1 00:00:02,000 --> 00:00:07,000 Downloaded from YTS.BZ 2 00:00:08,000 --> 00:00:13,000 Official YIFY movies site: YTS.BZ 3 00:00:21,396 --> 00:00:23,690 Sa buong buhay ko, 4 00:00:24,274 --> 00:00:27,610 marami na akong napuntahang kakaibang lugar. 5 00:00:31,531 --> 00:00:34,701 Marami na akong nakilalang nakakamanghang nilalang. 6 00:00:37,495 --> 00:00:42,834 Pero may ilan talaga na malalim ang naging koneksiyon ko. 7 00:00:52,469 --> 00:00:55,055 May lakas at sigla sila 8 00:00:57,098 --> 00:00:59,476 na higit pa sa atin. 9 00:01:02,187 --> 00:01:03,521 Pero pag tinitingnan ko sila, 10 00:01:04,022 --> 00:01:08,068 hindi ang sukat at kapangyarihan nila ang nagpapamangha sa akin. 11 00:01:09,360 --> 00:01:13,948 'Yon ay ang katalinuhan at kamalayan na nakikita ko sa mga mata nila 12 00:01:14,657 --> 00:01:17,035 kapag lumilingon sila sa akin. 13 00:01:23,958 --> 00:01:30,381 Magkahalong mangha at takot ang nararamdaman ko sa kanila. 14 00:01:36,137 --> 00:01:38,389 Pero hindi takot sa kanila. 15 00:01:41,101 --> 00:01:46,106 'Yong takot ko, natin, na baka may di tayo napansin. 16 00:01:47,107 --> 00:01:49,192 Isang importanteng bagay. 17 00:01:50,735 --> 00:01:54,447 Mas malalim na pang-unawa sa kung ano at sino sila… 18 00:01:57,325 --> 00:02:00,328 at kung ano ang ibig sabihin noon sa atin. 19 00:02:05,667 --> 00:02:10,213 ISINALAYSAY NI DAVID ATTENBOROUGH 20 00:02:18,513 --> 00:02:22,559 Naalala ko ang unang beses kong nakilala ang mga gorilyang bundok. 21 00:02:27,772 --> 00:02:31,401 "Lunes, ika-9 ng Enero, 1978. 22 00:02:33,987 --> 00:02:37,574 Ang perfect cones ng mga bulkang Virunga sa harapan. 23 00:02:43,788 --> 00:02:47,625 Sinimulan namin ang isa't kalahating oras na paglalakad sa bundok. 24 00:02:49,586 --> 00:02:55,508 Unti-unting naging mataas na rainforest ang simpleng palumpong. 25 00:03:01,723 --> 00:03:05,310 Mahahabang sanga ng puno na puno ng kumpol ng epiphytes. 26 00:03:07,812 --> 00:03:10,106 Mga berdeng fern na pahaba ang dahon, 27 00:03:10,190 --> 00:03:13,735 at Spanish moss na nakasabit kung saan-saan. 28 00:03:22,118 --> 00:03:25,997 Nakakita kami ng grupo ng mga babae at batang gorilya sa bukas na gubat. 29 00:03:27,874 --> 00:03:31,044 Laking gulat ko na hinayaan nila akong lumapit. 30 00:03:40,803 --> 00:03:43,181 Hindi ito magiging posible 31 00:03:43,264 --> 00:03:46,935 kung hindi sa naunang gawa ni Dian Fossey. 32 00:03:49,354 --> 00:03:51,898 Nakipamuhay siya sa mga gorilya, 33 00:03:54,108 --> 00:03:58,071 pinag-aralan ang mga detalye ng buhay nila. 34 00:04:01,074 --> 00:04:04,911 Dahil ginawa namin ang bilin ni Dian, 35 00:04:04,994 --> 00:04:07,664 tinanggap nila kami sa parehong paraan. 36 00:04:09,457 --> 00:04:12,794 Kinailangan kong huminto at makipagpalitan ng malalim na ungol. 37 00:04:12,877 --> 00:04:16,005 'Yong ingay na nagsasabing, 'Nandito ako.'" 38 00:04:21,552 --> 00:04:25,014 'Yong paningin, pandinig, at pang-amoy nila, 39 00:04:26,099 --> 00:04:27,517 katulad ng sa atin, 40 00:04:27,600 --> 00:04:31,729 kaya kapareho natin sila ng pagtingin sa mundo. 41 00:04:33,773 --> 00:04:37,610 At kung may posibilidad ng pagtakas sa kalagayan ng tao 42 00:04:37,694 --> 00:04:42,907 at maranasan ang mundo ng ibang nilalang, 43 00:04:43,616 --> 00:04:45,201 dapat sa mga gorilya 'yon. 44 00:04:51,124 --> 00:04:52,792 Ang hindi ko sinabi roon, 45 00:04:53,459 --> 00:05:00,174 hindi 'yon dapat video ng direktang pakikipagkita sa mga gorilya. 46 00:05:01,301 --> 00:05:05,847 Trabaho ng sequence na ipakita ang kahalagahan ng hinlalaki at hintuturo… 47 00:05:05,930 --> 00:05:07,724 'yong magkasalungat na daliri. 48 00:05:10,226 --> 00:05:12,979 Di namin inakala na makakadikit kami sa kanila. 49 00:05:13,062 --> 00:05:15,440 Uupo lang kami roon at pag-uusapan sila. 50 00:05:17,650 --> 00:05:21,070 Lumingon ako. Nakahiga sila sa lupa. Tumingin ako sa camera. 51 00:05:21,154 --> 00:05:23,865 Nakaramdam ako ng bigat sa paa ko. 52 00:05:24,449 --> 00:05:26,826 Tiningnan ko. Nando'n si munting Pablo. 53 00:05:34,042 --> 00:05:37,170 Di ko maipaliwanag ang ebolusyon ng hinlalaki at hintuturo. 54 00:05:37,253 --> 00:05:39,422 Umupo lang ako at hinayaan 'yon. 55 00:05:58,274 --> 00:06:00,526 Tingnan mo ang maliit na nilalang na 'yon. 56 00:06:00,610 --> 00:06:03,279 Talagang nakakatuwa. Gusto mo siyang yakapin. 57 00:06:04,530 --> 00:06:08,201 Puro saya lang talaga. 