02,141 --> 00:19:04,601 "Feeling ko, may karagatang namamagitan sa atin. 283 00:19:06,270 --> 00:19:10,190 "Na parang nasa malayong isla ako at naghihintay na sagipin mo. 284 00:19:10,858 --> 00:19:14,027 "Itong message in a bottle ang tanging pag-asa ko. 285 00:19:14,778 --> 00:19:18,198 "Miss na kita, Mollie. Please, iligtas mo ako. 286 00:19:20,200 --> 00:19:21,952 "Stranded, Amy." 287 00:19:37,217 --> 00:19:41,972 Ilang taon na ang lumipas. Dahil papalapit na ang 20th anniversary, 288 00:19:42,055 --> 00:19:44,558 magandang paraan 'yon para makakuha pa ng impormasyon 289 00:19:44,641 --> 00:19:47,394 at ipaalam na bukas pa rin sa FBI ang kaso, 290 00:19:47,477 --> 00:19:50,939 na nangangalap at nangunguha kami ng impormasyon. 291 00:19:51,648 --> 00:19:53,192 Maraming taon na ang lumipas. 292 00:19:53,275 --> 00:19:55,235 May mga litrato ako ni Amy na tumatanda siya 293 00:19:55,319 --> 00:19:58,864 dahil ako mismo, iba na ang itsura ko kumpara no'ng nagtapos ako sa college. 294 00:19:59,948 --> 00:20:02,701 Pwedeng iba na ang buhok niya, baka mahaba o maiksi, 295 00:20:02,784 --> 00:20:04,578 at siyempre, tumanda na siya. 296 00:20:04,661 --> 00:20:07,831 Kung may impormasyon ka, pasahero ka man noon 297 00:20:07,915 --> 00:20:10,375 o crew member, hiling naming makipagtulungan ka. 298 00:20:10,459 --> 00:20:14,254 Makakatulong ang pinakamaliit na detalye para malaman ang nangyari kay Amy. 299 00:20:15,380 --> 00:20:19,635 Noong 1998, wala pang Internet. 300 00:20:19,718 --> 00:20:21,553 Nagbago na ang sitwasyon. 301 00:20:25,557 --> 00:20:27,267 Hi, guys. Welcome back sa channel ko. 302 00:20:27,351 --> 00:20:30,854 Pag-uusapan natin ang unsolved case ng nawawalang tao. 303 00:20:30,938 --> 00:20:32,231 Si Amy Lynn Bradley. 304 00:20:32,314 --> 00:20:34,316 -Si Amy Bradley. -Amy Lynn Bradley. 305 00:20:34,399 --> 00:20:36,401 Isa sa pinakamalalaking mistery sa dagat. 306 00:20:36,485 --> 00:20:39,529 Hindi ako naniniwala na sasadyain niyang tumalon. 307 00:20:39,613 --> 00:20:42,532 Okay, una, kahit na nahulog siya sa barko, 308 00:20:42,616 --> 00:20:45,369 ang lapit na nila sa pampang, pwede niya nang languyin. 309 00:20:45,452 --> 00:20:48,205 Nakakabahala man, pero malaki ang posibilidad 310 00:20:48,288 --> 00:20:51,124 na ipinuslit palabas ng cruise ship si Amy Lynn Bradley. 311 00:20:51,208 --> 00:20:54,044 -Maraming closet ang mga barko, at saka… -Oo nga. 312 00:20:54,127 --> 00:20:57,256 …maliliit na sulok at butas na pwedeng pagtaguan ng tao. 313 00:20:57,339 --> 00:21:02,219 Empleyado siya ng cruise ship at may access sa mga restricted area. 314 00:21:02,302 --> 00:21:04,471 -Baka nagtatrabaho 'yong band members… -Posible. 315 00:21:04,554 --> 00:21:07,557 …ng Blue Orchid sa karumal-dumal na sindikato. 316 00:21:07,641 --> 00:21:09,977 Baka kasabwat 'yong buong crew. 317 00:21:10,060 --> 00:21:12,604 Tingin ko, pinili talaga siya bilang biktima. 318 00:21:13,188 --> 00:21:15,732 Kung may alam ka na magiging daan para sa recovery, 319 00:21:15,816 --> 00:21:19,111 identification ni Amy Lynn Bradley, pakikontak ang FBI. 320 00:21:24,283 --> 00:21:28,620 Una kong nalaman ang kaso ni Amy noong 2014. 