1 00:00:32,365 --> 00:00:39,372 ‎FOUR HANDS, TWO SONATAS 2 00:00:46,588 --> 00:00:47,589 ‎Sige. 3 00:00:47,672 --> 00:00:49,632 ‎Mag-cheers tayo para sa ating artist, 4 00:00:49,716 --> 00:00:52,552 ‎na nagbigay na naman ng napakagandang ‎performance ngayong araw. 5 00:00:53,720 --> 00:00:55,555 ‎At congratulations kay Jae-in 6 00:00:55,638 --> 00:00:58,683 ‎sa matagumpay niyang unang hakbang ‎bilang bagong manager ni Pi-o. 7 00:01:06,816 --> 00:01:09,027 ‎Natutuwa akong naging maayos ang lahat, 8 00:01:09,569 --> 00:01:11,863 ‎pero alam mo ba ‎kung gaano mo ako pinakaba? 9 00:01:12,947 --> 00:01:14,824 ‎Sampung taon ang nabawas sa buhay ko. 10 00:01:15,492 --> 00:01:17,243 ‎Lahat ng ito ay dahil kay Jae-in. 11 00:01:17,869 --> 00:01:18,787 ‎Alam mo, 12 00:01:18,870 --> 00:01:22,373 ‎mas kampante ako ngayong alam kong ‎ikaw ang manager ni Pi-o. 13 00:01:23,291 --> 00:01:25,210 ‎Alam kong hindi ito madali. 14 00:01:25,293 --> 00:01:26,711 ‎Naaawa ako sa 'yo. 15 00:01:26,795 --> 00:01:28,671 ‎Sinabi mo pa, Ms. Kang. 16 00:01:29,672 --> 00:01:31,466 ‎Suwerte siyang die-hard fan niya 'ko. 17 00:01:32,050 --> 00:01:32,884 ‎Naku. 18 00:01:33,551 --> 00:01:37,722 ‎Pinapaalala ko sa sarili ko na kaunti lang ‎ang nagkakaroon ng trabahong hilig nila. 19 00:01:38,598 --> 00:01:39,474 ‎'Yon ang ginagawa ko para makayanan ito. 20 00:01:40,642 --> 00:01:43,603 ‎Pero kung masyado niya akong pahihirapan, 21 00:01:43,686 --> 00:01:45,271 ‎papagalitan mo siya, di ba? 22 00:01:45,355 --> 00:01:46,523 ‎Siyempre naman. 23 00:01:47,232 --> 00:01:49,651 ‎Kumusta ang mga paghahanda ‎para sa concert sa Esplanade? 24 00:01:49,734 --> 00:01:51,528 ‎Sold out ang lahat ng upuan, 25 00:01:51,611 --> 00:01:54,197 ‎pero may mga humihiling ‎ng karagdagang VIP tickets, 26 00:01:54,280 --> 00:01:56,699 ‎kaya nakikipag-ugnayan kami ‎sa agency sa Singapore. 27 00:01:57,826 --> 00:01:59,327 ‎Excuse me po, sandali. 28 00:01:59,410 --> 00:02:00,286 ‎Sige. 29 00:02:04,249 --> 00:02:07,293 ‎Tight ang schedule sa pagitan ‎ng mga concert sa Vienna at Singapore. 30 00:02:13,007 --> 00:02:14,008 ‎Paumanhin. 31 00:02:14,092 --> 00:02:14,926 ‎Kang Pi-o? 32 00:02:17,470 --> 00:02:18,680 ‎Hoy, ikaw nga talaga. 33 00:02:19,430 --> 00:02:20,390 ‎Matagal na rin. 34 00:02:21,224 --> 00:02:23,017 ‎Paminsan-minsan, nakikita kita sa balita. 35 00:02:23,560 --> 00:02:24,936 ‎Alam mo naman ang nangyari sa 'kin, di ba? 36 00:02:28,648 --> 00:02:31,192 ‎Nga pala, tungkol sa tsismis ‎kay Choi Jeong-yo… 37 00:02:32,485 --> 00:02:33,695 ‎Ano ba talaga ang nangyari doon? 38 00:02:34,696 --> 00:02:36,531 ‎Sabi ng mga tao, ‎ikaw daw ang nasa likod nito. 39 00:02:41,953 --> 00:02:44,664 ‎Hindi pa rin nagbabago ‎ang pangit mong ugali. 40 00:02:45,248 --> 00:02:46,082 ‎Ano? 41 00:02:59,470 --> 00:03:01,389 ‎Ano'ng nangyari sa hinliliit mo? 42 00:03:03,141 --> 00:03:05,727 ‎Kung magpapatuloy ka sa pagtugtog, ‎mapipinsala 'yan. 43 00:03:06,853 --> 00:03:09,105 ‎Wag ka munang mag-practice ‎at ipagamot mo muna 'yan. 44 00:03:15,194 --> 00:03:20,116 ‎FOUR HANDS, TWO SONATAS 45 00:03:20,700 --> 00:03:22,493 ‎EPISODE 6 46 00:04:50,873 --> 00:04:51,708 ‎Hoy. 47 00:04:53,376 --> 00:04:55,128 ‎Hulaan mo kung nasaan ako? 48 00:04:59,257 --> 00:05:00,133 ‎Lumingon ka. 49 00:05:03,720 --> 00:05:04,679 ‎Ta-da. 50 00:05:08,683 --> 00:05:09,600 ‎Ang ganda rito. 51 00:05:12,186 --> 00:05:16,482 ‎Bakit hindi ako nagsasawang ‎makinig sa pagtugtog mo? 52 00:05:17,900 --> 00:05:21,487 ‎Sa mga ganitong sandali, ‎natutuwa talaga akong maging manager mo. 53 00:05:23,740 --> 00:05:25,700 ‎Puwede bang itigil mo na ‎ang pagsasabi ng ganyan? 54 00:05:25,783 --> 00:05:26,784 ‎Hindi nakakatawa. 55 00:05:27,452 --> 00:05:28,786 ‎Ano'ng ibig mong sabihin? 56 00:05:29,746 --> 00:05:33,458 ‎Ilang tao ba ang makakanood ng performance ‎na nagkakahalaga ng isang milyong dolyar 57 00:05:33,541 --> 00:05:36,044 ‎mula sa front row ‎nang hindi nakikipag-agawan ng ticket? 58 00:05:40,506 --> 00:05:41,507 ‎Hoy. 59 00:05:42,341 --> 00:05:43,468 ‎Sabihin mo nga ang totoo. 60 00:05:44,343 --> 00:05:45,344 ‎Gusto mo naman talaga 61 00:05:46,721 --> 00:05:49,057 ‎na ako ang manager mo, di ba? 62 00:05:50,600 --> 00:05:51,642 ‎Oo. 63 00:05:51,726 --> 00:05:53,311 ‎At gusto mo rin na 64 00:05:54,312 --> 00:05:56,064 ‎bigla-bigla akong sumusulpot, di ba? 65 00:05:56,647 --> 00:05:57,607 ‎Oo. 66 00:05:59,442 --> 00:06:01,903 ‎Kung gano'n, kailan mo ako pakakasalan? 67 00:06:01,986 --> 00:06:02,820 ‎A… 68 00:06:04,405 --> 00:06:07,033 ‎Naku, hindi ka ba nagsasawa rito? 69 00:06:08,951 --> 00:06:09,827 ‎Hoy! 70 00:06:10,870 --> 00:06:13,039 ‎Hindi ba panahon na para sumuko ka na? 71 00:06:14,165 --> 00:06:17,585 ‎Wag mong sabihing kasal ka na ‎sa musika o kung ano. 72 00:06:18,127 --> 00:06:19,837 ‎'Yan na ang sagot, ‎kaya wag ka nang magtanong. 73 00:06:20,421 --> 00:06:22,215 ‎Grabe, bakit ko ba siya gusto? 74 00:06:24,133 --> 00:06:25,051 ‎Hintayin mo 'ko! 75 00:06:26,010 --> 00:06:26,928 ‎Bilisan mo. 76 00:06:33,684 --> 00:06:37,271 ‎Ngayon, magtanong tayo ‎sa star ng kompetisyon 77 00:06:37,355 --> 00:06:39,190 ‎at sa pinakakilalang pianista 78 00:06:39,273 --> 00:06:40,483 ‎na si Mr. Pi-o Kang! 79 00:06:41,984 --> 00:06:43,945 ‎PRAGUE HARMONIE INTERNATIONAL COMPETITION ‎IKA-95 ANNIVERSARY SPECIAL 80 00:06:45,530 --> 00:06:48,616 ‎Mula noong Harmonie Competition ‎siyam na taon na ang nakalipas, 81 00:06:48,699 --> 00:06:52,787 ‎nangunguna ka sa pagpapalaganap ng ‎classical music sa mas malawak na audience 82 00:06:53,329 --> 00:06:56,415 ‎sa pamamagitan ng iyong ‎kahanga-hangang husay at star quality. 83 00:06:56,499 --> 00:06:57,625 ‎Noong panahong 'yon, 84 00:06:57,708 --> 00:07:00,753 ‎gulat na gulat ang lahat nang magbigay ka ‎ng isang pasabog na performance 85 00:07:00,837 --> 00:07:02,421 ‎kahit nabali ang kuko mo. 86 00:07:02,964 --> 00:07:04,340 ‎Paano mo nagawa 'yon? 87 00:07:05,007 --> 00:07:09,762 ‎Noong panahong 'yon, sobrang naka-focus ‎ako kaya hindi ko naramdaman ang sakit. 