58 00:06:13,081 --> 00:06:15,958 Iisipin ng marami na 'yon ang pinakaimportanteng sequence 59 00:06:16,042 --> 00:06:17,168 sa series na 'yon. 60 00:06:18,044 --> 00:06:22,507 Kung hindi man, sa buong buhay ko sa TV. 61 00:06:24,300 --> 00:06:29,263 Sa lahat ng hayop na nakasalamuha ko, 62 00:06:29,347 --> 00:06:33,017 sa gorilya lang ako nakaramdam ng totoong koneksiyon 63 00:06:34,727 --> 00:06:36,312 kumpara sa ibang hayop. 64 00:06:39,107 --> 00:06:43,694 Di ko alam noon na magiging kahanga-hanga ang buhay ni Pablo… 65 00:06:46,280 --> 00:06:48,825 o ang marka na iiwan niya. 66 00:06:52,161 --> 00:06:55,832 May pagkakataon na ako ngayon para sabihin ang kuwento ni Pablo 67 00:06:55,915 --> 00:06:57,875 at ng mga inapo niya 68 00:06:57,959 --> 00:07:02,088 na nakatira pa rin sa mga dalusdos sa Virungas. 69 00:07:13,683 --> 00:07:15,852 Makalipas ang halos 50 taon, 70 00:07:15,935 --> 00:07:20,314 humaharap ang pamilya ng gorilyang ito, na kilala bilang Pablo group, 71 00:07:20,398 --> 00:07:23,025 sa panibagong direksiyon sa kanilang kuwento. 72 00:07:36,289 --> 00:07:41,502 Ang dominanteng silverback at pinuno ng grupo ay si Gicurasi. 73 00:07:55,892 --> 00:08:00,104 Isa siya sa pinakamatanda at bihasang gorilya 74 00:08:00,188 --> 00:08:01,647 sa bundok. 75 00:08:07,528 --> 00:08:12,992 Naging matatag ang Pablo group sa pamumuno niya. 76 00:08:19,290 --> 00:08:24,712 Bahagi ng katatagang 'yon ang pinakaimportante niyang kakampi. 77 00:08:29,091 --> 00:08:32,011 Si Teta ang dominanteng babae. 78 00:08:41,103 --> 00:08:45,650 Nirerespeto at sinusunod siya ng grupo. 79 00:08:54,367 --> 00:08:56,619 Kakaiba ang samahan 80 00:08:57,537 --> 00:09:00,122 nina Teta at Gicurasi. 81 00:09:09,590 --> 00:09:12,051 Sa tabi ni Teta, 82 00:09:12,134 --> 00:09:16,639 napanatili ni Gicurasi ang kapangyarihan sa loob ng limang taon. 83 00:09:37,827 --> 00:09:41,956 Sila ang puso ng pamilyang ito ng gorilya. 84 00:09:55,761 --> 00:10:00,766 Di na gano'n kalakas si Gicurasi gaya ng dati. 85 00:10:03,811 --> 00:10:06,939 At may iba pang naghihintay pumalit. 86 00:10:11,527 --> 00:10:12,653 Si Ubwuzu… 87 00:10:15,656 --> 00:10:18,117 posibleng papalit na silverback. 88 00:10:20,828 --> 00:10:21,996 Napakalaki, 89 00:10:23,372 --> 00:10:24,540 napakalakas, 90 00:10:26,542 --> 00:10:29,086 na may sariling ambisyon. 91 00:10:33,716 --> 00:10:36,636 Nawawalan na ng lakas si Gicurasi… 92 00:10:40,765 --> 00:10:44,935 at gusto ni Ubwuzu na pumalit bilang lider. 93 00:11:09,043 --> 00:11:14,423 Pero sa ngayon, nakatutok ang grupo sa anak ni Teta. 94 00:11:18,511 --> 00:11:20,304 Kagaya natin, 95 00:11:20,388 --> 00:11:23,891 aliw na aliw tayo sa kapapanganak na sanggol. 96 00:11:34,235 --> 00:11:36,987 Pero ilang buwan pa lang siya, 97 00:11:37,655 --> 00:11:40,783 kaya dapat ilayo siya ni Teta sa kapahamakan, 98 00:11:42,159 --> 00:11:45,079 lalo na kapag nagkakagulo. 99 00:12:00,970 --> 00:12:04,682 Mahilig maglaro ang mga gorilya, bata man o matanda. 100 00:12:13,441 --> 00:12:18,320 Importanteng parte ito sa pagbuo at pagpapatatag ng mga samahan. 101 00:12:39,049 --> 00:12:43,304 Pero hindi interesado si Ubwuzu sa paglalaro. 102 00:12:52,021 --> 00:12:55,900 Sa ngayon, nakatutok siya kay Gicurasi. 103 00:12:59,445 --> 00:13:05,367 Mas malakas siya ngayon kesa sa matanda, at sinusubukan niya siyang takutin. 104 00:13:18,672 --> 00:13:23,052 Pero hindi lang lakas ang kailangan para mamuno sa grupo ng gorilya… 105 00:13:26,597 --> 00:13:30,601 gaya ng nakita ko ilang taon na ang nakalipas sa Rwanda. 106 00:13:37,775 --> 00:13:41,821 "Si Beethoven ang dominanteng silverback, siguro 30 taong gulang. 107 00:13:50,955 --> 00:13:52,998 Maangas ang lakad niya." 108 00:13:54,542 --> 00:13:57,002 Papasok siya. At malaking hayop 'yon. 109 00:13:57,086 --> 00:13:59,505 Ibig kong sabihin, malaki kumpara sa 'yo. 110 00:13:59,588 --> 00:14:03,259 Isang kumpas lang ng kamao niya, baka mabutas ang ulo mo. 111 00:14:06,262 --> 00:14:09,473 Pero may ibang katangian si Beethoven, 112 00:14:10,891 --> 00:14:12,476 at nakita ko 'yon 113 00:14:12,560 --> 00:14:15,396 sa relasyon niya kay munting Pablo. 114 00:14:18,774 --> 00:14:22,528 Di nagtagal matapos ko siyang makilala, nawala ang nanay niya. 115 00:14:23,112 --> 00:14:26,532 At naiwan siyang mag-isa. 116 00:14:32,121 --> 00:14:36,000 Kung walang proteksiyon ng ina, mahihirapang mabuhay 117 00:14:36,083 --> 00:14:38,168 ang gorilyang kasing edad ni Pablo. 118 00:14:39,378 --> 00:14:42,256 Pero may nangyaring kakaiba. 