1 00:00:06,208 --> 00:00:08,208 {\an8}KASALUKUYAN 2 00:00:23,125 --> 00:00:25,708 May listahan tayong lahat sa mga buhay natin. 3 00:00:25,792 --> 00:00:28,250 Listahan ng mga pangarap at simpleng kaligayahan. 4 00:00:28,333 --> 00:00:32,000 Ang akin, puno ng mga bagong paglalakbay at bagong lugar. 5 00:00:32,083 --> 00:00:36,083 Ako si Preeti, at dinala ako ng isang paglalakbay ko sa Musafir Cafe. 6 00:00:37,000 --> 00:00:38,417 Ano ang Musafir Cafe? 7 00:00:38,500 --> 00:00:41,542 Magtanong kayo, at laging ibang sagot ang maririnig n'yo. 8 00:00:41,625 --> 00:00:45,083 Para sa 'kin, tahanan. Tahanan ko at ni Chander. 9 00:00:47,125 --> 00:00:50,792 Ang maitim at maganda mong mga mata 10 00:00:51,667 --> 00:00:54,042 Nasilayan ang akin sa 'yong pagtingala 11 00:00:54,625 --> 00:00:59,333 Ang pag-ihip ng hangin Ang paggalaw ng mundo 12 00:01:00,125 --> 00:01:01,750 Lahat ay huminto 13 00:01:02,542 --> 00:01:03,792 Uy! Hi! 14 00:01:03,875 --> 00:01:05,792 Teka, sandali lang. 15 00:01:06,500 --> 00:01:08,500 - Hi! - Pupunta kayo mamayang gabi, tama? 16 00:01:08,583 --> 00:01:10,083 Hindi. 17 00:01:10,167 --> 00:01:13,917 Itong si Rajvir kasi, may trek pala sila ng mga kaibigan niya ngayon, 18 00:01:14,000 --> 00:01:16,708 kaya di ako makakapunta sa party mamaya. 19 00:01:16,792 --> 00:01:20,000 Well, may kutob ako na matutuwa ka sa trek na 'to! 20 00:01:20,083 --> 00:01:22,500 - Talaga? - Oo! Enjoy kayong dalawa! 21 00:01:23,000 --> 00:01:24,042 Okay. Bye. 22 00:01:24,125 --> 00:01:25,208 Bye! 23 00:01:27,000 --> 00:01:30,458 O, anong mahika 24 00:01:30,542 --> 00:01:33,125 Ang ginamit mo sa 'kin, sinta? 25 00:01:33,208 --> 00:01:34,750 Mayroon, di ba? 26 00:01:38,875 --> 00:01:43,833 Mga tala'y nahulog sa 'king bubungan Na tila mga talulot ng sampaguita... 27 00:01:43,917 --> 00:01:47,083 Para sa bawat manlalakbay, ang tunay na simula ng paglalakbay 28 00:01:47,167 --> 00:01:49,875 ay pag nahanap na nila ang tunay nilang kapareha. 29 00:01:50,958 --> 00:01:53,250 Minsan, nananatili ang kapareha sa tabi nila. 30 00:01:53,333 --> 00:01:56,208 Minsan, lumilisan matapos kang baguhin nang tuluyan. 31 00:02:06,125 --> 00:02:09,625 O, anong mahika 32 00:02:09,708 --> 00:02:12,292 Ang ginamit mo sa 'kin, sinta? 33 00:02:12,375 --> 00:02:14,250 Mayroon, di ba? 34 00:02:14,333 --> 00:02:17,833 Parang gano'n ang nangyari nang nakilala ko si Chander. 35 00:02:17,917 --> 00:02:21,458 At marahil, gano'n din ang ipinagbago ng buhay niya 36 00:02:21,958 --> 00:02:23,208 nang nakilala si Sudha. 37 00:02:27,833 --> 00:02:29,875 HANGO SA 'MUSAFIR CAFE' NI DIVYA PRAKASH DUBEY 38 00:02:53,292 --> 00:02:56,292 Ma, ihilig n'yo nang konti 'yong phone. Wala kayo sa frame, e. 39 00:02:56,375 --> 00:02:57,792 - Okay na? - 'Yan, kita na kayo. 40 00:02:57,875 --> 00:03:00,083 {\an8}-Nandiyan ka na? - Opo, nandito na 'ko. 41 00:03:00,167 --> 00:03:01,375 {\an8}Maaga, as usual. 42 00:03:01,458 --> 00:03:02,750 {\an8}Maganda diyan sa napili mo? 43 00:03:02,833 --> 00:03:06,333 {\an8}- Siya po'ng pumili. Ang ganda, o. - Ang ganda nga. 44 00:03:06,417 --> 00:03:08,167 {\an8}Ngayon ko lang nalaman 'to. 45 00:03:08,250 --> 00:03:09,875 {\an8}E, paano mo malalaman? 