321 00:21:28,704 --> 00:21:29,997 Bago pa lang noon 322 00:21:30,080 --> 00:21:32,666 'yong mga true crime discussion boards. 323 00:21:32,749 --> 00:21:34,960 Mahilig talaga ako sa true crime. 324 00:21:35,043 --> 00:21:38,422 Nag-Google at nag-research ako ng mga impormasyon tungkol kay Amy. 325 00:21:39,047 --> 00:21:43,802 Mga article, Websleuths threads, mga discussion forum. 326 00:21:44,511 --> 00:21:47,723 Nagulat ako na, una, noon ko lang narinig 'yong kaso 327 00:21:47,806 --> 00:21:50,267 at hindi pa nahahanap si Amy. 328 00:21:50,350 --> 00:21:55,230 Na-touch ako sa kuwento ni Amy, tapos naramdaman ko 329 00:21:55,314 --> 00:21:56,773 na dapat may mapagkukunan 330 00:21:56,857 --> 00:22:00,319 ng lahat ng impormasyong may kinalaman sa kaso ni Amy. 331 00:22:01,737 --> 00:22:05,657 Kasi kung wala, makakalimutan ang mga ganitong kaso kalaunan. 332 00:22:06,491 --> 00:22:12,331 Kaya noong 2018, gumawa ako ng website, 'yong amybradleyismissing.com. 333 00:22:17,919 --> 00:22:20,255 May pictures, kung saan siya nakita, 334 00:22:20,339 --> 00:22:24,926 maraming naka-archive na link, tips, leads, at iba't ibang teorya. 335 00:22:27,554 --> 00:22:32,434 Kaso kapag ganito kalaki 'yong kaso, sobrang daming haka-haka. 336 00:22:38,190 --> 00:22:42,152 Diyan ako nakatayo no'ng nakita ko si Amy. 337 00:22:44,321 --> 00:22:46,782 Nagtrabaho ako noon sa telecommunications. 338 00:22:46,865 --> 00:22:49,284 Networking at telecommunications specialist ako. 339 00:22:50,535 --> 00:22:54,539 Isang araw, sabi ni Iva, "Uy, itong si Anthony Willis, 340 00:22:54,623 --> 00:22:56,041 gumawa siya ng website." 341 00:22:57,542 --> 00:23:01,296 Kaya naging magkaibigan si Anthony at Iva. 342 00:23:01,380 --> 00:23:06,218 Tapos napag-isip-isip namin, "Teka, may website tayo. 343 00:23:06,301 --> 00:23:09,429 "May string data tayo galing sa website na 'yon. 344 00:23:09,513 --> 00:23:12,015 "May IP tracking sa website na 'yon. 345 00:23:12,724 --> 00:23:15,644 "Bakit di natin i-mine 'yong data?" 346 00:23:18,563 --> 00:23:22,901 Ang maganda sa website ko, nakakapag-log in ako sa analytics. 347 00:23:22,984 --> 00:23:26,947 Mahahanap ko ang bawat IP na bumisita sa site ko. 348 00:23:27,030 --> 00:23:30,826 Pwede kong… Ang gagawin, ika-copy-paste ang mga IP na 'yon 349 00:23:30,909 --> 00:23:32,828 sa IP reader, tapos ibibigay no'n 350 00:23:32,911 --> 00:23:36,123 'yong general geolocation kung saan galing ang IP na 'yon. 351 00:23:38,875 --> 00:23:42,045 Ipinadala ni Anthony sa akin 'yong impormasyon, 'yong data. 352 00:23:43,046 --> 00:23:44,881 Finilter ko 'yong data. 353 00:23:45,424 --> 00:23:47,384 Naghahanap kami ng mga pattern. 354 00:23:47,467 --> 00:23:49,719 Kung saan galing ang mga IP address na ito. 355 00:23:52,097 --> 00:23:54,266 Ang talagang ikinagulat ko, 356 00:23:54,349 --> 00:23:58,562 'yong dami ng mga IP na galing sa Bridgetown, Barbados. 357 00:24:02,816 --> 00:24:04,276 Sa Barbados siya… 358 00:24:06,153 --> 00:24:07,612 huling nakita. 