119 00:14:42,339 --> 00:14:47,469 Kinupkop siya ni Beethoven, ang higanteng silverback. 120 00:14:53,934 --> 00:14:57,855 Ginawa niya lahat para alagaan siya gaya ng gagawin ng kanyang ina. 121 00:15:03,777 --> 00:15:06,697 At laging nasa tabi niya si Pablo. 122 00:15:16,540 --> 00:15:17,625 Nanood siya. 123 00:15:22,338 --> 00:15:23,589 At natuto siya. 124 00:15:30,512 --> 00:15:32,723 Nang tumayong ama si Beethoven, 125 00:15:34,600 --> 00:15:36,602 maayos na lumaki si Pablo. 126 00:15:38,854 --> 00:15:43,567 Relasyon 'yon na babago sa buhay ni Pablo habambuhay. 127 00:15:53,744 --> 00:15:55,913 Gaya ng mga gorilya na nakilala ko, 128 00:15:58,207 --> 00:16:03,087 maraming iba't ibang personalidad sa Pablo group ngayon. 129 00:16:08,300 --> 00:16:12,513 At may isang nagpapaalala sa akin kay Pablo mismo. 130 00:16:19,311 --> 00:16:21,355 Hindi lang sila magkamukha, 131 00:16:22,815 --> 00:16:26,360 pareho rin silang matapang at mausisa. 132 00:16:30,948 --> 00:16:36,120 Pero may espesyal siyang interes sa isang gorilya. 133 00:16:39,164 --> 00:16:40,207 Si Imfura. 134 00:16:58,892 --> 00:17:01,895 Nasa mahirap na edad si Imfura. 135 00:17:03,272 --> 00:17:05,357 Malapit na siyang tumanda, 136 00:17:05,983 --> 00:17:09,653 at nagsisimula nang lumabas ang silver sa likod niya. 137 00:17:12,156 --> 00:17:14,491 Pero bata pa ang isip niya. 138 00:17:30,883 --> 00:17:33,427 Mahilig makisalamuha ang mga gorilya 139 00:17:33,510 --> 00:17:37,723 at nasa isang grupo ng iba't ibang relasyon 140 00:17:38,265 --> 00:17:40,642 na tumutulong humubog kung sino sila 141 00:17:41,143 --> 00:17:43,437 at kung magiging sino sila. 142 00:17:48,734 --> 00:17:53,739 Malinaw na masigla at maalaga si Imfura. 143 00:17:56,116 --> 00:17:59,453 Pero bago para sa kanya ang laki at lakas niya. 144 00:18:02,498 --> 00:18:05,209 At nakikita 'yon ng iba. 145 00:18:52,589 --> 00:18:57,052 Malubhang nasugatan si Imfura ni Ubwuzu. 146 00:19:00,139 --> 00:19:01,557 Parang brutal, 147 00:19:01,640 --> 00:19:05,435 pero may pagkamabagsik ang bawat silverback. 148 00:19:08,981 --> 00:19:14,570 At natural lang kay Ubwuzu na talunin ang kalaban niya. 149 00:19:18,782 --> 00:19:21,243 Pero bata pa si Imfura. 150 00:19:23,495 --> 00:19:26,123 At di niya alam kung paano ipagtanggol ang sarili niya. 151 00:19:54,234 --> 00:19:56,987 Nagigising na ang Pablo group. 152 00:20:07,831 --> 00:20:09,917 Sa 12,000 talampakan, 153 00:20:10,626 --> 00:20:13,837 ito ang pinakatuktok ng kaharian nila sa bundok. 154 00:20:46,703 --> 00:20:49,248 Kumikilos si Ubwuzu. 155 00:20:55,045 --> 00:20:58,465 Maraming silverbacks ang namuno sa mga bundok na ito. 156 00:21:00,133 --> 00:21:03,679 Ngayon, handa nang sumabak si Ubwuzu. 157 00:21:24,533 --> 00:21:28,078 Pero hindi pa kumbinsido ang buong grupo, 158 00:21:29,329 --> 00:21:32,207 at tumitindi ang inis niya. 159 00:21:42,175 --> 00:21:44,303 Ang punto ay di para takutin sila. 160 00:21:49,474 --> 00:21:52,811 Pinapakita lang niya kung gaano siya dapat katakutan. 161 00:21:54,479 --> 00:21:58,108 Kung gaano siya kagaling bilang lider nila. 162 00:22:03,155 --> 00:22:05,282 Nanonood si Gicurasi. 163 00:22:07,492 --> 00:22:10,704 Pero sa kung anong dahilan, wala siyang reaksiyon. 164 00:22:20,672 --> 00:22:23,133 Kapag tumingin ka sa sinumang gorilya, 165 00:22:23,717 --> 00:22:28,597 hindi mo maiiwasang isipin kung ano ang iniisip o nararamdaman nila. 166 00:22:30,932 --> 00:22:32,392 Ano ang gusto nila, 167 00:22:33,894 --> 00:22:35,979 o kung ano ang balak nilang gawin. 168 00:22:40,984 --> 00:22:43,487 Imposibleng malaman 'yon. 169 00:22:46,490 --> 00:22:49,451 Wala tayong magawa kundi manood at mag-isip. 170 00:22:53,997 --> 00:22:55,832 Pero isa lang ang sigurado. 171 00:22:55,916 --> 00:22:57,584 Sa kabila ng laki nila, 172 00:22:57,667 --> 00:23:01,004 komplikado at sensitibong mga nilalang ang mga gorilya. 173 00:23:03,090 --> 00:23:04,549 Magkakaiba sila. 174 00:23:04,633 --> 00:23:07,052 na may iba't ibang personalidad. 175 00:23:13,433 --> 00:23:14,935 At gaya natin, 176 00:23:15,018 --> 00:23:18,271 hinubog sila ng lahat ng karanasan nila sa buhay. 177 00:23:18,355 --> 00:23:19,356 Ang mabuti 178 00:23:20,524 --> 00:23:21,775 at ang masama. 179 00:23:41,044 --> 00:23:43,463 Gumagaling na ang mga sugat ni Imfura… 180 00:23:45,090 --> 00:23:47,300 pero lumalayo siya sa grupo. 181 00:24:02,232 --> 00:24:03,650 Sa yugtong ito ng buhay, 182 00:24:03,733 --> 00:24:07,863 madalas mapag-isa ang mga lalaking gorilya. 