88 00:07:09,846 --> 00:07:12,390 ‎Ang Harmonie Competition ‎ay isang entablado 89 00:07:12,473 --> 00:07:14,684 ‎na pinangarap kong mag-perform. 90 00:07:14,767 --> 00:07:16,227 ‎At nang makarating na ako roon, 91 00:07:17,645 --> 00:07:19,397 ‎hindi na mahalaga ‎kung masakit ang daliri ko. 92 00:07:19,480 --> 00:07:21,524 ‎Wow, ang mas nakakagulat pa 93 00:07:21,607 --> 00:07:24,402 ‎ay ang kakaiba mong interpretasyon ‎sa set piece. 94 00:07:24,485 --> 00:07:26,112 ‎Para makagawa ng gano'ng interpretasyon 95 00:07:26,195 --> 00:07:29,198 ‎at makapagbigay ng gano'n ka buong ‎performance sa loob lang ng isang linggo 96 00:07:29,282 --> 00:07:30,658 ‎ay talagang napakahirap gawin. 97 00:07:31,325 --> 00:07:34,454 ‎Paano mo nagawang harapin ‎ang gano'n kahirap na hamon? 98 00:07:36,080 --> 00:07:38,082 ‎Talagang hindi 'yon madali. 99 00:07:38,166 --> 00:07:40,042 ‎Napakatindi ng pressure. 100 00:07:40,126 --> 00:07:42,295 ‎Nag-focus lang ako sa pagbibigay ‎ng makakaya ko, 101 00:07:42,378 --> 00:07:44,255 ‎at naging maganda naman ang resulta. 102 00:07:44,338 --> 00:07:47,091 ‎Hindi ko alam ‎kung magagawa ko pa ulit 'yon. 103 00:07:47,800 --> 00:07:49,677 ‎Sige, ngayong siyam na taon na ‎ang lumipas, 104 00:07:49,760 --> 00:07:52,013 ‎gusto kong magtanong sa 'yo ‎ng mas sensitibong bagay. 105 00:07:52,096 --> 00:07:55,516 ‎Noong panahong 'yon, malamang na labis ‎na naapektuhan ang mga finalist 106 00:07:55,600 --> 00:07:57,727 ‎dahil sa pagkawala ng kapwa nila kalahok. 107 00:07:57,810 --> 00:08:01,481 ‎Isa pa rin itong sugat na hindi naghihilom ‎para sa amin sa komite. 108 00:08:01,564 --> 00:08:02,982 ‎Paano mo nalampasan 'yon? 109 00:08:06,110 --> 00:08:07,361 ‎Matagal na ang lumipas, 110 00:08:07,445 --> 00:08:09,238 ‎pero nagpapatuloy pa rin ang buhay, 111 00:08:09,322 --> 00:08:11,824 ‎at ang musika ang nagpapagaling ‎sa ating lahat, di ba? 112 00:08:12,325 --> 00:08:16,662 ‎Para sa akin, ang musika ‎ang naging gamot at kaligtasan ko. 113 00:08:17,246 --> 00:08:20,958 ‎Kung tutuusin, pareho kayo ng paaralang ‎pinasukan ng nasabing kalahok, di ba? 114 00:08:23,377 --> 00:08:24,212 ‎Oo. 115 00:08:24,295 --> 00:08:25,963 ‎Close ba kayo? 116 00:08:29,467 --> 00:08:30,510 ‎Hindi. 117 00:08:30,593 --> 00:08:32,094 ‎Hindi kami masyadong close. 118 00:08:45,566 --> 00:08:47,318 ‎Magaling, Pi-o. 119 00:08:49,320 --> 00:08:52,698 ‎Mga regalo lahat ito ‎mula sa mga tagahanga mo sa Korea. 120 00:08:53,616 --> 00:08:55,201 ‎Grabe, talagang dedicated sila. 121 00:09:01,832 --> 00:09:03,251 ‎MENSAHE ‎BAGONG NOTIFICATION 122 00:09:03,334 --> 00:09:04,710 ‎MARTIN VOGEL 123 00:09:04,794 --> 00:09:07,755 ‎May nakita akong isang tao sa Romania ‎na nagsabing nakita niya si Mr. Choi. 124 00:09:08,839 --> 00:09:09,674 ‎Jae-in. 125 00:09:10,967 --> 00:09:12,385 ‎-Babalik ako agad. ‎-Sige. 126 00:09:21,811 --> 00:09:22,770 ‎Oo, Mr. Kang? 127 00:09:24,313 --> 00:09:25,606 ‎Ano ang ibig mong sabihin? 128 00:09:26,357 --> 00:09:27,942 ‎Sino ang taong 'yon? 129 00:09:28,025 --> 00:09:30,444 ‎Farid ang pangalan niya, ‎at isa siyang refugee. 130 00:09:31,070 --> 00:09:32,697 ‎Nang tanungin ko kung nasaan si Mr. Choi, 131 00:09:32,780 --> 00:09:35,408 ‎humingi siya ng pera ‎kapalit ng impormasyon. 132 00:09:35,491 --> 00:09:37,034 ‎Bayaran ko ba siya ‎para makakuha pa tayo ng impormasyon? 133 00:09:37,618 --> 00:09:38,536 ‎Wag. 134 00:09:39,036 --> 00:09:40,913 ‎Gusto kong ako mismo ‎ang magtanong sa kanya. 135 00:09:47,378 --> 00:09:48,379 ‎Tara na. 136 00:09:50,214 --> 00:09:51,882 ‎Hindi ako makakapunta ‎sa party ngayong gabi. 137 00:09:51,966 --> 00:09:53,676 ‎Ano? 138 00:09:53,759 --> 00:09:56,804 ‎Sabi mo pupunta ka bilang pabor sa 'kin. 139 00:09:57,305 --> 00:09:58,556 ‎Kasi… 140 00:09:59,307 --> 00:10:03,144 ‎May propesor na matagal ko nang gustong ‎makilala na may libreng oras bukas, 141 00:10:03,227 --> 00:10:04,895 ‎kaya kailangan kong pumunta sa Münster. 142 00:10:06,439 --> 00:10:07,648 ‎Okay, sige. 143 00:10:09,525 --> 00:10:11,777 ‎Pero pupunta ka sa promotion party, di ba? 144 00:10:11,861 --> 00:10:14,113 ‎Hindi mo talaga puwedeng palampasin 'yon. 145 00:10:14,947 --> 00:10:16,907 ‎Sige. Magkita tayo pagbalik ko. 146 00:10:30,171 --> 00:10:31,922 ‎Václav Havel Airport po. 147 00:10:46,479 --> 00:10:47,313 ‎Pi-o. 148 00:10:47,396 --> 00:10:49,231 ‎Nasiyahan ako sa panonood ‎ng gala performance mo. 149 00:10:49,732 --> 00:10:51,400 ‎Dapat ngumiti ka ‎nang yumuko ka para bumati. 150 00:10:51,484 --> 00:10:52,902 ‎Wala ka namang sakit, di ba? 151 00:11:03,204 --> 00:11:05,873 ‎Sisimulan na natin ngayon ‎ang seremonya ng pagtatalaga 152 00:11:05,956 --> 00:11:08,876 ‎ng mga bagong miyembro ‎ng NCAPF Steering Committee. 153 00:11:11,128 --> 00:11:13,047 ‎2026 NCAPF STEERING COMMITTEE MEMBER ‎APPOINTMENT CEREMONY 154 00:11:13,130 --> 00:11:16,425 ‎"Ipinahahayag na ikaw ay itinalaga ‎bilang miyembro ng Music Division 155 00:11:16,509 --> 00:11:19,136 ‎ng NCAPF Steering Committee." 156 00:11:19,220 --> 00:11:22,348 ‎"Inihandog ni Kim Tae-seong, Ministro ‎ng Kultura, Palakasan, at Turismo." 157 00:11:27,144 --> 00:11:28,270 ‎Salamat po. 158 00:11:28,771 --> 00:11:30,981 ‎Talagang kahanga-hanga ka. 159 00:11:31,065 --> 00:11:33,025 ‎Paano mo nagawang talunin ‎ang lahat ng mga kalahok 160 00:11:33,109 --> 00:11:34,944 ‎at makakuha agad ng puwesto sa komite? 161 00:11:35,027 --> 00:11:35,945 ‎SERTIPIKO NG PAGTATALAGA 162 00:11:36,028 --> 00:11:38,948 ‎Magkaibigan tayo, ‎pero talagang hinahangaan kita. 163 00:11:39,031 --> 00:11:40,491 ‎Naku, wag ka nga. 164 00:11:40,574 --> 00:11:42,201 ‎Ako lang naman ang sumunod sa pila. 165 00:11:43,536 --> 00:11:45,830 ‎So, Committee Member Kang, ‎ano ang unang agenda natin ngayong araw? 166 00:11:45,913 --> 00:11:48,290 ‎Ang trabaho ay magsisimula ‎sa susunod na linggo. 