1 00:00:02,000 --> 00:00:07,000 Downloaded from YTS.BZ 2 00:00:08,000 --> 00:00:13,000 Official YIFY movies site: YTS.BZ 3 00:01:07,817 --> 00:01:09,568 {\an8}Ang pangit mo kumanta! 4 00:01:09,569 --> 00:01:12,863 Teka, ihinto mo nga. Patayin mo. Patayin mo ang tugtog. 5 00:01:12,864 --> 00:01:13,989 Salamat naman. 6 00:01:13,990 --> 00:01:17,284 {\an8}Gusto ko lang maghatid ng saya ngayong Pasko. Ito ang ginagawa ko. 7 00:01:17,285 --> 00:01:18,952 {\an8}Oo, pero ayaw namin sa kanta mo. 8 00:01:18,953 --> 00:01:21,038 {\an8}Sa malalaking venue ako madalas tumugtog. 9 00:01:21,039 --> 00:01:24,458 {\an8}Wala akong pakialam kung gusto n'yo. Milyon-milyon ang may gusto sa 'kin. 10 00:01:24,459 --> 00:01:26,126 {\an8}Ako si Isaac. "Give Me Them Panties"? 11 00:01:26,127 --> 00:01:28,879 {\an8}- Huwag kang umastang di mo 'ko kilala. - Flat ka naman! 12 00:01:28,880 --> 00:01:31,673 Imposibleng flat ako. Galing ako sa pamilya ng mga musikero. 13 00:01:31,674 --> 00:01:34,219 Tuwing nasa hapag-kainan kami, kumakanta kami. 14 00:01:35,011 --> 00:01:36,721 {\an8}Ewan ko ba kung ba't nandito ako. 15 00:01:37,305 --> 00:01:38,139 Bahala na. 16 00:01:40,308 --> 00:01:41,267 {\an8}Isang baso nga. 17 00:01:45,105 --> 00:01:47,731 Kung ginawa lang ng promoter ang trabaho niya, 18 00:01:47,732 --> 00:01:50,859 {\an8}punong-puno sana ang lugar na 'to ng mga taong manonood sa 'kin. 19 00:01:50,860 --> 00:01:52,028 Sa mga arena ako kumakanta dati. 20 00:01:53,363 --> 00:01:55,490 {\an8}Sinabihan ako ng asawa ko na huwag nang pumunta rito. 21 00:01:55,990 --> 00:01:57,033 {\an8}Ganito na lang. 22 00:01:58,076 --> 00:02:00,661 {\an8}Bayaran n'yo na 'ko para makaalis na ako. 23 00:02:00,662 --> 00:02:02,412 {\an8}Alam mo ang usapan n'yo ng promoter. 24 00:02:02,413 --> 00:02:03,914 {\an8}Kailangan mong kumanta ng full set 25 00:02:03,915 --> 00:02:07,710 {\an8}at kailangang mangalahati ang mga nanonood bago ka bayaran. 26 00:02:09,462 --> 00:02:12,589 {\an8}Ano? Kasabwat ka ng promoter? Pagkakaisahan n'yo ako? 27 00:02:12,590 --> 00:02:14,466 Isaac, alam mo ang sinabi niya. 28 00:02:14,467 --> 00:02:17,469 {\an8}Alam ko ang sinabi niya at ang mga di niya ginawa. 29 00:02:17,470 --> 00:02:21,598 {\an8}Iniwan ko ang simbahan para pumunta rito. Ang asawa ko, anak ko, ang tatay ko. 30 00:02:21,599 --> 00:02:24,017 {\an8}Isaac, ayaw mo naman talaga sa simbahan n'yo. 31 00:02:24,018 --> 00:02:26,687 Ikaw mismo ang nagsabi no'n. Kaya ka nga nandito. 32 00:02:26,688 --> 00:02:27,855 Isang baso ka pa? 33 00:02:27,856 --> 00:02:29,481 Alam mo? Ganito na lang. 34 00:02:29,482 --> 00:02:30,525 Ikaw… 35 00:02:34,028 --> 00:02:35,320 {\an8}Maligayang Pasko. 36 00:02:35,321 --> 00:02:36,656 {\an8}Wala akong pakialam. 37 00:02:37,657 --> 00:02:38,741 {\an8}Tabi! 38 00:02:43,413 --> 00:02:46,499 {\an8}Ayaw na nga akong i-promote, ayaw pa akong bayaran? 39 00:02:47,083 --> 00:02:48,543 Mga lintik na manloloko! 40 00:02:53,548 --> 00:02:56,426 Teka, teka. Baka dapat di ko sinabi 'yon. 41 00:02:56,926 --> 00:02:58,761 Pero dahil nasabi ko na, 42 00:02:59,345 --> 00:03:02,139 ayun, nagpagulong-gulong ako sa ere. 43 00:03:02,140 --> 00:03:03,891 Gaya sa buhay ko. 44 00:03:03,892 --> 00:03:06,852 Kuskos, banlaw, tapos ulit na naman. 45 00:03:06,853 --> 00:03:09,438 Sa isa sa apat na pag-ikot na 'yon, 46 00:03:09,439 --> 00:03:11,064 naalala kong sinabi ko na, 47 00:03:11,065 --> 00:03:13,817 "Diyos ko, kung ililigtas Mo ako, 48 00:03:13,818 --> 00:03:15,903 {\an8}uuwi ako at susubukan kong magbago." 49 00:03:15,904 --> 00:03:17,906 {\an8}Kaya 'yon ang ginawa ko. 50 00:03:18,740 --> 00:03:20,699 {\an8}Umuwi ako sa simbahan ng tatay ko. 51 00:03:20,700 --> 00:03:22,659 {\an8}Tuwang-tuwa ang pamilya ko. 52 00:03:22,660 --> 00:03:23,494 {\an8}MAKALIPAS ANG 2 TAON 53 00:03:34,422 --> 00:03:35,715 {\an8}Pero ako, di ako masaya. 54 00:03:37,342 --> 00:03:38,968 Gusto ko ng higit pa rito. 55 00:03:39,552 --> 00:03:41,970 {\an8}Noong naglakas-loob na akong sabihin sa asawa ko 56 00:03:41,971 --> 00:03:46,475 {\an8}na gusto kong buhayin muli ang karera ko at magtanghal ulit sa iba't ibang lugar, 57 00:03:46,476 --> 00:03:49,479 may nangyari namang yumanig sa mundo ko. 58 00:03:50,355 --> 00:03:53,942 Pagdating ko sa ospital, nandoon na sa lobby ang buong simbahan at choir. 59 00:03:54,692 --> 00:03:55,652 Isaac. 60 00:03:57,487 --> 00:04:01,532 Malapit na akong makasama ng Panginoon. Nagampanan ko na ang tungkulin ko. 61 00:04:02,951 --> 00:04:04,494 Ikaw naman ang susunod. 62 00:04:06,037 --> 00:04:08,581 - Papa, huwag. - Peter. 63 00:04:10,166 --> 00:04:11,501 Ikaw ang sandigan ko. 64 00:04:12,168 --> 00:04:16,005 Gusto kong ikaw ang mamahala sa simbahan dito. Handa ka na. 65 00:04:16,589 --> 00:04:17,674 Ipinagmamalaki kita. 66 00:04:18,591 --> 00:04:19,425 Isaac. 67 00:04:20,677 --> 00:04:22,261 Dalhin mo ang pamilya mo sa New York. 68 00:04:22,262 --> 00:04:25,180 Gusto kong ikaw ang mamahala sa simbahan ng lolo mo sa tuhod. 69 00:04:25,181 --> 00:04:28,892 Papa, wala akong alam sa pagpapatakbo ng simbahan. 70 00:04:28,893 --> 00:04:32,354 Hindi ako katulad n'yo ni Peter, Pa. Wala… 71 00:04:32,355 --> 00:04:33,690 - Wala ako ng mayroon kayo. - Kaya mo rin 'yon. 72 00:04:34,440 --> 00:04:35,608 Nasaan ang Bibliya? 73 00:04:48,579 --> 00:04:51,416 Galing 'to sa mga ninuno mo. 74 00:04:52,792 --> 00:04:56,004 Pamana pa ng mga ninuno nating naging alipin. 75 00:04:56,671 --> 00:04:59,299 Lahat ng pinagdaanan nila, 76 00:04:59,924 --> 00:05:01,926 nakasulat sa mga gilid ng aklat na 'to. 77 00:05:02,719 --> 00:05:06,263 Nandoon din ang mga patotoo nila. 78 00:05:06,264 --> 00:05:10,560 At nagtagumpay tayo sa pamamagitan ng mga patotoo natin, anak. 79 00:05:11,227 --> 00:05:15,315 At pag oras na ng pagpanaw mo, kung papalarin kang mamaalam sa higaan mo, 80 00:05:16,149 --> 00:05:17,984 ipasa mo 'yan sa apo ko. 81 00:05:19,402 --> 00:05:21,738 Huwag kang tatanggi. 82 00:05:22,822 --> 00:05:24,865 Gusto kong mangaral ka sa libing ko. 83 00:05:24,866 --> 00:05:26,158 Papa… 84 00:05:26,159 --> 00:05:28,744 Mas magaling naman si Peter. 85 00:05:28,745 --> 00:05:31,413 Dali, Peter. Sabihin mo kay Papa. 86 00:05:31,414 --> 00:05:35,918 Kung hahanapin mo ang mga anghel, nasa paligid mo lang sila. 87 00:08:08,112 --> 00:08:11,698 - Sige, sabihin nating lahat, "Amen!" - Amen! 88 00:08:11,699 --> 00:08:14,952 - Sabihin nating lahat, "Aleluya!" - Aleluya! 89 00:08:17,371 --> 00:08:19,373 Luwalhati 90 00:08:20,708 --> 00:08:21,959 Halika na, kapatid. 91 00:08:31,427 --> 00:08:33,136 Sabihin natin, "Amen!" 92 00:08:33,137 --> 00:08:34,679 - Amen! - Amen, pamangkin. 93 00:08:34,680 --> 00:08:36,015 Ayos lang 'yan. 94 00:08:36,807 --> 00:08:40,603 Alam kong mas gusto ninyong marinig ang tatay ko o ang kapatid ko. 95 00:08:45,983 --> 00:08:48,861 Ano, buksan po natin ang ating mga Bibliya sa… 96 00:08:51,614 --> 00:08:53,823 Sabihin natin, "Amen!" 97 00:08:53,824 --> 00:08:55,492 Amen. 98 00:08:55,493 --> 00:08:57,744 Dakilang tao ang tatay ko. 99 00:08:57,745 --> 00:08:59,329 Mami-miss natin siya. 100 00:08:59,330 --> 00:09:03,208 Naalala ko, Pasko noon. Binigyan niya ako ng bike. 101 00:09:03,209 --> 00:09:08,255 Ang kuya ko ang nagturo sa 'kin mag-bike, dahil hindi natuto ang tatay ko. 102 00:09:08,256 --> 00:09:10,465 Siguro, gano'n din ang kamatayan. 103 00:09:10,466 --> 00:09:14,052 Kahit matuto kang mabuhay o hindi, mamamatay ka pa rin. 104 00:09:14,053 --> 00:09:17,430 Kaya mapapaisip ka kung gumagana ba talaga ang panalangin. 105 00:09:17,431 --> 00:09:21,059 At matatakot kang itanong ang mga bagay gaya ng, 106 00:09:21,060 --> 00:09:26,524 "Bakit namatay ang tatay ko, gayong mahal namin at kailangan pa namin siya?" 107 00:09:29,402 --> 00:09:30,527 Amen. 108 00:09:30,528 --> 00:09:32,112 - A-Amen. - Amen. 109 00:09:32,113 --> 00:09:34,323 Amen. 110 00:09:38,411 --> 00:09:40,496 Tama 'yan, kapatid. 111 00:09:41,122 --> 00:09:43,790 At alam nating gumagana pa rin ang panalangin. 112 00:09:43,791 --> 00:09:45,584 - Tama! - Tama! 113 00:09:45,585 --> 00:09:47,335 Sa katunayan, ang dugo… 114 00:09:47,336 --> 00:09:48,921 - Opo, Panginoon! - …ay mabisa pa rin! 115 00:09:50,673 --> 00:09:53,800 Ayaw ng tatay ko na ang buong buhay niya 116 00:09:53,801 --> 00:09:56,219 ay mauwi lang sa sandali ng kaniyang kamatayan. 117 00:09:56,220 --> 00:09:59,472 Kaya hindi lang tayo nagtipon para magluksa, kundi para din magdiwang. 118 00:09:59,473 --> 00:10:02,310 - Tama, Panginoon! - Sabi ko, nagtipon tayo para magdiwang! 119 00:10:02,810 --> 00:10:04,769 - Sabihin natin, "Aleluya!" - Aleluya! 120 00:10:04,770 --> 00:10:07,273 Sabihin natin, "Purihin ang Panginoon!" 121 00:10:08,733 --> 00:10:12,152 Di ko lang maintindihan kung bakit di tayo ang pinapunta sa New York. 122 00:10:12,153 --> 00:10:14,321 - Ang alibughang anak ang ipinadala niya. - Lilly. 123 00:10:14,322 --> 00:10:16,406 Guguluhin lang niya ang lugar na 'yon. 124 00:10:16,407 --> 00:10:18,742 At ibinigay pa nila sa kaniya ang Bibliya. 125 00:10:18,743 --> 00:10:20,285 Dapat sa 'yo 'yon. 126 00:10:20,286 --> 00:10:22,788 Lilly, tama na, pakiusap. 127 00:10:23,372 --> 00:10:24,539 Ayos lang. 128 00:10:24,540 --> 00:10:27,584 Ma, di ko alam kung kaya ko. New York pa talaga? 129 00:10:27,585 --> 00:10:29,169 E, 20 taon na 'kong di nakakapunta roon. 130 00:10:29,170 --> 00:10:31,046 Tapos dadalhin ko pa ang mga anak ko— 131 00:10:31,047 --> 00:10:32,547 O, iniisip mo na kami ngayon? 132 00:10:32,548 --> 00:10:33,674 Jacob. 133 00:10:34,300 --> 00:10:38,720 Ipangaral mo lang ang Ebanghelyo. Dakilain mo ang pangalan ni Hesus. 134 00:10:38,721 --> 00:10:40,930 Ang Diyos ang bahalang humikayat sa kanila. 135 00:10:40,931 --> 00:10:44,060 Naririnig kita, Ma. Pero wala ako ng kakayahan nina Peter at… 136 00:10:45,102 --> 00:10:46,187 ni Papa. 137 00:10:46,979 --> 00:10:48,229 Makinig ka sa akin. 138 00:10:48,230 --> 00:10:50,732 Lagi naming sinasabi ng tatay mo. 139 00:10:50,733 --> 00:10:54,152 Kung ano ang laman ng balon, 'yon ang masasalok ng timba. 140 00:10:54,153 --> 00:10:55,696 Sige na. 141 00:10:56,197 --> 00:10:58,240 Ipagdarasal kita. 142 00:10:58,824 --> 00:11:00,368 Mukha siyang nag-aalala. 