183 00:24:14,536 --> 00:24:17,956 Pati pamilya nila, nagiging maingat na sa kanila. 184 00:24:28,133 --> 00:24:32,471 Minsan, pinipiling umalis ng grupo ng mga batang lalaki gaya ni Imfura 185 00:24:32,554 --> 00:24:34,931 para magsimula ng sarili nilang pamilya. 186 00:24:37,017 --> 00:24:41,688 At minsan, wala silang ibang magawa kundi umalis. 187 00:25:01,708 --> 00:25:04,252 May ibang mga grupo pa sa paligid. 188 00:25:05,504 --> 00:25:07,506 Hindi sila nakikita ni Imfura, 189 00:25:09,090 --> 00:25:10,592 pero naririnig niya sila. 190 00:25:16,139 --> 00:25:21,228 At ang iba ay mas malaki at mas malakas kaysa sa Pablo group. 191 00:25:36,326 --> 00:25:40,580 Sa dami ng bilang at ng silverbacks, 192 00:25:40,664 --> 00:25:43,333 mas karaniwan ang sagupaan. 193 00:25:51,508 --> 00:25:55,136 Napakadelikado para kay Imfura na mahuling mag-isa 194 00:25:55,220 --> 00:25:58,765 ng isa sa malalaking grupong ganito. 195 00:26:41,016 --> 00:26:44,644 Naghahanap ng pagkain si Ubwuzu kasama ang ilan sa pamilya. 196 00:26:52,193 --> 00:26:56,823 Sakop ng Pablo group ang halos walong kilometro kuwadrado… 197 00:26:59,409 --> 00:27:02,537 at puno ito ng maraming uri ng halaman 198 00:27:02,621 --> 00:27:04,914 na kinakain nila. 199 00:27:12,380 --> 00:27:14,966 Pero oportunista ang mga gorilya. 200 00:27:25,185 --> 00:27:28,396 At may nadiskubre si Ubwuzu na kakaiba. 201 00:27:42,869 --> 00:27:44,204 Mga langgam. 202 00:27:47,415 --> 00:27:51,378 Pero mga langgam ito na may malalakas na panga. 203 00:28:02,263 --> 00:28:03,932 At kumakagat din sila. 204 00:28:32,001 --> 00:28:34,838 Nakakaengganyo kaya dumadami ang pumupunta. 205 00:28:56,901 --> 00:28:59,946 Isa sa mga trabaho ng dominanteng silverback 206 00:29:00,029 --> 00:29:03,324 ay gabayan ang grupo sa magandang lugar na may pagkain… 207 00:29:13,418 --> 00:29:17,547 at higit sa lahat, pagsama-samahin ang grupo. 208 00:29:25,805 --> 00:29:29,476 Lumalakas ang impluwensiya ni Ubwuzu. 209 00:29:41,863 --> 00:29:45,575 Nakikipag-usap ang silverbacks sa komplikadong mga paraan… 210 00:29:47,702 --> 00:29:50,789 at malaki ang papel ng kilos ng katawan. 211 00:30:03,551 --> 00:30:08,014 Malaki ang kahulugan kung saan ka umuupo at paano ka kumikilos. 212 00:30:19,317 --> 00:30:22,862 Hinahamon ni Ubwuzu si Gicurasi 213 00:30:22,946 --> 00:30:25,657 sa paglapit mismo sa kanya. 214 00:30:27,742 --> 00:30:31,538 Bilang lider ng grupo, dapat harapin siya ni Gicurasi. 215 00:30:33,623 --> 00:30:35,166 Pero wala siyang ginagawa. 216 00:30:39,546 --> 00:30:41,923 Nakabantay si Teta. 217 00:30:49,722 --> 00:30:54,185 Mabilis uminit ang sagupaan sa pagitan ng mga silverback. 218 00:30:58,773 --> 00:31:01,276 Umaatake si Ubwuzu. 219 00:31:15,999 --> 00:31:20,044 Mahigit doble ang sukat ng silverbacks ng isang normal na lalaki. 220 00:31:25,133 --> 00:31:27,343 Matindi ang lakas nila. 221 00:31:35,435 --> 00:31:37,729 Pwedeng mauwi sa kamatayan ang laban. 222 00:32:03,129 --> 00:32:05,882 Hindi man lang nasaktan si Ubwuzu. 223 00:32:15,224 --> 00:32:17,477 Pero walang bakas ni Gicurasi. 224 00:32:40,541 --> 00:32:43,252 Nakaligtas si Gicurasi sa laban. 225 00:32:45,129 --> 00:32:47,048 Pero nabugbog siya nang matindi. 226 00:32:48,299 --> 00:32:52,011 Natalo siya ng mas batang lalaki sa harap ng buong grupo. 227 00:33:05,358 --> 00:33:07,318 Bilang dominanteng babae, 228 00:33:07,402 --> 00:33:11,280 dapat ipakita ni Teta sa grupo kung sino ang sinusuportahan niya. 229 00:33:20,748 --> 00:33:23,334 Sumama siya sa mas nakakatandang lalaki. 230 00:33:26,879 --> 00:33:28,840 At sumunod ang grupo. 231 00:33:32,927 --> 00:33:35,304 Matapos mamuno ng limang taon, 232 00:33:35,388 --> 00:33:38,307 nakuha ni Gicurasi ang katapatan nila. 233 00:33:44,897 --> 00:33:47,608 Hindi tinanggap si Ubwuzu. 234 00:33:54,574 --> 00:33:58,077 Hindi lahat ng silverback kayang mamuno. 235 00:33:59,954 --> 00:34:03,624 Nakasalalay sa karakter mo kung magtatagumpay ka o hindi. 236 00:34:10,256 --> 00:34:13,009 Nakilala ko si Pablo noong tatlong taong gulang siya. 237 00:34:13,551 --> 00:34:17,805 Pero malinaw na kakaiba ang karakter niya noon pa man. 238 00:34:19,557 --> 00:34:22,852 Dahil inampon at pinalaki siya ng malakas na silverback, 239 00:34:23,436 --> 00:34:25,480 noong 18 na siya, 240 00:34:25,563 --> 00:34:28,399 handa na siyang mamuno para sa sarili niya. 241 00:34:33,780 --> 00:34:37,992 Humiwalay siya para bumuo ng sarili niyang grupo, ang Pablo group. 