46 00:03:09,958 --> 00:03:12,125 {\an8}-Lagi kang busy sa trabaho! - Ma... 47 00:03:12,708 --> 00:03:15,583 {\an8}- Ibababa ko na ba? - Teka, sandali lang. 48 00:03:16,208 --> 00:03:17,375 {\an8}Thank you. 49 00:03:17,458 --> 00:03:20,208 {\an8}-Alam ko na sa puso mo, gano'n pa rin— - Ma. 50 00:03:21,000 --> 00:03:22,917 Ayan na naman kayo, e. 51 00:03:23,625 --> 00:03:25,125 - Okay, hindi na. - Baba ko na 'to. 52 00:03:25,208 --> 00:03:26,708 Parating na siya. Bye. 53 00:03:31,000 --> 00:03:34,792 8 TAON ANG NAKALIPAS 54 00:03:34,875 --> 00:03:37,083 - Saan galing 'yong kape n'yo? - Sa South, sir. 55 00:03:37,167 --> 00:03:41,167 Okay, saang South? Tamil Nadu? Karnataka? Kerala? Saan mismo? 56 00:03:41,792 --> 00:03:44,833 - Sir, ano po kasi... - Blended ba o single origin? 57 00:03:44,917 --> 00:03:48,792 - Sir... - 'Yong grind, medium ba o medium-fine? 58 00:03:49,583 --> 00:03:50,458 Medium-fine, sir. 59 00:03:50,542 --> 00:03:52,042 Sigurado ako do'n. 60 00:03:52,125 --> 00:03:53,167 - Sigurado ka? - Yes, sir. 61 00:03:53,250 --> 00:03:54,958 Ganito'ng gawin mo, Mohan. 62 00:03:55,042 --> 00:03:56,250 Coffee grounds, 63 00:03:56,333 --> 00:03:59,750 mainit na tubig between 90 at 95 degrees Celsius, 64 00:03:59,833 --> 00:04:03,417 empty pot, at Americano cup. Dalhan mo 'ko no'n. 65 00:04:04,208 --> 00:04:07,583 - Sir, kaya naman ng machine gawin— - Ay, di uubra sa 'kin. 66 00:04:07,667 --> 00:04:11,833 Wag kang mag-alala, babayaran ko lahat, saka bibigyan kita ng tip. 67 00:04:11,917 --> 00:04:13,917 Okay, sir. Dadalhin ko 'yon lahat. 68 00:04:18,000 --> 00:04:20,917 Excuse me! Ano ba'ng iniisip n'yong mga software engineer? 69 00:04:21,000 --> 00:04:23,000 Career na ba'ng pagpunta sa America? 70 00:04:23,083 --> 00:04:25,833 Hindi. Two years lang naman, e. 71 00:04:25,917 --> 00:04:27,750 So, nasa America ka for two years, 72 00:04:27,833 --> 00:04:30,292 tapos, iiwan ko 'yong practice ko para sundan ka? 73 00:04:30,375 --> 00:04:32,583 - Di ko kayang mag-isa. - Di mo kaya? 74 00:04:32,667 --> 00:04:34,750 Isama mo'ng mama mo para maasikaso ka! 75 00:04:34,833 --> 00:04:36,917 Bakit kailangan mo pang magpakasal? 76 00:04:37,542 --> 00:04:39,208 Grabe talaga'ng mga tao! 77 00:04:42,417 --> 00:04:45,917 Hello. Sasabihin ko lang na nandito na 'ko. 78 00:04:46,000 --> 00:04:47,250 Oo, heto na! 79 00:04:48,125 --> 00:04:49,125 Ano 'yang tingin mo? 80 00:04:49,208 --> 00:04:52,417 Aalis ka ba, o kailangan mo rin ng green card para ro'n? 81 00:04:52,500 --> 00:04:55,500 Lalatagan ba kita ng red carpet? Umalis ka na nga! 82 00:05:06,875 --> 00:05:07,792 Hi. 83 00:05:08,542 --> 00:05:09,958 Sorry, pinaghintay kita. 84 00:05:11,042 --> 00:05:12,167 Sudha nga pala. 85 00:05:15,292 --> 00:05:16,833 Ang galing mong magsalita. 86 00:05:17,833 --> 00:05:18,833 Ako si Chander. 87 00:05:19,458 --> 00:05:20,750 Nakikinig ka? 88 00:05:20,833 --> 00:05:23,750 Hindi. Dinig lang talaga kita. 89 00:05:23,833 --> 00:05:25,042 Lahat, dinig ka. 90 00:05:26,917 --> 00:05:28,708 - Maupo na tayo? - Please. 