359 00:24:08,238 --> 00:24:11,491 Kaya kinunan namin ng pictures ang pamilya ni Amy, 360 00:24:11,575 --> 00:24:13,827 tapos nilagay namin 'yong information doon. 361 00:24:14,327 --> 00:24:16,997 Kinuha ko lahat ng IP address. 362 00:24:17,080 --> 00:24:21,376 Malalaman dito kung ilang beses binisita ng IP address na 'yon ang site. 363 00:24:21,460 --> 00:24:26,339 Malalaman kung aling pages ang pinuntahan at gaano sila katagal do'n. 364 00:24:28,091 --> 00:24:32,929 Bakit tuwing may birthdays, 365 00:24:33,430 --> 00:24:37,642 anniversary, at pasko, may taong bumibisita sa site na 'yon? 366 00:24:39,519 --> 00:24:41,938 Tumatagal sila do'n tuwing Thanksgiving… 367 00:24:43,857 --> 00:24:44,691 pasko, 368 00:24:46,485 --> 00:24:47,694 at mga birthday. 369 00:24:48,445 --> 00:24:51,490 Tinitingnan mula sa Curaçao, tinitingnan mula sa Barbados, 370 00:24:51,573 --> 00:24:54,284 tapos tumatagal nang nasa 45 minuto do'n. 371 00:24:54,367 --> 00:24:55,744 Hindi ko maintindihan. 372 00:24:59,080 --> 00:25:00,457 Eto ang teorya ko, 373 00:25:01,500 --> 00:25:02,667 pero teorya lang 'to. 374 00:25:02,751 --> 00:25:06,463 Pwedeng curious 'yong mga taong may kinalaman dito 375 00:25:06,546 --> 00:25:09,841 at gusto nilang malaman kung malapit na ba silang mahuli. 376 00:25:10,717 --> 00:25:12,719 Pangalawa, si Amy 'yon. 377 00:25:15,472 --> 00:25:18,892 Naglagay kami ng maraming bagong picture, mga memento. 378 00:25:19,809 --> 00:25:23,522 Nilagay namin 'yong Miata niya, 'yong picture ng aso niya. 379 00:25:24,189 --> 00:25:27,567 Sakali ngang tinitingnan niya, 380 00:25:27,651 --> 00:25:30,153 sana makita niya 'to at malamang naghahanap pa rin kami, 381 00:25:30,237 --> 00:25:31,446 iniisip pa rin siya. 382 00:25:32,405 --> 00:25:34,699 'Yong pages na tinitingnan nila. 383 00:25:34,783 --> 00:25:37,035 Bakit mo tinitingnan 'yong page, 384 00:25:37,118 --> 00:25:40,622 at bakit tumatagal ka nang ilang minuto do'n, di ba? 385 00:25:40,705 --> 00:25:42,874 Bakit binabalik-balikan mo 'yong mga page? 386 00:25:42,958 --> 00:25:44,834 Bakit interesado ka sa mga 'to? 387 00:25:47,087 --> 00:25:50,048 Ginagawa mo siguro 'yon kasi gusto mong balikan ang nakaraan. 388 00:25:50,131 --> 00:25:52,592 Gusto mong balikan ang mga alaala, di ba? 389 00:25:52,676 --> 00:25:55,178 Gusto mong malaman kung ano na ang lagay 390 00:25:55,262 --> 00:25:57,806 ng mama at papa mo at kumusta na ang kapatid mo, 391 00:25:57,889 --> 00:25:59,891 o ano na ba ang nangyayari sa buhay nila. 392 00:25:59,975 --> 00:26:02,936 Baka tinitingnan nila kung buhay pa ang mga ito. 393 00:26:04,271 --> 00:26:07,649 No'ng nawala si Amy, pinagbantaan ba siya at sinabing 394 00:26:07,732 --> 00:26:10,443 "Pag sinabi mo sa mga magulang mo, papatayin namin sila"? 395 00:26:10,527 --> 00:26:14,155 Baka naniniwala pa rin siyang manganganib ang pamilya niya. 396 00:26:15,865 --> 00:26:18,994 Iniisip ko 'yong idea na tinatakot siya 397 00:26:19,077 --> 00:26:23,373 at pumupunta siya sa website para tingnan ang pictures niya… 398 00:26:23,456 --> 00:26:24,457 Lahat naman, posible. 