143 00:11:01,243 --> 00:11:03,871 Kantahin mo ang "I'll Be Praying For You". 144 00:13:08,537 --> 00:13:10,414 Mas malala pa 'to kaysa sa inaasahan ko. 145 00:13:12,792 --> 00:13:15,794 Ito ang simbahan. Mahal, nakikita mo ba ang mga taong 'to? 146 00:13:15,795 --> 00:13:18,505 Nakikita ko, mahal. Ang dami nila. 147 00:13:18,506 --> 00:13:21,132 Dito ka na pumarada. Huwag kang makabangga ng kahit sino. 148 00:13:21,133 --> 00:13:25,221 Wala akong babanggain. Pero parang delikado rito. Hindi… 149 00:13:26,847 --> 00:13:28,641 Umalis tayo sa Georgia para dito? 150 00:13:32,102 --> 00:13:33,687 Makikiraan. 151 00:13:34,230 --> 00:13:35,522 Okay. 152 00:13:35,523 --> 00:13:37,023 Halika rito. 153 00:13:37,024 --> 00:13:38,108 Sige, sige. 154 00:13:40,736 --> 00:13:42,695 SI HESUS AY NAGLILIGTAS 155 00:13:42,696 --> 00:13:45,282 Baka naman di gano'n kalala sa loob, mahal. 156 00:13:48,369 --> 00:13:51,080 Kung wala kang pahintulot na pumasok dito, magtago ka na. 157 00:13:51,664 --> 00:13:53,123 May mga armas ako. 158 00:13:53,624 --> 00:13:55,417 Hello? Uy! 159 00:13:55,918 --> 00:13:57,502 Kumusta, a… 160 00:13:57,503 --> 00:14:01,131 Ako si Pastor Isaac Jefferson, at ito ang asawa kong si Rebecca. 161 00:14:01,757 --> 00:14:03,883 Pare, Bibliya lang 'yan, hindi armas. 162 00:14:03,884 --> 00:14:06,011 Sinasabi ko sa 'yo, sandata 'to laban sa kaaway. 163 00:14:06,637 --> 00:14:09,013 Pasensiya na. Minsan kasi pumapasok dito ang mga bata. 164 00:14:09,014 --> 00:14:11,432 Sorry. Akala ko bukas pa kayo darating. 165 00:14:11,433 --> 00:14:13,434 Nalilito na ako sa mga araw. 166 00:14:13,435 --> 00:14:16,021 Ako si Deacon Daniel. Ikaw siguro si Jacob. 167 00:14:17,273 --> 00:14:20,985 At ito si Esau. Kamukhang-kamukha mo ang lolo mo sa tuhod. 168 00:14:21,902 --> 00:14:24,780 - Kilala mo siya? - Lagi akong nasa tabi niya. 169 00:14:28,450 --> 00:14:29,450 Gusto mo 'yan? 170 00:14:29,451 --> 00:14:31,745 Ay, hindi siya nagsasalita. 171 00:14:32,329 --> 00:14:33,538 Gano'n ba? 172 00:14:33,539 --> 00:14:35,833 Pero maraming sinasabi ang mga mata niya. 173 00:14:36,834 --> 00:14:37,834 Halikayo. 174 00:14:37,835 --> 00:14:40,545 Tinatawag namin silang choir ng langit. 175 00:14:40,546 --> 00:14:42,339 Mga anghel silang lahat. 176 00:14:43,132 --> 00:14:48,220 Binabantayan nila tayo, gabi man o araw. 177 00:14:51,557 --> 00:14:54,559 Halikayo. Ipapakita ko sa inyo ang bahay ng pastor. 178 00:14:54,560 --> 00:14:55,977 - Tara na. Halikayo. - Bahay ng pastor? 179 00:14:55,978 --> 00:14:57,438 Sundan n'yo ako. 180 00:14:58,939 --> 00:15:00,399 Pasok kayo. 181 00:15:02,109 --> 00:15:05,279 Inilabas ko ang Christmas tree para sa inyo. Sana magustuhan n'yo. 182 00:15:06,155 --> 00:15:08,324 Alam kong di kalakihan ang lugar na 'to. 183 00:15:10,367 --> 00:15:13,328 Hindi, maganda naman. 184 00:15:13,329 --> 00:15:17,874 Gusto ko ang mga bintana. Siguradong maliwanag dito kapag araw. 185 00:15:17,875 --> 00:15:19,417 Mabuti naman at nagustuhan mo, 186 00:15:19,418 --> 00:15:22,087 dahil apat na araw lang tumagal dito ang huling pastor. 187 00:15:24,506 --> 00:15:27,051 - Ayos ka lang, Pastor? - Hindi. 188 00:15:27,635 --> 00:15:31,387 Ayos lang siya. Mahaba lang ang biyahe, kaya… 189 00:15:31,388 --> 00:15:32,472 - Ma. - Ano? 190 00:15:32,473 --> 00:15:34,933 Iisa ang kuwarto namin ni Esau? Ang pangit naman no'n. 191 00:15:34,934 --> 00:15:36,936 - Jacob, tama na. - Ang pang… 192 00:15:39,063 --> 00:15:40,064 Salamat. 193 00:15:41,190 --> 00:15:45,360 Kung may kailangan kayo, sa attic ako nakatira. 194 00:15:45,361 --> 00:15:47,237 Umakyat lang kayo sa hagdang 'yon. 195 00:15:48,280 --> 00:15:50,907 - Natutuwa akong nandito kayo. - Maraming salamat. 196 00:15:50,908 --> 00:15:52,493 - Walang anuman. - Oo. 197 00:15:52,993 --> 00:15:53,869 Sige. 198 00:15:54,954 --> 00:15:56,038 Sige. 199 00:15:58,499 --> 00:16:00,542 Ayusin mo ang ugali mo, Jacob. 200 00:16:03,671 --> 00:16:05,547 Magiging maayos din ang lahat. 201 00:16:11,595 --> 00:16:15,306 Mukhang di siya masaya rito. Kailangan natin ng paraan para makumbinsi sila. 202 00:16:15,307 --> 00:16:18,935 Kailangan natin itong gawin. Baka ito na ang huli nating pagkakataon. 203 00:16:18,936 --> 00:16:20,728 Daniel, kailangan mo siyang kumbinsihin. 204 00:16:20,729 --> 00:16:23,481 Susubukan ko, pero dapat sarili niyang pasiya 'yon. 205 00:16:23,482 --> 00:16:25,900 Gusto kong makatulong sa mga tao. Iyon ang tungkulin natin. 206 00:16:25,901 --> 00:16:28,194 Wala tayong magagawa hangga't di tayo pinapayagan 207 00:16:28,195 --> 00:16:31,739 - ng pastor ng simbahang 'to na kumilos. - Hinahayaan. 208 00:16:31,740 --> 00:16:35,034 Nakatambay tayo rito sa taas, naghihintay na may magdasal 209 00:16:35,035 --> 00:16:37,870 at suguin tayo ng Diyos habang nakikita ang lahat ng kapahamakang ito… 210 00:16:37,871 --> 00:16:39,497 - Oo nga. - Nakakakilabot. 211 00:16:39,498 --> 00:16:44,127 Ang alam ko lang, bihira nang manalangin ang mga tao ngayon. 212 00:16:44,128 --> 00:16:46,504 At ilang taon nang walang nagdarasal dito. 213 00:16:46,505 --> 00:16:48,799 - Nawala na. - May problema tayo. 214 00:16:49,425 --> 00:16:50,259 Sa kanan. 215 00:16:51,927 --> 00:16:53,721 Kaliwa yata ang ibig mong sabihin. 216 00:16:56,015 --> 00:16:59,226 - Ayos lang. Hindi niya tayo nakikita. - Nakatingin siya mismo sa atin. 217 00:17:01,895 --> 00:17:04,772 Kumaway ka ba sa kaniya? Bawal 'yon. 218 00:17:04,773 --> 00:17:06,399 Kumusta ka, iho? 219 00:17:06,400 --> 00:17:07,943 May maitutulong ba ako sa 'yo? 220 00:17:11,030 --> 00:17:12,030 Magsusumbong siya. 221 00:17:12,031 --> 00:17:14,490 - Ayos lang. - Madali para sa 'yo, Deacon Daniel. 222 00:17:14,491 --> 00:17:17,368 Anghel kang namumuhay kasama nila, tapos kami, nagtatago. 223 00:17:17,369 --> 00:17:20,955 Na parang mga gangster. Tahimik kumilos ang mga gangster. Hindi ako palaimik. 224 00:17:20,956 --> 00:17:23,416 Nakikinig ka talaga sa mga kanta ni Meek Mill, ano? 225 00:17:23,417 --> 00:17:26,044 Tama na. Di n'yo naiintindihan. 226 00:17:26,045 --> 00:17:30,757 Ang punto, walang nakakakita sa inyo maliban sa mga pinahihintulutan ng Diyos. 227 00:17:30,758 --> 00:17:31,841 Nakita niya kayo. 228 00:17:31,842 --> 00:17:35,512 Kung pinahintulutan 'yon ng Diyos, ayos lang 'yon. 229 00:17:38,390 --> 00:17:39,475 Buweno, 230 00:17:40,350 --> 00:17:41,769 ito ang opisina. 231 00:17:49,401 --> 00:17:50,569 Ano… 232 00:17:51,904 --> 00:17:53,655 Deacon Daniel, ano… 233 00:17:55,074 --> 00:17:58,285 Mga sulat 'to tungkol sa pagremata ng ari-arian? Alam mo 'to? 234 00:17:59,411 --> 00:18:00,370 Ah, oo. 235 00:18:02,081 --> 00:18:05,209 - Puwede mo ba akong iwan sandali? - Sige po, sir. 236 00:18:08,629 --> 00:18:10,589 Ano ba naman 'to? 237 00:18:13,008 --> 00:18:15,844 Naibaba ko na ang mga bag n'yo bago pa manakaw sa kotse. 238 00:18:16,470 --> 00:18:18,888 Nang bumagsak ang simbahan, bumagsak din ang komunidad. 239 00:18:18,889 --> 00:18:22,017 Tuwang-tuwa talaga kami noong nandito pa ang lolo mo sa tuhod. 240 00:18:22,684 --> 00:18:26,105 Parang tumigil ang mga tao sa pagsisimba at pagdarasal. 241 00:18:26,730 --> 00:18:29,316 Lalo lang bumagsak ang lugar na 'to. 242 00:18:30,609 --> 00:18:34,237 Titingnan natin kung paano tayo makakatulong. 243 00:18:34,238 --> 00:18:35,822 Gusto ko ang pananaw mo. 244 00:18:35,823 --> 00:18:39,075 Paano tayo hihikayat ng tao sa kabila ng lahat ng nangyayari dito? 245 00:18:39,076 --> 00:18:42,746 Sa pamamagitan ng pangangaral, mahal. Iisa-isahin natin sila. 246 00:18:44,790 --> 00:18:47,417 - Puwede ko bang ibigay 'to sa 'yo? - Hindi. 247 00:18:48,961 --> 00:18:51,547 - Gusto ko si Rebecca. - Kailangan ni Isaac ng pananalig. 248 00:18:52,131 --> 00:18:54,842 Di niya 'yon makikita sa komunidad na 'to. 249 00:18:55,342 --> 00:18:57,802 Hello. Pasensiya na, ako si Rebecca. 250 00:18:57,803 --> 00:19:00,346 Gusto ko sana kayong imbitahan sa simbahan namin. 251 00:19:00,347 --> 00:19:02,891 Ayaw namin, salamat. Halika na, mga anak. 252 00:19:05,144 --> 00:19:07,520 - Sige. - Ma, nakakahiya 'to. 253 00:19:07,521 --> 00:19:10,022 Ayos lang. Ikaw diyan. 254 00:19:10,023 --> 00:19:11,357 - Ako rito sa kabila. - Sige. 255 00:19:11,358 --> 00:19:12,693 - Tara. - Tara, anak. 256 00:19:16,196 --> 00:19:17,280 Saan banda? 257 00:19:17,281 --> 00:19:19,157 - Hindi ko alam kung nasaan siya. - O? 258 00:19:19,158 --> 00:19:20,033 Ano'ng problema mo? 259 00:19:21,243 --> 00:19:25,288 Pasensiya na. Ako si Jacob, taga-Georgia. 260 00:19:25,289 --> 00:19:27,665 Pastor sa Bethel ang tatay ko. 261 00:19:27,666 --> 00:19:30,335 - Nang-iimbita siya ng mga tao. - Georgia? 262 00:19:30,919 --> 00:19:33,922 Kaya pala ganiyan ka magsalita. Alam mo dapat kung nasaan ka. 263 00:19:36,258 --> 00:19:37,259 Sige na. 264 00:19:38,927 --> 00:19:40,345 - Bye. - Sige. 265 00:19:43,765 --> 00:19:45,434 Puwede ko bang ibigay sa inyo… Heto. 266 00:19:46,143 --> 00:19:48,186 Sige lang. Kumuha kayo. Okay. 267 00:19:48,187 --> 00:19:51,230 - Puwede ko bang ibigay 'to? - Ano'ng ginagawa mo? 268 00:19:51,231 --> 00:19:53,941 Dumadagdag ka lang sa kalat ng lugar na 'to. 269 00:19:53,942 --> 00:19:57,445 Hindi po, ma'am. Ako si Rebecca Jefferson. 270 00:19:57,446 --> 00:20:00,281 Asawa ko si Reverend Isaac Jefferson. 271 00:20:00,282 --> 00:20:03,659 Bagong pastor siya sa Bethel Joy Baptist Church. 272 00:20:03,660 --> 00:20:05,411 Gusto sana kitang imbitahan sa simbahan. 273 00:20:05,412 --> 00:20:08,331 Hindi ka magtatagal dito para makapag-imbita pa ng sinuman. 274 00:20:08,332 --> 00:20:11,626 Lalamunin ka ng lugar na 'to at iluluwa ka rin. 275 00:20:11,627 --> 00:20:14,045 New York ito, iha. Hindi mo ba alam? 276 00:20:14,046 --> 00:20:15,881 Lumayo-layo ka na rito. 277 00:20:20,636 --> 00:20:21,887 Puwede ko ba 'tong ibigay sa 'yo? 278 00:20:22,679 --> 00:20:24,931 LIVED'S SANGLAAN AT IBA PA 279 00:20:24,932 --> 00:20:25,807 Ingat, anak. 280 00:20:42,699 --> 00:20:44,201 Kumusta, pare? 281 00:20:44,701 --> 00:20:46,535 Tingnan mo kung sino'ng napadpad dito. 282 00:20:46,536 --> 00:20:49,080 Gusto ko ang musika mo. Mahilig ako sa musika. 283 00:20:49,081 --> 00:20:52,875 Pandaigdigang wika ito at ang pinakamabilis tumagos sa kaluluwa. 