91 00:05:35,333 --> 00:05:37,917 - Isa pa ngang tasa ng tsaa, Mohan. - Sige. 92 00:05:38,000 --> 00:05:39,000 'Yong usual. 93 00:05:44,042 --> 00:05:46,083 Sorry, sandali lang, ha. 94 00:06:03,292 --> 00:06:07,292 Nandito ka para magtimpla ng sarili mong kape? 95 00:06:09,167 --> 00:06:11,042 Medyo maselan ako sa kape ko, e. 96 00:06:12,708 --> 00:06:15,708 Pero ang ganda nitong cafe. Madalas ka ba rito? 97 00:06:15,792 --> 00:06:17,125 Pero di ako nagkakape. 98 00:06:17,208 --> 00:06:18,292 Chai lover ako. 99 00:06:18,375 --> 00:06:19,417 Chai. 100 00:06:20,417 --> 00:06:22,750 Bukod sa Sunday tea ko, 101 00:06:22,833 --> 00:06:26,417 may nakukuha rin akong samples sa matrimonial sites. Libre lang! 102 00:06:29,792 --> 00:06:33,042 Sino'ng gumawa ng profile mo? Mama mo o papa mo? 103 00:06:35,208 --> 00:06:37,208 Excuse me. Ano ba 'yan. 104 00:06:37,292 --> 00:06:38,792 {\an8}NANDIYAN NA? ANO'NG TINGIN MO? 105 00:06:43,625 --> 00:06:45,750 Kung okay lang sa 'yo, may itatanong sana 'ko. 106 00:06:46,917 --> 00:06:49,083 May nakapila pa bang candidate pagkatapos ko? 107 00:06:49,167 --> 00:06:52,917 Kung meron, aalis agad ako. 108 00:06:53,917 --> 00:06:55,667 Para di na kami magkasabay. 109 00:06:56,792 --> 00:06:59,250 So, lawyer ka? 110 00:07:00,000 --> 00:07:00,875 Oo. 111 00:07:02,083 --> 00:07:03,000 Divorce lawyer. 112 00:07:04,667 --> 00:07:06,417 Pero "lawyer" lang madalas. 113 00:07:06,500 --> 00:07:07,750 Para walang matakot. 114 00:07:09,083 --> 00:07:10,750 Pero gusto ko 'yong work ko. 115 00:07:11,917 --> 00:07:14,167 Masayang paghiwalayin 'yong mga tao? 116 00:07:14,958 --> 00:07:15,917 Hindi. 117 00:07:16,625 --> 00:07:17,833 Totoo niyan, 118 00:07:17,917 --> 00:07:21,167 nangyayari 'yong divorce bago pa umabot sa courtroom. 119 00:07:21,250 --> 00:07:22,458 Tumutulong lang kami 120 00:07:23,000 --> 00:07:25,167 sa pagkuha ng official stamp saka... 121 00:07:25,958 --> 00:07:27,792 sa pagse-settle ng accounts. 122 00:07:30,667 --> 00:07:31,625 Ma'am. 123 00:07:32,292 --> 00:07:33,458 Thanks, Mohan. 124 00:07:37,125 --> 00:07:40,583 Nagha-handle ka ng divorce cases, pero gusto mo pa ring ikasal? 125 00:07:42,208 --> 00:07:44,250 Well, tungkol do'n... 126 00:07:46,000 --> 00:07:48,250 Di ako atat magpakasal. 127 00:07:49,042 --> 00:07:52,458 Puro meet up lang para di na guluhin si Mama ng mga kamag-anak namin. 128 00:07:52,542 --> 00:07:55,292 Lagi akong nakakahanap ng dahilan para i-reject sila. 129 00:07:58,208 --> 00:08:00,875 Pag software engineer, i-reject mo na bago mo pa i-meet. 130 00:08:00,958 --> 00:08:03,750 - Software engineer ka rin, di ba? - Dati. 131 00:08:04,500 --> 00:08:05,500 Na-bore ako. 132 00:08:06,125 --> 00:08:08,458 Sa DWD Logistics na 'ko ngayon. 133 00:08:08,542 --> 00:08:10,500 Nagse-set up ng MP operations nila. 134 00:08:11,375 --> 00:08:14,292 - Bakit 'yong trabahong 'yon? - Malayo sa pamilya ko, e. 135 00:08:14,375 --> 00:08:15,625 Taga-Delhi kasi ako. 136 00:08:16,250 --> 00:08:17,833 At malayo rin sa ex mo. 137 00:08:20,250 --> 00:08:22,625 - Hindi. - Hindi? 