399 00:26:25,792 --> 00:26:29,212 Pwedeng i-track 'yong mga bumibisita sa site, 400 00:26:29,296 --> 00:26:32,882 pero dadaan sa legal na proseso para makuha ang impormasyon ng subscriber. 401 00:26:32,966 --> 00:26:36,511 Kung international 'yong tao at hindi gumagamit ng US carrier, 402 00:26:36,595 --> 00:26:39,889 hindi namin makukuha ang kahit anong impormasyon 403 00:26:39,973 --> 00:26:41,600 ng bumibisita sa site na 'yon. 404 00:26:42,267 --> 00:26:44,311 Malamang na natanong ka na rin nito, 405 00:26:44,394 --> 00:26:48,356 bakit hindi tumatawag, o nag-e-email si Amy kung buhay pa siya? 406 00:26:49,441 --> 00:26:51,192 Okay, so… 407 00:26:52,861 --> 00:26:54,237 magandang tanong 'yan. 408 00:26:56,239 --> 00:26:59,075 Di ko rin maintindihan kung bakit di siya kumokontak 409 00:26:59,159 --> 00:27:01,786 kung may access naman siya sa computer. 410 00:27:01,870 --> 00:27:03,663 Kaya lang, hindi natin alam 411 00:27:03,747 --> 00:27:05,915 kung ano'ng dinanas niya, ano'ng tiniis niya. 412 00:27:10,295 --> 00:27:12,964 No'ng nakita ko si Amy sa Barbados, 413 00:27:13,923 --> 00:27:17,636 ang lagi kong naaalala, 'yong sinabi ng lalaki na 414 00:27:17,719 --> 00:27:21,806 "Dapat handa ka na. Wag mong susubukang tumakas, 415 00:27:23,058 --> 00:27:26,478 "dahil nakaabang lang kami sa labas magdamag." 416 00:27:26,561 --> 00:27:29,648 Sabi niya, "Pwede bang daanan muna natin ang mga bata?" 417 00:27:31,232 --> 00:27:36,112 Sabi ng lalaki, "Sige, pwede naman. "Hindi ka na ba nagbabalak tumakas?" 418 00:27:36,196 --> 00:27:37,697 Sabi niya, "Hindi na." 419 00:27:39,324 --> 00:27:42,118 Di ko alam kung kaninong anak 'yong mga bata. 420 00:27:42,202 --> 00:27:46,915 Pero tuwang-tuwa siya. 421 00:27:47,832 --> 00:27:49,626 Mga anak niya siguro 'yon. 422 00:27:49,709 --> 00:27:52,379 Ang daming pwedeng mangyari sa gano'n kahabang panahon. 423 00:27:52,462 --> 00:27:55,423 Di natin alam kung nagkaanak na siya. Baka nanay na siya ngayon. 424 00:27:55,507 --> 00:27:58,301 Di natin alam kung pinagbantaan ang pamilya niya. 425 00:27:58,385 --> 00:28:01,137 Baka kaya hindi siya kumokontak. 426 00:28:01,221 --> 00:28:05,725 Kahit na nakita siya sa Curaçao, nakita rin siya sa Barbados. 427 00:28:08,395 --> 00:28:10,730 Iniisip ko 'yong mga nakakita sa kanya, 428 00:28:11,731 --> 00:28:14,526 tapos sinasabi ng mga tao, "Bakit kaya hindi siya tumatawag?" 429 00:28:14,609 --> 00:28:17,404 'Yon ang pinakamalaking tanong na naririnig namin. 430 00:28:17,487 --> 00:28:19,864 "Kung buhay pa siya, bakit di siya tumatawag?" 431 00:28:19,948 --> 00:28:21,116 Maraming dahilan. 432 00:28:22,075 --> 00:28:24,869 Baka biktima na siya ng Stockholm syndrome, 433 00:28:25,954 --> 00:28:29,457 kung saan na-attach na siya sa mga bumihag sa kanya. 434 00:28:32,627 --> 00:28:36,172 Pwede ring nagkaanak na siya. 435 00:28:36,923 --> 00:28:39,759 Baka pinagbabantaan siya o 'yong mga anak niya. 436 00:28:40,468 --> 00:28:42,387 Hindi namin alam ang mga sagot. 