167 00:11:48,374 --> 00:11:52,002 ‎Ngayon, oobserbahan ko ‎ang audition panel ng gifted school. 168 00:11:53,045 --> 00:11:53,879 ‎Talaga? 169 00:11:53,963 --> 00:11:57,133 ‎May napansin ka bang ‎karapat-dapat na irekomenda sa amin? 170 00:11:57,216 --> 00:11:58,676 ‎Hanggang ngayon, nakakainis pa rin 171 00:11:58,759 --> 00:12:00,970 ‎na naagaw sa akin si Park Se-jin ‎ng Namu Productions. 172 00:12:01,053 --> 00:12:04,056 ‎Kailangan kong panoorin ang audition niya, ‎pero baka si Gam U-jin? 173 00:12:04,723 --> 00:12:06,016 ‎Mukhang magaling siya. 174 00:12:07,226 --> 00:12:08,686 ‎A, si Gam U-jin? 175 00:12:08,769 --> 00:12:10,980 ‎Bakit? Ayaw mo sa kanya? 176 00:12:11,063 --> 00:12:12,982 ‎Alam kong magaling siya, 177 00:12:13,524 --> 00:12:14,442 ‎pero ang itsura niya ay… 178 00:12:15,734 --> 00:12:18,195 ‎Hoy, kailangan mong mamili ‎batay sa talento sa musika 179 00:12:18,279 --> 00:12:19,697 ‎para manalo ng mga parangal ‎at manatili sa industriya. 180 00:12:19,780 --> 00:12:21,490 ‎Hindi ka pumipili ng artista ‎para sa pelikula. 181 00:12:22,575 --> 00:12:24,326 ‎Hindi mo alam ang sinasabi mo. 182 00:12:24,410 --> 00:12:27,955 ‎Nakakabenta ng ticket ang magandang mukha, ‎kahit nanginginig ang kamay sa pagtugtog. 183 00:12:28,539 --> 00:12:30,666 ‎80% ng musika ay tungkol sa itsura. 184 00:12:31,250 --> 00:12:35,379 ‎Sige, tatawagan kita mamaya kung ‎may makita akong magaling sa audition. 185 00:12:35,463 --> 00:12:37,465 ‎The best ka talaga. 186 00:12:37,548 --> 00:12:40,134 ‎Ano na lang ang gagawin ko kung wala ka? 187 00:12:40,217 --> 00:12:41,385 ‎Tigilan mo na ang pambobola. 188 00:12:42,845 --> 00:12:44,096 ‎Tatawagan na lang kita mamaya. 189 00:12:50,144 --> 00:12:51,061 ‎Ms. Kim. 190 00:12:52,521 --> 00:12:54,732 ‎Sa tingin ko nagkamali ‎ang taga-dry cleaner. 191 00:12:54,815 --> 00:12:56,275 ‎Hindi akin ang mga ito. 192 00:12:56,358 --> 00:12:58,486 ‎Naku, kay Ms. Yoon pala ang mga ito… 193 00:13:01,447 --> 00:13:04,783 ‎Limang taon na nang umalis siya. ‎Bakit narito pa rin ang mga damit niya? 194 00:13:04,867 --> 00:13:05,826 ‎At bakit, sa lahat ng lugar, 195 00:13:07,453 --> 00:13:08,579 ‎sa kuwarto ko pa inilagay? 196 00:13:09,288 --> 00:13:10,539 ‎Ang totoo, 197 00:13:10,623 --> 00:13:12,625 ‎tinanggal ko na sana 'yan ‎kung ako ang nakakita. 198 00:13:12,708 --> 00:13:16,045 ‎Mukhang nakita ito ni Ms. Lee ‎na nakasabit sa aparador ni Mr. Kang 199 00:13:16,128 --> 00:13:17,796 ‎at inakala niyang sa 'yo ang mga 'yon. 200 00:13:20,841 --> 00:13:22,551 ‎Itapon mo agad ang mga 'yan. 201 00:13:52,081 --> 00:13:55,167 ‎Hyeon Seon-hwa, Lee Na-rae, at Gam U-jin. 202 00:13:55,251 --> 00:13:57,002 ‎Sa tingin ko, ang tatlong ito 203 00:13:57,586 --> 00:13:59,797 ‎ang may pinakamalaking potensyal. 204 00:13:59,880 --> 00:14:01,966 ‎Sa kanilang tatlo, ‎sa tingin ko si Gam U-jin 205 00:14:02,049 --> 00:14:06,011 ‎ang pangunahing kandidato ‎na may talentong hinahanap natin. 206 00:14:06,095 --> 00:14:06,929 ‎Sandali lang. 207 00:14:07,555 --> 00:14:09,765 ‎Sinabi mo bang si Gam U-jin? 208 00:14:11,016 --> 00:14:14,228 ‎Hindi ako sigurado. Mukhang medyo ‎mapanganib siyang piliin. 209 00:14:14,311 --> 00:14:16,230 ‎Oo, may dating siya, 210 00:14:16,313 --> 00:14:18,357 ‎pero kulang siya ‎sa mga pangunahing kasanayan. 211 00:14:18,440 --> 00:14:19,275 ‎Nag-aalala ako 212 00:14:19,984 --> 00:14:22,403 ‎na baka masyado siyang ‎madala sa pagpapakitang-gilas. 213 00:14:22,903 --> 00:14:26,991 ‎Hindi maiiwasan ang mga pagkakamali niya ‎dahil huli siyang nagsimula kaysa sa iba. 214 00:14:27,074 --> 00:14:29,285 ‎Pagdating sa pagtukoy ‎ng isang batang may talento, 215 00:14:29,368 --> 00:14:33,414 ‎kailangan nating tingnan ang higit pa ‎para malaman ang tunay niyang potensyal. 216 00:14:34,206 --> 00:14:35,583 ‎"Tingnan ang higit pa"? 217 00:14:36,750 --> 00:14:41,005 ‎Alam mong napakahalaga ng unang ilang ‎taon para sa mga batang musikero. 218 00:14:41,088 --> 00:14:44,341 ‎Bakit tayo tatanggap ng estudyanteng ‎nakasanayan na ang maling mga gawi 219 00:14:44,425 --> 00:14:47,386 ‎sa isang gifted school na pinopondohan ‎ng pera ng mga nagbabayad ng buwis? 220 00:14:48,220 --> 00:14:49,263 ‎Kung gano'n, 221 00:14:49,346 --> 00:14:50,723 ‎sa halip na si Gam U-jin… 222 00:14:51,682 --> 00:14:53,225 ‎si Kim Hong-gyu ang pipiliin ko. 223 00:14:54,560 --> 00:14:56,186 ‎Siya na lang ang irerekomenda ko. 224 00:15:07,781 --> 00:15:08,782 ‎Hyun-soo! 225 00:15:14,413 --> 00:15:15,664 ‎Nakita ko ang ekspresyon mo kanina. 226 00:15:17,458 --> 00:15:18,334 ‎Ano 'yon? 227 00:15:18,959 --> 00:15:20,794 ‎Ayaw mo sa nirekomenda ko? 228 00:15:21,378 --> 00:15:22,379 ‎Oo, ayaw ko. 229 00:15:24,298 --> 00:15:28,177 ‎Tama bang hayaang maapektuhan ng sama ‎ng loob ang kinabukasan ng isang bata? 230 00:15:28,260 --> 00:15:29,845 ‎Ano ba'ng sinasabi mo? 231 00:15:30,804 --> 00:15:31,680 ‎Sinasabi mo bang 232 00:15:32,222 --> 00:15:36,101 ‎tinutulan ko ang pagpili kay Gam U-jin ‎para lang makipag-away sa 'yo? 233 00:15:43,442 --> 00:15:44,318 ‎Tama ka. 234 00:15:45,527 --> 00:15:48,030 ‎Gusto kong makita ‎kung paano ka magre-react. 235 00:15:48,906 --> 00:15:51,367 ‎At least, sa wakas nag-uusap na ulit tayo ‎makalipas ang lahat ng nangyari. 236 00:15:52,368 --> 00:15:54,370 ‎Hanggang kailan ka ba magiging ganito? 237 00:15:54,995 --> 00:15:55,996 ‎Hindi mo ba naiisip 238 00:15:56,080 --> 00:15:59,917 ‎na katawa-tawa na nauwi tayo sa ganito ‎dahil sa ibang tao? 239 00:16:00,000 --> 00:16:01,085 ‎Hindi, 240 00:16:01,168 --> 00:16:03,087 ‎hindi ito dahil sa ibang tao. 241 00:16:05,381 --> 00:16:06,924 ‎Dahil ito sa 'yo. 242 00:16:07,925 --> 00:16:09,051 ‎Tama na. 243 00:16:17,518 --> 00:16:20,437 ‎ROMANIA 244 00:16:29,363 --> 00:16:30,197 ‎Hello. 