242 00:34:42,830 --> 00:34:47,251 Pero di pangkaraniwang lider si Pablo. 243 00:34:47,335 --> 00:34:50,004 Noong hinamon siya ng kalabang silverback 244 00:34:50,088 --> 00:34:51,798 mula sa sarili niyang grupo, 245 00:34:51,881 --> 00:34:53,174 sa halip na lumaban, 246 00:34:53,716 --> 00:34:58,096 sinamantala ni Pablo ang pagkakataon na makipag-alyansa sa kanya. 247 00:34:59,347 --> 00:35:03,518 Pinili nilang magtulungan kaysa mag-away, 248 00:35:03,601 --> 00:35:08,022 kaya lalong lumakas ang grupo nila. 249 00:35:10,483 --> 00:35:14,403 Sa kasagsagan nila, 65 ang bilang ng Pablo group, 250 00:35:14,487 --> 00:35:17,657 ang pinakamalaking grupo ng mga gorilya sa bundok. 251 00:35:39,011 --> 00:35:44,892 Kasama nila ang batang lalaking gorilya na balang araw ay magiging pinuno. 252 00:35:47,103 --> 00:35:48,271 Si Gicurasi. 253 00:35:59,365 --> 00:36:03,578 Pero ngayon, hinahamon ang dominasyon ni Gicurasi. 254 00:36:05,496 --> 00:36:08,124 Ang tanong, lalaban ba siya, 255 00:36:08,916 --> 00:36:12,128 o makikipagtulungan kay Ubwuzu? 256 00:36:36,861 --> 00:36:39,822 Kahit nanalo siya sa laban kay Gicurasi, 257 00:36:39,906 --> 00:36:45,077 hindi pa rin kinikilala si Ubwuzu bilang lider ng buong grupo. 258 00:36:48,206 --> 00:36:49,290 O ni Teta. 259 00:36:50,708 --> 00:36:53,544 Kung walang suporta ng dominanteng babae, 260 00:36:54,420 --> 00:36:57,256 hindi tatanggapin ng grupo si Ubwuzu. 261 00:37:42,260 --> 00:37:45,346 Pero mukhang nagbabago na ang suporta ni Teta. 262 00:37:50,810 --> 00:37:55,314 Sa pag-alis sa panig ni Gicurasi at pagsama kay Ubwuzu, 263 00:37:57,566 --> 00:38:01,529 ipinapakita niya ang suporta sa mas batang lalaking unggoy. 264 00:38:20,548 --> 00:38:23,968 At tumabi na si Gicurasi. 265 00:38:57,960 --> 00:39:02,548 Si Ubwuzu na ang lider ng Pablo group. 266 00:39:03,758 --> 00:39:05,760 Pero simula pa lang ito. 267 00:39:08,262 --> 00:39:10,890 Importante ang pamumuno. 268 00:39:12,933 --> 00:39:18,522 Pero ibang usapan ang manatili sa tuktok at panatilihing ligtas ang lahat. 269 00:39:50,971 --> 00:39:53,933 May bagong dating sa grupo, 270 00:39:55,142 --> 00:39:58,938 isang imigranteng babae mula sa kabilang parte ng bundok. 271 00:40:02,525 --> 00:40:05,945 Umalis si Inyange sa grupo kung saan siya ipinanganak 272 00:40:06,028 --> 00:40:08,072 at sumali sa Pablo group 273 00:40:08,155 --> 00:40:11,158 para magsimula siya ng sarili niyang pamilya. 274 00:40:14,036 --> 00:40:18,082 Mahirap ang ginawa niya, pero sinunod niya ang kutob niya. 275 00:40:18,165 --> 00:40:20,501 At para maiwasan ang pagpaparami sa iisang lahi. 276 00:40:23,295 --> 00:40:26,424 Kailangan niyang bumuo ng relasyon niya rito, 277 00:40:26,966 --> 00:40:29,802 pero di pa siya kilala sa Pablo group 278 00:40:31,846 --> 00:40:33,806 at kailangan niyang mag-ingat. 279 00:41:19,768 --> 00:41:24,732 Inaayos pa na nina Ubwuzu at Gicurasi ang bago nilang ugnayan. 280 00:41:28,235 --> 00:41:30,779 Ngayong si Ubwuzu na ang namumuno, 281 00:41:30,863 --> 00:41:33,616 dapat matuto siyang magtimpi ng tapang, 282 00:41:34,909 --> 00:41:39,038 at dapat matuto si Gicurasi na igalang ang pamumuno niya. 283 00:41:45,419 --> 00:41:47,171 Tensiyonado pa rin, 284 00:41:48,088 --> 00:41:52,885 pero nakikita sa kilos nila na nagkakaroon na ng antas ng kooperasyon, 285 00:41:54,512 --> 00:41:57,515 kaya nakakampante na ang buong grupo. 286 00:42:44,478 --> 00:42:48,107 Sa pagitan ng paggising at pagtulog, 287 00:42:50,985 --> 00:42:54,738 lumalabas ang lalim ng samahan 288 00:42:54,822 --> 00:42:58,617 sa mga banayad na haplos at lambing. 289 00:43:03,205 --> 00:43:09,336 Ang tapat at matibay na samahan ng malapit na pamilyang gorilya. 290 00:43:18,971 --> 00:43:23,726 Sandali lang ang pahinga ng mga mas bata sa grupo. 291 00:43:33,736 --> 00:43:36,238 Gumagalaw na rin si Ubi. 292 00:43:46,290 --> 00:43:49,835 At umaalis siya sa tabi ng nanay niya para mag-ikot. 293 00:44:02,514 --> 00:44:06,685 Nagpapagaling si Imfura sa panibagong pambubugbog. 294 00:44:20,574 --> 00:44:25,329 Nawala na halos lahat ng makabuluhang ugnayan niya sa grupo. 295 00:44:28,624 --> 00:44:33,587 Mukhang si Ubi na lang ang natitirang kaibigan ni Imfura. 296 00:44:48,811 --> 00:44:51,271 Pero parang may mali. 297 00:45:15,462 --> 00:45:18,132 Nasa malapit ang nanay ni Ubi. 298 00:45:34,606 --> 00:45:37,901 Mukhang nagbibigay siya ng mensahe kay Imfura. 