138 00:08:23,125 --> 00:08:25,167 Hindi, walang gano'n. 139 00:08:25,833 --> 00:08:27,292 Assumption mo lang 'yon. 140 00:08:28,458 --> 00:08:30,875 Isang maliit na advantage lang ng pagiging lawyer. 141 00:08:30,958 --> 00:08:33,625 Nakakabasa ako ng mukha ng tao. 142 00:08:34,917 --> 00:08:36,958 Di ka ba nabo-bore sa logistics? 143 00:08:38,500 --> 00:08:41,000 Kompara sa mismong buhay ko, di masyado. 144 00:08:46,250 --> 00:08:49,750 So, ano pa'ng ibang gagawin mo ngayong Linggo? 145 00:08:49,833 --> 00:08:53,583 Plano ko lang i-meet ka, tapos, manood ng sine. 146 00:08:53,667 --> 00:08:55,792 Ang daming puwedeng gawin sa Bhopal, 147 00:08:56,333 --> 00:08:59,333 tapos, uupo ka sa dilim para manood ng kuwento ng iba? 148 00:09:00,625 --> 00:09:03,083 Okay, sige, ano'ng mare-recommend mo? 149 00:09:03,667 --> 00:09:07,458 Bisitahin mo 'yong Manav Sangrahalaya. Maglakad ka sa Van Vihar. 150 00:09:07,542 --> 00:09:12,000 O kaya pinakamaganda, uminom ka ng malamig na lemon soda sa may lawa. 151 00:09:12,083 --> 00:09:14,083 Damhin mo ang puso ng Bhopal. 152 00:09:47,750 --> 00:09:49,458 - Tara? - Saan? 153 00:09:49,958 --> 00:09:53,000 Ikaw 'tong nagsabi na maraming puwedeng gawin sa Bhopal. 154 00:09:56,750 --> 00:09:58,625 Bakit ka umalis sa America? 155 00:09:58,708 --> 00:09:59,917 Hindi na 'ko masaya. 156 00:10:00,875 --> 00:10:04,917 Kahit ang daming tao, pakiramdam mo pa rin na mag-isa ka. 157 00:10:07,167 --> 00:10:09,625 May mga naging kaibigan ako sa university. 158 00:10:10,375 --> 00:10:13,958 Medyo nakilala ko'ng sarili ko, 'yong iba, oras na'ng nagturo. 159 00:10:15,167 --> 00:10:17,667 Ano 'yong isang bagay na natutuhan mo ro'n? 160 00:10:22,500 --> 00:10:27,500 Kahit ano'ng mangyari sa buhay, wag mong kakalimutan ang pinagmulan mo. 161 00:10:28,500 --> 00:10:30,458 - At... - At? 162 00:10:33,042 --> 00:10:37,250 At kahit gaano kaganda 'yong cafe, ikaw pa rin ang magtimpla ng kape mo. 163 00:10:39,417 --> 00:10:41,375 Pag na-bore ka na sa logistics, 164 00:10:41,458 --> 00:10:43,917 magtayo ka ng sarili mong cafe. 165 00:10:52,042 --> 00:10:54,583 Bumibisita si Mama from Ratlam once every two months. 166 00:10:54,667 --> 00:10:58,167 Hindi ko lang roommate si Gargi. Para na rin siyang undercover reporter. 167 00:10:58,250 --> 00:10:59,333 Ibig sabihin? 168 00:10:59,417 --> 00:11:01,167 Spy siya ni Mama. 169 00:11:04,167 --> 00:11:08,417 By the way, magaling 'yong strategy mo sa pag-extend nitong date. 170 00:11:08,500 --> 00:11:11,542 Thank you. Pero di 'yon strategy. 171 00:11:11,625 --> 00:11:12,542 - Hindi? - Hindi. 172 00:11:12,625 --> 00:11:14,583 Sinunod ko lang 'yong intuition ko. 173 00:11:14,667 --> 00:11:16,083 Well, cheers. 174 00:11:16,625 --> 00:11:17,708 Cheers. 175 00:11:26,042 --> 00:11:26,917 Shit. 176 00:11:27,000 --> 00:11:30,125 Chander, kailangan kong bumalik sa cafe. 177 00:11:30,208 --> 00:11:32,708 Bakit? Ano'ng nangyari? May nakalimutan ka ba? 178 00:11:32,792 --> 00:11:34,417 Candidate number three! 179 00:11:34,500 --> 00:11:35,625 - Ano? - Chander. 