284 00:20:52,876 --> 00:20:55,754 Hindi mo ako natatandaan, pero naaalala kita. 285 00:21:06,556 --> 00:21:09,267 {\an8}Grabe. Saan mo nakuha 'to? 286 00:21:09,268 --> 00:21:13,772 {\an8}Ako ang promoter noong gabing 'yon sa Apollo. Mga 20 taon na ba? 287 00:21:14,398 --> 00:21:19,694 Ako si Ehtmai Lived. Latin 'yon. Lived na lang. 288 00:21:19,695 --> 00:21:23,448 Hindi tayo pormal na nagkakilala noon, pero ilang taon na kitang sinusubaybayan. 289 00:21:24,032 --> 00:21:28,662 Nagpo-promote pa rin ako ng mga palabas paminsan-minsan. 290 00:21:29,162 --> 00:21:33,125 May sarili akong club, Vexxed ang pangalan. Kumakanta ka pa ba? 291 00:21:34,042 --> 00:21:37,003 Hindi na. Nangangaral na ako ngayon. 292 00:21:37,004 --> 00:21:40,840 Malayo mula sa pinakasikat mong kanta, "Give Me Them Panties", tapos pangangaral. 293 00:21:40,841 --> 00:21:43,051 - Uy, may bata. - Ay. 294 00:21:45,554 --> 00:21:47,264 May biyaya siya. 295 00:21:48,348 --> 00:21:51,183 Wala kang dapat ikahiya. Napakalaking hit no'n. 296 00:21:51,184 --> 00:21:54,478 Kinakanta pa rin, gusto ka pang marinig ng tao. Pero sige. 297 00:21:54,479 --> 00:21:58,734 Nami-miss ka ng mga tao, pero pastor ka na ngayon. 298 00:21:59,318 --> 00:22:04,114 Siguradong taglay mo ang apoy ng Espiritu Santo gaya ng lolo sa tuhod mong si Wally. 299 00:22:04,865 --> 00:22:05,741 Kilala ko siya. 300 00:22:06,491 --> 00:22:10,162 Siguradong dudumugin ka ng mga tao gaya ng nangyari noon sa Apollo. 301 00:22:11,872 --> 00:22:14,916 Ginagawa ko lang ang makakaya ko. … 302 00:22:17,794 --> 00:22:19,546 "Saksihan ang kapangyarihan ng Diyos." 303 00:22:20,213 --> 00:22:26,177 Hindi ako palasimba pero pag-iisipan ko. 304 00:22:26,178 --> 00:22:29,013 Bigyan mo 'ko nito para maibigay ko sa mga suki ko. 305 00:22:29,014 --> 00:22:33,143 - Salamat. Malaking tulong 'yan. - Walang anuman. 306 00:22:33,727 --> 00:22:35,770 Puwede kang dumaan dito kahit kailan. 307 00:22:35,771 --> 00:22:37,981 At maligayang pagdating sa komunidad. 308 00:22:38,607 --> 00:22:41,025 Salamat. Maraming salamat. Halika na, anak. 309 00:22:41,026 --> 00:22:43,320 - Ang ganda ng lugar na 'to. - Sige. 310 00:22:48,075 --> 00:22:51,745 Kumusta ang panghihikayat n'yo ng mga tao? 311 00:22:53,038 --> 00:22:55,207 - Ano, maayos naman. - Napakasalimuot. 312 00:22:55,832 --> 00:22:58,250 Ano, maglalagay tayo ng mga dekorasyon, pinturahan natin, 313 00:22:58,251 --> 00:23:01,087 aayusin natin 'to para magmukhang simbahang tumatanggap ng mga tao. 314 00:23:01,088 --> 00:23:02,254 Gusto ko 'yan. 315 00:23:02,255 --> 00:23:05,841 Pero para saan pa? Ano ba talaga ang silbi nito? 316 00:23:05,842 --> 00:23:08,636 Nasabi na ba ni Deacon na nakasangla ang simbahan? 317 00:23:08,637 --> 00:23:10,388 - Sabihin mo sa kaniya. - Ano kasi… 318 00:23:10,389 --> 00:23:12,681 Limang buwan nang di nababayaran. 319 00:23:12,682 --> 00:23:15,142 - Sabihin mo sa kaniya. - Sinabi mo na. 320 00:23:15,143 --> 00:23:17,978 Nasabi mo ba kung paano na lang nabubuhay ang simbahang 'to? 321 00:23:17,979 --> 00:23:20,981 - Dahil sa… - Dahil sa mga donasyon ng ibang simbahan. 322 00:23:20,982 --> 00:23:23,150 Pero nahihirapan na rin sila, 323 00:23:23,151 --> 00:23:25,694 kaya kailangan na nating tumayo sa sarili nating mga paa 324 00:23:25,695 --> 00:23:28,030 kahit 13 na lang ang miyembro natin. 325 00:23:28,031 --> 00:23:30,116 Wala pa sa kanila ang nagsisimba. 326 00:23:30,117 --> 00:23:31,450 Ganito na lang. 327 00:23:31,451 --> 00:23:33,327 - Sabihin mo ang pinakamalala. - Kailangan natin… 328 00:23:33,328 --> 00:23:36,580 …bayaran ang lahat ng naiwang utang, mga multa, buwis, 329 00:23:36,581 --> 00:23:40,209 at iba pang bayarin bago mag-January 2. 330 00:23:40,210 --> 00:23:41,086 Lahat-lahat. 331 00:23:42,379 --> 00:23:46,966 Limampu't walong libong dolyar. 332 00:23:46,967 --> 00:23:49,301 Pagkatapos pa ng Pasko. Tama? 333 00:23:49,302 --> 00:23:52,304 Ibig sabihin, may isang buwan lang tayo. 334 00:23:52,305 --> 00:23:56,016 Kaya sabihin mo sa akin kung saan tayo kukuha ng gano'n kalaking pera, 335 00:23:56,017 --> 00:23:58,687 dahil hindi ko alam kung paano natin 'yon magagawa. 336 00:24:02,816 --> 00:24:05,068 Bakit hindi mo na lang ipagdasal, iho? 337 00:24:08,405 --> 00:24:09,698 Ipagdasal. 338 00:24:12,492 --> 00:24:13,827 Hihiga muna ako. 339 00:24:17,164 --> 00:24:18,874 Magiging maayos lang ba siya? 340 00:24:19,875 --> 00:24:20,876 Oo. 341 00:24:21,793 --> 00:24:23,712 Medyo nabibigatan siya sa lahat ng 'to. 342 00:24:24,546 --> 00:24:28,967 Babalik tayo sa panghihikayat ng mga tao. Patuloy lang tayong susubok. 343 00:24:33,054 --> 00:24:38,309 Alam mo, may nakilala akong matanda kanina sa sanglaan. Lived ang pangalan niya. 344 00:24:38,310 --> 00:24:40,478 Kilala niya ang lolo ko sa tuhod. 345 00:24:40,479 --> 00:24:46,318 May litrato ko pa siya habang nagtatanghal ako sa Apollo, 20 taon na ang nakalipas. 346 00:24:48,737 --> 00:24:52,448 - Kung nagpatuloy lang ako sa pagkanta… - Hindi ka sana umuwi. 347 00:24:52,449 --> 00:24:53,909 At hindi mo sana ako nakilala. 348 00:24:54,576 --> 00:24:56,160 Di 'yan ang ibig kong sabihin. 349 00:24:56,161 --> 00:24:57,871 Hindi ito ang pangarap ko. 350 00:24:58,580 --> 00:24:59,956 Hindi ako mahusay na pastor. 351 00:25:00,582 --> 00:25:03,417 Hindi ko kabisado ang Salita ng Diyos gaya ni kuya. Gaya ng— 352 00:25:03,418 --> 00:25:08,632 Mahal. Maraming taong nag-aral ng Salita ng Diyos ang kuya at tatay mo. 353 00:25:09,299 --> 00:25:12,010 Naiintindihan mo? Hindi pa huli para magsimula. 354 00:25:12,969 --> 00:25:16,722 Buksan natin ang Bibliya. Basahin natin ang mga tala. Simulan natin. 355 00:25:16,723 --> 00:25:18,350 At manalangin tayo. 356 00:25:21,478 --> 00:25:25,148 Ipinanalangin kong makapagsalita ang anak natin. 357 00:25:26,233 --> 00:25:29,903 Ipinanalangin ko ring mabuhay pa ang tatay ko. 358 00:25:32,239 --> 00:25:34,240 Nakita mo kung paano sinagot ang dasal ko? 359 00:25:34,241 --> 00:25:35,242 Hindi. 360 00:25:36,326 --> 00:25:37,244 Wala. 361 00:25:44,417 --> 00:25:46,627 Hindi raw dapat ipinapakita ng mga lalaki ang nararamdaman nila. 362 00:25:46,628 --> 00:25:47,546 Oo. 363 00:25:49,256 --> 00:25:53,175 Alam mo 'yon? Hindi rin ako maintindihan ng asawa ko. 364 00:25:53,176 --> 00:25:55,678 Naiintindihan kita, pare. Pareho tayo d'yan. 365 00:25:55,679 --> 00:25:57,596 - Dumanas tayo ng mahihirap na panahon. - Oo. 366 00:25:57,597 --> 00:26:00,349 May mga pinagdaanan din ako. Nawala ang ministeryo ko, 367 00:26:00,350 --> 00:26:04,479 muntik na ring mawala ang asawa ko, mga anak ko, pati katinuan ko. 368 00:26:05,230 --> 00:26:08,191 Parang naging malungkot na kanta sa radyo ang buhay ko. 369 00:26:08,900 --> 00:26:13,238 - Nakakabigo talaga minsan. - Oo. 370 00:26:14,823 --> 00:26:15,949 Kumusta, pare? 371 00:26:17,284 --> 00:26:18,285 Isaac? 372 00:26:19,411 --> 00:26:20,911 - Monty. - Uy, pare. 373 00:26:20,912 --> 00:26:22,496 - Kumusta? - Mabuti naman. 374 00:26:22,497 --> 00:26:24,123 Mabuti't nagkita tayo. Kumusta? 375 00:26:24,124 --> 00:26:26,542 - Sorry, ako si Pastor Jefferson. - Gusto mong sumama? 376 00:26:26,543 --> 00:26:29,628 Hindi, namimigay lang ako ng mga flyer para sa simbahan ko. 377 00:26:29,629 --> 00:26:32,923 Mabuti at nagkita tayo. Gusto sana kitang makausap. 378 00:26:32,924 --> 00:26:34,883 Puwede kang tumugtog sa Linggo? 379 00:26:34,884 --> 00:26:36,594 - Nasa 'yo pa ang number ko? - Oo. 380 00:26:36,595 --> 00:26:38,554 Tawagan mo ako. 381 00:26:38,555 --> 00:26:41,682 - Huwag mong kalimutan. May kilala pa 'ko. - Sige. 382 00:26:41,683 --> 00:26:43,684 Puwede ka naming bigyan ng upuan kung gusto mo. 383 00:26:43,685 --> 00:26:45,937 - Ayos lang ako. Salamat. - Sige. 384 00:26:48,815 --> 00:26:50,566 Pag may pinagdaraanan ang isang tao, 385 00:26:50,567 --> 00:26:52,901 madalas sabihin, "Di na siya binibiyayaan ng Diyos." 386 00:26:52,902 --> 00:26:54,653 - Narinig n'yo na 'yon? - Oo. 387 00:26:54,654 --> 00:26:59,241 Nalaman kong napakatapat ng Diyos, kaya biyaya lang niya ang kahahantungan mo. 388 00:26:59,242 --> 00:27:02,202 Sobra Niya tayong mahal para pabayaan tayo. 389 00:27:02,203 --> 00:27:05,164 Kaya hindi ako bumitaw sa pananampalataya. Patuloy akong nanalangin. 390 00:27:05,165 --> 00:27:08,959 Naniniwala akong may pag-asa sa kabila ng dalamhati. 391 00:27:08,960 --> 00:27:12,797 Pero bilang lalaki, di mo kayang pasanin lahat mag-isa. Hindi mo kaya. 392 00:27:18,511 --> 00:27:20,847 - Gumagana ba? - Sandali lang. 393 00:27:22,223 --> 00:27:23,433 Diyos ko, Diyos ko! 394 00:27:29,481 --> 00:27:32,024 Ilang taon na nang huli nating marinig 'to. 395 00:27:32,025 --> 00:27:34,319 Pero ang ganda pa rin. 396 00:27:37,864 --> 00:27:40,741 Oo. Ganiyan nga. 397 00:27:40,742 --> 00:27:44,496 Ayan ang maghahatid ng saya sa komunidad na 'to. 398 00:27:46,289 --> 00:27:49,958 Sige, magpintura na tayo. Magiging masaya 'to. 399 00:27:49,959 --> 00:27:51,753 Ngumiti ka naman, anak. 400 00:27:52,295 --> 00:27:54,089 Maraming salamat sa pagpunta. 401 00:27:56,424 --> 00:27:57,925 Imposible. 402 00:27:57,926 --> 00:27:59,260 Isaac? 403 00:28:01,096 --> 00:28:02,346 Juanita? 404 00:28:02,347 --> 00:28:04,264 - Hi. - Hi. 405 00:28:04,265 --> 00:28:08,102 - Natutuwa akong makita ka. - Ako rin. Dito ka nagtatrabaho? 406 00:28:08,103 --> 00:28:11,605 Oo. Hindi na sapat ang kita sa pagkanta. 407 00:28:11,606 --> 00:28:15,067 Sayang naman. Alam kong mahal na mahal mo ang pagkanta. 408 00:28:15,068 --> 00:28:16,985 Oo. Ikaw rin naman dati. 409 00:28:16,986 --> 00:28:20,614 Kumakanta pa rin ako minsan sa club banda roon, pero… 410 00:28:20,615 --> 00:28:24,244 Ikaw, nag-asawa ka na at nangangaral na sa simbahan ng tatay mo. 411 00:28:24,828 --> 00:28:27,037 Oo. Wala na si Papa. 412 00:28:27,038 --> 00:28:31,417 Kaya nandito na ako para mamahala sa simbahang sinimulan ng lolo ko sa tuhod. 413 00:28:31,418 --> 00:28:34,086 Ang bangkong 'to ang may hawak ng pagkasangla ng simbahan. 414 00:28:34,087 --> 00:28:36,422 - Nasa 'yo ba ang address? - Oo, heto. 415 00:28:36,423 --> 00:28:38,383 - Halika sa opisina ko. - Sige. 416 00:28:39,467 --> 00:28:42,971 - Milagro talagang dito ka nagtatrabaho. - Isaac… 417 00:28:43,847 --> 00:28:45,806 Pasensiya na. Hindi ito milagro. 