437 00:28:43,012 --> 00:28:46,349 Umaasa lang ako na buhay pa siya at nandiyan lang siya. 438 00:28:46,433 --> 00:28:49,394 Pag iniisip kong may mga apo akong di ko kilala, 439 00:28:49,477 --> 00:28:54,023 nasa Earth pa ako, buhay pa, kaya kung meron man, 440 00:28:54,107 --> 00:28:56,317 at nahanap namin si Amy, 441 00:28:56,401 --> 00:28:58,987 at kung may mga anak siya, mahanap ang mga anak niya, 442 00:29:00,655 --> 00:29:01,698 magiging masaya ako. 443 00:29:06,661 --> 00:29:09,622 May ilang bagay dito na napakaespesyal. 444 00:29:09,706 --> 00:29:14,002 Andito pa 'yong mga gamit ni Amy… 445 00:29:15,920 --> 00:29:17,422 kahit nga 'yong… 446 00:29:23,636 --> 00:29:25,263 barya sa pitaka niya. 447 00:29:26,848 --> 00:29:31,394 Paano nila kinakaya 'yong hindi nila alam? 448 00:29:31,478 --> 00:29:32,353 Tuloy pa rin sila. 449 00:29:33,396 --> 00:29:38,485 Makalipas ang 30 taon, umaasa at optimistic pa rin sila. 450 00:29:39,319 --> 00:29:42,405 Pero pwede ring makasama ang pag-asa, e. 451 00:29:43,364 --> 00:29:45,116 Iniisip ko kung alin ang mas maganda, 452 00:29:45,200 --> 00:29:50,371 'yong umaasa ka at naniniwalang makakabalik pa siya, 453 00:29:51,080 --> 00:29:54,542 o 'yong tatanggapin mo nang wala na siya? 454 00:29:59,422 --> 00:30:02,550 Kung umiinom man siya ng Mai Tai sa kung saang beach, 455 00:30:02,634 --> 00:30:04,469 at nahanap namin siya, at masaya siya, 456 00:30:05,887 --> 00:30:08,348 ako ang magiging pinakamasayang tao sa mundo. 457 00:30:10,725 --> 00:30:14,521 Pero sa tingin ko, hindi gano'n… ang mangyayari sa bandang huli. 458 00:30:19,400 --> 00:30:22,904 Dahil sa mga pangyayari, 459 00:30:22,987 --> 00:30:27,283 'yong pagkawala niya makalipas ang isang buwan 460 00:30:27,367 --> 00:30:30,745 mula no'ng pinadala niya 'tong sulat, 461 00:30:30,829 --> 00:30:34,958 at dahil message in a bottle 'to, 462 00:30:36,125 --> 00:30:39,879 pwede mo talagang maipagkamali 463 00:30:39,963 --> 00:30:43,049 'yong pagiging sakto no'ng metaphor. 464 00:30:44,801 --> 00:30:47,095 Pwede itong magpahiwatig ng suicide… 465 00:30:48,972 --> 00:30:51,182 pero hindi gano'n ang tingin ko dito. 466 00:30:51,266 --> 00:30:54,269 Para sa akin, nagbabasa ako ng love letter. 467 00:30:55,603 --> 00:30:57,230 Love letter 'to. 468 00:31:00,400 --> 00:31:02,443 Pagkatapos ng message in a bottle, 469 00:31:03,236 --> 00:31:06,865 kinontak ko siya at nagkita kami. 470 00:31:06,948 --> 00:31:10,994 Ilang araw 'yon bago siya mag-cruise. 471 00:31:11,703 --> 00:31:14,455 Gusto niyang ipakita sa 'kin 'yong aso niya, si Bailey, 472 00:31:14,539 --> 00:31:16,708 at gusto niyang ipakita 'yong apartment niya. 473 00:31:19,752 --> 00:31:24,424 Alam ko, no'ng kasama ko siya, na kakayanin namin 'yon, 474 00:31:25,008 --> 00:31:27,510 tapos nagplano kaming magkikita 475 00:31:27,594 --> 00:31:31,097 pagkatapos ng cruise sa Easter. 476 00:31:31,764 --> 00:31:34,267 Parang hindi pa siya nakakasubok mag-cruise dati. 477 00:31:34,350 --> 00:31:36,311 Sobrang excited siyang gawin 'yon. 478 00:31:38,980 --> 00:31:40,732 Pinadalhan niya ako ng postcard. 