180 00:11:35,708 --> 00:11:38,000 Gumawa ka ng dahilan para i-reject ako, okay? 181 00:11:38,083 --> 00:11:39,250 - Uy! - Thank you. 182 00:11:39,333 --> 00:11:40,208 Bakit ako? 183 00:11:41,000 --> 00:11:45,583 Pag babae 'yong nang-reject sa lalaki, mas dinadamdam ng nanay nila, di ba? 184 00:11:45,667 --> 00:11:46,542 Uy! 185 00:11:48,333 --> 00:11:49,667 Ikaw ba, ano ka? 186 00:12:09,333 --> 00:12:10,875 - Hi. - Hello. 187 00:12:23,000 --> 00:12:25,417 Gusto mong malaman 'yong sinulat ko sa promise note? 188 00:12:25,500 --> 00:12:26,375 Sige. 189 00:12:27,625 --> 00:12:29,042 Di mo kailangang sabihin. 190 00:12:29,125 --> 00:12:31,792 Pero kung gusto mo pa rin, walang ibang makakaalam. 191 00:12:33,417 --> 00:12:37,833 "Anumang mangyari, ngayong taon, magiging matapang at susugal ako." 192 00:12:38,458 --> 00:12:41,167 First note ko 'yon sa promise wall. 193 00:12:41,250 --> 00:12:43,167 Sigurado akong di 'yon ang huli. 194 00:12:44,542 --> 00:12:48,583 {\an8}Bawat manlalakbay ay kailangan ng lugar kung saan puwedeng panandaliang huminto, 195 00:12:48,667 --> 00:12:51,542 kung saan maaalala nila ang mga pangako sa sarili. 196 00:12:51,625 --> 00:12:54,542 Sa maraming manlalakbay, ang Musafir Cafe 'yon. 197 00:12:54,625 --> 00:12:58,750 Siguro kaya dala-dala nila ang bahagi nito sa kanilang pag-alis, 198 00:12:59,333 --> 00:13:01,542 habang nag-iiwan ng bahagi nila rito. 199 00:13:02,417 --> 00:13:03,375 Uy. 200 00:13:04,208 --> 00:13:05,625 Uy! Hi! 201 00:13:08,833 --> 00:13:09,833 Hi. 202 00:13:10,458 --> 00:13:12,625 May nakita 'ko sa Mall Road kahapon. 203 00:13:12,708 --> 00:13:15,792 At... naisip kong sakto sa 'yo. 204 00:13:16,417 --> 00:13:18,208 - Rahil. - Hindi, wala 'to. 205 00:13:18,292 --> 00:13:20,458 Pero buksan mo lang 206 00:13:21,333 --> 00:13:22,292 pag handa ka na. 207 00:13:23,042 --> 00:13:24,375 Pag handa na 'ko saan? 208 00:13:24,917 --> 00:13:30,667 Pag handa ka nang makita'ng sarili mo sa mga mata ko. 209 00:13:31,292 --> 00:13:32,167 Rahil. 210 00:13:32,667 --> 00:13:34,417 Seryoso. Sige, aalis na 'ko. 211 00:14:02,708 --> 00:14:04,250 Preeti Kaushik's special sourdough 212 00:14:04,333 --> 00:14:07,000 - with poached eggs and avocado— - Ano ba, ha? Halika nga! 213 00:14:07,083 --> 00:14:09,208 - Uy, ano'ng nangyari? - Halika rito. 214 00:14:09,292 --> 00:14:10,250 Ano'ng nangyari? 215 00:14:10,333 --> 00:14:12,042 Inii-spoil mo 'ko. 216 00:14:12,125 --> 00:14:14,667 Iisipin ng regular customers na 'yong may-ari ng cafe, 217 00:14:14,750 --> 00:14:16,750 ako lang ang binibigyan ng pansin! 218 00:14:18,417 --> 00:14:21,542 Alam na ng lahat ng tao na ikaw ang dahilan 219 00:14:22,250 --> 00:14:25,000 kung bakit napaka-special ng cafe na 'to. 220 00:14:27,333 --> 00:14:28,625 Halika nga rito. 221 00:14:59,417 --> 00:15:01,750 "Ilang araw ko nang pinanonood ang isang babaeng 222 00:15:01,833 --> 00:15:05,250 {\an8}"nalilimutan ang sarili habang inaalala ang puso ng iba 223 00:15:06,708 --> 00:15:09,167 "Para sa kaniya itong munting regalo 224 00:15:09,250 --> 00:15:14,625 "nang sa saglit niyang paghinto ay makita rin niya ang sarili niya." 225 00:15:17,083 --> 00:15:19,458 Pag nakilala natin ang tamang tao sa maling oras, 226 00:15:19,542 --> 00:15:21,708 madalas nating isisi sa pagkakataon. 