245 00:16:30,280 --> 00:16:31,115 ‎May maitutulong ba ako sa 'yo? 246 00:16:31,699 --> 00:16:32,533 ‎Pasensya na. 247 00:16:34,243 --> 00:16:35,494 ‎May itatanong sana ako. 248 00:16:37,204 --> 00:16:38,080 ‎Tingnan natin… 249 00:17:11,447 --> 00:17:12,448 ‎Farid, di ba? 250 00:17:13,741 --> 00:17:17,578 ‎Nabanggit mong nakakita ka ng palaboy na ‎lalaking Asian, mahusay tumugtog ng piano 251 00:17:17,661 --> 00:17:19,204 ‎tatlong taon na ang nakalipas, di ba? 252 00:17:19,830 --> 00:17:20,831 ‎Oo. 253 00:17:20,914 --> 00:17:22,124 ‎Sabi niya, nakita niya ang lalaki. 254 00:17:22,916 --> 00:17:24,084 ‎Puwede mo bang sabihin sa akin 255 00:17:25,210 --> 00:17:26,837 ‎kung sino sa mga lalaking ito ‎ang nakita niya? 256 00:17:36,013 --> 00:17:37,431 ‎Ang lalaking ito. 257 00:17:39,224 --> 00:17:41,351 ‎Paano mo nalaman ‎na mahusay siyang tumugtog ng piano? 258 00:17:41,435 --> 00:17:43,145 ‎Nakita mo ba siyang tumugtog? 259 00:17:45,773 --> 00:17:49,485 ‎Sinabi niyang pangarap niyang ‎maging pianista. 260 00:17:49,568 --> 00:17:52,446 ‎Sobrang nasaktan siya ‎dahil hindi na niya maipagpatuloy 'yon… 261 00:17:52,529 --> 00:17:54,323 ‎Pangarap ng lalaki na maging pianista, 262 00:17:54,406 --> 00:17:56,825 ‎pero labis siyang nasaktan ‎kaya hindi na niya 'yon maipagpatuloy 263 00:17:56,909 --> 00:17:57,910 ‎dahil… 264 00:17:59,078 --> 00:18:00,704 ‎hindi na niya magamit ‎ang kanang kamay niya. 265 00:18:01,580 --> 00:18:03,290 ‎Hindi na niya magamit ‎ang kanang kamay niya? 266 00:18:05,584 --> 00:18:06,919 ‎Sinabi ba niya kung bakit? 267 00:18:07,669 --> 00:18:09,421 ‎Bakit hindi niya magamit ‎ang kanang kamay niya? 268 00:18:09,922 --> 00:18:11,048 ‎Alam mo ba kung bakit? 269 00:18:15,761 --> 00:18:17,137 ‎Basta sinabi niya lang na na-injury siya, 270 00:18:17,221 --> 00:18:19,181 ‎pero hindi niya sinabi kung paano o bakit. 271 00:18:22,559 --> 00:18:24,144 ‎Saan siya pumunta pagkatapos? 272 00:18:24,728 --> 00:18:26,271 ‎Saan siya pumunta pagkatapos? 273 00:18:27,564 --> 00:18:28,690 ‎Pasensya na. 274 00:18:28,774 --> 00:18:30,734 ‎Wala na akong suplay. 275 00:18:30,818 --> 00:18:31,902 ‎Kung bibigyan mo ako ng pera… 276 00:18:32,861 --> 00:18:34,905 ‎Humihingi siya ng pera ‎para makabili ng droga. 277 00:18:46,041 --> 00:18:47,417 ‎Ibigay mo sa 'kin ang eksaktong detalye. 278 00:18:48,961 --> 00:18:50,629 ‎Saan daw siya pupunta? 279 00:18:50,712 --> 00:18:52,214 ‎Ibigay mo sa kanya ang eksaktong detalye. 280 00:18:52,923 --> 00:18:55,342 ‎Saan daw siya pupunta? 281 00:18:55,425 --> 00:18:57,344 ‎Sinabi niyang 282 00:18:58,762 --> 00:19:02,891 ‎sasakay siya ng bangka para makabalik ‎sa bayang pinanggalingan niya. 283 00:19:04,893 --> 00:19:06,687 ‎Pupunta siya sa Constanța. 284 00:19:06,770 --> 00:19:09,273 ‎Sasakay siya ng bangka pauwi 285 00:19:09,356 --> 00:19:10,858 ‎at pupunta sa Constanța. 286 00:19:10,941 --> 00:19:12,359 ‎Gusto niyang makita ang nanay niya. 287 00:19:12,985 --> 00:19:13,861 ‎Sinabi niyang 288 00:19:14,778 --> 00:19:16,071 ‎makikipagkita siya sa nanay niya? 289 00:19:31,879 --> 00:19:33,380 ‎Hinahanap mo ang pianista. 290 00:19:33,463 --> 00:19:35,716 ‎Dalawang linggo na siyang wala rito. 291 00:19:35,799 --> 00:19:38,010 ‎Nakita ko siya dalawang linggo na ‎ang nakalipas. Siguradong narito siya. 292 00:19:38,093 --> 00:19:40,137 ‎Pero hindi ang lalaking ito. Hindi, hindi. 293 00:19:40,220 --> 00:19:42,264 ‎Ang lalaking ito. Siguradong narito siya. 294 00:19:42,347 --> 00:19:45,559 ‎Ito. Siguradong siya ang lalaking 'yon. 295 00:19:45,642 --> 00:19:46,935 ‎Koreano siya, 296 00:19:47,019 --> 00:19:48,729 ‎pero hindi siya pianista. 297 00:19:48,812 --> 00:19:50,230 ‎Ano raw ang sinabi niya? 298 00:19:50,314 --> 00:19:51,940 ‎Koreano siya, 299 00:19:53,150 --> 00:19:54,443 ‎pero hindi pianista. 300 00:20:14,796 --> 00:20:17,341 ‎Hanggang kailan ka maghahabol ‎sa mga maling leads? 301 00:20:18,800 --> 00:20:20,344 ‎Limang taon na ang lumipas. 302 00:20:21,553 --> 00:20:24,348 ‎Hindi ba dapat may nahanap ka nang bakas? 303 00:20:27,392 --> 00:20:29,853 ‎Hindi ko hinihiling ‎na mahuli mo ang mga suspek. 304 00:20:29,937 --> 00:20:31,647 ‎Gusto ko lang malaman kung buhay pa siya. 305 00:20:33,690 --> 00:20:34,816 ‎Napakahirap ba no'n? 306 00:20:36,109 --> 00:20:38,153 ‎Sa tingin mo ba madali para sa 'kin ‎na mahanap ang isang biktima 307 00:20:38,737 --> 00:20:40,405 ‎na kahit ang Interpol ay hindi mahanap? 308 00:20:42,199 --> 00:20:44,993 ‎Gusto mo bang itigil na natin ‎ang paghahanap? 309 00:20:47,329 --> 00:20:49,915 ‎Napapahiya na rin ako dahil dito. 310 00:20:49,998 --> 00:20:52,960 ‎Sinabi na ng Interpol ‎na patay na si Mr. Choi, 311 00:20:53,043 --> 00:20:55,420 ‎at hinanap na natin siya ‎sa lahat ng posibleng lugar. 312 00:20:56,129 --> 00:20:57,965 ‎Sa totoo lang, katawan na lang niya ‎ang kulang. 313 00:20:58,048 --> 00:21:00,592 ‎Halos wala nang posibilidad ‎na buhay pa si Mr. Choi. 314 00:21:04,721 --> 00:21:06,598 ‎Ano ba talaga ang gusto mong makumpirma? 315 00:21:08,308 --> 00:21:10,102 ‎Katibayan na buhay si Mr. Choi? 316 00:21:11,061 --> 00:21:12,271 ‎O katibayan na patay na siya? 317 00:21:24,408 --> 00:21:25,492 ‎Cheers. 318 00:22:15,500 --> 00:22:17,419 ‎Ano ba talaga ang gusto mong makumpirma? 319 00:22:18,670 --> 00:22:20,255 ‎Katibayan na buhay si Mr. Choi? 320 00:22:20,922 --> 00:22:22,299 ‎O katibayan na patay na siya? 321 00:22:42,611 --> 00:22:43,445 ‎Hoy. 322 00:22:43,528 --> 00:22:46,114 ‎Hoy, nasaan ka? 323 00:22:46,198 --> 00:22:49,284 ‎Sinabi kong pumunta ka sa party, ‎pero wala ka rito. 324 00:22:49,868 --> 00:22:51,453 ‎Ay, pasensya na. 325 00:22:52,954 --> 00:22:54,164 ‎Nakalimutan ko. 326 00:22:54,247 --> 00:22:55,916 ‎Umiinom ka ba? 327 00:23:01,421 --> 00:23:02,422 ‎Konti lang. 328 00:23:02,506 --> 00:23:04,216 ‎Nasaan ka? 329 00:23:21,399 --> 00:23:22,442 ‎Pi-o! 330 00:23:23,652 --> 00:23:25,070 ‎Ano'ng nangyayari? 