479 00:31:41,649 --> 00:31:47,363 Dumating 'yon pagkatapos kong malaman na nawawala siya. 480 00:31:50,283 --> 00:31:53,912 Photographer ako, kaya binanggit niyang kumukuha siya ng pictures, 481 00:31:55,538 --> 00:31:57,707 tapos sabi niya, "Sana nandito ka." 482 00:32:02,128 --> 00:32:06,049 Hindi ko maiwasang isipin na sana pinigilan ko siyang mag-cruise. 483 00:32:07,425 --> 00:32:08,843 Nando'n na ako, e. 484 00:32:08,927 --> 00:32:12,347 Magkasama kami sa apartment bago siya umalis, at… 485 00:32:14,015 --> 00:32:17,185 Parang nakikita ko siya, as in, malinaw ko siyang nakikita. 486 00:32:17,268 --> 00:32:18,561 Naaamoy ko siya. 487 00:32:19,354 --> 00:32:21,272 Nararamdaman ko siya. 488 00:32:28,947 --> 00:32:31,366 Kasi iuuwi namin siyang buhay. 489 00:32:31,449 --> 00:32:33,242 Iuuwi namin siyang buhay. 490 00:32:39,248 --> 00:32:43,962 Ika-9,758 na araw ngayon 491 00:32:44,045 --> 00:32:47,131 ng paghahanap namin para maiuwi si Amy. 492 00:32:50,468 --> 00:32:52,470 Hindi namin siya susukuan. 493 00:32:53,471 --> 00:32:56,432 Sa umaga, pagkagising, sinasabi namin, "Baka ngayon na." 494 00:32:56,516 --> 00:32:58,434 Tapos pag matutulog na kami, 495 00:32:58,518 --> 00:33:02,355 may special kiss kami para kay Amy, tapos sasabihin namin, "Baka bukas." 496 00:33:03,648 --> 00:33:06,317 Iniingatan namin sa garahe ang kotse niya. 497 00:33:06,401 --> 00:33:09,654 Inaalagaan namin na di maluma ng panahon at pinapanatiling makintab. 498 00:33:10,321 --> 00:33:15,326 Sa kanya 'yan, at gugustuhin niyang… Gugustuhin niyang masakyan 'yan ulit. 499 00:33:16,619 --> 00:33:20,415 Kaya para pa rin 'yang bago pag-uwi niya. 500 00:33:23,251 --> 00:33:25,503 At maimamaneho niya 'yan ulit. 501 00:33:29,257 --> 00:33:33,594 Malaki ang paniniwala naming nandiyan lang siya. 502 00:33:38,433 --> 00:33:42,895 Patuloy kaming umaasa dahil wala namang closure at di namin alam ang nangyari. 503 00:33:44,105 --> 00:33:47,483 Sa totoo lang, mas gusto ko 'yong gano'n, 504 00:33:47,567 --> 00:33:50,653 kesa 'yong magkaroon ng kasagutan. 505 00:33:53,531 --> 00:33:56,200 Nasa bahay ko si Ron Bradley noong nakaraang buwan, 506 00:33:56,284 --> 00:33:59,829 at sabi niya sa akin, "Pag-uwi ni Amy." 507 00:34:04,000 --> 00:34:06,836 Minsan, nakikita ko siya sa utak ko. 508 00:34:07,462 --> 00:34:10,506 Naiisip kong nasa ibang lugar siya. 509 00:34:10,590 --> 00:34:12,842 Lagi ko siyang nakikitang naglalaro ng basketball. 510 00:34:14,010 --> 00:34:18,181 Nakikita ko siyang umiinom ng beer, tumatambay, at sumasayaw. 511 00:34:20,266 --> 00:34:22,977 Ano kaya'ng sasabihin niya sa mga pinili naming buhay, 512 00:34:23,061 --> 00:34:25,563 at sa mga ginawa namin? 513 00:34:25,646 --> 00:34:28,441 At, alam mo 'yon, umaasa kaming 514 00:34:28,524 --> 00:34:31,944 sana malaman niyang miss na miss na namin siya. 515 00:34:35,114 --> 00:34:39,035 Naghiwalay kami ni Brad ilang buwan matapos mawala si Amy. 516 00:34:40,787 --> 00:34:44,874 Tingin ko, dahil din 'yon sa bigat ng pinagdadaanan naming lahat. 