227 00:15:22,333 --> 00:15:24,750 Pero marahil di tungkol sa pagkakataon ang tanong, 228 00:15:24,833 --> 00:15:26,167 kundi sa tama ba tayo 229 00:15:26,250 --> 00:15:28,167 para sa sarili natin sa oras na 'yon. 230 00:15:30,875 --> 00:15:32,750 Ang tahimik mo diyan. 231 00:15:32,833 --> 00:15:34,792 So, ano'ng hobbies mo? 232 00:15:34,875 --> 00:15:38,250 Ang dapat mo lang malaman sa 'kin, 233 00:15:38,333 --> 00:15:40,125 ayaw na ayaw ko sa trabaho ko. 234 00:15:40,792 --> 00:15:42,625 Boring 'yong logistics. 235 00:15:42,708 --> 00:15:46,333 Pero ang sabi ng mama ko, engineer ka raw. 236 00:15:46,958 --> 00:15:49,292 - Oo, noon, sa America. - America! 237 00:15:49,958 --> 00:15:53,375 Totoo niyan, gusto ko talagang mag-settle sa America! 238 00:15:53,458 --> 00:15:57,667 Puwede tayong mag-settle do'n pagkatapos nating ikasal, tama? 239 00:15:58,417 --> 00:15:59,292 Hindi. 240 00:16:00,417 --> 00:16:02,542 Bakit? Ayaw mo ro'n? 241 00:16:03,292 --> 00:16:04,292 Ayoko. 242 00:16:04,375 --> 00:16:06,083 - Ano'ng— - Uy. 243 00:16:06,167 --> 00:16:07,958 - Sudha? - May sasabihin ako sa 'yo. 244 00:16:08,042 --> 00:16:11,792 Malaking gago 'tong lalaking kasama mo. 245 00:16:11,875 --> 00:16:14,750 - Ay, hindi. Hindi naman— - Wag kang paloko sa itsura niya. 246 00:16:14,833 --> 00:16:16,292 Sex addict siya. 247 00:16:16,375 --> 00:16:17,292 - Seryoso? - Oo. 248 00:16:17,375 --> 00:16:18,250 Ano? 249 00:16:18,333 --> 00:16:20,833 Tatlong bagay lang ang gusto niya sa babae. 250 00:16:21,458 --> 00:16:24,250 Libog, libog, at libog. 251 00:16:24,333 --> 00:16:26,417 - Hindi, nagbibiro lang siya. - Nagbibiro? 252 00:16:26,500 --> 00:16:28,125 - Hindi... - At naging biro pa ako? 253 00:16:28,208 --> 00:16:29,792 - Sige, ano pa? - Alam mo, 254 00:16:29,875 --> 00:16:32,958 dalawang beses na 'kong muntik maging ina ng anak niya. 255 00:16:33,042 --> 00:16:36,750 - Ano? - Ang magagawa ko lang, balaan ka. 256 00:16:37,292 --> 00:16:40,958 Pero sa huli, buhay mo 'yan at desisyon mo. Anumang desisyon mo— 257 00:16:43,125 --> 00:16:44,458 - Nakakasuka! - Hindi. 258 00:16:44,542 --> 00:16:45,417 Kadiri! 259 00:16:47,292 --> 00:16:49,167 Boring pala, ha! 260 00:16:50,500 --> 00:16:51,750 Mama! 261 00:16:52,750 --> 00:16:53,875 Wala na siya. 262 00:16:55,708 --> 00:16:57,542 Siraulo ka rin e, Sudha! 263 00:16:58,333 --> 00:17:00,917 Ganito kasi, Chander Mohan Sharma. 264 00:17:01,667 --> 00:17:06,333 Di mo matatagalan 'tong mundong 'to kung masyado kang matino. 265 00:17:07,750 --> 00:17:11,333 Best friend ng tita ko 'yong mama niya. 266 00:17:11,958 --> 00:17:12,875 Ay. 267 00:17:13,917 --> 00:17:15,792 Pero ire-reject mo siya, di ba? 268 00:17:16,500 --> 00:17:18,375 Sabihin mo na lang sa tita mo. 269 00:17:19,625 --> 00:17:21,375 Kumusta 'yong acting ko? 270 00:17:21,458 --> 00:17:22,708 Ang sagwa. 