299 00:45:38,819 --> 00:45:41,947 "Layuan mo ang anak ko." 300 00:46:00,799 --> 00:46:04,845 Tinatalikuran ng lahat si Imfura. 301 00:46:35,417 --> 00:46:38,378 Si Inyange, ang bagong dating na babae, 302 00:46:38,462 --> 00:46:41,423 matagal na ring pinagmamasdan ang grupo. 303 00:46:42,382 --> 00:46:43,759 Lalo na si Teta. 304 00:46:46,720 --> 00:46:48,263 Bilang dominanteng babae, 305 00:46:48,347 --> 00:46:52,184 napakaimportante ang relasyong ito para kay Inyange. 306 00:47:04,613 --> 00:47:08,826 Kung papayagan ni Teta si Inyange na maging malapit sa pamilya niya, 307 00:47:08,909 --> 00:47:12,037 malaking mensahe 'yon sa buong grupo. 308 00:47:22,548 --> 00:47:25,634 At mukhang tinatanggap siya ni Teta. 309 00:47:29,972 --> 00:47:33,350 Nagtitiwala rin siya kay Inyange na hawakan ang anak niya. 310 00:47:37,813 --> 00:47:40,440 Ginagawa ito ng mga batang babae. 311 00:47:40,524 --> 00:47:43,151 Inihahanda sila nito sa pagiging ina. 312 00:47:54,246 --> 00:47:57,541 Positibong senyales ang pagdating ni Inyange 313 00:47:57,624 --> 00:48:01,545 para sa Pablo group at kay Ubwuzu. 314 00:48:05,716 --> 00:48:08,635 Gusto lagi ng mga pamilya ng gorilya na lumago. 315 00:48:10,387 --> 00:48:12,389 Mas malakas kapag marami. 316 00:48:27,571 --> 00:48:31,783 Dumating si Inyange sa magandang panahon. 317 00:48:34,328 --> 00:48:39,958 Ngayong lider na si Ubwuzu, gusto niyang magkaroon ng sariling anak. 318 00:49:06,401 --> 00:49:08,737 Sa pagdating ng mga bagong babae… 319 00:49:10,948 --> 00:49:13,450 at sana, pagsilang ng mga bagong sanggol, 320 00:49:15,452 --> 00:49:17,287 posibleng lumago ang grupo 321 00:49:17,371 --> 00:49:21,208 at maging mas malakas pa sa pamumuno ni Ubwuzu. 322 00:49:53,365 --> 00:49:58,453 Matagal nang hindi kasama si Imfura sa grupo. 323 00:50:12,300 --> 00:50:16,722 Mag-isa siyang bumababa ng bundok. 324 00:50:23,895 --> 00:50:28,191 May pader na nagsisilbing hangganan ng gubat ng mga gorilya. 325 00:50:36,658 --> 00:50:40,454 Nakarating na si Imfura sa dulo ng mundo nila. 326 00:51:07,731 --> 00:51:11,443 Tumawid na siya sa mundo ng mga tao. 327 00:51:16,656 --> 00:51:19,868 Tumira ang mga tao rito sa loob ng ilang libong taon. 328 00:51:23,413 --> 00:51:26,541 At umasa rin sila sa lupa. 329 00:52:06,331 --> 00:52:10,794 Laging mahirap ang relasyon ng mga tao at mga gorilya. 330 00:52:11,711 --> 00:52:14,381 Noong nasa Rwanda ako halos 50 taon ang nakalipas, 331 00:52:14,464 --> 00:52:19,427 halos maubos na ang populasyon ng mga gorilya dahil sa ilegal na paghuli. 332 00:52:19,511 --> 00:52:24,766 Nasa 250 na gorilya na lang ang natitira sa Kabundukan ng Virunga. 333 00:52:31,064 --> 00:52:33,817 Baka wala nang mga gorilya sa bundok 334 00:52:33,900 --> 00:52:36,403 kung hindi dahil kay Dian Fossey. 335 00:52:44,744 --> 00:52:49,791 Nang nagsimulang pumatay ang hunters ng mga gorilyang napamahal na sa kanya, 336 00:52:51,626 --> 00:52:54,629 inilaan niya ang buhay niya para protektahan sila. 337 00:52:56,339 --> 00:52:57,966 sa anumang paraan. 338 00:53:05,724 --> 00:53:07,851 Kahit pagkamatay niya, 339 00:53:07,934 --> 00:53:11,146 patuloy ang pag-aaral sa mga gorilya na nasimulan niya. 340 00:53:13,940 --> 00:53:15,233 Sa paglipas ng panahon, 341 00:53:15,317 --> 00:53:18,570 marami ang nahikayat na protektahan ang mga gorilya 342 00:53:20,197 --> 00:53:23,658 sa Rwanda at iba pang lugar. 343 00:53:26,119 --> 00:53:30,498 At patuloy na nagtagumpay ang pagsisikap nila na pangalagaan sila. 344 00:53:39,674 --> 00:53:44,012 Sa ngayon, unti-unti nang bumabalik ang pagdami ng mga gorilya sa Rwanda. 345 00:53:49,726 --> 00:53:52,646 Pero habang dumarami ang populasyon nila, 346 00:53:54,147 --> 00:53:56,024 hindi lumalago ang mga bundok. 347 00:54:07,244 --> 00:54:09,746 Ano ang ibig sabihin nito para kay Imfura? 348 00:54:13,917 --> 00:54:15,919 At saan na siya pupunta mula rito? 349 00:54:20,590 --> 00:54:23,802 Maraming gorilya ang nagsisiksikan sa isang lugar. 350 00:54:24,386 --> 00:54:30,100 Nakakaapekto 'yon sa ugali nila at sa relasyon nila sa isa't isa. 351 00:54:35,230 --> 00:54:39,359 Hindi tanggap si Imfura sa Pablo group. 352 00:54:42,279 --> 00:54:44,072 Nakarating na siya sa taas 353 00:54:45,615 --> 00:54:47,826 at baba ng bundok. 354 00:54:51,955 --> 00:54:54,457 Nauubusan na siya ng pagpipilian. 355 00:55:06,803 --> 00:55:11,099 Baka nakatadhana siyang mag-isa na silverback, 356 00:55:12,225 --> 00:55:15,895 ang pinakamahirap basahing hayop sa bundok. 