418 00:28:45,807 --> 00:28:47,642 Wala akong magagawa para tulungan ka. 419 00:28:48,309 --> 00:28:53,814 Malapit nang maremata ang simbahan kung hindi ka makakahanap ng $58,000. 420 00:28:53,815 --> 00:28:56,234 Parang $58 bilyon na rin 'yan. 421 00:28:57,652 --> 00:28:59,696 Pero masaya akong makita ka ulit. 422 00:29:01,614 --> 00:29:03,115 Salamat. Masaya rin ako. 423 00:29:03,116 --> 00:29:05,409 Tatanggapin ko ang anumang tulong. Salamat. 424 00:29:05,410 --> 00:29:06,744 - Walang anuman. - Salamat. 425 00:29:06,745 --> 00:29:07,911 Walang an— 426 00:29:07,912 --> 00:29:10,832 Yakap naman diyan. Puwede ba? Sige na. 427 00:29:11,624 --> 00:29:13,168 - Ayan. - Sige. 428 00:29:14,252 --> 00:29:16,171 Panoorin mo akong kumanta sa club. 429 00:29:17,756 --> 00:29:20,175 Magpakabait ka, pogi. 430 00:29:22,719 --> 00:29:24,304 Magandang umaga, kongregasyon. 431 00:29:24,971 --> 00:29:25,888 Magandang umaga. 432 00:29:25,889 --> 00:29:28,390 Ako ang pastor ninyo, si Isaac Jefferson. 433 00:29:28,391 --> 00:29:33,104 At ito ang asawa ko, ang First Lady. Ang ganda niya, di ba? 434 00:29:34,981 --> 00:29:35,857 Ano, at… 435 00:29:36,608 --> 00:29:38,525 Ang sermon ngayon ay tungkol sa… 436 00:29:38,526 --> 00:29:39,651 - Uy. - Uy. 437 00:29:39,652 --> 00:29:41,779 - Nakarating kayo. - Pananampalataya. Oo. 438 00:29:41,780 --> 00:29:45,657 - Puwede kayong maupo rito. - Mukhang kahit saan puwede, pero sige. 439 00:29:45,658 --> 00:29:48,036 Kung may pananampalataya ka, matutulungan ka nitong malampasan ang lahat. 440 00:29:48,536 --> 00:29:49,496 Okay. 441 00:29:49,996 --> 00:29:53,874 Tingnan mo naman, naka-amerikana ka pa. Kamukhang-kamukha mo ang tatay mo. 442 00:29:53,875 --> 00:29:55,959 …Hebreo, kabanata anim… 443 00:29:55,960 --> 00:29:57,586 Hindi ako katulad ng tatay ko. 444 00:29:57,587 --> 00:30:00,256 Buksan ninyo ang inyong Bibliya sa— Alam n'yo, 445 00:30:00,840 --> 00:30:04,260 nasa cellphone na ang Bibliya ngayon. Paano pa natin bubuksan? 446 00:30:08,348 --> 00:30:10,183 Gusto mo bang gisingin ko siya, Pastor? 447 00:30:12,685 --> 00:30:13,894 Amen, deacon. 448 00:30:13,895 --> 00:30:16,772 Minsan— Minsan, napapagod tayo, at… 449 00:30:16,773 --> 00:30:22,529 At kailangan natin ng pananampalataya para mapalapit sa Panginoon. 450 00:30:23,154 --> 00:30:24,614 May kapangyarihan Siya. 451 00:30:26,032 --> 00:30:32,455 Kailangan lang… Kailangan lang nating matutong gamitin 'yon. Ha! 452 00:30:33,414 --> 00:30:37,126 Sapagkat ang lumalapit sa Diyos ay kailangang maniwala na… 453 00:30:42,090 --> 00:30:43,258 Amen. 454 00:30:45,802 --> 00:30:48,555 Ano… Ang kasunod ng talata… 455 00:30:50,431 --> 00:30:53,685 Sa… Sa kamay ng Diyos. Ha! At… 456 00:31:01,359 --> 00:31:03,360 Kailangan natin ng pananampalatayang 457 00:31:03,361 --> 00:31:06,072 taglay ang buong kapangyarihan upang… 458 00:31:06,865 --> 00:31:08,950 Upang maibangon tayo! 459 00:31:13,454 --> 00:31:14,831 Ano ang ingay na 'yon? 460 00:31:16,916 --> 00:31:19,126 Parang hindi tugtog ng Panginoon. 461 00:31:19,127 --> 00:31:20,545 Malay mo, tugtog Niya 'yan. 462 00:31:30,096 --> 00:31:32,473 Ang kapangyarihan mula sa mga kuko Niya. 463 00:31:34,893 --> 00:31:39,606 Ilan sa inyo ang nakaaalam na maganda ang mga kuko ng Diyos? 464 00:31:45,486 --> 00:31:49,365 Pero noong nasa Kalbaryo Siya, ibang klase ang mga pako roon. 465 00:31:52,869 --> 00:31:54,787 Amen. Amen. 466 00:32:04,339 --> 00:32:07,257 Alam kong palpak ang tatay ko. Sorry. 467 00:32:07,258 --> 00:32:08,467 Nag-enjoy ako. 468 00:32:08,468 --> 00:32:11,136 - Babalik ako at sasali sa choir. - Talaga? 469 00:32:11,137 --> 00:32:14,181 Tatanungin ko ang mga kasama ko sa glee club kung gusto rin nila. 470 00:32:14,182 --> 00:32:16,558 At magaling ding kumanta ang nanay ko. 471 00:32:16,559 --> 00:32:17,517 Maganda 'yan. 472 00:32:17,518 --> 00:32:19,937 Kailangan nga namin ng tulong dito. 473 00:32:19,938 --> 00:32:20,813 Oo naman. 474 00:32:21,606 --> 00:32:22,941 Masaya akong pumunta ka. 475 00:32:23,566 --> 00:32:24,776 Sige. 476 00:32:25,360 --> 00:32:26,693 Ako rin. 477 00:32:26,694 --> 00:32:28,195 Ayan na nga. 478 00:32:28,196 --> 00:32:29,696 - Tapos na ang simba, di ba? - Oo. 479 00:32:29,697 --> 00:32:31,239 Sige, uwi na tayo. 480 00:32:31,240 --> 00:32:32,783 Hi, Ms. Gloria. 481 00:32:32,784 --> 00:32:34,117 Hi. Bye. 482 00:32:34,118 --> 00:32:35,954 Halika na, Imani. Umuwi na tayo. 483 00:32:37,872 --> 00:32:39,958 - Pare, kapatid mo 'yon? - Oo. 484 00:32:40,541 --> 00:32:42,626 - Kita tayo sa trabaho? - Oo. 485 00:32:42,627 --> 00:32:44,461 Sigurado. Heto na 'ko. 486 00:32:44,462 --> 00:32:47,215 - Uwi na sa bahay. - Ma, puwede ba kaming sumali sa choir? 487 00:32:47,799 --> 00:32:52,469 - …21, 22, 23, 24… - Heto na. 488 00:32:52,470 --> 00:32:56,306 …25, 26, 27, 489 00:32:56,307 --> 00:32:59,685 28, 29, 30, 490 00:32:59,686 --> 00:33:03,397 31, 32. 491 00:33:03,398 --> 00:33:06,608 Okay. Tatlumpu't dalawang dolyar. Magandang simula na 'yan. 492 00:33:06,609 --> 00:33:07,944 Sentimo. 493 00:33:10,530 --> 00:33:12,197 At tumanggi ang bangko. 494 00:33:12,198 --> 00:33:15,325 Di ko alam kung paano natin 'to malalampasan. Kukunin nila 'to. 495 00:33:15,326 --> 00:33:17,494 Alam ko na ang sasabihin ng mga tao. 496 00:33:17,495 --> 00:33:20,539 Sasabihin nilang ang tatay kong may napakagandang reputasyon, 497 00:33:20,540 --> 00:33:25,043 pinadala ang anak niyang laking-simbahan, iniwan ang simbahan, namuhay sa lansangan, 498 00:33:25,044 --> 00:33:27,004 at bumalik nang mabigo ang karera, 499 00:33:27,005 --> 00:33:29,715 tapos pumunta sa New York, namahala sa simbahan ng lolo niya sa tuhod 500 00:33:29,716 --> 00:33:33,011 at hinayaan pa itong maagaw ng bangko. 'Yan ang sasabihin nila. 501 00:33:35,263 --> 00:33:36,889 Bubuti rin ang lagay ng lahat, mahal. 502 00:33:39,142 --> 00:33:40,684 Hindi. Alam n'yo? 503 00:33:40,685 --> 00:33:44,689 Musika talaga ang laman ng puso ko. 'Yon ang alam kong gawin. 504 00:33:45,273 --> 00:33:48,442 Nakipag-usap ako kay Monty. Makakabuo siya ng banda. 505 00:33:48,443 --> 00:33:50,944 Makakakuha ng mga aawit. Kailangan natin ng musika. 506 00:33:50,945 --> 00:33:57,159 Alam ko. Sa tingin ko, mga nasa 11 o 12 na ang nagpalista para sa choir. 507 00:33:57,160 --> 00:33:59,494 Parang anim o pito lang yata. 508 00:33:59,495 --> 00:34:01,747 Doon na lang muna tayo magsimula, di ba? 509 00:34:01,748 --> 00:34:04,958 Baka puwede tayong magdaos ng concert sa Pasko 510 00:34:04,959 --> 00:34:09,171 para makalikom ng pera. Sa tingin mo, gagana 'yon? 511 00:34:09,172 --> 00:34:14,885 - Hindi gagana. Walang pupunta. - Hindi, mahal. Magandang idea 'yan. 512 00:34:14,886 --> 00:34:17,095 - Gustong-gusto ko nga. - Ako rin. 513 00:34:17,096 --> 00:34:20,058 The Gospel of Christmas na musical. 514 00:34:20,641 --> 00:34:24,561 - Mahal, kapit lang sa pananampalataya. - Sinusubukan ko. 515 00:34:24,562 --> 00:34:29,484 Pasensiya na po, Pastor. Napansin kong hindi kayo nanalangin sa service. 516 00:34:30,151 --> 00:34:32,028 Alam n'yo namang gumagana pa rin ang panalangin. 517 00:34:32,528 --> 00:34:33,821 Pastor naman. 518 00:34:34,405 --> 00:34:35,531 Pangunahan n'yo ang panalangin. 519 00:34:43,289 --> 00:34:46,417 Hindi. Hindi ko kaya. 520 00:34:47,001 --> 00:34:48,878 - Pasensiya na. - Pa… 521 00:34:55,009 --> 00:34:56,219 Jacob. 522 00:34:58,304 --> 00:34:59,387 Ano'ng ginagawa mo? 523 00:34:59,388 --> 00:35:01,598 Ano pa ba sa tingin mo? Nagtatrabaho ako. 524 00:35:01,599 --> 00:35:04,351 - Tinanggap ako ni Mr. Lived. - May trabaho ka? 525 00:35:04,352 --> 00:35:07,229 Kailan mo balak sabihin sa akin at sa nanay mo 'to? 526 00:35:07,230 --> 00:35:09,314 Nagsabi ka ba sa 'kin at kay Mama ng mga bagay? 527 00:35:09,315 --> 00:35:11,984 - Aba, bata. - Pasensiya na. 528 00:35:12,485 --> 00:35:16,238 Hindi mo ba sinabi sa kaniya, Jacob? Akala ko sinabi mo na. 529 00:35:16,239 --> 00:35:18,157 At huwag kang bastos. 530 00:35:20,034 --> 00:35:21,077 Sorry po. 531 00:35:21,577 --> 00:35:25,997 Pasensiya na talaga. Pinagtatrabaho ko ang ilan sa mga binata sa komunidad. 532 00:35:25,998 --> 00:35:28,458 Magulo dito. Para malayo sila sa gulo. 533 00:35:28,459 --> 00:35:30,502 Nag-aayos sila ng paninda at ng mga estante. 534 00:35:30,503 --> 00:35:32,755 Pero mababait na bata lang ang kinukuha ko. 535 00:35:33,422 --> 00:35:36,550 - Pasensiya na talaga. - Pag-uusapan natin 'to pag-uwi mo. 536 00:35:36,551 --> 00:35:40,179 Ayos lang siya. Pumasok ka na at ayusin ang mga estante. 537 00:35:41,806 --> 00:35:43,266 - Quamie. - Bakit? 538 00:35:43,766 --> 00:35:45,351 Dalhin mo 'to sa address na 'to. 539 00:35:46,060 --> 00:35:48,187 - Huwag kang male-late. - Sige. 540 00:35:51,816 --> 00:35:52,900 Mga teenager talaga. 541 00:35:54,360 --> 00:35:57,196 Naiintindihan ko. Iba talaga sila. 542 00:35:59,031 --> 00:36:03,244 Kung tama ang pagkakaalala ko, puro lalaki ang mga anak sa panig ng tatay mo, di ba? 543 00:36:04,328 --> 00:36:05,413 Paano mo nalaman 'yon? 544 00:36:05,997 --> 00:36:07,081 Maliit lang ang mundo. 545 00:36:08,916 --> 00:36:10,835 Mukhang may bumabagabag sa 'yo. 546 00:36:12,920 --> 00:36:15,714 Nagpunta ako sa recreation center na 'yan noong isang araw. 547 00:36:15,715 --> 00:36:17,841 May pulong doon ang grupo ng mga lalaki. 548 00:36:17,842 --> 00:36:22,345 Pinag-uusapan nila ang pagsubok sa buhay, pagiging lalaki, at iba pa. 549 00:36:22,346 --> 00:36:24,348 Naisip kong makinig sana sa kanila. 550 00:36:25,099 --> 00:36:27,977 Hindi mo kailangan 'yon. Tunay kang lalaki. 551 00:36:29,061 --> 00:36:31,396 Di mo kailangang sabihin ang saloobin mo. 552 00:36:31,397 --> 00:36:32,522 Para 'yon sa mahihina. 553 00:36:32,523 --> 00:36:36,611 Ang kailangan mo lang gawin ay sundin ang puso mo. 554 00:36:37,528 --> 00:36:40,990 Narinig ko ang sermon mo sa speaker. 555 00:36:42,283 --> 00:36:43,742 Narinig pala 'yon? 556 00:36:43,743 --> 00:36:47,537 Oo. Rinig na rinig. Buong komunidad, narinig ka. 557 00:36:47,538 --> 00:36:50,624 Kaya nagpatugtog nang malakas ang mga gangster. 558 00:36:50,625 --> 00:36:51,875 Sinubukan kong patigilin. 559 00:36:51,876 --> 00:36:54,253 Buti na lang di mo napigilan. Ang pangit ng sermon ko. 560 00:36:55,963 --> 00:36:56,964 Makinig ka, kaibigan. 