271 00:17:32,667 --> 00:17:33,958 Ano ba 'yan... 272 00:17:37,292 --> 00:17:40,083 Sudha, hinihintay ka niya. 273 00:17:40,167 --> 00:17:42,792 Si Kushal 'to! Tumatawag ako! 274 00:17:42,875 --> 00:17:43,917 Hi. 275 00:17:48,125 --> 00:17:49,208 Bye. 276 00:17:53,875 --> 00:17:56,833 Kailangan kong sabihin sa kawawang si Kushal Pandit 277 00:17:57,333 --> 00:18:00,042 na ama ka ng mga magiging anak ko. 278 00:18:05,292 --> 00:18:07,125 Gusto mong manood ng play bukas? 279 00:18:08,417 --> 00:18:10,208 - Monday bukas. - So? 280 00:18:11,167 --> 00:18:13,167 Tinitipid mo ba'ng buhay mo pag Monday? 281 00:18:16,250 --> 00:18:17,250 Bye. 282 00:19:05,333 --> 00:19:06,292 Hi. 283 00:19:07,208 --> 00:19:08,083 Wow. 284 00:19:10,500 --> 00:19:12,667 I mean, masyado kang... 285 00:19:13,708 --> 00:19:14,875 Masyadong...? 286 00:19:18,167 --> 00:19:19,792 Masyado kang on time. 287 00:19:22,708 --> 00:19:26,292 Ano, nood na tayo ng kuwento ng iba sa dilim? 288 00:19:29,125 --> 00:19:30,167 Tara. 289 00:19:31,042 --> 00:19:32,083 Tara. 290 00:19:34,167 --> 00:19:38,125 {\an8}So, noon, mula Delhi papunta kina Lolo't Lola, 291 00:19:38,208 --> 00:19:39,375 tapos, deretso uwi. 292 00:19:40,000 --> 00:19:41,333 Hindi namin 'to nakita. 293 00:19:43,333 --> 00:19:45,708 Nakakatawa, na no'ng mga bata pa tayo, 294 00:19:45,792 --> 00:19:48,583 ang saya-saya na natin sa mga simpleng routine. 295 00:19:51,333 --> 00:19:55,083 Anyway, namatay si Lola 20 years ago. 296 00:19:55,167 --> 00:19:57,167 Pagkatapos no'n, wala na 'yong bahay niya. 297 00:19:57,250 --> 00:19:59,708 Unti-unti, tumigil na kami sa pagpunta rito. 298 00:20:01,125 --> 00:20:03,625 Kuha ko na kung bakit pinili mo'ng Bhopal. 299 00:20:05,125 --> 00:20:06,125 Bakit? 300 00:20:07,292 --> 00:20:11,208 "Kahit ano'ng mangyari sa buhay, wag mong kakalimutan ang pinagmulan mo." 301 00:20:13,750 --> 00:20:15,458 Totoo 'yon. 302 00:20:18,167 --> 00:20:20,083 Gustong-gusto mo'ng Bhopal, 'no? 303 00:20:20,750 --> 00:20:22,083 Gusto mong mag-settle dito? 304 00:20:22,167 --> 00:20:23,083 Ayoko. 305 00:20:23,833 --> 00:20:24,833 E, saan? 306 00:20:26,625 --> 00:20:29,583 - Nakapunta ka na sa Bombay? - Sa Mumbai, oo. 307 00:20:31,375 --> 00:20:35,875 So, no'ng namatay 'yong papa ko, nasa 10th grade ako. 308 00:20:37,333 --> 00:20:40,167 Lawyer siya dito sa Bhopal District Court. 309 00:20:40,250 --> 00:20:42,667 Bombay High Court 'yong pangarap niya. 310 00:20:43,958 --> 00:20:45,542 At ngayon, pangarap mo na rin. 311 00:20:46,250 --> 00:20:48,000 Mas mataas nang konti do'n. 312 00:20:48,083 --> 00:20:50,250 Magtatayo ako ng sarili kong law firm. 313 00:20:50,333 --> 00:20:51,375 Sa Mumbai! 314 00:20:52,667 --> 00:20:56,000 Ibibigay ko kay Mama ang kaligayahang hindi niya naranasan. 315 00:20:58,000 --> 00:21:00,667 Alam mo, nangako sa 'min si Papa 316 00:21:01,417 --> 00:21:03,708 na magkakaroon kami ng sariling bahay. 317 00:21:03,792 --> 00:21:05,250 Malayo sa Ratlam, 318 00:21:05,833 --> 00:21:07,917 malayo sa problema sa mga kamag-anak, 319 00:21:08,875 --> 00:21:10,833 'yong kami lang tatlo. 320 00:21:11,625 --> 00:21:13,083 Tapos, namatay na siya. 321 00:21:14,167 --> 00:21:16,542 Tapos, sa 'kin na lang tumutok si Mama. 322 00:21:18,125 --> 00:21:19,708 Pinag-aral niya 'ko, 323 00:21:20,417 --> 00:21:23,458 binigyan ng lakas ng loob para maging independent. 