331 00:23:25,153 --> 00:23:26,029 ‎Anong nangyari? 332 00:23:30,117 --> 00:23:30,992 ‎Nandito ka pala. 333 00:23:31,076 --> 00:23:32,702 ‎May nangyari ba? 334 00:23:34,329 --> 00:23:36,832 ‎Bakit ang dami mong ininom? 335 00:23:38,416 --> 00:23:39,334 ‎Walang nangyari. 336 00:23:41,211 --> 00:23:42,087 ‎Hoy. 337 00:23:42,754 --> 00:23:44,506 ‎Hoy, Pi-o! 338 00:23:46,049 --> 00:23:48,635 ‎Hindi ka naman ganito. 339 00:23:50,554 --> 00:23:52,389 ‎Umayos ka, puwede ba? 340 00:23:53,598 --> 00:23:54,474 ‎Malapit na tayo. 341 00:23:56,893 --> 00:23:57,811 ‎Hindi. 342 00:23:58,395 --> 00:23:59,646 ‎Ayos lang ako. 343 00:23:59,729 --> 00:24:00,814 ‎Puwede ka nang umalis. 344 00:24:00,897 --> 00:24:02,524 ‎Kaya kong maglakad mag-isa. 345 00:24:03,775 --> 00:24:05,026 ‎Baka mapahamak ka. 346 00:24:07,988 --> 00:24:08,947 ‎Nasaan ang susi ng kuwarto mo? 347 00:24:25,130 --> 00:24:26,214 ‎Jae-in. 348 00:24:27,757 --> 00:24:28,800 ‎Pasensya na, 349 00:24:30,427 --> 00:24:33,221 ‎pero puwede ka bang manatili sa tabi ko ‎hanggang makatulog ako? 350 00:24:35,015 --> 00:24:35,891 ‎Ano? 351 00:24:38,393 --> 00:24:41,730 ‎Hindi mo tinatanggap ang feelings ko, ‎pero hihilingin mong gawin ko 'yon? 352 00:24:43,356 --> 00:24:44,691 ‎Napaka-selfish mo. 353 00:24:47,527 --> 00:24:48,904 ‎Ikaw lang ang taong… 354 00:24:52,199 --> 00:24:53,533 ‎mapagkakatiwalaan ko sa buong mundo. 355 00:24:58,747 --> 00:24:59,998 ‎Nahihirapan ka pa rin bang… 356 00:25:01,166 --> 00:25:03,251 ‎matulog? 357 00:25:04,836 --> 00:25:05,712 ‎Oo. 358 00:25:06,922 --> 00:25:08,423 ‎Sana matigil ko na ang kakaisip… 359 00:25:11,801 --> 00:25:13,011 ‎at makatulog nang mahimbing. 360 00:25:15,055 --> 00:25:16,681 ‎Sinabi ko sa 'yong ‎wag mong pagurin ang sarili mo 361 00:25:18,058 --> 00:25:19,351 ‎at magpahinga ka. 362 00:25:20,769 --> 00:25:22,562 ‎Ano kaya kung bawasan mo ‎ang mga performance mo 363 00:25:23,188 --> 00:25:25,774 ‎at magpahinga ka nang isang taon? 364 00:25:29,903 --> 00:25:30,904 ‎Tingnan natin. 365 00:25:32,072 --> 00:25:33,490 ‎Wag kang masyadong magpakahirap. 366 00:25:34,115 --> 00:25:37,160 ‎Magaling na magaling ka na ngayon. 367 00:25:39,287 --> 00:25:40,538 ‎Pi-o. 368 00:25:41,873 --> 00:25:44,876 ‎May gusto akong sabihin sa 'yo. 369 00:25:45,961 --> 00:25:46,878 ‎Sige. 370 00:25:49,464 --> 00:25:50,757 ‎Ang totoo… 371 00:25:52,926 --> 00:25:55,220 ‎Alam mong gusto talaga kita… 372 00:25:57,430 --> 00:25:58,515 ‎di ba? 373 00:25:59,516 --> 00:26:00,850 ‎Oo. 374 00:26:01,643 --> 00:26:02,852 ‎Hindi. 375 00:26:03,436 --> 00:26:04,521 ‎Wala kang alam. 376 00:26:09,776 --> 00:26:10,694 ‎Sa totoo lang… 377 00:26:13,947 --> 00:26:18,785 ‎kunwari lang akong nagbibiro sa tuwing ‎umaamin ako ng nararamdaman ko sa 'yo, 378 00:26:20,829 --> 00:26:23,164 ‎pero seryoso talaga ako. 379 00:26:42,892 --> 00:26:45,103 ‎Ingatan mo lang ang kalusugan mo, Pi-o. 380 00:27:14,132 --> 00:27:16,051 ‎Nakatanggap ako ng balita na ang suspek 381 00:27:16,134 --> 00:27:18,720 ‎na kumidnap kay Mr. Choi ‎ay pinalaya mula sa Rezina Penitentiary. 382 00:27:23,892 --> 00:27:25,310 ‎Ano'ng ibig mong sabihin? 383 00:27:25,977 --> 00:27:27,270 ‎Nahanap mo ang suspek? 384 00:27:27,771 --> 00:27:31,608 ‎MOLDOVA 385 00:27:38,698 --> 00:27:40,200 ‎Andrei Ceban ang pangalan niya. 386 00:27:41,284 --> 00:27:44,329 ‎48 taong gulang siya at taga-Transnistria. 387 00:27:44,913 --> 00:27:46,122 ‎Isa siyang dating mersenaryo 388 00:27:46,748 --> 00:27:50,627 ‎na kalalaya lang mula sa kulungan matapos ‎magsilbi ng sentensya dahil sa assault. 389 00:27:51,586 --> 00:27:53,880 ‎Kaya pala hindi ko siya mahanap ‎kahit saan. 390 00:27:53,963 --> 00:27:55,382 ‎Nakakulong pala siya. 391 00:27:57,759 --> 00:27:59,219 ‎Puwede ba akong magtanong sa 'yo? 392 00:27:59,803 --> 00:28:02,430 ‎Sabi mo walang tanong, ‎kaya pinipigilan ko ang sarili ko. 393 00:28:03,098 --> 00:28:06,643 ‎Bakit determinado kang ‎hanapin si Mr. Choi? 394 00:28:07,477 --> 00:28:09,104 ‎Sa puntong ito, kahit pamilya sumusuko na. 395 00:28:12,399 --> 00:28:16,027 ‎Mahalaga ba talaga sa 'yo si Mr. Choi? 396 00:28:42,011 --> 00:28:43,471 ‎Hoy, hoy. Saan ka pupunta? 397 00:28:43,555 --> 00:28:45,014 ‎Nandito ba si Andrei Ceban? 398 00:28:45,765 --> 00:28:47,350 ‎-Ano'ng pangalan mo? ‎-A, Vogel. 399 00:28:47,434 --> 00:28:49,561 ‎-Ang lalaking 'yon. Papasok din siya. ‎-Sandali lang. 400 00:28:54,607 --> 00:28:55,442 ‎Okay? 401 00:28:56,985 --> 00:28:57,819 ‎Hoy. 402 00:29:15,920 --> 00:29:17,714 ‎Hello. 403 00:29:18,339 --> 00:29:19,215 ‎Andrei. 404 00:29:19,716 --> 00:29:22,635 ‎Pumunta kami ‎para magtanong ng ilang bagay. 405 00:29:54,626 --> 00:29:55,919 ‎Siyam na taon na ang nakalipas 406 00:29:56,544 --> 00:29:58,213 ‎sa Harmonie Competition, 407 00:29:59,005 --> 00:30:01,633 ‎ikaw ba ang kumidnap sa lalaking ito? 408 00:30:08,306 --> 00:30:09,974 ‎Sino ba ang nagtatanong? 409 00:30:17,816 --> 00:30:19,400 ‎Naaalala kita. 410 00:30:20,693 --> 00:30:23,822 ‎Ikaw 'yong lalaking ‎nanalo sa kompetisyong 'yon, di ba? 411 00:30:24,489 --> 00:30:28,535 ‎'Yong taong pinakanakinabang… ‎sa kaguluhang 'yon. 412 00:30:31,120 --> 00:30:32,080 ‎Tatanungin kita ulit. 413 00:30:33,790 --> 00:30:37,043 ‎Ikaw ang kumidnap ‎kay Jeong-yo Choi, di ba? 414 00:30:37,126 --> 00:30:38,795 ‎Ano naman ang mapapala ko? 415 00:30:44,509 --> 00:30:47,345 ‎Ano ang ginawa mo kay Jeong-yo? 416 00:30:49,889 --> 00:30:51,015 ‎Patay na siya. 417 00:30:53,393 --> 00:30:54,269 ‎Patay? 418 00:30:54,352 --> 00:30:56,020 ‎Oo, patay. 419 00:30:58,273 --> 00:30:59,399 ‎Sino ang pumatay sa kanya? 420 00:30:59,482 --> 00:31:00,483 ‎Ako. 421 00:31:05,488 --> 00:31:06,573 ‎Bakit mo siya pinatay? 