357 00:55:52,349 --> 00:55:55,977 Nananatili sa tuktok si Ubwuzu. 358 00:55:58,730 --> 00:56:02,359 Matatag at lumalaki ang grupo. 359 00:56:06,321 --> 00:56:09,032 May dalawang bagong sanggol… 360 00:56:12,911 --> 00:56:15,205 anak ni Inyange ang isa. 361 00:56:17,207 --> 00:56:20,293 Ang unang anak ni Ubwuzu bilang lider. 362 00:56:25,965 --> 00:56:29,636 Nakadepende ang mga bagong silang na gorilya sa mga nanay nila. 363 00:56:31,513 --> 00:56:35,475 At nakatutok ang mga inang gorilya sa kanilang mga anak. 364 00:56:39,479 --> 00:56:43,400 Hindi sila mapaghiwalay sa mga unang buwan ng buhay nila. 365 00:56:56,371 --> 00:56:59,499 Baguhang ina si Inyange 366 00:56:59,582 --> 00:57:02,460 kaya natural lang na kabado siya. 367 00:57:11,428 --> 00:57:14,514 Binabantayan siya ni Ubwuzu, 368 00:57:15,640 --> 00:57:18,351 at mahusay niya siyang pinoprotektahan. 369 00:57:25,525 --> 00:57:28,027 Pero bilang dominanteng silverback, 370 00:57:28,111 --> 00:57:31,364 di laging nababantayan ni Ubwuzu si Inyange. 371 00:57:33,074 --> 00:57:36,578 May iba pang mga babae na gusto ang atensiyon niya. 372 00:57:46,588 --> 00:57:50,049 Imbitasyon ang pagpapakitang ito para makipag-mate. 373 00:58:06,483 --> 00:58:08,067 Tinanggap 'yon ni Ubwuzu 374 00:58:09,777 --> 00:58:13,031 at iniwan ang grupo nang walang proteksiyon. 375 00:58:52,654 --> 00:58:55,365 Habang abala si Ubwuzu, 376 00:58:55,448 --> 00:58:57,992 may nangyaring masama. 377 00:59:15,593 --> 00:59:19,180 Pinatay ang anak ni Inyange. 378 00:59:27,355 --> 00:59:32,277 Makikita sa mga sugat na isang gorilya ang may kagagawan. 379 01:00:12,442 --> 01:00:16,195 Pinaligiran siya ng ibang babae sa grupo. 380 01:00:29,208 --> 01:00:33,087 Tanging si Inyange lang ang nakakaalam ng eksaktong nangyari… 381 01:00:36,591 --> 01:00:38,426 at kung sino ang salarin. 382 01:00:43,806 --> 01:00:46,601 Kahit bagong dating siya sa grupo, 383 01:00:47,226 --> 01:00:50,897 naapektuhan ang lahat sa pagkaulila niya. 384 01:01:11,334 --> 01:01:14,128 Inilayo ni Inyange ang kanyang sarili. 385 01:01:17,882 --> 01:01:20,093 Pero hindi siya nag-iisa. 386 01:01:24,806 --> 01:01:27,517 Si Ubwuzu ang ama ng sanggol. 387 01:01:30,645 --> 01:01:34,148 Pero hindi niya naipagtanggol si Inyange at ang anak nila. 388 01:02:05,388 --> 01:02:10,351 Apat na araw na mula nang pinatay ang anak ni Inyange. 389 01:02:12,186 --> 01:02:14,731 Ang pagkawala ng sanggol sa ganitong paraan, 390 01:02:14,814 --> 01:02:18,067 pwedeng makasira ng tiwala sa lider, 391 01:02:20,194 --> 01:02:22,739 at pwedeng makawasak ng grupo. 392 01:02:30,788 --> 01:02:34,500 Pero sa ngayon, pinalibutan nila si Ubwuzu. 393 01:02:36,169 --> 01:02:39,213 At nasa tabi niya si Inyange. 394 01:02:49,932 --> 01:02:52,351 May kinatakutan siya. 395 01:02:59,442 --> 01:03:01,694 Nagbalik na si Imfura. 396 01:03:04,864 --> 01:03:08,701 Sa naging reaksiyon niya, alam na agad ni Ubwuzu ang nangyari. 397 01:03:09,410 --> 01:03:13,039 Pinatay ni Imfura ang anak ni Inyange. 398 01:03:16,501 --> 01:03:19,086 At isa na siyang banta sa lahat. 399 01:03:27,345 --> 01:03:29,013 Umatake si Ubwuzu. 400 01:03:40,566 --> 01:03:43,986 Pero ngayon, mas malakas si Imfura. 401 01:03:50,701 --> 01:03:52,495 Sumali si Gicurasi. 402 01:04:14,100 --> 01:04:15,893 Nakatakas si Imfura. 403 01:04:22,942 --> 01:04:24,735 Pero hindi pa siya nakakalayo. 404 01:04:30,491 --> 01:04:32,034 Sa nakaraang taon, 405 01:04:32,118 --> 01:04:34,745 habang hindi siya nakakasama sa grupo, 406 01:04:35,913 --> 01:04:38,332 hindi niya 'yon tuluyang iniwan. 407 01:04:44,380 --> 01:04:47,216 Pero ngayon, may hangganang nalampasan. 408 01:04:49,719 --> 01:04:53,014 Pumatay siya ng miyembro ng kanyang pamilya. 409 01:05:04,066 --> 01:05:07,778 Pinalibutan ng grupo ang kanilang lider, si Ubwuzu. 410 01:05:20,958 --> 01:05:24,337 At ngayon, pinamunuan niya sila sa isang misyon. 411 01:05:42,855 --> 01:05:46,317 Paakyat si Imfura sa bundok. 412 01:05:47,026 --> 01:05:49,028 Pero hindi siya nag-iisa. 413 01:05:51,113 --> 01:05:53,324 Malapit lang si Ubwuzu, 414 01:05:54,158 --> 01:05:57,662 kasama sina Teta at Gicurasi. 415 01:06:12,176 --> 01:06:15,721 Tuluyan na nilang tinaboy palayo si Imfura. 416 01:06:36,033 --> 01:06:41,539 Mag-isang tumatawid si Imfura papunta sa kabilang lambak. 417 01:06:58,514 --> 01:07:01,600 Baka ito talaga ang tadhana niya. 418 01:07:03,853 --> 01:07:08,441 O baka may hangganan din ang bugbog na kayang tiisin ng isang gorilya. 