561 00:36:57,798 --> 00:37:01,427 Minsan, may mga bagay na sadyang hindi para sa 'yo. 562 00:37:04,388 --> 00:37:05,514 Alam mo… 563 00:37:06,557 --> 00:37:08,100 Maniwala ka sa isang matanda. 564 00:37:08,893 --> 00:37:10,519 Gawin mo ang… 565 00:37:11,687 --> 00:37:13,272 Gawin mo ang gusto mo. 566 00:37:13,856 --> 00:37:17,317 Sundin mo ang nasa puso mo. At wala sa puso mo ang trabahong 'to. 567 00:37:17,318 --> 00:37:20,111 Hayaan mong maremata ang lugar na 'yan. 568 00:37:20,112 --> 00:37:23,532 Wala nang gustong magsimba ngayon. Lalo na ang mga kabataan. 569 00:37:24,158 --> 00:37:27,119 Hindi… Hindi yata 'yan ang gusto ng Diyos. 570 00:37:28,996 --> 00:37:32,166 Di ba talaga gusto ng Diyos, o hindi gusto ng tatay mo? 571 00:37:32,917 --> 00:37:35,169 Ikaw ba, ano ang gusto mo? 572 00:37:36,879 --> 00:37:39,423 Binigyan ka ng Diyos ng kalayaang pumili, tama? 573 00:37:40,633 --> 00:37:43,761 Naisip mo na ba talaga ang tungkol sa Diyos? 574 00:37:45,429 --> 00:37:51,435 Itinuro lang ba sa 'yo ang lahat ng ito, o talagang naniniwala ka? 575 00:37:51,936 --> 00:37:53,854 Naniniwala ka ba talaga sa lahat ng 'yan? 576 00:37:54,897 --> 00:37:56,357 Oo, naniniwala ako. 577 00:37:57,692 --> 00:37:58,859 Sa tingin ko, 578 00:37:59,986 --> 00:38:03,822 itinuro lang 'yan sa 'yo ng tatay mo kaya napilitan kang maniwala. 579 00:38:03,823 --> 00:38:05,825 At ngayon, pakiramdam mo obligasyon mo na. 580 00:38:07,034 --> 00:38:09,953 Pustahan, ayaw mo ngang magbasa ng Bibliya 581 00:38:09,954 --> 00:38:12,914 dahil napakalayo sa katotohanan ng mga kuwento roon. 582 00:38:12,915 --> 00:38:14,583 Alam mong tama ako. 583 00:38:16,544 --> 00:38:18,879 Iho, seryoso. May… 584 00:38:19,755 --> 00:38:22,174 May nagawa na ba talaga ang Diyos para sa 'yo? 585 00:38:23,301 --> 00:38:24,218 May nagawa ba Siya… 586 00:38:25,469 --> 00:38:27,221 Naramdaman mo ba talaga ang presensiya Niya? 587 00:38:28,514 --> 00:38:32,476 May nakita ka na bang himala? 588 00:38:35,271 --> 00:38:37,481 Makinig ka sa payo ng isang matanda. 589 00:38:39,483 --> 00:38:42,737 Buhay mo 'to. At mabilis itong lumipas. 590 00:38:43,529 --> 00:38:46,991 Kung hindi mo ito masisiyahan, sinasayang mo lang. 591 00:38:48,909 --> 00:38:49,910 Naiintindihan mo? 592 00:38:50,536 --> 00:38:54,749 Gawin mo kung ano ang sa tingin mong tama. 'Yon lang ang sinasabi ko. 593 00:39:52,264 --> 00:39:54,016 Okay. 594 00:39:54,725 --> 00:39:58,603 Wow. Napakaganda ng tunog dito sa loob. 595 00:39:58,604 --> 00:40:01,565 Parang mas maraming kumakanta kaysa sa totoong bilang. 596 00:40:02,066 --> 00:40:04,192 At ang gaganda ng boses ninyo. 597 00:40:04,193 --> 00:40:07,278 Tigilan n'yo na ang ingay na 'yan. Tatawag ako ng pulis. 598 00:40:07,279 --> 00:40:10,365 Rinig na rinig ko kayo sa apartment ko. 599 00:40:10,366 --> 00:40:12,410 - Ms. Johnson… - Narinig mo ako. 600 00:40:17,123 --> 00:40:18,958 Umalis ka sa pintuan ko! 601 00:40:25,089 --> 00:40:27,799 - Umalis ka sabi sa pintuan ko. - Makinig po kayo. 602 00:40:27,800 --> 00:40:30,052 Nabalitaan ko ang biglaang pagkawala ng asawa mo. 603 00:40:30,678 --> 00:40:33,513 Taos-puso po akong nakikiramay. 604 00:40:33,514 --> 00:40:36,684 Ayon kay Deacon Daniel, napakabuti raw niyang tao. 605 00:40:37,810 --> 00:40:42,815 Sa tingin mo ba gugustuhin niyang maging masungit kayo sa lahat at malungkot? 606 00:40:43,941 --> 00:40:47,485 Makinig po kayo. Mahal ka ng Diyos. 607 00:40:47,486 --> 00:40:49,737 At malugod kayong tinatanggap na bumalik sa simbahan. 608 00:40:49,738 --> 00:40:52,907 Kaya ipagdarasal ko po kayo. 609 00:40:52,908 --> 00:40:57,245 Ang ipanalangin mo, ang kahabag-habag na pangangaral ng asawa mo. 610 00:40:57,246 --> 00:40:59,622 At ang anak mong di nagsasalita. 611 00:40:59,623 --> 00:41:01,833 Huwag mo akong subukan, demonyo ka. 612 00:41:01,834 --> 00:41:03,710 Itinatakwil kita sa pangalan ni Hesus. 613 00:41:03,711 --> 00:41:06,589 Huwag mong pagsasalitaan ng kahit ano ang anak ko. 614 00:41:11,135 --> 00:41:13,137 Sinabi ko nang lumayo ka sa pinto ko. 615 00:41:18,976 --> 00:41:20,060 Bye! 616 00:41:20,978 --> 00:41:23,980 Mapapanood pa ba natin mamaya ang paborito kong mang-aawit? 617 00:41:23,981 --> 00:41:25,816 Ano ba, alam mong tatakas tayo. 618 00:41:34,909 --> 00:41:36,285 Deacon, ano'ng ginagawa mo rito? 619 00:41:36,869 --> 00:41:39,747 Uy. Tinitiyak ko lang na may hangin ang mga gulong mo. 620 00:41:40,748 --> 00:41:42,707 Salamat. Kailangan ko nang umalis. 621 00:41:42,708 --> 00:41:46,961 May sasabihin lang ako, Pastor. Alam kong marami kang pinagdaraanan, 622 00:41:46,962 --> 00:41:49,173 pero may dalawang bagay kang dapat bantayan. 623 00:41:49,673 --> 00:41:53,302 Kung sino ang pinapakinggan mo, at sino ang laman ng puso mo. 624 00:41:54,762 --> 00:41:58,349 Ingatan mo ang puso mo, lalo na kapag malakas ang tukso. 625 00:42:01,185 --> 00:42:04,396 Parang sasabihin 'yan ng tatay ko. Narinig ko na 'yan. 626 00:42:04,897 --> 00:42:06,941 'Yon lang. Wala na akong ibang sasabihin pa. 627 00:42:07,733 --> 00:42:08,859 Salamat, deacon. 628 00:42:30,965 --> 00:42:32,550 Mukhang malungkot ka. 629 00:42:33,717 --> 00:42:35,928 Pasensiya na sa nangyayari sa simbahan. 630 00:42:37,221 --> 00:42:38,638 Pero isipin mo 'to. 631 00:42:38,639 --> 00:42:40,849 Masama ba talaga kung mawawala ang simbahan? 632 00:42:41,850 --> 00:42:45,729 Isaac, hindi mo naman gustong maging katulad ng tatay o kuya mo. 633 00:42:46,522 --> 00:42:50,191 Oo, pero hindi mo naiintindihan kung gaano kabuti sa 'kin ang tatay ko. 634 00:42:50,192 --> 00:42:52,361 Sa kabila ng mga kalokohang ginawa ko. 635 00:42:53,487 --> 00:42:57,199 At ang asawa ko, mabuti siyang… 636 00:42:58,450 --> 00:43:02,788 - Kailangan ko nang umalis. - Sandali, kailangan mo ba talagang umalis? 637 00:43:03,414 --> 00:43:04,665 O gusto mo lang umalis? 638 00:43:06,917 --> 00:43:08,961 Nadurog ang puso ko noon iniwan mo ako. 639 00:43:10,546 --> 00:43:13,173 Alam kong marami tayong pinagdaanan, 640 00:43:14,258 --> 00:43:16,176 pero di ko inakalang tuluyan kang mawawala. 641 00:43:18,345 --> 00:43:20,764 Akala ko, malalampasan natin ang lahat, pero… 642 00:43:24,560 --> 00:43:27,312 - Kailangan ko nang umalis. - Teka! Pakantahin mo lang ako. 643 00:43:27,313 --> 00:43:28,689 Kakanta lang ako ng isang kanta. 644 00:43:30,024 --> 00:43:34,528 'Yong kanta natin. Tapos, saka ka umalis. 645 00:43:41,952 --> 00:43:44,079 Puwede tayong maupo rito at makinig lang. 646 00:46:09,892 --> 00:46:13,186 Ang ganda no'n, pero kailangan ko nang umuwi at balikan ang asawa ko. 647 00:46:13,187 --> 00:46:14,062 Tatay ko 'yon. 648 00:46:15,773 --> 00:46:18,484 Teka. Bakit hawak niya ang kamay niya? 649 00:46:20,194 --> 00:46:22,863 Halika na, Jacob. Tara na. 650 00:46:42,466 --> 00:46:44,967 Deacon, di mo na kailangang hintayin pa 'ko. 651 00:46:44,968 --> 00:46:47,053 May asawa ako para diyan. 652 00:46:47,054 --> 00:46:50,097 Natutulog na ang asawa mo. At hindi naman kita hinihintay. 653 00:46:50,098 --> 00:46:53,393 Tinitiyak ko lang na walang paparada sa puwesto mo. 654 00:46:54,228 --> 00:46:57,063 - Kunin ko ba ang coat mo? - Hindi na, ayos lang. 655 00:46:57,064 --> 00:46:58,940 Hindi, akin na 'yang coat mo. 656 00:46:58,941 --> 00:47:00,233 Deacon, malamig. 657 00:47:00,234 --> 00:47:02,444 Amoy pabango kasi. 658 00:47:03,445 --> 00:47:05,489 Ayaw mong maamoy 'yan ng asawa mo. 659 00:47:05,989 --> 00:47:07,741 Tingin mo, niloloko ko ang asawa ko? 660 00:47:09,034 --> 00:47:10,618 Hinding-hindi ko gagawin 'yon. 661 00:47:10,619 --> 00:47:12,286 Mahal ko siya, alam mo 'yan. 662 00:47:12,287 --> 00:47:13,539 Alam kong di mo gagawin. 663 00:47:14,122 --> 00:47:18,335 Pero marami kang pinapasan ngayon. At kapag napre-pressure ka, 664 00:47:18,836 --> 00:47:21,255 hindi mo dapat bigyan ng puwang ang demonyo. 665 00:47:22,422 --> 00:47:24,925 Deacon, kaya ko ang sarili ko. 666 00:47:26,927 --> 00:47:28,220 Alalahanin mo ang sarili mo. 667 00:47:29,429 --> 00:47:32,557 - Sinusubukan lang kitang tulungan. - Salamat, Deacon. 668 00:47:32,558 --> 00:47:36,353 Dahil mas matalas ang pang-amoy ng asawa mo kaysa sa inaakala mo. 669 00:47:36,854 --> 00:47:38,397 Naiintindihan ko, Deacon. 670 00:47:41,650 --> 00:47:43,484 PERA KAPALIT NG GINTO SANGLAAN 671 00:47:43,485 --> 00:47:45,070 LIVED'S SANGLAAN AT IBA PA 672 00:47:45,737 --> 00:47:46,780 Ito ba siya? 673 00:47:53,745 --> 00:47:56,081 Oo, siya nga. 674 00:47:56,665 --> 00:47:58,000 Dati silang magkasintahan. 675 00:47:59,877 --> 00:48:01,169 Makinig ka, iho. 676 00:48:03,255 --> 00:48:08,885 Kung gusto mong palihim na lumabas para makita ang girlfriend mo, 677 00:48:08,886 --> 00:48:09,803 gawin mo. 678 00:48:11,221 --> 00:48:13,515 Kinse anyos ka na. Halos 20 na 'yon. 679 00:48:14,558 --> 00:48:17,436 Hindi mo sila kailangang sundin. Tingnan mo nga ang ginawa niya. 680 00:48:18,020 --> 00:48:21,355 Ang mga pastor na 'yan, kapag naligtas na raw sila, 681 00:48:21,356 --> 00:48:23,692 ayaw nilang malaman ng anak nila ang mga ginawa nila. 682 00:48:24,651 --> 00:48:26,028 Lintik. 683 00:48:26,862 --> 00:48:28,572 Alam mo ang gagawin ko kung ako ikaw? 684 00:48:30,324 --> 00:48:33,118 Sasabihin ko sa nanay mo at guguluhin ko ang lahat. 685 00:48:34,912 --> 00:48:36,872 Pero hintayin mo ang tamang pagkakataon. 686 00:48:40,208 --> 00:48:41,168 Magandang umaga. 687 00:48:42,377 --> 00:48:45,088 Sinabi ko kay Monty na dadaan ako sa ensayo nila. 688 00:48:46,131 --> 00:48:48,216 - Isaac. - Bakit? 689 00:48:49,551 --> 00:48:52,095 Bakit ko nararamdaman si Juanita? 690 00:48:55,515 --> 00:48:57,935 Nakalimutan mong taglay ko ang Espiritu Santo? 691 00:49:00,103 --> 00:49:02,229 Nakilala ko siya sa mga lumang litrato. 692 00:49:02,230 --> 00:49:05,067 Pumasok pa siya rito sa simbahan na parang demonyo. 693 00:49:07,903 --> 00:49:10,238 Magkasama kayo kagabi, tama ba? 694 00:49:14,284 --> 00:49:16,954 Ituturing kong oo ang pananahimik mo. 695 00:49:19,414 --> 00:49:21,415 Pinanood ko siyang kumanta. 696 00:49:21,416 --> 00:49:24,461 Pero 'yon lang 'yon at hindi ako makikipagtalo sa 'yo tungkol dito, okay? 697 00:49:25,212 --> 00:49:28,255 Bumabalik ka na sa dating ikaw bago pa kita nakilala. 