422 00:31:09,659 --> 00:31:12,829 ‎Bakit mo siya pinatay? 423 00:31:14,038 --> 00:31:15,582 ‎Hindi 'yon ang plano. 424 00:31:15,665 --> 00:31:20,086 ‎Ang plano ay pakawalan siya ‎pagkatapos naming makuha ang pera. 425 00:31:20,169 --> 00:31:21,004 ‎Pero… 426 00:31:21,880 --> 00:31:24,215 ‎nanlaban siya. 427 00:31:24,299 --> 00:31:25,341 ‎Para ba 'yon sa pera? 428 00:31:25,425 --> 00:31:27,594 ‎Kinidnap mo ba siya dahil doon ‎o may ibang tao bang– 429 00:31:27,677 --> 00:31:28,678 ‎Tama na. 430 00:31:29,596 --> 00:31:30,638 ‎Gusto mong malaman? 431 00:31:32,849 --> 00:31:34,350 ‎Tatlong milyong lei. 432 00:31:35,393 --> 00:31:36,436 ‎Pagkatapos, sasabihin ko sa 'yo. 433 00:31:46,863 --> 00:31:48,281 ‎Sabihin mo na sa 'kin ngayon! 434 00:31:48,364 --> 00:31:49,324 ‎Mr. Kang, wag! 435 00:31:49,407 --> 00:31:50,909 ‎Pumatay ka ng tao dahil sa pera? 436 00:31:50,992 --> 00:31:52,368 ‎Alam mo ba kung gaano siya kahalaga? 437 00:31:52,452 --> 00:31:53,870 ‎Alam mo ba, ha? 438 00:31:53,953 --> 00:31:54,954 ‎Tama na! 439 00:32:12,764 --> 00:32:14,682 ‎Alam mo ba kung sino kami? 440 00:32:15,391 --> 00:32:16,267 ‎Gago ka… 441 00:32:17,936 --> 00:32:18,770 ‎Ha? 442 00:32:19,270 --> 00:32:20,521 ‎Alam mo? 443 00:32:21,314 --> 00:32:24,108 ‎Ngayon, anim na milyon. 444 00:32:24,943 --> 00:32:25,944 ‎Pagkatapos, sasabihin ko sa 'yo. 445 00:32:53,763 --> 00:32:55,890 ‎Nasaan ang pinakamalapit ‎na international bank? 446 00:32:56,474 --> 00:32:57,308 ‎Ano? 447 00:32:57,892 --> 00:32:58,977 ‎Gusto mong bumalik dito? 448 00:33:22,000 --> 00:33:23,042 ‎Ano 'yon? 449 00:33:23,126 --> 00:33:24,127 ‎Ano'ng nangyayari? 450 00:33:33,469 --> 00:33:36,931 ‎PULIS 451 00:33:46,733 --> 00:33:47,817 ‎Ano'ng nangyari? 452 00:33:50,236 --> 00:33:51,154 ‎Sabi nila, 453 00:33:52,155 --> 00:33:53,031 ‎patay na si Andrei. 454 00:33:53,990 --> 00:33:55,199 ‎Patay na siya? 455 00:33:55,283 --> 00:33:58,202 ‎Nakipag-away siya sa isang tao at napatay. 456 00:34:00,121 --> 00:34:01,122 ‎Hindi. 457 00:34:01,205 --> 00:34:03,124 ‎Mr. Kang. Sandali! 458 00:34:04,333 --> 00:34:06,210 ‎Tingnan mo, Mr. Kang. Hoy! 459 00:34:07,420 --> 00:34:08,504 ‎Sandali lang! 460 00:34:40,620 --> 00:34:41,537 ‎Ayos ka lang ba? 461 00:34:44,791 --> 00:34:46,459 ‎Mukhang hanggang dito na lang ako. 462 00:34:47,543 --> 00:34:48,878 ‎Pero sigurado akong si Mr. Choi 463 00:34:50,088 --> 00:34:51,672 ‎ay nakangiti mula sa langit, 464 00:34:52,548 --> 00:34:55,927 ‎dahil alam niyang may kaibigan siyang ‎matagal na naghanap sa kanya. 465 00:34:56,636 --> 00:34:58,012 ‎Kaya sana 466 00:34:59,639 --> 00:35:01,057 ‎maka-move on ka na mula ‎sa pagkawala niya… 467 00:35:04,852 --> 00:35:06,354 ‎at makahanap ng kaligayahan. 468 00:35:12,902 --> 00:35:14,153 ‎Salamat sa lahat. 469 00:35:46,727 --> 00:35:48,437 ‎Hoy, Kang Pi-o. 470 00:35:49,021 --> 00:35:51,482 ‎Nasaan ka? Bakit hindi ka pa bumabalik? 471 00:35:52,400 --> 00:35:54,610 ‎Sabi mo manonood ka ‎sa performance ni U-hyeok. 472 00:35:55,945 --> 00:35:59,073 ‎Umabot sa semifinals ang batang 'yon. 473 00:36:00,449 --> 00:36:01,576 ‎Nasaan ka? 474 00:36:01,659 --> 00:36:02,827 ‎Nasa Berlin ka ba? 475 00:36:03,369 --> 00:36:04,537 ‎Hindi. 476 00:36:05,329 --> 00:36:06,831 ‎Nasa Moldova ako. 477 00:36:07,331 --> 00:36:08,833 ‎Ano? Moldova? 478 00:36:09,917 --> 00:36:10,918 ‎Hoy. 479 00:36:12,003 --> 00:36:13,838 ‎Anong nangyari sa boses mo? 480 00:36:15,464 --> 00:36:16,716 ‎May sakit ka ba? 481 00:36:20,803 --> 00:36:21,721 ‎Pi-o. 482 00:36:23,431 --> 00:36:24,432 ‎Hoy. 483 00:36:24,932 --> 00:36:26,893 ‎Bakit ganyan ka? 484 00:36:27,852 --> 00:36:28,978 ‎Dapat nagpatingin ka sa doktor. 485 00:36:30,730 --> 00:36:31,647 ‎Gamot sa lagnat. 486 00:36:32,440 --> 00:36:34,275 ‎-Ano? ‎-Bilhan mo ako ng gamot sa lagnat. 487 00:36:34,358 --> 00:36:35,276 ‎Gamot sa lagnat? 488 00:36:48,581 --> 00:36:50,124 ‎Mas mabuti na ba ang pakiramdam mo? 489 00:36:58,841 --> 00:37:01,344 ‎Bumili ako ng pagkain para sa 'yo. 490 00:37:01,427 --> 00:37:03,512 ‎Hindi mukhang masarap, 491 00:37:03,596 --> 00:37:05,806 ‎pero kailangan mong kumain kahit konti 492 00:37:06,682 --> 00:37:08,100 ‎para magkaroon ulit ng lakas. 493 00:37:10,061 --> 00:37:10,895 ‎Salamat. 494 00:37:26,077 --> 00:37:28,371 ‎Pasensya na at lagi kitang inaabala. 495 00:37:29,956 --> 00:37:30,790 ‎So… 496 00:37:31,916 --> 00:37:34,752 ‎Bakit ka pumunta rito? 497 00:37:36,545 --> 00:37:37,630 ‎Hoy. 498 00:37:37,713 --> 00:37:39,757 ‎May itinatago ka ba sa 'kin? 499 00:37:41,842 --> 00:37:43,844 ‎Pumunta ako rito para hanapin si Jeong-yo. 500 00:37:44,428 --> 00:37:45,263 ‎Ano? 501 00:37:46,138 --> 00:37:48,140 ‎May nagsabi sa 'kin na nandito raw 502 00:37:48,724 --> 00:37:50,643 ‎ang suspek na kumidnap kay Jeong-yo. 503 00:37:55,982 --> 00:37:56,857 ‎At? 504 00:37:57,692 --> 00:37:58,693 ‎Patay na siya. 505 00:38:01,195 --> 00:38:02,029 ‎Ano? 506 00:38:02,113 --> 00:38:03,698 ‎Matagal na pala siyang patay… 507 00:38:06,075 --> 00:38:07,159 ‎siyam na taon na. 508 00:38:10,788 --> 00:38:12,957 ‎Umaasa akong buhay pa siya. 509 00:38:14,166 --> 00:38:15,084 ‎Ipinanalangin ko… 510 00:38:18,170 --> 00:38:20,298 ‎na hindi pa siya patay. 511 00:38:22,091 --> 00:38:24,135 ‎Hindi na ako ‎makakahingi ng tawad sa kanya ngayon. 512 00:38:27,805 --> 00:38:29,265 ‎Wala na akong magagawa ‎para maitama ang lahat. 513 00:38:30,516 --> 00:38:32,393 ‎Panahon na para mag-move on. 514 00:38:33,102 --> 00:38:34,895 ‎Matagal na itong nangyari, kaya bakit– 515 00:38:34,979 --> 00:38:37,231 ‎Dahil inagaw ko ang puwesto ni Jeong-yo. 516 00:38:38,107 --> 00:38:40,359 ‎Anong kalokohan 'yan? 517 00:38:41,986 --> 00:38:43,821 ‎Napakahusay ng performance mo noon, 518 00:38:44,530 --> 00:38:47,116 ‎kaya walang tumutol sa naging resulta. 