324 00:21:23,542 --> 00:21:25,708 Sigurado akong mabuti siyang tao. 325 00:21:28,375 --> 00:21:30,875 Oo. Gano'n na nga. 326 00:21:30,958 --> 00:21:32,542 Nakikita ko nga. 327 00:21:35,833 --> 00:21:40,000 So ayun, ngayon, tutuparin ko 'yong mga pangarap ko at ni Mama. 328 00:21:41,750 --> 00:21:46,708 Anyway, di naman inaasahan ng lipunan ang mga babae na mag-aruga ng nanay nila. 329 00:21:49,083 --> 00:21:51,042 Binibigyan lang kami ng permiso, tama? 330 00:21:52,458 --> 00:21:53,583 Aray. 331 00:21:54,583 --> 00:21:56,708 Kaya sa ngayon, 332 00:21:57,542 --> 00:22:01,000 ni wala akong oras 333 00:22:01,083 --> 00:22:04,042 - o interes na ikasal, saka— - Naiintindihan ko. 334 00:22:20,667 --> 00:22:21,792 Wow. 335 00:22:26,708 --> 00:22:29,208 Salamat sa isang Monday na di malilimutan. 336 00:22:35,208 --> 00:22:36,542 Makinig ka, Chander. 337 00:22:37,167 --> 00:22:39,333 Kung lagi tayong magkikita, maiinlove ka. 338 00:22:40,833 --> 00:22:42,500 Siguro, ako rin. 339 00:22:44,333 --> 00:22:46,917 At kung lagi mo 'kong makikita, 340 00:22:47,458 --> 00:22:49,167 paano ka lalagay sa tahimik? 341 00:22:53,375 --> 00:22:54,375 Ano? 342 00:22:54,458 --> 00:22:57,583 Madam, saan ka na napunta? 343 00:22:58,333 --> 00:22:59,333 Sa lugar... 344 00:23:00,625 --> 00:23:02,958 na mukhang di ko dapat puntahan. 345 00:23:06,083 --> 00:23:07,375 Okay. 346 00:23:08,833 --> 00:23:12,583 Kung gano'n... di natin pupuntahan 'yon. 347 00:23:14,250 --> 00:23:15,667 Promise. 348 00:23:34,583 --> 00:23:35,667 Uy! 349 00:24:05,125 --> 00:24:06,542 Lumipas na 'yong moment. 350 00:24:27,583 --> 00:24:28,583 Hello? 351 00:24:30,583 --> 00:24:31,625 Sudha? 352 00:24:35,667 --> 00:24:36,917 Ganitong oras? 353 00:24:38,917 --> 00:24:39,833 Ngayon na? 354 00:24:41,542 --> 00:24:43,500 Hindi, pupunta 'ko. Pupunta 'ko. 355 00:24:59,958 --> 00:25:01,500 {\an8}NAKAALIS KA NA BA? 356 00:25:21,208 --> 00:25:22,167 Uy! 357 00:25:23,417 --> 00:25:25,167 Ano'ng nangyari? Akala ko— 358 00:25:25,250 --> 00:25:26,708 Galit ako kay Gargi! 359 00:25:34,250 --> 00:25:36,708 Kuya, puwedeng patulong? 360 00:25:36,792 --> 00:25:37,667 Sige. 361 00:25:38,583 --> 00:25:40,500 - Itong isa. - Ano'ng pinag-awayan n'yo? 362 00:25:40,583 --> 00:25:42,667 Ang cliché naman ng tanong mo! 363 00:25:43,208 --> 00:25:45,083 Kailangan ba ng dahilan para mag-away? 364 00:25:45,167 --> 00:25:47,708 Pero malamang may nangyari. 365 00:25:50,417 --> 00:25:52,708 Ilang araw na 'yong cold war namin. 366 00:25:53,583 --> 00:25:56,375 Ngayon, sumobra na 'yong murahan... 367 00:25:56,458 --> 00:25:57,667 Murahan? 368 00:26:00,583 --> 00:26:02,000 Bakit ka tumatawa, Kuya? 369 00:26:02,500 --> 00:26:03,458 Tara na. 370 00:26:06,458 --> 00:26:07,375 Tara ba! 371 00:26:11,125 --> 00:26:12,708 Saan tayo pupunta? 372 00:26:12,792 --> 00:26:15,125 Kung saan ka nanggaling. Sa bahay niya. 373 00:26:17,000 --> 00:26:18,000 Okay. 374 00:26:19,583 --> 00:26:22,042 May pelikula bang nagpe-play rito? Patayin mo! 375 00:26:23,708 --> 00:26:24,792 Okay. 376 00:29:10,125 --> 00:29:12,125 Nagsalin ng Subtitle: Nikka Flores