698 00:49:28,256 --> 00:49:30,633 Ang lalaking ikinuwento sa 'kin ng nanay mo. 699 00:49:30,634 --> 00:49:34,388 Nakikita ko na siya, pero hindi ikaw ang lalaking pinakasalan ko. 700 00:49:35,097 --> 00:49:37,724 Hindi ikaw ang lalaking nangakong mamahalin ako. 701 00:49:38,934 --> 00:49:40,018 Hindi na ikaw 'yon. 702 00:49:41,520 --> 00:49:46,983 Pero lalabanan ko at itataboy ang bawat demonyong nagtatangkang sirain ka. 703 00:49:46,984 --> 00:49:50,027 Naririnig mo ba ako, Isaac? Alam mo ba kung bakit, mahal? 704 00:49:50,028 --> 00:49:53,031 Dahil mahal kita. 705 00:49:56,660 --> 00:49:58,245 At ayokong mawala ka. 706 00:49:59,037 --> 00:50:01,247 Dahil pamilya kita. 707 00:50:01,248 --> 00:50:03,375 Naiintindihan mo ba? 708 00:50:07,045 --> 00:50:10,089 Amang Diyos, sa pangalan ni Hesus, 709 00:50:10,090 --> 00:50:13,843 iginagapos ko ang demonyong nagtatangkang saktan ang asawa ko. 710 00:50:13,844 --> 00:50:16,762 Di mo makukuha ang asawa ko! Di mo makukuha ang pamilya ko! 711 00:50:16,763 --> 00:50:19,850 Itinataboy kita ngayon sa pangalan ni Hesus. 712 00:50:20,559 --> 00:50:23,228 Diyos ko! 713 00:50:55,218 --> 00:50:56,803 Alam mo 'to. Sige na. 714 00:52:07,457 --> 00:52:08,291 Ayan. 715 00:53:34,002 --> 00:53:36,962 Teka, Glo. Teka. Naririnig n'yo ba 'yon? 716 00:53:36,963 --> 00:53:39,215 - Oo. - Naririnig ko. 717 00:53:39,216 --> 00:53:41,675 Sawang-sawa na ako sa demonyong 'yan. 718 00:53:41,676 --> 00:53:44,679 Kunin n'yo ang mga coat at sumbrero n'yo. Lalabas tayo. Tara. 719 00:53:45,263 --> 00:53:46,431 Bilisan n'yo. 720 00:53:46,932 --> 00:53:48,934 Oo, ngayon na ang araw. 721 00:53:56,483 --> 00:53:57,359 Sige, kantahan n'yo sila! 722 00:54:00,487 --> 00:54:01,363 Sige. 723 00:54:03,657 --> 00:54:05,283 Panginoon ko! 724 00:54:21,091 --> 00:54:22,008 Sige, daanin natin sa daing! 725 00:54:26,596 --> 00:54:27,514 Ayan. 726 00:54:49,619 --> 00:54:52,914 Mahal, oras na para bumalik sa simbahan. 727 00:55:05,760 --> 00:55:06,886 Sige lang! 728 00:55:17,772 --> 00:55:19,690 'Yon ang sinasabi ko. 729 00:55:19,691 --> 00:55:21,901 Napakaganda no'n. Ang galing n'yo! 730 00:55:23,028 --> 00:55:25,155 What's going on? What's the matter? 731 00:55:27,032 --> 00:55:28,450 Ms. Johnson. 732 00:55:30,243 --> 00:55:32,996 Dati, lagi akong nandito sa tuwing bukas ang simbahan. 733 00:55:34,080 --> 00:55:37,667 Nang mamatay ang asawa ko at maiwan akong mag-isa, 734 00:55:38,209 --> 00:55:40,170 napuno ako ng galit. 735 00:55:41,963 --> 00:55:46,968 Napakaraming panahon ang lumipas at nahiya na akong manalangin. 736 00:55:47,927 --> 00:55:49,220 Alam kong galit ka. 737 00:55:50,555 --> 00:55:53,558 Pero kailangan mong ipaubaya ito sa Diyos, Ms. Johnson. 738 00:55:54,726 --> 00:55:57,269 Sa kabila ba ng lahat ng pinagdaanan mo, 739 00:55:57,270 --> 00:55:59,689 hindi pa rin naging mabuti sa 'yo ang Diyos? 740 00:56:01,316 --> 00:56:04,736 Walang pakialam ang Diyos kung paano ka babalik. 741 00:56:05,987 --> 00:56:07,822 Ang mahalaga, bumalik ka. 742 00:56:11,785 --> 00:56:13,203 Sige, Monty. 743 00:56:18,083 --> 00:56:19,417 Alam ko ang kantang 'yan. 744 00:56:21,294 --> 00:56:24,004 - Gusto mo bang kantahin? - Oo. 745 00:56:24,005 --> 00:56:24,923 Sige. 746 00:56:27,050 --> 00:56:27,884 Halika. 747 00:56:30,136 --> 00:56:32,013 Sige, Monty. Simulan mo ulit sa umpisa. 748 00:58:34,511 --> 00:58:35,386 - Ayan! - Sige! 749 00:59:20,098 --> 00:59:21,099 - Tama. - Tama. 750 00:59:23,351 --> 00:59:24,894 - Oo! - Oo! 751 00:59:39,701 --> 00:59:40,743 Maligayang pagbabalik. 752 00:59:56,718 --> 01:00:00,972 Nagkataon lang na… nagtatapon ako ng basura. Ayos ka lang? 753 01:00:01,806 --> 01:00:02,807 Oo. 754 01:00:04,225 --> 01:00:07,019 - Sino 'yong kumakanta? - Si Mrs. Johnson. 755 01:00:07,020 --> 01:00:09,606 Bumalik na siya sa simbahan. 756 01:00:10,982 --> 01:00:13,776 - Ang ganda ng boses niya. - Noon pa naman. 757 01:00:14,777 --> 01:00:16,571 Di nawala ang biyaya niya kahit nasaktan siya. 758 01:00:17,071 --> 01:00:19,032 Malaanghel ang boses niya. 759 01:00:21,367 --> 01:00:22,910 Naniniwala ka ba sa mga anghel? 760 01:00:24,662 --> 01:00:25,622 Oo. 761 01:00:29,417 --> 01:00:31,502 Naalala ko, sabi ng tatay ko… 762 01:00:32,503 --> 01:00:37,884 "Mag-ingat ka sa pakikitungo sa mga estranghero, baka anghel ang kausap mo." 763 01:00:38,843 --> 01:00:42,930 Sabi rin niya, kapag nagdasal ako, ipapadala ang mga anghel. 764 01:00:45,975 --> 01:00:47,727 Deacon, gusto ko lang… 765 01:00:48,603 --> 01:00:50,563 humingi ng paumanhin sa paraan ng pakikipag-usap ko sa 'yo. 766 01:00:51,939 --> 01:00:53,316 Ang dami lang talagang… 767 01:00:53,900 --> 01:00:55,360 Ang dami lang nangyayari. 768 01:00:56,277 --> 01:00:59,989 Alam mo 'yon? Pakiramdam ko, paikot-ikot lang ako, at… 769 01:01:00,907 --> 01:01:02,200 Paano ako napunta dito? 770 01:01:05,912 --> 01:01:08,122 Ano ba ang problema mo sa pagdarasal? 771 01:01:14,170 --> 01:01:15,004 Di ko kayang magdasal. 772 01:01:16,673 --> 01:01:19,926 Masyado maraming dasal ang di nasagot Ayokong umasa tapos mabigo ulit. 773 01:01:21,386 --> 01:01:24,013 May gusto akong sabihin, Isaac, na di mo pa nauunawaan. 774 01:01:25,098 --> 01:01:27,684 Pagpapalain ng Diyos ang isang henerasyon 775 01:01:28,351 --> 01:01:32,647 dahil sa mga panalanging inialay ng kanilang mga ninunong nauna sa kanila. 776 01:01:33,898 --> 01:01:37,360 Napapalibutan ka ng mga panalangin. 777 01:01:39,404 --> 01:01:42,990 Kaya may mga taong nakagagawa ng mga bagay na hindi mo magagawa. 778 01:01:43,616 --> 01:01:46,243 Di mo nga kayang gumawa ng mali nang di ka nakokonsensiya. 779 01:01:46,244 --> 01:01:48,579 Kaya ganiyan katindi ang panlalaban mo. 780 01:01:50,248 --> 01:01:53,418 Pero ipinapangako ko sa 'yo, 781 01:01:54,252 --> 01:01:55,920 kung susubukan mo lang na lubusang sumuko sa Kaniya, 782 01:01:57,004 --> 01:01:58,380 makikita mong magbabago ka, 783 01:01:58,381 --> 01:02:03,302 at susunod na rin sa ayos ang lahat sa paligid mo. 784 01:02:04,804 --> 01:02:06,556 Basahin mo ang Salita ng Diyos. 785 01:02:07,181 --> 01:02:10,518 Basahin mo ang mga tala sa gilid na iniwan ng mga ninuno mo. 786 01:02:12,979 --> 01:02:15,189 At kahit pakiramdam mo hindi ka marunong magdasal, 787 01:02:16,691 --> 01:02:19,026 tatlong salita lang ang kailangan mo para manalangin. 788 01:02:19,527 --> 01:02:22,739 "Tulungan N'yo ako." 789 01:02:24,907 --> 01:02:26,033 Sabihin mo. 790 01:02:31,080 --> 01:02:34,292 Tulungan N'yo ako. 791 01:02:36,794 --> 01:02:38,962 Ang mga salitang 'yan ang bubukas sa puso mo, 792 01:02:38,963 --> 01:02:42,550 para mas marami pang biyaya ang dumaloy sa buhay mo. 793 01:02:44,343 --> 01:02:45,303 'Yon lang. 794 01:02:46,596 --> 01:02:50,349 Umakyat ka na sa taas. Ako na ang magbubukas ng pinto para sa pamilya mo. 795 01:02:51,768 --> 01:02:54,020 - Ano? - Oo. 796 01:02:54,812 --> 01:02:56,105 Nandito ang pamilya mo. 797 01:02:58,941 --> 01:03:01,651 - Tinawagan mo ang mama ko? - Oo, Isaac. 798 01:03:01,652 --> 01:03:03,487 Ano pang puwede kong gawin? 799 01:03:03,488 --> 01:03:05,405 Kailangan ko ng mga tutulong sa panalangin. 800 01:03:05,406 --> 01:03:06,865 Kumusta, Deacon? 801 01:03:06,866 --> 01:03:11,620 - Mama, masaya akong makita ka. - Hi, mahal. 802 01:03:11,621 --> 01:03:13,580 Masaya akong makita ka. 803 01:03:13,581 --> 01:03:15,582 - Oo naman. - Nawala kami, Tita. 804 01:03:15,583 --> 01:03:17,501 - Ipinagdasal kita. - Kumusta? 805 01:03:17,502 --> 01:03:21,087 - Hi, Mama. - Anak, masaya akong makita ka ulit. 806 01:03:21,088 --> 01:03:22,839 Mama, bakit kayo nandito? 807 01:03:22,840 --> 01:03:26,468 Wala rin naman kaming masyadong ginagawa mula nang pumanaw ang tatay mo. 808 01:03:26,469 --> 01:03:29,679 Tapos sinabi ni Rebecca 'yong sa gospel concert. 809 01:03:29,680 --> 01:03:32,349 Magandang idea 'yon. 810 01:03:32,350 --> 01:03:33,725 Nandito kami para tumulong. 811 01:03:33,726 --> 01:03:36,937 Dapat sinabi rin niya sa inyo na wala na tayong magagawa. 812 01:03:36,938 --> 01:03:38,772 Mareremata na ang simbahang 'to. 813 01:03:38,773 --> 01:03:41,191 Mawawala na sa 'tin. Sinabi ba niya 'yon? 814 01:03:41,192 --> 01:03:43,944 At saka, Ma, masikip din dito para sa inyong lahat. 815 01:03:43,945 --> 01:03:46,488 Anak, marunong kaming maglatag ng higaan sa sahig. 816 01:03:46,489 --> 01:03:49,449 Kumusta ka, kapatid? Kumusta ang lahat? 817 01:03:49,450 --> 01:03:51,035 Hindi maganda. 818 01:03:51,744 --> 01:03:54,830 - Nagdarasal ka ba, anak? - Hindi. 819 01:03:54,831 --> 01:03:57,917 Mabuti pa rin ang magdasal, anak. 820 01:03:58,584 --> 01:04:01,754 Halika, kapatid. Tingnan natin ang simbahan. 821 01:04:02,463 --> 01:04:03,422 Sige. 822 01:04:14,392 --> 01:04:16,393 Mukhang galit siya na nandito kami. 823 01:04:16,394 --> 01:04:17,853 Wala akong pakialam. 824 01:04:17,854 --> 01:04:20,147 Halika. Mag-eenjoy tayo rito. 825 01:04:20,857 --> 01:04:24,485 Ano na, kapatid, kumusta ka talaga? 826 01:04:25,027 --> 01:04:26,653 Peter, wala ka namang pakialam. 827 01:04:26,654 --> 01:04:29,614 Masaya kayo ng asawa mo, habang gumuho naman ang lahat para sa 'kin. 828 01:04:29,615 --> 01:04:31,741 - Bakit mo nasabi 'yan? - Hindi ko nakalimutan. 829 01:04:31,742 --> 01:04:35,328 Noong nagalit ka kasi ipinaghanda ako ni Papa ng salu-salo pag-uwi ko. 830 01:04:35,329 --> 01:04:39,666 Sabi mo, "Bakit mo siya ipinagdiriwang, samantalang ako ang laging nasa tabi mo?" 831 01:04:39,667 --> 01:04:41,001 Hindi ko 'yon nakalimutan. 832 01:04:41,002 --> 01:04:42,211 Oo, nagalit ako. 833 01:04:42,920 --> 01:04:46,173 Ako ang nanatili at gumawa ng tama. 834 01:04:46,799 --> 01:04:48,341 Kahit ayokong manatili. 835 01:04:48,342 --> 01:04:50,886 Kaya oo, nainggit ako. 836 01:04:50,887 --> 01:04:53,138 Habang namumuhay ka nang malaya at masaya, 837 01:04:53,139 --> 01:04:55,141 nandoon ako, nakakulong sa responsibilidad at nangangaral. 838 01:04:56,142 --> 01:05:00,980 Pero habang mas isinusuko ko ang sarili ko sa tungkuling ibinigay sa 'kin, 839 01:05:02,023 --> 01:05:03,608 mas gumagaan ang lahat. 840 01:05:04,400 --> 01:05:06,109 Mahal kita, kapatid. 841 01:05:06,110 --> 01:05:08,195 At gusto kong magtagumpay ka. 842 01:05:08,779 --> 01:05:10,740 At minahal tayo ni Papa. 843 01:05:13,826 --> 01:05:16,411 E, bakit niya ako pinapunta rito para mabigo? 844 01:05:16,412 --> 01:05:17,413 Hindi, kapatid. 