519 00:38:48,492 --> 00:38:50,202 ‎Kahit naroon si Jeong-yo, 520 00:38:51,162 --> 00:38:52,621 ‎ikaw pa rin ang mananalo ng unang puwesto. 521 00:38:53,205 --> 00:38:54,123 ‎Hindi. 522 00:38:57,335 --> 00:38:58,544 ‎Hindi kailanman naging akin ‎ang puwestong ito. 523 00:39:00,421 --> 00:39:01,505 ‎Pero ngayon, 524 00:39:02,465 --> 00:39:04,425 ‎huli na para itama ang lahat. 525 00:39:24,028 --> 00:39:25,279 ‎Dapat sinabi mo sa 'kin. 526 00:39:27,531 --> 00:39:28,657 ‎Kung nahihirapan ka… 527 00:39:30,868 --> 00:39:32,703 ‎dapat sinabi mo sa 'kin. 528 00:39:43,255 --> 00:39:45,299 ‎Mag-move on na tayo, Pi-o. 529 00:39:46,592 --> 00:39:47,551 ‎Panahon na… 530 00:39:49,261 --> 00:39:50,554 ‎para magpaalam kay Jeong-yo. 531 00:39:52,306 --> 00:39:53,516 ‎'Yan ang gugustuhin ni Jeong-yo 532 00:39:54,642 --> 00:39:56,227 ‎na gawin mo. 533 00:40:00,147 --> 00:40:01,399 ‎Gugustuhin niyang maging 534 00:40:03,150 --> 00:40:05,569 ‎isang mahusay na pianista ka ‎bilang kapalit niya. 535 00:40:31,303 --> 00:40:33,347 ‎Hinding-hindi kita iiwan. 536 00:40:59,248 --> 00:41:00,332 ‎Magkita tayo doon. 537 00:41:02,084 --> 00:41:03,669 ‎Subukan mong ‎wag umiyak kapag na-miss mo ako. 538 00:41:06,338 --> 00:41:07,214 ‎Hoy. 539 00:41:08,215 --> 00:41:10,968 ‎Gagawin mo pa rin bang parang ‎one-sided crush lang 'to? 540 00:41:14,638 --> 00:41:15,598 ‎Aalis na 'ko. 541 00:41:16,515 --> 00:41:17,349 ‎Okay. 542 00:41:21,979 --> 00:41:22,897 ‎Bye. 543 00:41:57,598 --> 00:41:58,432 ‎Pi-o! 544 00:41:59,808 --> 00:42:01,101 ‎Ako na ang magdadala niyan. 545 00:42:02,561 --> 00:42:05,022 ‎Sinabi ko sa 'yong ‎wag mo na akong sunduin. 546 00:42:05,105 --> 00:42:08,275 ‎Bakit hindi? ‎Anim na buwan kitang hindi nakita. 547 00:42:08,359 --> 00:42:10,069 ‎Sobrang na-miss kita ‎na muntik na akong maiyak. 548 00:42:10,653 --> 00:42:13,322 ‎Napanood ko ang gala performance mo ‎sa Prague. Napakahusay mo. 549 00:42:13,405 --> 00:42:15,115 ‎Maganda rin ba ‎ang naging performance mo sa Berlin? 550 00:42:16,575 --> 00:42:17,409 ‎Oo. 551 00:42:36,345 --> 00:42:37,638 ‎Maligayang pagbabalik, Pi-o. 552 00:42:38,222 --> 00:42:39,306 ‎Kumusta po kayo? 553 00:42:39,974 --> 00:42:42,309 ‎Puwede mo bang kunin ‎ang mga bagahe ni Pi-o sa trunk? 554 00:42:42,393 --> 00:42:43,227 ‎Nasaan si Papa? 555 00:42:54,071 --> 00:42:54,905 ‎Papa. 556 00:42:55,406 --> 00:42:56,740 ‎Nandito na si Pi-o. 557 00:43:04,248 --> 00:43:06,208 ‎Kumusta po kayo, Lolo? 558 00:43:13,882 --> 00:43:16,343 ‎Nakauwi na ang nag-iisa mong apo ‎makalipas ang anim na buwan. 559 00:43:16,427 --> 00:43:18,220 ‎Puwede bang sagutin mo man lang siya? 560 00:43:18,304 --> 00:43:19,263 ‎Tabi. 561 00:43:22,641 --> 00:43:25,019 ‎Hinaharangan n'yo ang hangin. Tabi. 562 00:43:34,653 --> 00:43:35,487 ‎Tara na. 563 00:43:43,579 --> 00:43:45,372 ‎Napakatigas talaga ng ulo ‎ng matandang 'yon. 564 00:43:45,456 --> 00:43:47,791 ‎Akala ko lalambot na siya ‎habang tumatanda, 565 00:43:47,875 --> 00:43:49,501 ‎pero hindi pa rin siya nagbago ‎kahit konti. 566 00:43:50,377 --> 00:43:51,545 ‎Wag kang mag-alala. 567 00:43:52,046 --> 00:43:53,213 ‎Ayos lang ako. 568 00:44:56,151 --> 00:44:58,362 ‎NAISAULO KO NA ANG LAHAT. ‎KUNIN MO KUNG KAILANGAN MO! 569 00:45:23,720 --> 00:45:25,264 ‎Nandiyan ka pala, Pi-o! 570 00:45:25,347 --> 00:45:26,890 ‎Kumusta po kayo, Ms. Han? 571 00:45:27,599 --> 00:45:30,060 ‎Hindi mabuti dahil na-miss kita. 572 00:45:30,561 --> 00:45:33,230 ‎Paborito kong panoorin ‎ang mga performance mo, 573 00:45:33,313 --> 00:45:34,898 ‎pero naging sobrang busy ako ‎kaya hindi ako nakapunta. 574 00:45:36,817 --> 00:45:39,611 ‎Nga pala, bakit parang pagod na pagod ka? 575 00:45:39,695 --> 00:45:40,904 ‎May nangyari ba? 576 00:45:42,030 --> 00:45:43,031 ‎Wala po. 577 00:45:44,491 --> 00:45:46,452 ‎Lumabas na ang album mo. 578 00:45:50,205 --> 00:45:52,124 ‎Ano sa tingin mo? Maganda, di ba? 579 00:45:54,543 --> 00:45:58,255 ‎Dapat siguro tayong magplano ‎ng recital tour para sa paglabas nito. 580 00:45:58,797 --> 00:46:00,591 ‎Saang mga lungsod mo gustong mag-perform? 581 00:46:01,508 --> 00:46:03,760 ‎'Yong mga dati na lang po, siguro. 582 00:46:05,429 --> 00:46:09,016 ‎Iniisip kong magsimula ‎sa Seoul, Incheon, Daejeon, Daegu, Busan, 583 00:46:09,099 --> 00:46:12,019 ‎at Tongyeong. 584 00:46:12,603 --> 00:46:14,396 ‎Ano sa tingin mo? Sobra ba 'yon? 585 00:46:14,480 --> 00:46:15,981 ‎Apat na lungsod na lang kaya? 586 00:46:18,984 --> 00:46:21,069 ‎Hindi, ayos lang po. 587 00:47:31,348 --> 00:47:33,475 ‎REDANOL 588 00:48:46,590 --> 00:48:47,799 ‎Pi-o? 589 00:48:47,883 --> 00:48:48,967 ‎KANG PI-O RECITALS 590 00:48:49,051 --> 00:48:50,093 ‎Kang Pi-o! 591 00:48:50,177 --> 00:48:52,137 ‎NAGKA-ISYU TUNGKOL SA KALUSUGAN NIYA ANG ‎PAGKALIMOT NI KANG SA "GASPARD DE LA NUIT" 592 00:48:52,220 --> 00:48:53,555 ‎Buksan mo ang pinto. 593 00:48:53,639 --> 00:48:55,724 ‎Ilang araw na, at wala ka pang kinakain! 594 00:48:58,226 --> 00:49:00,896 ‎Sobrang busy mo ‎kaya wala ka nang oras para mag-practice. 595 00:49:00,979 --> 00:49:02,773 ‎Medyo pagod ka lang, 'yon lang. 596 00:49:03,482 --> 00:49:04,566 ‎Kapag nakapagpahinga ka na 597 00:49:04,650 --> 00:49:06,276 ‎at nakabalik sa dati mong routine… 598 00:49:11,448 --> 00:49:12,282 ‎Pi… 599 00:49:45,899 --> 00:49:46,733 ‎Pi-o. 600 00:49:48,610 --> 00:49:49,486 ‎Mr. Do. 601 00:49:52,572 --> 00:49:53,657 ‎Kahit sa ganitong kalagayan… 602 00:49:55,701 --> 00:49:56,702 ‎hindi mo pa rin ba ako… 603 00:49:58,245 --> 00:49:59,830 ‎kayang tingnan? 604 00:50:03,583 --> 00:50:05,627 ‎Ang tagal kong naghintay… 605 00:50:08,046 --> 00:50:09,256 ‎pero hindi mo pa rin kaya? 606 00:50:13,218 --> 00:50:14,136 ‎Bakit? 607 00:50:16,471 --> 00:50:19,307 ‎Hindi ka ba komportable sa 'kin ‎dahil sa mama ko? 608 00:50:20,976 --> 00:50:23,353 ‎O dahil hindi ako naging sapat ‎bilang estudyante mo? 609 00:50:23,437 --> 00:50:25,439 ‎Ano ka ba? Hindi sa gano'n. 610 00:50:25,522 --> 00:50:26,398 ‎Hindi. 