517 00:34:46,584 --> 00:34:48,169 Mahal ko pa rin sila. 518 00:34:48,795 --> 00:34:53,341 Tingin ko, sa sobrang bigat ng sitwasyon, 519 00:34:54,467 --> 00:34:56,761 alam mo 'yon, lumayo na lang ako. 520 00:34:58,679 --> 00:35:02,850 Tingin ko, hindi na nila kayang dagdagan 'yong pinapasan nila. 521 00:35:03,559 --> 00:35:06,354 I mean, hindi na kasi maibabalik ang dati. 522 00:35:08,898 --> 00:35:12,318 'Yong kaso ni Amy Bradley… Hindi mo 'yon makakalimutan 523 00:35:12,401 --> 00:35:15,780 dahil imposible 'yon. Napakaraming tanong. 524 00:35:15,863 --> 00:35:19,325 Para sa isang FBI agent, sobrang nakakadismaya 'yon, 525 00:35:19,408 --> 00:35:21,869 dahil trabaho namin 'yon, 'yong paglutas ng misteryo. 526 00:35:21,953 --> 00:35:23,746 Ayaw naming mag-iwan ng mga tanong, 527 00:35:23,830 --> 00:35:26,374 at punong-puno no'n ang kasong ito. 528 00:35:29,335 --> 00:35:30,962 Sa tingin ko, iyon… 529 00:35:32,755 --> 00:35:33,673 ang mahirap. 530 00:35:34,382 --> 00:35:36,884 'Yong iba't ibang report na nakita siya, 531 00:35:36,968 --> 00:35:39,679 gustong-gusto kong maging totoo 'yon. 532 00:35:40,763 --> 00:35:45,226 Ano mang senaryo tungkol sa posibleng nangyari 533 00:35:45,309 --> 00:35:46,936 sa pagkawala niya 534 00:35:47,770 --> 00:35:52,191 ay pinaghalong pagdududa at posibilidad. 535 00:35:53,609 --> 00:35:56,696 Pero para sa akin at sa paraan ko ng pagtanggap 536 00:35:57,989 --> 00:36:00,658 na talagang wala na siya, 537 00:36:00,741 --> 00:36:03,619 'yong taong minahal ko… 538 00:36:04,579 --> 00:36:07,874 Ang totoo, nabubuhay ako ngayon na wala siya. 539 00:36:08,666 --> 00:36:09,959 Di na magbabago 'yon. 540 00:36:10,585 --> 00:36:12,336 Di na magbabago. 541 00:36:20,636 --> 00:36:23,472 Itinuturing na bukas na imbestigasyon ang kaso ni Amy. 542 00:36:23,556 --> 00:36:26,767 Kung may nakakaalam sa nangyari, nasa barko ka ba noon? 543 00:36:26,851 --> 00:36:29,896 May nakita o narinig ka ba? Ilang taon man ang lumipas. 544 00:36:29,979 --> 00:36:32,273 Baka may isinulat kang kung ano, 545 00:36:32,356 --> 00:36:35,193 ano man 'yan, makakatulong ang impormasyong 'yan. 546 00:36:38,821 --> 00:36:41,282 May nangyari kay Amy. 547 00:36:41,365 --> 00:36:45,786 Di namin alam kung ano 'yon, pero kailangan naming malaman ang sagot. 548 00:36:58,174 --> 00:37:00,009 Kung may alam ka, 549 00:37:00,092 --> 00:37:05,139 sana naman, ibigay mo na 'yong kailangan namin. 550 00:37:05,765 --> 00:37:08,392 Sana gawin mo 'yon para sa amin. at para kay Amy. 551 00:37:09,435 --> 00:37:10,353 Amy! 552 00:37:11,520 --> 00:37:12,355 Amy! 553 00:37:22,615 --> 00:37:24,700 KUNG MAY IMPORMASYON KA TUNGKOL KAY AMY, KONTAKIN ANG FBI. 554 00:37:24,784 --> 00:37:29,330 KINUWESTIYON NG FBI SI ALISTER DOUGLAS. KUSA SIYANG NAGPA-POLYGRAPH TEST. 555 00:37:29,413 --> 00:37:34,585 PINAKAWALAN SIYA NG FBI DAHIL WALANG EBIDENSIYANG SANGKOT SIYA SA PAGKAWALA. 556 00:37:34,669 --> 00:37:37,964 NOONG 1999, KINASUHAN NG MGA BRADLEY ANG ROYAL CARIBBEAN. 557 00:37:38,047 --> 00:37:40,967 SINABI NG ROYAL CARIBBEAN NA GINAWA NILA ANG NARARAPAT 558 00:37:41,050 --> 00:37:45,012 AT TAMA SA LAHAT NG SANDALI. SA HULI, NA-DISMISS ANG KASO. 559 00:38:23,259 --> 00:38:25,094 Nagsalin ng Subtitle: Ivee Jade Tañedo