845 01:05:18,623 --> 01:05:21,500 Pinapunta ka niya rito para magkaroon ng pananampalataya. 846 01:05:23,586 --> 01:05:25,046 Mahirap manampalataya 847 01:05:26,005 --> 01:05:29,842 kapag nauuwi sa kabiguan ang lahat ng ginagawa mo. 848 01:05:30,801 --> 01:05:34,096 Naranasan mo na bang umabot sa puntong di mo na alam ang gagawin? 849 01:05:35,306 --> 01:05:36,182 Oo. 850 01:07:15,114 --> 01:07:18,867 Kailangan mong tumingala, kapatid. Tumingala ka. 851 01:07:18,868 --> 01:07:20,410 Parang gusto kong magdasal. 852 01:07:20,411 --> 01:07:22,454 - Oo. Aleluya. - O, oo. Aleluya. 853 01:07:22,455 --> 01:07:25,874 - Ito ang kailangan natin. - Oo. Akin na ang langis ko. 854 01:07:25,875 --> 01:07:27,126 Tama 'yan. 855 01:09:27,955 --> 01:09:30,874 Kumusta ang pangangaral mo ngayong araw, Isaac? 856 01:09:30,875 --> 01:09:33,543 Ayos naman. Marami pa akong kailangang matutunan. 857 01:09:33,544 --> 01:09:35,712 Nasa tamang landas ka na. 858 01:09:35,713 --> 01:09:38,756 Oo. Pero kulang pa rin ang mga pumupunta para mabayaran ang mga gastusin. 859 01:09:38,757 --> 01:09:40,342 At nauubusan na tayo ng oras. 860 01:09:40,926 --> 01:09:43,469 Parang ayaw nang magsimba ng mga tao. 861 01:09:43,470 --> 01:09:46,891 Anak, maraming simbahan ang apektado. 862 01:09:48,392 --> 01:09:52,021 Sinisisi ng mga tao ang Diyos sa mga ginawa sa kanila ng kapuwa nila. 863 01:09:53,022 --> 01:09:57,025 Pero may nararamdaman akong pagkabuhay na paparating. 864 01:09:57,026 --> 01:09:58,694 - Oo. Oo naman. - Tama. 865 01:10:00,029 --> 01:10:02,322 Hindi puwedeng manatiling ganito ang lahat habang-buhay. 866 01:10:02,323 --> 01:10:04,491 Tama ba, munting Esau? 867 01:10:05,284 --> 01:10:06,660 Hindi pa rin siya nagsasalita? 868 01:10:09,580 --> 01:10:11,539 Ano? May sinabi ba akong mali? 869 01:10:11,540 --> 01:10:13,166 Makinig ka sa 'kin. 870 01:10:13,167 --> 01:10:17,045 Naniniwala akong may taglay na kapangyarihan ang mga batang tulad niya. 871 01:10:17,046 --> 01:10:20,131 Nauunawaan nila ang mga bagay na hindi natin kailanman mauunawaan. 872 01:10:20,132 --> 01:10:24,303 Hindi dahil naiiba siya, ibig sabihin, hindi na siya perpekto. 873 01:10:25,846 --> 01:10:29,474 Naririnig mo ba ako, anak? Perpekto ka. 874 01:10:29,475 --> 01:10:31,644 Lagi ko namang sinasabi sa kaniya 'yan, Mama. 875 01:10:33,479 --> 01:10:34,730 Jacob. 876 01:10:36,565 --> 01:10:40,152 Alam kong napabayaan ko kayo, ang mama mo at si Esau. 877 01:10:41,528 --> 01:10:43,821 Pero simula ngayon, magbabago na ang lahat. 878 01:10:43,822 --> 01:10:46,532 Alam kong mahirap para sa 'yo ang paglipat natin dito, anak. 879 01:10:46,533 --> 01:10:50,704 Pero nangangako akong mas bibigyan ko kayo ng panahon. 880 01:10:52,122 --> 01:10:55,209 Patawad. Mula sa 'kin, para sa 'yo. 881 01:10:56,585 --> 01:10:57,920 Isaac. 882 01:10:58,796 --> 01:10:59,964 Ipinagmamalaki kita. 883 01:11:00,547 --> 01:11:04,885 Siguro ipinagmamalaki mo rin 'yong babaeng kasama niya sa club, ano? 884 01:11:05,803 --> 01:11:06,971 Magkahawak pa ng kamay. 885 01:11:08,013 --> 01:11:10,266 Oo. Nakita ko kayo. 886 01:11:10,849 --> 01:11:14,478 'Yong babaeng kumanta sa club? Sinabi mo ba 'yon kay Ma? 887 01:11:21,610 --> 01:11:22,653 Ipinagmamalaki mo nga. 888 01:11:25,239 --> 01:11:27,700 Ang mag-anak. 889 01:11:28,367 --> 01:11:29,451 Hi, ano… 890 01:11:30,369 --> 01:11:31,787 Paumanhin, Pastor. 891 01:11:32,830 --> 01:11:35,332 May naghahanap sa 'yo. Juanita ang pangalan niya. 892 01:11:53,559 --> 01:11:54,601 Tama. 893 01:12:00,941 --> 01:12:02,942 - Uy. - Uy. 894 01:12:02,943 --> 01:12:05,987 - Ano'ng sadya mo? - Sorry, pero di na 'to makakahintay. 895 01:12:05,988 --> 01:12:09,324 Di ko alam kung paano mo 'to tatanggapin pero pumayag si Lived, ang promoter, 896 01:12:09,325 --> 01:12:13,619 na mag-organisa ng reunion tour, at gusto niyang ikaw ang headliner. 897 01:12:13,620 --> 01:12:16,372 At sa mismong bayan ang unang concert, dalawang linggo mula ngayon. 898 01:12:16,373 --> 01:12:19,168 Sabi niya, hindi niya ito itutuloy kung hindi ka sasali. 899 01:12:19,752 --> 01:12:20,668 Ano? 900 01:12:20,669 --> 01:12:25,381 Kailangan ko ito para makaalis sa bangko at makabalik sa trabahong mahal ko. 901 01:12:25,382 --> 01:12:27,508 At ikaw, makakaalis ka na rin dito. 902 01:12:27,509 --> 01:12:28,719 Hello. 903 01:12:29,470 --> 01:12:31,929 Ako si Rebecca. Asawa niya ako. 904 01:12:31,930 --> 01:12:33,599 Oo. Nakita kita sa service. 905 01:12:34,683 --> 01:12:35,893 Nakikita rin kita. 906 01:12:39,063 --> 01:12:41,648 Ano ang tungkol sa tour na 'to? 907 01:12:42,524 --> 01:12:46,403 Pag-usapan n'yo muna. Malaki ang kikitain dito. 908 01:12:47,154 --> 01:12:51,075 Apatnapu't apat na show, at babayaran ka niya ng tatlong milyon. 909 01:12:52,034 --> 01:12:55,662 - Sandali, halos— - Pitumpung libo kada gabi. 910 01:12:56,288 --> 01:13:00,792 - Puwede akong humingi ng paunang bayad— - Puwede nating tanungin siya. 911 01:13:00,793 --> 01:13:03,461 Grabe. Sige. 912 01:13:03,462 --> 01:13:07,173 Kailangan ko nang bumalik sa Club Vexxed. May open mic ngayong gabi. 913 01:13:07,174 --> 01:13:11,928 Pag-usapan n'yo muna. Basta… 914 01:13:11,929 --> 01:13:12,846 Salamat. 915 01:13:17,935 --> 01:13:20,561 Ano? Para 'to sa simbahan. 916 01:13:20,562 --> 01:13:23,565 Oo. Para saan pa nga ba, di ba? 917 01:13:26,026 --> 01:13:28,862 Oo. Wow. 918 01:13:33,450 --> 01:13:36,953 Tatlong milyon ang bayad sa tour na inaalok nila. 919 01:13:36,954 --> 01:13:40,581 Puwede akong humingi ng paunang bayad sa promoter para maisalba ang simbahan. 920 01:13:40,582 --> 01:13:42,167 Naku po. 921 01:13:43,085 --> 01:13:44,377 Ano? 922 01:13:44,378 --> 01:13:47,256 Kailangan mong mag-ingat sa demonyo. 923 01:13:48,632 --> 01:13:54,012 Kapag pinagtitibay mo ang sarili mo, mag-ingat ka sa mga patagong sumisingit. 924 01:13:54,763 --> 01:13:57,808 Dahan-dahan silang pumapasok nang hindi mo namamalayan. 925 01:13:58,392 --> 01:14:01,811 At unti-unti silang sumisingit sa pamilya at mga kaibigan mo. 926 01:14:01,812 --> 01:14:04,148 Kadalasan, sila pa ang pinakamalapit sa 'yo. 927 01:14:04,731 --> 01:14:05,566 Mama. 928 01:14:06,150 --> 01:14:07,817 Galing ito sa Diyos. 929 01:14:07,818 --> 01:14:09,820 Sa tingin ko, hindi, anak. 930 01:14:10,404 --> 01:14:15,242 Ang biyaya ng Panginoon ay nagdudulot ng kayamanang walang kasamang dalamhati. 931 01:14:16,034 --> 01:14:21,748 At ito? Mukhang magdadala 'to ng dalamhati sa buong pamilya mo. 932 01:14:28,380 --> 01:14:29,922 Aba. Uy, First Lady. 933 01:14:29,923 --> 01:14:31,841 Ano'ng ginagawa mo rito? 934 01:14:31,842 --> 01:14:35,219 Open mic night ngayong gabi, di ba? 935 01:14:35,220 --> 01:14:37,764 Oo. Ah, gusto mong kumanta? 936 01:14:38,348 --> 01:14:41,559 Alam mo namang hindi ito mga taong nagsisimba, di ba? 937 01:14:41,560 --> 01:14:45,647 - Oo. - Sige. Uupo ako. Ayokong palampasin 'to. 938 01:14:46,607 --> 01:14:47,816 - Kumusta? - Tugtugin mo na. 939 01:14:48,400 --> 01:14:50,026 - B-flat? - Oo, salamat. 940 01:14:50,027 --> 01:14:50,861 Ako na'ng bahala. 941 01:18:14,481 --> 01:18:15,940 Hoy, akala ko umalis ka na. 942 01:18:15,941 --> 01:18:19,985 Hindi, pare. Hindi. Nakasakay ako sa bike, tapos nahulog ako. 943 01:18:19,986 --> 01:18:22,571 - Bumukas 'yong kahon at droga ang laman. - Ano? 944 01:18:22,572 --> 01:18:25,491 Droga 'to, pare. Huwag mong hawakan. Huwag mong galawin. 945 01:18:25,492 --> 01:18:29,620 Kailangan kong sabihin sa mama ko. Pakiusap, ilegal 'to. Lumayo ka. 946 01:18:29,621 --> 01:18:31,122 - Alam mo ba? - Hindi, hindi ko alam. 947 01:18:31,123 --> 01:18:32,498 Nasa likod siya. 948 01:18:32,499 --> 01:18:33,416 - Nandito siya? - Oo. 949 01:18:33,417 --> 01:18:35,751 Pare, hindi ko kaya. Kailangan ko nang umalis. 950 01:18:35,752 --> 01:18:37,337 Ano? Quamie! Quamie. 951 01:18:38,004 --> 01:18:39,589 Quamie! 952 01:18:48,181 --> 01:18:51,851 Pinapabalik-balik ko ang anak niya sa kung saan-saan, 953 01:18:51,852 --> 01:18:53,436 at kung anu-anong gulo ang ginawa niya. 954 01:18:53,437 --> 01:18:55,563 Makukuha mo ang lalaking 'yon. Maniwala ka sa akin. 955 01:18:55,564 --> 01:18:58,607 At makukuha ko ang simbahan. Nasa palad ko na siya. 956 01:18:58,608 --> 01:19:02,069 Sinusubukan ko nang kunin ang simbahang 'yon panahon pa ng lolo niya sa tuhod. 957 01:19:02,070 --> 01:19:04,072 At ngayon, akin na 'yon. Akin na. 958 01:19:04,656 --> 01:19:07,659 - Pumirma na ba siya sa kontrata? - Nandito na. 959 01:19:11,079 --> 01:19:15,583 Ngayong gabi ang una kong show. Malaking bagay sa akin kung pupunta kayo. 960 01:19:15,584 --> 01:19:18,503 Hindi ako makakapunta. May ensayo ang choir. 961 01:19:20,213 --> 01:19:23,842 Anak. Sa tingin ko, di mo dapat gawin 'to. 962 01:19:25,177 --> 01:19:27,720 Malinaw naman sa 'kin 'yon, Ma. 963 01:19:27,721 --> 01:19:32,266 Pero itutuloy ko pa rin 'to. Okay? Kailangan kong isalba ang simbahan. 964 01:19:32,267 --> 01:19:36,353 Malinaw? Makinig kayo. Pasensiya na kung nasasaktan kayo, 965 01:19:36,354 --> 01:19:38,482 - pero maganda ang pakiramdam ko rito. - Talaga ba? 966 01:19:39,399 --> 01:19:42,360 - Maganda ba? - At kailangan natin 'yong pera. 967 01:19:42,944 --> 01:19:45,447 Hindi lahat ng pera ay mabuting pera, anak. 968 01:19:55,165 --> 01:19:55,999 Sige, Mama. 969 01:19:57,250 --> 01:19:58,251 Sige. 970 01:20:11,139 --> 01:20:11,973 Pastor? 971 01:20:13,475 --> 01:20:16,102 Kanina ka pa nakatayo rito. Ayos ka lang ba? 972 01:20:17,312 --> 01:20:19,564 Oo, ano lang… 973 01:20:21,650 --> 01:20:22,692 Ano? 974 01:20:24,611 --> 01:20:27,530 Walang natutuwa na gagawin ko ang mga show na 'to, di ba? 975 01:20:27,531 --> 01:20:29,449 Sinusubukan ko lang gawin ang tama. 976 01:20:29,950 --> 01:20:32,827 Isinuko ko ang sarili ko, gaya ng sabi mo. 977 01:20:32,828 --> 01:20:34,954 At pakiramdam ko, sinagot ng Diyos ang mga panalangin ko. 978 01:20:34,955 --> 01:20:39,251 Ngayon, kaya ko nang matubos ang simbahan, pero… 979 01:20:39,876 --> 01:20:41,294 Kung gano'n, ano ang problema? 980 01:20:44,047 --> 01:20:45,841 Parang may mali. 981 01:20:47,968 --> 01:20:51,428 Baka panahon nang dagdagan ang mga salita sa panalangin mo, 982 01:20:51,429 --> 01:20:53,557 hindi lang "Tulungan N'yo ako." 983 01:20:56,434 --> 01:20:58,436 Oo. Mga salitang gaya ng… 984 01:21:00,605 --> 01:21:02,691 "Diyos ko, ipakita Mo sa akin ang tamang landas. 