611 00:50:27,899 --> 00:50:30,318 ‎Sabihin mo lang ang totoo. 612 00:50:31,236 --> 00:50:33,530 ‎Itinuring mo ba talaga ‎ako bilang estudyante mo? 613 00:50:33,613 --> 00:50:35,407 ‎Pi-o, ano ba'ng sinasabi mo? 614 00:50:35,490 --> 00:50:36,742 ‎Matagal ko na talagang gustong… 615 00:50:38,744 --> 00:50:40,495 ‎itanong sa 'yo 'to. 616 00:50:41,496 --> 00:50:44,332 ‎Bakit parehong piyesa ang pinatugtog mo ‎kay Jeong-yo at sa akin? 617 00:50:45,292 --> 00:50:46,168 ‎Ano? 618 00:50:46,251 --> 00:50:48,295 ‎Sinabi ko sa 'yong gusto kong tugtugin ‎ang ikatlong concerto, 619 00:50:48,378 --> 00:50:50,172 ‎kaya bakit mo ako pinatugtog ng ikalawa? 620 00:50:50,255 --> 00:50:52,382 ‎Sinadya mo ba 'yon 621 00:50:52,466 --> 00:50:54,176 ‎para ipakita ang pagkakaiba namin? 622 00:50:54,259 --> 00:50:56,928 ‎Pi-o, mali ang iniisip mo. 623 00:50:58,096 --> 00:51:00,599 ‎Pareho ko kayong inalagaan ni Jeong-yo 624 00:51:01,892 --> 00:51:03,685 ‎bilang mga estudyante ko. 625 00:51:03,769 --> 00:51:06,730 ‎Kung gano'n, bakit ang lupit mo sa 'kin? 626 00:51:07,314 --> 00:51:10,609 ‎Alam mong kailangan ko ang tulong mo, 627 00:51:10,692 --> 00:51:11,651 ‎kaya bakit… 628 00:51:12,861 --> 00:51:15,197 ‎Bakit sa namatay mong ‎estudyante ka lang nakikiramdam? 629 00:51:15,280 --> 00:51:16,531 ‎Hindi totoo 'yan. 630 00:51:19,326 --> 00:51:21,203 ‎Nakikiramdam din ako sa 'yo. 631 00:51:21,286 --> 00:51:22,829 ‎Palagi din kitang inaalala. 632 00:51:24,831 --> 00:51:27,834 ‎Pero wala na akong maituturo sa 'yo… 633 00:51:29,711 --> 00:51:32,923 ‎dahil naging isa kang pianista ‎na may sarili at natatanging identity. 634 00:51:33,757 --> 00:51:35,759 ‎Akala ko ang pinakamabuting gawin 635 00:51:37,010 --> 00:51:38,970 ‎ay umatras at tahimik na suportahan ka. 636 00:51:39,054 --> 00:51:40,555 ‎Hindi totoo 'yan! 637 00:51:41,431 --> 00:51:43,308 ‎Hindi mo ako kailanman nagustuhan! 638 00:51:44,643 --> 00:51:47,521 ‎Sabihin mo na lang na ayaw mong ‎makialam sa estudyanteng gaya ko. 639 00:51:48,021 --> 00:51:50,774 ‎Sabihin mong kaawa-awa ang kakayahan ko ‎at puro palabas lang ang ginagawa ko! 640 00:51:51,399 --> 00:51:54,194 ‎Sabihin mo na lang na ayaw mo sa ‎isang walang-kuwentang estudyante 641 00:51:54,277 --> 00:51:56,530 ‎na walang kaluluwa sa pagtugtog! 642 00:52:23,014 --> 00:52:25,183 ‎HINDI NAGSIMULA SA ENTABLADO ANG PAGGUHO 643 00:52:25,267 --> 00:52:27,602 ‎HINDI MAIIWASAN ANG PAGBAGSAK ‎NG PIANISTANG SI KANG PI-O 644 00:52:36,987 --> 00:52:37,821 ‎Pi-o. 645 00:52:37,904 --> 00:52:39,281 ‎Bumangon ka. 646 00:52:39,364 --> 00:52:41,199 ‎Nandito si Jae-in, kaya bumangon ka. 647 00:52:42,826 --> 00:52:44,244 ‎May bisita ka at ganyan ka pa rin… 648 00:52:58,842 --> 00:52:59,759 ‎Pi-o. 649 00:53:01,177 --> 00:53:02,512 ‎Bumangon ka at umupo sa tabi ko. 650 00:53:12,439 --> 00:53:16,318 ‎Hanggang kailan ka ganito? 651 00:53:16,902 --> 00:53:19,029 ‎Hindi matatapos ang buhay mo ‎dahil lang sa isang masamang performance. 652 00:53:20,071 --> 00:53:23,950 ‎Kung nasa slump ka, kailangan mong ‎humanap ng paraan para makaalis dito. 653 00:53:24,534 --> 00:53:25,535 ‎Pasensya na, 654 00:53:27,037 --> 00:53:28,163 ‎pero iwan mo na lang ako. 655 00:53:29,581 --> 00:53:31,666 ‎Ako na ang bahala sa sarili kong problema. 656 00:53:31,750 --> 00:53:35,837 ‎Bakit hindi ka na lang magbakasyon ‎kaysa manatili sa Korea? 657 00:53:36,755 --> 00:53:39,090 ‎Nahihirapan ka dahil sa lahat ng tsismis 658 00:53:39,174 --> 00:53:40,967 ‎at sa mga taong hinuhusgahan ka. 659 00:53:41,885 --> 00:53:44,638 ‎Kung pupunta ka sa Europe ‎gaya ng matagal mo nang sinasabi 660 00:53:44,721 --> 00:53:46,222 ‎at magpahinga… 661 00:53:48,308 --> 00:53:49,893 ‎Saan ako puwedeng magtago? 662 00:53:51,436 --> 00:53:53,855 ‎Hindi nito mababago ang katotohanang ‎hindi ako makatugtog ng piano, 663 00:53:54,439 --> 00:53:56,149 ‎kaya saan ako dapat magtago? 664 00:54:03,782 --> 00:54:05,200 ‎LEE BO-HUN 665 00:54:08,078 --> 00:54:10,121 ‎Nagha-hallucinate ako 666 00:54:11,498 --> 00:54:12,415 ‎tungkol sa nawawala kong kaibigan. 667 00:54:13,959 --> 00:54:15,919 ‎Akala ko kung maililibing ko na siya, 668 00:54:17,379 --> 00:54:18,672 ‎magiging maayos na ang lahat. 669 00:54:19,547 --> 00:54:21,007 ‎Pero pakiramdam ko, 670 00:54:22,467 --> 00:54:23,843 ‎lubos na akong nilalamon… 671 00:54:25,929 --> 00:54:27,055 ‎ng namatay kong kaibigan. 672 00:54:27,931 --> 00:54:29,057 ‎Posibleng 673 00:54:29,641 --> 00:54:33,395 ‎ganito ang nararamdaman mo dahil ‎hindi ka pa talaga lubusang nagluksa. 674 00:54:33,478 --> 00:54:34,813 ‎Bakit hindi ka 675 00:54:35,313 --> 00:54:38,316 ‎maglaan ng panahon at magluksa? 676 00:54:39,067 --> 00:54:40,402 ‎Ang pagtanggap dito 677 00:54:40,485 --> 00:54:43,029 ‎at pagbitaw ang pinakamabuting gawin. 678 00:58:26,419 --> 00:58:29,297 ‎ESPESYAL NA PASASALAMAT KAY KO CHANG-SEOK ‎PARA SA GUEST APPEARANCE NIYA 679 00:58:49,692 --> 00:58:51,861 ‎FOUR HANDS, TWO SONATAS 680 00:58:51,945 --> 00:58:54,948 ‎Ang nagwagi ngayon ay si Luca Domenico. 681 00:58:55,031 --> 00:58:56,491 ‎Nagbalik na si Choi Jeong-yo. 682 00:58:56,574 --> 00:58:58,076 ‎Ayokong matabunan ng nakaraan ko 683 00:58:58,159 --> 00:59:00,328 ‎ang aking musika. 684 00:59:01,204 --> 00:59:02,705 ‎Makikilala kita kahit saan. 685 00:59:03,957 --> 00:59:05,083 ‎Siguradong si Jeong-yo 'yon. 686 00:59:06,000 --> 00:59:06,834 ‎Choi Jeong-yo! 687 00:59:06,918 --> 00:59:08,253 ‎Pakiusap, hayaan n'yo akong makita siya. 688 00:59:08,336 --> 00:59:10,338 ‎Sabi ni Mr. Domenico, ‎hindi ka niya kilala. 689 00:59:10,838 --> 00:59:12,298 ‎May isa pa akong hiling sa 'yo. 690 00:59:13,967 --> 00:59:17,136 ‎Imbestigahan mo ito nang palihim ‎at siguraduhin mong walang makakaalam. 691 00:59:20,348 --> 00:59:25,353 ‎Nagsalin ng Subtitle: Jessa Ann