419 01:07:21,746 --> 01:07:26,208 Posibleng ilang taon nang naglilibot ng bundok si Imfura nang mag-isa. 420 01:07:28,711 --> 01:07:32,339 O baka makahanap siya ng sariling pamilya niya balang araw. 421 01:07:35,051 --> 01:07:36,719 Oras lang ang makakapagsabi. 422 01:08:10,127 --> 01:08:15,132 Pero may isang miyembro ng grupo na mami-miss si Imfura. 423 01:08:19,678 --> 01:08:25,392 Masyado pa sigurong bata si Ubi para maintindihan ang mga nangyari rito. 424 01:08:27,978 --> 01:08:30,731 Pero kaibigan niya si Imfura. 425 01:08:32,024 --> 01:08:35,027 At ngayon, wala na ang kaibigan niya. 426 01:08:51,252 --> 01:08:56,132 Pero gaya ni munting Pablo si Ubi, madaling makibagay. 427 01:08:57,424 --> 01:09:01,720 At mukhang interesado siyang magkaroon ng bagong kaibigang malaki. 428 01:09:08,018 --> 01:09:08,853 Si Ubwuzu. 429 01:09:22,950 --> 01:09:26,120 Matindi ang naging hamon ng taon para kay Ubwuzu, 430 01:09:26,787 --> 01:09:29,165 pero umunlad siya bilang lider. 431 01:09:33,502 --> 01:09:38,507 At ngayon, baka ang pakikipagkaibigan niya kay Ubi ang kailangan niya sa buhay niya. 432 01:10:02,907 --> 01:10:06,202 Hindi na si Gicurasi ang namumuno rito, 433 01:10:06,744 --> 01:10:12,583 pero sinusuportahan niya ang mas bata at mas malakas na silverback. 434 01:10:14,710 --> 01:10:19,215 Marami siyang alam at malaking tulong 'yon kay Ubwuzu. 435 01:10:22,051 --> 01:10:26,180 Baka ito ang pinakaimportanteng papel niya sa buhay niya. 436 01:10:36,232 --> 01:10:41,946 Malaki ang ginampanan ni Teta sa pagsuporta sa paglipat ng liderato. 437 01:10:42,988 --> 01:10:45,783 At maayos sila ng pamilya niya. 438 01:10:49,411 --> 01:10:52,581 Halos dalawang taon na ang anak niya. 439 01:10:56,126 --> 01:10:58,671 Lumalakas siya 440 01:10:59,880 --> 01:11:01,215 at ang karakter niya. 441 01:11:20,943 --> 01:11:23,320 Mahirap ang pinagdaanan ni Inyange. 442 01:11:24,321 --> 01:11:26,365 Nawalan siya ng unang anak, 443 01:11:26,448 --> 01:11:27,992 at siguradong 444 01:11:28,075 --> 01:11:31,662 malalim ang magiging epekto nito sa kanya. 445 01:11:33,580 --> 01:11:38,127 Pero matatag na siyang miyembro ng Pablo group… 446 01:11:42,423 --> 01:11:47,469 at parte ng isang bagay na sentro ng buhay ng gorilya. 447 01:11:53,350 --> 01:11:54,226 Pamilya. 448 01:12:04,486 --> 01:12:08,073 Hindi perpektong pamilya ang Pablo group. 449 01:12:09,908 --> 01:12:11,368 Walang ganoong pamilya. 450 01:12:16,999 --> 01:12:21,253 Pero magkakasama sila sa matitinding pagsubok. 451 01:12:27,926 --> 01:12:32,056 Sa ngayon, gumaganda na ang kalagayan ng Pablo group… 452 01:12:36,018 --> 01:12:39,438 pati na rin ang buong species nila sa kabuuan. 453 01:12:47,696 --> 01:12:51,492 Sa ngayon, may higit 600 na gorilyang bundok 454 01:12:51,575 --> 01:12:53,744 sa Kabundukan ng Virunga. 455 01:12:54,703 --> 01:12:59,750 Dumami sila kumpara no'ng nando'n ako halos 50 taon ang nakalipas. 456 01:13:12,721 --> 01:13:17,643 Isa ito sa pinakamahusay na conservation stories na nasaksihan ko. 457 01:13:22,356 --> 01:13:25,234 Baka dahil 'yon sa malalim na koneksiyon 458 01:13:25,317 --> 01:13:28,028 na nararamdaman ng mga tao sa mga gorilya. 459 01:13:29,029 --> 01:13:33,409 Isang koneksiyon ito na nanatili sa akin sa buong buhay ko. 460 01:13:37,704 --> 01:13:42,042 At nagsimula ang lahat sa isang espesyal na munting gorilya. 461 01:13:47,464 --> 01:13:49,842 Sa kabila ng mahirap na simula, 462 01:13:50,759 --> 01:13:54,805 naging matatag at kahanga-hangang lider si Pablo. 463 01:14:00,227 --> 01:14:05,274 Nanatili siyang tapat sa pamilya niya hanggang sa huli. 464 01:14:11,488 --> 01:14:15,534 Ito ang ilan sa mga huling footage ni Pablo. 465 01:14:17,911 --> 01:14:20,038 Sa edad na 33, 466 01:14:20,122 --> 01:14:23,500 habang ipinagtatanggol ang grupo niya sa kalabang gorilya, 467 01:14:24,001 --> 01:14:26,837 napatay ang dakilang silverback. 468 01:14:30,340 --> 01:14:32,801 Hindi ko siya makakalimutan… 469 01:14:36,013 --> 01:14:38,974 o ang naging epekto niya sa akin. 470 01:14:43,520 --> 01:14:45,105 Lagi kong sinasabi, 471 01:14:45,189 --> 01:14:49,776 "Mas malalim ang kahulugan sa pagpapalitan ng tingin sa isang gorilya 472 01:14:49,860 --> 01:14:52,404 kumpara sa ibang hayop na kilala ko." 473 01:14:53,197 --> 01:14:56,366 Naniniwala pa rin ako roon. Tingin ko totoo 'yon. 474 01:16:34,339 --> 01:16:36,258 Nagsalin ng Subtitle: Lea Torre