985 01:21:04,526 --> 01:21:07,404 "At buksan Mo ang mga mata ko sa mga panlilinlang ng kaaway." 986 01:21:09,948 --> 01:21:12,659 Ayan, iho. Ganiyan nga. 987 01:21:15,745 --> 01:21:16,997 Kailangan ko nang umalis. 988 01:21:18,039 --> 01:21:20,917 - Magkita tayo mamaya. - Oo, magkikita tayo. 989 01:21:39,769 --> 01:21:41,146 Ipakita Mo sa kaniya, Diyos ko. 990 01:21:41,730 --> 01:21:42,814 Ipakita Mo sa kaniya. 991 01:21:45,483 --> 01:21:47,109 LAGING MAY MGA ANGHEL SA PALIGID NATIN, 992 01:21:47,110 --> 01:21:49,446 AT KAYANG ISUGO NG MGA PASTOR SA PAMILYANG ITO ANG MGA NASABING ANGHEL. 993 01:21:58,038 --> 01:21:59,414 Oras na, iho. 994 01:22:00,665 --> 01:22:01,499 Ayos ka lang? 995 01:22:04,002 --> 01:22:05,921 Oo. 996 01:22:07,589 --> 01:22:08,757 - Gawin na natin 'to. - Oo. 997 01:22:09,341 --> 01:22:12,677 - Itabi mo 'yang kalokohang 'yan. - Bibliya ko lang 'to. 998 01:22:16,306 --> 01:22:19,351 AKO ANG DEMONYO 999 01:22:21,019 --> 01:22:21,853 Bakit? 1000 01:22:22,979 --> 01:22:26,024 Huwag mong sabihing kinakabahan ka. 1001 01:22:27,776 --> 01:22:29,361 Nakikita na kita ngayon. 1002 01:22:30,362 --> 01:22:31,988 Ano'ng sinasabi mo? 1003 01:22:32,697 --> 01:22:34,616 Ikaw ang demonyo. 1004 01:22:36,242 --> 01:22:38,912 Inuuto mo na ako simula pa noong una. 1005 01:22:39,788 --> 01:22:43,291 - Palihim mong ginagawa ang lahat para— - Ako nga ang demonyo, iho. 1006 01:22:44,042 --> 01:22:45,752 Umakyat ka na sa entablado. 1007 01:22:46,378 --> 01:22:47,462 Ngayon na. 1008 01:22:52,550 --> 01:22:57,138 Hindi. Hindi ko 'yan gagawin. Hindi ko… Hindi. 1009 01:22:59,766 --> 01:23:02,018 Natutuwa akong sinabi mo 'yan. 1010 01:23:02,727 --> 01:23:03,686 Oo. 1011 01:23:03,687 --> 01:23:06,522 Matagal nang salot sa buhay ko ang simbahang 'yan, 1012 01:23:06,523 --> 01:23:08,691 mula nang itayo 'yan sa lugar na 'to. 1013 01:23:08,692 --> 01:23:10,485 Gusto ko 'yon. At mapapasa 'kin 'yon. 1014 01:23:11,277 --> 01:23:15,323 Isa-isa, makukuha ko kayong lahat. 1015 01:23:15,907 --> 01:23:17,741 Kaya sige, huwag mong gawin. 1016 01:23:17,742 --> 01:23:20,620 May kontrata akong nagsasabing kapag hindi ka nagtanghal, 1017 01:23:21,287 --> 01:23:22,872 kailangan mong isauli ang paunang bayad. 1018 01:23:23,415 --> 01:23:28,169 At sa wakas, mapapasaakin na ang bulok na gusaling 'yan. 1019 01:23:29,713 --> 01:23:32,172 Matagal ko nang gustong makuha ang simbahang 'yan, 1020 01:23:32,173 --> 01:23:35,010 mula pa nang itayo 'yan ng lolo mo sa tuhod. 1021 01:23:35,510 --> 01:23:39,597 Gustong-gusto ko 'yang makuha at alam ko, alam kong sa angkan niya, 1022 01:23:40,265 --> 01:23:44,227 may isang sakim at mahinang anak… 1023 01:23:44,728 --> 01:23:46,062 isang suwail na anak… 1024 01:23:46,813 --> 01:23:49,566 na magiging dahilan para mawala ito sa pamilya. 1025 01:23:50,900 --> 01:23:54,112 At ito na nga. Akin na ito ngayon. 1026 01:23:54,654 --> 01:23:55,864 Akin na ang lahat. 1027 01:23:56,740 --> 01:24:00,535 Kapag lumabas ka sa pintong 'yan, makukuha ko ang simbahan. 1028 01:24:01,202 --> 01:24:04,664 Kapag umakyat ka sa entablado, makukuha naman kita. 1029 01:24:05,749 --> 01:24:08,460 Alinman ang piliin mo, ako ang panalo. 1030 01:24:09,711 --> 01:24:11,588 Showtime! 1031 01:24:25,643 --> 01:24:27,978 Ma, masamang tao si Mr. Lived. 1032 01:24:27,979 --> 01:24:31,106 Pinaghahatid niya ng droga ang anak ko nang walang kaalam-alam ang bata. 1033 01:24:31,107 --> 01:24:34,109 Tinawagan ko na ang pulis. Papunta na sila. 1034 01:24:34,110 --> 01:24:36,695 Mananatili ako rito at sasabihin ko sa kanila ang lahat. 1035 01:24:36,696 --> 01:24:38,322 Sandali, teka. 1036 01:24:38,323 --> 01:24:41,700 Hindi ako nagbenta ng droga, Ma, pangako. Pero niloloko nila si Papa. 1037 01:24:41,701 --> 01:24:43,744 Sabi ni Mr. Lived, kukunin niya ang simbahan. 1038 01:24:43,745 --> 01:24:47,123 - At kasama rin niya ang babaeng 'yon. - Jacob. Ikuwento mo sa amin ang lahat. 1039 01:24:54,214 --> 01:24:57,884 Papa, ano'ng sasabihin mo? 1040 01:25:38,508 --> 01:25:40,134 Tumatawag si Isaac. 1041 01:25:40,135 --> 01:25:41,677 - Sige. - Hello? 1042 01:25:41,678 --> 01:25:44,389 - I-speaker mo, pakiusap. - Hello? Naririnig ko siya. Sandali. 1043 01:25:45,140 --> 01:25:47,475 Isaac, mahal. Isaac? 1044 01:25:56,776 --> 01:25:59,612 - Isaac? - Bakit hindi siya nagsasalita? 1045 01:26:07,036 --> 01:26:10,748 Kung ayos lang sa 'yo, gusto ko munang magdasal. 1046 01:26:11,833 --> 01:26:14,836 Sige. Sige, gawin mo. 1047 01:26:21,092 --> 01:26:24,929 Amang Diyos. Banal na Hari. 1048 01:26:25,555 --> 01:26:29,893 Tumatawag ako sa pangalan at dugo ni Hesus upang itaboy si Satanas 1049 01:26:30,560 --> 01:26:33,813 at pigilan ang masasama niyang kampon at demonyo. 1050 01:26:34,397 --> 01:26:37,275 Ang kapangyarihan Mo ang hinihingi ko ngayon. 1051 01:26:38,026 --> 01:26:42,030 Sinabi Mo na kung ang bayan Mong tumatawag sa pangalan Mo, 1052 01:26:42,614 --> 01:26:45,700 ay magpapakumbaba at mananalangin, 1053 01:26:46,284 --> 01:26:48,785 pakikinggan Mo sila mula sa langit. 1054 01:26:48,786 --> 01:26:51,538 Kailangan Kang marinig ng mundo ngayon, Diyos ko. 1055 01:26:51,539 --> 01:26:54,876 Tinatawag ko ang kapangyarihan ng Kataas-taasang Diyos. 1056 01:26:55,710 --> 01:27:01,174 Umatras ka at lumayo sa akin, Satanas! 1057 01:27:02,217 --> 01:27:06,053 Panahon na para lumaban. Wala kang kapangyarihan! 1058 01:27:06,054 --> 01:27:08,263 Nasa Kaniya ang kapangyarihan! 1059 01:27:08,264 --> 01:27:12,267 Sa pangalan ni Hesus, sa kapangyarihan ng Espiritu Santo. 1060 01:27:12,268 --> 01:27:14,478 Itinataboy kita, demonyo! 1061 01:27:14,479 --> 01:27:16,397 Wala kang kapangyarihan dito, demonyo! 1062 01:27:16,981 --> 01:27:20,317 Ang Panginoon ang may kontrol. Anak Niya ako. 1063 01:27:20,318 --> 01:27:24,154 Pinoprotektahan Niya ako. Nasa ilalim ako ng Kaniyang pagkalinga. 1064 01:27:24,155 --> 01:27:26,698 At hindi ka mananalo. 1065 01:27:26,699 --> 01:27:30,869 Iniuutos kong ipadala ang mga anghel ngayon na, sa pangalan ni Hesus! 1066 01:27:30,870 --> 01:27:32,621 - Humanda na kayo! - Oo! 1067 01:27:32,622 --> 01:27:35,124 O Panginoon! Aleluya! 1068 01:28:38,396 --> 01:28:39,522 Ang tagal din, ano? 1069 01:28:43,151 --> 01:28:45,236 Maupo muna kayo. Maupo kayo. 1070 01:28:48,072 --> 01:28:48,906 Makinig kayo. 1071 01:28:50,033 --> 01:28:52,075 Sinabi nilang kailangan kong magtanghal ngayong gabi 1072 01:28:52,076 --> 01:28:55,580 o mawawala sa 'kin ang isang bagay na napakahalaga sa pamilya ko. 1073 01:28:56,748 --> 01:29:00,001 Kapag hindi ako nagtanghal, mawawala sa akin ang simbahan ko. 1074 01:29:00,626 --> 01:29:01,878 Pero nakatanggap ako ng paunang bayad, 1075 01:29:02,462 --> 01:29:05,088 at natubos ko na ang simbahan. 1076 01:29:05,089 --> 01:29:09,301 Hindi rin malinaw sa kontrata 1077 01:29:09,302 --> 01:29:11,220 kung ano talaga ang dapat kong itanghal. 1078 01:29:12,805 --> 01:29:15,807 Kaya naiintindihan ko. Alam kong gusto n'yong marinig ang mga dati kong hit. 1079 01:29:15,808 --> 01:29:19,020 Alam kong gusto n'yong— Alam ko. Naiintindihan ko. 1080 01:29:20,688 --> 01:29:24,984 Pero kailangan kong sabihin sa inyo na isa na akong pastor ngayon. 1081 01:29:26,569 --> 01:29:29,947 At naniniwala ako sa kapangyarihan ng Espiritu Santo. 1082 01:29:30,740 --> 01:29:36,913 May laman ang puso ko na dudurog sa mga plano ng impiyerno 1083 01:29:38,206 --> 01:29:42,627 na pigilan tayong gawin ang alam nating dapat gawin. 1084 01:29:44,754 --> 01:29:46,506 Alam nating kailangan nating magdasal. 1085 01:29:47,048 --> 01:29:49,759 Tinuruan tayo ng mga lolo't lola at mga magulang natin. 1086 01:30:39,350 --> 01:30:40,184 Wala. 1087 01:31:28,483 --> 01:31:29,609 Espesyal ang bahaging ito. 1088 01:31:32,778 --> 01:31:33,946 Kung nararamdaman n'yo, sabayan n'yo ako. 1089 01:32:01,224 --> 01:32:05,519 Naparito ba kayo para pahirapan ako bago sumapit ang takdang oras? 1090 01:32:05,520 --> 01:32:07,855 Alam mong hindi kami ang makapagpapasiya niyan. 1091 01:32:08,940 --> 01:32:11,817 E di, puwede na akong umalis. 1092 01:32:12,527 --> 01:32:14,946 Humahanap ng kaniyang malalapa. 1093 01:32:17,949 --> 01:32:19,116 Tandaan mo. 1094 01:32:20,284 --> 01:32:23,079 Malapit nang maubos ang oras mo. 1095 01:32:24,705 --> 01:32:25,831 Alam ko. 1096 01:33:12,795 --> 01:33:13,629 Mahal. 1097 01:33:51,834 --> 01:33:54,587 Nawala sa 'kin ang kakayahang magdasal. 1098 01:33:55,087 --> 01:33:58,256 Naniniwala akong kayang gawin ng Diyos ang lahat. 1099 01:33:58,257 --> 01:34:01,051 Pero hindi ako naniniwalang kaya Niya itong gawin para sa akin. 1100 01:34:01,052 --> 01:34:02,093 Oo! 1101 01:34:02,094 --> 01:34:04,472 Alam mo, Deacon, may naalala akong talata sa Bibliya. 1102 01:34:05,264 --> 01:34:08,184 Marcos 9:24, na nagsasabing, 1103 01:34:09,018 --> 01:34:13,480 "Panginoon, nananampalataya ako, tulungan mo ang kakulangan ko ng pananampalataya." 1104 01:34:13,481 --> 01:34:16,608 Dahil may kapangyarihang magbago ang panalangin. 1105 01:34:16,609 --> 01:34:19,527 Nakatayo ako sa harap ninyo ngayon Para ipaalam 1106 01:34:19,528 --> 01:34:21,821 Na lubos akong naniniwala 1107 01:34:21,822 --> 01:34:22,739 Oo! 1108 01:34:22,740 --> 01:34:24,366 Sa kapangyarihan ng panalangin 1109 01:34:24,367 --> 01:34:26,326 - Tama 'yan! - Hindi tayo susuko. 1110 01:34:26,327 --> 01:34:28,412 - Tama. - Amen, amen. 1111 01:34:29,246 --> 01:34:31,790 - Huwag kayong tumigil sa pagdarasal. - Oo! 1112 01:34:31,791 --> 01:34:34,043 - Huwag kayong tumigil sa pananampalataya. - Oo! 1113 01:34:34,543 --> 01:34:36,462 Huwag na huwag kayong mawawalan ng pag-asa. 1114 01:34:37,088 --> 01:34:39,464 Sige, choir. Alam kong may maibibigay kayo sa akin. 1115 01:34:39,465 --> 01:34:41,509 Ibigay n'yo ang buong husay n'yo. Tama 'yan. 1116 01:35:40,985 --> 01:35:42,403 - Kumanta ka! - Sige, Lilly! 1117 01:36:20,316 --> 01:36:22,275 {\an8}SA MAPAGMAHAL NA PAG-ALALA NI NICOLAS KELLER JOHNSON 1118 01:36:22,276 --> 01:36:23,736 {\an8}Kumanta ka, First Lady! 1119 01:37:37,685 --> 01:37:40,229 Parinig nga ng simbahan. Sabihin n'yo. Gusto kong sabihin n'yo. 1120 01:42:48,120 --> 01:42:53,125 Nagsalin ng Subtitle: Ann Sandoval